You are on page 1of 4

Laro Noon vs.

Laro Ngayon
Marunong ka pa bang maglaro ng tagu-taguan? Chinese garter? Kadang kadang?
Patintero? O mas paborito mo na ngayon ang mga laro saiyong cellphone, tablet o computer?
Dati-rati masayang masaya kaming lumulundag tuwing kami’y naglalaro ng Chinese
garter o luksong tinik. Kapag ang isa naming kakampi sa laro ay sumablay, hindi kami maaaring
matalo. Kaya kung ikaw ay magaling sa luksuhan, tiyak na pwede kang tumalon para sa kaniya
upang hindi tayo matalo.
Noon sanay na sanay kaming naghahabulan sa ilalim ng mga puno. Ang taya ang siyang
kailangan manghabol upang siya ay mapalitan. Minsan naman ay nakapiring ang taya at
hahanapin niya kami at huhulaan kung sino ang kaniyang nahuli at siya naman ang susunod
na taya.
Noon, lagi kaming nagkakarera sa pagsakay sa kadang kadang o yung bao na may butas
at tali na sinasakyan habang naglalakad o tumatakbo. Mahirap maglakad gamit ang kadang
kadang subalit kung ikaw ay maliksi at matatag siguradong mauuna ka sa finish line. Mayroon
namang para sa mga lalake o ang tinatawag na tiyakad o “sangkayaw” sa ibang wika. Mahirap
magbalanse gamit ang laruang ito na gawa lamang sa mga patapong kahoy ngunit sobrang
nakakatuwa kapag natutunan mong maglakad gamit ito bukod sa magmumukha kang higante
dahil sa taas nito.
Kung sa galing at liksi naman sa pag-ilag ilag at pagtakbo ang gusto mo, tayo ng
maglaro ng patintero. Laging may nakabantay na taya saiyo pero kung ikaw ay mabilis at
atentibo, tiyak na malulusutan mo siya at maililigtas mo ang lahat ng kakampi mo.
Subalit ngayon, tila iilang mga bata na lamang ang pinipiling maglaro ng mga ito.
Karamihan sa kanila ay mas nawiwili sa paglalaro ng cellphone at computer dahil hindi nila
kailangang tumayo, maglakad o tumakbo. Kailangan lamang tumingin sa screen at pwede
nang makapaglaro nang walang sawa. Ngunit nakakalungkot isipin dahil halos lahat ng mga
bata ay hindi na marunong makihalubilo sa kanilang kapwa bata dahil mas nauubos ang oras
sa paglalaro ng computer kung saan wala silang nakakausap. Bukod sa nakasisira ng mata ang
labis na panonood at pagtingin sa mga computer at cellphone, pinipigilan din nito na mag-
ehersisyo ang mga bata kung saan ito ay lubhang kailangan ng ating katawan.
Dati rati masayang masaya na kami kahit ang aming luksuhan ay gawa lamang sa
baging o sa mumurahing goma. Dati rati palaging malakas ang tawanan namin sa tuwing
sasapit ang kabilugan ng buwan dahil iyon ang tamang panahon upang makapaglaro ng
patintero. Noon, laging may mga batang malulusog at masisipag dahil bunot sa gawain ang
katawan. Subalit ngayon, ang mga larong ito ay napalitan na ng Counter Strike, Candy Crush,
Clash of Clans, at marami pang iba. At darating ang panahon na wala na ni isang bata ang
nakakaalam ng mga masasayang laro na pinamana pa sa atin ng ati;lng mga ninuno.
Kapag nangyari iyon, natitiyak ko na maraming bata na an iimpjjjmji k7g malungkot at
hindi na marunong tumakbo o makipag-usap nang maayos. Gusto mo bang dumating ang
araw na iyon?

You might also like