You are on page 1of 36

[ Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale COMPLETED (Published by PHR) ]

-------------------------------

[ 1 Chapter1 ]
-------------------------------

Makailang beses na umiwas si Cassiel sa dinaraanan tuwing sinasabi ng mga tao na


may paputok daw sa tabi niya. Makailang beses din siyang yumukod, ngumiti, at
bumati ng 'happy new year' sa mga taong nakasalubong niya bago ang bawat isa sa mga
ito ay napatigil at tumuro sa kanya. Kung bakit, hindi niya alam.
Ipinagpatuloy lang ni Cassiel ang paglalakad sa loob ng subdivision habang
napapasunod ang tingin sa mga paputok. Napapangiti na lang siya tuwing sasabog ang
magagandang ilaw sa kalangitan.
Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakaranas ng dilim dahil kailanman ay hindi
dumadating ang gabi sa dati niyang tirahan—ang Tierra Celes. Kaya naman tuwing
magliliwanag ang kalangitan dahil sa paputok, napapangiti siya. It was like
catching a glimpse of Tierra Celes.
Mayamaya lang ay napaubo na siya. Hindi niya alam kung anong klaseng amoy ang
nalanghap niya pero habang tumatagal ay nahihirapan siyang huminga.
Marahil ay galing sa paputok. Iwasan mo na lang siya sa susunod, Cassiel. Sa
ngayon, magtakip ka na lang muna ng ilong, anang boses ng Keeper.
Ang Keeper ang tagapagbantay nila. Alam ng Keeper ang lahat ng mga nangyayari,
ginagawa, at iniisip nila. Ang Keeper din ang gumagawa ng paraan tuwing may
nakakaalam o nakakakita sa kung ano talaga sila.
Nagtakip na lang si Cassiel ng ilong tulad ng mga taong nakakasalubong niya.
Naglakad pa siya papasok sa subdivision at hinanap ang kalsada kung saan siya
mananatili sa mundo ng mga tao. Palinga-linga siya, hindi lang para hanapin ang
bahay na titirhan niya kundi dahil sa pagkamangha sa mga nakikita.
Ibang-iba kasi sa paningin ni Cassiel ang mundo ng mga tao kompara sa Tierra Celes.
Dati-rati ay nakikita lang niya ang mundo ng mga tao sa isang lawa sa Tierra Celes.
Ang lawa na iyon ang koneksyon nila sa mundo ng mga tao. At ngayong nakikita na
niya nang personal ang mundo, hindi niya mapigilan na mamangha.
Masaya siya sa Tierra Celes pero natutuwa siya sa nakikita sa bagong mundong
kinaroroonan—sa mga ilaw na nagbibigay liwanag sa mga tahanan, ang mga paputok na
ginagamit ng mga tao na tila bituin na sumasabog sa kalangitan. Hindi na tuloy siya
makapaghintay sa pagdating ng umaga dahil alam niyang mas marami siyang makikitang
kulay.
Napatigil na naman si Cassiel sa paglalakad nang makita na ang tahanang tutuluyan.
Dalawang palapag iyon na puti ang pangunahing kulay, samantalang brown at itim ang
mga hamba. May mababang bakod din na kulay-matingkad na asul. Sa loob naman ng
bakod ay may munting hardin sa bandang kanan habang may garden set sa kaliwa. Muli
ay hindi niya mapigilang ikompara iyon sa Tierra Celes. Sa Tierra Celes kasi ay
tila pinaghalong liwanag at tubig ang kapaligiran at mukhang diyamante ang mga
establisimyento.
Pinagmasdan pa ni Cassiel ang kabuuan ng bahay. Napansin niyang tila hindi
nakikisali sa kasiyahan ang may-ari niyon. O baka wala lang tao sa loob dahil nasa
labas ang mga iyon? Napatunayan niyang tama ang una niyang hinala nang makakita ng
pigura sa bintana.
Lumapit na siya sa pinto at kumatok. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at
iniluwal ang dalawang matanda na marahil ay mag-asawa.
"Magandang gabi, ho." Yumukod si Cassiel. "Dito ho ba nakatira sina Mr. and Mrs.
Teng?"
Nagkatinginan ang mag-asawa bago ngumiti nang matamis ang matandang babae. "Ikaw,
tawag na lang sa amin Mama at Yeeyee. Ikaw, pasok na bahay. Usok sa labas, baho."
Ngumiti si Cassiel at tumuloy na sa tahanan. Ngayon ay hindi na siya nagtataka kung
bakit hindi nakikisaya ang mag-asawa sa pagsalubong sa bagong taon—Chinese ang mga
ito at matatanda na rin.

