You are on page 1of 2

HEKASI V

Date: _________________

I. Layunin:

 Naibibigay ang kahalagahan ng pinagkukunang-yaman sa hanapbuhay ng mga unang Pilipino.

II. Paksang-aralin:

Ang Likas na Yaman at ang Hanapbuhay ng mga Tao


Sanggunian: Batayang Aklat, pp. 42-44 Manwal ng Guro, 24-26, PELC Yunit I C.1 p. 1
Kagamitan mga larawan ng iba't ibang gawain tulad ng paghahabi, paglalala, pagsasaka, paggawa
ng bangka, paggawa ng banga at palayok, pangingisda, pangangaso

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balitaan ng napapanahong usapn o isyu.

2. Balik-aral:

Ipaliwanag kung paano nakatutulong ang mga likas na yaman sa kabuhayan ng mga
unang Pilipino

3. Pagganyak

Ilarawan ang uri ng panahanan ng mga unang Pilipino

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad
Ipakita ang iba’t-ibang mga hanapbuhay o industriyang pantahanan
(nakasulat sa tsart)
2. Pagbibigay-hinuha: Saan maaaring magmula ang mga hanapbuhay na ito?
3. Basahin ang Teksto
4. Pagtalakay/Pagpapatunay: Saan-saan sila karaniwang nakatira?

C. Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat
- Ang ating bansa ay mayaman na siyang pinagkukunan ng mga pangangailangan ng
mga tao.
2. Pagpapalawak ng Aralin
- Kung patuloy na mauubos ang mga likas na yaman sa paligid. Ano ang maaaring
mangyari sa atin? Ano ang nararapat gawin sa mga likas na yaman?
3. Pagppahalaga
Ang ating bansa ay mayaman sa likas na yaman. Pero bakit marami pa rin ang
nagugutom at naghihirap?

IV. Ebalwasyon:

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumunod ang hindi hanapbuhay ng mga unang Pilipino?

a. pangingisda c. paggawa ng palayok

b. pagsasaka d. pagtatrabaho sa pabrika

2. Alin ang nagpapakita ng pangangailangan ng likas na yaman?

a. pagputol ng mga punongkahoy c. pagtatanim ng mga punongkahoy

b. paghuli ng maliliit na isda d. paghuli ng mga hayop

V. Kasunduan:

Gumawa ng isang paghahambing sa uri ng mga hanapbuhay noon at hanapbuhay ngayon.

You might also like