You are on page 1of 39

Holy Trinity Academy

Balic-Balic, Calabash St. Sampaloc Manila

Basic Education

BIGKIS ARAL IWAS SAKUNA

Pangwakas na Gawain sa

Disaster Readiness and Risk Reduction

at Filipino sa Piling Larangan

Ipinasa ng:

12 – STEM C

Ipinasa kina:

Gng. Jean Lopez

DRRR Tagapagdaloy ng Pagkatuto

Gng. Jenny Mae Labbuanan Advincula

FPLA Tagapagdaloy ng Pagkatuto

Disyembre 2021
PAGPAPAHALAGA

Mula sa buong klase ng ika-12 baitang STEM C, lubos kaming nagpapasalamat sa

lahat ng indibidwal na naging bahagi, tumugon at tumulong upang maging matagumpay na

maisagawa ang programang ito. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong tiyaga na gabayan kami,

sa oras na iyong ipinagkaloob sa amin simula sa unang araw ng paghahanda, at lalong lalo na sa

inyong kooperasyon at suportang ipinakita sa mismong araw ng aming webinar. Ang lahat ng ito ay

may malaking parte at naging inspirasyon kung bakit naging matagumpay ang isinagawang webinar

ng IKA-12 STEM C. Ang Webinar na ito na pinamagatang, “BIGKIS ARAL IWAS SAKUNA”, ay

hindi magiging possible kung wala ang suporta at tulong ng aming mga Gurong tagapayo na sina

Gng. Jean Lopez, Gurong Tagapayo sa Disaster Readiness and Risk Reduction, at Gng.

Jenny Advincula, Gurong Tagapayo sa Filipino sa Piling Larangan. Hindi rin maging

matagumpay ang aming Webinar kung wala ang suporta at tulong ng aming Gurong Tagapayo na

si G. Cornelius Elvis Gaffud, na naglaan ng oras upang gabayan kami sa paghahanda mula sa

unang araw ng aming pagpaplano para sa Webinar. Taos puso rin naming pinasasalamatan si Bb.

Jamella Joi Balondo, panauhing pandangal, sa kanyang inilaang oras at ibinahaging kaalaman

hindi lamang para sa amin kundi para na rin sa mga manonood sa Facebook Live.

Labis rin namin inilalaan ang Webinar na ito sa mga indibidwal na tumulong sa aming

pagpaplano upang magkaroon ng magandang kalabasan ang aming Programa. Nais din namin

ihandog ang aming pasasalamat kina Matthew Ricohermoso at Marc Morales sa tulong at aral na

kanilang ibinigay sa aming paghahanda sa Webinar at sa aral na kanilang ibinigay upang

matagumpay namin mai-ere ang Webinar. Nais rin namin magpasalamat kina G. Arniel Descalzo,

Gurong Tagapayo ng Ika-11 baitang STEM C, sa pagbibigay pahintulot sa kanyang klase na


maging tagapakinig sa isinagawang webinar, kay Dr. Evelyn B. Tallod, Punong guro ng Holy

Trinity Academy at sa iba pang kaguruan na nagbigay suporta sa aming programa. Kinikilala rin

ang bawat miyembro ng 12 STEM C sa kanilang pagbibigay ng oras, tulong at pagsisikap upang

mapagtagumpayan ang Webinar.


TALAAN NG NILALAMAN

I. Title Page ---------------------------------------------------------------------------> Pahina 1

II. Acknowledgments ---------------------------------------------------------------> Pahina 2 - 3

III. Talaan ng Nilalaman -------------------------------------------------------------> Pahina 4

IV. Daloy ng Programa --------------------------------------------------------------> Pahina 5 - 6

V. Webinar Proper -------------------------------------------------------------------> Pahina 7 - 10

A. Mga Kalakasan at Mga Kahinaan ----------------------------------> Pahina 11

B. Naratibong Ulat Sa Araw ng Paghahanda

1.1. Miting 1 --------------------------------------------------------------> Pahina 12 - 13

1.2 Miting 2 --------------------------------------------------------------> Pahina 14

1.3. Miting 3 --------------------------------------------------------------> Pahina 15

1.4. Miting 4/ Dry Run -------------------------------------------------> Pahina 16 - 17

1.5. Miting 5/ Huling Ensayo ----------------------------------------> Pahina 17 -18

C. Evaluation -----------------------------------------------------------------> Pahina 18 - 25

D. Mga Apendiks

2.1. Apendiks A ---------------------------------------------------------> Pahina 26 - 30

2.2. Apendiks B ---------------------------------------------------------> Pahina 31 - 37

E. Mga Tauhan --------------------------------------------------------------> Pahina 38 - 39


HOLY TRINITY ACADEMY

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS

STEM WEBINAR 2021

NARATIBONG ULAT SA ARAW NG WEBINAR

MGA MAGTATANGHAL: MGA MAG-AARAL NG IKA-12 BAITANG STEM C

ANTAS NG TAON: IKA-12 STEM C

PANAUHING TAGAPAGSALITA: Bb. Jamella Joi R. Balondo

ARAW AT ORAS: Disyembre 10, 2021 @ 4:00 pm

LUGAR: Google Meet

BIGKIS ARAL, IWAS SAKUNA

I. UNANG PARTE

Sa ganap na alas-kwatro ng hapon (4pm), Disyembre 10, 2021 ay nagsimula na ang


pinaghahandaang webinar na pinamagatang "BIGKIS ARAL, IWAS SAKUNA" ng baitang 12
STEM C. Upang hindi masayang ang oras, ay inanyayahan ng mga komite na dumalo ang
mga tao sa pamamagitan ng pagbabahagi ng anunsyo at pagstre-stream ng live sa opisyal
na facebook page na 12 STEM C. Masiglang sinalubong ng mga punong abala na sina Cire
Yaptengco at Elli Pimentel ang baitang 11 STEM C at iba pang mga tagapanuod sa google
meet, kasama narin ang inaasahang panauhing tagapagsalita na si Bb. Jamella Joi R.
Balondo. Tuluyang binuksan ang programa sa pambungad na panalangin ni Ace Saliendra
na sinundan ng Pambansang awit na Lupang Hinirang.

