You are on page 1of 14

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10

I. Layunin
Matapos ang aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang makamit ang sumusunod na
kasanayan:
A. Pangkalahatang Layunin
Sa pagtapos ng talakayan ang mag-aaral ay malalaman ang mga pangyayari sa
maikling kwentong binasa at angkop na paggamit ng Pandiwa.
B. Tiyak na Layunin
a. Nauunawaan ang gamit ng Pandiwa.
b. Naipapahayag ang damdamin sa kwentong binasa.
c. Matutukoy ang pangungusap kung ito ba ay Pandiwa na nagsasaad ng kilos o
galaw ng isang tao,hayop, o bagay.
II. Paksang Aralin
Paksa: Sa Dakong Kanluran
Sanggunian: Filipino 10 Kwarter 2 – Modyul 8 ( F10PD-IIa-B-70)
Manunulat: Edeza N. Sinaon
Panitikan: Kwentong Bayan
Kagamitan: Laptop,Cellphone at Powerpoint Presentation
Wika: Angkop na gamit ng Pandiwa na nagsasaad ng kilos o galaw ng isang
tao,bagay,pook at pangyayari.
III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
Simulan natin ang ating
klase sa pamamagitan ng
pambungad ng panalangin.
Pagbati
Isang magandang hapon sa
 Mapagpalang hapon din po
inyong lahat.
binibini
Mga patakaran sa Online
Class
 Buksan lamang ang mic kung may
sasabihin ngunit pindutin muna ang
raise hand button upang magkaroon
ng permiso mula sa akin.  Opo
 Nauunawaan bang lahat?
Pagtala ng lumiban sa
klase
 Ikomento ang unang ninyong  Maglalagay ng pangalan sa
pangalan upang malaman ko kung comment box.
sino ang pumasok at lumiban
ngayong araw sa ating klase.
Pagsasanay
 Nang nakita ninyo ang larawan
anong naiisip ninyong kahulugan
nito.
Balik – aral  Ito ay tungkol sa teksto
 Base sa natalakay natin nung  Informative
nakaraang araw ito ay patungkol Argumentative
saan? Persweysive
 Mahusay! Ibigay ang uri ng teksto. Narative
Pagwawasto ng takdang Descriptive
Aralin Prosijural
 Ang inyong takdang aralin ay Nareysyon
nabigyan ko ng grado sa inyong Exposisyon
edmodo. Referensyal

B. Pagganyak
 Mga kasagutan
1. Iceland
2. Video call
3. White Christmas
4. Gender Equality
Yelo
Lupain

Bidyo Tawag
Puti
Pasko

Kasarian Pagkapantay

Pantay
C. Paglalahad
 Batay sa mga larawan na nasagutan
ninyo kanina makikita ito sa
tatalakayin natin mamaya na may
pamagat na “ Sa Dakong Kanluran”
 Bago natin simulan ang maikling
kwentong Sa Dakong Kanluran
aalamin muna nating kung sino ang
may akda nito.

SA DAKONG KANLURAN
ni Edeza N. Sinaon

 Si Ginang Edeza N. Sinaon ay isang


guro mula sa Towerville National
High School.
 Isang manunulat at ang kanyang
naisulat ay ang Sa Dakong
Kanluran.

Kwentong Bayan
 Ang kuwentong-bayan ay mga
salaysay hinggil sa mga likhang-isip
na mga tauhan na kumakatawan sa
mga uri ng mamamayan.
Karaniwang kaugnay ang
kwentong-bayan ng isang tiyak na
pook o rehiyon ng isang bansa o
lupain.