[ 2 Chapter2 ]
-------------------------------

INIKOT ni Cassiel ang paningin sa loob ng bahay. Kung ano ang kulay ng bahay sa
labas ay ganoon din sa loob. Bukod sa kulay ng mga painting at plastic na bulaklak
sa plorera, wala nang iba pang nadagdag na kulay sa bahay. Gayunman, maganda ang
tahanan ng mga Teng.
Pagpasok sa pinto kanina, bumungad kaagad sa kanya ang maikling pasilyo bago
marating ang sala at hapag-kainan na nahahati lang ng mababang divider. Sa isang
sulok ng sala ay matatagpuan ang isang itim na baby grand piano na nakapagpangiti
kay Cassiel. Mahilig kasi siyang tumugtog ng instrumento pero mas nais niya ang
istrumentong violin.
Sa bandang hapag-kainan ay may pinto papasok sa kusina. Katabi ng pinto ang hagdan
paakyat sa ikalawang palapag na ayon kay Mrs. Teng ay may tatlong kuwarto, isang
banyo, munting sala, at munting teresa.
"Maganda po ang bahay ninyo," puri ni Cassiel sa bahay pagkatapos siyang ilibot ng
mag-asawa.
"Salamat." Tinapik pa ni Mrs. Teng ang balikat niya. "Buti ikaw payag na ikaw muna
tira dito bahay namin. Sayang kung ibenta. Isip namin na upa na lang. Puwede ito
namin gawing bakasyunan pag-uwi kami dito Pilipinas."
Napangiti si Cassiel dahil mukhang minahal talaga ng mag-asawa ang Pilipinas kahit
na purong Intsik ang mga ito. "Matanong ko lang ho, wala ho ba kayong mga anak na
puwedeng mamahala ng bahay n'yo?"
"Naku, hindi na ako asa sila balik dito," umiiling na saad ni Mr. Teng. "Noong sila
punta Hongkong, hindi na sila punta dito para tira."
"Hindi namin sila sisi," patuloy ni Mrs. Teng. "Siguro gusto nila Hongkong kaysa
Pilipinas. Pero balik sila minsan dahil sa negosyo."
Napatango na lang si Cassiel. Totoo nga yata ang kasabihang, babalik at babalik ka
rin sa tinubuan mong lupa.
Teka, paanong alam ko ang kasabihang iyon ng mga tao? Napangiti siya. Natural nga
lang pala iyon sa kanila.
Tulad ng sinabi ng Keeper ng Tierra Celes, may angking talino sila sa lahat ng
bagay. Kaya nilang umintindi at magsalita ng kahit anong lengguwahe. Madali rin
nilang maintindihan at gawin ang mga kaalamang bago lang sa kanila at kung ano-ano
pa. Para daw silang naglalakad na puno ng kaalaman. Ang hindi lang daw nila alam ay
ang mga pisikal na pakiramdam, nakikita, at naamoy ng mga tao. Ang mga bagay na
wala sa Tierra Celes. Tulad na lang ng hindi niya alam kung paano kakainin ang
pagkaing inihain ni Mrs. Teng.
Alam ni Cassiel kung paano gamitin ang kutsara at tinidor. Alam din niya ang
pagkaing nakahain sa harap niya. Hindi lang niya alam kung papaano iyon kakainin.
"Ikaw, kain na," yaya ni Mr. Teng sa kanya. "Ikaw layo pa pinanggalingan."
"Kayo, ho?" natarantang saad ni Cassiel dahil wala talaga siyang alam kung paano
kakainin ang pancit na inihain ng mga ito.
"Saluhan namin ikaw," nakangiting saad ni Mrs. Teng. "Kami hindi sali bagong taon
ng mga tao. Kami Intsik kaya iba bagong taon. Pero dati dito pa anak namin, kami
sali kasi kaya nila hawak paputok. Ngayon kami hindi na sali, nood na lang."
"Mabuti nga ho iyon," nakangiti at napatangong saad ni Cassiel. "Kailangan n'yong
mag-ingat kasi delikado ho iyong bumabagsak na mga residue ng paputok."
Natawa si Mr. Teng. "Ikaw tulad bunso namin. Iyan din sabi niya."
"O, sige, tama na kuwento, tayo kain na at ikaw gutom na," ani Mrs. Teng. Nagsandok
ito ng pagkain sa plato ng asawa at sa plato niya.
Akmang kakain na sila nang mapatigil sa pagsubo si Mr. Teng. "Bakit ikaw hindi pa
subo? Ikaw kain na. 'Nga pala, limot namin tanong pangalan mo."
Napakunot-noo si Cassiel. Ang sabi ng Keeper ay kilala na siya ng matatanda pero...
Matanda na 'yan, Cassiel, malamang na nakalimutan nila, anang boses ng Keeper.
Ngumiti na lang siya at ipinakilala ang sarili. "Cassiel San Gabriel po," ngiting-
ngiti niyang saad.
"Ikaw guwapo na bata. Guwapo din ang pangalan bigay sa 'yo magulang mo." Bahagyang
tumawa si Mrs. Teng. "Ikaw ingat sa mga babae dito. Baka ikaw pikot."
"Para ikaw gawa sa akin?" biro ni Mr. Teng sa asawa na ikinatawa nilang lahat.
Tiningnan ni Cassiel kung paano kumain ang mag-asawa kaya sa bandang huli ay kumain
na rin siya. At sa unang subo pa lang, parang gusto niyang tanungin ang mag-asawa
kung tama ba ang mga lasang nalalasahan niya.
Maalat, mamantika, may kaunting tamis, at may mapakla. Pero pinigilan niya ang
sarili. Hindi puwedeng malaman ng mag-asawa kung ano at sino talaga siya. Kahit na
ba sinabi ng Keeper na buburahin nito ang alaala ng mga taong makakakita o
makakaalam ng totoong katauhan niya. Pero mas maganda na ring kakaunti ang
pagkakamaling magawa niya.
Hindi naman siya nasa mundo ng mga tao para pag-aralan lang at malaman ang tungkol
sa mundo ng mga ito. Nandoon din siya dahil sa misyong ibinigay sa kanya upang
makatawid na siya bilang isang arkanghel.

