You are on page 1of 9

RAMOS, Jullanna Anne N.

GEFILDIS
BS Psychology 1-A

Basahin ang maikling kwentong LINLANG at gamitin ang limang dimension sa pagbasa upang
masuri ito.

Unang Dimensyion- Pag-unawang Literal.

Ang Pagkilala (recognizing)


Itala ang mga mahahalagang detalyeng nakapaloob sa akda .
➔ Si Gina ay nanonood ng balita ukol sa pambobombang naganap sa kalakhan ng Maynila.
Naalala niya na maaaring sangkot pala ang dalawang lalaking bumili sa kaniya ng prutas
ayon sa narinig niya sa usapan nila.
➔ Dahil sa pagiging makabayan ni Gina, bumagabag sa kaniyang isipan ang mga pangyayari
na kaniya namang binanggit sa kaklase niyang si Gerry. Duda siya na kaya itong gawin ng
kilusang kinabibilangan niya.
➔ Kinausap ni Gina si Mang Pedring upang maliwanagan. Ayon kay Mang Pedring, ang
pambobomba ay hudyat ng rebolusyong magaganap sa bansa.
➔ Pinakilala ni Gerry ang kano na si Coleman kay Gina na nagpaliwanag sa kaniya tungkol
sa mga organisasyon na kumokontrol sa mga nangyayari sa daigdig. Ilan sa mga ito ay
ang Komite ng 300 kung saan sangkot ang kilusang kinabibilangan ni Gina, Royal Institute
for International Affairs at Right Wing Parties.
➔ Hinikayat ni Gerry si Gina na sumanib sa kanilang kilusan
➔ Nagkaroon nga ng malaking pagbabago sa bansa na tumugma sa hula ni Coleman
➔ Nagtakdang magkita sina Gina at Gerry isang gabi sa isang parke. Dalawang oras ang
nakalipas ngunit hindi sumipot si Gerry. Nakatanggap ng sulat si Gina na inabot ng isang
bata at ito ay naglalaman ng isang babala
➔ Binalita kinabukasan na isang babae and natagpuang patay sa tamabakan ng basura sa
Quezon City.

Itala ang pangunahing kaisipan ng akda


Ang akda ay tungkol sa pagiging isang mamamayan na may malasakit sa bansa at
ang mga panganib na dala habang ipinaglalaban ito.

Itala ang mga paghahambing o pagtutulad (comparison ) na nakapaloob sa akda.


➔ Si Gina ay aktibo sa pag-alam ng mga pangyayari sa bansa samantalang si Gerry ay tila
walang interes sa mga ganoong usapin
➔ Katulad sa nobelang El Filibusterismo, ang pagsabog ng lampara na may bomba ay
hudyat ng rebolusyon na katulad ng pambobomba sa kalakhang Maynila ay maraming
buhay ang nasawi
➔ Maihahambing din sa nobela na ang mga katauhang pumapanig sa tama ay kadalasang
hinahabol ng panganib o di kaya’y nasasawi ang buhay
Itala ang mga nagpapakita ng sanhi at bunga (cause and effect) sa loob ng akda.
➔ Si Gina ay miyembro ng isang kilusan kung saan kasama rin ang mga sangkot sa
pambobomba kaya hindi niya ito masiwalat sa mga pulis
➔ Naglapag ng mga impormasyon at dokumento si Coleman kung kaya nagbago ang
pananaw ni Gina sa mga dati niyang pinaniniwalaan pati narin ang paningin niya kay
Gerry bilang mamamayan
➔ Ang kilusang kinabibilangan ni Gina ay galamay ng Komite ng 300 na isa sa mga grupong
kumokontrol sa daigdig at sila din ang nasa likod ng pambobombang naganap
➔ Sa pagsanib ni Gina sa grupo nila Gerry, ito ay naging dahilan ng kaniyang pagkamatay

