You are on page 1of 9

“Ang Utak,

madaling
PARA SA HOPELESS turuan ng
paniniwalaan.

ROMANTIC Pero ang puso,


mahirap
diktahan ng
mararamdaman.”

Isinulat ni Marcelo Santos III


I.PAMAGAT
Para sa Hopeless Romantic

II. MAY AKDA


Si Marcelo Santos III ay isang 21 year-old Advertising and
Public Relations graduate ng Polytechnic University of the
Philippines (PUP) Manila.
Nagsimula siyang makilala sa mga Love Story on Video (LSOV) na
ginawa niya at pinost sa Youtube. Ang kauna-unahang LSOV na
ginawa niya ay ang “Bag at Folder” na umabot na ng halos 200,000
views. Sinundan na ito ng mga istorya na kung saan marami ang
naka-relate tulad ng 4:13 – Story of the Boys , 3:57 – Story of
the Girls at marami pang iba. Karamihan sa kanyang mga istorya
ay nakapagpa-kilig at makapagpaiyak ng maraming manonood. Dahil
sa pagkalat ng impormasyon tungkol sa kanyang mga LSOV, unti-
unting nakilala ng mga tao si Marcelo. Inabangan at sinubaybayan
ang mga istoryang may sequel na kanyang ginawa tulad ng
Wishlist: A Story of Love and Signs na pinagbibidahan nila
Rosally, mas kilala bilang Sally, at Aris. Ang istoryang ito ay
minahal, iniyakan at kinainisan ng ilang manonood dahil sa iba
pang karakter na sina Bianca, Jake at Red.
Mas lalo pang nakilala si Marcelo dahila sa kanyang mga tweets
sa social networking site na Twitter. Mga tweets na kinagiliwan,
kinapulutan ng aral at naging inspirasyon sa kanya mga
followers. Sa ngayon, may mahigit 100,000 followers na siya.
Wow! Na-feature na rin siya sa ilang palabas sa telebisyon at
ang ilan sa mga ito ay ang Kapuso Mo, Jessica Soho at Saksi.

III. KAHULUGAN NG PAMAGAT


A. BAGO MABASA
Bago mabasa ang nasabing nobela, akala ko ito ay tungkol sa mga
taong naranasan ng magmahal na halos na dumating na sa punta
kung saan ibinigay na nila ang lahat ng kaya nilang ibigay para
lamang manatili sa piling nila ang taong kanilang iniibig,
ngunit iniwan paring mag-isa at nagdurusa ang pusong kailan man
ay hindi naging sapat.
B. PAGKATAPOS MABASA
Pagkatapos mabasa, aking napagtanto na ang nobelang ito ay
tungkol sa mga taong nangangarap na mahalin, natatakot magmahal
sapagkat takot na masaktan, naranasang lokohin, naghahangad ng
kaligayahan sa pagibig, nais makalimot at umaasang maibabalik
ang nagdaang pagibig. Sa medaling salita, ang nobelang ito ay
para sa mga taong nagmahal, nasaktan, ngunit hindi parin
napapagod na magmahal muli.

