You are on page 1of 9

DLP

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng araling ito, ang 90% na mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Naipapakita ang pagpapahalaga sa sektor ng agrikultura.

2. Malinaw na naiintindihan at napapaliwanag ang mga kontribusyon at suliranin sa sektor ng


agrikultura.

3. Magsasaliksik pa ng mga karagdagang mga impormasyon na magpapalawak sa kanilang kaalaman at


interest sa tinalakay na paksa.

II. NILALAMAN

a. Paksa: Sektor ng Agrikultura

b. Sanggunian:

c. Kagamitan: Laptop, cellphone, videos, google meet, at PPT

III. PAMAMARAAN

1. Panalangin

Gawaing Guro

• (Tatawagin ang naka-talagang magdasal para sa araw na ito at io-off lahat ng audio ng mga mag aaral
bukod sa nakatalagang magdarasal)

• Magbigay galang at damhin ang presensya ng Panginoon.


Gawaing Mag-aaral

• (Tumahimik at dinama ang presensya ng Panginoon)

• Nagsimulang mag dasal ang naka-talagang mag-aaral para sa araw na ito.

2. Pagbati

Gawaing Guro

• Isang maganda at mapagpalang umaga sa inyo aking mga mag-aaral!

• (Lahat ay pinapayagang buksan ang kanilang mga voice audio upang bumati ng magandang umaga)

Gawaing mag-aaral

• Magandang umaga rin po sir deoferio, magandang umaga rin mga klasmates!

(Ang lahat ng mag-aaral ay binuksan ang kanilang voice audio)

3. Pagsasaayos ng silid aralan

Gawaing Guro

• (Dahil virtual class, ituturing ng guro na silid aralan ang google classroom ngunit hindi pagsasaayos ng
mga upuan at kalat sa sahig ang pagtutunan nya ng pansin kung hindi ang mga signal at internet
connection, upang masigurado na maayos paring nakakapakinig ang lahat ng mag-aaral

• Bago tayo mag umpisang mag-klase ay maari ko bang malaman kung meron ba sainyo mahina ang
signal ngayon? Magsabi na upang mapahintulutan ko na sa recorded video na lamang ng klase ngayon
sya manood.

• Okay sige anak, pero sa ngayon dito ka na muna habang kaya pa ng internet connection mo. Kapag
nawala ka ulit sa google classroom, manood ka nalang ng recorded video anak.

Gawaing mag-aaral

• Ako po sir, kanina pa po ako pabalik-balik kasi po nawawalan signal.

• Salamat po!
4. Pagtatalakay ng liban sa klase

Gawaing Guro

• ( Tatawagin ang representative sa bawat grupo)

• Group 1 Jose Rizal, sino sino sa inyong grupo ang lumiban ngayong araw?

• Maraming salamat sa pag uulat, Group 1 Jose Rizal.

• Group 2 Apolinario Mabini, sino sino sa inyong grupo ang lumiban ngayong araw?

• Natutuwa akong mapakinggan na wala sa inyong grupo ang lumiban at dahil dyan bibigayan ko ang
bawat myembro ng iyong grupo ng karagdagang 10 puntos para ngayong araw. Maraming salamat sa
pag uulat.

• Group 3 Antonio Luna, sino sino sa inyong grupo ang lumiban ngayong araw?

• Nakakatuwang mapakinggan na wala sa inyong grupo ang lumiban sa loob nang dalawang
magkasunod na araw at dahil dyan bibigayan ko ang bawat myembro ng iyong grupo ng karagdagang 15
puntos para ngayong araw. Maraming salamat sa pag uulat.

Gawaing mag-aaral

• Group 1 Jose Rizal representative: Kinalulungkot ko pong sabihin ngunit may isa pong lumiban sa
aming grupo ngayon at sya ay si Lopez, Mark Andrew.

• (turn off voice audio)

• Group 2 Apolinario Mabini representative: Nagagalak po akong sabihin na wala sa aming grupo ang
lumiban ngayong araw, maraming salamat po.

• (turn off voice audio)

• Group 3 Antonio Luna representative: Natutuwa po akong sabihin na wala sa aming grupo ang lumiban
sa loob ng dalawang sunod na araw, maraming salamat po.

• (turn off voice audio)

5. Maikling Balitaa

Gawaing Guro
• ( Tatawagin ang naka-talagang magba-balita sa araw na ito)

• Ms. Valenzia, maari mo bang ibahagi sa inyong mga kamag-aral ang iyong napakinggang, nabasa, o
napanood na balita?

• Mahusay, Ms. Valenzia! Anong masasabi ninyo sa usaping ito? Isa rin ba kayo sa mga nakapanood,
nakabasa, o nakapakinig ng balitang ito?

