You are on page 1of 3

PAGPAPATUPAD NG DEATH

PENALTY SA ATING
Ang death penalty ay hindi na bago sa ating pandinig. Matagal ng debate ang tungkol sa pagpapatupad
muli ng death penalty o ang Parusang Kamatayan sa ating bansa at maging sa buong mundo. Ito ang isyung
pinagtatalunan hindi lamang ng mga mambabatas kundi pati narin ng mga karaniwang mamamayan. Ang
bawat tao sa ating lipunan ay may kanya-kanyang pananaw sa usaping death penalty. Marami ang may
gusto na ipatupad muli ang nasabing death penalty dahil ito umano ay magpipigil sa pagtaas ng antas ng
krimen sa bansa. May mga nagsasabi namang walang sapat na ebidensya ang nagpapatunay na ito nga ay
nagpapababa ng antas ng krimen sa isang bansa na ayon din sa kanila ay maituturing na kasalanan sa mata
ng Diyos. Ano nga ba ang parusang kamatayan? Ang Republic Act No 7659 o mas kilala bilang ang Death
Penalty Law, ay isang kaparusahan na syang ipinapataw sa mga taong nagkasala at lumabag sa batas,
pinakamataas na parusa na walang sinumang magnanais. Kabilang sa mga krimeng pinapatawan ng
parusang kamatayan ay ang pang-gagahasa, kidnapping, pagpatay, paggawa ng droga at iba pang mga
krimen na nakapaloob sa batas na ito. Sa United States kapag ikaw ay nakagawa ng karumal-dumal na
krimen ay maari kang maparusahan ng kamatayan kung ito’y mapapatunayan. Ang parusang kamatayan ay
pinakamabigat na hatol na kung saan ang gobyerno ang may hawak ng iyong buhay ngunit ito’y
nakadepende sa bigat ng kasalanan na iyong nagawa. Dati na itong ipinatupad sa Pilipinas sa pamumuno ng
dating Presidente Marcos ngunit ito’y ipinatanggal ni Presidente Cory Aquino sa ilalim ng 1987 saligang
batas na nagbaba ng sentensyang kamatayan sa reclusion perpetua. Muli itong binalik ni Presidente Fidel
Ramos dahil sa pagtaas ng mga krimen tulad ng sunod sunod na pagkidnap sa mga dahuyang chinese.
Hanggang tuluyan itong ipinatanggal ni dating Presidente Macapagal Aroyo na nagbabawal sa muling
pagpapatupad ng death penalty sa bansa.

1999, limang taon matapos mabigyang-bisa ang parusang kamatayan ay pumutok ang pangalan ni LEO PILO
ECHEGARAY dahil siya lang naman ang kauna-unahang naka-sked na mamatay sa Death Chamber sa
Bilibid. Masalimuot ang buhay ng taong ito. Hiniwalayan si Leo ng kanyang unang asawa nang malamang
may relasyon siya sa kanilang kapitbahay. Dahil doon ay sumama rin sa ibang lalaki ang asawa niya kung
saan nagkaroon ito ng anak na babae. Sa 'di malamang dahilan, bumalik rin ang babae kay Leo makalipas
ang panahon upang sila ay muling magsama. Dito na nagsimula ang sinasabing karumal-dumal na
panggagahasa ni Leo kay "BABY", ang kanyang stepdaughter. Ayon sa bata, ang pangmomolestiya sa kanya
ay nangyari simula noong siya ay nasa edad na sampung taon, bandang April 1994. Dahil dito ay nahatulan
siya ng Branch 104 ng Regional Trial Court sa Quezon City ng death sentence noong September 7, 1994.
Pinag-aralan ulit ang desisyon ng korte at ito ay muling ipinagtibay noong June 25, 1996. February 5,
1999 na natuloy ang schedule ng pagbitay kay Echegaray. Isa si Leo Echegaray sa mga taong nahatulan ng
kamatayan sa buong mundo dahil sa kanilang nagawang pagkakasala sa batas. Sa isang pag-aaral sa
Amerika (Vollum and Longmire 2007) na nilahukan ng 150 pamilya ng mga nabiktima ng mga akusadong
pinatawan ng parusang kamatayan, natuklasang maliit na porsyento lamang ng mga pamilya ang
nakaramdam ng paghilom matapos bitahin ang nambiktima sa kanilang pamilya, at halos lampas sa kalahati
ang nagsabing hindi sila nakaramdam ng paghilom matapos maparusahan ng kamatayan ang nambiktima
sa kanilang pamilya. Maraming eksperto ang nagsasabi na hindi nagdadala ng paghilom sa mga pamilya ng
biktima ang pagbitay o paghatol ng kamatayan sa akusado. Maari ring huwad and ang katarungang
igagawad ng parusang ito dahil ang mga mahihirap na akusado lamang ang madalas na mapapatawan nito.

Kilala ang Pilipinas bilang isang Katolikong bansa, bansang nakasentro sa paniniwala sa Diyos at pag sunod
sa mga utos nito. Ngunit sa kabila nito ay hindi parin maiiwasan ang mga karumal dumal na krimeng gawa
ng mga taong walang takot sa Diyos at sa batas. Sa muling pag ugong ng parusang kamatayan ay may iba’t
ibang saloobin ang mga tao sa ukol rito. Katarungan nga ba ang dulot nito para sa mga naghahanap ng
hustisyta o paglabag sa karapatang pantao at kasalanan na maituturing sa mata ng Diyos. Ang paggagawad
ng katarungan ay hindi lamang nangangahulugang paghahangad ng kaparusahan o kamatayan upang
papanagutin ang nagkasala, kundi pagtitiyak na ang pangunahing layunin ng lahat ng parusa ay ang
pagpapanibagong-buhay ng taong nagkasala.

POSISYONG PAPEL
FAITH ASHLEY JUMAO-AS
ABM31-A

You might also like