[ 3 Chapter3 ]
-------------------------------

TAHIMIK na nakahiga sa damuhan si Cassiel. Tapos na silang kumain. Natulog na rin


ang mag-asawang Teng at iniwan na siya matapos makipagkuwentuhan. Inisip din ng
mag-asawa na jet lag ang dahilan kung bakit hindi siya kaagad makatulog.
Pero jet lag nga lang ba iyon? Ang totoo ay nami-miss na ni Cassiel ang Tierra
Celes. Doon kasi ay malaya siya. Hindi niya kailangang magtago ng kahit na ano at
gumawa ng kuwento para lang maitago ang kanyang katauhan. He hated that feeling.
Pero kailangan. Hindi lang naman kasi siya ang mapapahamak kundi ang buong Tierra
Celes.
Ang Tierra Celes, ang mundong kinabilangan niya nang napakatagal na panahon. Ang
mundo ng mga anghel—mula kerubin hanggang seraphim at arkanghel. Wala man silang
kaalam-alam sa pisikal na pakiramdam, hindi naman sila napagkaitan ng katalinuhan.
Pero ano ang gagawin niya sa katalinuhang iyon kung hindi naman niya alam kung
paano gamitin?
"Ah, tigilan mo na nga ang pag-iisip n'yan, Cassiel," pagkausap niya sa sarili.
Ginulo niya ang sariling buhok. Kapagkuwan ay napabangon siya. Ngayon lang niya
napagtanto, maikli na ang buhok niya.
Kinapa uli ni Cassiel ang buhok. Ang hanggang baywang na buhok niya, ngayon... Ano
nga ang tawag ng mga tao sa ganoong buhok? Long back? Siyete? Clean cut? Hindi niya
maalala.
Mariin na lang niyang ipinikit ang mga mata at nagmamadaling tumayo at naglakad
papasok sa bahay. Napatigil siya nang mapatapat sa salamin ng pinto. Dahil sa patay
na ilaw sa loob at ang ilaw lang sa labas ng bahay ang mayroon, kitang-kita tuloy
ang kanyang hitsura.
Walang pinagbago sa tangkad at pangangatawan niya. Mataas at maganda pa rin ang
hubog niyon. Wala ring ipinagbago ang mukha niya. Singkit at tila laging nakangiti
ang kanyang mga mata, matangos ang ilong, at manipis ang mga labi. Pero ang buhok
niya, maiksi na talaga iyon.
Kung kanina ay nataranta siya, hindi na ngayon dahil nagustuhan din naman niya ang
bagong ayos. Mas bagay rin iyon sa mundo ng mga tao.
Naalala na naman niya ang sinabi ni Mrs. Teng kanina. "Ikaw guwapo na bata."
"Guwapo. Ganito pala ang hitsura ng mga guwapo." Hinimas ni Cassiel ang mukha bago
napaisip. "Ibig sabihin, ang mga guwapo dito sa lupa, malamang mga anghel na tulad
ko rin?" Napailing na lang siya, mukhang nagiging tao na siya sa bawat minutong
lumilipas. Sana nga lang ay makuha na niya ang galaw ng mga tao at hindi mahalata
na nagpapanggap lang siya.
[ 4 Chapter4 ]
-------------------------------

TAHIMIK na nakahiga sa damuhan si Cassiel. Tapos na silang kumain. Natulog na rin


