You are on page 1of 2

POSISYONG PAPEL HINGGIL SA PARUSANG KAMATAYAN

Brengel Maricor Campo

Pilipinas, isa sa mga bansang kabilang sa tinatawag na “third world” na mga


bansa. Sa paglipas ng mga taon, ang bansa ay patuloy na kumakaharap sa iba’t ibang
isyu at mga problema. Kasabay ng paglipas ng taon ay ang pagdami ng mga taong
nasasangkot sa mga krimen. Dahil dito, ang kasalukuyang pangulo na si Pangulong
Rodrigo Duterte ay nagnanais na ibalik at ipatupad muli ang parusang kamatayan sa
bansa.

Binigyang kahulugan ni Duhaime (2018), ang parusang kamatayan o kilala


bilang parusang kapital, na isa sa mga pinakamalupit na paraan ng parusa sapagkat
ito ay nag-aatas sa mga opisyales ng batas na patayin ang nahatulan. Ayon naman
kay Ronquillo (2017), ito ang nakatakdang parusa sa mga nakagawa ng mabigat na
kasalanan sa lipunan. Ang mga krimen na may hatol na kamatayan ay ang
panggagahasa, pagtataksil, parisidyo, pagpatay, pagnanakaw na may kasamang
karahasan o pananakot sa mga tao at ang pagbebenta, pagkakalakal, pangangasiwa,
pamamahagi at pagdadala ng mga ipinagbabawal na mga droga o kemikal (Viray,
2016). Ilan sa mga halimabawa ng paraan ng pagbitay ay ang lethal injection, firing
squad, hanging at silya-elektrika. Ayon kina Webb at Rogers (2018), mayroong 57 na
bansa na patukoy paring pinapanatili ang parusang kamatayan kabilang na ang Tsina,
Singapore at Amerika.

Ang parusang kamatayan ay isinigawa at isinabatas ng dating Pangulong


Ferdinand Marcos kung saan ang unang nahatulan nito ay ang 55 anyos na Chinese
National convict na si Lim Seng. Isinagawa ang pagbitay sa kanya sa pamamagitan
ng firing squad sa Fort Bonifacio. Subalit ang parusang kamatayan ay inalis sa ilalim
ng pamamalakad ng dating Pangulong Cory Aquino noong 1987 kung saan ang
Pilipinas ang pinakaunang bansa sa Asya na nagtanggal nito. Ngunit ito ay binalik sa
pamamalakad ng dating Pangulong Fidel Ramos noong 1993 dahil sa pagtaas ng
bilang ng krimen ngunit ipinagbawal noong 2002 ng dating Pangulong President
Joseph Estrada. Ipinanukala ito ng nakaraang Pangulong Gloria Arroyo subalit
tinanggal muli noong Hunyo 24, 2002 sa ilalim ng Republic Act No. 9346, isang batas
na nagbabawal sa pagpapataw ng parusang kamatayan sa Pilipinas (Cenizal, 2016).
Sa paglipas ng panahon at sa pagtaas ng bilang ng krimen, nararapat ban a muli itong
isabatas n gating kasalukuyang pangulo?
Kung ako ang tatanungin ay tututol ako. Hindi dapat natin hayaan ang
kasalukuyan at ang dadating pang administrasyon na ibalik itong muli. Bakit? Dahil sa
mga sumusunod na rason. Sa ating lipunan, ang parusang kamatayan ay salungat sa
mga mahihirap dahil sa kawalan nila ng pera upang kumuha ng mahusay na abogado
(Angsiosco, 2017; Punongbayan & Mandrilla, 2017). Isa na rin sa mga rason ay ang
pagkakaroon ng malaking posibilidad na ang hatol ay maging mali. Gaya nalang
halimbawa sa kaso ni Leo Echegaray noong panahon ng administrasyon ng
Pangulong Estrada. Siya ay nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng lethal
injection noong ika-5 ng Pebrero taong 1999 dahil sa panggagahasa, Subalit
pagkatapos ng kanyang kamatayan ay nailantad na siya ay inosente. Isa pa sa mga
katwiran ay ang pagpatay ng isang tao ay isang malaking kasalanan sa Panginoon.
Iniutos ng Panginoon sa ika-limang kautusan na nararapat na tayo ay huwag pumatay
(Exodus 20:13). Sa pangangatuwid ang panghabambuhay na pagkakulong ay mas
mabuti. Sa pamamagitan ng reclusion perpetua, ay mabibigyan pa ng pagkakataon
ang mga nagkasala na magbago at magsisi sa kanilang ginawang kasalanan. At ang
pinakahuling rason, ay ang katotohanang hindi napipigilan ng parusang kamatayan
ang krimen o mga kriminal. Kagaya ng inilahad ni Ginoong Champa Patel, ang
Amnesty International’s Director ng Southeast Asia at Pacific, na ang muling
pagpapatupad ng parusang kamatayan sa Pilipinas ay hindi nagpapahupa sa mga
problemang kinakaharap ng bansa. Ang nararapat na itama ay ang umiiral na pwersa
ng panghukuman at hindi ang pagbabalik ng parusang kamatayn sapagkat kahit ang
mga bansang patuloy na nagpapiral nito ay patuloy parin na kumakaharap sa isyu ng
krimen (Gonzales, 2016).
Ang buhay ay isa sa mga pinakamahalagang kaloob ng Panginoon. Naararapat
na ito ay ating pahalagahan. Mahirap at masakit mawalang ng minamahal at Makita
sila na nahihirapan subalit nararapat rin na tandaan na ang hustisya ay hindi tungkol
sa pagpatay ngunit ang pagkamit ng katotohanan at ang pagtatanggol sa karapatan.
Hindi maibabalik ang buhay ng mga biktima o ang nakaraan sa pamamagitan ng
pagpatay sa mga kriminal.

You might also like