You are on page 1of 11

Fi l i b u st e r i sm o

El
Jose R i z a l

GROUP 1
Bakit isinulat ni Dr. Jose Rizal ang El
Filibusterismo?
Isinulat ni Rizal ang El Filibusterismo para ibunyag ang maling paghatol sa tatlong paring
GOMBURZA (Gomez, Burgos at Zamora)
Mga kapwa Filipino na pinagbintangan at ginawan ng moro morong paglilitis ng mga kastila.
Isinulat ni Jose Rizal ang librong El Filibusterismo upang buksan ang mga mata ng mga Pilipino sa mga
katiwalian ng Kastila. Isinulat ng ating bayani na si Dr. Jose P. Rizal ang nobelang El Filibusterismo
upang imulat ang mata ng mga Pilipino sa katiwalian na ginagawa ng Pamahalaang Español. At upang
ipakita sa atin ang mga kalupitang ginawa ng mga espanyol at upang iparating kung gaano katamad ang
mga Filipino, ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa. Maiulat ang
kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga paniniwala, pag-asa, mithiin o adhikain, karaingan at
ayon sa liham ni Dr. Jose Rizal kay Dr. Ferdinand Blumentritt, ang mga layunin nya ay ang matugon ang
paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa.
Buod
Ang Fili ay nagsisismula sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna.
Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas at nagbabalatkayong si Simoun na dili iba't si
Ibarra, ang makatang si Isagani, at si Basilio. Itong huli, na ngayo'y binata na. Labintatlong
taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagkakataon ay nakatagpo ni


Simoun sa pagdalaw niya sa pinagbaunan sa kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra.
Nkilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; at upang ang ganitong lihim ay
huwag mabunyag, ay tinangka ni Simoun na patayi si Basilio. Datapwa't nakapaghunos-dli siya
at sa halip ay hinikayat ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang
Kastila sa Pilipinas. Si Basilio ay tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang kanyang pag-
aaral.
s a L o s B a n o s ,
y n a g lil i w a li w
t a n H e n e r e a l a i n g a n
g K a p i n g k a h il
H a b an g a n p in o a y na g h a i n n g i s a
d y a n te n g P il i g A k a d e m y a
a n g m g a e s tu ta t a g n g is a n
a n u p a n g m a g o n
K a m a h a l a g t ib a y , a y
sa K a n y a n g k a h i l in g a n g it o a y d i n a p
K a s til a . A n g - a la m a n g a n g
n g W i k a n g p a g k a ' t n a p a g
s tu d y a n te , s a a n n g
m g a e e ( s a m a h
sa nais ng m y a n g i to a y m g a p r a y l
h a l a s a a k a d e s t u d y a n te a y
m a m a m a n i a n g m g a e
s a m a n t a la n g ' y d i
n a m p a l a ta y a ) , g a y o n , s i la
pa n a a m a n g . S a
a p a n g i la k l n u p a m a n g
a g ig in g t a g a n g y a r i s a a
m a ta n g m a k a p
n n g k a r a p
m ag k ak a r o o k a d e m y a .
n g n a s a b in g a
pamalakad
Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang
binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na
sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi
naibunsod ang ganitong Gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.

Ang ga estudyante naman, upang mapapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa
kabiguang natamo sa panukalang pagtatatag ng akademya ng Wikang Kastila, ay nagdaos ng
isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habnag
sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman
ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto
ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at
paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan
ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na
ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay may mga
kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-
sala, kaya't sila'y nakalaya, maliban kay Basilio na
walang makapamagitan ng kanyang karukhaan at
pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Sa isang dako naman ay
ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya
upang mapalaya si Basilio nguni't sa halip na
makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan
ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa
durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay
Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal
nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din
niya upang dumalo sa piging na idaraos upang ipagdiwang ang kasal, ang mga may matatas na
katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad
siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik na nauumang. Sinamantala ni Simoun ang
ganitong pagkakataon upang ipakita si binata ang bombing kanyang niyari. Ito ay isang lampara na may
hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga
ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong
kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na
liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang
paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay
nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga
naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging
hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.
MGA TAUHAN
• Simoun - ang mayamang mag-aalahas, • Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na
na nakasalaming may kulay, na nabaril ng kanyang sariling apo.
umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral • Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga
ngunit siya ay si Juan Crisostomo prayle sa mga suliraning legal.
• Ben Zayb - ang mamamahayag sa
Ibarra na nagbalik upang maghiganti
pahayagan.
sa kanyang mga kaaway.
• Placido Penitente - ang mag-aaral na
• Isagani - ang makatang kasintahan ni
nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng
Paulita, pamangkin ni Padre
suliraning pampaaralan.
Florentino. • Padre Camorra - ang mukhang artilyerong
• Basilio - ang mag-aaral ng medisina at pari.
kasintahan ni Juli. • Padre Fernandez - ang paring
• Kabesang Tales - ang naghahangad ng Dominikong may malayang paninindigan.
karapatan sa pagmamay-ari ng lupang • Padre Salvi - ang paring Franciscanong
sinasaka na inaangkin ng mga prayle. dating kura ng bayan ng San Diego.
• Padre Florentino - ang amain ni Isagani
• Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta
• Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila
• Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga
propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
• Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na
nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang
Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
• Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa
ipinaglalaban ng mga mag-aaral
• Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit
isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
• Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay
Juanito Pelaez.
• Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng
konsulado sa Pilipinas.
• Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
• Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong
kay Padre Camorra.
• Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na
pinaglilingkuran ni Juli.
• Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal
sa perya.
• Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
• Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan
daw ni Don Custodio.
• Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang
mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
• Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
• Gertrude - mang-aawit sa palabas.
• Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
• Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.
Ma r a m i n g
Sala m a t

You might also like