ang mag-asawang Teng at iniwan na siya matapos makipagkuwentuhan. Inisip din ng
mag-asawa na jet lag ang dahilan kung bakit hindi siya kaagad makatulog.
Pero jet lag nga lang ba iyon? Ang totoo ay nami-miss na ni Cassiel ang Tierra
Celes. Doon kasi ay malaya siya. Hindi niya kailangang magtago ng kahit na ano at
gumawa ng kuwento para lang maitago ang kanyang katauhan. He hated that feeling.
Pero kailangan. Hindi lang naman kasi siya ang mapapahamak kundi ang buong Tierra
Celes.
Ang Tierra Celes, ang mundong kinabilangan niya nang napakatagal na panahon. Ang
mundo ng mga anghel—mula kerubin hanggang seraphim at arkanghel. Wala man silang
kaalam-alam sa pisikal na pakiramdam, hindi naman sila napagkaitan ng katalinuhan.
Pero ano ang gagawin niya sa katalinuhang iyon kung hindi naman niya alam kung
paano gamitin?
"Ah, tigilan mo na nga ang pag-iisip n'yan, Cassiel," pagkausap niya sa sarili.
Ginulo niya ang sariling buhok. Kapagkuwan ay napabangon siya. Ngayon lang niya
napagtanto, maikli na ang buhok niya.
Kinapa uli ni Cassiel ang buhok. Ang hanggang baywang na buhok niya, ngayon... Ano
nga ang tawag ng mga tao sa ganoong buhok? Long back? Siyete? Clean cut? Hindi niya
maalala.
Mariin na lang niyang ipinikit ang mga mata at nagmamadaling tumayo at naglakad
papasok sa bahay. Napatigil siya nang mapatapat sa salamin ng pinto. Dahil sa patay
na ilaw sa loob at ang ilaw lang sa labas ng bahay ang mayroon, kitang-kita tuloy
ang kanyang hitsura.
Walang pinagbago sa tangkad at pangangatawan niya. Mataas at maganda pa rin ang
hubog niyon. Wala ring ipinagbago ang mukha niya. Singkit at tila laging nakangiti
ang kanyang mga mata, matangos ang ilong, at manipis ang mga labi. Pero ang buhok
niya, maiksi na talaga iyon.
Kung kanina ay nataranta siya, hindi na ngayon dahil nagustuhan din naman niya ang
bagong ayos. Mas bagay rin iyon sa mundo ng mga tao.
Naalala na naman niya ang sinabi ni Mrs. Teng kanina. "Ikaw guwapo na bata."
"Guwapo. Ganito pala ang hitsura ng mga guwapo." Hinimas ni Cassiel ang mukha bago
napaisip. "Ibig sabihin, ang mga guwapo dito sa lupa, malamang mga anghel na tulad
ko rin?" Napailing na lang siya, mukhang nagiging tao na siya sa bawat minutong
lumilipas. Sana nga lang ay makuha na niya ang galaw ng mga tao at hindi mahalata
na nagpapanggap lang siya.
T3R

[ 5 Chapter5 ]
-------------------------------

PINIGILAN ni Cassiel ang sarili na buksan at amuyin ang bawat paninda sa loob
supermarket. Gusto niyang malaman kung ano ang amoy ng bawat panindang naroroon.
Gusto rin niyang matikman iyon.
Pigil na pigil si Cassiel. Ngunit sa una lang iyon. Dahil sa katagalan ay umabot na
siya ng isang produkto at inamoy. Hanggang sa nasundan pa nang nasundan at
nasundan. Napatigil lang siya sa ginagawa nang marinig ang bahagyang pagtawa ni Mr.
Teng.
"Ikaw parang bata." Kinuha ng matanda ang hawak niyang canned tuna. "Ito hindi mo
amoy laman kasi nasa loob siya lata. Ikaw dapat bukas muna ito."
"Nasaan ho ang pambukas?" inosenteng saad niya bago natigilan. Naalala kasi niyang
nasa supermarket nga pala sila at kailangan muna nilang bilhin iyon.
Ngunit hindi na niya binawi ang sinabi dahil napagkamalan naman ng mag-asawa na
nagbibiro lang siya.
"Ikaw galing biro, ha." Tinapik ni Mr. Teng ang balikat niya. "Halika na at dami pa
