You are on page 1of 3

Ang Kwento ng Hacienda PARAISO

Lalaki: ahhhh, grabe, pagod na pagod nako, nanginginig na ang mga kalamnan ko pati tuhod, likod at
mga paa ko masakit narin! Hindi ko na halos maigalaw ang mga kamay ko sa sobrang pagod sunog
narin ang balat ko sa init, arayy.. Pero kailangan kong magtrabaho para sa pamilya kokelangan ng
pagkain at pampa-aral ng mga anak kohuh! Bakit ba ganito kahirap ang buhay?!!
Babae: Aray ku pu! Manganganak na ata ako, masakit na ang tiyan ko kanina pa kasi ako naglalaba,
kelangan ko pang maglinis ng bahay, magluto, pakainin at paliguan ang mga anak ko,,,array..Asan naba
silamga anak, uwi na kayonaku, naglibot pa.ata, pano ko kaya sila matatawag..
Mga Hayop:
Mooo, gutom nako wala na akong manguyang damo, natuyot na lahat, moooooo,
Tweeet, tweet, pagod nako kalilipad, wala nakong mapagpugaran, pinagpuputol ang mga puno, pag
nakita pa ako ng mga bata babatuhin ako, kawawa naman ako paano kay kung maubos na kami
dahil wala narin mga puno
Puno: Naku lupa, wala na akong masipsip na tubig sayo, mamamatay ako, tulungan mo
ako,
Lupa: wala naba, naku, nasipsip na siguro yung iba ng iba pang mga halaman di na kasi
gaanong umuulan..kaya lang pag umulan kawawa naman si bundok
Bundok: Naku, wag mong ipanalangin na umulan, guguho ako, kasi iilang puno nalang
ang nakatanim sakin, konti nalang ang ugat na naka kapit sa katawan ko
Halaman: Kailangang umulan para makainom tayong lahat, kaso pag umulan sobra-
sobra namanhayyy, grabe na talaga itong sakit natin..kelan kaya tayo gagaling