 Pitong uri ng kwentong bayan :


1. Mito o Mulamat – tungkol sa mga
diyos o bathala, pagkakalikha ng
daigdig
at kalikasan, pagkakalikha ng unang tao,
at iba pang may kinalaman sa
pagsamba
2. Alamat – maaaring kathang-isip o
hango sa isang tunay na pangyayari
tungkol
sa pinagmulan ng lugar, hayop at iba
pang mga bagay
3. Pabula – ginagampanan ng mga
hayop bilang tauhan upang ilarawan ang
iba’t
ibang pag-uugali ng tao sa pang-araw-
araw na sitwasyon ng buhay
4. Parabula – mga kuwentong hango sa
bibliya na nagsisilbing gabay sa
marangal
na pamumuhay ng tao
5. Kuwentong Katatawanan – naging
libangan partikular ng mga
manggagawa
kung saan ang mabibigat na usapan ay
napapagaan sa paraang pabiro
6. Kuwentong Kababalaghan – tungkol
sa mga di kapani-paniwala at di
nakikitang nilikha na may pangyayari na
karaniwang bunga lamang ng
mayamang guni-guni
7. Palaisipan –inilalahad sa anyong
tuluyan at patungkol sa mga kaalamang
nakakapagpatalas ng isipan.
Talasalitaan
 Ang mga larawan na aking
ipapakitaay ang mga salitang maari
nating matunghayan sa ating
magiging talakayan.
 Gott kvold – Magandang Gabi
 Maibsan – mabawasan
 Nagpadausdos – nagpadulas

D. Pagtatalakay
 Ngayon naman tayo ay dadako sa
ating pagtatalakay.
 Huwag kalimutan magtala ng mga
importanteng detalye.

SA DAKONG KANLURAN
Isunulat ni : Edeza N. Sinaon

Magmula nang lumaganap ang pandemya sa


mundo ay hindi na nagkita pa nang personal ang
magkaibigang Malaya at Jon. Nakatakda sanang
umuwi ng Pilipinas sina Jon noong Marso
katulad ng nakasanayan ng kaniyang pamilya
taontaon. Ito ay sa kadahilang Pilipina ang
kaniyang ina at Icelander naman ang ama
niya.
Laging kinasasabikan ni Jon ang Summer sa
Pinas upang maibsan ang lamig na kanilang
nararanasan sa Iceland subalit, ang
nakatakdang biyahe ay nakansela
dulot ng pinairal na lockdown sa pagitan ng
bawat bansa. Gayunpaman, napanatili
ng magkaibigan ang ugnayan nila sa isa’t
isa sa tulong ng teknolohiya. Palagi silang
magkausap sa pamamagitan ng video call
at nagiging bahagi ng kanilang
kumustahan ang maraming paksa.

Isang araw ng Sabado habang nakaharap sa


kompyuter at may kani- kaniyang headset
sa tainga. Si Jon ay kapansin-pansing
nakasuot ng damit panlamig at bonet.

Malaya: Magandang tanghali, Jon!

Jon: Gott kvöld, Malaya! Gabi kasi ngayon


dito sa Iceland.

Malaya: Wow! Ano nga ang tawag sa


lenggwahe ninyo?

Jon: Icelandic ang tawag sa opisyal na wika


namin dito sa Iceland. Bukod pa rito ay
patuloy pa ring pinananatili ang aming mga
katutubong salita.

Malaya: Sana matutunan ko rin yan. Gaya


ng pagkatuto mo ng Wikang Filipino.
Kumusta ka?

Jon: Eto, nanghihinayang pa ring hindi


natuloy ang pag-uwi namin diyan sa Pinas.
Nananabik na akong makakilala ng
maraming tao. Sa liit kasi ng populasyon
namin, halos kami-kami na lamang ang
nagkakakitaan dito.

Malaya: Huwag ka nang malungkot,


marami pa namang pagkakataon. Aba! kung
ika’y gustong-gustong makabalik dito, ako
naman ay pinapangarap kong makarating
diyan sa Iceland. Kasama kaya yan sa
bucket list ko.

Jon: Sa anong kadahilanan? Eh bukod sa


magagandang lugar ay kaaya-aya rin ang
klima dyan sa Pilipinas.

