You are on page 1of 9

Dolly Joy Anne M.

Ortiguera
1ABE, BS Entrepreneurship
March 16, 2021

Basahin ang maikling kwentong LINLANG at gamitin ang limang dimensyon sa pagbasa
upang masuri ito.

Unang Dimensyon - Pag-unawang Literal

Ang Pagkilala (recognizing)

Itala ang mga mahahalagang detalyeng nakapaloob sa akda.

m
a. Habang nanonood ng ‘flash news’ si Gina sa ABS-CBN hinggil sa pambobomba sa

er as
iba’t ibang parte ng kalakhang Maynila, nagbalik sa kanyang ala-ala ang mga

co
katagang binitawan ng dalawang lalaking bumili sa kanya ng prutas na

eH w
nagpapahiwatig na sila ang salarin ng insidenteng ito.

o.
b. Inilarawan sa kwento ang katangian ni Gina na makabayan. Dahil sa pagkakatanto
rs e
niya ng kababalaghang ito, hindi natahimik ang kanyang isipan, na siya namang
ou urc
nagbigay-alala kay Gerry. Naisip ni Gina na namumukhaan niya ang dalawang lalaki
mula sa kilusang kanyang sinalihan, ngunit hindi niya matunton kung paano ito
nagawa ng dalawang miyembro ng organisasyon.
o

c. Lumapit si Gina kay Mang Pedring upang masagot ang kanyang mga katanungan.
aC s

Ayon kay Mang Pedring, ang pangyayaring iyon ay parte ng isang malaking plano
v i y re

upang makapanghikayat ng malawakang rebolusyon.


d. Inaya ni Gerry si Gina upang may kausapin. Pagdating ng gabi, ipinakilala ni Gerry si
Gina kay Coleman, na sa una ay hindi pinagkatiwalaan ng nauna dahil sa lahi ng
ed d

nahuli. Subalit, nang magsimulang magkwento ang Kano tungkol sa impluwensya ng


ar stu

mga grupong ‘Komite ng 300’, Royal Institute for International Affairs, at Right Wing
Parties sa kasaysayan, napalagay ang loob ni Gina dahil sa bago at malaking
impormasyon. Nagbigay rin ng ideya ang Kano sa mga maaaring maganap na dulot ng
mga kilusang ito.
sh is

e. Wala pang Pebrero ng taon, nagkaroon na ng mga malalaking pagbabago sa bansa na


Th

nagkumpirma sa mga hula ni Coleman: nagkaroon ng malaking pagbabago sa bansa


gaya ng pagbabago ng presidente at pagbubunyi ng nakararaming mamamayan.
f. Nagbalak magkita sina Gina at Gerry sa isang parke sa Quezon City, ika-7 ng gabi.
Dalawang oras naghintay ang dalaga hanggang sa may matanggap siyang sulat mula
sa isang bata na siyang nag-abot nito mula sa di-ipinakilalang may-akda. May laman
na babala ang sulat na siyang nagpaalam sa kanyang nahuli na si Gerry, may tatlong
nakamasid sa kanya sa paligid, at nasa peligro ang kanyang buhay.
g. Sinubukan ni Gina na tumakas nang hindi kapansin-pansin.
h. Kinabukasan, ibinalita sa telebisyon na isang babae ang natagpuang patay sa
tambakan ng basura sa Quezon City.

This study source was downloaded by 100000832697760 from CourseHero.com on 09-23-2021 05:17:46 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86802083/FILI2-Linlangpdf/
Itala ang pangunahing kaisipan ng akda.

Si Gina ay isang makabayang dalaga na handang mamatay para sa kanyang bayan.

Itala ang mga paghahambing o pagtutulad (comparison) na nakapaloob sa akda.

