You are on page 1of 3

Umaalpas ang mga pakpak,

ng mga ibong lumilipad sa asul na himpapawid.


Sa lilim ng papalubog na araw,
Sa sariwang hanging nalalanghap.
Itinakdang sagradong tagpuan,
dito’y siya’y masisilayan.
Matikas na pangangatawan,
Kurbadong ilong at mapupungay na mga mata.
Butihing lingkod ng Diyos,
Tiga-pangalap ng salita at katotohanan.
Napukaw at nahulog sa isang sitwasyon,
Umibig sa kapwa kasarian na ituring na kasalanan
ng karamihan.
Ang pagsunod sa nilalaman ng puso,
liwanag at daan tungo sa tunay na kaligayahan.
Ngunit ang pagsuway sa utos ng Diyos,
Itinuturing na kaligayahang-makamundo lamang.
Sa paanong paraan mabibigyang kasagutan,
Mga katanungang pilit na umiikot sa isipan.
Mga pakapak ay nakakadena,
Grabitihiyang humahatak pababa dahil sa lungkot na
nadarama.
Iniwan ang ministeryo,
Pinili ang kaligayahang pansamantala kung
maranasan.
Lumagay sa payak na pamumuhay,
Ngunit may pagkakataong ‘di inaasahan.
Sa bawat pagtapak sa daang tinahak,
Sumasabay ang pagpatak ng luhang dulot ay pag-
iyak.
Kailangang hataking muli kung sa’n bumagsak,
Upang matukoy kung sa’n pupulutin ang piraso ng
bubog na sa kanya’y isinaksak.
Pumikit at kanyang tinigilan,
pagtingala sa madilim na kalangitan.
Sinimulang buksan ang pangkaisipan,
Imahinasyo’y pilit sinasakluban.
Pansamantalang itinikom ang mga bibig,
Ni katitining na tinig,
Walang sumubok na pangala’y sambitin.
Isang paru-paro lamang ang lumitaw,
Pilit na dumadampi sa arko kung saan nagsimula ang
lahat.
Noon palamang,
Salita’y dapat pinahalagahan.
Ninais manatili at mangaral,
Sa karanasan ng pansamantalang kaligayahan.

You might also like