Ibigay ang mga katangian ng mga tauhan


● Gina - Siya 21 taong gulang na babae, morena, at may tinatanging kagandahan.
Siya ay nagtitinda ng prutas kasabay ng pag-aaral sa isang state university. Isang
mamamayang may malasakit sa kapakanan ng bayan at handang isakripisyo ang
sariling buhay para dito.
● Gerry - Siya ay kaklase at kaibigan ni Gina. Sa umpisa ay tila ba walang pakialam
sa kalagayan ng bansa ngunit lihim palang miyembro ng kilusan para sa
pagbabago nito.
● Mang Teryo - tumayong ama ni Gerry
● Mang Pedring - Siya ang nagyaya kay Gina na sumanib sa kanilang kilusan. Alam
niya ang tungkol sa rebolusyong mangyayari sa bansa
● Coleman - Siya ay ang Amerikanong kilala ni Gerry na nagbigay impormasyon kay
Gina tungkol sa mga organisasyong kumokontrol sa daigdig
● Aling Matring - pinagkukunan ni Gina ng prutas

Paggunita ( recalling). Sa sariling pangungusap , ilahad ang mga sinasbi sa loob ng teksto:
Pangunahing Kaisipan (main idea).
Ang pagiging makabayan at pagtatanggol sa bansa ay may kalakip na panganib na
maaari ring maging kapalit ng iyong buhay.
Pagkakasunod-sunod ng pangyayari (sequence).
1. Napanood ni Gina ang balita tungkol sa naganap na pambobomba sa Maynila at naalala
niya ang usapan ng dalawang lalaking bumili sa kaniya ng prutas
2. Napagtanto niya na ang mga lalaki ang salarin sa pambobomba na mga miyembro rin ng
kilusang kaniyang kinabibilangan
3. Sa pagbisita ni Gerry, sinabi ni Gina ang nilalaman ng kaniyang isipan ukol sa mga
pangyayari
4. Pumunta sila kay Mang Pedring upang humingi ng paliwanag
5. Sinabi ni Mang Pedring na ang mga kaganapan ay senyales na magkakaroon ng
rebolusyon
6. Ipinakilala ni Gerry si Coleman kay Gina na siyang nagpaliwanag sa kaniya tungkol sa
kasaysayang hindi nilalahad ng midya at mga organisasyong sangkot sa pagkontrol ng
mundo
7. Hinikayat ni Gerry na sumanib si Gina sa kanila
8. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa bansa ayon sa mga hula ni Coleman
9. Nagtakdang magkita sina Gina at Gerry isang gabi sa isang parke ngunit hindi sumipot si
Gerry
10. Nakatanggap ng sulat si Gina na inabot ng isang bata at may nilalamang babala
11. Kinabukasan, ibinalita na natagpuang patay ang isang babae
Paghahambing (comparisons )
➔ Si Gina ay lubos na makabayan habang si Gerry naman ay tila ba walang pakialam dito
ngunit palihim palang nagmamalasakit
➔ Si Gina at Gerry ay parehong miyembro ng mga kilusang lumalaban para sa pagbabago
ng bayan
➔ Halintulad sa nobelang El Filibusterismo, maraming buhay ang nasawi sa pagpapasabog
ng lampara at sa pambobomba sa Maynila
➔ Sa totoong buhay man o sa mga nobela, ang mga taong lumalaban para sa katarungan at
pumapanig sa tama ay kadalasang nasa panganib ang mga buhay
Pagkakaugnay ng Sanhi at Bunga (cause and effect).
➔ Narinig ni Gina ang pag-uusap ng dalwang lalaki na bumili sa kaniya ng prutas kaya naisip
niyang maaaring sila rin ang may salarin ng pambobombang naganap
➔ Si Gina ay miyembro ng kilusan kung saan kasama rin ang dalawang lalaking nambomba
kaya hindi niya ito maisiwalat sa mga pulis
➔ Pumunta sina Gina at Gerry kay Mang Pedring upang maliwanagan tungkol sa mga
pangyayari
➔ Pinakilala ni Gerry si Coleman kay Gina ngunit hindi niya ito pinagkatiwalaan noong una
sapagkat ito ay isang Amerikano
➔ Nagbigay ng impormasyon si Coleman kay Gina ukol sa mga organisasyong may
kinalaman sa pagkontrol ng daigdig na siya namang naging dahilan ng pagbabago ng
pananaw ni Gina
➔ Nagbago ang pananaw ni Gina sa mga kaganapan at pati narin kay Gerry kaya siya ay
umanib sa kanilang kilusan
➔ Sa pagsali ni Gina sa kilusan nila Gerry, ang mga buhay nila ay nasa panganib
➔ Dahil sila Gina at Gerry ay kasama sa kabilang kilusan, at hindi pag-iingat sa planong
magkita, nasawi ang kanilang mga buhay
Katangian ng tauhan (character traits).
● Gina - masipag, may prinsipyo sa buhay, at makabayang mag-aaral na miyembro ng isang
kilusang magdadala ng pagbabago sa bansa
● Gerry - isang tapat na kaibigan ni Gina na hangarin din ang ikabubuti ng bayan at mga
mamamayan nito
● Mang Teryo - tumayong tatay ni Gerry
● Mang Pedring - ipinaliwanag niya kay Gina ang mga nalalaman nito tungkol sa mga
rebolusyon at kung paano ito magdudulot ng pagbabago sa bansa
● Aling Matring - pinagkukunan ng prutas ni Gina
● Coleman - isang Amerikano na maraming alam na impormasyon tungkol tunay na takbo
ng gobyerno at mga kilusan.

