You are on page 1of 2

MGA ALITUNTUNIN

A. Sa pagtanggap sa Mahal na Ina:


1. Ang pamilya na tatanggap ay nararapat na sumama o
maaring magpadala ng kinatawan upang sunduin ang Mahal
na Ina.
2. Ang Panalangin sa Pagtanggap ay babasahin ng isa sa mga
miyembro ng pamilya. Maaring samahan ng isa sa mga
namumuno ng distrito upang gumabay sa magbabasa.
3. Hindi tungkulin ng pamilyang tatanggap ang pagpapakain
sa mga maghahatid.

B. Habang ang Mahal na Ina ay nasa Bahay:


1. Panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa lahat ng oras lalo
na sa oras ng pananalangin.
2. Kailangang may ilaw na kandila ang paglalagyan ng Imahen
3. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng nakalalasing na
inumin habang ang Mahal na Ina ay nasa tahanan.
 Hinihiling din na iwasan ang pagbigkas ng hindi dapat
ng salita at ang palakad-lakad sa harap ng Imahen na
wala sa tamang kasuotan.
i. Sa mga Lalake – Pantalon at t-shirt
ii. Sa mga Babae – Palda at Blouse o bestida
4. Sa mga pangkalahatang pagdarasal, tulad ng Novena,
Orasyon o Angelus at Santa Misa, hinihiling na kasama
sa mga gawaing ito ang pamilyang tumanggap.
5. Siguraduhin na maayos ang pagdarausan ng Santa Misa
kung hihilingin ng pamilyang tumanggap.
 Ang oras ng Misa ay maaring magkaroon ng
pagbabago, makipag-ugnayan sa pari na nakatalaga.
6. Hindi rin tungkulin ng pamilya ang magpakain sa mga
nagsidalo ng misa subalit maaring gawin ito bilang
pasasalamat at hindi obligasyon.
 Kung may mga kahilingan ang pamilyang tumanggap,
maaring ipagbigay alam agad sa namumuno o sa Pari
na nakatalaga.
7. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay ng SOLICITATION
LETTER o paghingi ng anumang bagay na may kaugnayan
sa Mahal na Ina ng walang sulat pahintulot mula sa Distrito,
toka at sa Pari na nakatalaga.
8. Ang lahat ng pagbabago ng mga gawain ay kailangang
isangguni agad sa namumuno at sa Pari na nakatalaga.

K. Sa paglilipat ng Mahal na Ina:


1. Ang pagbabasa ng panalanging pamamaalam ay gagawin
bago matapos ang misa, kung walang misa ay gagawin
pagtapos ng Santo Rosaryo.
2. Alamin ang lugar ng lilipatan ng Mahal na Ina, tiyakin na
magiging maayos ang paglalagyan.
3. Ang bawat namumuno ay nararapat na magpaliwanag ng
mga alituntunin at mga Obligasyon ng tatanggap sa
paglipat ng Mahal na Ina.
4. Kailangang itala sa LOGBOOK ng Grupong namumuno ang
mga sumusunod:
 Pangalan ng kasapi ng pamilya at mga sakramentong
natanggap.
 Mga Gawain sa buong buwan

You might also like