You are on page 1of 3

MASUSING-BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan, inaasahan mula sa mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

a. Natutukoy ang mga aral na mapupulot sa kwento;


b. Nakikilala ang iba’t ibang papel na ginagampanan ng mga tauhan; at
c. Nailalahad ang sariling ideya at katwiran sa pamamagitan ng paggawa ng
sariling waks ng kwento.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Impeng Negro ni Rogelio Sikat
Sanggunian: E-book from Google books
Kagamitan: Powerpoint Presentation, kagamitan sa pagguhit

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

Panalangin

Bago tayo magsimula, humingi muna tayo ng


basbas mula sa taas upang maging
matagumpay ang ating talakayan.

Sino ang nais manguna sa panalangin?


Mike: Ako na po, Sir.

“Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng Espiritu


santo. Diyos na makapangyarihan sa lahat,
nawa’y gabayan po ninyo ang bawat isa sa amin
sa gagawin naming pag-aaral. Bigyan po ninyo
sana kami ng sapat na katalinuhan upang
maintindihan po namin ang aralin. Gayon din po
sa aming guro, nawa’y bigyan po ninyo siya ng
lakas upang maihatid niya sa amin nang maayos
ang kaalaman. Lahat po ng ito ay aming
idinadalangin sa Inyo. Amen.”
Maraming salamat, Mike.

Pagsasaayos ng silid-aralan

Sigurahin ninyong malinis ang inyong


kinauupuan bago kayo magsi-upo. Pulutin ang
mga maliit na duming makikita n’yo sa inyong
paligid. (mas malambot)

Pagtala ng lumiban sa klase


Binibining Suzie, maaari ko bang malaman kung
sino ang lumiban sa ating klase ngayon? Suzie: Kumpleto po kaming lahat, Sir.

Pagbabalik-aral
(iwasan ang pagssabi ng part)
Ngayon ay dadako na tayo sa panibagong
kwento. Ngunit bago ang lahat, tayo ay
magbalik-aral muna.

Ano ang pamagat ng kwentong ating tinalakay


Lucas: Walang Sugat po, Sir.
noong nakaraang biyernes?

Magaling! Sino naman ang may-akda ng Billy: Ang gumawa po ng kwento ay si Severino
kwentong ito? Reyes po.

Mahusay!

Bigyan n’yo naman ako ng buod ng kwento. Max: Ako po, Sir. Susubukan ko po.
Sino ang maaaring makapagbigay ng buod?

Sige, Max. Umpisahan mo na.


Max: “Ito po ay kwento ng dalawang
magkasintahan na sina Julia at Tenyong. Ang
dalawa ay nakaranas ng pagsubok na siyang
dahilan ng pagkahiwalay ni Tenyong kay Julia.
Habang wala si Tenyong ay nagkaroon ng
manliligaw si Julia. Buong akala ni Julia ay patay
na si Tenyong kaya kahit labag ito sa loob niya,
ay pumayag itong magpakasal. Sa araw ng
kasal ay biglang dumating si Tenyong na
duguan na para bang mamamatay na. Ang
huling kahilingan niya bago siya mamatay ay
ang maikasal kay Julia. Pumayag naman ang
mga magulang ni Julia dahil mamamatay na rin
daw si Tenyong. At naikasal na nga ang dalawa.
Matapos sabihin ng kura na sila ay ganap ng
mag-asawa ay biglang tumayo si Tenyong at
nagsigawan ang lahat ng Walang Sugat! Walang
Sugat! Ginawa pal ani Tenyong ang panlilinlang
na ito upang maikasal kay Julia.”

Napakahusay Binibining Max! (maglagay ng


processing words)

B. Pagganyak

Dumako na tayo sa isa pang kwento. Ngayon ay


mayroong lapis, papel, at tatlong krayola sa taas
ng aking lamesa. Isang kulay puti, isang itim, at
isang kayumanggi. Maaari bang tumayo ang isa
sa inyo at gumuhit ng kahit anong larawan sa
papel na ito at kulayan gamit ang tatlong krayola
na ito?
Dustin: Sir! Sir! Ako po.

Sige, Dustin. Halika rito at iguhit mo ang iyong


nasa isipan. Matapos nito ay ipakita mo sa
buong klase. Dustin: Sige po, Sir.

Gumuhit si Dustin at ipinakita ito sa buong klase


Maraming salamat, Dustin. Maaari ka nang
umupo.

You might also like