• (tumawag ng isa sa mga mag aaral) Mr. Apolonio.

• Magaling Mr. Apolonio, sino pa ang pwedeng sumagot? (Tumawag ulit ng mag-aaral) Osige, Ms.
Lazzaro

• Magaling Ms. Lazzaro.

• Para sa mga gustong magpabakuna ay huwag kayong matakot dahil sa dumaan sa mahabang proseso
at mga clinical trial test ang mga bakuna bago ito ipadala sa pilipinas. Sigurado din ako na hindi
hahayaan ng bansang Russia na maging palyado ang kanilang mga ginawang bakuna dahil pangalan ng
kanilang bansa ang madudungisan pati na rin ang relasyon nito sa ating bansa, at bukod pa dyan ay mas
kokonti nalang ang magtitiwala at tatangkilik sa mga bakuna nila. Sa mga ayaw naman ay siguradong
meron silang sariling opinyon at marahil hindi pa buo ang kanilang tiwala upang magpabakuna. Mas
mainam parin na pang laban sa virus ang sobrang pag iingat kagaya ng pagpapalakas ng immune system,
pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay, social distancing, at pag iwas sa mga
matataong lugar. Sana ay magpatuloy pa ang pagdating ng mga bakuna at nawa'y magbalik na sa normal
ang lahat dahil mas masayang magturo nang nakikita ko kayo.

Gawaing mag-aaral

• Opo sir. Dumating na ang unang batch ng bakunang Sputnik V na iniangkat ng pamahalaan, noong
hapon ng mayo uno ng kasalukuyang taon. Ito po ay bahagi ng trial order ng pamahalaan bago ang
kabuuang nasa 2 milyong doses pa ng bakuna nag mula sa Gamaleya Institute ng Russia. Dapat abril 25
ang dating ng mga bakuna, ngunit naantala ito dahil sa wala umanong direct flight mula Russia
patungong Pilipinas. Sa pagdating ng mga bakunang Sputnik V, ay umaabot na sa mahigit 4 milyong
doses ng bakuna ang dumadating sa bansa, kabilang dito ang 3.5 milyong doses ng Sinovac vaccines at
525,600 doses ng Astrazeneca, at magmula Abril 27, ay umabot na sa 1.8 milyong doses ang nagagamit.
Aabot umano sa 91.6 porsiyento ang efficacy o ang epekto ng Sputnik V sa symptomatic COVID-19 vase,
habang 100 porsiyento ang efficacy nito sa moderate at severe cases. Ngunit hindi parin maiiwasan na
marami pa rin sa ating mga kababayan na nagdududa at ayaw magpabakuna

dahil sa maaring maging negatibong epekto nito sa katawan.


• Ang masasabi ko po sir sa usaping ito ay isa po itong magandang balita para sa ating bansa dahil po
mas mapipigilan ng mga vaccines ang pag dami ng may mga virus.

• Para po sa akin sir, maganda malaman po na binibigyan tayo ng ating mga kaalyadong bansa ng mga
donasyong bakuna para sa covid19 virus. Mas mabilis na makakabangon ang ating bansa mula sa
pagkakalugmok dahil sa virus.

6. Balik Aral

7. Pagganyak

Gawaing Guro

• Bago tayo tumunggo sa ating paksang sektor ng agrikultura ay may mga ipapakita muna ako sa inyong
mga litrato. Kailangan ay maipaliwanag nyo kung ano ang nasa litrato at kung anong mga naiaambag
nito.

• Ipaliwanag ang nasa larawan Mr. Areño . (ipapakita ang larawan na nasa powerpoint presentation).

• Magaling, meron kang 5 puntos.

• Ipaliwanag ang nasa larawan Ms. Bartoloume (ipapakita ang larawan na nasa powerpoint
presentation).

• Tama, meron kang 5 puntos.

• Ipaliwanag ang nasa larawan Mr. Miranda (ipapakita ang larawan na nasa powerpoint presentation).

• Mahusay, meron kang 5 puntos.

• Ipapaawit ko muna sa inyo ang kanta na pinamagatang "Magtanim ay Di Biro" bago tayo tumungo sa
ating paksa. Kahit na naka-off ang inyong mga voice audio ay sana kumanta pa rin ang bawat isa sa inyo.

• (Pinatugtog ng guro ang Magtanim ay Di Biro)

• Ayon sa kanta at sa inyong mga sariling papanaw, ano ang mga madalas kaharapin ng mga magsasaka?

• Maari ka nang sumagot Mr. Garcia.

• Tama, iyon Mr. Garcia. Meron kang 5 puntos, sino pa ang maaring sumagot?

