You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA REGION
DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
DISTRICT OF SAN TEODORO

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
ESP 5 – QUARTER 3

TOTAL NO. OF
EDUKASYON SA
SUBJECT INSTRUCTION 40
PAGPAPAKATAO
DAYS
TOTAL NO. OF
GRADE LEVEL 5 40
ITEMS

TEST ITEM PLACEMENT

PAGLALAPAT
PAG-UNAWA
Kabuuang

PAGSUSURI

PAGTATAYA

PAGBUBUO
PAG-ALALA
KOMPETENSI Bilang
Araw na Bahagdan
(Include Codes if (%) ng
Naituro
Available) Aytem

25 25 10 10
10% 20%
% % % %
Nakapagpapakita ng
mga kanais-nais na
kaugaliang Pilipino
1.1. nakikisama sa
kapwa Pilipino
1.2. tumutulong/
1 4 10 4 1 2, 3 4
lumalahok sa
bayanihan at palusong
1.3. magiliw na
pagtanggap ng
mga panauhin
(EsP5PPP – IIIa – 23)
2 Nakapagpapamalas ng 4 10 4 5, 7, 8
pagkamalikhain sa 6
pagbuo ng mga sayaw,
awit at sining gamit
ang anumang
multimedia o
teknolohiya (EsP5PPP –
IIIb – 24)
Napananatili ang
pagkamabuting
mamamayang Pilipino 9,
3 7.5 3 10
11
sa pamamagitan ng
pakikilahok (EsP5PPP
– IIIb – 25)

Nakasusunod ng may
masusi at matalinong
pagpapasiya para sa
kaligtasan. Hal:
4.1. paalala para sa
mga panoorin
at babasahin 5 12,
3 5 12.5 13
14 15 16
4.2. pagsunod sa mga
alituntunin
tungkol sa pag-iingat
sa sunog at
paalaala kung may
kalamidad (EsP5PPP –
IIIc – 26)
Nakapagpapakita ng
magagandang
halimbawa ng pagiging
responsableng
tagapangalaga ng
kapaligiran
5.1. pagiging
4 mapanagutan 4 10 4 17 18, 19 20
5.2. pagmamalasakit
sa kapaligiran sa
pamamagitan ng
pakikiisa sa mga
programang
pangkapaligiran
(EsP5PPP – IIId – 27)
Napatutunayan na di-
nakukuha sa
kasakiman ang
pangangailangan
3 21,
5 6.1. pagiging vigilant sa 3 7.5 22
23
mga illegal na gawaing
nakasisira sa
kapaligiran (EsP5PPP –
IIIe– 28)
Nakikiisa nang may
kasiyahan sa mga
programa ng
pamahalaan na may
kaugnayan sa
pagpapanatili ng
kapayapaan
4 24,
6 7.1. paggalang sa 4 10 25
26 27
karapatang
pantao
7.2. paggalang sa
opinyon ng iba
7.3. paggalang sa ideya
ng iba (EsP5PPP – IIIf
– 29)
Nakalalahok sa
pangangampanya sa
pagpapatupad ng mga
batas para sa
kabutihan ng lahat
6 29, 30 31,
7 8.1. pangkalinisan 6 15 28
32
33
8.2. pangkaligtasan
8.3. pangkalusugan
8.4. pangkapayapaan
8.5. pangkalikasan
(EsP5PPP – IIIg – 30)
Nakagagawa ng isang
proyekto gamit
ang iba’t ibang
multimedia at
technology tools sa 4 34,
8 4 10 35
36 37
pagpapatupad ng
mga batas sa kalinisan,
kaligtasan, kalusugan
at kapayapaan
(EsP5PPP – IIIg-h– 31)
Nakikiisa nang buong
tapat sa mga
gawaing nakatutulong 3 39, 40
9 3 7.5 38
sa bansa at
daigdig (EsP5PPP –
IIIh – 32)
KABUUAN 40 100 40
Inihanda ni: Iwinasto ni:

WOWIE J B. CRUZAT MERMEO A. APARATO


Guro II Dalubguro II
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
DISTRICT OF SAN TEODORO

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – IKATLONG KWARTER

Pangalan: ________________________________ Iskor: ________


Baitang at Seksyon: ____________________

Learning Competency: Nakapagpapakita ng mga kanais-nais nakaugaliang


Pilipino 1.1. nakikisama sa kapwa Pilipino; 1.2. tumutulong/ lumalahok sa
bayanihan at palusong; 1.3. magiliw na pagtanggap ng mga panauhin
(EsP5PPP – IIIa – 23)

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa bawat bilang at isulat ang letra ng
tamang sagot sa mga kasunod na tanong.

