You are on page 1of 7

HOLY NAME UNIVERSITY

Basic Education Program


SY 2022 – 2023

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

(Baitang 10 Unang Markahan)

Linggo 3 – October 3, 2022 Monday (4:30-5:30 PM)

I. LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng aralin, ang 85% ng mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Nakapagmumungkahi ng mga mabisang paraan sa pagkontrol at pagsugpo ng terorismo sa sariling bansa.


2. Napahahalagahan ang papel ng iba’t ibang disiplina sa paghahanap ng solusyon sa terorismo.
3. Nakapaglalahad ng depensa sa sariling posisyon hinggil sa etikal at epektibong solusyon sa terorismo.

II. PAKSANG ARALIN:

a. Paksa: Terorismo: Tungo sa Etikal at Mabisang Solusyon


b. Stratehiya ng Pagkatuto: Direct Instruction, Interactive Instruction, at Visualization/Imagination Exercise
c. Mga Sanggunian:

Blumenau, B. (2021). Terrorism, History and Neighbouring Disciplines in the Academy. In R. English (Ed.),
The Cambridge History of Terrorism (pp. 124–148). Cambridge University Press.
Maboloc, C. R. (2019, January 29). The random nature of terrorism. Inquirer Opinion.
https://opinion.inquirer.net/119177/the-random-nature-of-terrorism/amp
MacKinnon, B., & Fiala, A. (2018). Ethics: Theory and Contemporary Issues. Cengage Learning.
Mendoza, R. U., Ong, R. J. G., Romano, D. L. L., & Torno, B. C. P. (2021). Counterterrorism in the
Philippines. Perspectives on Terrorism, 15(1), 49-64.

d. Kagamitan: Powerpoint Presentation


e. HNU Core Value Focus: Excellence at Social Responsibility

III. PAMAMARAAN:

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

- Pagbabalik-aral

Mayroon ba kayong mga tanong


tungkol sa huli nating tinalakay? “Wala po, Sir”

Mahusay! Kung ganoon, dumako na


tayo sa susunod na aralin.

B. Pagganyak
“Bago natin simulan ang ating pormal na
pagtatalakay, isasagawa natin ang isang
visualization/imagination exercise.”

“Ito si Adolf Eichmann. Pinatawan siya ng


Estado ng Israel ng kamatayan dahil sa
“crimes against humanity.” Tinulongan niya
ang rehimeng Nazi sa pagsasagawa ng
karahasan sa mga Hudyo. Siya ang
nagsagawa ng paglilikom at transportasyon
ng mga Hudyo papunta sa Auschwitz at sa
iba pang lugar kung saan sila papatayin.
Tandaan niyo: lehitimong gobyerno ang
rehimeng Nazi at susumusunod lang sa
utos si Eichmann.

“Tanong 1: May obligasyon ba si Eichmann “Mayroon, sir!”


na sumuway sa utos ng kaniyang gobyerno “Wala, sir!”
sa dahilan na labag ito sa kaniyang
konsensya?”

“Kung wala, ibig sabihin ay hindi “Nagugulohan pa po kami, sir.”


makatarungan ang pagpataw sa kaniya ng
kamatayan. Kung mayroon, ibig sabihin na
obligayson niya na maging terorista! Tama
ba o hindi?”

“Kung hindi rin naman makatarungan ang


pagpataw ng State of Israel ng kamatayan
kay Eichmann, wala bang moral na
obligasyon ang mga mamayan doon na
maglahad ng oposisyon? Kung karahasan
ang sagot ng gobyerno, hindi ba’t natural “Tama po, sir.”
lang na magiging dahas rin ang sagot ng
oposisyon? Ganito kakomplekado ang isyu
ng terorismo. Dahil dito, maraming mga
paraan ang naibibigay upang itoy
masolusyonan. Tama ba?”