• Sige, Ms. Benito, maari mo nang ibahagi ang iyong sagot sa iyong mga kamag-aral.

• Tama iyon Ms. Benito. Meron kang 5 puntos.


• Lahat ng sinabi ninyo ay tama sa kanta man o sa totoong buhay ay mahirap talaga ang kinakaharap ng
ating mga bayaning magsasaka dahil bukod sa matinding pagod dahil sa buong araw na pagtatrabaho sa
sakahan kadalasan ay nalulugi at hindi pa sila kumikita dahil sa hindi nabibigyang pansin ang kanilang
mga hinanaing. Ang mga magsasaka, mangingisda at iba pang nasa sektor din ang pinaka-apektado ng
mga bagyo dahil sa nasisira ang kanilang mga pananim na kanilang pinaghirapan ng matagal na
panahon, diba yung iba sa inyo minsan pinagdarasal pa na sana lumakas pa ang bagyo upang mawalan
ng klase, na hindi nalalaman na meron pala itong negatibong epekto sa ibang tao lalo na sa ating sektor
ng agrikultura. Kapag bumaba ang naging ani ibig sahin mababa din ang supply, kapag mababa ang
supply, tumataas demand, pag tumaas ang demand ibig sabihin kailangan natin na bumili ng
karagdagang supply mula sa ibang bansa tulad ng indonesia at ibig sabihin hindi kontrolado ng
pamahalaan ang magiging presyo ng mga ito sa merkado.

• Ngayon ay dumako na tayo sa ating paksa na sektor ng agrikultura. Kapag nababasa ninyo ang salitang
agrikultura ano ang unang pumapasok sa inyong isipan?

• Sige maari kanang sumagot.

• Mahusay! Meron kang 10 puntos.

• Ang agrikultura ay ang sining at agham ng pagpaparami ng pagkain. Ang Pilipinas ay isang bansang
agrikultural kaya't itinuturing na primaryang sektor ang sektor ng agrikultura. Ang sektor ng agrikultura
ay nahahati sa 4 na gawain. Una dyan ay ang paghahalaman (Farming), ang mga produkto kagaya ng
prutas at gulay ay kadalasang kinukunsumo sa loob at labas ng bansa. Pangalawa ay ang paghahayupan
(Livestock), binubuo ito kagaya ng pag aalaga ng mga hayop tulad ng baboy, baka, manok, kalabaw,
pato, at iba pa. Ikatlo ang pangingisda (Fishery), ito ay may kinalaman sa panghuhuli at pag-aalaga o
pagpaparami ng isda. Pang-apat ay ang pagugubat (Forestry), dito kinukuha ang mga kahoy tulad ng mga
flywood, tabla, semento, mga bato at iba pang raw materials.

• Sa inyong palagay bakit naging mahalaga ang sektor ng agrikultura para sa atin?

• Tumpak, Mr.Tabarno! Meron kang 10 puntos.