1. Interesado si Gina sa pangyayari ng pagbobomba sa kamaynilaan, habang si Gerry ay


walang interes sa ganitong usapin at gusto lamang mabuhay sa araw-araw.
2. Gaya ng pasimula ng rebolusyong hinikayat ni Simon sa El Filibusterismo sa
pamamagitan ng pagpapasabog ng bomba na nakalagay sa lampara, isang
pagsasakripisyo ng buhay rin ang ihahain ng kilusan upang magkaroon ng
malawakang pagbabago sa bansa.

Itala ang mga nagpapakita ng sanhi at bunga (cause and effect) sa loob ng akda.

1. Kinabahan si Gina dahil pamilyar ang mukha ng dalawang lalaking marahil ay

m
pasimuno ng insidenteng pambobomba sa kamaynilaan.

er as
2. Nagulat si Gina nang mapansing si Gerry at hindi mamimili ang nagputol sa kanyang

co
eH w
malalim na iniisip.
3. Nang makita ni Gerry sa TV ang itsura ng mga biktima, naantig ang kanyang

o.
damdamin at naawa dahil magpapasko pa naman.
rs e
4. Hindi sinumbong ni Gina sa pulis ang dalawang kakilalang salarin dahil hindi siya
ou urc
makapaniwalang kaya nilang gawin iyon.
5. Upang makakuha ng sagot, dinayo ni Gina si Mang Pedring.
6. Hindi mapagkatiwalaan ni Gina si Coleman noong una sapagkat Kano ang lalaki.
o

7. Mula sa mga impormasyon inihain ni Coleman, nagbago ang paningin ni Gina kay
aC s

Gerry.
v i y re

8. Nang abutan ng pera ng isang lalaking nasa edad na 16 ang isang dalagitang
kasing-edad nito, na maputi, maalon ang buhok, nasa taas na limang talampakan,
nakapambahay at alikabukin na damit, at naka-short na maigsi, sumama ang dalagita
ed d

sa pangalawang lalaking itinuro ng nauna.


ar stu

9. Hindi apruba si Gina sa nangyaring ito kaya siya ay napailing.


10. Mula sa babalang kanyang natanggap, naging maingat at mapagbatid si Gina sa
kanyang kapaligiran.
sh is

Ibigay ang mga katangian ng mga tauhan.


Th

Gina – nasa edad 21; may makinis at maitim na balat (morena); tuwid ang buhok;
tambok ang dibdib; kaakit-akit nag kislap ng mata. May prinsipyo sa buhay; nag-aaral
sa isang State University; masipag; makabayan; handang makipaglaban at mamatay
para sa bayan; walang tiwala sa mga Kano.

Gerry – kaklase, kaibigan, at manliligaw ni Gina; humihiling ng simpleng buhay


lamang; patagong kasama sa kilusan ng pagbabago sa bansa

Mang Pedring – kasama ni Gina sa kilusan; may alam sa mga malawakang


rebolusyong mangyayari kinalaunan

This study source was downloaded by 100000832697760 from CourseHero.com on 09-23-2021 05:17:46 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86802083/FILI2-Linlangpdf/
Coleman – Amerikano; may maraming kaalaman sa kasaysayan ng mundo na may
kaugnayan sa Komite ng 300 at iba pang organisasyon

Paggunita (recalling). Sa sariling pangungusap, ilahad ang mga sinasabi sa loob ng teksto:

Pangunahing kaisipan (main idea).

Buhay ang kapalit ng paglaban para sa katarungan.

