You are on page 1of 4

GLYZELLE & ANGELIQUE: BZ DOBOL D, TAHANAN NG IMPORMASYONG

TOTOO, PANIGURADONG KAYO AY MATUTUTO. ITO ANG BZ DOBOL D!


ANGELIQUE: MAGANDANG UMAGA MGA KABAYAN!
GLYZELLE: ISANG MAPAGPALAYANG UMAGA, JAMESIANS
ANGELIQUE: NGAYONG ARAW ATING TATALAKAYIN ANG ISA SA MGA DAPAT
TANDAAN SA ISANG PULONG

GLYZELLE: TAMA KA, PARTNER! SIMULAN NATIN ANG TALAKAYAN SA


PAGHINGI NG PANAYAM NI PRINCE NORMAN- TALAKAYIN MO!

PRINCE: SALAMAT, GLYZELLE ALBAO NGAYONG ARAW SA AKING PATULOY NA


PANANALIKSIK AKING NAKILALA SI ALTHEA ARGEL AT SIYA AY
MAKAKATULONG SA ATIN SA PAG TALAKAY NG DAPAT GAWIN BAGO ANG
PULONG
ALTHEA A.:
1.Magpasiya kung ano nga ba ang gagamitin na gamit sa pagpupulong, ito ba ay bolpen at
papel, laptop, computer, tablet o recorder
2.Tiyaking ang kagamitan na gagamitin ay nasa maayos na kondisyon, hindi sira at dapat
may sapat na baterya.
3.Gamitin ang adyenda para gawin ng mas maaga ang outline, makakatulong ito upang
mabilis maitala ang mga napag-usapan

ANGELIQUE: MAYROON NANAMAN TAYONG BAGONG NATUTUNAN, MALIBAN


DIYAN, PAKINGGAN NATIN ANG KARAGDAGANG IMPORMASYON NA HITIK NA
HITIK NA IHAHATID NI CACEY CUARESMA
CASEY: SALAMAT, ANGELIQUE LUGTO PATULOY ANG ATING PAGBIBIGAY NG
KAALAMAN UPANG ANG KALAHATAN AY MAY MAPULOT NA ARAL, NARITO
NAMAN SPRINCESS RAMOS PARA SA KANYANG PANAYAM KUNG ANO ANG
DAPAT TANDAAN HABANG ISINASAGAWA ANG PULONG
PRINCESESS:
Ipaikot ang listahan sa mga taong kasama sa pulong at lagdaan nila ito ng kanilang ngalan
upang matukoy kung sino ang naroroon sa pulong na iyon.
5.Kilalanin ang bawat isa sa mga miyembro ng inyong trabaho ng sa gayon ay kilala niyo
kung sino ang nagsasalita.
6.Itala lamang ang mga mahahalagang ideya o puntos. Hindi kailangan mahaba ngunit
maging maingat naman sa pagtala.
7.Itala ang mga pangalan ng taong nagbigay ng suhestiyon o mosyon, gayundin ang mga
sumang-ayon at resulta sa pagpupulong.
8.Itala at bigyang pansin ang mga desisyon o botohan sa pagpupulong.
9.Itala kung anong oras natapos.

GLYZELLE & ANGILUQUE: BAGO TAYO MAGPATULOY SA ATING TALAKAYAN


AT TALASTASAN NG PANIBAGONG KAALAMAN, ATING TUKLASIN ANG
KAHALAGAHAN NG KATITIKAN
GLYZELLE: MAHALAGA ANG KATITIKAN NG PULONG UPANG Maipaalam sa lahat ng
kasangkot ang mga nangyari sa nakaraang pulong lalo na sa mga hindi nakadalo at Nagsisilbing
permanenteng rekord nang sa gayon ay mayroong nahahawakang kopya ngnangyaring komunikasyon

ANGELIQUE :Magpapaalala sa bawat indibidwal o kasapi ng kanilang mga tungkulin o


responsibilidad para sa isang gawain o proyekto

(COMMERCIAL BREAK)
ANCHORS: BZ DOBOL D, TAHANAN NG IMPORMASYONG TOTOO,
PANIGURADONG KAYO AY MATUTUTO, MAGBABALIK ANG BZ DOBOL D
MATAPOS ANG ISANG PATALASTAS
ANGELUQUE & GLYZELLE:MULING MAGBABALIK ANG BZ DOBOL D MATAPOS
ANG ILANG PAALALA

( COMMERCIAL)