“Dahil dito, pagkatapos ng klase na ito,


nilalayon natin na kahit 85% man lang sa
inyo ay:

1. Nakapagmumungkahi ng mga mabisang


paraan sa pagkontrol at pagsugpo ng
terorismo sa sariling bansa.
2. Napahahalagahan ang papel ng iba’t “Malinaw po, sir.”
ibang disiplina sa paghahanap ng solusyon
sa terorismo.
3. Nakapaglalahad ng depensa sa sariling
posisyon hinggil sa etikal at epektibong
solusyon sa terorismo.

“Malinaw ba, class?”

C. Pagtatalakay
“Punta na tayo sa ating unang layunin.
Class, sa inyong pananaw, ano ang “Gawing mas mahigpit ang paghuli sa kanilang mga
mga hakbang na magagawa natin pinuno at pagsira ng kanilang mga base, sir.”
upang masugpo at makontrol ang “Bigyan sila ng legal na representasyon sa
terorismo?” (Brain storming) gobyerno, sir.” “Turuan ang mga bata kung bakit
hindi sila dapat sasali sa terorismo.” At iba pa.
“Mahusay! Tingnan natin mamaya,
class, kung ang mga hakbang na
inyong ibingay ay talagang akma sa
paglutas sa problema ng terorismo. “Naiintindihan po, sir.”
Ngayon, class, pupunta naman tayo sa
pangalawang layunin: kung bakit dapat
iba’t ibang agham ang ating gagamitin
sa pag-aaral ng terorismo.”

“Class, bakit kinakailangan ang mala- “Ano po ba ang isang malaagham na paraan, sir?”
agham na paraan sa pag-aaral tungkol
sa terorismo?”

“Magandang tanong. Hindi minsan


nating nakikita na nag-aapihan,
nagsisigawan, o kayay nagpapatayan
ang mga taong magkaiba ang
paninindigan sa kung ano ang dapat at
hindi dapat gawin. Ang mga “Malinaw po, sir!”
pamamaraang ito ay nagdudulot
lamang ng dagdag sa problema at hindi
nakatutulong sa pagbuo ng
makatarungan at epektibong solusyon
sa terorismo. Kaya ang pamamaraang
dapat nating sundin ay yung walang
bias na pinapanigan. Ito ang tinatawag
nating agham. Sa pamamaraang
agham, nagsisimula tayo sa paninilay,
at susuriin natin ang mga haypotesis na
ating nabubuo batay sa mga
obserbasyong ito. Malinaw ba, class?”

“Kaya class, balik tayo sa aking tanong. “Kinakailangan ito dahil nasisiguro nito na an gating
Bakit kinakailangan ang mala-agham na mga konklusyon ay maaring i-verify, at kaya mas
paraan sa pag-aaral tungkol sa malapit sa katotohanan kung ikukumpara sa
terorismo?” opinyon.”

Ayon kay Blumenau (2021), iilan sa mga gamit ng


sumusunoday:
 Law - Depinisyon nito sa batas domestic at
“Tama! Class, sa inyong maalala, isang international.
komplikadong phenomenon ang  Political Science at IR - Pagbubuo ng
terorismo. Kaya ayon kay Blumenao prediksyon at solusyon.
(2021), maraming uri ng agham o  Sociology - Case studies ng terorismo at
disiplina ang kinakailangan upang prediksyon batay nito.
mararating natin ang kumpletong  Psychology - Propayl na nagprepredict ng
kaalaman tungkol dito. Class, anong pagiging terorista.
halimbawa ng mga disiplina na may  Philosophy - Aspetong etikal.
kontribusyon sa ating pag-aaral sa  History - Detalyadong naratibo at
terorismo?” paghahanap ng pattern.
 Anong disiplina at gamit ang hindi naitala?

“Magaling, class! Ano bang mawawala


kung hindi interdisiplinaryo ang ating “Una, may aspeto ng terorismo na ating
pag-aaral sa terorismo?” makaliligtaan. At pangalawa, at dahil sa una, hindi
magiging maayos an gating pagbuo ng mga
sulosyon para dito.”
“Magaling! May katanungan pa ba kayo
tungkol sa kahalagahan ng “Wala na po, sir!”
interdisiplinaryong paraan sa pag-aaral
sa terorismo?

