You are on page 1of 7

Daisy ni Christaneth Teberio

Sa ilalim ng punong Mangga nasilayan niya ang isang babae na nakayuko at tila umiiyak. Mahal, anong ginagawa mo dyan? At bakit ka umiiyak? nabulaslas ang babae nang marinig ang boses na isang lalake. Huh? Anong mahal mahal ang pinagsasabi mo dyan?! Eh hindi nga kita kilala, kahit yata isa sa mga buhok mo hindi ko pa nakita! galit na sabi ni Shaine Lyrel sa lalake dahil mukhang may prinoproblema ito. Ano bang ikinagagalit mo mahal? muli niyang binaggit ang mahal. Huwag mo nga akong tawaging mahal! Hindi kita kilala at isa pa umalis ka na! batrip naman oh mukhang pikon na pikon na ito. Okey mahal aalis na ako, mahal kita at mag-iingat ka sabi ng lalake sabay takbo baka kasi ano pang magawa sa kanya ni Shaine.

PAGKALIPAS NG TATLONG TAON . . . Ano ba naman yan? Galingan mo namang umarte, dapat mala-Angel Locsin o Toni Gonzaga okey? 3 2 1 Lights camera action! pagdidirekta ng isang naging magaling na direktor na si Shaine Lyrel Rodriguez. Pagkatapos ng shooting ay umuwi na kaagad si Shaine sa kanilang Hacienda sa Batangas, Oh anak tamang-tama lang pala ang pagdating mo, halinat kumain ka na. Pasabayin mo nalang yung driver mo at mukhang pagod na pagod kayo. Mula sa mayamangpamilya si Shaine at kaisa-isa siyang anak ni Donya Lorraine at Don Mariano Rodriguez na nasa America sa kadahilanang may inaasikasong importante. Ayaw nilang mawala ang kaisa-isa nilang anak kaya alagang-alaga ito nila kahut na malaki na. May sarili pa itong driver at gwardya dahil natatakot silang maulit muli ang nangyari kay Shaine noon. Ma, kelan po ba uuwi si Papa? napatanong si Shaine. Baka sa susunod na linggo pa anak, bat mo naman naitanong? Ahh wala lang po Ma, namimiss ko na kasi sya, pag-uusap ng mag-ina habang kumakain. Pagkatapos nilang kumain ay lumabas si Shaine sa kanilang bahay at naglibot-libot na tila namamasyal sa kanilang Hacienda. Sa di kalayuan ay nakikita niya ang isang lalaking naglalakad at parang inaaliw ang sarili sa mga bulaklak, natuwa siya rito pero umalis siya kaagad dahil marami pang trabaho ang nag-aantay.

Kapag umaalis ng bahay si Shaine ay lagi niyang nadadaanan ang isang bahay na katabi lamang ng kanilang Hacienda, malaki ito at luma na. Mukhang wala ng nakatira dito pero labis niyang ipinagtataka kung bakit may nakatanim na Daisy sa paligid nito, lagi siyang napapanagiti nito dahil ang Daisy ang paborito niyang bulalaklak lalo na ang kulay puti. Gusto niya mang ipahinto ang sasakyan at kumuha ng isang piraso man lang ay hindi niya magawa dahil nagmamadali na siya. Nadatnan niya ang isang janitor na mag-isa at nakayukong naglilinis sa studio. Ako pa lang ba ang dumating? tanong niya sa janitor. Opo maam, at mamaya pa po sila darating dahil pinatawag po sila ng manager sagot nito habang nagpupunas sa sahig. Ahh ganun ba, salamat. Paglingon niya ay may nakita siyang isang palumpon ng mga puting Daisy at labis niyang ikinatuwa ng makita niyang para sa kanya ang mag bulaklak. . . .