tayo bili. Dapat ikaw alam kung ano puwede mo gamit 'pag ikaw luto. Kasi iba gamit
mo ibang bansa hindi mo bili dito."
Napatango na lang si Cassiel. Ilang beses silang nagpaikot-ikot sa loob ng
supermarket. Itinuro din ni Mrs. Teng kung ano ang magandang gamitin sa bawat
putahe. Si Mr. Teng naman ay binilinan siya sa kung paano mamili ng mga sariwang
isda at karne.
Marami pang itinuro ang mag-asawa kay Cassiel sa pamimili hindi lang sa supermarket
kundi sa palengke na rin. Sinabi rin ng mga ito na kung hindi niya gustong mamili
sa palengke, puwede rin naman sa supermarket. Ang pagkakaiba nga lang, hindi niya
matatawaran ang presyo ng pagkain sa supermarket. Wala namang kaso iyon sa kanya.
Nasa kalagitnaan na sila ng daan papunta sa cashier nang makasalubong nila ang tila
hihimatayin na babae. Maliksing dinaluhan ito ni Cassiel bago pa man lumugmok sa
lapag.
"Ayos ka lang ba, Miss?" Inalalayan niya ang babae upang makatayo.
Sapo ang noong tumango lang ang babae.
"Sigurado ka ba?" may pag-aalalang tanong ni Cassiel. "Namumutla ka kasi. Medyo
malamig din ang mga kamay mo. At saka—"
"Ayos lang ako." Hinawi ng babae ang kamay niya na nakaalalay rito. "You don't need
to tell me what's wrong with me dahil alam kong kulang ako sa tulog at hindi pa
kumakain. Iyon lang iyon. Kaya salamat at puwede mo na akong iwan."
Natahimik naman si Cassiel. Iyon ang unang beses na nakasalamuha siya ng ibang tao
bukod sa mag-asawang Teng. Iyon din ang unang beses na nakasalamuha niya ang isang
galit na tao. Bukod pa roon, naisip niya ang sinabi ng babae. Ganoon nga kaya ang
nangyayari kung hindi siya makakakain at makakatulog nang maayos?
Malamang ay ganoon nga, Cassiel. Hindi ba't nahihilo ka na nga kapag kulang ka sa
tulog at hindi ka kumakain?
Napatango na lang siya sa tinig na iyon and reminded himself that he needed to eat
and sleep.
Napatigil lang si Cassiel nang umayos na ng pagkakatayo ang babae at hinawi nito
ang buhok. Melon... Napakurap siya nang masamyo ang amoy ng buhok nito. Pero pangit
yata ang ginawa niyang lantarang pagsamyo dahil hindi na lang ang tinig ng babae
ang galit kundi pati ang hitsura nito.
"Pervert!" Sinampal siya ng babae at nagmamadaling lumayo.
Naiwang tulala si Cassiel. Nais sana niyang habulin ang babae para humingi ng tawad
pero napalingon na lang siya sa mag-asawang Teng nang marinig na nagtawanan ang mga
ito.
"Para ikaw 'yan noon," umiiling na saad ni Mrs. Teng sa asawa at umabrisete rito.
"Ikaw pagkamalan ko bastos kasi ikaw hawak sa buhok ko."
"Kasi buhok mo dati ganda pa." Hinaplos ni Mr. Teng ang nakapusod na buhok ng
asawa.
"Dati ganda 'yan. Ngayon, nipis puti na," malungkot na saad ni Mrs. Teng.
"Maganda pa rin naman." Nakisali na rin si Cassiel sa usapan.
"Ganda pa rin naman talaga," sang-ayon ni Mr. Teng.
"Naku kayo dalawa tigil bola akin, ha. Alam ko gusto mo lang bili ako paborito mo
pagkain." Siniko ni Mrs. Teng ang asawa. "Sabi ko sa 'yo bawal. Kasi sakit tuhod mo
'pag ikaw kain mani. Kaya ikaw 'wag pasaway."
Nagkatawanan na lang sila sa bandang huli dahil mukhang nabuking na si Mr. Teng. Si
Cassiel naman ay hindi maiwasang lingunin ang babae kanina. Hindi kasi niya
maiwasang hindi mag-alala at mapaisip na kung hindi ba siya matutulog, ganoon din
ang mangyayari sa kanya.
Ganoon na nga. Kaya matutulog talaga ako mamaya.
none;�3R?��8
[ 6 Chapter6 ]
-------------------------------