Sitwasyon Bilang 1
Bagong sahod sa kaniyang trabaho si Aling Marta, kaya
napagpasiyahan niyang mamalengke kasama ang kanyang anak na si
Makoy. Nang makatapos na sila sa pamamalengke, may nakita si Makoy
batang gusgusin sa labas ng tabi ng kalsada. Halatang gutom na gutom
na ito base sa pagkakahawak nito ng madiin sa kaniyang tiyan. Tiningnan
ng may pagkalungkot ni Makoy si Aling Marta na animo’y nagsasabing
tulungan nila ito. Isang ngibit lamang ang namutawi sa labi ni Aling
Marta, tanda ng kaniyang hindi pagpayag. Ngunit kahit ganon, inabutan
pa ni Makoy ang batang gusgusin ng mga tinapay na kaniyang binili sa
palengke.
-Wowie J B. Cruzat
_____1. Sino ang batang nakakita ng batang gusgusin sa tabi ng kalsada?
A. Makoy
B. Mikay
C. Mikoy
D. Mitoy
_____2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpagpapakita
kanais-nais na kaugaliang Pilipino?
A. Halatang gutom na gutom na ito base sa pagkakahawak nito ng
madiin sa kaniyang tiyan.
B. Isang ngibit lamang ang namutawi sa labi ni Aling Marta, tanda ng
kaniyang hindi pagpayag.
C. Ngunit kahit ganon, inabutan pa ni Makoy ang batang gusgusin ng
mga tinapay na kaniyang binili sa palengke.
D. Bagong sahod sa kaniyang trabaho si Aling Marta, kaya
napagpasiyahan niyang mamalengke kasama ang kanyang anak na si
Makoy.
_____3. Sa paanong paraan mo maipapakita ang pagmamalasakit at
pagtulong mo sa kapwa Pilipino?
A. Magpapaalam sa nanay na bibigyan ng sobrang pagkain ang bata.
B. Paaalisin ang batang gusgusin upang hindi mo siya makita.
C. Iingitin ang bata habang kumakain ka ng hamburger.
D. Hahayaan lamang siya na parang walang nakita.
_____4. Gawing basehan ang daloy ng kuwento. Sino sa tingin mo ang
nagpakita ng kanais-nais na kaugaliang Pilipino?
A. Si Makoy
B. Si Aling Marta
C. Ang batang gusgusin
D. Ang mga namamalengke

Learning Competency: Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo


ng mga sayaw, awit at sining gamit ang anumang multimedia o teknolohiya
(EsP5PPP – IIIb – 24).

_____5. Sa paaralan ni Reymark ay may gaganapin na paligsahan sa


pagsayaw. Ang kanilang guro ay naghahanap ng maaaring kumatawan sa
kanilang klase. Si Reymark ay may talento sa pag-sayaw ngunit siya ay
mahiyain. Kung ikaw si Reymark ano ang iyong dapat gawin?
A. Magtatago ako dahil ayaw kong ipakita ang aking kakayahan sa
pagsayaw
B. Magkukusa akong sumama upang maipakita ko ang aking talento.
C. Papayag ngunit hindi ako papasok sa araw ng paligsahan.
D. Aawayin ang guro kapag pinilit akong sumayaw.
_____6. Ikaw lamang ang may cellphone na may kamera sa inyong pangkat.
May dula-dulaan kayong gagawin sa asignaturang Filipino at ito ay
kailangang kuhanan ng video na ipapasa sa inyong guro. Ano ang iyong
gagawin?
A. Gagawa ako ng sarili kong video na ipapasa sa aming guro at hindi ko
sasabihin sa iba kong kagrupo.
B. Ipahihiram ko ang aking cellphone upang kami ay makapagpasa.
C. Hindi ko ito ipahihiram para lahat kami ay hindi makapasa.
D. Itatago ko ang aking cellphone at sasabihing nawala ko ito.
_____7. Nagtatanong ang inyong guro kung sino ang marunong gumawa ng
presentasyon gamit ang MS Powerpoint Presentation. Alam mong marunong
si Kharl sa paggawa nito. Bilang kaibigan niya, sinabihan mo siya na ito na
ang pagkakataon na para ipakita ang kaniyang kakayahan. Tama ba ang
iyong ginawa? Bakit? Bakit hindi?
A. Hindi, dahil dapat doon sa mas may gusto iniatas ang gawain kahit
hindi ito magaling.
B. Oo, sapagkat alam kong mailalabas ni Kharl ang tunay na galing niya.
C. Oo, upang hindi na humanap pa ng iba ang guro.
D. Hindi, dahil pinilit ko lamang siya.
_____8. May proyekto kayo sa paggawa ng isang paper folding. Hindi
ipinaliwanag ng inyong guro kung paano ito gawin. Ano ang maaari ninyong
gawin upang magawa ito?
A. Walang gagawin para magawa ito dahil proyekto lang naman iyon.
B. Maghahanap sa internet kung papaano gawin ang paper folding.
C. Maghihintay na ipaliwanag ito ng guro.
D. Magpapagawa na lamang sa iba.

