You are on page 1of 7

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG MAGKAIBANG PANANAW NG SIMBAHAN

AT ESTADO SA SAME-SEX MARRIAGE SA MGA LGBTQQIAAP.

ISANG PANANALIKSIK SA MGA MAG-AARAL


SA STI COLLEGE CALOOCAN

BILANG BAHAGI NG PAGTUPAD SA PANGANGAILANGAN


SA FILIPINO: PAGBASA AT PAGSUSURI

DE LUNA, JOICE
DE PEDERO, ANGEL LOU
ESPADERO, SETH GABRIEL
LAGUMAY, MARIEL
RIOSA, JANINA CLAIRE
RUIVIVAR, JOHN MICHAEL
ii
Abstrak
Pamagat: Same-sex marriage
Mananaliksik: Joice De Luna, Angel lou De Pedro, Seth Gabriel Espadero, Mariel Lagumay,
Janina Claire Riosa, John Michael Ruivivar
Paaralan: STI College Caloocan
Taon: 2019

Ang pananaliksik na ito ay upang malaman ang magkaibang pananaw ng simbahan at


estado sa same-sex marriage. At kung paano naka impluwensiya sa mga mamamayan at
nananampalataya ang naging pananaw ng dalawang panig sa isyung ito. Nais din tukuyin o mapag
aralan kung bakit sang ayon ang pamahalaan at kung bakit naman hindi sang ayon ang simbahan.
Kabilang nadin ang iba't ibang opinyon at pananaw ng mga mamamayan sa isyung ito. Dahil isa
ito sa pinaguusapang isyu sa ating bansa sa paglaganap o pagdami ng populasyon ng mga
magkasintahang parehas ng kasarian. At upang talakayin ang benepisyo sa pagkakaroon ng
magkaibang pananaw ng simbahan at estado patungkol sa same-sex marriage at kung paano ito
nakatulong at nakaapekto sa mga tao. At upang maintindihan ng ibang taong hindi pamilyar sa
isyung ito na mayroon ding karapatan ang mga LGBTQ na maging masaya at magkaroon ng
karapatan tulad ng natatamasa ng mga babae at lalaki.

KABANATA I
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO iii

PANIMULA
Ayon sa academia.edu, ang Same-sex marriage ay pagpapakasal ng dalawang tao na may
parehong kasarian, maaaring lalaki sa lalaki o kaya'y babae sa babae. Ang same sex marriage ay
isang malawak at sensitibong usapin na talamak, hindi lang sa bansa na kristyanismo, kundi
maging sa ating bansa. Na nagkaroon ng iba't ibang opinyon at pananaw ang mga tao lalo na ang
mga LGBTQ.

Ayon sa wordpress.com, “Same-sex marriage” ay isang legal na pagpapakasal ng


magkaparehas na kasarian, hindi lang sa mata ng tao ngunit pati na rin sa mata ng batas. Isa ito sa
mga isyung panlipunan na dapat na binibigyang pansin ng lahat sapagkat talamak na ang
legalisasyon nito sa mga karatig na lugar. Kaya naman, ang pagnanais ng LGBT Community na
makilala ang indibidwal at sosyal na karapatan ay lubhang lumalaki at tumataas tungo sa
legalisasyon ng Same-Sex Marriage na siyang tinutulan ng simbahan at makapilipinong lipunan.

Ang Pilipinas ay lubos na binibigyang halaga at paggalang ang karapatan ng mga


“homosexual” sa bansa kaya malaya ang lahat ng kasapi sa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual,
Transgender Community) na maipahayag ang kagustahang ipatupad na sa bansa ang kasal ng
parehong kasarian ngunit, ang pagnanais na maisulong ang Same-Sex Marriage ay ibang usapan
na; maaring magdudulot ito ng malaking dagok sa Simbahang Katoliko at pagkasira sa kahulugan
ng isang tradisyonal na pamilya. Ayon dito, dahil sa pagiging legal ng same sex marriage sa mga
karatig na lugar ay dapat naring bigyang pansin ang legalisasyon nito sa ating bansa. Ngunit ang
lumalaki at tumataas tungo sa legalisasyon ng Same-Sex marriage ay tinutulan ng simbahan at iba
pang mga Pilipino. Dagdag pa dito ay ang pagkakaroon ng malaking dagok sa Simabahang
Katoliko at pagkasira ng isang tradisyunal na pamilya na ating nakasanayan. Sa isang
konserbatibong bansa tulad ng ating bansang Pilipinas ay tutol at hindi pang sang ayon sa same
sex marriage ang simbahan kahit na nasa konstitusyon natin ang 'Seperation of the state and the