ISANG mahigpit na yakap ang natanggap ni Cassiel sa mag-asawang Teng nang ihatid
niya sa airport dalawang linggo matapos ang pagdating niya sa bahay ng mga ito.
Medyo na-extend ang pananatili ng mag-asawa sa Pilipinas dahil sa kanya. nag-aalala
raw ang mga ito na iwan siya dahil wala pa siyang masyadong alam.
Naalala pa ni Cassiel ang sermon sa kanya ng mag-asawa tungkol sa pagkain.
"Sino luto sa 'yo pagkain noong ikaw nasa ibang bansa?" tanong pa ni Mr. Teng pero
hindi naman na siya hinintay pang sumagot. "Ikaw sanay katulong n'yo o ikaw luto ng
mama mo kaya ikaw hindi alam luto pagkain? 'Tapos ikaw ngayon punta Pilipinas wala
alam luto pagkain." Napapailing na sermon ng matanda habang tinuturuan siya kung
paano tamang lutuin ang mga putahe.
"Ikaw hayaan na Cass." Hinimas ni Mrs. Teng ang likod ng asawa. "Alaga lang 'yan
mama niya kaya siya hindi luto pagkain niya. Ikaw naman na turo sa kanya, 'di ba?"
Tumango na lang si Mr. Teng at kinindatan naman ni Mrs. Teng si Cassiel.
Hanggang sa mga oras na iyon ay napapangiti pa rin siya. Hindi pa kasi doon natapos
ang lahat. Tinuruan din siya ng mag-asawa kung papaano gumamit ng washing machine
at maglinis ng bahay kahit na ba alam na niya kung papaano iyon gawin. Kahit ang
pagmamaneho ay itinuro sa kanya habang itinuturo ng mga ito ang pasikot-sikot ng
buong Kamaynilaan.
At ngayon ang huling test sa kanya ng mag-asawa. Si Cassiel ang nagluto ng almusal
at nagmaneho papunta sa airport nang hindi sinasabi ng mga ito kung saan ang tamang
daan. Mas maaga nga lang silang umalis para iwas sa trapik at sa maaaring kaso ng
pagkaligaw.
"Ikaw, Cass, ingat ka dito." Niyakap siya ni Mrs. Teng. "Mababait tao dito
Pilipinas pero ikaw ingat pa rin sa iba manloloko."
Sunod namang lumapit sa kanya si Mr. Teng. "Ikaw galingan trabaho mo." Tinapik siya
nito sa likod. "Alam ko ikaw galing doktor pero maganda kung ikaw mayroon ganda
relasyon sa mga katrabaho mo. Alam ko din ikaw bait na tao, kaya iingat ka doon sa
mga maiinggit."
"Opo." Napangiti na lang si Cassiel. Hindi rin niya napigilan ang pangingilid ng
mga luha. Pakiramdam kasi niya ay nagkaroon siya ng instant na mga magulang ngunit
kinuha rin kaagad sa kanya.
"Naku, ito Cass, iyak pa." Hinaplos ni Mrs. Teng ang pisngi niya. "Ikaw ganda
lalaki, laki-laki pa tao ikaw iyak." Niyakap pa siya ng matanda.
Natawa na lang si Cassiel at mahigpit na niyakap ang mag-asawang Teng bago tuluyang
nagpaalam. Hinintay muna niyang makapasok sa loob ng airport ang dalawa kasama ang
isa sa mga nagsundo rito na tauhan daw ng mga anak ng mag-asawa.
Gusto sana niyang ihatid ang mag-asawa pabalik sa Hongkong pero hindi naman maaari
dahil bukas na ang simula ng pagpasok niya sa ospital bilang si Doktor Cassiel San
Gabriel na isang pediatrician.

