You are on page 1of 5

Sa Likod Ng Iyong Ngiti

Ni: Gerlen Joy R. Bastareche

Naririto ako sa kaparangan,


At mayroon akong problemang di makayanan;
May isang babaeng di maalis-alis sa aking isipan,
Kaya akoy umaasam, sana si Kupido sa akiy bumait naman.

Sanay panain niya ang aking pinakamamahal,


Iyan lang ang tanging hiling ko sa Maykapal.
Mahal ko siya at akoy sigurado dito,
Mga katagang gusto kong sambitin sa kanya kada segundo.

Kaya sabihin mo na kung akoy iyong pagbibigyan,


Dahil isang ngiti lamang ang sayoy nakakamtan.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng iyong ngiti,
Pero nang makita kitang tumango, akoy napahikbi.

Sa wakas! Sinagot na niya ako.


Walang hanggang kasiyahan, totoo ba ito?
Kaya akoy nangako sa kanya,
Na sa aking buhay siyay nag-iisa.
Apoy Ng Pighati
Ni: Gerlen Joy R. Bastareche

Sukat nang akoy mamulat


Sa mundong ibabaw

Ay inulan ng mga banat


Ang kaisipang nagtatampisaw.

Sa murang edad akoy nagulumihan,


Nang akoy tapunan ng maling paratang.
Isang pagbibintang! Isang pagbibintang!
Sa isang batang walang muwang.

Damdamin koy nangangalit


Habang nagtatanong; Bakit? , Bakit?
Isa lang naman akong paslit.
Pakiusap, huwag naman kayong magalit.

Apoy ng pighati ay aking sinulat


Upang sa inyoy aking maisiwalat
Na ang paratang nilay isang kasinungalingan
At ibinato sa akin upang pagtakpan ang nagawa nilang kasalanan.
Aquin Ca
Ni: Gerlen Joy R. Bastareche

Abril Onse nang taong dalawang libot labing-isa.


Naisip ko ang salitang AQUIN CA.
Isang katagang mula sa Filipino,
Na isinalin ko sa sarili kong diksyunaryo.

Iba man ang pagkabaybay dito,


Ito kasi ay isa sa aking istilo,

Nang maiba naman


Sa mga salitang nakasanayan.

Aquin ca, aquin ca


Isang katawagan sa isang taong mahal mo na hindi dapat ariin ng iba.
Ito ang ipinangalan ko sa aking prinsipeng iniibig,
Na nagbigay buhay at saya sa aking daigdig.

AQUIN CA LANG,
Makasarili mang pakinggan,
Pwes! Walang pakialaman.
Kasi nga, aquin lang, aquin lang
Nakakalasong Pangako
Ni: Gerlen Joy R. Bastareche

Salat sa pag-asang muling masilayan ang tulay sa langit,


Na sa kanyay noon pa may ipinagkait.
Daang madilim ang tinahak
Para lang maging tagumpay ang binabalak.

Ang koronay iniwan,


At ipinagpalit sa isang salakot lang.
Naghirap siyat namalimos
Sa pagtinging dati sa kanyay nakalaan halos.

Matayog na pedestal ang kanyang pinanggalingan,


Dahil sa pangako, ngayoy sa lusak ang binagsakan.

Masakit man ang kinahantungan


Tinanggap niya ang hatol ng kapalaran.

Naging hayok siya sa kanyang kinatutuntungan,


Ikinakahiya niya ang kanyang pinanggalingan.
Nang makatikim ng kaginhawaan
Akala mo kung sinong umastang makapangyarihan.
Siyay pinangakuan, na karangyaay habang-buhay na matatamasa,
Naging sunud-sunuran at nagtiwala ng kusa
Hindi niya batid ang dulot nito,
Ang dulot ng pangako ng isang demonyo.

Nakakalasong panagako na mula sa kanya,


Ikaw ay mahahalina.
Kayat ikay mag-ingat sa pag-akyat paitaas
Dahil sa lasong itoy mahirap makaiwas.

Manatiling nakatingala sa itaas.


Kay Hesus ang tamang landas.
Ang nakakalasong pangakong ito
Ay pagsubok lamang niya sa iyo.

You might also like