Alinsunod sa pambansang awit at pakikipag-kamustahan ng punong abala na si Elli


Pimentel, susundan ito ni Ashanti Jamaeca D. Salumbre ng kanyang pagbati at pagka-galak
sa mga inanyayahang dumalo sa itinakdang webinar. Kasunod nito, kaniya ring ilalahad na
ang pamagat ng webinar ay may koneksyon sa buong talakayan. Na kung saan nararapat na
bigyang-diin ang pamagat na “BIGKIS ARAL, IWAS SAKUNA” sa pamamagitan ng
paglalahad ng iilang terminolohiya na naglalayong bigyang linaw and madla na ang
inihandang webinar ay may layuning mapag-sama o mapag-buklod ang mga mapupulot na
aral o kaalaman nang sa gayon ay matutunan ng bawat isa ang kahalagahan ng paghahanda
at pagiging alerto sa mga di inaasahang sakuna o trahedya.

II. GITNA

Matapos ipakilala ang panauhing pandangal, nagsimula na ang diskusyon sa


pamamagitan ng paunang laro kung saan nakita kung gaano kaaktibo ang mga manonood
ng programa. Ang pampaganang laro na iyon ay nagsisilbing palatandaan at hudyat ni Bb.
Balondo sa pagkuha ng atensyon ng mga manonood, kung saan kapag sinabi niyang
“Chicken” sasagot naman ang mga manonood ng “Nuggets”. Bukod dito, maraming inihanda
si Bb. Balondo na mga palaro upang buhayin at magkaroon ng interaksyon at partisipasyon
ng mga manonood. Hindi rin naging hadlang ang sistema ng pag eere ng webinar, sapagkat
maging ang mga manonood sa Facebook Livestream ay nakikibahagi rin sa talakayan at
palaro.

Pagkatapos nito ay pormal na nagpakilala ni Bb. Balondo, siya ay dating opisyal na


rumeresponda sa tuwing may sakuna sa kanilang paaralan noong siya ay nasa High School.
Ginamit ng panauhin ang karanasang ito upang ibahagi ang kanyang kaalaman at turuan ang
mga kabataan sa pag-iwas, maging handa, at maging wais sa oras ng sakuna. Nahati ang
diskusyon sa dalawa, ang unang tinalakay ay ang mga bagyo, ang pinaka karaniwang sakuna
na nararanasan sa ating bansa. Nagbahagi ng kaalaman si Bb. Balondo sa iba’t ibang
klasipikasyon ng bagyo at kung ano ano ang mga epekto nito sa mga lugar na nasalanta.
Ipinaliwanag rin ni Bb. Balondo ang mga maaaring sakuna na dumating at maganap tuwing
may bagyo tulad ng pagbaha, landslide, storm surge, at marami pang iba. Nabanggit rin dito
ang iba’t ibang antas ng bagyo at ang mga epekto at dala dala nitong pahamak sa mga
masasalanta, nagbahingi rin ng payo si Bb.Balondo sa mga dapat gawin bago, sa tuwing, at
pagkatapos ng bagyo. At bilang pagtatapos sa unang bahagi ng diskusyon nagpanood ng
mga dokumentasyon si Bb. Balondo upang mas maintindihan ng mga manonood ang ideya
ng bagyo.

Sumunod na bahagi naman ng diskusyon ay ang Lindol, isa rin sa mga kadalasang
sakuna na nararanasan natin sa ating bansa dahil na rin sa topograpiya ng Pilipinas. Muling
nagbahagi si Bb. Balondo ng kanyang kaalaman sa Lindol, binanggit rin nya ang
pinakamalapit na fault line sa ating lugar ang West Valley Fault, isa sa aktibo at
pinakamahabang fault line na binabantayan ng PHILVOCS sa kasalukuyan sapagkat
tinatayang ito ay yayanig ng 7.2 magnitude at dadaan sa anim na siyudad sa Metro Manila at
kalapit nitong mga probinsya. Higit itong mapinsala sapagkat maaari rin itong magsimula ng
Tsunami at maging dahilan ng pagsabog ng mga bulkan na aktibo. Dahil isa ang Maynila sa
dadaanan ng fault line na ito, nagbahagi si Bb. Balondo ng isang app na makakapagsabi kung
nasaan at gaano kalayo ang isang active fault sa lugar na kinatitirikan ng ating bahay. Ang
Application na ito ay suportado ng mga ahensya na may kaalaman sa iba’t ibang sakuna kaya
ito ay mapagkakatiwalaan. Pagkatapos subukan ang application na ito ay tumuloy na sa
huling bahagi ng diskusyon si Bb. Balondo kung saan siya ay nagbigay ng mga payo kung
paano magiging ligtas ang ating sarili maging ang ating pamilya sa lindol. Ang GO BAG ay
isang uri ng kagamitang naglalaman ng mga pangunahing pangangailagan ng isang tao sa
tuwing may sakuna, naglalaman ito ng damit, pagkain, tubig, mga gamot at iba pang gamit
na makakatulong sa oras ng sakuna. Nabanggit rin ni Bb. Balondo na importante magkaroon
ng Evacuation Plan ang isang pamilya, paaralan maging malalaking estraktura upang maging
handa hindi lamang sa lindol kundi maging sa iba’t ibang sakuna. Pagkatapos magbigay ng
huling paalala sa kung paano mag ingat si Bb. Balondo ay natapos na ang diskusyon, tumagal
ito ng isang oras.