iv

church', ay hindi padin maiwasang hindi makialam sa isyung nasabi. Dahil naniniwala silang
kasalanan ito.
Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Ca-non Law chairman at Tag-bilaran Bishop
Leo-nardo Medroso, kung ila-lagay sa usaping moral, ang pag-papakasal ng magkapa-rehong
kasarian ay maiiba ang tunay na ka-hulugan ng kasal na itinakda para lamang sa lalaki at babae.
Sinasabi dito na ang pinagbasihan ni CBCP-Episcopal Commision on Canon Law chairman at
Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, ay ang usaping moral na ang tunay na kahulugan ng ating
kasal ay ang lalaki ay para lamang sa babae, at ang babae ay para lamang sa lalaki.At dahil sa
pagbabago ng opinyon ng Pangulo na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpabor sa same sex
marriage, dahil ito ang nakikita niyang solusyon na nabunyag ng mga sexual abuse ng ilang
kaparian na inamin mismo ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa ginanap na
Vatican Summit na pinangunahan ni Pope Francis.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Palace spokersperson Harry Roque na ang


pagbabago ng isip ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan tungkol sa same-sex marriage ay
"medyo bago." Hindi; ang presidente ay may kasaysayan ng pagpapalit ng paninindigan sa isyu,
depende sa kanyang kaharap. “Alam niyo po medyo bago ang posisyon ng ating presidente. Dati
tkasi wala siyang tutol sa civil union, pero ayaw niya iyong same-sex marriage. Pero nung araw
ng Sabado ata iyon, sa Davao eh malinaw na sinabi na sumang-ayon din siya sa same-sex
marriage. Ayon kay Harry Roque, na nagkaroon daw ng pagbabago ng paninindigan sa same sex
marriage si Pangulong Duterte, dahilan nang lalong pag tindi sa usaping same-sex marriage sa
pagitan ng simbahan at estado.

“Ang mga pari. Ang Bibliya ay isinulat halos libu-libong taon na ang nakakaraan.
Tatlong libong taon na ang nagdaan? Totoo. Meron ditong mga mensahe mula sa Diyos. Pero kung
tatangkain mong kontrolin ang mundo sa pamamagitan ng relihiyon bilang kapital at wala ka man
lang bigas o kalsada o mga kagamitan sa pagtatayo ng mga bahay,” usal ng Pangulo sa isa niyang
mensahe sa Cebu City kamakalawa ng gabi. Dahilan nito, dahil sa ilang taon na ang lumipas
marami na ang nagbago sa ating bansa, isa na dito ang pagkakaroon ng magkasintahang

v
magkaparehas ng kasarian, sa tagal ng panahong lumipas hindi na nasusunod ang nakasulat sa
bibliya dahilan ng hindi pag pabor ng simbahan. At dahil sa pagkakaroon ng magkaibang pananaw
ng simbahan at estado, nagkaroon din ng iba't ibang pananaw at opinyon mula sa mga mamamayan
tungkol sa isyu na ito.

BATAYANG KONSEPTUWAL

INPUT PROSESO OUTPUT

Kawalan ng sapat na ·Pag gawa ng listahan ng mga ·Pagkakaroon ng sapat na


kaalaman o impormasyon katanungan o kuwestyuneyr. kaalaman sa same-sex
tungkol sa same-sex marriage. marriage.
·Pagsasagawa ng isang serbey
o pag-iinterbyu

Pagkakaroon ng maling ·Dokumentasyon ng mga ·Pagkakaroon ng linaw sa mga


pagkakaintindi sa dahilan ng nakalap na datos. dahilan ng simbahan at estado,
simbahan at estado patungkol at upang mawala ang hindi
·Pagsusuri
sa same-sex marriage. pantay na pagtingin sa mga
dahilan ng simbahan at estado

