You are on page 1of 2

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA

Tongco St., Maysan, Valenzuela City


Senior High School Department

PANUKALANG PAKSA SA PANANALIKSIK PANGWIKA


Pamagat: Isang Pag-aaral sa Paraan ng Pangangaral ng Bibliya sa mga Simbahang Ebangheliko

sa Karuhatan Valenzuela gamit ang Metodolohiyang Homiletiko at Hermenyutika

Mananaliksik: Adrinel Jayson A. Bautista, Roxanne S. Laxamana at Kim Matthew B. Vergara

Taon at Pangkat: BSED FILIPINO

Unibersidad: Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela

I. Paksa
Ang pananaliksik pangwikang ito ay ukol sa pag-aaral sa paraan ng pangangaral ng bibliya
sa mga piling simbahang ebangheliko ng Karuhatan, Valenzuela gamit ang metodolohiyang
Homiletiko at Hermenyutika.
II. Introduksyon
Pinili ng mga mananaliksik ang paksang ito bilang pagtugon sa pananaliksik pangwika
sapagkat bahagi ng pagpapaunlad ng aspektong panrelihiyon ang paggamit ng lenggwahe sa
paglago ng isang simbahan. Mapapansin na patuloy na umuusbong ang paniniwalang ebangheliko
sa Karuhatan, Valenzuela kung kaya mahalagang malaman ang estratehiya at pamamaraan ng
simbahan upang magpalaganap ng paniniwala. Magiging susi ito upang makabuo ng mungkahing
silabus ang mga mag-aaral na gagamitin sa pagpapaunlad ng pagtuturo sa pamantasan.

III. Layunin
1. Matukoy ang paraan ng pangangaral ng Bibliya sa simbahang Ebangheliko ayon sa
metodolohiyang Homiletiko at Hermenyutika;
2. Masuri ang paggamit ng wika at kapangyarihan nito sa panghihikayat at pangangaral ng
nabanggit na relihiyon;
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco St., Maysan, Valenzuela City
Senior High School Department
3. Makabuo ng isang mungkahing silabus na naglalaman ng mga nakatuong pag-aaral ayon sa
kalinangang pangwika, pagpapahalagang panrelihiyon at pangangaral sa simbahang Ebangheliko
sa paraang Homiletiko at Hermenyutika gamit ang wika.
IV. Metodolohiya
Gagamitin ng mga mananaliksik ang pinagsamahang kuwantatibo-kuwalitatibong
pamamaraan sa pagtukoy ng paraan ng pangangaral sa mga simbahang ebangheliko. Ang teoryang
hermenyutika at homiletiko ang gagamiting batayan sa obserbasyon at pakikipanayam sa mga
pastor. Samantalang upang masukat ang pagiging epektibo ng pangangaral ng bawat simbahan,
magsasagawa ng sarbey-kwestyuner sa mga mananampalataya.
V. Inaasahang Awtput
Inaasahan ng mga manananaliksik sa pag-aaral na ito na matukoy ang kapangyarihan ng
wika sa sektang panrelihiyon. Susukatin din kung nakatutulong ang kanilang pamamaraan sa
pangangaral upang mapalago ang simbahang ebangheliko sa apat na piling simbahang sa
Karuhatan, lungsod ng Valenzuela. Sa pagtatagpos ng pag-aaral gagamiting batayan ang mga
nasaliksik upang makabuo ng mungkahing silabus tungo sa pagpapabuti ng pagtuturo.

You might also like