Learning Competency: Napananatili ang pagkamabuting mamamayang


Pilipino sa pamamagitan ng pakikilahok (EsP5PPP – IIIb – 25)

Sitwasyon Bilang 2
Magkakaroon ng school press conference sa paaralang sentral ng
San Teodoro. Isa ang mga mag-aaral sa ikalimang baitang na tinanong
upang makilahok sa Radio Broadcasting. Sina Audrey, Celine, Mia, Leaj,
Philipp, at Markus ay tinanggap ang hamon ng pakikilahok. Matiyaga
silang naghanda upang mapagtagumpayan ang kanilang laban. Ang
kanilang kooperasyon ay hindi natinag at lalong nagpaigting ng kanilang
hangrain na manalo sa patimpalak. Sa huli, nanaig ang kanilang
pakikilahok matapos silang hirangin bilang mga kampyon ng Radio
Broadcasting sa kanilang paaralan.
-Wowie J B. Cruzat

_____9. Ano sa tingin mo ang mabuting kaugaliang ipinakita ng mga


kalahok sa patimpalak na siyang naging susi upang manalo sila?
A. Ipinakita ng mga pagkakanya-kanya ng mga miyembro ng grupo
upang mapagtagumpayan ang patimpalak.
B. Ang pagsasawalang bahala sa hamon ng pakikilahok ang naging susi
ng kanilang pagkapanalo.
C. Ang pagbibigay ng oras na makilahok sa patimpalak ang siyang
naging sandata upang manalo.
D. Ang hindi paghahanda, bagama’t nakilahok, ang naging susi upang
manalo sila.
_____10. Alin sa mga pangungusap ang tumatalakay sa pagpapanatili ng
pagkamabuting mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pakikilahok?
A. Magkakaroon ng school press conference sa paaralang sentral ng San
Teodoro.
B. Isa ang mga mag-aaral sa ikalimang baitang na tinanong upang
makilahok sa Radio Broadcasting.
C. Ang kanilang kooperasyon ay hindi natinag at lalong nagpaigting ng
kanilang hangrain na manalo sa patimpalak.
D. Sa huli, nanaig ang kanilang pakikilahok matapos silang hirangin
bilang mga kampyon ng Radio Broadcasting sa kanilang paaralan.
_____11. Kung ikaw ang isa sa mga napili upang makilahok sa Radio
Broadcasting para sa School Press Conference, makikilahok ka rin ba?
Bakit? Bakit hindi?
A. Oo sasali ako, dahil ang pakikilahok sa mga ganitong gawain ay
magpapaunlad sa aking kakayahan.
B. Hindi ako sasali dahil hindi ko naman alam kung paano gawin ito.
C. Oo sasali ako, dahil ipinangako sa akin na tataas ang marka ko.
D. Hindi ako sasali dahil ayoko sa ibang napili upang makilahok.
Learning Competency: Nakasusunod ng may masusi at matalinong
pagpapasiya para sa kaligtasan. 4.1. paalala para sa mga panoorin at
babasahin; 4.2. pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa
sunog at paalaala kung may kalamidad (EsP5PPP – IIIc – 26)

