You are on page 1of 2

Pamprosesong Mga Tanong:

1. Paano umaayon ang mga Asyano sa ibat ibang katangiang pisikal na ito ng Asya? Ipaliwanag. 2. Anong mahahalagang papel ang ginampanan ng mga anyong lupa sa pamumuhay ng mga Asyano?

Bukod sa pinakapangunahing lugar panirahan ng tao, ang biyayang hatid ng mga anyong lupa sa tao ay nakapagdulot ng malaking impluwensya sa kanilang kultura at pamumuhay. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng isang lugar, at proteksyon o harang sa malalakas na bagyo at sigwa. Ang ilang mga disyerto, baybay-gilid, at mga kabundukan sa ibat-ibang bahagi ng Asya ay nagtataglay ng samut-saring yamang mineral- mga metaliko, di-metaliko at gas. Sa mga bundok at gubat ay nakukuha ang mga bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na materyales, bukod sa panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife. Binubungkal, sinasaka at nililinang ng tao ang mga kapatagan at mga lambak para sa mga pananim, ang mga damuhan at mga burol ay ginagawang pastulan. Ang paggamit ng tao sa ibat ibang uri ng anyong lupa ay nakapag-ambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.

You might also like