You are on page 1of 3

Inilatha ni: Gelene Eriel B.

Tamparia

Marahang umihip ang hangin,

Tila may gusting ipahiwatig sa akin

Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi,

Nang madama ang yakap mong hatid.

Tunay ngang mapaglaro ang tadhana.

Dalawang puso’y pinagbuklod.

Nagsumpaan na magmamahalan sa tuwina,

At magkasamang haharapin ano mang unos ang


dumating.

Ngunit pagmulat ng aking mga mata,

Kadiliman ang aking Nakita.

Sa gabing mapanglaw,

Hinahanap ay ikaw.

Tumingala ako sa kalangitan.

At humiling sa mga tala,

Na sana’y walang katapusan.

Ang pag-iibigan natin, sinta.

Ngunit bigla ka na lang bumitaw,

At di ko na matanaw.

Hulin na ng mapagtanto ko…

Na lumisan ka na sa mundong ibabaw.


Lahat ng pangako ay napako,

Ang mga pangarap ay nawasak.

Sa ilalim ng makulimlim na langit,

Ay taghoy ng pusong sugatan.

Kasabay ng buhos ng ulan,

Ay siyang pagpatak ng mga luha.

Saksi ito sa pighating nadarama.

Ng isang pusong nagluluksa.

Umaasang masulyapan kang muli,

Kahit isang saglit,

Sa huling pagkakataon

Nais kong bumulong sa mga bituin sa langit.

Sana’y magtagpo muli ang ating kapalaran.

Sa pangalawang pagkakataon,

Ng walang pighati’t pasakit.

Sa dalawang pusong, isa lang ang minimith

You might also like