You are on page 1of 4

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAGAARAL

PANIMULA

Ang pagsulat ng salita ay nagbibigay daan upang magkaroon ng pagkakaisa at pagkakaintindihan

ang bawat mamayan sa pamamagitan ng pagbabasa at hindi pagbuka ng bibig, nagbibigay tulong rin ito

upang mapaunlad ang ibat ibang aspeto ng isang bansa. Ang pagsulat ng salita ay mahalaga sa larangan

ng wika sapagkat hindi sa lahat ng pagkakataon ay kinakailangan nating bigkasin ang nais nating sabihin.

Ito rin ang nagbibigay buhay kung bakit meroong mga tula, sanaysay at mga panitikan na patuloy paring

tinatangkilik sa makabagong panahon na madalas nating nakikita sa mga pahayagan, komiks at maging sa

social media.

Sa patuloy na paglipas ng panahon, sa patuloy na pagsabay sa rumaragasang agos ng pagbabago

unti unti ng nakakaligtaan ng mga kabataan ang tamang pagsulat ng mga salita. Karaniwang problema sa

pagsulat ng salita ay ang paggamit ng gitling. Gitling ang ginagamit upang magbigay ng bagong

kahulugan sa isang salita. Madalas nagkakaproblema sa paggamit ng gitling sapagkat hindi masyadong

alam ng mga kabataan ang mga alituntunin sa paggamit nito. Isa pang dahilan kung bakit hindi

nagagamit ng maayos ang gitling ay sa kadahilanang hindi na madalas nagsusulat ang mga kabataan sa

panahon ngayon, kung nagsusulat man ay hindi na nila napanpansin kung tama ba ang gamit nila ng

gitling.

Kung susumahin halos kakaunti na lamang ang may alam sa tamang paggamit ng gitling. Ngunit

kung ipagpapatuloy natin ang pagaaral tungkol sa mga alitutunin sa paggamit nito, malalaman natin na

ang pagsulat ng salita pala ay makabuluhan at dapat pinagiisipan.


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pagaaral na ito ay ginawa upang matulungan ang mga magaaral na nasa ikalabing isang

baitang sa seksyon ng Stem-1A ng Mataas na Integradong Paaralan ng Luis Palad taong panuruan

2017-2018 sa tamang paggamit ng gitling sa pagsulat ng salita. Sila ay tinanong ng mga sumusunod na

katanungan.

1. Madalas mo bang nakikita ang gitling sa ilang mga salita?

2. Alam mo ba kung kailan naglalagay ng gitling sa isang salita?

3. Ilang alituntunin sa paggammit ng gitling ang alam mo?

IPOTESIS

Ang pagaaral na ito ay naglalayong imbestagahan ang ipotesis na mayroong kaugnayan ang di

madalas na pagsusulat ng magaaral na nasa ikalabing isang baitang sa seksyon ng Stem-1A ng Mataas

na Integradong Paaralan ng Luis Palad sa tamang paggamit ng gitling sa mga piling salita.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang layunin ng pagaaral ay upang malaman ang mga alituntunin sa tamang paggamit ng gitling

sa mga piling salita. Sa tuntunin ng paggamit ng gitling at pagaaral ay may mga limitasyon lang na dapat

isaalang alang. Ang dahilan nito ay upang mapanitili ang kaayusan ng pagaaral ukol dito. Ginawa ang

pagaaral na ito upang malaman ang pananaw ng mga magaaral na nasa ikalabing isang baitang sa seksyon

ng Stem-1A ng Mataas na Integradong Paaralan ng Luis Palad taong panuruan 2017-2018. Ang

pagtitipon ng mga impormasyon at iba pang mga kinakailangan g impormasyon ay ginawa sa Seksyon

ng Grado 11 sa seksyon ng Stem-1A ng Mataas na Integradong Paaralan ng Luis Palad taong panuruan

2017-2018.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAGAARAL AT LITERATURA

PANGKAISIPANG BALANGKAS

PARADIMO NG PAGAARAL
KABANATA III
METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay ipinrisinta ang paraan ng pananaliksik, mga pokus ng pagaaral, mga

instrumentong pananaliksik at tritment ng mga datos.

DISENYO NG PANANALIKSIK

PARAAN NG PANANALIKSIK

MGA POKUS NG PAGAARAL

MGA INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

TRITMENT NG MGA DATOS

You might also like