IV. MGA TAUHAN


Rebecca "Becca" Del Mundo- Isa sa mga pangunahing tauhan sa
nobela. Si Becca ay mapagsumikap na anak, ginagawa niya ang
lahat ng kanyang makakakaya upang matulungan ang kaniyang ina at
mnakapagtapos ng pag-aaral. Matapos siyang hiwalayan ni Nikko,
nagsimula siyang magsulat ng mga maikling istorya na kadalasang
may malulungkot na pagwawakas sapagkat naapektuhan ng kanyang
nakaraan ang kanyang pagsusulat.
Nikko John Borja- Isa sa mga pangunahing tauhan at protagonista
sa nobela. Si Nikkon ang dating kasintaha ni Becca na umaasang
muling magk-krus ang kanilang mga landas at umaasang maibabalik
ang nagwakas na pag-iibigan.
Ryan Sebastian- Isang karakter mula sa istorya ni Becca na
binigyang buhay upang patunayan na hindi dapat tayo matakot
magmahal sapagkat ang pagmamahal ay ang pinaka masayang bagay na
mangyayari sa ating buhay. Na kahit maraming sumasagabal ay
marapat tayong sumugal dahil sa bandang dulo, kappa nakamit na
natin ang pagmamahal na pinaghirapan natin, masasabi natin sa
ating sarili na salamat. Salamat dahil lumaban ako at hindi ako
nagpabalot sa takot.
Maria- Isang karakter mula sa istorya ni Becca na bumihag sa
puso ni Ryan Sebastian.
Jackie Reyes- Matalik na kaibigan na Becca na tulad niya ang
sawi rin sa pag-ibig. Kung paano ba naman ay parating may
kasintahan ang kanyang natitipuhan.
Janitor- Katulong ni Becca sa paghahanap ng upuan. Upuan kung
saan sila nag-uusap ni Nikko.
Sir Mat- Manager ni Becca sa pinapasukang trabaho. Taong gusto
ni Jackie subalit ay may kasintahan na.
V. BUOD NG NOBELA
Si Rebecca ay mula sa dulong seksyon na nangangarap na mapansin
ng lalaking si Nikko na mula naman sa unang seksyon. Isang
lalaking kanyang nais na maangkin, kaya naman ay pinag butihan
ni Rebecca ang kaniyang pag-aaral upang mapunta sa unang seksyon
nang sa gayon ay mapansin ito ni Nikko. Nagtapos ang taon at
heto na, malalaman na ni Rebecca kung umabot ba ang kaniyang
pinaghirapang grado sa unang seksyon, kung makakasama niya ba ni
Nikko sa iisang silid. Dahan-dahan niyang hinanap ang kaniyang
pangalan sa listahan ng mga pangalan sa bawat seksyon, at labis
na kalungkutan at panghihinayang ang kaniyang naramdaman ng
malamang hindi pasok ang marking nakuha niya upang makapasok sa
unang seksyon, gayunpaman ay masaya naman siya dahil umangat ang
kaniyang ranggo at nakapasok sa pangalawang seksyon. Laking
gulat ni Rebecca nang nakita niyang naka-upo si Nikko sa loob ng
silid ng pangalawang seksyon, nagtaka ito nab aka maling kwarto
lamang ang napasukan subalit di nagtagal ay dumating ang guro na
nakadestino sa kanilang seksyon. Sinabi nito na si Nikko ay
bumaba ang ranggo kaya napunto sa pangalawang seksyon.

Labis na kasiyahan ang naramdaman ni Rebecca nang malaman na


hindi nasayang ang kaniyang pagsusumikap sapagkat heto na at
kaklase niya na si Nikko. Dahil parehong nagmula sa ibang
seksyon, pareho silang walang kakilalang iba kaya silang dalawa
ang naging magkaibigan. Hindi nagtagal at lumambot ang loob nila
sa isa’t-isa at hindi inaasahang naging magkasintahan ang
dalawa. Subalit dahil sa isang pangyayari ay nakipaghiwalay si
Nikko kay Rebecca na nagdulot ng grabeng sakit sa kanyang puso.
Ang paghihiwalay nila ang naging dahilan kung bakit naisipan
niyang gumawa ng mga istorya na kaniyang pinagbubuhusan ng
nararamdaman.

Kinalaunan ay nakahanap si Rebecca ng kalandian sa isang upuan,


nag-uusap sila dito sa pamamagitan ng pag- v-vandalism dito. Di
nagtagal ay napagdesisyunan niyang makipagkita sa kausap sa
upuan subalit sa di inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng rally
sa loob ng kaniyang pinapasukang paaralan. Subalit kailangan
niyang makita ang sagot ng kaniyang kausap sa upuan kung kaya’t
hinanap niya ang upuan na naglalaman ng kanilang usapan, at
habang aligaga sa paghahanap sa upuan ay nahawakan niya ang
kamay ng taong kausap sa upuan at napag-alaman na ito ay ang
kaniyang dating kasintahan na si Nikko. Nag-usap ang dalawa at
nagkaroon ng kaliwanagan ang naganap na hiwalayan, dahil dito
sinubukan muli nilang umpisahan ang kanilang pag-iibigan.

