You are on page 1of 1

GROUP FOUR REPORT

Maayos ang naging pagsasama ng grupo. Bawat aktibidad ay pinaghahandaan ng


mabuti ng bawat isa. Bagamat kahinaan ng grupo ang pagkakaroon ng kaunting
myembro nito, matagumpay pa rin naman naming natatapos ang lahat ng mga ibinigay
sa aming tungkulin ng propesor.

Si Athina ang secretary ng grupo. Siya ang nakatoka sa pagsusulat ng mga sagot,
pagpi-print ng mga reports at nagnonote sa mga nakalap na datos na kinakailangan ng
grupo. Siya rin ang naghahatid ng mga hinaing namin tungkol sa mga aktibidad sa
propesor. Dahil sa kanya, nabatid ng propesor ang kakulangan namin ng myembro.

Si Kristine ang tagapag-alala ng mga gawain ng grupo. Lagi niyang tinututukan ang
mga text at instruction ng propesor nang sa gayon ay maipaalam niya sa lahat kung
paano hahatiin ang mga gawain. Siya rin ang takagawa ng mga reports sa tulong ng
ilang mga datos na ibinigay sa kanya ng ma kagrupo.

Si Lean naman ang tagatago ng mga hard copy ng file. Siya ang may hawak ng lahat
ng mga papel na ibinigay ng propesor na naglalaman ng mga kailangang tapusin ng
grupo. Siya rin ang tagasuplay naming ng bluebook na ginagamit namin upang sagutan
ang mga quizzes.

Si Alexis ang masasabing pinaka-aktibo pagdating sa paggawa ng mga ibinigay na


Gawain. Hindi man niya kapareho ng kurso ang apat niyang kagrupo, hindi siya
nagkulang sa anumang tungkulin na naiatas sa kanya. Siya ang EINSTEIN ng grupo
sapagkat mistulang alam niya ang lahat.

Si Angela naman ang bahala sa lahat ng usaping pera ng grupo. Lahat kadalasan ng
gastos ay sinasagot na nito bilang siya ang pinakamayaman sa grupo. Siya rin ang
bumili ng mga premyo sa larong hinost ng grupo tungkol sa epiko.

Sa palaro naming para sa kalse, hinati naming muli ang gawain sa aming mga
miyembro. Si Kristine ang magpapalaro tungkol sa mga epiko sa Luzon, si Athina at
Lean sa Visayas at si Alexis at Angela naman sa Mindanao.

Masasabi kong naging matagumpay naman ang koordinasyon ng grupo sapagkat


maayos naman naming natatapos ang anumang gawaing inaaatas sa amin. Oo’t di
kami perpekto ngunit alam kong hindi naman kami nabigo sa kahit anuman.

You might also like