Binigyan ng pagkakataon na magtanong ang mga tagapakinig sa parte ng malayang


pagbabahagian. Kung kaya’ ang bawat komite ng Ika-12 STEM C ay nanguna ng magtanong
sa panauhing pandangal. Ang unang tanong na galing sa Documentation Komite ay "Paano
mo masasabi na ligtas yung bahay na titirhan or tinitirhan mo sa mga disasters?", sagot ng
panauhing pandangal na dipende ito sa lugar dahil kailangan munang alamin kung saan ang
pinagmumulan ng senyales na hindi ligtas ang bahay na tinitirhan. Pangalawa, ang
katanungan ay galing sa Technical Komite “Ano po ang pwedeng senyales na mararamdam
kung may paparating na sakuna?”, sinagot ito ng panauhing pandagal na wala tayong
mararamdam na kahit anong senyales sapagkat ito ay natural na sakuna sa ating kapaligiran
ngunit dahil sa modern technology na mayroon tayo ngayon may mga alert notifications na
lumalabas sa ating mga gadyets na nagbibigay hudyat kung may paparating sakuna. At para
sa panghuling katungan ito ay nangaling sa Externals Komite "Sa panahon ngayon na
mayroon tayong kinakaharap na pandemya, paano masisiguro na nabibigyang solusyon ang
kahirapang epekto ng mga likas na sakuna?", sagot ng panauhing pandangal na dipende ito
sa mga lokol na yunits dahil may mga maayos nila naisasagawa ang kanilang responsibilidad
at may mga hindi naisasakatupuran ang kanilang responsibilidad. Pagkatapos ng malayang
pagbabahagian nagtungo naman ang mga tagapakinig sa mini game na inihanda ng Program
Komite dito ay kinakailagan pumunta ng mga manglalahok sa quizziz webiste upang makasali
sa patimpak. Binigay ng dalawang punong abala ang code na gagamitin sa patimpalak na
kung saan ito ay nilalaman ng mga katanungan na ugnay sa paksang tinalakay ni Bb.
Balondo. Sa patimpalak na ito ay nanalo si Lyla Jane Villanueva bilang bilang paunang
kampyon, panagalawang kampyon ay si Justine Enriquez at panghuli ay si Bridgette
Margareth Divina. Ang tatlong nanalo ay bibigyan ng patimpatak na nagkakahalaga ng
limampung piso (₱ 50) pera na kanilang makukuha sa pakikipagugnayan ng Program Komite sa
mga nanalo.

III. WAKAS
Sa nalalapit na pagtatapos ay nagbigay ng konting kaalaman sina Endalyn Santos at
Redentor Apostol tungkol sa kung paano mabibigyan pangalan ang isang low pressure area
o mas kilala sa bagyo. Gayundin nagbigay ng impormasyon si Redentor tungkol sa kung ano
ang pinaka maduming tubig sa baha, ito ang tubig baha sapagkat madaming microbiyo at
dumi ang humahalo dito. Sa mga impormasyon na kanilang tinalakay ay maraming natutunan
ang buong klase at ang mga manonood. Pagkatapos ng mga impormasyon na ibinahagi nila
Endalyn at Redentor nagbigay gantimpala naman ang pinuno ng buong klase na si Enzo
Nicole Rosos para sa tagapagsalita ng webinar na si Bb. Jamilla Joi Ramos Balondo
ginawaran ng gantimpala sapagkat siya ay naglakas loob na ibahagi ang kanyang nalalaman
tungkol sa sakuna. Ang panauhing pandangal ay makatanggap ng gantimpala na
nagkakahalaga ng pitong daan labintatlo punto pitumpu’t limang piso ( ₱ 713.75) na grogercy
package. Pagkatapos nito, ang pangwakas na pananalita ay magandang inilahad ni Francine
Red Antonio, isa sa mga miyembro ng Program Committee. Nagbigay ito ng paalala tungo sa
tunay na layunin ng Webinar. Hinahangad na lahat ay sana'y may natutunan at nagkaroon ng
bagong kaalaman. Bukod dito, nagpasalamat ito sa mga dumalo, nakinig, at lumahok ng
Webinar sapagkat nakamit ng ika-12 baitang STEM C ang matagumpay na pagtatanghal ng
gawain.

Pagkatapos ng kagawaran ng gantimpala para sa tagapagsalita ay nagbigay na


ng pangwakas na pananalita si Francine Red Antonio sa buong klase at sa mga manonood.
Isinaad ni Francine ang pasasalamat patungo sa mga dumalo sa webinar ng 12 STEM C.
Gayundin ang pagbibigay aral sa mga manonood at paalala na palaging maging alerto at
palaging aalagan ang sarili kung ayaw mong maiwan na sugatan. Matapos ang pangwakas
na pananalita ay sinunod na ang pangwakas na panalangin na pinamunuan ni Ace Saliendra,
siya ay nagpasalamat sa mga dumalo at sa mga guro na presinta sa loob ng webinar,
gayundin ang tagapagsalita na si Bb. Jamilla Joi Ramos Balondo.

Matapos ang pangwakas na panalangin na pinamunuan ni Ace ay umalis na ang mga


manonood sa webinar at sila ay nagpasalamat sa mahusay at magandang webinar sapagkat
mayroon silang aral na napulot na isasabuhay nila pagdating ng araw na may dumating na
sakuna. Ngunit ang klase ng 12 STEM C ay naiwan sapagkat sila ay nagdiwang at
nagpasalamat para sa mga gurong dumalo sa webinar sina G. Gaffud, Gng. Lopez at Gng.
Tubera, gayundin ang pagbibigay pugay ni G. Gaffud sa kanyang klase sapagkat
napakaganda ng daloy ng webinar.
Mga Kalakasan:
1.) Nakakapangengganyo sa mga nakikinig dahil sa mga aktibidad at laro na ginawa ng
Program Komite.
2.) Mabilis na agapan ang mga isyung teknikal.
3.) Pagakakaroon ng plan b sa parte ng malayang pagbabahagian kung kaya’t
nakapaghanda ng mga tanong ang bawat komite.
4.) Mabilis at maayos na tugon ng dalawang punong abala.
5.) Tumpak ang mga nilalaman ng presentasyon ng panauhing pandangal at napaka
impormatibo ng pagpapahayag na may kasamang aliw sa mga tagapakinig.

