You are on page 1of 1

Delusyon

Akda ni: Ralfh Eugene Tungcul

Siya ay natatangi at aking nabatid,


sayo binibini ako'y napaibig,
Sa iyong ngiti na sa puso'y panganib,
hindi ko mawari sa puso'y inakit,

Aking dalangin sintang kaakit akit,


ngunit kapalaran ko'y napakapait,
bakit parang napakaraming balakid,
pangarap na ika'y sa'kin di makamit,

tunay na pag-ibig sayo nadarama,


Araw ay kumpleto kapag nakikita ka,
Boses anghel sa tenga'y isang musika,
sa iyong ganda tia'y parang diyosa,

Ika'y parang talang bumaba sa langit,


Di malaman kung bakit sayo'y naakit,
sa iyong ngiti ako ay kinikilig,
Tuluyan ng tumatak sa aking isip,

Mga ala-ala natin di malimot,


Sa bawat gabi ako'y binabangungot,
Anong ginawa mo't hindi makatulog,
Sa aking paghiga ako'y nahulog,

Nang ako ay magising aking nabatid,


Sa'yong paghintay ay di na mauulit,
Luha at ngiti sa mukha nakaukit,
Sinta sa'yo lamang buhay man kapalit.

You might also like