Sitwasyon Bilang 3
“Inay! Itay! May nasusunog po sa labas at dalawang bahay na lamang po
at madadamay na rin po ang ating bahay” ang sabi ni Dino. “Anong
sunog? Naku! Ano ang gagawin natin, Lito?” natatarantang tanong ni
nanay kay tatay. “Huwag po tayong matakot at mataranta nanay.
Nakahanda naman po ang mahahalagang gamit natin kukuhanin ko
lamang po sandali”, mahinahong sabi ni Dino sa kaniyang ina. Pagkakuha
ng gamit ay kaagad na lumabas ng kanilang bahay ang buong mag-anak.
Laking pasasalamat nila Dino ng kaagad naagapan ang sunog at hindi
inabot ang kanilang bahay.
Halaw sa: Sunog sa Barangay Maharlika
Isinulat ni: Gina W. David

_____12. Pagbasehan ang kwento na nasa itaas. Ano sa tingin mo ang


maaring mangyari kung hindi naging masusi at matalino ni Dino sa
pagpapasiya para sa kaligtasan?
A. Ang kanilang mga gamit ay maiisalba ng maayos.
B. Ang nanay at tatay ni Dino ay magiging mas taranta.
C. Ang nanay at tatay ni Dino ay makatutulong pa sa ibang kapitbahay.
D. Maihahanda niya ang mga gamit na kinakailangan kung sakaling
abutin ng sunog ang bahay nila.
_____13. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Dino, ano ang gagawin mo?
A. Sisigaw ako ng malakas upang ma-alarma ang mga kapitbahay.
B. Mananatili akong kalmado at isasaayos ko ang mga gamit ng
mabilisan.
C. Tatakbo ako palabas ng may pagkataranta upang hindi kami
mapahamak.
D. Aaligagain ko ang aking ama at ina upang mabilis naming mailabas
ang mga gamit.
_____14. Ano sa tingin mo ang dahilan ni Dino kung bakit siya naging
masusi at matalino sa pagpapasiya?
Ginawa niya upang…
A. Ipagmalaki niya na siya ay natuto ng mga aralin sa paaralan.
B. Maiwasan pa ang mas malalang pangyayari na kaugnay ng sakuna.
C. Maisalba niya ang buhay ng kaniyang kapitbahay na nasusunugan.
D. Hindi malimutang isalba ang kanilang gamit at gamit ng kapitbahay.
_____15. Base sa teksto, tama ba ang ginawa ni Dino sa panahon na may
sakuna?
A. Oo, dahil ang pagiging masusi at matalino niya sa pagpapasiya ay
nakatulong na kumalma ang lahat ng nasa bahay nila.
B. Hindi, dahil dapat ang magulang niya ang siyang mayroong masusi at
matalinong pagpapasya.
C. Oo, dahil sa kaniyang masusi at matalinong pagpapasiya ay naapula
ang apoy.
D. Hindi, dahil pinangunahan niya ang kaniyang mga magulang.
_____16. Gawing halimbawa ang sitwasyon. Pagsunod-sunurin ang mga
hakbang na maari mong gawin sa oras ng sunog. Alin ang dapat mauna,
sumunod, at panghuli?
I. Subukang sugpuin ang apoy gamit ang tubig o fire
extinguisher.
II. Manatiling kalmado at ilabas ang mga gamit na mas
importante at sundan ang fire exit.
III. Lumayo sa lugar na may sunog at mag-antay ng tulong.
IV. Humingi ng tulong sa mga kalapit na bahay at tumawag ng
bumbero o sa BFP (Bureau of Fire & Protection).
A. I, II, III, IV
B. II, III, IV, I
C. III, IV, I, II
D. IV, I, II, III

Learning Competency: Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng


pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran 5.1. pagiging
mapanagutan; 5.2. pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng
pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran (EsP5PPP – IIId – 27)

Sitwasyon Bilang 4
Sa bayan ng San Teodoro, mayroong isang mabuting tagapangalaga ng
kalikasan. Siya ay si Mang Kepweng. Tuwing umaga, naglalakad siya
patungo sa trabaho sapagkat malapit lamang naman ito. Sa kanyang
munting bakuran ay nagtatanim siya ng mga halamang ornamental,
gulay, at prutas na siyang pinagkukunan niya ng pagkain. Siya, bilang
isang guro, ay palaging ipinapaalala ang palagiang pagsali sa mga
programang may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan tulad ng tree
planting. Ang hindi pagaaksaya ng tubig sa kanilang palikuran ay
matiyaga rin niyang ibinibilin sa kaniyang mga mag-aaral.
-Wowie J B. Cruzat