Mga Kahinaan:

1.) Time management sa paggawa ng mga presentasyon upang mas lalong mapaganda.
2.) Kraming ng ibang Komite kung kaya’t maari pang mas mapaganda ang presentasyon.
3.) Lumagpas sa limistasyon ng oras para sa webinar.
HOLY TRINITY ACADEMY

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS

STEM WEBINAR 2021

NARATIBONG ULAT SA MGA ARAW NG PAGHAHANDA

MITING 1

ARAW AT ORAS: Nobyembre 12, 2021 3:00pm – 4:00pm

LUGAR: Class Discord Server

ADYENDA: Pagtatalaga ng Tungkulin at Mga miyembro ng Komite

Ang mga Opisyal ng Ika-12 baitang STEM C ay nag-organisa ng isang pulong bilang
paghahanda para sa isang Webinar. Ang layunin ng pagpupulong ay magtalaga ng komite na
kukumpleto sa daloy, ang mga tauhan at ang organisasyon ng kaganapan. Ang klase ay nahati sa
limang (5) grupo na magsisilbing hati sa pagbuo ng mga komite na may iba't ibang tungkulin at
responsibilidad bilang paghahanda sa programa, bawat miyembro ng klase ay may kalayaang pumili
ng kani-kanilang grupo kung saan sila ay may kalayaang magbahagi ng kanilang kaalaman at mag-
ambag sa trabaho. Ang iba't ibang komite at ang kanilang mga tungkulin ay nakasaad sa ibaba:

Pangalan ng mga Komite at ang kanilang tungkulin:

1. External/Communication Committee - Binubuo ng 8 miyembro

Responsable sa pakikipag-usap sa iba't ibang indibidwal na gaganap at may


mahalagang papel sa programa. Ang Panlabas na Komite ay responsable din sa pagbibigay
ng mga liham ng kahilingan, mga imbitasyon, at pahintulot sa Panauhing Tagapagsalita,
Punong guro, Mga kaguruan ng mga manonood, at ang mga Mag-aaral na makikilahok sa
webinar.
2. Publications/Promotion Committee - Binubuo ng 8 miyembro
Ang Publications/Promotion Committee ay responsable sa paggawa ng patalastas at
pag aadbertisa sa social media upang magbigay impormasyon sa publiko tungkol sa Webinar.
Gayundin ang pamimigay ng mga imbitasyon at panghihikayat ng nakararami na lumahok sa
programa. Ang ginagamit ng Publication/Promotion Committee sa pagsasagawa ng tungkulin
ay ang kapangyarihan ng social media upang mailahad ang mensahe sa manonood at ibang
kalahok mula sa paaralan.
3. Technical Committee - Binubuo ng 8 members
Ang Technical Committee ay may tungkulin na pagtuunan ng pansin ang kahalagahan
ng pagkakaroon ng koordinasyon sa komiteng ito, partikular sa bahagi ng strategic themes
na kung saan kinakailangan ang pag-laan ng higit na pokus nang sa gayon ay makamit ang
inaasam na pangitain.
4. Program Committee - Binubuo ng 7 miyembro

Ang Program Committee ay nakatalaga sa pagpaplano ng daloy ng webinar. Ang


bawat miyembro sa nasabing komite ay kinakailangan matukoy at mailahad ang buong
kaganapan sa mangyayaring online event. Sa pamamagitan ng sariling aksyon ng Program
Committee, inaasahan na magiging maayos at malinis ang takbo ng webinar.

5. Documentation Committee - Binubuo ng 8 miyembro


Ang Documentation Committee ay may gampanin na gumawa ng naratibong paguulat
na naglalaman ng mga resposibilidad ng bawat komite. Tungkulin ng komite na ito na ilagay
ang daloy ng mga napagusapan sa bawat pagpupulong na isinasagawa. Kasama ng
paggawa ng naratibong ulat ay ang mga litrato o larawan ng mga miting, imbitasyon, karatula
at daloy ng program.

Matapos ayusin at kumpletuhin ang bawat miyembro ng komite, ang bawat grupo ay
nagkaroon ng kani-kanilang pagpupulong at pumili ng isang pinuno o isang puntong tao upang ibigay
ang nakatalagang gawain sa bawat miyembro. Bilang karagdagan, ang bawat komite ay nagsisimula
na ring magplano ng kanilang diskarte sa kanilang mga responsibilidad bilang paghahanda para sa
webinar. Ang pagpupulong ay natapos na matapos magbigay ng huling panuto at tagubilin ang
Pangulo ng Klase sa mga iskedyul ng pagpupulong na isasagawa dalawang beses sa isang linggo
na gaganapin muli sa Discord Server ng klase, bilang pagsasaalang-alang sa madaling pag-
oobserba at pagkuha ng datos ng mga miyembro ng Documentation Committee.
MITING 2

ARAW AT ORAS: Nobyembre 19, 2021 3:00 pm - 3:30 pm

LUGAR: Class Discord Server

AGENDA: Estado ng mga proseso ng bawat Komite

Ang ikalawang pagpupulong ay sinimulan ni Bb. Rosos, Presidente ng Klase, sa ganap na ika-3 ng
hapon. Ang unang naging adyenda ng pulong ay ang pagdedesisyon ng klase kung kailan gaganapin ang
Webinar, napagkasunduan ng bawat komite na ang Webinar ay gaganapin at ipiprisinta sa ika-10 ng
Disyembre taong 2021, araw ng Biyernes. Pagkatapos pagdesisyunan ng klase ang araw ng Webinar,
dumako na ang pulong sa susunod na adyenda kung saan nagbigay ng opinyon ang bawat miyembro ng
klase kung magkano ang pag aambagan halaga upang magkaroon ng badyet para sa pagbibigay ng regalo
ng pasasalamat sa Panauhing pandangal maging sa mga kagamitang gagamitin sa programa tulad ng
sertipiko. Napagkasunduan ng klase na bawat mag-aaral ng 12 - STEM C ay magbibigay ng tatlumpung piso
(₱ 30) upang magkaroon ng sumatotal na Isang libo’t isang daan at pitumpu’t piso (₱ 1,170) na budget.
Nagkaroon ng iba’t ibang suhestyon ang mga mag-aaral sa mga halimbawa ng maaring maging token ng
klase, ito ay hindi pa pinal na napagdedesisyunan ngunit ito ang mga maaring maging token ng klase na
ibibigay sa panauhing pandangal.

a. Coffee Mug Heater - Ang Coffee Mug Heater ay swak na ipangregalo na nagkakahalaga
lamang ng dalawang daan siyam pu't siyam piso (₱ 299) na makakatulong at nagpapasaya sa isang
coffee lover dahil ito ay may kakayahan na paigtingin ang kainitan ng isang inumin.
b. Grocery Package - Isa rin sa magandang pang regalo ay ang grocery package na worth 500
pesos dahil pwede itong ginagamit bilang handa sa darating na kapaskuhan.
c. Planner - Ang planner ay nagkakahalaga ng dalawang daan siyam pu't siyam piso (₱ 299) na
makakatulong sa isang tao upang ma-organisa ang itinakda na petsa at oras ng kailangan tapusin na
gawain o plano sa darating na 2022.