Pagbubuo ng Kaisipan (Reorganization). Pumili ng isa sa mga sumusunod mailahad nang malina
na isinasaad ng teksto. Pagbubukud-bukod ayos sa kategorya (classifying); (Pagbabalangkas)
(outlining); Paglalagom ( summarizing ); at pagsasama-sama (synthesizing).

Paglalagom
Si Gina ay isang 21 taong gulang na kolehiyong nag-aaral sa isang State University at
nagtitinda ng prutas sa libreng oras. Siya ay nanonood ng balita sa telebisyon ukol sa
pambobombang naganap sa mga parte ng kalakhang Maynila. Dahil dito, naalala niya ang
narinig niyang usapan ng dalawang lalaki na bumili sa kaniya ng prutas na sila ring kasapi ng
kilusang kinabibilangan ni Gina. Hinala niya na maaaring sila ang mga sangkot sa naganap na
pambobomba. Sapagkat siya ay makabayan, ito ay bumabagabag sa kaniyang isipan na kaniya
naman binanggit sa kaklase at kaibigan niyang si Gerry na tila ba walang interes sa mga usaping
iyon. Hindi siya makapaniwalang kaya itong gawin ng kilusang kinabibilangan niya. Dinayo nila si
Mang Pedring upang humingi ng paliwanag. Ayon kay Mang Pedring, ang pambobomba ay
hudyat ng isang rebolusyong magdadala ng pagbabago sa bansa. Inihalintulad niya ito sa
nobelang El Filibusterismo kung saan ang pagpapasabog ng bombang nakatago sa lampara ay
siya ring hudyat ng rebolusyon. Matapos ay pinakilala ni Gerry si Coleman, isang Amerikano, kay
Gina. Noong una ay hindi ito pinagkatiwalaan ni Gina sapagkat galit siya sa mga kano. Matapos
magpahayag ng mga impormasyon ni Coleman ukol sa kasaysayan na hindi binabalita ng midya
at mga grupong may kinalaman sa pagkontrol ng daigdig gaya ng Royal Institute for International
Affairs, Right Wing Parties, at Komite ng 300, kung saan sangkot pala ang kinabibilangang
kilusan ni Gina, nagbago ang pananaw niya tungkol sa mga pangyayari at pati narin kay Gerry.
Pagkalipas ng ilang panahon nagkaroon ng malaking pagbabago sa bansa at nagkatotoo ang
mga hula ni Coleman. Muling nagbalak magkita sina Gina at Gerry isang gabi sa isang parke
ngunit hindi sumipot si Gerry. May batang nag-abot ng sulat kay Gina na hindi alam kung sino
ang nagpadala. Ito ay naglalaman ng babala at nagsasabing umalis na siya sa kaniyang
kinaroroonan dahil si Gerry ay nadakip na. Maingat siyang nagmasid at naglakad ng mabilis.
Kinabukasan, ibinalita sa telebisyon na isang babae ang natagpuang patay sa tambakan ng
basura sa Quezon City.