VI.PAGSUSURI NG NOBELA
A. PAGSUSURING NILALAMAN
1. KALAGAYANG SOSYAL/PANGKABUHAYAN NG PANGUNAHING TAUHAN
Si Becca ay lumaki sa hindi mayamang pamilya. Ang kaniyang ina
ay isang labandera habang ang kanyang ama naman ay tumutulong sa
kanyang isa sa paglalabada. Ngunit hindi ito naging sagabal
upang siya ay makapagtapos ng pag-aaral sapagkat ang kahirapan
sa buhay ay ginawa niyang inspirasyon upang matupad ang kanyang
mga pangarap.
2. KULTURANG PILIPINO

• Labis na pagmamahal- Pinatunayan ni Becca ang kanyang labis


na pagmamahal kay Nikko noong panahong hindi niya ito
sinukuan at pilit niyang ipinaglaban kahit siya ay lumusan
ng nasasaktan sa kanilang sitwasyon.
• Pagrespeto- Pinakita ang pagrespeto ni Becca sa desisyong
ginawa ni Nikko. Pinakita rin ang paraan ng pagrespeto ni
Becca at ni Nikko sa kanilang mga magulang at guro sa
pamamagitan ng pagamit ng salitang “po” at “opo.”
• Panliligaw- Maayos na humingi ng paalam si Nikko kay Becca
na ito ay kanyang naiibigan at nais na ligawan.
• Pagiging Maria Clara- Umpisa pa lamang ng nobela ay sinabi
na gusto ni Becca si Nikko, subalit hindi siya nagpadalos-
dalos sa pagsagot dito, bagkus ay binigyan niya ng oras na
lubusang makilala nila ang isa’t-isa.
• Pagsusumikap- Isinalaysay sa nobela na hindi mayaman ang
pamilyang pinagmulan si Becca, subalit siya ay hindi nag
paapekto sa kanyang istilo sa buhay at sa halip ay
nagsumikap siya sa kanyang pag-aaral at pagt-trabaho upang
maiahon ang pamilya sa kahirapan.
• Pagiging mapagpatawad- Sa nobelang ito, hindi lamang ang
bidang tauhan ang nagpatawad. Pinatawad ng Ina ni Becca ang
asawa nito kahit ito’y ilang beses ng nanloko. At ganon din
ang ginawa ni Becca kay Nikko sapagkat tulad ng kaniyang
Ina, siya ay naniniwala na ang lahat ng tao ay nagbabago.
• Pagiging postitibo- Kahit ilang buwan na ang lumipas
matapos ang paghihiwalay ni Becca at Nikko, naging positibo
parin ang kanilang pag-iisip na sila ay magkikita at
magkakabalikan.
• Pagbabago- Tayong mga Pilipino ay hindi nagpapaapekto sa
mga maling bagay na ating nagawa. Hindi natin hinahayaan na
tayo ay ibaba ng mga bagay na iyon dahil sa halip ay
ginagawa natin itong aral na hindi na dapat gawin at
dahilan upang tayo ay magbago.
• Pagtanggap- Kahit lubusang nasaktan ang puso dahil
inabando, nagawa paring patawarin at tanggapin papabalik ni
Becca si Nikko.
3. PILOSOPIYANG PILIPINO
Ang nobelang ito ay sumasagisag sa pilosopiya ng pag-ibig
at pagsusumikap ng mga Pilipino. Nakasaad sa nobelang ito ang
nilalaman ng pilosopiya ng pag-ibig at ito ay napatunayan mula
sa unang kabanata hanggang sa wakas. Kung paano magmahalan si
Nikko at Rebecca, kung paano nilang nagawang magsakripisyo upang
hindi masaktan ang kahit na sino sa kanila. Nilalaman din ng
nobelang ito ang pilosopiya ng pagsusumikap sapagkat nagawang
pagsabayin ni Rebecca ang kaniyang pagt-trabaho at pag-aaral
upang makapagtapos at mai-ahon ang ang pamilya sa kahirapan.