Napagdesisyunan ring ang regalong ibibigay ay may presyo ng hindi bababa sa tatlong daang piso (₱
300) at di tataas sa isang libo (₱ 1,000). Pagkatapos pag usapan ang adyendang pangkalahatan ay dumako
na ang bawat komite sa kani-kanilang pulong upang pag usapan muli ang kanilang mga responsibilidad sa
Webinar. Natapos ang pulong sa ganap na ika-3 at kalahati ng hapon matapos magbigay ng huling paalala
ang Presidente ng klase.
MITING 3

ARAW AT ORAS: Disyembre 05, 2021 2:00 pm - 2:45 pm

LUGAR: Class Discord Server

AGENDA: Balitaan ng bawat Komite

Habang papalapit ang araw ng webinar, patuloy ang pagiging abala sa pagtrabaho ang bawat
isa. Tuwing synchronous session sa Disaster Readiness and Risk Reduction, nagkakaroon ng
maikling pag-babalitaan tungkol sa paparating na kaganapan. Inilalahad ng pinuno ng klase ang
progreso ng bawat komite gayundin ang inaasam na mangyayari sa mga susunod na araw. Ang
pangatlong pagpupulong ay sinimulan ni Bb. Enzo Nicole Rosos sa tulong ni Bb. Jen Nicole Regio,
sa ganap na ika-2 ng hapon. Ang unang adyenda sa pagpupulong ay ang pagbibigay ng balita
tungkol sa kung anong mangyayari sa webinar, dito napag-usapan kung sino ang magiging
tagapanood ng gaganaping webinar ito ang baitang 11 - STEM C mula sa Holy Trinity Academy.

Gayundin, ang pagbibigay balita ng tagapagsalita ng external communication sa kung anong


ang kanilang nagawa. Natalakay dito ang paglalagda ng mga guro at principal sa communication
letter upang maging maayos ang takbo ng webinar. Susunod ay nakausap na rin ng external
committee ang tagapagsalita sa webinar at nabigyan na rin ng sulat at sinabi rin ng tagapagsalita na
handa siyang gumawa ng visual aids, tumatanggap din siya ng mga mungkahi mula sa mga
estudyante. Sa kabila naman ang documentation committee ay nagbigay balita rin sa kung ano na
ang ginagawa nila, sinabi ng tagapagsalita sa komite na bawat pagpupulong na ginagawa ay
sinusulat nila kung ano ang napagusapan. Nagbigay balita rin ang publication committee sinaad nila
na kumpleto na ang mga dapat nilang gawin at ipapakalat lamang ito sa social media.

Sa kabilang kamay, nagbigay balita rin ang program committee ang tagapagsalita ng komite
ay inilahad ang buong layunin at takbo ng webinar, sila rin ay nag-usap ng tagapagsalita ng technical
committee upang matalakay ang mga dapat gamit sa webinar. Pagkatapos ng pagbabalita ng bawat
komite sa kani-kanilang progreso sa grupo, napagdesisyunan na magkakaroon ng dry run sa
darating na Miyerkules. Inaasahan na ang bawat isa sa klase ay makikisama at handa sumunod na
gawain upang makamit ang magandang resulta sa araw ng webinar. Samakatuwid, hinahangad na
magiging maayos ang daloy ng programa sapagkat lahat ay may kamalayan tungkol sa kaganapan.
MITING 4/ DRY RUN

ARAW AT ORAS: Disyembre 08, 2021 2:00 pm - 4:30 pm

LUGAR: Google Meet

AGENDA: Unang Ensayo

Naganap ang kauna-unahang dry run o pag eensayo ng 12 - STEM C dalawang araw bago
ang Webinar na gaganapin sa Biyernes, ika-10 ng Disyembre. Sa pangunguna ng mga miyembro
ng Technical at Program Committee maging sa patnubay ng Pangulo ng Klase, naisagawa ng
malinis, deretso, at maayos ang unang ensayo para sa Webinar na pinaghandaan sa loob ng halos
isang buwan. Nangyari sa dry run ang inaasam na kaganapan sa araw ng Webinar. Sa kalagitnaan
ng pag eensayo, dumating at nag obserba si G. Gaffud, ang Class Adviser ng 12 STEM - C, at
nagbigay ng suhestiyon at puna para sa mas ikagaganda ng programa. Makalipas ang ilang minuto,
dumating rin si Gng. Lopez upang obserbahan ang unang pag-eensayo ng klase.

Itinaas ng Technical Committee ang suliranin na kanilang hinarap tungkol sa gagawing pag-
ere ng Webinar sa Facebook Page ng paaralan maging sa personal na Facebook Page ng klase sa
araw ng Webinar. Sa kabila nito, nakahanap ng solusyon sina G. Gaffud at Gng. Lopez sa
pamamagitan ng paghingi ng tulong sa mga dati nilang estudyante. Naging maayos ang kanilang
pagtulong sa Technical Committee kung paano isinasagawa ang pag-ere ng Webinar sa Facebook.
Muling pinasadahan ng Program Committee ang programa upang ipakita kay Gng. Lopez, kung
saan muling nakakita ng maaaring maging hadlang at problema sa mismong araw ng programa,
nabigyang tugon naman ito agad ng mga miyembro ng Program Committee. Natapos ang unang
ensayo sa ganap na ika-4 ng hapon, matapos magbigay ng huling suhestiyon si G. Gaffud maging
si Gng. Lopez.

