You are on page 1of 8

Araling Panlipunan Grade 7

Gawain Blg.

Paksa : Likas Yaman ng Asya “ AKAP KA “(Ating KAPaligiran Kalingain)


Layunin: Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang
na kalagayang ekolohikal ng rehiyon ng Asya

Konsepto :

Madalas nating naririnig at nababalitaan na isa sa mga seryosong


suliraning kinakaharap ng ating bansa at mga bansa sa Asya ay ang
pagkasira ng kalikasan, bilang epekto ng ilang hindi kanais-nais na
pamamaraan ng industriyalisasyon.

Ang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo ng


buhay na bumubuo sa natural na kalikasan ay tinatawag na biodiversity.
Ang Asya, bilang pinakamalaking kontinente sa buong mundo, ay
itinuturing na pangunahing pinagmumulan ng global biodiversity. Ngunit
habang ang mga bansa sa Asya ay patuloy na papunta sa kaunlaran,
kasabay din nito ay ang pagsulpot ng mga suliraning ekolohikal at
pangkapaligiran bunsod ng hindi mapigilang pag-unlad ng ekonomiya at ang
patuloy na paglaki ng populasyon. Ang mga bansang Asyano sa ngayon ay
humaharap sa masalimuot na interaksyon ng mga isyung panlipuan,
pulitikal, ekonomiya, at pangkapaligiran. Ang masusing ugnayan at
pagbabalikatan ng bawat isa sa loob ng isang bansa, at sa pagitan ng bawat
bansa ay mahalaga upang makapagbalangkas at makapagpatupad ng
akmang solusyon sa mga suliraning ito.

Desertification – ito ay tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong


bahagyang
tuyo o lubhang tuyo.
Salinization – pagiging maalat ng tubig
Habitat – tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay
Hinterlands – malayong lugar, malayo sa mga urbanisadong lugar
Ecological Balance – balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may
buhay at ang kanilang kapaligi-ran
Deforestation – pagkaubos at pagkawala ng mga punungkahoy sa mga
gubat
Siltation – parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos
na tubig sa isang lugar.
Red Tide – sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat

Pagsasanay : Sagutin ng tuwiran ang mga sumusunod na tanong


1. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng balanseng ekolohikal sa daigdig?
2. Bakit nararapat na habang tayo ay patungo sa kaunlaran ay dapat ding
pagtuunan ng pansin ang pangangalaga sa kalikasan?
Araling Panlipunan 7
Gawain Blg.
Pamagat: Yamang Lupa at Yamang Tubig sa Asya
Konsepto:
Sa lawak ng Kontinente ng Asya ay iba’t ibang likas na yaman ang matatagpuan dito. Ang mga
likas na yaman na ito ay nagmumula sa ilalim ng lupa, sa mga kakahuyan, o sa mga malalim na anyong
tubig. Likas na yaman din ng kontinente ang matabang lupa nito na pinagtatamnan ng iba’t ibang mga
produktong agrikultura.

Yamang Lupa
 Nakabatay sa uri ng Lupa at Klima ang iba’t ibang yamang agricultural. Iba’t ibang mga
pananim ang sinasaka at mga alagang hayop ang inaalagaan sa kontinente na siya naming
bumubuhay sa mga taong nakatira dito.
Hilagang Bahagi ng Asya
 May malaming na Klima, ang mga pananim ay kinabibilangan ng trigo, cebada, at obena o oats
 Mga hayop na may mataas na resistensiya sa lamig na inaalagaan dito tulad ng kamelyong
Bactrian at Yak.
Gitnang Asya
 Dito matatagpuan ang napakaraming kabayo na ginagamit bilang pangunahing
transportasyon at sasakyanng taga-akay ng iba pang hayop tulad ng lupa, kambing at
baka.
Timog at Kanlurang Asya
 Napakainit at tuyo naman ang ilang bahagi nito.
 Ang rehiyon na ito ay umaasa lamang sa tubig na nagmula sa ilog tlan ng Tigris at
Euphrates at Jordan
 Ang ibang ng walang malalaking ilog ay umaasa sa tubig na mayroon sa ilalim ng lupao
yung tinatawag na ground water,
 Ilan sa pangunahing produktong agricultural ng rehiyong ito ay trigo, mais, at bulak,
 Pangunahing pinanggagalingan dg prutas tulad ng figo, olibo, apricot at dates ng
rehiyon
 Hayop na inaalagaan ay tupa, kambing at baka.
Timog, Silangan at Timog-Silangang Asya
 Ang malaking ilog ng Yangtze, Huangho, Mekong, Ganges, at Indus ay nagsisibilbing
tagapagbigay ng tubig pang irrigasyon para sa pananim
 Ang rehiyon ito ang pangunahing pinanggagalingan ng palay na siyang pangunahing pagkain ng
Asya
 Kilala angh rehiyon bilang pangunahing pinanggagalingan ng prutas tulad ng manga, saging at
pinya
 Ang mga hayop na inaalagaan dito ay baka, kambing, baboy, manok at mga bibe.
Mayaman din ang Asya sa produkto ng kagubatan.
Pagsasanay: TAMA O MALI
1. Napakainit at tuyo naman ang ilang bahagi ng Timog at halos buong Kanlurang Asya
2. Pinagpala naman ng malalaking ilog at malalakas na pag-ulan ang Tomog, Silangan, at Timog
Silangang Asta
3. Naging tanyag din ang Asya dahil sa produkto na pampalasa,
II.
1. Ano sa tingin mo ang pinakamahalagang yamang lupa ng Asya? Bakit?
2. Paano makakatulong ang iba’t ibang yamang tubig sa mga Asyano?
Araling Panlipunan Grade-7
Gawain Blg.