Pagkakasunod-sunod ng pangyayari (sequence).

a. May dalawang lalaki ang bumili kay Gina ng prutas. Nag-uusap sila ukol sa
matagumpay na operasyon.
b. Napanood ni Gina ang isang ‘news flash’ na pambobomba sa kamaynilaan mula sa
ABS-CBN.
c. Natunton niyang ang dalawang lalaki ang salarin ng insidente.

m
d. Dumating si Gerry upang bisitahin ang nililigawan.

er as
e. Kinwento ni Gina ang nabalitaan at ang karanasan. Hindi siya makapaniwalang

co
eH w
magagawa iyon ng dalawang lalaking kasami niya sa samahan.
f. Nagpasama si Gina kay Gerry na pumunta kay Mang Pedring upang tanungin ang

o.
tungkol dito. rs e
g. Ipinahayag ni Mang Pedring na masyado pang bata si Gina upang maintidihan ang
ou urc
nangyayari. Ipinaalam niya sa dalaga na parte ito ng isang malawakang rebolusyon,
halintulad sa rebolusyong inilarawan ni Jose Rizal sa nobelang El Filibusterismo.
h. Nag-alala si Gerry kay Gina kaya’t sinabi niyang may ipakikila siya kay Gina. Nakilala ni
o

Gina si Coleman na isang Amerikano. Hindi nagtiwala noong una si Gina dahil sa lahi
aC s

ni Coleman.
v i y re

i. Binigyang-linaw ni Coleman ang isipan ni Gina sa kasaysayan ng mundo, mula sa mga


malawakang kilusan upang magsiklab ng rebolusyon. Inalok nila si Gina na sumama
sa kanilang kilusan, ngunit sabi ni Gina ay pag-iisipan niya ito.
ed d

j. Sa susunod na buwan, nagplanong magkita sina Gina at Gerry sa isang parke sa may
ar stu

Quezon City ngunit ilang oras na ang lumipas as wala pa rin ang binata.
k. Nakatanggap ng sulat si Gina na ipinaabot lamang sa isang bata na may babala.
l. Sinubukan ni Gina na tumakas nang hindi kapansin-pansin.
sh is

m. Kinabukasan, ibinalita sa telebisyon na isang babae ang natagpuang patay sa


tambakan ng basura sa Quezon City.
Th

Paghahambing (comparison).

a. Parehas na makabayan sina Gina at Gerry ngunit patago ang sa lalaki.


b. Muwang pa ang kaisipan ni Gina sa malawakang panghihimagsik, di tulad ng mas
nakatatandang Mang Pedring.
c. Naunang maging parte ng kilusan tungo malawakang rebolusyon si Gerry kaysa kay
Gina.
d. Gaya ng pasimula ng rebolusyong hinikayat ni Simon sa El Filibusterismo sa
pamamagitan ng pagpapasabog ng bomba na nakalagay sa lampara, isang

This study source was downloaded by 100000832697760 from CourseHero.com on 09-23-2021 05:17:46 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86802083/FILI2-Linlangpdf/
pagsasakripisyo ng buhay rin ang ihahain ng kilusan upang magkaroon ng
malawakang pagbabago sa bansa.

Pagkakaugnay ng Sanhi at Bunga (cause and effect).

a. Dahil sa narinig na usapin ng dalawang lalaking marahil ay salarin sa pambobomba sa


kamaynilaan, hindi natahimik ang utak ni Gina.
b. Hindi sinumbong ni Gina sa pulis ang dalawang kakilalang salarin dahil hindi siya
makapaniwalang kaya nilang gawin iyon. Kinailangan niya muna ng sagot.
c. Dahil hindi matahimik ang utak ni Gina, nagpasama siya kay Gerry upang dayuhin si
Mang Pedring.
d. Hindi mapagkatiwalaan ni Gina si Coleman noong una sapagkat Kano ang lalaki.
e. Mula sa mga impormasyon inihain ni Coleman, nagbago ang paningin ni Gina kay
Gerry.
f. Mula sa babalang kanyang natanggap, naging maingat at mapagbatid si Gina sa
kanyang kapaligiran.

m
er as
g. Dahil sa pagsali ni Gerry at Gina sa kilusan, nalagay sa peligro ang kanilang buhay.
h. Dahil sa pagbabalak nina Gerry at Gina na magkita, hindi sila naging maingat.

co
eH w
i. Dahil sa pagsali ni Gerry at Gina sa kilusan, sila ay napaslang.