[ 7 Chapter7 ]
-------------------------------

Napabalikwas si Emie nang marinig ang pagtunog ng alarm clock. Dali-dali niyang
hinablot ang roba na nakapatong sa upuan. Hindi niya alintana kung hindi siya
nakatulog nang sapat, basta kailangan na niyang gumising para makapaghanda ng
almusal para sa kanyang mag-ama.
Papasok na kasi sa trabaho ang asawa niya, engineer ito sa isang kilalang
construction firm habang ang nag-iisa nilang anak na lalaki ay papasok na sa
eskwelahan; nasa kindergarten na ang bata. Sabay na pumapasok ang mag-ama, feeling
kasi ng anak nila ay papasok din ito sa trabaho. Nais na raw magtrabaho ng bata
para hindi na kailangan pang magtrabaho ni Emie at mag-stay na lang sa bahay para
hindi raw mapagod.
Manang-mana ang anak ni Emie sa ama nito. Hindi lang sa ugali kundi sa hitsura.
Kuhang-kuha ng bata ang maamong mukha ng ama at ilang mannerisms.
"Gareth, gising na anak." Kumatok si Emie sa pinto ng kuwarto. Alam niyang tama
nang panggising iyon sa anak niya dahil may sarili din naman itong alarm clock.
Ang asawa naman niya na si Gary ay maagang gumigising para mag-ehersisyo at mag-
jogging. Health buff ito kaya mukha pa ring bata sa edad na treinta y uno.
Pagdating ni Emie sa kusina, naghiwa na kaagad siya ng bawang at inihanda na ang
kanin na isasangag. Inilabas na rin niya ang hotdog at itlog at nag-toast ng
tinapay. Halos treinta minutos lang ay tapos na siyang magluto.
Sinipat niya ang relo. Hindi pa rin bumababa si Gareth. Hindi pa rin dumarating si
Gary. Lumapit na siya sa hagdan at tinawag na uli ang kanyang anak.
"Gareth, anak, are you done taking a bath?" tawag uli niya sa bata. "You'd better
be, little man or I'll spank you if you're still sleeping," natatawang dugtong pa
ni Emie. Ngunit hindi naman niya sineseryoso ang pagpalo sa anak. Kailan man ay
hindi nila pinagbuhatan ng kamay ang anak.
Sunod namang nilingon ni Emie ang front door. Dapat ay naroroon na ang asawa niya.
Pero ilang minuto na ang lumilipas ay wala pa rin ito. Naisip niyang napakuwento
marahil si Gary sa mga kapitbahay. Palagi kasi itong may trabaho kaya bibihira nang
makita ang mga kapitbahay sa subdibisyon.
Imbes na hintayin ang mag-ama, nahiga muna siya sa sofa at hinintay na bumaba ang
dalawa. Gigisingin naman siya ng kahit sino sa kanyang mag-ama kung sino ang unang
makakita sa kanya.
Once she felt comfortable on the sofa, she closed her eyes and drifted off to
sleep.
Napabalikwas lang si Emie nang makarinig ng pagkabasag ng salamin at banggaan ng
metal sa metal. Naisip kaagad niya ang kanyang mag-ama at tumakbo sa kusina.
Naabutan niyang naroroon pa rin ang inihanda niyang almusal at walang bawas. Sunod
niyang tiningnan ang garahe nila, hindi na niya nakita ang kotse, marahil ay
pumasok na ang asawa at anak niya.
Nang hindi nag-aalmusal? tanong niya sa sarili pero naisip din na marahil ay pareho
nang late nagising ang kanyang mag-ama kaya hindi na kumain.
Minabuti na lang ni Emie na maglaba ngayong rest day niya. Inuna niyang daanan ang
kuwarto ng kanyang anak. When she entered her son's room, maayos iyon. Ngunit ang
ipinagtataka niya, wala siyang makitang labahin. Hindi niya alam kung bakit pero
dinunggol ng kaba ang kanyang dibdib. Sunod naman niyang pinuntahan ang master's
bedroom, at sa pagbukas ay lalo siyang kinabahan. Magulo sa parteng hinigaan niya
ngunit ang kabila...
Isa-isang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ni Emie. Ibinagsak niya ang katawan sa
kama at pumikit, saka unti-unting nilamon ng realidad ang isip niya—nag-iisa na
lang pala siya.
Wala na nga pala ang mag-ama niya.
Muli niyang iminulat ang mga mata dahil mas malala pa ang mga alaala na nakita niya
sa isipan. Ang alaala kung papaano sila binangga ng isang bus habang papauwi noon
sa probinsiya para sa araw ng mga patay.
Binangga ng bus ang kaliwang bahagi ng kanilang sasakyan. Napuruhan si Gary habang
si Gareth ay tulog sa likuran ng sasakyan. Ang akala ni Emie ay tulog pa rin ang
anak nila nang magkaroon siya ng malay, pero ang sabi sa ospital, nagkaroon ng
malaking trauma ang utak ng bata at hindi na naagapan dahil tulog ito at tuluyan
nang hindi nagising.
Si Gary naman ay saglit lang na nagkaroon ng malay pero nakatulog din kaagad.
Nakita pa ni Emie na gumising itong muli habang nasa operating room. Ngumiti si
Gary, inabot ang kamay sa kanya, at hinalikan iyon bago pumikit.
Ang akala ni Emie ay sadyang pinatulog ito ng mga doktor pero...
"Gary..." nasambit na lang niya habang patuloy na lumuluha.
Namatay na noon si Gary. Tumusok kasi ang isang parte ng kotse sa dibdib nito at
natamaan ang baga. Naka-survive daw sana si Gary kung natanggal kaagad ito sa
kinalalagyan sa kotse. Nakakagulat pa nga raw na saglit pa itong nagkamalay
pagdating sa ospital. It was as if he was waiting for her to see him one last time.
Si Emie ay nagtamo lang ng pilay sa kanang braso, ilang bugbog sa kanang dibdib at
balikat, at ilang tahi sa ulo.
Ang buong durasyon ng pagpapagaling niya at ang pagsampa ng kaso sa bus line ay
tila hangin na lumipas lang sa harap niya. Ibinurol at inilibing ang kanyang mag-
ama. Umusad ang kaso at nanalo siya. Naghilom na ang mga pisikal na sugat ni Emie
pero sa buong durasyon ng lahat ng iyon, wala siyang ano mang maramdaman.
Minsan ay nais na lang niyang manatiling pagod at tulog at hindi na gumising pa.
Dahil tuwing gigising siya, palagi niyang natatagpuan ang sarili sa nakaraan. Na
para bang walang nangyari at mapapaluha na lang siya tuwing matatanto na wala na
pala ang mag-ama niya.
Kaya naman ganoon na lang ang pasasalamat ni Emie nang payagan na siya ng ospital
na pinagtatrabahuhan na pumasok na uli. After all, she was fit to work. At
kailangan na rin niya iyon para maalis kahit paano sa isipan niya ang lungkot na
nararamdaman at matutulog na lang siya sa sobrang pagod.
Sa ganoon ding paraan, wala na siyang panahon para isipin pa ang nangyari sa
kanyang mag-ama. Hindi man kasinghimbing tulad ng dati ang kanyang pagtulog, sapat
naman iyon para makapagpahinga ang puso niyang umaasa pa rin na sana ay hindi totoo
ang lahat.