“Class, bumalik tayo sa mga hakbang


na inyong ibinigay sa paglutas sa
terorismo. May dalawang pangunahing
konsiderasyon sa pagpipili ng solusyon “Naritona po, sir.”
sa terorismo—pagiging etikal at
pagiging mabisa. Class, ang kunin n’yo
ang inyong takdang aralin.”

“Mahusay! Class, ano ang isang “Isa itong pananaw sa kung ano ang dapat at hindi
teoryang etikal?” dapat gawin.”

“Magaling! Class, tatlong teoryang etikal


ang ipinasaliksik ko sa inyo. Ang bawat “Ayon sa pacifism, walang pagkakataon na tayo ay
isa sa ito ay sumassagot sa tanong na: pwedeng makipagdigma.”
tayo ba ay makikipagdigma, at kung oo,
sa anong paraan? Anong sagot ng
pacifism sa tanong na ito?”

“Ano naman ang sagot ng just war “Ayon sa just war theory, pwede tayong
theory sa tanong na ito?” makipagdigma batay sa dalawang prinsipyo.”

“Ano ang dalawang prinsipyong ito? “Jus ad bellum at jus in bello.”

“Kinakailangan ang (i) mabigat na motibo, (ii)


“Ano ang ibig sabihin ng prinsipyong jus lehitimong awtoridad, (iii) proposyon sa mga mabuti
ad bellum?” at masamang epekto, (iv) pagiging last resort, at (v)
tamang intensyon.”

“Kinakailangan ang (i) ang layunin at ang


“Magaling. Ani ang ibig sabihin ng pamamaraan sa pagkamit nito ay limitado lang, (ii)
prinsipyong jus in bello?” diskrimasyon ng mga lehitimong target, at (iii) pag-
iwas sa mga pamamaraang intrinsically evil.”

“Ayon sa realism, walang problema kung nais nating


“Ano naman ang sagot ng realism?” makipagdigma. At kahit anong paraan upang
makamit natin ang ating mga layunin ay maari.”

“Mahusay! Ngayon, ano ang aplikasyon “Una, maiintindihan natin ang idelohiyang pinag-
ng mga teoryang ito sa pagsagot sa ugatan ng terorismo. Pangalawa, magkakaroon ang
ating naunang tanong: ano hakbang sa gobyerno ng pagbabatayan sa pagpili ng moral at
paglutas sa terorismo ang makatarungang hakbang sa paglutas sa terorismo.”
karapatdapat?”

“Tama. Malinaw na ba kung bakit isa “Malinaw na, sir.”


ang etika sa mga konsiderasyon sa
pagpili ng hakbang sa terorismo?”
1. Military
“Ngayon, class, talakayan naman natin  Nakakagalit sa mga sibilyan, at uudyok sa
ang pangalawang konsiderasyon. kanila na sumali sa mga terorista.
Dapat mabisa at epektibo ang ating an  Madaling maabuso laban sa mapayapang
gating solusyon sa terorismo. Class, oposisyon (Mendoza, et al., 2021).
ano ang mga problema o cost ng mga 2. Police
solusyong inyong ibinigay kanina?  Mahirap ang koordinasyon sa ibang agency
dahil binabantayan ang secrecy.
 Hindi sapat ang kanilang teknolohiya para sa
teroristang high-tech ang armas.
3. Politics
 Nabibigyan ng platform ang mga terorista na
masiwalat ang kanilang idelohiya.
 Positive reinforcement sa terorismo para sa
mga nais marepresenta sa gobyerno.
4. Deradicalization
 Hindi nalulunasan ang terorismo sa
kasalukoyan.
 Reverse psychology, lalo na sa mga
matataas ang trait disagreeableness.
5. Holistic
 Walang ngipin ang bawat bahagi ng
programa dahil mahahati ang pondo.
 Mahirap suriin kung aling bahagi ang
epektibo.

“Napakahusay! Dahil dito,


kinakailangan talaga ang masinsinsang
pagpaplano sa pagpipili ng mga “Wala na po, sir!”
hakbang laban sa terorismo. May
katanungan ba tungkol sa ating
tinalakay, class?”