_____17. Ano ang programang nangangalaga sa kalikasan na nabanggit sa


kwento?
A. Paglalakad
B. Pagtitipid ng tubig
C. Pagtatanin ng puno o Tree Planting
D. Pagtatanim ng halaman, gulay, at prutas.
_____18. Ano ang pangunahing layunin ni Mang Kepweng sa kanyang
adbokasiya sa kalikasan sa kuwento?
A. Kumita ng pera.
B. Magtago sa problema at lungkot.
C. Mapanatili ang kagandahan ng kalikasan
D. Manalo sa isang paligsahan ng pagandahan ng paligid.
_____19. Sa paanong paraan ipinakita ni Mang Kepweng ang halaga ng
pangangalaga sa kalikasan?
Sa pamamagitan ng…
A. Pang-aapi sa kalikasan
B. Pagpapabaya sa basura
C. Pagsisira ng kalikasan para sa pansariling interes.
D. Pagtatanim ng mga halaman, prutas, at kulay, at pagsali sa mga
programang may kinakalaman sa pangangalaga ng kalisakan.
_____20. Paano maaaring ipakita ng isang batang tulad mo ang adbokasiya
ni Mang Kepweng sa kalikasan sa iyong sariling komunidad?
A. Manuod ng TV araw-araw.
B. Magtanim ng sariling halaman.
C. Magtapon ng basura kahit saan.
D. Gamitin ang papel para sa walang kabuluhang gawain.
_____21. Ano ang mga konkretong hakbang na maaaring gawin ng mga
mamamayan para mapigilan ang iligal na pagpuputol ng mga puno sa
kanilang lugar, na nagbibigay insipirasyon sa kuwento ni Mang Kepweng?
A. Pabayaang mangyari ang iligal na pagpuputol ng puno.
B. Huwag magbigay ng importansya sa isyu tungkol sa kalikasan.
C. Mag-organisa at makiisa ng kampanya laban sa mga dulot ng iligal na
gawain.
D. Magwalang kibo at huwag pansinin ang mga programang naglalayong
mapangalagaan ang kalikasan.
_____22. Paano mo masusuportahan ang gobyerno sa adhikain nitong
mapangalagaan ang kalikasan, na nagbibigay inspirasyon sa kuwento ni
Mang Kepweng?
A. I-post sa social media ang mga isyu tungkol sa kalikasan.
B. Manatili lang sa bahay at huwag maki-alam sa gawain ng iba.
C. Iwasan ang pakikisangkot sa anumang adbokasiya na may kinalaman
sa pangangalaga ng kalikasan.
D. Sumali sa mga environment club at makilahok sa mga programang
may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan.
_____23. Bilang mag-aaral, paano maaring mapalaganap and adbokasiya ni
Mang Kepweng sa buong paaralan ng San Teodoro Central School?
A. Manatili lamang sa silid-aralan.
B. Itago ang adbokasiya mula sa iba.
C. Hayaang mawala ang interes ng kapuwa kaklase sa kalikasan.
D. Gumawa ng mga pamphlets, posters, at slogans tungkol sa
pangangalaga sa kalikasan.

Learning Competency: Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng


pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan 7.1.
paggalang sa karapatang pantao; 7.2. paggalang sa opinyon ng iba; 7.3.
paggalang sa ideya ng iba (EsP5PPP – IIIf – 29)

