You are on page 1of 1

Sa mga oras na sumapit ang bukang-liwayway

Isang hudyat upang tumayo sa kinahihigaan


Paglabas ng baha’y lilang kalangitan ang masisilayan
O kay sarap pagmasdan kasabay ng pagyakap ng hanging may dalang malamig na simoy
Tinig ng kalabaw at tiktilaok ng mga manok
Sumasabay sa sigaw ng nagtitinda ng pandesal
Simpleng almusal para sa simpleng pamumuhay
Mas lalo pang sasarap kung may kape na kaantabay
Lilang langit at malamig na simoy ng hangin
Hindi maglalaon ay mawawala na nang tuluyan
Kalangita’y magiging asul
Kasunod ng pagbati ni haring araw
Ang katahimikan ay magsisimula ng mabasag
Sisimulan na ang pagtatrabaho
Ng mga kalabaw at araro
Magbubungkal ng lupa na tila naghahanap ng ginto
Buhay ay ‘di man marangya
Makikita naman sa mata ang maaliwalas na pamumuhay
Na malayo sa magulong mundo

You might also like