Ikalawang Dimensyon – Interpretasyon. Isulat ang hinihingi ng sumusunod:

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod:


Linlang- Ito ay tumutukoy sa panloloko upang makamit ang isang makasariling layunin o di
kaya’y pagtakpan ang kung ano mang binabalak o ginawang masama
Rally- Ito ay ang pagpupulong-pulong ng mga taong may iisang paniniwala, hinaing, at
pinaglalaban
Makabayan-Ito ay pagpapahiwatig ng pagmamahal sa sariling bansa
Kilusan- Ito ay isang grupo o organisasyong binubuo ng mga miyembrong may pare-parehas na
pinaglalaban
Rebulusyon- Tumutukoy sa pag-aalsa o pag-kontra sa kasalukyang pangyayari at paraan ng
pamamahala sa bansa
Impeachment- Ito ay isang proseso ng pag-aakusa ng isang opisyal ng gobyerno ng katiwalian
Tuta ng Kano- Pagiging sunud-sunuran sa mga Amerikano
Globalisasyon- Ito ay proseso ng pagdaloy ng mga tao, produkto, at impormasyon sa buong
daigdig
Ideolohiya- Tumutukoy sa sistema ng mga kaisipan na sinusunod ng mga mamamayan
Komite- Samahan ng mga tao na nakatakda para sa partikular na gawain

Ano ang nais ipakahulugan ng may- akda sa pagsulat ng maikling kwento?


Ang pagsali sa mga kilusang may kinalaman sa pagkakaroon ng rebolusyon ay sadiyang
mapanganib lalo na kung ito ay laban sa gobyernong malakas ang kapit sa kapangyarihan.
Kaakibat ng paglalaban sa katarungan at kawastuhan ay ang sariling buhay ng isang indibidwal.

Magbigay ng opinion at palagay ayon sa mga kaisipan at impormasyon nais ilahad ng akda.
Nakakadismayang isipin ang mga katiwalian at panlilinlang na nangyayari sa bansa. Nais
ko ring makatulong sa pagpuksa ng mga kamaliang ito ngunit nakakatakot din lalo na’t kapag
maraming ka nang nalalaman tungkol sa tunay na takbo ng mundo. Sadiyang hindi
makatarungan ang pagpapatahimik sa mga taong nagsabi ng katotohanan at sumapi sa tama.

Paghinuha o (inferring). Patunayan o pasubalian ang mga detalyeng isinasaad ng kwento. May
katotohanan ba ito ? Pngatiranan.
Ang mga detalye gaya ng mga tauhan at mga usapang binanggit sa kwento ay
kathang-isip lamang ng may-akda, ngunit ang takbo ng kwento ay maaaring hango sa realidad.
Katulad na lamang ng kahirapang nararanasan ng mga tauhan kung kaya’t wala silang ibang
magagawa kung hindi magsumikap kumita at dumiskarte. Pati narin ang suliranin sa ating
gobyerno gaya ng katiwalian. Ang mga ito ay tunay na nangyayari sa ating bansa at nararanasan
ng ating mga kababayan.

Pagkuha ng Pangunahing Kaisipan o (Main Ideas).Ano ang aral ng kento ng hindi malinaw na
naipahayag sa akda.
Ang aking napansin sa akda ay pinahiwatig nito ang hindi makatarungang paggamit ng
kapangyarihan. Ang tanging mayroon nito ay ang mga mayayaman at may kapit sa mga opisyal
na nakaupo sa posisyon. Kung ikaw ay walang koneksiyon sa mga ito, halos mawalan ka na ng
karapatang mamuhay ng maayos sa sarili mong bansa. Ginagamit lamang ng mga taong iyon ang
kapangyarihan para sa kanilang kasakiman kung kaya’t takot din silang masiwalat ang
katotohanan dahil maaaring mawala sa kanila ang lahat kung ito man ay mabubunyag. Upang
ito ay protektahan, ang mga taong alam ang katotohanan ay kanilang pinatatahimik
(pinapapatay). Ito ay matatawag na panlilinlang.

Pagsusunod-sunod o (Sequencing). Ano ang maaaring sumunod na mangyayari batay sa


pagwakas ng kwento? Gumawa ng sariling akas?
Sa aking palagay, matapos ang balita tungkol sa pagkamatay ni Gina, hindi pa siya ang
huling mapapaslang. Maaaring hanapin din ang iba pang miyembro ng kanilang kilusan at sila ay
patahimikin din. Sa tingin ko rin ay matagal pa bago masolusyonan ang problema sa bansa sa
dami ng mga taong sakim at patuloy na inaabuso ang kanilang kapangyarihan.