B. SURING PAMPANITIKAN
1. PAKSA/TEMA
Ang “Para sa Hopeless Romantic” ay tungkol sa mga taong
nangangarap na mahalin, natatakot magmahal sapagkat takot na
masaktan, naranasang lokohin, naghahangad ng kaligayahan sa
pagibig, nais makalimot at umaasang maibabalik ang nagdaang
pagibig. Isinulat ito ni Marcelo Santos III upang mabigyan ang
bawat isa sa atin ng positibing pananaw sa pagibig at upang
hindi matakot na ito ay muling subukan.
2. TALINHAGA/TERMINOLOHIYA

• Kinitil – patayin: alasin ang buhay


• Bukang-liwayway: mag-uumaga
• Kasuklam-suklam: kapoot-poot, kamuhi-muhi
3. TUNGGALIAN
Tao laban sa sarili- Napariwala ang buhay ni Nikko noong
nagdesisyon siya na hiwalayan si Becca. Tumigil siya sa pag-
aaral, nawalan ng komunikasyon sa mga taong malapit sa kanya,
hindi kumakain ng tama at naadik sa kakalaro ng video games.
Subalit sinubukan niya parin baguhin ang sarili at nagawa niya
ito sa huli.
Tao laban sa lipunan- Si Becca ay nilalabanan ang sakit na dulot
ng pakikipaghiwalay sa kanya ni Nikko. Si Nikko naman ay
nakikipag tunggalian laban sa desisyon na sumama sa kanyang ina
at manatili sa pilipinas kasama si Becca.
4. KASUKDULAN
Ang kasukdulan ng nobelang ito ay ang parte kung saan parehong
hinahanap ni Rebecca at Nikko ang upuan na naglalaman ng
kanilang usapan. Sa paghanap ng upuan na ito din nila malalaman
kung sino talaga kausap nila sa upuan na ito. Subalit sa mismong
araw ng kanilang paghahanap sa upuan na ito ay nagkaroon ng
rally sa loob ng PUP campus at lahat ng kagamitan ng paaralan
mula na building na kinaroroonan ng upuan ay itinapon sa baba.
Habang pareho silang hindi magkaugaga sa kakahanap sa upuan ay
aksidente nilang nahawakan ang kamay ng isa’t-isa. Parehong
gulat ang kanilang reaksyon sapagkat hindi nila inaasahang ang
dating kasintahan pala ang kanilang kausap sa upuan. Dahil sa
aksidente nilang pagkikita ay nagkaroon sila ng pagkakataong
ipaliwanag ang kanilang panig at dahilan kung bakit bumitaw at
hinayaang masayang ang pagmamahalan nila noon.
5. TEORYANG PAMPANITIKAN
Gumamit ang awtor ng Teoryang Romantisismo
Ang halimbawa ng paggamit ng Teoryang Romantisismo ng awtor ay
maipapakita sa pangatlong kabanata ng nobela kung saan niligtas
ni Ryan si Maria sa pamamagitan ng pagtulak dito upang hindi
siya masagasaan na nagdulot ng pagkapunta ni Ryan sa bingit ng
kamatayan
Gumamit ang awtor ng Teoryang Marxismo
Ang halimbawa ng Teoryang Marxismo na ipinakita sa nobela ay ang
pagsusumikap na ginawa ni Rebecca upang maialis ang kanyang
pamilya sa kahirapan. Kahit na mahirap para sa isang
estudyanteng malapit nang magtapos ang pagsabayin ang pag-aaral
at pagt-trabaho ay tiniis niya ito na bandang huli naman ay
nagdulot ng kanyang pag-asenso.
Gumamit ang awtor ng Teoryang Moralismo
Ang Teoryang Moralismo ay ginamit sa pagpapahayag ni Rebecca ng
kaniyang pananaw sa pag-ibig.
Gumamit ang awtor ng Teoryang Sosyolohikal
Bilang isang manunulat, napatunayan ni Rebecca na kailangan ng
mahabang panahon sa pagsusulat ng mga kwento. Kailangan din ng
pokus at inspirasyon sa paggawa nito.
Gumamit ang awtor ng Teoryang Biyograpikal
Bilang kaibigan ni Rebecca na puro kapaklaan na lamang ang
isinusulat, naiintindihan ni Jackie na ang pagsulat niya ng mga
ganitong klaseng istorya ay dulot ng paghihiwalay nila ng dating
kasintahan.
6. ISTILO NG PAGSULAT
Sa istilo ng pagsulat ni Marcelo Santos III, talagang mapapa-
isip ka kung paano naging mag konektado ang dalawa o higit pang
karakter sa nobela.
Ang kwento ay inumpisahan niya sa pananaw ng karakter mula sa
istoryang ginawa ng pangunahing tauhan. Nagtapos ang pananaw ng
piksyon na karakter sa hindi kaaya-ayang pagwawakas bago niya
sinimulang ilahad ang pananaw ng pangunahing tauhan.