o.
Katangian ng tauhan (character traits).
rs e
ou urc
Gina – masyado pang bata upang maunawaan ang konsepto ng malawakang
rebolusyon
o

Gerry – palihim na makabayan at lumalaban


aC s
v i y re

Mang Pedring – may-alam sa mga kilusan tungo sa malawakang rebolusyon na


maaaring kasangkop din dito; kasapi ni Gina sa kilusan
ed d

Coleman – Amerikano; may-alam sa mga kilusan tungo sa malawakang rebolusyon na


ar stu

maaaring kasangkop din dito


sh is

Pagbubuo ng Kaisipan (Reorganization). Pumili ng isa sa mga sumusunod mailahad nang


Th

malinaw na isinasaad ng teksto. Pagbubukod-bukod ayon sa kategorya (classifying);


pagbabalangkas (outlining); paglalagom (summarizing); at pagsasama-sama (synthesizing).

Pagbabalangkas:

I. Panimula
● Napanood si Gina ang ‘newsflash’ ng ABS-CBN tungkol sa pambobomba sa
kamaynilaan
● Namukhaan ni Gina ang dalawang lalaking marahil ay may sala sa insidente
● Pakilala sa tauhang Gina
II. Katawan
● Pakilala sa tauhang Gerry

This study source was downloaded by 100000832697760 from CourseHero.com on 09-23-2021 05:17:46 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86802083/FILI2-Linlangpdf/
● Pumunta sina Gina at Gerry kay Mang Pedring upang magtanong ukol sa gawain
ng kanilang kilusan
● Pinakilala ni Gerry si Coleman kay Gina
● Inilarawan ni Coleman ang malawakang rebolusyong nagaganap sa buong mundo
III. Wakas
● Nagbalak magkita sina Gina at Gerry
● Hindi sumipot si Gerry
● Nakatanggap ng anonimong sulat si Gina na may babala
● Kinabukasan, nabalitaang patay si Gina

Ikalawang Dimensyon – Interpretasyon. Isulat ang hinihingi ng sumusunod:

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod:

Linlang – panloloko o pandaraya

m
Rally – pagpupulong para sa isang adbokasiya

er as
co
eH w
Makabayan – matinding pandaramdam at pangako sa bansa

o.
Kilusan – kampanya o aksyon para sa isang adbokasiya
rs e
ou urc
Rebolusyon – ganap na pagbabago

Impeachment – pagtataluwalag ng isang opisyal ng publiko


o
aC s

Tuta ng Kano – utusan o sunud-sunuran sa mga Amerikano (amo)


v i y re

Globalisasyon – proseso ng pakikipag-ugnayan at pagsasama


ed d

Ideolohiya – kaisipan
ar stu

Komite – grupo o lupon ng mga tao

Ano ang nais ipakahulugan ng may-akda sa pagsulat ng maikling kwento?


sh is
Th

Delikado ang maging kasangkot sa mga kilusang naghahangad ng malawakang


pagbabago o rebolusyon, lalo na kung ang katunggali ay gobyernong walang
pakialam sa buhay at karapatan ng tao.

Magbigay ng opinyon at palagay ayon sa mga kaisipan at impormasyon nais ilahad ng akda.

Mamahalin mo pa ba ang iyong bayan kung buhay ang kapalit? Ipaglalaban mo pa ba


ang iyong bayan kung buhay ang itataya? Nakakikilabot isipin na upang magkaroon
ng pagbabago, kailangan pa munang may magsakripisyo dahil ang gyera sa pagitan
ng mga mamamayang Pilipino at gobyerno ng bansang Pilipinas ay hindi makatao at
makatarungan.

This study source was downloaded by 100000832697760 from CourseHero.com on 09-23-2021 05:17:46 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86802083/FILI2-Linlangpdf/
Paghinuha (inferring). Patunayan o pasubalian ang mga detalyeng isinasaad ng kwento. May
katotohanan ba ito ? Pangatwiranan.