Noong unang panahon, mayroong lugar na kung saan napaka ganda at napaka yaman ng kalikasan.
Sapat ang tubig na nasisipsip ng mga halaman kahit hindi umuulan dahil sa hamog na dala ng umaga at
dahil narin sa ang lugar na ito ay napapaligiran ng mga ilog na may matatabang isda. Sagana rin sa mga
punong kahoy na namumunga ng masasarap na prutas ang lugar na ito kaya hindi kailangan ng mga
nakatira dito ang magtrabaho o magbungkal ng lupa at magtanim para kumain. Kusang tumutubo ang mga
halamang nakakain. Kailangan na lamang pumitas ng bunga kapag may nagugutom.
Kahit na marami ang mga hayop, ligtas din ang lugar na ito dahil lahat sila ay mababait, hindi sila
mababangis na umaatake ng tao. Pero lahat ng mga ito ay naglahoalam nyo ba kung anong nangyari
bakit naglaho ang lugar na ito???
Mayroong nagmamay-ari sa lugar na ito, Daddy GOOD ang tawag sa kanya at totoong ama ang
turing ng mga nakatira doon sa kanya. Mayroon siyang nag-iisang utos sa mga nakatira doon na wag na
wag nilang gagawin. Ang gusto ng may-ari na ito ay gawin nila ang kagustuhan niya, at sumunod sila pero
naging matigas ang ulo nila at sinuway nila siyaMahal na mahal ni Daddy GOOD ang mga nakatira doon
pero kahit na ganun, kailangan niyang palayasin sila doon para turuan ng leksiyon. Kailang kasi ng mga
nakatira doon na makaranas ng hirap para mapagtanto nila yung napakagandang pamumuhay na meron
sila kay Daddy GOOD, at upang matututo silang sumunod. Ang kaso, naligaw sila at di na nila
masumpungan ang pabalik sa lugar na yun.
Matagal na naghintay si Daddy GOOD na sila ay matuto at makabalik na sa kanilang paraiso
ngunit tuluyan nang naglaho sa kanilang isip at puso ang lugar na ito..Dahil sa awa at pag-ibig ni Daddy
GOOD, gumawa siya ng paraan para makabalik sila roon.
Hacienda Paraiso. Ito ang pangalan ng napakaganda at napakayamang lugar na ito. Maraming katulong si
Daddy GOOD dito at ang mga ito ay tapat sa kaniya. Isa-isa niya itong ipinadala sa labas ng hacienda upang
hanapin ang mga dating nakatira dito. Ngunit sa kanilang paglabas, napagkamalan silang tulisan at pinatay sila ng
mga tao na nakakita sa kanila. Hindi maintindihan ni Daddy GOOD kung bakit pinatay ang mga katulong niya dahil
alam niyang kilala naman siya sa lugar na ito.
Isang araw, nabalitaan ni Daddy GOOD na grabe na ang hirap na nararanasan ng mga dating nakatira sa
hacienda, naaalala na nila ang dating tahanan nila at gusting-gusto na nilang umuwi ngunit di nila alam ang daan
pabalik. Awang-awa si Daddy GOOD at sinabi niya sa sarili..
D.GOOD: Uutusan ko nalang ang aking unico-iho upang sumundo sa kanila. Siguradong makauuwi na
sila. Kailangang makausap ko na ang aking anak.Mikaelo! anak, maaari ba akong humuling sa iyo.
MIKAELO: Mahal kong Papa, ang ninanais ko lamang ay magbigay ng katuwaan sa iyo, ano po ang iyong hiling?
D.GOOD: Nais ko sanang sunduin mo ang mga dating nakatira dito sa hacienda, nabalitaan kong hirap na
hirap na sila doon sa kinalalagyan nila ngayon.
MIKAELO: Subalit Papa, para matagpuan ko sila, kailangan kong mag-anyo at mamuhay na gaya ng mga
tagalabas. Iiwan kita pati na ang lahat ng tinatangkilik ko dito sa hacienda bilang nag-iisang anak mo.
Doon ay magiging dukha ako, yuyurakan, aalipustahin, at papatayin din ng mga tagalabas tulad ng
iyong mga lingkod. Matitiis mo bang iyon? Subalit kung iyon ang ibig mo, masusunod, Papa
D.GOOD: Iho, nalalaman kong hindi mo ako bibiguin. Sa iyong pagbabalik, ipapamana ko na saiyo ang
Hacienda. Ikaw na ang magmamay-ari at mamamahala nito. Alam kong makababalik ka iho. Bilang
tanda ng aking pangako, isinusuot ko sayo ang medalyong ito na magliligtas sayo sa anomang
panganib.
MIKAELO: Salamat Papa, Makaka-asa ka na matutupad ko ang iyong utos. Bukas ng maaga ay aalis na ako.
At lumabas nga si Mikaelo ng haciendaParaiso upang hanapin ang mga nawawalang residente ng
hacienda. Malayo ang kanyang nilakbay at di siya nakilala ng mga tagalabas dahil nag-iba siya ng anyo. Isang
araw, nakasalubong niya si Pepe, isa sa dating taga hacienda. Papunta ito sa dagat upang mangisda. Halatang grabe
na ang hirap na dinanas nito dahil dating malusog, matipuno at matikas ang katawan, at may masayang anyo ng
mukha, ngayoy butot balat na lamang, ukot ang tindig na parang bigat na bigat sa dalang lambat, humpak ang
pisngi at ang mga mata ay malamlam.
MIKAELO: Pepe, kaibigan kong Pepe, ikaw naba ito?
Pepe: Sino ka. Umalis ka lalakaran ko.
MIKAELO : Ako ito, si Mikaelo, ng Hacienda Paraiso! Lumabas ako upang hanapin kayo. Pinahahanap
kayo ng aking Papa ng matagal na. Pepe, napakalaki ng pinagbago mo. Anong nangyari at nagkaganyan
ka? Nasaan ang iba pa?
Malungkot ang kwentong isinalaysay ni Pepe sa kaibigan. Di nagtagal at hinanap din nila ang iba
pang nawawala. Karamihan pala sa kanila ay pumasok na alipin upang makakain lang. Binawi silang lahat ni
Mikaelo sa kani-kanilang panginoon. Tinubos niya silang lahat sa pagka-alipin at binayaran niya ang lahat ng
kanilang pagkakautang. Ngunit may isang mayamang mataba ang ayaw palayain ang kanyang mga alipin. Binaril
nito si Mikaelo at tinamaan siya sa dibdib, na kanyang ikinamatay. Natakot ang mayamang mataba ng makita siyang
nakahandusay at wala ng buhay. Dali-dali itong tumakas.
Labis-labis ang pagtangis ng mga taong kanyang iniligtas. Ang mga luha ng mga ito ay umagos sa dibdib ni
Mikaelo at nabasa ang medalyong nakasuot kanya. May lumabas na liwanag mula dito at bumalot sa walang-buhay
na katawan ni Mikaelo. Hanggang sa dumilat ang kanyang mga mata. Nais matakot ng mga taong nakapaligid sa
kanya ngunit kanyang sinabi.
MIKAELO: Ito ang ipinangako sa akin ni Papa. Tayo nang umuwi, si Papa ay naghihintay na
Si Pepe na dating mapanglaw at malamlam ang mga mata, ngayon ay puno na ng liwanag at pag-asa
tulad ng iba pang mga kasama niya. At sila ay yumaon na pabalik sa Hacienda Paraiso, ang lugar na wala ng hirap at
pagdurusa. END

You might also like