C. BISANG PAMPANITIKAN
1. BISA SA ISIP
Ang buhay ng tao ay hindi maaaring magwakas hangga’t hindi tayo
masaya. Hindi natin masasabing ito na ang huli hangga’t hindi
natin ito matatawag na “happy ending.”
“Hangga’t hindi pa happy,hindi pa yun ending,” iyan ang ilan sa
mga kataga mula sa ina ni Becca na talaga nga namang tumatak sa
aking puso’t isipan. Ang mga katagang ito ay nagbigay aral sa
akin at binago ang aking paniniwala sa buhay. Kahit na
nahihirapan tayo ng lubusan, kahit dumadating sa punto kung saan
nawawalan na tayo ng ganang mabuhay dahil sa lungkot at dami ng
problemang ating pinagdadaanan, marapat parin tayong maniwala na
ang buhay ay palaging nagtatapos sa “happy ending,” na kapag
hindi pa tayo masaya, balang araw ay may taong dadating at
bibigyan kulay ang ating malungkot na buhay.
2. BISA SA DAMDAMIN
Pag-ibig. Yan ang damdaming nangibabaw sa nobela, ang kwento ng
muling pag-iibigan ng dating magkasintahan. Bilang isang
mambabasa na medaling matangay ng damdaming nangingibabaw sa
bawat senaryo sa nobela ay nakaramdam din ako ng kilig, pagtulo
ng aking mga luha, pagka-inis, pagkagulat at labis na
panghihinayang.
3. BISA SA ASAL
Bilang isang karakter na napakaraming pinagdaanan sa nobelang
ito, lubos kong hinahangaan ang pagkatao ni Rebecca. Sapagkat sa
edad niya ay napakarami na niyang pinagdaanan, ilan dito ay ang
paghihiwalay at muling pagbabalikan ng kanyang magulang, ang
kaniyang pagt-trabaho habang siya ay nag-aaral, pag-mahal sa
isang tao at pagtamo ng sakit na siya nga namang naging dahilan
ng kaniyang paglaban at pakikipag sapalaran sa agos ng buhay.

VII. REAKSYON/ KONKLUSYON


Ang layuning nangingibabaw sa nobela ay kasalukuyang sumasalamin
sa mga kaganapan na hinaharap ng mga kabataan sa ating
henerasyon ngayon. Tulad na lamang ng kabilaang mga hiwalayan na
nagaganap hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo dahil
sa pagpasok ng mga kabataan sa isang relasyon para lamang
masabing “in” ito sa uso, hindi man lang nila iniisip ang mga
responsibilidad na dapat isaalang-alang sa isang relasyon.
Para sa aking pansariling opinion, labis na makatutulong ang
nobelang ito sa mga kabataan at pati na rin sa mga tita na
naranasan ng mabigo sa pag ibig.
VIII. REKOMENDASYON
Dahil ang layuning ipahatid ng nobela ay tungkol sa pag-ibig at
pakikipag sapalaran sa agos ng buhay, akin itong irerekomenda sa
lahat ng tao bagama’t ito ay makatutulong at makapagbibigay ng
pag-asa sa mga taong lubusang nasaktan sa kanilang pinadaanan sa
nakaraan.

You might also like