Sitwasyon Bilang 5
Kilala sa buong paaralan ng San Teodoro Central School ang mga mag-
aaral ng ikalimang baitang sa pagiging marespeto nila sa mga kapuwa nila
mag-aaral. Nagagawa nila ito dahil sa pagkakaroon ng malayang talakayan
ng mga isyu sa kanilang silid-aralan. Hindi mapanghusga, bagkus ay
iniitindi ang ideya at kuro-kuro ng ibang kamag-aral. Dahilan sa pagiging
marespeto nila, ay natawag ang pansin ng kanilang punong-guro. Sa
pagtatanong ni Gng. Agnes Ribon, ay natuklasan niya na ang pag-unawa
at pagrespeto sa bawat isa ang susi ng mga mag-aaral sa ika-limang
baitang.
-Wowie J B. Cruzat
_____24. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng pag-unawa at pagrespeto sa
kapuwa mag-aaral sa silid-aralan ng ikalimang baitang?
A. Nagkakaroon ng kapayapaan at malinaw na pagkakaintindihan.
B. Nagkakaroon ng malabong komunikasyon sa bawat isa.
C. Nasasangkot sila palagi sa mga gulo at away.
D. Walang pagkakaisa sa kanila.
_____25. Paano naging instrumento ng malayang talakayan sa
pagpapaunlad ng mga kasanayan sa pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral
ng ika-limang baitang?
A. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng daan sa mga mag-aaral na
magkaroon ng bukas na komunikasyon at pagtanggap sa ideya ng
iba.
B. Sa pag-iwas sa mga taong taliwas sa ideya at paniniwala ng mas
nakararami.
C. Sa pagbibigay ng parusa sa mga hindi sumusunod sa malayang
talakayan.
D. Sa pamamagitan ng pangungutya sa mga taong hindi sang-ayon sa
ideya ng nakararami.
_____26. Paano maaaring mapabuti ang implementasyon ng malayang
talakayan sa iba’t-ibang baitang ng paaralan?
A. Pagsasawalang bahala sa magandang simulain.
B. Pagkakaroon ng malayang talakayan ang bawat baitang sa paaralan.
C. Pagbibigay ng kuro-kuro ng hindi isinasaalang-alang ang ideya ng iba.
D. Pagkakanya-kanya ng mga mag-aaral sa loob ng kanilang silid-aralan.
_____27. Anong konkretong hakbang ang maaaring gawin mo para palakasin
ang kasanayan sa pagiging marespeto ng mga mag-aaral, ayon sa kwento?
A. Gumawa ng mga poster at slogan na tumatalakay sa kabutihang
dulot ng pagiging marespeto sa ideya at opinion ng iba.
B. Gumawa ng gulo upang maipakita ang kabutihang dulot ng pagiging
marespeto sa ideya at opinion ng iba.
C. Makibahagi sa mga pag aaway upang maisabuhay ang kabutihang
dulot ng pagiging marespeto sa ideya at opinion ng iba.
D. Hindi pagtanggap sa ideya at opinyon ng iba tuwing may pangkatang
Gawain upang lubos na maipakita ang kabutihang dulot ng pagiging
marespeto sa ideya at opinion ng iba.
Learning Competency: Nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad
ng mga batas para sa kabutihan ng lahat 8.1. pangkalinisan; 8.2.
pangkaligtasan; 8.3. pangkalusugan; 8.4. pangkapayapaan, 8.5.
pangkalikasan (EsP5PPP – IIIg – 30)

Sitwasyon Bilang 6
Sa kanilang maliit na barangay, tuwing ikasiyam ng gabi, mariing paalala
ni Aling Betina sa kaniyang pamilya ang pag-iwas sa labas. Sa hapag-
kainan, ipinapaalala niya ang banta ng curfew hour at ang posibleng
panganib sa labas. Isang gabi, nang may narinig siyang kaluskos sa labas,
agad siyang nagmadaling pumunta sa pintuan. "Ano'ng nangyayari?"
sigaw niya nang makita ang mga anak na tila nagbabalak lumabas. "Nay,
may nakalimutan lang po kaming bilhin sa tindahan. Sandali lang po,"
sabi ng isa sa mga apo. Nakita ng mga ito ang pag-aalala sa mga mata ng
kanilang ina, kaya't agad silang umuwi at sumunod sa paalala niya.
-Wowie J B. Cruzat
_____28. Sino ang palagiang nagpapaalala sa kaniyang pamilya na umiwas
sa paglabas ng kanilang tahanan tuwing gabi?
A. Atina
B. Betina
C. Katarina
D. Helena
_____29. Ano ang mahalagang paalala ni Aling Betina sa kaniyang pamilya
sa hapag-kainan tuwing ikasiyam ng gabi?
A. Huwag lumabas ng bahay pagdating ng curfew hour.
B. Pumunta sa simbahan bawat gabi.
C. Maglinis ng bahay bago matulog.
D. Mag-aral ng mga bagong laro.
_____30. Anong pangyayari ang naganap nang may marinig si Aling Betina
na kaluskos sa labas ng kanilang tahanan?
A. May lumabas na hayop na may taglay na panganib.
B. May mga anak at apo niyang nagbabalak lumabas.
C. Nagkaroon ng pagtatalo sa kalsada.
D. Nagkaroon ng kasal sa barangay.