Maaaring base sa katotohanan ang mga detalyeng nakasaad sa kwento ngunit hindi
naman sinabi ng may-akda na totoo ang kwento. Maaari itong maging kathang-isip
lamang, maaari ding pinalitan lamang ang mga pangalan at/o lugar.

Pagkuha ng Pangunahing Kaisipan (main ideas). Ano ang aral ng kwento na hindi malinaw
na ipinahayag sa akda?

Ipinakita nito ang karaniwang wakas ng mga taong sumasali sa kilusang


pangmalawakan na pagbabago: kamatayan. Hindi gusto ng mga taong nakaupo sa
pamahalaan ng pagbabago dahil ang kasalukuyang pamamalakad ng bansa ay
nakatuon sa kanilang kasakiman at pansariling kapakanan lamang. Ang pagbabago,
para sa mga opisyal na ito, ay nangangahulugan ng kawalan ng kanilang
kapangyarihan. Ang mga taong ito ay handang pumatay ng maghihimagsik. Ang mga

m
naghihimagsik naman ay handang mamatay upang ipaglaban ang kanilang bayan.

er as
Ang tanong ay: sino ang mananalo?

co
eH w
Pagsusunod-sunod (sequencing). Ano ang maaaring sumunod na pangyayari batay sa

o.
pagwawakas ng kwento? Gumawa ng sariling wakas.­­
rs e
ou urc
Matutuloy ang rebolusyon. Ipinakita sa akda na hindi kawalan para sa kilusan ang
ilang buhay na mapapaslang upang matupad ang kanilang binabalak. Maaari ring lalo
pang mapukaw ang galit ng kilusan dahil sa kawalan ng dalawang bata na walang
o

masamang ginawa, ngunit tiyak na matutuloy ang rebolusyon, base sa kanilang mga
aC s

planadong aksyon. Hindi titigil ang rebolusyon; hindi titigil ang kanilang
v i y re

paghihimagsik.

Katangian ng Tauhan (character traits). Ibigay ang katangian ng mga sumusunod na tauhan.
ed d
ar stu

Gina – masyado pang bata upang maunawaan ang konsepto ng malawakang


rebolusyon

Gerry – palihim na makabayan at lumalaban


sh is
Th

Mang Teryo – tatay raw ni Gerry ngunit inamin ng binata na hindi ito totoo

Mang Pedring – may-alam sa mga kilusan tungo sa malawakang rebolusyon na


maaaring kasangkop din dito; kasapi ni Gina sa kilusan

Aling Matring – kinukuhanan ni Gina ng prutas upang ibenta

Coleman – Amerikano; may-alam sa mga kilusan tungo sa malawakang rebolusyon na


maaaring kasangkop din dito

This study source was downloaded by 100000832697760 from CourseHero.com on 09-23-2021 05:17:46 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86802083/FILI2-Linlangpdf/
Ikatlong Dimensyon- Mapanuring Pagbasa (critical reading).

Pagpapasya. Hatulan ang akda batay sa sumusunod:

Ito ba tunay na pangyayari? Magbigay ng patunay.

Walang sinabi ang may-akda na ito ay base sa totoong buhay; maaari itong maging
kathang-isip lamang.

Ito ba ay pantasya lamang? Magbigay ng patunay.

Walang sinabi ang may-akda na ito ay base sa totoong buhay; maaari, ngunit hindi
tiyak.

Ang mga detalye ba ay opinyon lamang?

m
Base sa katotohanan ang mga detalye ng kwento kahit na hindi base sa katotohanan

er as
ang kwento mismo. Sa kasaysayan ng bansa, malaking posibilidad na mangyari talaga

co
ang mga pangyayari sa kwento. Dahil sa kasaysayan, hindi opinyon lamang ang mga

eH w
detalye.

o.
rs e
Tumpak ba at sapat ang mga impormasyong inilalahad sa kwento upang maging
ou urc
kapanipaniwala ito sa mambabasa?

