You are on page 1of 24

YUNIT 1: MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN

AT PANGEKONOMIYA
Aralin 1:
Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Zyrah C. Lobrigo, LPT


Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryung isyu


(AP10IPE-Ia-1)

2. Nabibigyang kahulugan ang kontemporaryong isyu

3. Natatalakay ang iba’t ibang uri ng kontemporaryong isyu sa


pamamagitan ng debate
Add a footer 04/07/2024 2
Sariwain Mo

Add a footer 04/07/2024 3


Pamprosesong Tanong
1. Bakit mo napili ang isyung ito? Bakit ito mahalaga para sa
iyo?
2. Sa iyong palagay, anong klaseng kontemporaryong isyu ito?
3. Sa iyong palagay, ano ang katuturan ng kontemporaryong
isyung ito sa mamamayang Pilipino? Bakit kaya napiling
gawing paksa ito ng balita o lathalain?

Add a footer 04/07/2024 4


PAGPAPAKAHULUGAN SA KONTEMPORARYONG
ISYU

Filipino English Spanish Latin


Contemporarius
Kontemporaryo Contemporary Contemporaneo Contemporaneous
• Contemporarius Contemporalis
• Contemporaneo
us
• con – katumbas ng “kasama sa” • Contemporalis

• tempor at tempus – kasingkahulugan ng “panahon”


Add a footer 04/07/2024 5
Kontemporaryong Isyu

Tumutukoy ang kontemporaryung


isyu sa kapanahon at napapanahong
paksain o usaping panlipunan.
Add a footer 04/07/2024 6
Kontemporaryong Isyu
Para sa mga propesyunal sa larangan ng
agham panlipunan, tumutukoy ang
“kontemporaryong isyu” sa mga suliraning
panlipunan ng kasalukuyang henerasyon
Add a footer 04/07/2024 7
PAG-UURI NG
KONTEMPORARYONG ISYU
Pag-uuri ng Kontemporaryong Isyu

Pag-uuring Estruktural Pag-uuring Teritoryal


1. Isyung Pangkapaligiran 1. Isyung Lokal
2. Isyung Pangkabuhayan
2. Isyung Nasyonal
3. Isyung Pangkapangyarihan
4. Isyung Pangkalipunan
3. Isyung Internasyonal
5. Isyung Pangkalinangan
Add a footer 04/07/2024 9
Salik-Estruktural
1.Isyung Pangkapaligiran – tumutukoy sa
paksain kaugnay ng espasyo at pook
Hal: climate change,
deforestation, labis-labis na populasyon,
lumalalang polusyon, nagkalat na basura, at
pagkasaid at pagkawasak ng likas na yaman
Add a footer 04/07/2024 10
Salik-Estruktural

2. Isyung Pangkabuhayan – may kinalaman sa


hanapbuhay at kalagayan, kaunlaran, at
kaginhawaang ekonomiko.

Hal: malawakang kahirapan, kawalan ng trabaho,


globalisasyon at hindi patas na kalakalang
pandaigdig, at pamamaraang taliwas sa likas-
yamang pag-unlad
Add a footer 04/07/2024 11
Salik-Estruktural
3. Isyung Pangkapangyarihan/Politikal – tumutukoy
sa mga usaping may kinalaman sa distribusyon ng
kapangyarihan at sistema ng pamamahala lalo na
ang mga kaugnay na mga gawain sa pag-aasal na
politikal.
Hal: suliranin sa dinastiyang politikal, pandaraya sa
eleksiyon, karahasang electoral, katiwalian at
korapsiyon, insereksiyong political at krisis
04/07/2024 12
Salik-Estruktural
4. Isyung Pangkalipunan – tumutukoy sa mga problema ng mga
pangkat ng mga tao o sector panlipunan batay sa uri, etnisidad o lipi,
pananampalataya o relihiyon, kasarian o sekswalidad, at gulang o
henerasyon.
Hal: hindi pagkilala sa mga kaarapatan sa paguunyon ng mga
mangagawa, pagpapalayas sa etnikong minoridad sa kanilang
lupang ninuno, pagbabawal sa pananampalataya ng relihiyong
minoridad, diskriminasyon batay sa kasarian, at pang-aabuso sa
mga bata. 04/07/2024 13
Salik-Estruktural
5. Isyung Pangkalinangan o isyung kultural – may
kinalaman sa kalinangan, halagahin, paniniwala,
pag-aasal, pag-uugali, tradisyon, at wika ng tao.
Hal: distorsiyon ng kasaysayan, pagkamatay ng
mga katutubong kalinangan at wika, at kalidad at
katuturan ng edukasyon gayundin ang access dito.
04/07/2024 14
Sakop-Teritoryal
1. Isyung Lokal – tumutukoy sa mga
problemang kinakaharap ng pamayanan
2. Isyung Nasyonal – tumutukoy sa mga
suliraning pambansa
3. Isyung Internasyonal o global – tumutukoy sa
mga usaping tumatawid sa isa o higit pang
bansa
Add a footer 04/07/2024 15
Gawain 1
Panuto: Kumuha ng BUONG PAPEL . Bigyang-kahulugan ang sumusunod
at magbigay ng maikling paliwanag kaugnay ng bawat isa.
1. Kontemporaryo ______________________________________________________________
2. Kontemporaryong isyu _________________________________________________________
3. Isyung pangkapaligiran _________________________________________________________
4. Isyung pangkabuhayan _________________________________________________________
5. Isyung pangkapangyarihan ______________________________________________________
6. Isyung pangkalipunan __________________________________________________________
7. Isyung pangkalinangan _________________________________________________________
8. Isyung local __________________________________________________________________
9. Isyung nasyonal _______________________________________________________________
10.Isyung internasyonal ___________________________________________________________
16
Kahalagahan ng Kamalayan at
kamulatan sa Kontemporaryong Isyu
Mahalaga ang kamalayan at kamulatan sa
kontemporaryong isyu sapagkat salalayan
ito ng mga kilusan para sa pagbabagong
panlipunan na tumutugon sa iba’t-ibang
suliranin. 04/07/2024 17
Gawain 2
Panuto: Pumili ng isang kontemporaryung isyu.
Ipaliwanag ang iyong maaaring maiambag na
solusyon sa napili mong kontemporaryong isyu.
Sagutin ang katanungan sa ibaba:
“Paano ka makakaambag sa paghahanap ng
solusyon sa isang kontemporaryong suliraning
panlipunan?”
18
Gawain 2

“Paano ka makakaambag sa paghahanap ng


solusyon sa isang kontemporaryong
suliraning panlipunan?”

19
Add a Slide Title - 4

20
PAGSASANAY
Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang grupo.
Magsagawa ng debate sa klase kung dapat
bang gawing pinakamahalagang priyoridad
ng pamahalaan ang pagsugpo sa paglaganap
ng ipinagbabawal na droga. Gagamitin ang
rubric sa ibaba bilang gabay.
21
NAKUHANG
PAMANTAYAN PUNTOS PUNTOS

Angkop ang mga mga impormasyong nagamit.


Gumamit ng mahigit limang sanggunian upang 50
maging mas kapani-paniwala ang impormasyon.
Mahusay ang pagtatanggol sa posisyon. Malinaw
na napangatwiranan kung bakit dapat o hindi 30
dapat gawing pinakmahalagang priyoridad ng
gobyerno ang pagsugpo sa paglaganap ng
pinagbabawal na droga.
Maliwanag na nabuod ang mahahalagang puntos 20
na tinalakay sa debate.
KABUOANG PUNTOS 100
22
Click icon to add picture

Add a footer 04/07/2024 23


Add a footer 04/07/2024 24

You might also like