You are on page 1of 7

Effective Date:

MALAMASUSING BANGHAY-ARALIN

Doc. No.: Doc. Type: Revision February 13, 2019


DCNHSJHS-004- Form No.:
ESP-001 00

Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 7


Pebrero 26, 2020, 9:50-10:50 n.u.

Pamantayang Pangnilalaman

Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang


obra maestra sa panitikang Pilipino.

Pamantayang Pagganap

Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong


ng koridong naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino.

I. LAYUNIN

1. (F7PT-IVc-d-19) Nabibigyang-linaw at kahulugan ang mga di-pamilyar na


salita mula sa akda.
2. (F7PB-IVg-h-23) Nasusuri ang mga katangian at papel na ginagampanan ng
pangunahing tauhan.
3. (F7PN-IVc-d-19) Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga
suliranin sa akda.

II. NILALAMAN

1. Paksa: Ibong Adarna: Kabanata 6-12


2. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7
3. Kagamitan: larawan, projector, pisara, chalk

III. PAMAMARAAN O PROSESO NG PAGKATUTO

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtala ng lumiban o pagtsek ng atendans
 Paglahad ng layunin ng paksa

B. Pagganyak

LARAWAN KO, HULAAN MO!

Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Kailangang sagutin ng mga mag-


aaral ang palaisipan sa pamamagitan ng mga salitang nakakahon. Mag-
uunahan silang buoin ang gupit-gupit na larawan upang maging patnubay nila
sa salitang bubuuin.
Effective Date:
MALAMASUSING BANGHAY-ARALIN

Doc. No.: Doc. Type: Revision February 13, 2019


DCNHSJHS-004- Form No.:
ESP-001 00

1.

2.

3.

4.

5.

C. Panimulang Pagtataya

Panuto: Suriin ang ilang mga pangyayari sa akda mula sa Hanay A at


ibigay ang suliraning panlipunang maiuugnay dito na nasa Hanay B at bigyang
solusyon ang mga ito.

Hanay A Hanay B Solusyon

1. Di umano’y si Don Juan a. pagiging suwail


Bunso niyang minamahal ng mga kabataansa
Ay nililo at pinatay mga tagubilin sakanila
Ng dalawang tampalasan

2. Kayapo kung pipigilin b. pagiging mapusok ng


Itong hangad kong magaling kabataan sa larangan
Di ko maging sala mandin ngpag-ibig
Umalis nang palihim

3. Anang matandang may dusa c. pagsasawalang halaga


“Maginoo, maawaka ng buhay ng iba kahit na ito’y
Kung may baon kayong dala malapit sa’yo
Ako po’y limusan na”.
Effective Date:
MALAMASUSING BANGHAY-ARALIN

Doc. No.: Doc. Type: Revision February 13, 2019


DCNHSJHS-004- Form No.:
ESP-001 00

4. Ang prinsipe ko’y di kumibo d. labis na kahirapan


Ngunit nasaktan ang puso sa bansa
Ang matanda’y hinuhulo
Baka siya’y binibiro

5. Pagka’t di namakatiis e. marami na ang


Timpiin na ang pag-ibig nanggugulang sa kapwa
Ninakaw na yaong damit
Ng prinsesang sakdal rikit

D. Paglalahad

IBONG ADARNA: BUOD

Magbibigay ang guro ng sampung (10) pangyayari na kailangang


pagsunud-sunurin ng mga mag-aaral upang mabuo ang koridong Ibong
Adarna.

Sa isang kaharian sa Berbanya, mayroong hari na nagkasakit dahil sa masamang panagimpan.


Isang manggagamot lamang ang nakatuklas ng lunas sa sakit nito, ang Ibong Adarna.

Agad naglakbay ang tatlo niyang anak para hanapin ang lunas ngunit nabigo ang panganay at
pangalawa. Huling naglakbay ang bunso nitong anak, Si Don Juan.

Nagtagumpay si Don Juan sa tulong ng isang ermitanyo ngunit pinagtaksilan ito ng dalawa
niyang kapatid.

Nagbalik sa Berbanya si Don Juan na lamog ang katawan ngunit pinatawad pa rin ang
dalawang kapatid dahil sa labis na pagmamahal nito sa kanila.

Gumaling ang hari at inatasan ang magkakapatid na bantayan ang ibon. Isang gabi
pinakawalan ito ng dalawang anak habang nakatulog sa pagbabantay si Don Juan.

Dahil sa labis na pagsisisi sa sarili, piniling lumayo ni Don Juan patungo sa Armenya at doon
nakilala si Prinsesa Leonora na inagaw naman ng kapatid at muling pinagtaksilan ang prinsipe.

Habang pabalik sa Berbanya si Don Juan, binalaan ito ng Ibong Adarna na pumunta na lamang
sa Reyno Delos Cristales. Doon nakilala nito ang kaakit-akit na si Donya Maria Blanca.

Tuso ang ama ng dalaga kung kaya’t binigyan ng hari ng pitong pagsubok si Don Juan ngunit
nagtagumpay naman ito dahil sa tulong ng mahika ni Maria Blanca.

Dahil sa labis na galit ng hari tumakas ang dalawa patungo sa Berbanya subalit isinumpa ng
hari Si Don Juan na makakalimot at magtataksil ito sa dalaga. Nakarating ang dalawa sa
kinaroroonan at natupad ang sumpa.