Malaya: Kilala mo naman ako, tulad mo ay


mahilig sa adventure! Manghang- mangha
ako sa Northern Lights na nakikita ko
lamang sa postcards at napanood ko
sa pelikulang Through Night and Day.

Jon: Ah oo, isa naman talaga iyan sa aming


maipagmamalaki! Kaya lang hindi lahat
ng turistang pumupunta dito ay pinapalad
na makita ito. Pero alam mo ba na ang
Northern Light ay mas kilala sa tawag na
Aurora Borealis? At kapag nakarating ka
dito, paniguradong maraming ikukwento
ang magiging tour guide mo tungkol sa
mahiwagang ilaw sa kalangitang ito.

Malaya: Parang nabasa ko nga iyan. Tulad


ng ano?

Jon: May iba’t ibang paniniwala tungkol sa


Aurora Borealis sapagkat wala naman
talagang tiyak na paliwanag ang aming
mga ninuno ukol dito.
Para sa mga bansa na malimit lamang
makakita, ito raw ay kaluluwa ng mga
yumaong mahal sa buhay o kaya naman ay
masamang pangitain.

Ngunit para sa
aming Icelander, maiuugnay ito sa
kapanganakan. Pinaniniwalaan namin na
nakatutulong ito upang maibsan ang sakit
na nararamdaman ng mga ina sa
panganganak.

Pero kung may isa pa sa pinakasikat na


kuwento, ito ay ang paniniwala ng
mga Vikings o manlalayag na ang
pagliliwanag ng kalangitan ay repleksyon
ng mga nagsasagupaang pananggalang ng
mga Valkyrie o babaeng mandirigmang
pinaglilingkuran si Bathalang Odin na
nakabatay sa mitolohiyang Norse.
Malaya: Dahil sa mga sinabi mo, lalong
tumindi ang kagustuhan ko na makapunta
riyan.

Jon: Wala namang imposible. Pero payo ko


sa iyo, bukod sa Aurora Borealis ay
puntahan mo rin ang iba pang
magagandang destinasyon dito gaya ng
dagat, hot
springs, luntian o nagyeyelong mga bundok
at iba pa.

Malaya: Salamat Jon! Saka sana patuluyin


mo ako sa inyong tahanan kapag
nagkatotoo na iyan.

Jon: Oo naman! Ikaw pa ba. Ilang turista na


rin ang tumuloy sa bahay namin. Nga
pala, magpapasko na rin sa Pilipinas di ba?
Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin
kung paano namin ipinagdiwang ang Pasko
noong nakaraang taon.

Sariwa pa sa alaala ni Jon ang kanilang


nakalipas na pagdiriwang ng pasko
na White Christmas kung tawagin.
Isa ito sa pinakamasayang bahagi ng
kaniyang buhay. Ang madilim na paligid
ay pinaliwanag ng mga palamuting
Christmas lights na buwan ng Oktubre pa
lamang
ay sinimulan nang pailawin sa bawat
tahanan at lansangan.

Ilang beses din niyang


nasilayan ang nagsasayawang kulay berde,
puti, rosas at lila sa kalangitan.
Binisita nila ang mga kuwebang yelo at
nagpadausdos sa bundok ng Niyebe.
Hindi niya rin napigilan ang sariling
magpakuha ng larawan kasama ang alin
man sa
labing tatlo nilang Santa Claus.

Minsan pa nga siyang natigilan sa kaniyang


pag-Ice skating sa Reykjavík City – ang
pinakamalaking lungsod sa Iceland, nang
kaniyang marinig ang mala-anghel
na tinig na nagmumula sa konsyerto. Hindi
namalayan ni Jon ang bilis ng oras
hanggang sa tawagin siya ng kaniyang Ina
upang sila ay umuwi.

Sa gabi ng Disyembre 24, ang


nakagugutom na samyo ng mga nilutong
pagkain ng Ina ang pumalibot sa buong
tahanan. Sa espesyal na araw na iyon ay
muli niyang natikman ang masasarap na
luto ng isda at karne, pinakagusto niya ang
pinausukan. Gayundin ang sopas na
pinasarap ng mga sariwang pagkaing dagat.