Maam heto na po ang order niyo, sabi ng waiter dahil nasa restaurant sila. Naku friend, sino kayang nagbigay sayo niyan? Ang ganda-ganda at ang bango-bango pa, ani ng Doktorang si Carmen. Si Carmen ang naging nurse ni Shaine nang magkalagnat siya noon at naging matalik niyang kaibigan hanggang sa nagging doktor ito. Oo nga no, kanino kaya to? Friend baka naman manliligaw mo yan, grab the upportunity na! kelan ka nga ba magkakaboy-friend? Eh may trabaho ka na naman asawa nalang ang kulang. Nakakagawa ka nga ng teleserye pero sa sarili mong buhay wala, anu ba yan. Nagtawanan silang dalawa. OA mo naman, kusa nalang yan darating kaya maghintay nalang tayo, sabi niya. Oh sige Friend mauna na ako, marami kasing pasyinteng naghihintay, paalam ni Carmen. Oh sige salamat at simahan mo ako. Nang umalis ang kaibigan ay nalita niya ang isang putting Daisy na nakaipit sa inorder nila, nagulat siya kaya hinanap niya agad ang waiter pero sa kasamaang palad hinda na niya ito nasilayan pa. Ano kayang problema na mga tao nagyon at nagbibigay sila ng puting Daisy? Araw ba ng mga Patay ngayon? Hindi naman ako patay o talaga bang masyado na nga akong maganda? Ang sweet naman nila, patawang sabi niya sa sarili habang palabas ng restaurant. Dumiretso siya pauwi ng bahay at pumunta sa kwarto, kumuha siya ng mamahaling plorera at inisa-isang binilang ang mag bulaklak habang inilalagay sa plorera, isa .. dalawa .. tatlo .. apat .. lima .. anim

.. pito .. walo .. siyam .. sampo .. labing-isa .. labing-dalawa .. labing-tatlo .. labing-apat .. labing-lima .. labing-anim, kinuha niya ang isa pang Daisy na nakuha niya sa restaurant at inilagay labing-pito! Ang saya saya naman nito, ang gaganda ng bulalak tulad ng lagi kong nadadaanan sa lumang bahay na nasa tabi namin, sino kaya ang napakabuting tao ang nagbigay ng napakabangong mga bulalak na ito? Pero teka lang, mukhang pamilyar sa akin ang labing-pito. Biglang may naalala siya pero hindi niya lubos maklaro. Pabayaan na nga lang, matutulog nalang ako sabi sa sarili. Bawat sabado ay lagi siyang nakakatanggap ng labing-pitong puting Daisy at labis niya itong ipinagtataka. Palagi nila itong nagiging topiko ni Carmen kapag nag-uuusap sila.

SINO KAYA ANG NAGBIBIGAY NG MGA BULALAK KAY SHAINE?

Anak, mukhang may manliligaw ka na ah, patawang sabi ng kanyang ina nang makitang may dala-dalang bulaklak si Shaine. Mama naman, hindi ko nga kilala kung sino an nagbibigay sakin nito at ewan ko ba kung bakit labing-pito at laging sabado niya ibininbigay ito sa akin sagot agad nito sa magulang. Nagulat ang ina sa narinig niya, simula ngayon hindi ka na tatanggap ng mga iyan! galit na sabi ng ina. Pero Ma, bakit naman po? Wala ng pero pero itapon mo na yan maliwanag ba?! galit na sabi ng ina. opo Ma. Iniisip niya kung bakit nagalit ang kanyang ina, pero pagsapit ng umaga humingi naman agad ito ng tawad sa kanya kaya hindi na niya muling inisip pa ang mga mga nangyari sa nagdaang gabi. . . . Biyernes ng umaga, dumating na si Don Mariano galing America sa mismong Hacienda nila. Masayang-masaya ang pamilya kaya nag-imbita sila ng mga kamag-anak at mga malalapit na kaibigan para sa isang malaking salo-salo pagsapit ng gabi. Hindi na nakisalo si Shaine sa gabing iyon at natulog nalang ng maaga dahil inaabangan niya ang pagsapit ng umaga, araw ng Sabado. Gusto niya kasing malaman kung sino ang nagbibigay sa kanya ng labingpitong Daisy.

