You are on page 1of 1

James A. Meguiso FILIPINO SA PILING LARANGAN St.

Dominic Dela Calzada

Posisyong papel: Death Penalty


Death Penalty: Dapat bang maisabatas?
Ano nga ba ang death penalty? Ang death penalty o parusang kamatayan, pangunahing
parusa, o parusang kapital, ay isang pagbitay, o pagsasagawa ng parusang kamatayan, ng isang
pamahalaan bilang parusa para sa isang krimen kadalasang tinatawag na isang opensang kapital o
isang krimeng kapital. Ang parusa sa nasasakdal na patayin dahil sa malaking kasalanan. Ito ay
tinatawag na "Bitay" sa wikang Tagalog. Ito ay mainit na isyu na pinagtatalonan at pinagdedebatehan
sa Pilipinas. Katanggap-tanggap ba ito at dapat ba itong ibalik sa Pilipinas ?

Sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Cory Aquino, ang Pilipinas ang naging kauna-
unahang bansa sa Asya na nagpawalang-bisa sa parusang kamatayan noong 1987. Bumalik pa ito sa
pagkapangulo ni Fidel Ramos. Naisagawa rin ang parusang kamatayan noong pamumuno ni Joseph
Estrada, ngunit muli itong inalis o tinanggal noong termino ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Gayunpaman, inalis ang parusang kamatayan pagkaraan ng sampung taon bilang resulta ng Republic
Act No. 9346, isang batas na nagbabawal dito sa bansang Pilipinas na mag “bitay” ng kriminal.

Maraming balita ang lumalabas na tungkol sa pagbabalik ng parusang kamatayan, sa


kadahilanang tumataas na rate ng krimen sa Pilipinas, ngunit wala pang ebidensya ang nagpapatibay
na nakakapababa ng rate ng krimen ang death penalty. Sa isang press statement, sinabi ni Rep.
Sherwin Tugna ng Citizen Battle Against Corruption (CIBAC) na ang mga tagapagtaguyod ng death
penalty ay nagkakalat ng maling puno sa pamamagitan ng paggiit na ang pagtanggal ng parusang
kamatayan sa batas penal ay naging sanhi ng pagtaas ng komisyon ng mga karumal-dumal na krimen.
“Ang parusang kamatayan ay hindi humahadlang sa mga tao sa paggawa ng mga krimen. Papatay at
magnanakaw pa rin ang mga tao kung hindi direktang matutugunan ang mga pangunahing dahilan
kung bakit ang mga krimeng ito noong una gaya ng kahirapan, kawalan ng edukasyon at katiwalian sa
gobyerno,” ani Tugna.

Sa pagbabalik ng death penalty ay marami ang hindi pabor sa desisyong ito lalo na ang mga
mahihirap sa kadahilanang wala pang naibalita na mataas ang istatus sa buhay na nahatulan ng
parusang kamatayan. Ayon sa survey na isinagawa ng Free Legal Assistance Group (FLAG) noong
2004 na ang mga bilanggong nasadeath row ay karaniwang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, may
trabahong mababa ang antas ng kasanayan o hindi sapat ang kita, at mula sa mahirap na pamilya.

Ipinagbabawal din ng Panginoon ang pagpatay ng iba dahil siya lamang ang may awtoridad
na kumitil ng buhay. Huwag kang papatay, sabi ng Exodo 20:13. Ang pagbitay sa isang tao ay hindi
matatawag na hustisya dahil ito ay makikita bilang emosyonal na paghihiganti.

Hindi pa rin natatapos ang pagtatalonan o pagdedebatehan ng mga tao tungkol sa death
penalty. Maraming tao ang gustong ibalik ang death penalty sa kadahilanang namatayan sila ng
mahal sa buhay o may tao na gumawa ng malaking krimen sa kanila o sa mahal nila sa buhay, ngunit
sa kadahilanang isinulat sa ibabaw, hindi dapat ibalik ang death penalty sapagkat isa lamang itong
perwisyo na magdudulot ng peligro sa buhay at kabuhayan ng tao. Bukod pa rito, ang Pilipinas ay
bansang Katoliko at tutol ang ang Panginoon sa batas na ito.

You might also like