You are on page 1of 2

Department of Education

Private Education Assisstance Committee


Diocesan Association of Parochial Schools
Diocese of Bacolod
ST. MICHAEL ACADEMY OF PONTEVEDRA, INC.
“Virtus et Prudencia”
ARALING PANLIPUNAN 10
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
Panuto: basahin at unawain ang mga tanong. Isulat sa papel ang TITIK AT LETRA ng tamang sagot. Mahigpit na
pinagbabawal ang pagbubura. ALL CAPS
Test I.
Hanay A. hanay B
1. ito ay tawag sa atraksyong sekswal sa anumang kasarian A. Asexuality
2.ito ay kondisyon kung saan hindi matukoy kung lalaki o babae ang isang indibidwal B.Bisexual
3. ito ay tumutukoy sa atraksyong sekswal sa kasapi o kabilang kasarian o opposite sex C. Gay
4. ito ay tumutukoy sa kawalan ng atraksyong sekswal sa anumang kasarian D. Hermaphrodite
5. ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng dalawang ari o kakaibang kombinasyon
ng chromosomes o hormones E. Heterosexuality
6. ito ang tawag sa babaeng may emosyonal, sekswal at romantikong atraksyon
Sa ibang babae F. Homosexuality
7. ito ang tawag sa lalaking may emosyonal, sekswal at romantikong atraksyon
Sa ibang lalaki G.Intersex
8. ito ay tawag sa indibidwal na may emosyonal, sekswal at romantikong atraksyon
sa parehong sex H. Lesbian
9. ito ay malawak na terminong tumutukoy sa mga taong mayroong gender identity I. Pansexuality
o expression na hindi naaayon sa inaasahan ng lipunan J. Queer
10. ito ay tumutukoy sa mas malawak na kategorya ng sekswalidad na hindi K. transgender
nakakahon sa indibidwal bilang lesbian, gay, bisexual o transgender lamang.

B. Mga Isyu kaugnay ng kasarian at sekswalidad. Tukuyin ang tiyak na kaisipan/konseptong inilalarawan sa bawat
bilang. Isulat ang tamang kasagutan. Bawal ang pagbubura. ALL CAPS
11. ito ang kinakatawan ng Q sa LGBTQ
12. ito ay nangangahulugang hindi pantay na pagtingin sa iba’t – ibang kasarian.
13. Isa itong krimen na ginagawa sa isang tao dahil sa pagiging kabilang nito sa isang particular na pangkat.
14. Ito ay pagkakahon ng isang kasarian sa isang takdang katangian, kakayahan, at tungkulin na nilikha ng lipunan.
15. ito ay tumutukoy sa kasalan o pag – iisang dibdib ng dalawang taong may magkapareho o magkatulad na kasarian.
16. ito ay batas na nilagdaan ng dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang noong ika – 21 ng Disyembre 2012.
17. ito ay sumasaklaw sa malawak na usapin na may kianalaman sa hindi pantay na pagtingin at pagturing sa tao dahil sa
kinabibilangan nitong uri, lahi, gulang at etnisidad.
18. ito ay tumutukoy sa mga hindi kanais- nais na pagkilos na mayroong konotasyong sekswal tulad ng panghihipo,
nakakabastos na tingin, at paggamit ng malaaswang pananalita.
19. ito ay tumutukoy sa mga gawaing sekswal na may kapalit na kabayarang salapi, o iba pang material na bagay na may
halaga gaya ng alahas at ari –arian, o kaya naman ay kapalit ng iba pang pabor.
20. isang uri ng sekswal na panghahalay o pag – atake na karaniwang nasa anyo ng pagtatalik o iba pang uri ng
penetrasyong sekswal mula sa isa o higit pang indibidwal nang labag sa kalooban ng biktima.

C. Basahin at suriin ang sitwasyon sa bawat bilang. Lagyan ng MD kung ito ay nagpapakita ng diskriminasyon sa
kasarian at WD kung wala.
21. Tinanggihan ni Aling Luisa ang isang babae at ka – partner nito na may kaparehong kasarian na mangupahan sa
kanyang pag – airing apartment dahil sa kanya umanong pagpapahalaga sa tradisyon.
22. Iniiwasan ni Rafael ang makipagkaibigan sa mga kamag – aral na nabibilang sa LGBTQ
23. Ipinagmamalaki ni Timothy ang kanyang matalik na kaibigang si Josh sa kabila ng pagiging kasapi nito ng ikatlong
kasarian
24. Isang gay o bakla ay nagsabi sa isang pinagkakatiwalaang kasamahan sa trabaho na siya ay bakla. Pero maya – maya
lang, nakita niya ang kanyang pangalan sa isang graffiti o bandalismo sa dingding ng banyo sa trabaho na nanlalait sa
mga bakla.
25. Ipinagbabawal ng may –ari ng pabrika na tumanggap ng mga empleyadong babae dahil sa pag – iwas nito sa mga
benepisyong dapat ipagkaloob sa mga kababaihan
26. Sinusuportahan ni Imee ang mga programang nagsusulong sa pantay na karapatan ng lahat ng kasarian
27. Madalas na nakarinig ng pang – iinsulto si man Cezar dahil siya ang naiiwan sa tahanan para mag bantay at mag-
alaga ng mga anak habang ang kanyang asawang si aling Imelda ang namamasukan sa pabrika
28. nabigo si Jonathan na makuha mula sa doctor ng kaniyang kapartner na si La ang dental at medical record nito
29. Ipinagbawal ng isang lupon sa paaralan ang mga aklat sa silid aralan na nagpapakita ng mga pamilyang may parehong
ksarian ang mga magulang
30. Kinikilala ng kompanyang kinabibilangn nina Johann at Glen ang opinyon ng lahat ng empleyado anuman ang
kasarian.
Test II. Mapanuring Paghahambing ng mga kaisipan. Paghambingin ang dalawang kaisipan sa bawat bilang gamit ang
Venn Diagram. Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba.

1. Sex at Gender (20points)


2. Sexual Orientation at Gender Identity (20 points)

SEX GENDER SEXUAL GENDER IDENTITY


ORIENTATION

You can never cross the ocean unless you


have the courage to lose sight of the
shore
-Christopher Columbus
Admiral of the ocean sea

Prepared by:
Salve Mae A. Suelo, LPT
AP Teacher

God bless

You might also like