Gayunpaman, nagkaroon ng ikalawang pagkikita ang pinuno ng bawat komite kasama ang
buong Technical Committee noong ika-10 ng gabi sa parehong araw ng unang pag eensayo.
Nakasama sa kanilang pagpupulong ang magiging guest speaker ng Webinar. Tinalakay nila ang
maaaring maging problema sa parte ng malawakang pagbabahagian, kung saan naghanda ang
bawat komite ng kani-kanilang katanungan kung sakaling walang lumahok na tagapakinig ng
programa. Bukod pa rito, nagsagawa ng ikalawang pag eensayo ang mga miyembro ng Technical
Committee sa pag-ere ng Webinar sa personal Facebook Page ng klase noong ika-2 ng hapon,
Disyembre 9. Pagkatapos nito, muling nagpatawag ang Pangulo ng klase para sa huling ensayo sa
araw na iyon, kasama ang ibang komite bilang mga tagapakinig. Inayos at pinasadahang muli ng
Program Committee ang programa upang makita kung mayroon pang maaaring maging problema
sa darating na Webinar.
Higit sa mga pagkakamaling nakita sa unang ensayo para sa webinar na agad nabigyan ng
aksyon. Ito rin ay nagbunga ng magandang dulot sapagkat nakita ng mga komite ang mga dapat
bigyan pansin sa webinar. Mayroon din namang mga punto nagandan sina G. Gaffud at Gng. Lopez
tulad na lamang noong nagkaroon ng pagkanta ang isa sa mga kamag-aral ng 12 STEM C at ang
pagbibigay ng trivia ng dalawa sa kamag-aral ng 12 STEM C. Kaya naman ang unang ensayo ay
naging matagumpay sapagkat nabigyan lunas ang mga dapat ayusin sa webinar. Kaya naman
malaking tulong ang pagsasagawa ng unang ensayo ng 12 STEM C at ang pagbibigay tulong nila
G. Gaffud at Gng Lopez upang maging maganda ang daloy ng webinar sa itinakdang araw ng
paglabas nito. Ang tulong na ginawa ng mga dating estudyante ni G. Gaffud at Gng. Lopez ay
malaking ambag sapagkat tinuruan nila kami kung paano masolusyunan ang pinaka problema ng
webinar ng 12 STEM C,

MITING 5

ARAW AT ORAS: Disyembre 10, 2021 10:00 am - 4:30 pm

LUGAR: Google Meet

AGENDA: Huling Ensayo

Nagsimula ang huling ensayo sa ganap na ika-10 ng umaga, ilang oras bago magsimula ang
aktwal na Webinar. Pinangunahan muli ng Program Committee ang ensayo kasama ang panauhing
pandangal na si Bb. Jamella Joi R. Balondo, upang pasadahan ang buong programa. Nagkaroon na
ng pagtatala ng oras kung gaano tatagal ang Webinar at kung ito ba ay papasok sa binigay na oras
ni Gng. Lopez. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ay nakaharap ng suliranin ang panauhing
pandangal sa kanyang koneksyon, kung kaya ay itunuloy parin ang ensayo. Inaasahan na ang
Webinar ay tatagal ng Isang Oras o higit pa dependa sa tagal ng oras ng panauhing pandangal.
Agad ring natapos ang pag eensayo ng makumpleto ang buong programa at magkaroon rin ng
mahabang paghahanda para sa aktwal na programa. Sa suliranin na kinaharap ng panauhing
pandangal napagkasunduan ng buong klase kasama si Gng. Lopez na iurong ang oras ng webinar
sa ganap na 4:00 ng hapon. Kabilang din sa napagdesisyonan na iurong ang oras ng webinar dahil
sa patuloy pa ang webinar ng mga naunang seksyon ng IKA-12 STEM. Kilanaunan maayos ng
naisagawa ng buong komite ng STEM C ang paghahanda sa gaganaping webinar ng hapon. Bilang
karagdagan, mula sa naipon na pera mula sa ambagang naganap, nakalikom ng ₱ 1,060 kung saan
ito ay hinati para sa mga kagamitang kinailangan sa Webinar. Ang badyet ay nahati sa dalawa:
a. ₱713.75 - Ang grocery package na inihandog sa panauhing pandangal bilang regalo ng pasasalamat.
b. ₱45.00 - Ginamit sa paglilimbag ng mga liham pang komunikasyon at mga sertipiko

Mayroong natirang ₱86.25 sa kabuuang badyet na idadagdag na lamang sa pondo ng klase.


Evaluation

Externals/Communication Committee

Evaluation (1-10)

Leader:

Enzo Nicole Rosos 10

Members:

Chrizea Jhane Trani 10

Eunice Mae Palomares 10

Carlos Daniel Aguilar 10

Elyana Mary Sandoval 8

Kyla Charlotte Navata 7

JJ Bobier 7

Alessandra Simone Guico 6

Mga Kontribusyon:

Enzo Nicole Rosos – Ako ang tumatayong chairperson ng buong webinar program at key person
naman sa Externals/Communication Komite. Ako ang facilitator/moderator tuwing may pagpupulong
ang aming buong seksyon. Ako ang naghati-hati ng mga gawain para sa aming komite. Ako ang
bumuo at nagwasto ng mga liham pang-komunikasyon bago ito ibigay sa punong-guro, panauhing
tagapagsalita, mga guro, at ang seksyon na aming inanyayahang dumalo sa aming webinar. Ako
ang naging tulay sa lahat ng komunikasyong panloob at panlabas.
Chrizea Jhane Trani – Siya ang assistant key person n gaming komite. Siya rin ang tulay sa
komunikasyon sa pagitan ng aming seksyon at panauhing tagapagsalita. Marami siyang binigay na
kontribusyon sa liham pang-komunikasyon na aming binuo. Siya ay naging aktibong miyembro at
handa siyang ipahayag ang kaniyang mga mungkahi tuwing kami ay nagkakaroon ng pagpupulong.

Eunice Mae Palomares – Siya rin ay aktibong miyembro na nagbahagi ng kaniyang mga ideya sa
pagbuo ng mga liham pang-komunikasyon. Siya ang unang nagbigay ng kaniyang kontribusyon sa
pagsulat ng liham para sa panauhing tagapagsalita. Binigay ko rin sa kanya ang gawain na kausapin
ang mga nanalo sa aming palaro sa Quizizz noong araw ng aming webinar.

Carlos Daniel Aguilar – Siya ang nanguna sa pagbuo ng liham pangh-komunikasyon para sa Grade
11 STEM C at sa kanilang guro. Siya rin ang nagbigay ng suhestiyon para sa pormat ng liham.
Kasama ni Eunice Palomares, kabilang din siya sa binigyan ko ng gawain na lapitan at kausapin ang
mga nanalo sa aming palaro.

