You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central
Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 10
UNANG MARKAHAN
Quarter : 1 Week : 5 Day : 1 Activity No. : 13
Competency: : Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa
pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran. ( No Code Indicated )
Objective : Natutukoy ang kahulugan ng CBDRM
Topic : Ang Community Based Disaster and Management Approach
Materials :
Reference : LM AP 10, pp 91-93
Copyrights : For Classroom Use Only
Concept Notes:

Ano nga ba ang Community Based-Disaster and Risk Management?


 Ayon kina Abarquez at Zubair (2004) ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang
pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong
nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari
nilang maranasan. Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang
malawakang pinsala sa buhay at ari-arian. Nangangahulugan ito na ang mga mamamayan ay
bahagi ng pagpaplano, pagbuo ng mga desisyon at implementasyon ng mga gawain na may
kaugnayan sa disaster risk management.

 Sa Community-Based Disaster Risk Management Approach, napakahalaga ang partisipasyon ng


mga mamamayan na siyang may pinakamataas na posibilidad na makaranas ng mga epekto ng
hazard at kalamidad. Subalit, higit itong magiging matagumpay kung aktibo ring makikilahok
ang mga mamamayan na hindi makararanas ng epekto ng mga hazard at kalamidad.

 Ayon naman kina Shah at Kenji (2004), ang Community-Based Disaster and Risk Management
Approach ay isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa
kapakanan ng tao. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang mga dahilan
at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang pamayanan. Bukod dito, mahalaga ring masuri ang
mga istrukturang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitika na maaaring nagpapalubha sa
epekto ng hazard at kalamidad.

Pagsasanay

1.) Ano ang Community Based Disaster and Risk Management Approach?
2.) Bakit mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pagpapatupad ng CBDRM?
Quarter : 1 Week : 5 Day : 3 Activity No. : 15
Competency: : Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa
pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran. ( No Code Indicated )
Objective : Naiuugnay ang katangian at kalakasan ng bottom-up approach bilang
paghahanda sa anumang kalamidad.
Topic : Katangian at Kalakasan ng Bottom-up Approach sa pagharap sa Suliraning
Pangkapaligiran
Materials :
Reference : LM AP 10, pp 96-98
Copyrights : For Classroom Use Only
Concept Notes:

Bottom-up Approach-batayan ng plano ay ang karanasan at pananaw ng mga mamamayanng nakatira sa


isang disaster-prone area.Binibigyang pansin dito ang maliliit na detalye na may kaugnayan sa mga
hazard, kalamidad, at pangangailangan ng pamayanan.
Katangian ng Bottom-up Approach

 Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulant at panatilihin ang kaularan ng


kanilang komunidad.
 Bagama’t mahalaga ang tungkulin nh local na pamahalaan, pribadong sector at mga NGO’S
nanatiling pangunahing kailangan para sa grassroots development ang pamumuno ng local na
pamayanan.
 Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at
mga Gawain sa pagbuo ng desisyon para matagumpay na bottom-up strategy.
 Ang responsableng paggamit ng mga tulong-pinansyal ay kailangan
 Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng matagumpay na bottom-up approach ay ang pagkilala sa
mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad nito.
 Ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamaayang nainirahan sa pamayanan.
 Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay maaring may magkakaibang pananaw sa mga
banta at vulnerabilities na nararanasan sa kanilang lugar.
Mahalagang maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil
sa kanilang kaalaman sa mga sistemang ipatutupad ng disaster risk management.

Pagsasanay

1.) Alin sa mga kalakasan ng bottom-up approach ang dapat bigyang-pansin sa proseso
ng pagbuo ng disaster management plan?
2.) Nararapat bang isang approach ang gamitin sa pagbuo ng disaster management plan?
Bakit?
Quarter : 1 Week : 5 Day : 2 Activity No. : 14
Competency: : Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa
pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran. ( No Code Indicated )
Objective : Natutukoy ang kahinaan ng Top Down Approach bilang paghahanda sa
anumang sakuna o kalamidad.
Topic : Ang Kahinaan ng Top-down Approach sa pagharap ng Suliraning
Pangkapaligiran
Materials :
Reference : LM AP 10, pp 94-96
Copyrights : For Classroom Use Only
Concept Notes:

Ang Top-Down Approach sa disaster management plan ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng
gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa
mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.
Kahinaan ng Top-Down Approach

 Kung ang isang pamayanan ay nakararanas ng kalamidad, ito ay aasa lamang sa tugon
ng Pambayan o Panglungsod na Pamahalaan.

 Hindi natutugunan ng top-down approach ang mga pangangailangan ng pamayanan at


mamamayan na may mataas na posibilidad na makararanas ng malubhang epekto ng kalamidad.
 Limitado ang pagbuo sa disaster management plan dahil tanging ang pananaw lamang ng
mga namumuno ang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano.
 Hindi rin nabibigyang pansin ng top-down approach ang karanasan, pangangailangan at pananaw
ng mga mamamayan sa isang kalamidad o hazard.
 May pagkakataong hindi nagkakasundo ang Pambansang Pamahalaan at ng local na Pamahalaan
tungkol sa mga hakabang na dapat gawin sa panahon o pagkatapos ng kalamidad kung kaya’t
nagiging mabagal ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Pagsasanay

1.) Sa mga nabanggit na kahinaan ng top-down approach, sino ang may malaking
pananagutan sa pagpapatupad nito?
2.) Ano kaya ang magiging susi upang matagumpay ang pagpapatupad ng top-down
approach lalo na sa panahon ng kalamidad?

You might also like