You are on page 1of 7

KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

IKALAWANG MARKAHAN
Paksa: Dula
Teksto: Sa Pula, Sa Puti

Inihanda ni:

LIEZL A. RESUELO
Guro sa Filipino

Sinuri at iniwasto ni

MA. NILA D. FUENTEBELLA, MT-1


Tagapangulo ng DepartMENTO NG Filipino
Kasanayan

Nabibigyang kahulugan ang mga salitang iba-iba ang digri o antas ng kahulugan
pagkiklino(F7PT- IIe-f-9)

Alamin Natin

Maliban sa pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita


ay may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan ng salita sa pamamagitan
nitong pagkiklino o tindi ng kahulugan ito ay ang pag-aayos ng kahulugan ng salita
ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais ipahiwatig.

Gawin Natin

Gawain 1:
Ano- ano ang mga nasa larawan?
Ano ang mga makikitang mga damdamin sa mga larawan ?
Larawan A Larawan B

Panuto: Magtala ng mga salitang pwedeng maiugnay sa mga larawang nasa itaas.

Larawan A - Salita Larawan B - Salita

Gawin Mo

Panuto: May mga grupo ng salitang nakakahon at ibinigay ang kanilang kahulugan
halos magkakapareho ang kahulugan nila ngunit nagkakaiba sila sa tindi o digri ng
kahulugan. Tukuyin ang tindi o digri ng salita na aakma sa pangungusap. Gawing
gabay ang pangungusap upang mapili ang tamang tindi o digri ng salita na gagamitin
dito.

Galit – tumatagal na inis

Inis- tumatagal na tampo

Tampo – munting galit na madaling


mawala

1. Nakakaramdam ng _________si Celing sa tuwing naaalala niya ang pagkatalo


nila sa sabung.
2. ___________ang naramdaman ni Celing tuwing nakikita niyang mas inuuna pa
ni Kula sang paghimas sa kanyang manok kaysa siya’y kamustahin.
3. Matagal nawala ang __________ ni Celing sa pagsasabong.

Panuto: Isulat ang mga salitang nakadiin sa hagdan mula sa pinakamababa hanggang sa
pinakamatinding (1-3) kahulugan ng salita ang nasa pinakababang baitang ay nasa
pinakamababang lebel.
a. Namasdan niya sa malayo na umiyak ang kanyang asawa ng malamang natalo siya sa
sabong.
b. Napahagulgol si Kulas dahil sa pagsising hindi na maibabalik ang lahat ng kanyang
natalo sa pusta.
c. Narinig niya ang mahinang hikbi ng asawa habang kumukuha ng kuwarta sa kanyang
supot.
3
2

1
1
Kasanayan

Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga tradisyunal na pagdiriwang ng kabisayaan. (F7-


PB-IIe-f-9)

Gawain 1:
Panuto: Sa pamamagitan ng mga larawan kompletuhin ang nawawalang letra sa mga salita sa
ilalim ng larawan upang matukoy ang mga Pestibal na matatagpuan sa Bisaya.

S_nu_og Pestibal D_na_y_ng Pestibal

Ma_ _ k_ _a Pestibal A_i-a_ _ han Pestibal

Gawain 2: Pagpapangkat-pangkat
Panuto: Hahatiin ang klase sa apat. Bawat pangkat ay pipili mula sa apat na Pestibal na
pinangalanan .
Bawat pangakt ay ipapaliwanag ang sumusunod:
a. Pangalan ng Pestibal at saang lugar ito sa kabisayaan ipinagdiriwang
b. Paglalarawan sa Pestibal na ipinagdriwang
c. Ibigay ang sariling interpretasyon sa pagdiriwang ng pestibal na ito.

Gawain 3: Mind Map


Panuto: Mula sa mga tradisyon, kaugalian, paniniwala at pagdiriwang sa kabisayaan, pumili ng
isang pestibal mula sa iyong lugar na iyong nakagisnan. Gumawa ng iyong sariling
interpretasyon kung paano isinasagawa ang pestibal at kung paano mo tinatangkilik ang
pagdiriwang na ito sa iyong lugar (Barangay/ Baryo/ Lungosd).
Ano ang pangalan ng Paraan paano isinasagawa ang
Pestibal at saan ito pestibal____________________
ipinagdiriwang?____ __________________________
_________________ __
______________

Paano mo tinatangkilik ang


pestibal sa iyong lugar?
__________________________
_________________________

You might also like