Elyana Mary Sandoval – Siya ay may kusang loob na tumulong sa aming mga binuong liham pang-
komunikasyon kahit pa man siya ay kabilang sa mga estudyante na HBL.

Kyla Charlotte Navata – Siya ay tumulong sa pagsulat ng liham para sa Grade 11 STEM C.

JJ Bobier – Siya ay tumulong sa pagsulat ng liham para sa panauhing tagapagsalita.

Alessandra Simone Guico – Hindi siya gaanong nakapagbigay ng tulong sa paggawa ng mga
liham pang-komunikasyon, subalit binigyan ko pa rin siya ng 6/10 dahil ginawa niya naman ang
kaniyang makakaya upang makadalo sa tuwing kami ay may pagpupulong.

Publication Committee

Evaluation (1-10)

Leader:

Jen Regio 10

Members:

Rigel Ruzol 10

Aran Kris Rivera 10


Arnold Tañare 10

Marc Lao 10

Eunice Agaton 7

Anna Marrie Quinito 7

Princess Sangolan 7

Contributions:

Jen Regio – Si Jen ang laging nagaasikaso, nagbibigay ng balita sa komite, at laging natatanong
kung natapos na ba naming yung mga gawa namin. Siya rin ang laging nangunguna upang may
masimulan kaming gawain.

Rigel Ruzol – Isa sya sa mga editor, at isa rin sa laging nagreresponda kay Jen kapag nagtatanong
o nanghihingi ng ideya sa mga balak naming gawin sa publication komite.

Aran Rivera - Laging andyan si Aran para magbigay ng ambag at ideya kay Jen kapag walang
sumasagot isa rin sya sa mga laging nagaambag at ginagawa ang kanyang parte ng maayos,
magaling si Aran, at nagamit ang kanyang mga talent sa grupong ito.

Arnold Tañare - Ang key person ng komiteng ito, isa rin sya sa mga editors na nag-edit, ang nag
dub at boses sa teaser, siya rin ang naghanap kung ano ang nilalaman ng video na naisagawa nila
ni Rigel Ruzol.

Marc Lao - Aktibo, laging ginagawa ang kanyang mga parte, at lagi siyang rumeresponde kay Jen,
ginawa ng maayos ang lahat ng ibinibigay sakanyang gawain.

Sangolan, Quinito, at Agaton - ay wala akong masasabi, sapagkat hindi ko sila naramdaman,
walang tulong, at hindi man lang magbigay ng ideya para sa publication komite, andyan sila para
umattend ng mga meeting, pero hindi naman rumeresponde para mag bigay ng mga opinyon para
maipaganda lalo ang aming gawa.

Technical Committee
Evaluation (1-10)

Leader: Ernest Soquena 9

Members: Russel Perez 9

Angela Pinlac 5

John Carlo Tan 7

Charles Roven Roa 9

Barbie Marcelo 5

Aubrey Pacheco 7

Leonard Yambao 5

Mga Kontribusyon:

Ernest Soquena – Tumulong sa pag disenyo ng presentasyon at nag host sa pagpupulong. Nag-
present ng presentasyon ng mananalumpati at taga-kuha ng mga larawan.

Russel Perez – Nag disenyo ng prinesentang power-point.

Angela Pinlac – N/A

John Carlo Tan – Itinala ang webinar.

Charles Roven Roa – Nag asikaso sa live broadcast sa facebook page ng STEM - C at tumulong
sa pag-ayos ng presentasyon.
Barbie Marcelo – N/A

Aubrey Pacheco – Tumulong mag ayos at disenyo sa presentasyon na ginamit.

Leonard Yambao – N/A

Program Committee

Evaluation (1-10)

Leader:

Ashanti Salumbre 10

Members:

Redentor Apostol 10

Eleno Pimentel 10

Ace Saliendra 10

Francine Antonio 10

Ednalyn Santos 10

Cire Yaptengco 10

Mga Kontribusyon:

Salumbre, Ashanti Jamaeca D. (Leader/Opening Remarks) - Kinatawan ng program komite at


tagapagsalita sa pambungad na pananalita. Bumuo ng pamagat ng webinar (Bigkis Aral, Iwas
Sakuna). Nagtakda ng mga pagpupulong. Nagbigay ng mga ‘segment’ o bahagi sa program na
siyang isinaayos ng grupo ayon sa napagkasunduan. Nagbigay ng pangalan sa bawat bahagi ng
programa. Nagtalaga ng mga pangunahing tao sa tagapagdaloy ng programa, panalangin, maikling
palaro, at pangwakas na pananalita. Nakipagkomunikasyon sa iba’t ibang committee sa dry run,
upang maging magkaisa at maging maayos ang programa. Sinuri ang presentation na itatanghal sa
webinar. Nagbigay ng mungkahi sa pagsubok ng FB Live.

Apostol, Redentor II N. (Game Facilitator) - Dumalo sa mga isinagawang pulong. Gumawa ng


maikling palaro sa ‘quizizz’. Gumawa ng sariling nilalaman sa mga katanungan sa quizizz at isinalin
ito sa wikang Filipino. Nagbigay ng suhestyon sa bawat pangalan ng segment. Naghanap ng
impormasyon upang magbigay ng kaonting trivia o impormasyon. Naging game facilitator sa palaro.
Sumang-ayon sa pagkasunod-sunod ng daloy ng programa.

Pimentel, Eleno Eliseo P. (HOST) - Naging tagapagdaloy ng programa o emcee.


Nakikipagkomunikasyon sa Technical Komite upang magkaroon ng update para sa mga gagawin at
nagbibigay ng biglaang abiso upang maisaayos ang programa. Naghanda ng mga adlib upang hindi
magkaroon ng dead air sa webinar. Gumawa ng sariling nilalaman o script sa bawat bahagi ng
webinar. Sumasang-ayon sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng programa.

Saliendra, Ace V. (Prayer Leader) - Dumalo sa pagpupulong na ginanap sa paghahanda ng


webinar. Natakda bilang Tagapamuno sa pambungad at pangwakas na panalangin. Nagbigay ng
suhestyon sa mga pangalan ng segment. Gumawa ng sariling nilalaman sa panalangin. Nagbigay
ng mungkahi sa daloy ng program ana sinang-ayunan ng bawat miyembro ng committee.