Katangian ng Tauhan o (character traits). Ibigay ang katangian ng sumsusunod na tauhan.


● Gina - masipag, may prinsipyo sa buhay, at makabayang mag-aaral na miyembro ng isang
kilusang magdadala ng pagbabago sa bansa
● Gerry - isang tapat na kaibigan ni Gina na hangarin din ang ikabubuti ng bayan at mga
mamamayan nito
● Mang Teryo - tumayong tatay ni Gerry
● Mang Pedring - ipinaliwanag niya kay Gina ang mga nalalaman nito tungkol sa mga
rebolusyon at kung paano ito magdudulot ng pagbabago sa bansa
● Aling Matring - pinagkukunan ng prutas ni Gina
● Coleman - isang Amerikano na maraming alam na impormasyon tungkol tunay na takbo
ng gobyerno at mga kilusan.
Ikatlong Dimensyon- Mapanuring Pagbasa ( Critical Reading ).

Pagpapasya. Hatulan ang akda batay sa sumusunod:

Ito ba ay tunay na pangyayari ? Magbigay ng patunay.


Ang inspirasyon sa pagsulat ng akda ay maaaring hango sa mga tunay na nangyayari sa
bansang Pilipinas. Mapapansin na ipinakita rito ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipinong
kumakayod para sa pang-araw-araw nilang gastusin pati narin ang mga krimen na posibleng
mangyari sa ating bansa dulot ng kahirapan.

Ito ba ay pantasya lamang? Magbigay ng patunay .


Ang mga tauhan, usapan, at mga pangyayari ay kathang-isip lamang ng may-akda.
Maaaring hango ito sa realidad ngunit imposibleng narinig mismo ng may-akda ang mga
usapang naganap sa pagitan ng mga tauhan at ang kanilang mga kapalaran.

Ang mga detalye ba ay opinion lamang ?


Ang mga detalye ay may pinagkuhanang inspirasyon katulad ng kasaysayan ng ating
bansa, kasalukuyan at mga posibleng mangyari dito. May pinag-batayan ang mga ito kaya hindi
ito basta-basta opinyon lamang.

Tumpak ba at sapat nag mga impormasyong inilalahad saa kwento upang maging
kapani-paniwala ito sa mambabasa?
Walang katiyakan na naganap sa totoong buhay ang mga pangyayari sa kwento at
walang sapat na ebidensyang inilahad ang may-akda upang patunayan ang mga ito.

Anu-anong pagpapahalagang moral ang nakapaloob sa akda ?


➔ Ang pagmamahal sa bayan ay may kaakibat ng pagsasakripisyo maging ang sariling
buhay.
➔ Maging kritikal sa pag-alam ng katotohanan
➔ Maging maingat sa mga desisyon sa buhay at maging handa sa kung ano mang magiging
bunga nito
Ikaapat na Dimensyon-Aplikasyon ng mga Kaisipang nakuha sa Pagbasa (Application). .

Pag-uugnay. Batay sa iyong sariling karanasan at pamumuhay sa bansang Pilipinas , may


kaugnayan ba ang kwentong ito sa kalagayang political ng bansa? Bakit?
Mayroong kaugnayan ang kwento sa kalagayang politikal ng bansa. Mura man ang aking
edad, batid ko ito dahil sa pag-aaral ng ating kasaysayan at pag-alam sa mga kasalukuyang isyu
sa bansa. Nitong nagdaang Eleksyon 2022, laganap ang isyu sa pagtutunggali ng mga
mamboboto ukol sa kanilang mga pinapanigang kandidato. Marami pa rin sa atin nalilinlang ng
mga pangakong iniiwan ng mga tumatakbong opisyal ngunit madalas naman ay napapako.
Madalas din malimutan ng mga tao ang kasaysayan kung kaya’t mauulit ang mga hindi
magandang pangyayari noong unang panahon. Problema rin natin ang tunay na halaga ng
pagkakaisa sapagkat may mga tao paring hindi marunong umintindi ng kalagayan ng iba at
walang pakialam basta sila ay makakalamang.