Paksa : Pangkat Etnolinggwistiko Sa Asya


Layunin : Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa Asya.

Konsepto :

Etnolinggwistiko - tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na


may magkakaparehong wika ,kultura at etnisidad.

 Wika - batayan ng pagpapangkat ng tao sa Asya


o Tonal – kung saan ang kahulugan ng salita at pangungusap ay
nagbabago batay sa tono ng pagbigkas nito
o Stress o non tonal language – ang pagbabago sa tono ng salita
at pangungusap ay hindi nagpapabago sa kahulugan ng salita at
pangungusap nito (hal. Cham at Khmer sa Cambodia)
Sinasabing pangunahing batayan ang wika sa paghubog ng kultura ng mga
etnolinggwistiko.
Nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat.

 Etnisidad - pagkaka-pareho ng kanilang pinagmulan.

Ang pagkakapare-pareho ng wika at etnisidad ang nagiging batayan ng


pagpapangkat ng tao.
Timog Asya Hilaga Timog Kanlurang
Silangang Silangang Asya
Asya Asya
Afro-arab
Austro – (Ural) Altaic dalawang Sino – Arab
Asiatic ( , pamilyang Tibetan , Assyrian
Munda) , Paleosiberian linggwistiko Indo – Bahraini
Dravidian at at Eskimo Austro – Aryan at Baluchi
Indo Aryan Turk , Asiatic Hapones. Jew
Afghan , (wika ng Kuwaiti
Kurd , mga Pilipino Persian
Persian , at Turkish
Hittite , Indonesian)
Assyr-ian ,
Jew ,
Armenian ,
Arab
,Caanite
,Lydian ,
Sumerian ,
Elamite ,
Kassite ,
Hatti , Halde
, Hurri at Ly-
ciane.

Maaari ding kilalanin ang mga pangkat etniko batay sa kanilang panirahan

o Uplander - naninirahan sa mataas na lugar o kabundukan (hal.


Mangyan at Dumagat sa Pilipinas)
o Lowlander- naninirahan sa kapatagan at baybay dagat (hal. Lao ng
Lao PDR , Kinh o Viet sa Vietnman)

Anumang batayan ang gamitin sa pagkilala sa mga Asyano ang mahalagang


tandaan sa kabila ng pagkakaiba – iba ng wika , etnisidad at kultura ang
dapat manaiig sa bawat Asyano ay PAGKAKAISA.

Pagsasanay : Sagutin ang mga sumusunod.

1. Ano ang dalawang batayan sa pagpapangkat ng etnolinggwistiko?


2. Kailan sinasabi na ang isang tao ay kabilang sa isang pangkat
etnolinggwistiko?
3. Ano ang dalawang uri ng wika sa Asya? Paghambingin at magbigay ng
halimbawa.
4.Bakit ang wika ang pangunahing pagkakakilanlan ng mga pangkat
etnolinggwistiko?
5. Bakit mahalaga ang wika sa paghubog ng kultura at pagkakakilanlan ng
mga
Asyano?

You might also like