You are on page 1of 2

Magandang umaga po sa inyong lahat!

Tayo po ngayon ay
nagkakaroon ng isang espesyal na pagtitipon upang pag-
usapan ang isang napakahalagang isyu - ang pagsugpo sa
sunog at ang mga paraan ng pagsasanay para sa fire
prevention. Bago po natin sama-samang pag-usapan at pag-
aralan ang mga kailangang gawin upang masiguro ang
kaligtasan ng ating mga tahanan, lugar ng trabaho, at
komunidad, inaayayahan ko po ang lahat na magsitayo para sa
pagbubukas ng ating programa. Ang pagawit ng Lupang
Hinirang ay kukumpasan ni G. Benedicto Guevarra, Jr. at ang
panalangin ay pangungunahan ni Gng. Bethuel Alquiroz.

--------------------------------------------------------------------

Maari na pong maupo ang lahat.

Sa mga darating na oras, makikinig tayo sa mga eksperto


tungkol sa kahalagahan ng pagsusulong ng fire prevention sa
ating pang araw-araw na buhay. Sana ay maging aktibo tayong
lahat sa mga diskusyon at mga pagsasanay upang mas
mapalaganap ang kaalaman tungkol sa tamang pag-iingat
laban sa sunog.

Para po sa ating palatuntunan, narito ang mga bahagi ng ating


programa:

1. Pagbubukas:
2. Welcome Remarks
3. Seminar Proper
4. Open Forum
5. Closing Remarks

2. Pagbati at Pagtanggap:

 Para sa mainit na pagbati sa lahat ng dumalo lalong lalo


na ang ating mga tagapagsalita, atin pong akin pong
tinatawagan ang ating butihing punongguro, Ma’am Nancy
M. Labao.
Maraming salamat po, Ma’am Nancy.

3. SEMINAR PROPER

Hindi biro ang perwisyong dulot ng sunog kaya nga nabuo


ang kasabihang “Mas mainam pa ang manakawan kesa
ang masunugan.” Kaya’t tayo ay naririto para matuto ng
isang napapanahong seminar tungkol sa kahalagahan ng
pagiwas at pagsugpo sa sunog. Akin pong tinatawagan si
Fire Officer Gerald Luis T. Batu para talakayin ang unang
paksa.

Ang ikalawang paksa po ay tatalakayin ni Senior Fire


Officer Emerson V. Bunagan.

3. OPEN FORUM

Maraming salamat po sa ating mga tagapagsalita. Para sa


mga katanungan at ilang paglilinaw, maari na pong
magtanong.

4. Pagtatapos:

 Para sa pahayag ng pasasalamat sa mga tagapagsalita,


mga panauhin, at mga dumalo, narito po ang ating
masipag na Pangulo ng SPTA, G. Crispin M. Dantes.

Isang kapaki-pakinabang na mga oras na naman po ating natapos na


naglalayong maging maalam at ligtas ang bawat tahanan at opisina,
lalong lalo na ang mga taong nananatili rito. Muli maraming salamat po
BFP R3 San Luis Fire Station Pampanga sa mga kaalamanginyo pong
ibinahagi. Sa mga magulang at mga mag-aaral na naglaan po ng oras
para makinig at makiisa, maraming salamat po. Sa mga guro at punong-
abala po sa pagsasaayos ng programang ito, dakila po kayo. Ako po
ang inyong naging dagapagdaloy sa umagang ito, Dr. Jenifer M.
Mangalus. Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat!

You might also like