Aplikasyon. Sa mga isyung nagaganap ngayon sa bansa, paano makatutulong ang mga nabasa sa
akda upang masolusyunan ito?
Ang akda ay makapagbubukas ng isipan ng mga makakabasa nito dahil ipinapahayag nito
ang hindi makatarungang karanasan ng mga mamamayang ipinaglalaban ang sarili nilang bansa.
Sila ay inaagrabiyado at nilalamangan ng kapwa nila Pilipino. Tinuturo ng akda na may mali sa
ating pamahalaan na dapat itama na siya namang pinipigilang mangyari ng mga
makakapangyarihang tao.

Pagbabalangkas. Gumawa ng balangkas ng mga prinsipyo na nahalaw mula sa loob ng kwento.


➔ Mahalaga ang pagkakaroon ng pagmamahal sa bayang sinilangan
➔ Magkaroon ng kamalayan sa mga tunay na nagaganap sa sariling bansa
➔ Kahit mahirap, ipaglaban ang tama
➔ Matutong tukuyin kung ano ang katotohanan at ano ang panlilinlang lamang
➔ Maging handa sa magiging bunga ng iyong mga desisyon sa buhay

Pagsamasam-sama. Isa –isahin ang mga kaisipang natutunan sa binasa.


➔ “Ang mga maiingay ay pinapatahimik” - Ang mga taong maaaring magsiwalat ng
katotohanan at ipinaglalaban ang katarungan ay pinapapaslang ng makakapangyarihang
tao upang pagtakpan ang kanilang katiwalian
➔ Ang kahirapan sa ating bansa ay isa lamang sa maraming indikasyon ng maling
pamamahala sa atin
➔ Maraming kabataan ang nauuwi sa maling landas bunga ng kahirapan

Ikalimang Dimensyon- Pagpapahalaga ( Appreciation).


Sa anu-anong bahagi ng akda nadama ang sumusunod na damdamin?

Napukaw ang aking interes sa bahaging:


Napukaw ang aking interes sa bahaging isiniwalat ni Coleman kay Gina ang mga
impormasyong hindi binabalita ng midya at ang mga grupong may kinalaman sa pagkontrol ng
mga mangyayari sa daigdig. Napaisip ako kung totoo ba talaga ang mga ito.
Nagalak ako nang mabasa ang bahaging:
Malaman ni Gina na ang kaibigan niyang si Gerry ay may pakialam din sa mga nangyayari
sa bansa na tila ba noong una ay walang interes dito.

Nakakinip basahin ang bahaging:


Bahagyang nakakainip ang bahagi kung saan kinukwento ni Gina kay Gerry ang kaniyang
nasa isipan ukol sa pambobombang nangyari at tila ba si Gerry ay walang pakialam dito.

Nakakatakot basahin ang bahaging :


Hindi sumipot si Gerry sa tagpuan nila ni Gina na siya namang nakatanggap ng sulat
mula sa hindi kilalang tao na naglalaman ng pahayag na siya ay dapat ng umalis sa kaniyang
kinaroroonan. At ang panghuling bahagi kung saan ipinahiwatig na si Gina ay natagpuang patay
kinabukasan.

Nakakayamot basahin ang bahagi:


Ang bahagi kung saan hindi maisiwalat sa pulis ni Gina ang mga may salarin sa
pambobomba dahil sila ay kasapi ng kilusang kaniyang kinabibilangan. Kahit na duda siya sa
kanilang ginawa at alam niyang ito ay mali, wala siyang nagawa dahil sa takot.

Nakaramdam ako ng pagkagalit sa bahaging:


Ang bahagi kung saan napagtanto ko na ang dalawang lalaking nag-uusap sa umpisa ng
kwento ay ang mga salarin sa pambobomba. Nakakagalit isipin na sila ay masaya pa sa kanilang
ginawa kung saan maraming inosenteng tao ang nadamay.

Nakaramdam ako ng pagkasuklam sa bahaging:


Ang huling bahagi ng kwento kung saan sila Gina at Gerry ay nasawi dahil sila ay kasapi
ng kilusang nakakaalam ng katotohanan. Ito ay sadiyang hindi makatarungan.

Nakaramdam ako ng pagkalungkot sa bahaging:


Ang bahagi kung saan nalungkot si Gerry na maraming buhay ang nasawi kung kailan
malapit na ang kapaskuhan.

You might also like