Subalit para kay Jon ay wala nang hihigit pa


sa mga panghimagas na kaniyang
nalalasap tuwing araw ng pasko, paborito
niya ang Sara na isang biskwit na
mayaman sa tsokolate.

Malaya: Marangya rin pala ang


pagdiriwang ng Pasko dyan sa Iceland.

Jon: Ito ang pinakamasaya. Subalit higit sa


Pasko, ang Independence Day tuwing
Hunyo ang pinakamahalagang selebrasyon
dito sa Iceland kasi tanda ito ng aming
ganap na kalayaan mula sa Denmark. Kaya
naman sa buwang iyon ay dagsa ang
turista dito upang saksihan ang parada at
mga pagtatanghal sa kalsada.
Binasag ni Malaya ang pagmumuni-
muning ito ni Jon nang marinig niya ang
balita
mula sa kalapit na telebisyon

Malaya: Paniguradong iba’t iba ang


magiging pananaw ng tao sa naging
pahayag ni Pope Francis hinggil sa same
sex union.

Jon: Ay oo, pero hindi na bago sa amin


iyan. Dito kasi sa Iceland, simula taong
1996 ay pinahihintulutan na ang same sex
civil union. Pero hindi nagpapalit ng
pangalan kasi wala naman talaga kaming
apelyido. Gayunpaman, hindi kami
maituturing na liberated na bansa, sadyang
napakataas lamang ang pagpapahalaga
sa gender equality dito. Marahil dahil na rin
sa pagkakaiba ng ating relihiyon.

Malaya: Pagkakaalam ko, may mga


Romano Katoliko rin sa Iceland. Ano ba
ang itinuturing ninyong pangunahing
relihiyon?

Jon: May mga Katoliko rin talaga dito,


mayroon ding Muslim at iba pa. Sa
katunayan
ay malaya kaming mga naninirahan dito na
makapamili ng relihiyon. Subalit ang
nangungunang relihiyon ay Lutheranism.

Malaya:Ibig sabihin ba nito, isinasabuhay


ninyo ang mga aral ni Martin Luther?

Jon: Tama! Nagiging gabay sa aming


marangal at pang-araw-araw na
pamumuhay Mga Kasagutan :
ang kaniyang mga aral.
1. Upang maibsan ang lamig na
Malaya: Nakakamangha lang din na sa kanilang nararanasan sa
kabila ng pagkakaiba ng ilan nating mga Iceland.
paniniwala ay naging magkaibigan tayo. 2.
 Ito raw ay kaluluwa
Jon: Sang-ayon ako sa sinabi mo. Malaya, ng mga yumaong
lumalalim na ang gabi dito kaya mahal sa buhay.
kinakailangan ko nang matulog. Salamat sa  May masamang
masayang kuwentuhan. pangitain.
 Pinaniniwalaan na
Malaya: Sige Jon, magpapatuloy na rin ako nakaktulong ito
sa pagsasagot ng aking modyul. upang maibsan ang
Hanggang sa muli. sakit na
nararamdaman ng
 Magaling at naunawaan ang mga ina sa
binasang kwento ngayon naman ay panganganak.
susukatin natin ang inyong pag 3. Sariling Opinyon
unawa sa tinalakay. 4. Naglalagay ng palamuting
Mga Katanungan: Christmas Light.
Binibisita nila ang mga
kuwebang yelo at
1. Bakit nais ni Jon na bumalik sa nagpapaduosdos sa bundok ng
Pilipinas? nyebe.
2. Ano-anong paniniwala hinggil sa 5. Sarling Opinyon.
Aurora Borealis ang makukuha sa
akda?

3. Ano ang masasabi mo hinggil sa


same sex civil union na
pinahihintulutan sa Iceland?

