You are on page 1of 3

Ailyn: Magandang umaga po sa ating lahat mga kailyan!

Narito nanaman
po tayo sa ikatlong araw ng ating Project New Normal: A Webinar Series.

Ang Webinar Series na ito ay inihahandog sainyo ng Provincial


Government of Quirino at sa pakikipagtulungan ng Quirino State
University at ng Department of Education-Schools Division Office of
Quirino.

Rodel: Binabati po naming ng isang magandang umaga an gating mahal


na Gobernador, Hon. Dakila Carlo E. Cua, ang ating butihing
Congressman, Hon. Junie E. Cua, Vice-Governor, Hon Julius Caesar
Vaquilar, ang QSU President Dr. Hermenegildo F. Samoy, Jr., ang ating
Schools Division Superintendent, Dr. Flordeliza Gecobe at sa lahat ng
nanonood via facebook at youtube live at sa mga nakikinig sa DWQP
92.1 FM.

Ailyn: Bago po tayo magpatuloy, inaanyayahan po namin ang lahat para


sa isang panalangin. (Audio Visual)

Rodel: Sa pagkakataong ito atin naming mapakikinggan ang ating mahal


na Gobernador, Hon. Dakila Carlo E. Cua para sa kanyang opening
remarks.

Maraming salamat po.

Ailyn: Sa lahat po ng sumusubaybay sa webinar series na ito, sa mga


estudyante at higit sa lahat sa mga magulang, kung kayo po ay may mga
katanungan, maaari pong ninyong ipost ang mga ito sa comment section
ng ating livestream via facebook at youtube. At bibigyang kasagutan at
linaw ang mga yan pagkatapos ng lecture ng ating tagapagsalita.

Rodel: Atin na pong mapakikinggan ang isang lecture sa topic na


Reparenting the Child Within: Resilience in Times of Pandemic. Ang ating
tagapagsalita sa araw na ito ay ang University Guidance Counselor ng
QSU, Dr. Jenalyn M. Sarmiento.

Ailyn: Maraming salamat Dr. Sarmiento sa malinaw na pagpapaliwanag


sa topic na Reparenting the Child Within: Resilience in Times of
Pandemic.

Rodel: Ito na ang ilan sa mga katanungan mula sa ating mga manonood
at tagapakinig na walang sawang sumusubaybay at sumusuporta sa
adhikaing ito.
Schedule:
June 17-Dr. Sarmiento
June 18- Module 3 Parents turned Tutors: The Inevitable of Home
Quarantine
Dr. Rosalyn L. Delizo-Parental Motivation and Learner Development
amidst COVID Pandemic

Dr. Annalene Grace Edu Co-The 21 st Century Learners: Facing the


New Normal of Education

June 19- Module 3 Module 3 Parents turned Tutors: The Inevitable of


Home Quarantine

Dr. Jamina Camayang/Dr. Merriam Reniedo- Winning Your Child’s


Interest for Learning

Mr. Ronie Guillermo- Engaging Strategies in Teaching Adolescents


Pre-intro spills:
Magandang umaga mga kailyans! Sa lahat po ng
participants natin dito sa webinar, at sa lahat ng
nanonood sa facebook at youtube livestream,
welcome po sa ating webinar series.
Maya-maya lamang po ay magsisimula na ang ating
virtual seminar, kaya tutok lang po kayo. Mayron
lang po sana kaming konting paalala sa ating mga
participants dito sa webinar, para po sa ikagaganda
ng flow ng ating virtual lecture.
Una po, paki-off lang po natin ang mga mikropono,
‘yung mic graphic sa ibaba po ng screen ninyo. Para
po marinig at maintindihan nating maigi ang mga
tagapag-salita.
Pangalawa po, pakipatay ang ating mga camera.
Tanging ang mga guests or speakers lang po ang
mag-o-on ng camera.
At pangatlo po, humanap po tayo ng tahimik na
lugar o di kaya’y gumamit ng headset o headphone
para po marinig natin ng malinaw at makasunod
tayo sa lecture ng ating tagapagsalita.
Mga simple lang po ‘yan na mga paalala; sana po ay
sundin po natun para sa ika-aayos ng ating virtual
seminar. Maraming salamat po.

You might also like