Ang pagsasagawa ng pag aaral na ito ay upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa same-
sex marriage, pagkakaroon ng maling pagkakaintindi sa dahilan ng simbahan at estado s same-sex
marriage sa pamamagitan ng pag gawa ng isang kuwestyuneyr, serbey at pagdodokumentasyon ng
nakalap na datos upang ito'y masuri at magdulot ng pagkakaroon ng linaw sa dahilan ng simbahan
at estado, at mawala ang hindi pantay na pagtingin sa pananaw ng simbahan at estado.

vi
Pangkalahatang Tanong-Pananaliksik
Ano-ano ang mga epekto ng magkaibang pananaw ng simbahan at estado tungkol sa
same-sex marriage.

Layunin ng Pag-aaral
1. Matukoy ang epekto sa mga LGBTQ sa pagkakaroon ng magkaibang pananaw
patungkol sa same-sex marriage.
2. Masuri ang mga pinagbatayan ng simbahan at estado sa pagbuo ng mga kanilang
pananaw ukol sa same-sex marriage.
3. Makapagsagawa ng isang “facebook page" na nagpapaliwanag ukol sa same-sex
marriage.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Para sa mag-aaral - Makakatulong ang pananaliksik na ito upang mabigyang lawak o lalim
ang kaalaman ng mga estudyante patungkol sa isyung laganap na pinag uusapan ngayon na
same-sex marriage. At upang maging pantay ang pag-unawa ng mga estudyante sa
pinagbatayang dahilan ng simbahan at estado.
Para sa guro - Makakatulong ang pananaliksik na ito upang mas maipaliwanag sa mga mag-
aaral ang pantay na pananaw ng simbahan at estado at ang mga pangunahing dahilan nito.
At upang maging isang instrumento sa mga kabataan na mayroong negatibong pananaw
patungkol sa same-sex marriage.

vii
Para sa mananaliksik- Makakatulong ito ng higit sa mga mananaliksik upang maging gabay
sa mga iba pang mananaliksik at magsisilbing batayan upang mas mapatibay ang
pananaliksik na gagawin.
Para sa Administrasyon- Makakatulong ang pananaliksik na ito sa administrasyon upang
maging dahilan para magpatupad ng isang gawain sa mga mamamayang nasasakupan nito
lalo na sa mga LGBTQ para mas madagdagan ang kumpiyansa sakanilang mga sarili, at
respeto sa isa't isa.

Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay tumutugon lamang sa epekto ng pagkakaroon ng
magkaibang pananaw ng simbahan at estado sa same sex marriage. Na kadalasang
pinagtatalunan ng mga mamamayan, simbahan, estado at ang mga LGBTQ.
Ang pananaliksik na ito ay isasagawa ngayong unang markahan, sa STI College
Caloocan at naka pokus ito sa mga tao sa loob ng paaralan lalo na sa mga LGBTQ.

Katuturan ng mga Salita


Estado- isang uri ng kaayusan ng pamahalaan na binubuo ng isang pamayanang pampolitika
na nakatira sa iisang sestema ng pamahalaan.
Homosexual- Ang homosexual ay ang pagkakaroon ng emosyonal at pisikal na atraksiyon sa
kaparehong kasarian.
LGBTQ- ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong “lesbiyan, bakla, biseksuwal, at
mga transgender”. Ang katagang LGBT ay inilaan upang bigyang-diin ang pagkakaiba-iba ng
pagkakakilanlan base sa seksuwalidad at pangkasariang kultura na kung minsan ay

ix
ginagamit upang tingnan ang kahit sino na hindi heterosekswal sa halip na eksklusibo sa mga
tao na homoseksuwal, biseksuwal at transgender.
Same-sex marriage- Same Sex Marriage (tinatawag din na gay kasal) ay isang legal na
katayuan sa lipunan o kinikilala kasal sa pagitan ng dalawang tao ng parehong biological sex
o gender panlipunan. Same-sex kasal ay isang karapatang sibil, pampulitika, panlipunan,
moral, at relihiyon na isyu sa maraming bansa.
Simbahan- ay ang katawagan sa lahat ng mga tagasunod ni Hesus. Tinawag ni Hesus ang
kaniyang simbahan bilang kaniyang katawan.

You might also like