You are on page 1of 3

PONOLOHIKAL NA PAGHAHAMBING SA WIKANG CEBUANO AT WIKANG

HILIGAYNON
1.0 Introduksyon
Ang ponolohiya ay isang sangay ng lingguwistiks na ginagamit sa pag-aaydentifay at pag-
analisa sa mga pattern at organisasyon ng mga speech sounds ng isang wika. Ito ay ang pag-aaral
sa mga tunog na nauukol sa sistema ng wika (Trubetzkoy, 1939, sipi ni Bautista, 2012). Sa
pamamagitan nito, maaaring masuri kung paano umuunlad at pinagsasama-sama ang mga tunog
upang makabuo ng mga salita at naipapaliwanag kung bakit mahalagang kilalanin ang mga fonim
bilang ito ang bumubuo sa mga salita. Sa katunayan, sinabi ni Bautista (2012) na mahalagang
sangkap ang ponolohiya sa pag-aaral ng pagbibigay-kahulugan sa wika. Nagsisilbi rin umano itong
basehan upang madetermina ang palabaybayan ng isang wika.
Ang ponolohiya ay pundamental sa linggwistiks. Ang klasipikasyon at imbentaryo ng
tunog ay sentral upang bigyang-liwanag ang morpolohiya, sintaks, semantiks, at pragmatiks
(Seidenberg, 1992, sipi ni Bautista, 2012). Masasabing mahalaga bahagi ng wika ang ponolohiya
dahil na rin sa nakasaad sa Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos na ang ortograpiya at
ponolohiya ay hindi maaaring maipaghihiwalay sapagkat ang dalawang ito ay sadyang
magkatuwang at magkapunuan sa mga pangangailangan ng mabuti at tumpak na pagbasa at
pagsulat. Naniniwala ako sa pahayag ni Bautista (2012) na mahalagang madetermina ang esenya
ng ortograpiya at ponolohiya sa pagdaan ng linggwistikong debelopment sapagkat bahagi ng
pagpapaunlad ng wika ang kodipikasyon nito. Ito ay dahil na rin sa ang mga kaalaman kaugnay
nito ay maaaring gamitin bilang sandigan sa pag-aaral sa mas malaking bahagi pa ng wika. . Ayon
pa nga kay Santos, ang palatitikan at palabigkasan ay mahalaga dahil sa ang kakapusan ng pang-
unawa rito ay magreresulta ng di-gaanong lubos na pagkatuto sa morpolohiya at sintaks.
Kaugnay nito, ang papel na ito ay isang pagtatangka sa paghahambing sa ponolohiya ng
wikang Cebuano at wikang Hiligaynon. Magsisilbing batayan sa pagsusuri ng ponolohiya ng
dalawang wika ang unibersal na tuntunin ng pag-aaydentifay sa mga tunog. Susuriin at
ipapaliwanag hindi lamang ang mga fonim ng dalawang wika kung hindi pati na rin ang fonoloji
partikular na ang mga kaso ng segmental, suprasegmental, fonotaktiks, at klaster.
Napili ang dalawang wikang ito dahil sa hindi sila naiiba sa isa’t isa. Ito ay dahil na nga rin sa
parehong ginagamit ang dalawang wika sa Sentral na Visayas at mayroong mga termino o mga
salita na parehong makikita sa dalawang wika.
1.1 Layunin ng Pag-aaral
Ang papel na ito ay naglalayong makapagbigay ng isang komprehensiv na pagsusuri at
analisis sa ponolohiya ng wikang Cebuano at wikang Hiligaynon. Ito ay upang matalakay ang mga
fonim na makikita sa dalawang wika at makagawa ng fonetik tsart mula rito. Layunin din nito na
mapresenta ang pagkakaiba at pagkakatulad sa ponolohiya wikang Cebuano at wikang Hiligaynon.
Ilalahad din sa papel na ito ang segmental, suprasegmental, fonotaktiks at kaso ng klaster ng
dalawang wika.

1.2 Metodolohiya
Deskriptibo ang pamamaraan sa paghahayag ng mga datos sa pagsusuring ito. Napili ito
ng mananaliksik upang makagamit ng talatanungan o eliciting material at magkaroon ng
pagkakataong makapanayam ang mga informant ng pag-aaral upang mas maging malawak at
masinsinan ang pagsusuri ng mga datos.

1.2.1 Pangongolekta ng Datos


Sa pangangalap ng mga datos, pagbabatayan ng mananaliksik ang isang eliciting material
mula sa Swadesh List na ginawa ni Morris Swadesh. Naglalaman ang eliciting material na ito ng
dalawang daan (200) na mga salita at isang daan at limampu (150) mula nito ang isinalin ng
mananaliksik sa Filipino at ipinasa sa mga informant. Ang mga salita mula sa listahan ay
ipinagbigkas sa pamamagitan ng voice record ng Facebook Messenger gamit ang unang wika (L1)
ng mga informant at pagkatapos ay ito ay tinranskrayb gamit ang Filipino transkripsyon.

1.2.2 Informant
Napili ng mananaliksik bilang informant sa ginawang pagsusuri ang dalawang indibidwal
na ginagamit ang wikang Cebuano at wikang Hiligaynon bilang unang wika (L1). Ang informant
para sa wikang Cebuano ay isang indibidwal mula sa Lungsod ng Iligan at nag-aaral sa Mindanao
State University – Iligan Institute of Technology. Wikang Cebuano ang kanyang ginagamit sa
araw-araw na pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan. Masasabing siya ay isang native speaker
ng wikang ito dahil sa ito rin ang wikang kaniyang kinalakihan at wikang patuloy na ginagamit sa
kanilang bahay. Ang informant naman para sa wikang Hiligaynon ay mula sa Purok Sampaguita,
Little Baguio, Surallah, South Cotabato. Katulad ng informant para sa wikang Cebuano, siya ay
native speaker din ng wikang Hiligaynon at kasalukuyang nag-aaral sa University of Southeastern
Philippines sa Davao City, Davao del Sur.

You might also like