Umaga na! makikita ko na siya! sigaw niya pagkagising. Lumabas siya kaagad ng bahay at dumiretso sa studio. Eksayted na siya at pagdating niya sa studio ay wala siyang nadatnang mga bulalak. Nanghihinayang siyang lumabas sa pinto nang aksidenteng nabangga niya ang lalaking may dala-dalang bulaklak na Daisy. Ikinagulat niya ng makita niya ang mukha ng lalake at mukhang gulat na gulat rin ito sa mga pangyayari. Gwapong-gwapo ito sa kanya pero natigilan siya nang mamukhaan niya ang lalake. Naalala mo na ba abo Shaine? tanong ng lalake. Teka lang, ikaw yung lalaking tumawag sakin ng mahal nung nasa ilalim ako ng puno. Ewan ko sayo, mag-isa ka dyan at itapon mo nalang ang mga bulaklak mo! Hindi ko yan kelangan. Oo ako ang lalaking yun pero teka lang Shaine, mahal kita at pakiusap pkinggan mo muna ako. Hindi mo na ba talaga ako naaalala simula ng magka-amnesia ka? Biglang tumigil si Shaine at nagulat ito sa mga sinabi ng lalake kaya lumapit siya dito, Anong pinagsasabi mong nagka-amnesia?! Oras na para sabihin ko na sa iyo ang lahat, ako si Trainiell, ang lalaking una mong minahal bago ka magka-amnesia. Ako ang nagbibigay sayo ng labing-pitong Daisy dahil umaasa akong ito lang ang paraan para maalala mo ako at ang nakaraan natin. Pero paano iyon nangyari? nalilitong tanong ni Shaine. Labing-pitong Daisy ang binibigay ko dahil yan ang naaksidente tayo, Hulyo 17 kasi noon, sabi ni Trainiell. HA? Anong TAYO? Sabado kasi noon at yun ang araw ng ating Anniversary, ako ang nagmamaneho ng sinasakyan nating kotse dahil may surpresa sana ako sayo nang may biglang batang tumawid kaya napilitan akong igilid ang kotse at nabangga tayo sa pader, ito ang dahilan ng malakas na pagkakauntog mo sa salamin ng kotse na dahilan na rin ng pagkakaamnesia mo. Labis kong pinaasisihan iyon Shaine, bawat araw ipinagdarasal ko na maalala mo na ang lahat at bumalik ka na sa akin dahil mahal na mahal kita Shaine. Bakit ngayon mo lang naluluhang sabi niya. sinabi? Wala akong alam tungkol diyan! araw na

Ayaw kasi ng mga magulang mo na sabihin na sa iyo ang mga nangyari dahil gusto nilang magsimula ka ulit. Naiintindihan naman nila kung

bakit tayo naaksidente pero pinalayo nila ako sayo at naiintindihan ko rin naman iyon dahil alam kong para iyon sa ikabubuti mo. Pinalabas nilang nagkalagnat ka lang at naniwala ka sa kanila ng magkamalay ka, yan ang sabi sakin ni Carmen. Alam lahat ito ni Carmen?! nabiglang tanong ni Shaine. Alam niya ang lahat pero hindi niya sinabi sayo dahil alam niyang para rin sa iyo iyon. Pumunta ang Papa mo sa America dahil pina-ayos niya ang bahay at papeles niyo para doon na patuloy na manirahan. Minabuti kong sabihin na ito sa iyo dahil ayaw kong mangyari iyon dahil mahal kita at ayaw kong mawalay sayo Shaine, pagsasalaysay ni Trainiell. Wala akong naaalalang ganyan! Hindi totoo ang lahat ng iyan! Tumakbo si Shaine palayo habang umiiyak, dumiretso siya sa kotse niya at siya mismo ang nagmaneho nito. Mabilis naman itong sinundan ni Trainiell. Luhang-luha si Shaine sa mga nalaman, at ngayon naiintindihan na niya kung bakit meron siyang mga naalalang pamilyar, kung bakit ayaw ng Mama niya na tanggapin ang mga Daisy, kung bakit pumunta ang Papa niya sa America at kung bakit may sarili pa itong gwardya at sariling driver kahit na marunong naman siyang magmaneho. Nang lumiko siya ay may matandang nasa gitna ng kalsada kaya napaliko ito at biglang nabangga sa puno. Naulit lang ang mga nangyari noon sa kanya pero ng nauntog ulit siya ngayon, naglabasan sa isip niya ang kanyang nakaraan at ang mga ala-ala na kasama niya si Trainiell at ang kanyang pamilya. . . . Shaine gising ka na ba? nag-aalalang tanong ng kanyang ina. Isang araw na si Shaine sa hospital at ngayon pa lamang siya nagkakamalay. Sina Donya Lorraine, Don Mariano, Doktora Carmen at Trainiell ang nakita niya kaagad pagkagising. Anak, humihingi kami ng tawad sayo ng Papa mo. Ginawa lang namin iyon para protektahan ka at dahil ayaw na naming maulit pa ang nangyari sayo noon, paliwanag ni Donya Lorraine. Alam niyo na po? Oo anak, sinabi na sa amin ang lahat ni Trainiell at sana mapatawad mo kami, ang sabi ni Don Mariano. Alam ko naman po iyon Ma at Pa pero sana sinabi niyo kaagad sakin ang mga nangyari dahil kung hindi pa sana sinabi sakin ng mahal kong si Trainiell eh di tatandang dalaga sana ako. Gusto niyo po ba ng walang apo? Sige kayo, pagbibiro ni Shaine.

