You are on page 1of 1

Hindi na bago sa atin ang salitang Death Penalty.

Saglit lang itong pinairal at


saglit din pinawalang bisa. Bilang pinakamaraming taong Kristiyano sa Pilipinas, may
mga tao na sinasabing Diyos lamang ang may karapatan kumuha ng buhay ng ibang
tao at isa na ako sa mga iyon. May iba naman na sinasabi na buhay ang kinuha, buhay
din ang kapalit at dapat lang ang parusang kamatayan sa mga halang ang kaluluwa.
May iba’t-ibang opinyon at paniniwala ang mga tao.

Noong mga nakaraang linggo, nabuhayan ulit ang pagdedebate sa pagbabalik


ng Death Penalty sa senado dahil sa kaso nina Sonya Gregorio at ang kanyang anak at
ang kaso ni Christine Dacera. Ngunit walo sa mga dalawampu’t apat na senador ang
gusto ipatupad ang Death penalty. Nararapat lang na hindi ito muling ibalik dahil hindi
ito ang tamang paraan para sa tamang hustisya. Halimbawa nito ay ang unang
Pilipinong nakatanggap ng parusang kamatayan, si Leo Echegaray dahil sa
panggagahasa sa kanyang anak. Subalit, karamihan ng mga Pilipino ay nagdalawang
isip nang siya’y namatay. At sa huli, ito’y pinatigil ni dating pangulo Gloria Macapagal.
Paano mo maibabalik ang buhay ng isang tao na mali pala ang hatol dito? Hanggang
saan kaya ang paghuhusga natin sa tao? Hanggang saan ang limitasyon ng tao?
Biktima ka man o suspek sa anuman krimen, lahat tayo ay may karapatan. ‘Di ba mas
maigi ang matuto tayo ng pagpapakumbaba at pagpapatawad.

Naniniwala ako na ang parusang ito ay paraan ng paghihiganti at hindi


pagpapatawad at pagsisisi. Sapagkat, nagpapanggap lamang bilang isang diyos ang
tao kapag siya’y nagkitil ng buhay ng ibang tao. Ito’y hindi maka-Diyos at hindi maka-
tao. Mayroon pa ring pagkakataon ang tao magbago at magsisi. Tandaan, na tayong
mga tao ay pantay-pantay. Kung para sa iba, ito’y pagiging mahina. Para sa akin ito’y
lakas ng tao na kahit gaano kasama ay pwede pa rin magsisi, magpakumbaba at
magbago. Kung ang Diyos nga pinatawad si Dimas, tayo pa kaya na tao?

You might also like