Hindi. Magiging tiyak na kapani-paniwala ito kung isinulat ng may-akda na base ito sa
o

katotohanan. Ngunit, may sapat naman na impormasyon upang makuha ng


aC s

mambabasa ang kaisipan ng akda, kahit na hindi ito tiyak. Maaari pa ring
v i y re

magtagumpay ang may-akda sa kanyang layunin sa mambabasa, ngunit magiging mas


matatag ito kung nilinawan niya kung base ito sa katotohanan o hindi.
ed d

Anu-anong pagpapahalagang moral ang nakapaloob sa akda?


ar stu

Ang magmahal sa bayan ay ang paghandang mamatay para sa bayan.

Ikaapat na Dimensyon-Aplikasyon ng mga Kaisipang nakuha sa Pagbasa (application).


sh is
Th

Pag-uugnay. Batay sa iyong sariling karanasan at pamumuhay sa bansang Pilipinas, may


kaugnayan ba ang kwentong ito sa kalagayang pulitikal ng bansa? Bakit?

Oo. Una pa lamang, binanggit ang mga tiyak na detalyeng nag-uugnay sa kalagayang
pulitikal ng bansa, gaya na lamang ng administrasyon ng Ferdinand Emmanuel Edralin
Marcos Sr, dating pangulong Fidel V. Ramos, at dating pangulong Joseph Ejercito
Estrada. Mula noon, hanggang ngayon, buhay pa rin ang nakasalalay sa paglaban
para sa bayan, at wala pa ring awa ang mga namamahala sa buhay ng mga
mamamayan. Sa katunayan, tahasan pa ngang isinaad ni pangulong Rodrigo Duterte
na wala siyang pake sa karapatang pantao. Katulad na katulad sa konteksto ng
kwentong Linlang.

This study source was downloaded by 100000832697760 from CourseHero.com on 09-23-2021 05:17:46 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86802083/FILI2-Linlangpdf/
Aplikasyon. Sa mga isyung nagaganap ngayon sa bansa, paano nakatutulong ang mga nabasa
sa akda upang masolusyunan ito?

Mailalagay sa isipan ng mga mambabasa na nangyari na itong kawalang-awa ng


namamahala sa bansa at dapat nang gumawa ng aksyon upang magkaroon ng
pagbabago. Dahil sa mga akdang tulad nito, na nagpapakita ng kalagayan na
napupunta sa mga naghihimagsik ng pagbabago dahil kaunti lamang sila, maaaring
lumakas ang loob ng mambabasa upang sumama sa kilusan, makipagtulungan sa
bayan, at mag-ambag sa malawakang rebolusyon na magpapaganda ng buhay ng
Pilipino.

Pagbabalangkas. Gumawa ng balangkas ng mga prinsipyo na nahalaw mula sa loob ng


kwento.

● Kung gusto mong ipaglaban ang iyong bansa, kailangan ay handa kang mamatay.
○ Sa digmaan, hindi personal na bagay ang kamatayan; parte lamang ito ng

m
kilusan.

er as
○ Matakot sa walang pagbabago, hindi sa kamatayan.

co
○ Kailangang magsakripisyo upang magkaroon ng malawakang pagbabago.

eH w
● Maging maalam sa mga pangyayari sa mundo, hindi lamang sa loob ng iyong bansa,

o.
at lalo na hindi lamang sa sarili mo.
rs e
○ Lahat ng nangyayari sa iyong kapaligiran ay may malawakang implikasyon sa
ou urc
mundo.