“Kung gayon, susubukin natin ang


inyong kaalaman.”

D. Paglalagum

1. Iba’t iba ang mga estratehiya sa


pagkontrol at pagsugpo sa terorismo sa
sariling bansa na maibibigay. “Malinaw, sir.”
2. Dahil kailangan ang tama at
kumpletong diagnosis sa paglulutas sa
terorismo, mahalaga ang paraang
interdisiplinaryo.
3. Kinakailangan ang Cost-Benefit
Analysis sa pagpipili ng etikal at
mabisang solusyon sa terorismo.

“Malinaw ba, class?”

E. Pagtataya
“Napakahusay klas! Sa tingin ko handa na kayo sa
ating gawain.”

“Maghanda ng sagot sa susunod na mga tanong.


Pipili ako ng mga mag-aaral na aatasang
magpaliwanag at mangatwiran ng kanilang mga
sagot sa isa sa mga tanong na ito:”

“1. Buena, alin sa tatlong pananaw sa “Sir, sa tingin ko tama ang realism dahil sa sabi na
pakikipagdigma, sa iyong opinyon, ay tama?” nga ni Hobbes, hindi na epektibo ngayon ang
pagiging mabuti. Ang kinakailangan ay lakas.”

“2. Christine, ano ang aplikasyon ng bawat “Kung ang pangulo ng Pilipinas ay isang pacifist,
pananaw sa pagbuo ng solusyon sa terorismo?” gagawin niya ang lahat para maging mapayapa ang
Mindanao sa pamamagitan ng peace talks.”
“3. Joseph, anong solusyon sa terorismo ang “Deradicalization ang karapatdapat na hakbang,
nararapat? Anong gagawin mo sa mga sasalungat sapagkat nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.”
sa iyong iminungkahing solusyon? Bakit ito ang
dapat bigyan ng prayoridad?”

“4. Angelica, pabor ka ba na gawing “Hindi ako pabor, sir, dahil nininormalize nito ang
compulsory ang military service sa Pilipinas?” mga solusyong dahas.”

“5. April, paano mo kukumbinsihin ang isang “Papakinggan ko muna ang kaniyang mga hinaing,
kapatid o kaibigan upang hindi siya tutuloy sa at hangga’t maari ay hihikayatin ko siyang dadagdag
pagsali sa isang rebeldeng grupo?”" lang sa problema ang pamamaraang dahas.”

“6. Marj, may panahon ba na makatarungan “Mayroon, tulad ng ipinaliwanag kanina sa Eichmann
ang pagsalungat sa pamahalaan sa paraang problem.”
dahas?”

“7. Anong gagawin mo sa mga bayolenteng “Isusumbong ko sila sa prefect of discipline.”


mag-aaral sa inyong paaralan?”

IV. PAGWAWAKAS

“Bago tayo magtatapos, nais kung isulat 3 – “Natutunan ko na may mga tao talagang walang
ninyo sa papel ang mga sumusunod”: pakealam sa moral na mga konsiderasyon sa
paglutas ng problema. Pangalawa, may problema rin
- Tatlong (3) bagay na natutunan sa pala ang holistic na solusyon sa terorismo. Pangatlo,
araling ito may maitutulong pala ang pag-aaral ng kasaysayan
- Dalawang (2) bagay na tila sa pag-aaral sa terorismo.”
nakakainteresado sa araling ito 2 – “Interesante para sa akin ang dilemma ng kaso
- Isang (1) tanong tungkol sa araling ito ni Eichmann. Interesante rin para sa akin kung ano
pang mga disiplina ang maari pang makakatulong sa
pag-aaral ng terorismo.”
1 – “Tama ba ako na leaning si President Benigno
Aquino sa pacifism, habang leaning naman sa
realism si President Duterte sa realism?”
V. KASUNDUAN

Basahin at aralin ang susunod na


baitang ng inyong textbook para sa
talakayan sa susunod nating tagpuan.
Salamat at magandang araw sa inyo.

You might also like