Dahil sa mahika ni Maria Blanca, nakaalala muli si Don Juan at nagtapat kay Leonora na si
Maria Blanca ang tunay niyang iniibig. Nagpasiya ang hari na Ikasal si Don Juan kay Maria at Si
Don Pedro naman kay Leonora. Naging masaya ang lahat at nagdiwang ng ilang araw.
Effective Date:
MALAMASUSING BANGHAY-ARALIN

Doc. No.: Doc. Type: Revision February 13, 2019


DCNHSJHS-004- Form No.:
ESP-001 00

E. Pagtalakay/ Pagsusuri

Mayroong ibon na may pitong makukulay na balahiboat isa-isa


pipitas ang mga piling mag-aaral, ang mga balahibong iyon ay may
kalakip na utos at sa bawat utos ay may kalakip na tanong.

1. Ano ang pinakapaborito mong pangyayari? Bakit?


2. Kung isa ka sa mga tauhan sa kuwento, sino ka at bakit?
3. Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang pangyayari na matatagpuan sa
Ibong Adarna? Bakit?
4. Sang-ayon ka ba sa wakas ng Ibong Adarna? Bakit oo? Bakit hindi? .
5. Kung ikaw ang manunulat at maaari mo pang baguhin ang ilang tagpo at
pangyayari sa akda, alin sa mga ito at bakit?
6. Ano ang iyong mga natutuhan mula sa akdang ating tinalakay?
7. Sa paanong paraan ito nakatulong o makatutulong sa iyong buhay?

F. PAGLINANG NG GAWAIN

PANGKATANG GAWAIN

Pangkat 1: “8-FOLD WAYS”

Ipagawa sa mga mag-aaral ang 8-Fold Ways: Sa unang bilog,


maglalagay ng apat na makatotohanang pangyayari sa Ibong Adarna at sa
pangalawa naman ay ang mga hindi makatotohanang pangyayari.

MAKATOTOHANAN ‘DI-MAKATOTOHANAN

Pangkat 2: “JINGLE”

Bumuo ng jingle tungkol sa mabuting aral na dulot ng pagbabasa ng ibong


adarna. Dalawa hanggang tatlong minute lamang ang duration ng pagtatanghal.

Pangkat 3: “Larawang-Buhay”

Isalaysay at ilarawan ang pakikipagsapalaran ni Don Juan sa akda sa


pitong eksena sa pamamagitan ng tableau o larawang-buhay.
Effective Date:
MALAMASUSING BANGHAY-ARALIN

Doc. No.: Doc. Type: Revision February 13, 2019


DCNHSJHS-004- Form No.:
ESP-001 00

Pangkat 4: “Panayam”

Gagawa ng maikling talk show ang mga mag-aaral tungkol sa maaaring


nangyari pagkatapos ng kwento sa ibong adarna.

PAMANTAYAN PARA SA PANGKATANG GAWAIN

5 4 3 2 1
Pagkamalikhain Napakaganda, Maganda, ‘Di Gaanong ‘Di maganda at Walang ginawa
Napakaayos at Maayos at maganda ‘di-malinis ang
Napakalinis ng Malinis ang subalitmalinis at ginawa
ginawa gawa maayos

Katuturan ng Napakahusay ng Mahusay Mahusay ‘Di gaanong Walang sinabi


sagot at pag- pagsasalita at magsalita at magsalita at mahusay at hindi nag-
uulat ng grupo pagpapaliwanag magpaliwanag magpaliwanag magsalita at ulat
magpaliwanag

Pagtutulungan/ Lahat ng Karamihan ay May mga Mas marami Tanging ang


Partisipasyon miyembro ay tumulong tumulong ngunit ang bilang ng lider lang ang
ng grupo gumawa kalahating grupo hindi tumulong gumawa
ay hindi

G. Paglalahat

1. Ano ang inyong natutunan sa aralin ngayon?

H. Paglalapat

Masasalamin ng mga mag-aaral sa kabuuang pag-aaral ng Ibong


Adarna ang halaga nito sa:

SARILI

MAGULANG

KAPWA
Effective Date:
MALAMASUSING BANGHAY-ARALIN

Doc. No.: Doc. Type: Revision February 13, 2019


DCNHSJHS-004- Form No.:
ESP-001 00

I. Pagtataya
Panuto: Magbigay ng limang tauhan ng Ibong Adarna at isulat ang
kani-kanilang katangian, kalakasan at kahinaan.

TAUHAN KATANGIAN KALAKASAN KAHINAAN

1.

2.

3.

4.

5.

IV. KASUNDUAN

Magsaliksik tungkol sa iba pang banyagang kwentong-bayan na kahalintulad


ng koridong Ibong Adarna. Pumili ng isa at ihalintulad ito sa Ibong Adarna sa
pamamagitan ng Venn Diagram.

Inihanda ni: Sinuri ni:


Effective Date:
MALAMASUSING BANGHAY-ARALIN

Doc. No.: Doc. Type: Revision February 13, 2019


DCNHSJHS-004- Form No.:
ESP-001 00

RIMAR JHON B. PARAS JEMMAR ESPINOSA


Nagpakitang-turo Tagapamatnubay na Guro

Pinansin ni: Inaprobahan ni:

HAZEL Z. DOLOR MEDARLO V. DE LEON


Ulong-guro, Kagawaran ng Filipino Punong-guro IV

You might also like