Basahin ang katanungan at sagutan ito batay sa sariling
pagkakaunawa.
1. Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng
isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
2. Mahalagang isaalang-alang ang mga tagapakinig sa
talumpati, dahil sila ang dahilan kung bakit tayo ay nagsasagawa ng talumpati. Kung hindi masisiyahan ang mga taga-pakinig hindi magiging matagumpay at makabuluhan ang iyong talumpati.
3. Ang mahahalagang salik na dapat
bigyang – diin sa pagsulat ng isang talumpati ay ang paghahanda, pagpapanatili ng kawilihan ng taga – pakinig, pagpapanatili ng kasukdulan, at ang pagbibigay ng kongklusyon sa tagapakinig. Mahalagang isaalang – alang ang mga tagapakinig sa pagtatalumpati dahil para hindi mabagot ang tagapakinig.
4. Nag dedepende rin yan sa content nang isang topic na
gusto mong ibahagi sa mga nakikinig,.. Una kailangan maraming kapupulutang aral at may kabuluhan ang isang kontento o kapahayagan o katuruan. B. Basahin at unawain ang isang halimbawa ng talumpati. Pagkatapos punan ang mga hinihinging detalye sa ibaba.
Pamagat ng Talumpati: Ang Kabataan Noon at Ngayon
Mahalagang paksa: Ang kabataan noon at ngayon ay pag- asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin sa buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba’t mayroon tayong “Sampung Lider na mga Kabataan” na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa ating pinakamahusay na kabataan noon at ngayon. Naging Damdamin mo sa paksa habang binabasa o matapos basahin ang talumpati: Ang naging damdamin ko pagtapos ko mabasa ang talumpati ay kami mga kabataan ay pag-asa ng bayan, itinuturing kami ang magpapaunlad ng bansa natin, sa bawat naririnig o nababasa ang salita na ito ay nagkakaroon ako ng lakas loob na abutin ang mga pangarap ko hindi lang para saakin para din sa ikakabuti ng lahat. Mahalagang aral na natutunan sa talumpati: Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin sa buhay. Natuklasan sa sarili kaugnay sa aral ng talumpati: Makuha lang namin o akin mga mithiin sa buhay, dahil may kanya kanyang mga pangarap kami sa bawat pangarap na yun ay aabutin lang namin para makuha lahat mga ito sa sikap at tyaga.