Hindi naman sa ganoon, sige papayag akong maging kayo ulit ni Trainiell pero dapat hindi na maulit ang nangyari noon dahil labis kaming nag-alala sa inyo, payag ng ina. Ikaw talaga friend! Kagigising mo palang mahal mahal na agad ang pinagsasabi mo, eh panu naman ako? pag-aaliw ni Doktora Carmen. Nagtawanan silang lahat at nang nagtigilan ay lumapit si Trainiell sa nakahigang si Shaine, niyakap niya ito ng mahigpit at sinabing mahal na mahal siya nito at hindi na niya hahayaang mangyari pa ulit ang nakaaraan. PAGKATAPOS NG ISANG LINGGO . . . Nag-uusap si Trainiell at si Shaine sa ilalim ng punong Mangga habang nakatingin sa mga bituin at buwan. Bakit ka nga ba umiiyak ng nadatnan kita rito noong tinawag kitang mahal? natatawang tanong ni Trainiell kay Shaine. Tumigil ka nga diyan, nagpapraktis lang akong umiyak noon dahil kasama yun sa pag-aaral ko bilang isang director at dito ko gustong magpraktis dahil nagkakaconcentrate ako kaya lang may asungot na ginulo ang concentration ko, pero alam mo ba Trainiell? Ano iyun? Ang asungot kasi na yun ang una kong minahal simula ng magka-amnesia ako at ikaw yun. Ang gwapo mo kasi, naLove at first sight ata ako sayo noon, nagngitian sila sa sinabi ni Shaine. Weeh? Di nga? Kung ganun palay para talaga tayo sa isat-isa. :) Nga pala, Sabado? saan ka naman nagkakalbo ng Labing-pitong Daisy bawat

Sa bahay ko, sagot ni Trainiell . Eh saan na ba bahay mo? Sa tabi ng bahay niyo, sinadya ko talagang magtanim ng Daisy para lagi kong nasisilayan ang matatamis mong ngiti sa tuwing daraan ka sa bahay. Nagulat si Shaine sa mga sinabi nito at sabay naman silang natuwa. Kaya naman pala, kaw pala ha, nasan na pala sina Tita, Tito at kapatid mo? tanong ulit ni Shaine. Simula ng naaksindente tayo, pumunta na kami ng Italy at nagdisesyong don na manirahan. Doon na ako nag-aral at nagtrabaho ako ng mabuti para sa kinabukasan nating dalawa pagbalik ko dito.

Ayeeeh, ang sweet mo naman. Panu mo nga pala naibigay sakin yung isang Daisy sa Restaurant? ahh yun, ako yung janitor sa studio niyo. Ha? Papaano nangyari iyon?! gulat na gulat si Shaine. Eh ako ang nagbabayad sa totoong janitor para lang ako ang magbigay sayo ng maga bulaklak at syempre para lagi kitang nababantayan. Lagi kitang sinusundan at buti nalang hindi mo nahahalata. Nung pumunta ka sa restaurant sinundan din kita nun at nagbihis waiter agad para lang maibigay sayo ang naiwan kong isang Daisy sa sasakyan, napalakas ang tawa nilang dalawa. Ang sweet sweet mo talaga! Nagtinginan silang dalawa hinalikan ito sa noo. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal din kita. at niyakap ni Trainiell si Shaine at

Pag-ibig nga naman oh :D TAPOS

You might also like