You are on page 1of 15

KATITIKAN NG PULONG

“BAGO ISINASAGAWA
ANG PAGPUPULONG”
Magpasiya kung ano nga ba ang gagamitin na
gamit sa pagpupulong, ito ba ay bolpen at papel,
laptop, computer, tablet o recorder at tiyaking
ang kagamitan na gagamitin ay nasa maayos na
kondisyon, hindi sira at dapat may sapat na
baterya.
Gamitin ang adyenda para gawin ng
mas maaga ang outline,
makakatulong ito upang mabilis
maitala ang mga napag-usapan
“HABANG
ISINASAGAWA ANG
PAGPUPULONG”
Dapat nating siguruhin na paikot ang listahan
sa mga taong kasama sa pulong at lagdaan nila
ito ng kanilang ngalan upang matukoy kung
sino ang naroroon sa pulong na iyon at dapat
din nating kilalanin ang bawat isa sa mga
miyembro ng inyong trabaho ng sa gayon ay
kilala natin kung sino ang nagsasalita.
Dapat Itala lamang ang mga
mahahalagang ideya o puntos. Hindi
kailangan mahaba ngunit maging
maingat naman sa pagtala at dapat din
nating Itala ang mga pangalan ng taong
nagbigay ng suhestiyon o mosyon,
gayundin ang mga sumang-ayon at
resulta sa pagpupulong.
Dapat Itala at bigyang
pansin ang mga desisyon
o botohan sa
pagpupulong. Itala rin
kung anong oras ito
natapos.
“PAGKATAPOS
NG PULONG”
Itanong na sa mga kasama mo sa
pulong ang mga hindi nabigyang
linaw ng sa gayon ay magawa o
mabuo na ang katitikan ng
pulong habang sariwa pa ang
mga napag-usapan sa isip.
Huwag kalimutan itala ang pangalan ng
samahan o organsasyon. Pangalan ng
komite, uri ng pulong, at layunin nito at
Itala kung anong oras ito nagsimula at
natapos .
Isama ang listahan ng dumalo
at ang mga nangunguna sa
pagpapadaloy ng pulong. Sa
dulo ay huwag kalimutang
ilagay ang “isinumite ni”
kasunod ang iyong pangalan.
Basahin muna o ipabasa mo muna ang
katitikan ng pulong sa iyong mga
kasamahan para kung may nakalimutan
ka man ay ipagbigay alam nila ito saiyo
ng sa gayon ay maayos at detalyado
mong maipapasa ang katitikan ng
pulong sa kinauukulan.
Kapag natapos na ay ipasa
na ang sipi ng katitikan ng
pulong sa kinauukulan.
ACADEMY OF SAINT JOHN
LA SALLE GREEN HILLS SUPERVISED
GENERAL TRIAS, CAVITE

Buwanang Pulong ng mga Tagapanguna ang Bawat Kagawaran


Disyembre 5, 2015
Conference Room, Academy of Saint John

Layunin ng Pulong: Preparasyon para sa Senior High


Petsa/Oras: Disyembre 5, 2015 sa ganap na ika-9:00 n.u
Tagapanguna: Daisy T. Romero (Principal)

Bilang ng mga Taong Dumalo: 9


Mga Dumalo: Daisy Romero, Joel Pascual, Eazie Pascual, Nester Lontoc,
Victoria Gallardo, Rubirosa Manguera, Richard Pineda, Ailene Posadas,
Gemma Abriza

Mga Liban: Vivin Abundo, Joel Cenizal, Sherlyn Fecia

I. Call to Order
Sa ganap na alas 9:00 n.u ay pinasimulan ni Gng. Romero ang pulong sa pamamagitan ng pagtawag ng atensyon
ng lahat.
II. Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Evangeline Sipat
III. Pananalita sa Pagtanggap
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng. Daisy Romero bilang tagapanguna ng pulong.

You might also like