Pagsama-sama. Isa-isahin ang mga kaisipang natutunan sa binasa.


o
aC s

1. Kung gusto mong ipaglaban ang iyong bansa, kailangan ay handa kang mamatay.
v i y re

2. Kailangang magsakripisyo upang magkaroon ng malawakang pagbabago.


3. Sa digmaan, hindi personal na bagay ang kamatayan; parte lamang ito ng kilusan.
4. Hindi dapat maging kampante sa kasalukuyang estado ng bansa dahil maraming
ed d

namamatay, nakikipaglaban, at naghihirap upang magkaroon ng pagbabago.


ar stu

5. Walang pake ang mga namamahala sa buhay ng kanilang pamayanan.

Ikalimang Dimensyon­-Pagpapahalaga (appreciation).


sh is

Sa anu-anong bahagi ng akda nadama ang sumusunod na damdamin?


Th

Napukaw ang aking interes sa bahaging:

Sa umpisa pa lamang, nakaramdam na ako ng interes sa kwento dahil sa


pa-’mysterious effect’ nito sa simula na nagbigay kuryoso sa akin kung anong
operasyon ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki.

Nagalak ako nang mabasa ang bahaging:

Nang matanto ni Gina na makabayan rin pala si Gerry, at marahil ay mas may alam pa
ito kaysa sa kanya, nagalak ako para sa relasyon ni Gina at Gerry dahil naisip kong

This study source was downloaded by 100000832697760 from CourseHero.com on 09-23-2021 05:17:46 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86802083/FILI2-Linlangpdf/
‘turn on’ ito para sa dalaga dahil magkasing-ragasa pala sila ng manliligaw sa
kabayanihan.

Nakakainip basahin ang bahaging:

Wala namang nakaiinip na bahagi ang kwento sa pagkat may kaugnayan naman ang
mga detalye, kahit ang mahahabang pangungusap, sa pagbuo ng pangunahing
kaisipan ng akda. Ang mga bahagi naman na walang kaugnayan dito ay nakalilibang
naman, gaya ng paglalarawan ng opinyon ni Gina sa batang puta.

Nakakatakot basahin ang bahaging:

Nakababahala ang bahagi sa akda kung saan natanggap ni Gina ang babala mula sa
hindi-pinangalanang tao at nagsimula siyang maglakad nang mabilis upang
makatakas sa tatlong nagmamasid sa kanya habang nagpapanggap na normal.
Nakakatakot ito dahil nabigay ng may-akda ang mga mambabasa sa kalagayan na

m
baka mamatay ang bida.

er as
co
eH w
Nakakayamot basahin ang bahagi:

o.
Para sa akin, nayamot ako sa bahagi kung saan nilait ni Gina ang mga Kano. Totoo
rs e
namang may kontekto at dahilan si Gina upang maging galit sa mga Amerikano,
ou urc
ngunit hindi niya naman kinailangan maging bastos sa hanap nito sa pagsasabing
“...pati ba naman ikaw ay nagpapaloko sa mga Kano?” Kahit na maaaring hindi ito
naintindihan ni Coleman, nabastusan pa rin ako sa asal na ganito.
o
aC s

Nakaramdam ako ng pagkagalit sa bahaging:


v i y re

Nakagagalit ang bahagi ng kwento kung saan ikinikwento ni Coleman kay Gina ang
malawakang rebolusyon.
ed d
ar stu

Nakaramdam ako ng pagkasuklam sa bahaging:

Nakaramdam ako ng pagsuklam sa bandang dulo ng akda kung saan napagtanto na ni


Gina na may nakamasid sa kanya, at pamaya-maya pa ay nabalitaan na lamang na
sh is

patay na si Gina.
Th

Nakaramdam ako ng pagkalungkot sa bahaging:

Nakalulungkot ang wakas ng akda. Dalaga pa lamang si Gina at wala pang nagagawa
upang makatulong sa bayan na siyang gusto niyang gawin.

This study source was downloaded by 100000832697760 from CourseHero.com on 09-23-2021 05:17:46 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/86802083/FILI2-Linlangpdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like