Sitwasyon Bilang 7
Kasapi si Gng. Rodales sa Barangay Health Volunteers. Tuwing Linggo,
siya ay nagsasagawa ng libreng konsultasyon sa mga residente ng
kanilang barangay. Sa kanyang abot-kamay na kaalaman at karanasan,
nakakatulong siya sa pagbibigay ng payo at serbisyo sa mga
nangangailangan. Dahil sa kanyang dedikasyon sa pag-aalaga sa
kalusugan ng komunidad, minamahal at pinapahalagahan siya ng
kanyang mga kapitbahay. Sa pamamagitan ng kanyang pagiging bahagi
ng Barangay Health Volunteers, patuloy na umuunlad ang kalusugan at
kagalingan ng kanilang barangay.
-Wowie J B. Cruzat

_____31. Ano ang epekto ng dedikasyon ni Gng. Rodales bilang kasapi ng


Barangay Health Volunteers sa kanilang komunidad?
A. Pagpapalakas ng sektor ng kalakalan.
B. Pag-unlad ng agrikultura sa barangay.
C. Pagganda ng kalusugan at kagalingan ng mga residente.
D. Pagpapalakas ng imprastruktura sa paligid ng barangay.
_____32. Paano natutulungan ni Gng. Rodales ang kanyang komunidad
bilang kasapi ng Barangay Health Volunteers?
A. Sa pagbibigay ng libreng konsultasyon sa kalusugan.
B. Sa pag-aayos ng mga sasakyan sa barangay hall.
C. Sa pagbibigay ng libreng edukasyon sa musika.
D. Sa pagpapakain ng mga hayop sa barangay.
Sitwasyon Bilang 7
Sa nakaraang bakasyon, sumama si Christopher at ang kaniyang mga
pinsan sa mga kawani ng barangay para sa paglilinis tuwing Martes.
Masigasig silang naglinis ng mga kalsada at nag-ayos ng mga basurahan.
Sa kanilang pagtulong, naramdaman nila ang kahalagahan ng pagiging
responsable sa kanilang komunidad. Sa huli, puno sila ng kaligayahan
dahil sa kanilang natamong tagumpay sa paglilingkod sa kapwa.
-Wowie J B. Cruzat
_____33. Ano ang mga natutunan ni Christopher at kaniyang mga pinsan
mula sa kanilang karanasan sa paglilinis kasama ang mga kawani ng
barangay tuwing Martes?
A. Kung paano makisama at makibagay sa iba't ibang uri ng tao sa
kanilang barangay.
B. Kahalagahan ng pagtulong-tulong at pagiging responsableng
mamamayan.
C. Paano mag-organisa ng malaking proyekto sa komunidad.
D. Mga teknik sa paglilinis at pagsasaayos ng kapaligiran.

Learning Competency: Nakagagawa ng isang proyekto gamit ang iba’t


ibang multimedia at technology tools sa pagpapatupad ng mga batas sa
kalinisan, kaligtasan, kalusugan at kapayapaan (EsP5PPP – IIIg-h– 31)

Sitwasyon Bilang 8
Matapos ang talakayan, tinanggap ni Mark ang hamon ng kanyang guro
na bumuo ng proyektong may kinalaman sa pagpapatupad ng batas gamit
ang iba't ibang multimedia at technology tools. Kasama ang kanyang
kaibigan, sinimulan nila ang pagbuo ng presentasyon gamit ang
PowerPoint at naghanap ng mga halimbawa ng paglabag sa batas sa
pamamagitan ng online research. Gamit ang video editing software, likha
nila ang isang maikling pelikula na nagpapakita ng mga epekto ng hindi
pagpapatupad ng batas sa isang komunidad. Pagkatapos ng ilang araw ng
masigasig na paggawa, ipinresenta nila ang kanilang proyekto sa harap ng
kanilang klase at nagpamalas ng kanilang kahusayan at pag-unawa sa
napiling paksa.
-Wowie J B. Cruzat
_____34. Ano ang kabuuang layunin ng proyektong isinagawa nina Mark at
ang kanyang kaibigan tungkol sa pagpapatupad ng batas gamit ang iba't
ibang multimedia at technology tools?
A. Makalikha ng isang presentasyon gamit ang PowerPoint.
B. Ipakita ang mga kaso ng paglabag sa batas sa komunidad.
C. Makabuo ng maikling pelikula gamit ang video editing software.
D. Ipadama ang kanilang kahusayan sa paggamit ng teknolohiya sa
edukasyon.
_____35. Kung pagbabasehan ang kwento, ano sa tingin mo ang naging
epekto ng paggamit ng iba't ibang multimedia at technology tools sa
pagpapatupad ng proyekto nina Mark at ang kanyang kaibigan?
A. Nawalan sila ng interes sa pag-aaral ng batas.
B. Lumawak ang kanilang kaalaman sa teknolohiya at multimedia.
C. Mas napadali ang kanilang paghahanap ng mga kaso ng paglabag sa
batas.
D. Mas nahihirapan sila sa pagkakaroon ng maayos na organisasyon ng
proyekto.
_____36. Ano sa tingin mo ang naging resulta ng proyektong isinagawa nina
Mark at ang kanyang kaibigan sa kanilang klase?
A. Pagtangkilik ng kanilang mga kaklase sa kanilang proyekto.
B. Pagkakaroon ng mas mataas na marka sa kanilang asignatura.
C. Pagkakaroon ng pag-unlad sa kanilang pag-unawa sa batas at
lipunan.
D. Pagpapakita ng kanilang kahusayan sa paggamit ng multimedia at
technology tools.
_____37. Kung ikaw ang naatasan ng guro, paano mo sisimulan ang proseso
ng pagbuo ng kanilang proyekto tungkol sa pagpapatupad ng batas gamit
ang iba't ibang multimedia at technology tools?
A. Maglikom ng mga video na pagsasama-samahin.
B. Nag-isip ng mga konsepto at ideya para sa proyekto.
C. Gumawa ng listahan ng mga kailangang gamitin na technology tools.
D. Naghanap ng mga kaso ng paglabag sa batas sa pamamagitan ng
online research.