• Ang Sektor ng agrikultura ay malaki ang ambag sa ating ekonomiya. Ito ang pangunahing
pinagkukunan ng pagkain, dahil ang lupain at klima ng bansa ay akma sa pagtatanim ng marming uri ng
halaman at pag-aalaga ng mga hayop. Isa din ito sa pinagkukunan ng mga hilaw na material sa pagbuo
ng mga bagong produkto. Ang mga hilaw na material mula sa kagubatan, sakahan, at karagatan ang
ginagamit upang makagawa ng bagong produkto. Nagpapasok din ito ng kita mula sa ibang bansa. Ang
sektor ng agrikultura ang isa sa pangunahing nagpapasok ng dolyar sa bansa mula sa mga produktong
iniluluwas na binibili ng ibang bansa. Nagbibigay din ito ng mga hanap buhay dahil mahigit sa 30
pursyento ng mga manggagawa ay bahagi ng sektor ng agrikultura ayon nga karaniwang nagtatrabaho
bilang magsasaka, mangingisda, at nag-aalaga ng hayop. Ito ang mga katunayan na isa sa mga tagapag-
taguyod ng ekonomiya ang sektor ng agrikultura isang matibay na sandigan ng bayan upang makamit
ang inaasam na pag-unlad. Ngunit ang sektor ng agrikultura ay humaharap din sa maraming hamon at
mga suliranin, ilan sa mga ito ang pagliit ng mga lupang pang-sakahan dahil sa patuloy na paglaki ng
papulasyon at paglawak ng mga tirahan, komersyo, at industriya ay maraming lupang pang-sakahan at
kagubatan ang tinayuan na ng bahaya at mga gusali. Isa din dito ang pagamit ng teknolohiya, marami
parin sa ating bansa ang gumagamit ng mga tradisyonal at agarang nangangailangan ng modernisasyon.
Kakulangan sa imprastraktura at pasilidad sa kabukiran, ang malaking pangangailangan sa mga
makabagong kagamitan, maayos na imbakan o storage ng produkto, at farm to road markets ang isa
dapat sa masagot o matugunan ng ating pamahalaan. Sunod dyan ay ang pagdagsa ng mga dayuhang
produkto sa local na merkado, dahil sa globalisasyon at malayang kalakalaan ay mas madaling
nakakapasok sa ating bansa ang mga dayuhang produkto na may mas mababang halaga, dahil dito ay
maraming mga local na produkto ang hindi naibebenta na nagiging sanhi nang pagkalugi ng mga local na
producers. Isama na din dyan ang issue ukol sa climate change. Ang pabago-bagong ng clima ay lubhang
nakaapekto sa bansa lalo na sa sektor ng agrikultura, dahil sa masyadong mahabang tag tuyot at mga
malalakas na bagyo na syang sumisira sa mga taniman at pala-isdaan. At ang huli ay ang mabilis na
pagkaubos ng likas na yaman dahil na din sa hindi mapigilang pagtaas ng papulasyon sa bansa. Dahil sa
paglobo ng papulasyon ay mas tumaas din ang pangangailangan sa pagkain at hilaw na materyales
dahilan sa mas mabilis na pagkaubos ng likas na yaman. Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga batas
at programa upang masulusyunan ang ilan sa mga suliranin sa sektor ng agrikultura ilan nalamang dito
ang Public Land Act ng 1902, Philippine Fisheries Code of 1996, National Integrated Protected Areas
System (NIPAS), at Sustainable Forest Management Strategy (SFMS).

•••••••••••••••••••••••••••••

Gawaing mag-aaral

• Mr. Areño (student 1): Ang nasa larawan po ay isang magsasaka. Sila po ang nagtatanim, nag-aalaga, at
nag-aani ng mga palay. Dahil po sa mga magsasaka meron po tayong kinakain na kanin sa araw araw.
Malaki po ang kanilant naiaambag dahil kahit gaano kahirap at kaliit ang kinikita sa pagsasaka ay kanila
itong tinitiis.
• Ms. Bartoloume (student 2): Ang nasa litrato po ay isang mangingisda. Ang mga mangingisda po ang
nanghuhuli ng mga masasarap na isda aking paborito tulad ng mga bangus, tilapia, hipon, alimango, at
pusit. Kung wala po sila ay marahil hindi ko makain ang mga ito.

• Mr. Miranda (student 3): Nag-aalaga po ng mga hayop na kinakain tulad ng baboy, baka, at manok.
Sila po ang nagpaparami ng mga hayop upang magkaroon po ng sapat na supply ng karne sa ating bansa.

• (Ang mga mag-aaral ay kumanta kahit naka-off ang kanilang voice audio)

• Magtanim ay di biro, Maghapong nakayuko. Di man lang makaupo, Di man lang makatayo. Braso ko'y
namamanhid, Baywang ko'y nangangawit. Binti ko'y namimitig, Sa pagkababad sa tubig. Sa umagang
paggising, ang lahat iisipin. Kung saan may patanim, may masarap na pagkain. Braso ko'y namamanhid,
Baywang ko'y nangangawit. Binti ko'y namimitig, Sa pagkababad sa tubig.

Halina, halina, mga kaliyag. Tayo'y magsipag unat-unat. Magpanibago tayo ng lakas, Para sa araw ng
bukas.

Para sa araw ng bukas!

• Student 1: Ako po sir!

• Mga sakit po sa katawan gawa po ng matinding pagod sa pagtatanim kagaya ng brasong namamanhid
at baywang na nangangawit.

• Student 2: Tinitiis ng magsasaka ang matinding init at pagod upang makapagtanim lamang po ng bigas
na ating kinakain sa araw araw.

• Student 1: Ako po sir!

• Student 1: Kapag naririnig o nababasa ko po ang salitang agrikultura ay unang pumapasok sa aking
isipan ang mga pagtatanim, pangingisda, at iba pang pamumuhay na ginagamit ang likas na yaman ng
ating bansa.

• Tabarno (Student): Sir ako po!

• Kagaya po ng inyong sinabi, malaki po ang naging ambag nito sa pagpaparami ng ating mga supply at
hindi na natin kinakailangan na bumili pa sa ibang bansa dahil sa sapat na ang ating supply at malaki po
ang naitutulong nito sa ating ekonomiya.


••••••••••••••••••

You might also like