ANGELUQUE: AT NAGBABALIK ANG BZ DOBOL D


GLYZELLE: AT PARA NAMAN TAYO AY MAS LALO PANG MALINAWAN, NARITO
MULI ANG ISA SA ATING MGA NAKAPANAYAM PARA SA DAGDAG KAALAMAN
(REPORTER ULIT TUNGKOL SA TOPIC)
CASEY: AT AKING NAKILALA SI ATE/KUYA GINWILL MACAWILE NA MAYROON
DAW MAIDADAGDAG PARA ATING TALASTASAN NG KAALAMAN
(RANDOM INTERVIEWEE PERO MAY IMPORTANTENG SASABIHIN)

GINWILL: ANG MGA DAPAT NMN PONG TANDAAN PAGKATAPOS NG PULONG AY


Itanong na sa mga kasama mo sa pulong ang mga hindi nabigyang linaw ng sa gayon ay
magawa o mabuo na ang katitikan ng pulong habang sariwa pa ang mga napag-usapan sa isip.
11.Huwag kalimutan itala ang pangalan ng samahan o organsasyon. Pangalan ng komite, uri
ng pulong, at layunin nito.
12.Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos .
13.Isama ang listahan ng dumalo at ang mga nangunguna sa pagpapadaloy ng pulong. Sa
dulo ay huwag kalimutang ilagay ang “isinumite ni” kasunod ang iyong pangalan.

14.Basahin muna o ipabasa mo muna ang katitikan ng pulong sa iyong mga kasamahan para
kung may nakalimutan ka man ay ipagbigay alam nila ito saiyo ng sa gayon ay maayos at
detalyado mong maipapasa ang katitikan ng pulong sa kinauukulan.
15.Kapag natapos na ay ipasa na ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan.
GINWILL:ITO PO ANG ISANG HALIMBAWA NG KATITIKAN NG PULONG KUNG
SAAN AY MAKIKITA NATIN KUNG SAAN KAILAN AT KUNG PARA SAAN ANG
PAGPUPULONG, MAKIKITA DIN PO NATIN D2 KUNG SINO ANG MGA DUMALI AT
LUMIBAN MAGING ANG PAGKAKASUNOD SUNOD NG PANGYAYARI SA PULONG

CASEY:NGAYON AY NALAMAN NATIN ANG MGA DAPAT TANDAAN


PAGKATAPOS NG PULONG ANGELUQUE & GLYZELLE BALIK SA INYO
GLYZELLE & ANGELUQUE:MULING MAGBABALIK ANG BZ DOBOL D MATAPOS
ANG ILANG PAALALA
( COMMERCIAL INFO)

ANGELIQUE: AT NAGBABALIK ANG BZ DOBOL D! BAGO MAGPATULOY ANG


ATING TALASTASAN, HAYAAN NIYONG DAGDAGAN NI PRINCE NORMAN ANG
INYONG KAALAMAN

PRINCE:KARAGDAGANG KAALAMAN MUNA Ayon kay Dawn Rosenberg McKay,


isang editor at may-akda ng The Everything Practice Interview Book at ng The Everything
Get-a-job Book, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang maunawaan ang mga bagay
na dapat gawin bago ang pulong, habang isinasagawa ang pulong, at pagkatapos ng pulong.
ANGELIQUE balik sayo
ANGELIQUE: SALAMAT PRINCE , AKING IHAHAYAG NAMAN ANG DEPINASYON
NG PAGPUPULONG AT KUNG BAKIT ITO ISINASAGAWA
: Tandaan Natin Ang pagpupulong ay isang gawain kung saan ang grupo ng mga tao ay
nagtitipon sa isang lugar sa takdang oras upang mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay o
gumawa ng pasya tungkol sa mga isyu.
: ISINASAGAWA ANG KATITIKAN NG PAGPUPULONG UPANG Maipaalam sa lahat
ng kasangkot ang mga nangyari sa nakaraang pulong lalo na sa mga hindi nakadalo at
Nagsisilbing permanenteng rekord nang sa gayon ay mayroong nahahawakang kopya
ngnangyaring komunikasyon.

ENDING
GLYZELLE & ANGELIQUE: SA BZ DOBOL D, WALANG HUMPAY ANG
KAALAMAN, PAG DATING SA PAGTUTURO, HINDI NAMIN KAYO TATANTANAN,
AKO SI ANGELIQUE LUGTO AT AKO NAMAN SI GLYZELLE ALABO ITO ANG
TAHANAN NG IMPORMASYONG TOTOO, SIGURADONG KAYO AY MATUTUTO,
BZ DOBOL D!

Ung bonakid

You might also like