Antonio, Francine Red L. (Closing Remarks) - Dumalo sa pagpupulong na ginanap sa


paghahanda ng webinar. Natakda bilang Pangwakas na Pananalita. Isa sa mga nag-ayos ng daloy
ng programa. Gumawa ng sariling content o nilalaman sa pangwakas na pananalita. Natalaga rin
bilang tagatala ng katitikan ng pulong o minutes of the meeting. Nakikipagkomunikasyon sa
Documentation Committee. Nagpaalala sa mga onting pagbabago sa webinar.

Santos, Ednalyn L. (Game Facilitator) - Dumalo sa mga isinagawang pagpupulong. Nagbigay ng


suhestyon sa pangalan ng bawat segment. Inabisuhan ang Documentation Committee upang
magbigay ng handang katanungan sa Open Forum o malayang pagbabahagian. Naghikayat sa mga
kalalok na sumali sa quizizz. Nagkalap ng maikling trivia.

Yaptengco, Cire Alessandra (HOST) - Dumalo sa pagpupulong na ginanap sa paghahanda ng


webinar. Naging tagapagdaloy ng programa o emcee. Naghanda ng mga adlib upang hindi
magkaroon ng dead air sa webinar. Gumawa ng sariling nilalaman o script sa bawat bahagi ng
webinar. Isa sa mga nag-ayos ng daloy ng programa at nagbigay ng suhestyon sa pangalan nito.
Nagbibigay ng kaunting paalala sa buong section upang makilahok sa mga interaktibong bahagi ng
webinar. Gumawa ng document para sa script.

Documentation Committee
Evaluation (1-10)

Leader: Isabel Piscal 10

Members:

Sophia Tumagay 10

Franchesca Santos 8

Sabrina Sison 8

Jaydieen Nakpil 7

Julianne Nicolas 7

John Joseph Pulgo 7

Sharmaine Balneg 7

Mga Kontribusyon:

Isabel Piscal – Sa paggawa ng naratibong report ako ang naghati-hati ng mga gagawin ng aking
mga miyembro. Ako at si Sophia Tumagay din ang nakapagisip ng format ng narratibong report. Sa
bawat miting na nagaganap sinisugurado kong ako’y may maiaambag sa paggwa ng narratibong
report ng aming Komite.

Sophia Tumagay – Si Sophia ang aking kanan kamay sa paggawa ng naratibong report kaya malaki
ang kanyang ambag sa aming Komite. Gaya ng sabi ko kami ni Sophia ang nakaisip sa ginawang
format ng naratibong report at kapag may nagawa ng naratibong report ang ibang miyembro siya
ang sumusuri kung may mga dapat bang idagdag o bawasan sa naisulat na report.
Franchesca Santos – Responsableng miyembro na itatanong sa lider kung ano pa ang kanyang
maiaambag sa pagawa ng naratibong report. Ang aming pangatlo miting na naratibong report ay
ginawa nila ni Sabrina Sison. Siya din ang nagtala sa unang parte ng gampanin ng Publication
Komite.

Sabrina Sison – Responsableng miyembro na itatanong sa lider kung ano pa ang kanyang
maiaambag sa pagawa ng naratibong report. Ang aming pangatlo miting na narationg report ay
ginawa nila ni Franchesca Santos.

Jaden Nakpil – Siya ang nagtala sa unang parte ng naratibong report ng gampanin ng Technical
Komite. Binigyan ko siya ng Gawain nakumuha ng litarto sa gaganapin sa webinar.

Julianne Nicolas – Siya ang nagtala sa unang parte ng naratibong report ng gampanin ng Technical
Komite. Binigyan ko siya ng Gawain nakumuha ng litarto sa gaganapin sa webinar.

Sharmaine Balneg – Siya ang nagtala sa unang parte ng naratibong report ng gampanin ng
Publication Komite. Binigyan ko siya ng Gawain na gumawa ng deskripsyon sa makukuha litrato sa
webinar.

John Joseph Pulgo – Siya ang nagtala sa unang parte ng naratibong report ng gampanin ng
Publication Komite. Binigyan ko siya ng Gawain kumuha ng larawan para sa gaganapin na webinar.
MGA APENDIKS

APENDIKS A
LIHAM PANG-KOMUNIKASYON AT MGA SERTIPIKO
APENDIKS B
Miting 1, Webinar Day, Token
Resibo ng mga Gastos
MGA TAUHAN

EXTERNAL/COMMUNICATION COMMITTEE PUBLICATION/PROMOTION COMMITTEE

- Rosos, Enzo Nicole (Point Person) - Tañare, Arnold (Point Person)

- Palomares, Eunice Mae - Regio, Jen Nicole

- Trani, Chrizea Jhane - Rivera, Aran Kris

- Bobier, JJ - Quinito, Anna Marie

- Aguilar, Carlos Daniel - Ruzol, Rigel Kent

- Guico, Alessandra Simone - Lao, Marc Adrian

- Navata, Kyla Charlotte - Agaton, Eunice Anne

- Sandoval, Elyana Mary - Sang-olan, Princess Lyka

TECHNICAL COMMITTEE PROGRAM COMMITTEE

- Soqueña, Ernest Anthony (Point Person) - Salumbre, Ashanti Jamaeca (Point Person)

- Roa, Charles Roven - Antonio, Francine Red

- Pinlac, Angela Kaye - Pimentel, Eleno Eliseo

- Tan, John Carlo - Yaptengco, Cire Alessandra

- Pacheco, Aubrey Jamaica - Saliendra, Ace

- Marcelo, Barbie Yvonne - Santos, Ednalyn

- Perez, Russel Dale - Apostol, Redentor

- Yambao, Leonard Alekhine


DOCUMENTATION COMMITTEE

- Piscal, Ma. Isabel (Point Person)

- Santos, Franchesca

- Pulgo, John Joseph

- Nakpil, Jaden Gabrielle

- Tumagay, Sophia Clarisse

- Sison, Sabrina Joy

- Nicolas, Julianne Verinece

- Balneg, Sharmaine

You might also like