4. Paano ipinagdiriwang ng mga


Icelander ang kapaskuhan?
5. Anong katangian ng bansang
Iceland ang pinakanagustuhan mo?
Bakit?

 Gramatika

May mga pahayag na nasa pokus ng


pandiwang kagamitan at
pinaglalaanan. Kadalasang ginagamit ang
katangiang ito ng pandiwa sa paghahatid
ng mabisang pagpapahayag kaya naman
mahalagang ito ay iyong malaman.

Pokus sa Kagamitan – Kasangkapan sa


pagsasagawa ng kilos na isinasaad ng
pandiwa na gumaganap bilang paksa o
simuno ng pangungusap. Ginagamitan ng
panlaping ipang-, ma+ipang-.

Halimbawa:

Ipinambayad niya ng swab test ang limang


libong ayuda.

Ang simunong limang libong ayuda ang


nagsilbing kasangkapan para sa pandiwang
ipinambayad.

Pokus sa Pinaglalaanan – Ang


pinaglalaanan ng kilos ay ang paksa o
simuno ng pangungusap. Ginagamitan ng
panlaping i-, ipag-, ma+ipag-, ipagpa-
Halimbawa:

Ipagdasal natin ang kaligtasan ng lahat.


Ipinambayad niya ng swab test ang limang
libong ayuda.

Ang pariralang kaligtasan ng lahat ang


gumanap nasimuno o paksa ng
pangungusap at kalaanan ng pandiwang
ipagdasal.

E. Paglalahat
Sa tulong ng Venn diagram ay
paghambingin ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga Icelander at
Pilipino. Gawing gabay anng mga
kaisipang nasa kahon.
Turismo Pagkain Pagdiriwang
Paniniwala Relihiyon

Icelander Pilipino

F. Paglalapat
Ipapangkat ko sa dalawa ang ating
klase ang dalawang grupo ay
magbabahagi ng kanilang opinyon
kung bakit masaya magpasko sa
Pilipinas o sa Iceland.
Ang bawat isa ay nais ko marinig
ang tinig. Mga Kasagutan:
1. Naipong Pera , Ipinambili ,
Pamantayan sa pangkatang gawain: Kagamitan.
Maayos na pagpapaliwanag: 20% 2. Malaya , Ipagtatabi ,
Malinaw na pagsasalita : 30% Pinaglalaanan
Partipasyon ng bawat isa : 50% 3. Aurora Borealis ,
Kabuuan – 100% Ipinanakot , Kagamitan
4. Kultura ,Ipinama ,
Ang grupo na makakamit na may Kagamitan
pinaka mataas na iskor ay bibigyan 5. Kahiwagaan sa paligid
ko ng karagdagan puntos sa inyong Naihahanap
takdang aralin. Pinaglalaanan

G. Pagpapahalaga
Sa kwentong sa dakong kanluran
paano mo maipapakita sa taong
mahal mo na malayo sa iyo na siya
parin ay iyong naalala?

IV. Basahin ang pangungusap at


punan ang talahayanan batay sa
hinihinging bahagi ng
pangungusap kung saan ang
pokus ng pandiwa ay maaring
kagamitan o pinaglalaanan.
1. Ipinambili ni Malaya ng tiket
papuntang Iceland ang naipong pera.

2. Ipagtatabi ni Jon ng biskwit na Sara


si Malaya.

3. Ipinananakot ng mga matatanda ang


Aurora Borealis sa mga batang
nagnanais na lumabas kahit gabi.
4. Ipinamana ang kultura ng bawat
bansa upang pagyamin at ipamalaki.
5. Sa pamamagitan ng kuwentong
bayan ay naihahanap ng kasagutan
ang mga kahiwagaan sa paligid.

Paksa Pandiwa Pokus


1.
2.
3.
4.
5.
V. Takdang Aralin

1. Pumili ng isang bansa na nais


ninyong puntahan ngayong pasko at
bakit?
2. Magbasa tungkol sa Romeo at Juliet.

You might also like