Learning Competency: Nakikiisa nang buong tapat sa mga gawaing


nakatutulong sa bansa at daigdig (EsP5PPP – IIIh – 32)

Sitwasyon Bilang 9
Noong mag-umpisa ang pandemyang COVID-19 sa bansa, naalala ni
Enrico ang pangamba at pagkabahala ng lahat. Dahil sa lockdown,
nagkaroon ng panic-buying at pagkaubos ng mga pangunahing
pangangailangan tulad ng de lata, vitamins, at facemask. Binigyan din ng
schedule ang bawat lugar para sa pagbili ng mga ito, at ipinagbawal ang
mga senior citizen at menor de edad na lumabas. Alam ni Enrico na
mahalaga ang pagsunod sa mga alituntunin upang maiwasan ang sakit at
makatulong sa bansa.
-Wowie J B. Cruzat
_____38. Ano ang naging dahilan ng panic-buying at pagkaubos ng mga
pangunahing pangangailangan tulad ng de lata, vitamins, at facemask?
A. Bulutong
B. COVID – 19
C. SARS
D. Sore eyes
_____39. Ano ang naging epekto ng lockdown at panic-buying sa
pamumuhay ni Enrico at sa lipunan sa kabuuan?
A. Lumala ang kalagayan ng ekonomiya sa bansa
B. Nabawasan ang paglaganap ng COVID-19 sa komunidad
C. Nagkaroon ng kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan
D. Nagkaroon ng mas mataas na antas ng kaligtasan at katiwasayan sa
bansa
_____40. Ano ang reaksiyon ni Enrico sa mga patakaran tulad ng lockdown
at pagbabawal sa mga senior citizen at menor de edad na lumabas ng bahay
sa panahon ng pandemya ng COVID-19?
A. Pagtanggi sa pagsunod sa mga patakaran
B. Pagtakbo sa ibang lugar upang maiwasan ang lockdown
C. Pagtutol sa mga hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan
D. Pagsunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang kaligtasan

Inihanda ni: Iwinasto ni:


WOWIE J B. CRUZAT MERMEO A. APARATO
Guro II Dalubguro II
SUSI SA PAGWAWASTO
ESP – IKALIMANG BAITANG

1 2 3
1 A A C C
1 1 1
1 2 3
2 C B D A
2 2 2
1 2 3
3 A B D B
3 3 3
1 2 3
4 A B A C
4 4 4
1 2 3
5 B A A B
5 5 5
1 2 3
6 B D B D
6 6 6
1 2 3
7 B C A B
7 7 7
1 2 3
8 B C B B
8 8 8
1 2 3
9 C D A C
9 9 9
1 2 3 4
C B B D
0 0 0 0

Inihanda ni: Iwinasto ni:

WOWIE J B. CRUZAT MERMEO A. APARATO


Guro II Dalubguro II

You might also like