[ 8 Chapter8 ]
-------------------------------

NAMAMANGHANG inilibot ni Cassiel ang paningin sa paligid ng ospital. Namamangha


siya sa mga tao at pasyenteng lumalabas at pumapasok nang nakangiti. Nalulungkot
naman siya sa mga taong nakaringgan niya ng malulungkot na balita. Parang nais
niyang tulungan ang bawat isa.
"Doc San Gabriel?"
Napalingon si Cassiel sa direktor ng ospital na kasalukuyang nagtu-tour sa kanya.
"I'm sorry, Sir. I'm just... watching people."
"And?" napapangiting saad ni Director Rances. "I can hear an 'and,' Doc."
Bahagyang natawa si Cassiel. "Halata ba, Sir?"
Natawa rin ang direktor.
"I just can't help it. Parang gusto ko silang lapitan, tanungin kung ano'ng
kailangan nila at gamutin ang bawat sakit nila."
Maaari naman, Cassiel. In case of emergency nga lang, anang boses ng Keeper.
Maraming emergency dito.
Napailing na lang si Cassiel. Oo nga at may kapangyarihan siya ngunit talagang for
emergency purposes lang iyon. At tatlong beses lang iyon puwedeng gamitin. Kapag
ginamit pa niya ang kapangyarihan sa ikaapat na beses, mawawalan ng saysay ang
ginagawa niyang pagsubok sa mundo ng mga tao.
Naroon siya para sa pagsubok na ibinigay sa kanya. Sa loob ng isang taon, kailangan
niyang matapos ang pagsubok at sa kanyang pagbalik sa Tierra Celes ay magiging
ganap na arkanghel na siya. Ang pagiging arkanghel ang pangarap ng bawat anghel sa
Tierra Celes. Ngunit kaakibat niyon ang pagsubok na manatili sa mundo ng mga tao.
Kasabay ng pananatili nila sa mundo ng mga tao ay kailangan nilang maranasan kung
paano maging tao. Dahil oras na maging arkanghel sila, hindi na lang sila basta
tagamasid sa mundo ng mga tao, madalas na rin silang bababa roon upang pigilan ang
masasamang nilalang o mas tamang sabihin na mga "tao ng dilim."
"Doc San Gabriel, 'wag mo sanang masamain, pero nais ko lang itanong kung bakit mo
piniling dito magtrabaho gayong mukha namang maganda ang buhay mo sa ibang bansa?"
tanong uli ni Director Rances habang patuloy nilang iniikot ang unang palapag ng
ospital.
Ngumiti si Cassiel. "Sabihin na lang natin na... gusto kong makita ang sinasabi ng
tatay ko na maganda rin ang Pilipinas."
"But to work here?" Napailing na lang si Director Rances. "Habang ang ilan umaalis,
ikaw na lumaki at may maganda nang disposisyon sa ibang bansa, ikaw pa ang nais
manatili dito. Iba na talaga ang mundo ngayon."
"May iba-iba rin ho siguro tayong dahilan," paliwanag pa niya. "They have a family
to support, habang ako, masaya na akong makapagbigay lunas sa kahit kaninong
nangangailangan dahil tulad ng sinabi ninyo, maganda na ang buhay ko. Isn't it just
right that I should give what I have instead of receiving something that I already
have?"
Tumango-tango na lang si Director Rances.
Napahinga nang malalim si Cassiel. Tulad ng sinabi sa kanila ng Keeper bago sila
hayaang pumunta sa kanilang misyon, may magtatanong at magtatanong ng dahilan kung
bakit sila naroroon. Totoo ang dahilang sinabi ni Cassiel kay Director Rances,
maliban nga lang sa kanyang totoong pinagmulan.
Napatigil siya sa paglalakad nang mapatingin sa bintana ng nadaanan nilang silid.
Nasa loob ang mga kapapanganak pa lang na sanggol.
At isa sa mga araw na ito, sila ang magiging pasyente mo.
Bahagyang napangiti si Cassiel at napahawak sa bintanang salamin. Para namang
naramdaman ng isang partikular na sanggol na naroon siya dahil tumigil sa kaiiyak
at kakagalaw, pagkatapos ay tumingin pa sa kanya na wari siyang nakikita.
Noon naman lumapit ang nurse na nasa loob. Bahagya lang umiling si Cassiel upang
hindi na buhatin pa ng nurse ang sanggol. Sunod naman siyang napatingin sa tabi
niya nang tabihan siya ng isang babae.
Baka siya ang mommy. Ngumiti na lang siya. "Sino ho ang baby n'yo diyan, Misis?"
Hindi naman sumagot ang babae ngunit tumingin sa kanya. Muntik-muntikan nang
haplusin ni Cassiel ang mukha ng babae kung hindi lang niya pinigilan ang sarili.
Punong-puno kasi ng kalungkutan ang mga mata ng babae at nais sana niyang haplusin
ito upang kahit papaano ay payapain ang lungkot na nararamdaman nito. Ngunit dahil
nasa mundo siya ng mga tao, hindi niya maaaring gawin iyon. Alam niyang hindi
tamang basta na lang hawakan ng isang estranghero ang kahit na sino. He even
learned it the hard way.
"Ayos ka lang ba, Misis?"
"Ano'ng problema, Doc San Gabriel?"
Halos magkapanabay ang pagtatanong na iyon ni Director Rances at Cassiel kaya hindi
malaman ni Cassiel kung kanino ibabaling ang ulo.
"Wala naman ho," sagot ni Cassiel kay Director Rances bago muling bumaling sa
babae. "Tinatanong ko lang si Misis kung sino rito ang baby niya."
Si Director Rances naman ay ibinaling ang tingin sa babae bago malungkot na
ngumiti. "Emie, I see you've met Doctor San Gabriel. Sa kanya ka ngayon maa-assign.
Sa pedia ka ngayon naka-duty."
Tumango lang ang babaeng tinawag na "Emie" bago yumukod sa kanya at inilahad ang
kamay. "It's nice to meet you, Doc. I'll be under your care, Doc. Please take care
of me."
Bahagya ring yumukod si Cassiel bago inabot ang kamay ni Emie. "It's nice to meet
you, too. Pero sa tingin ko, ikaw ang dapat mag-alaga sa akin. Since bago ako, ikaw
na ang bahala sa akin, ha." Ngumiti pa siya.
"S-sige, Doc," ani Emie, saka mabilis na binawi ang kamay.
"So, paano," putol ni Director Rances sa kamayan ng dalawa. "Emie, ikaw na muna ang
bahala kay Doc San Gabriel. Mauuna na ako," anang direktor, saka bumaling kay
Cassiel. "Pasensya na, Doc, sa ngayon ay maiwan muna kita at may gagawin pa ako."
"Sige lang ho. Maraming salamat uli sa pagtanggap sa akin." Hinintay muna niya na
tuluyang makalayo si Director Rances bago hinarap si Emie. "So, saan tayo sunod?"

[ 9 Chapter9 ]
-------------------------------

PINIGILAN ni Emie ang sarili na tanungin si Doctor San Gabriel kung doktor nga ba
talaga ito. Sa hitsura kasi ay parang malayo itong maging doktor. Mas mukha itong
businessman... o modelo.
Matangakad si Doc San Gabriel, halos umabot lang siya sa dibdib nito. Those droopy
eyes, aristocratic nose, bow-shaped lips, all his square face. Kahit sinong babae
na makakita sa doktor ay mapapatulala at mapapaisip na para itong anghel sa
kalangitan at bumaba lang sa lupa.
Mabilis na umiling si Emie upang palisin ang mga iniisip. Para siyang biglang
bumalik sa pagiging teenager. For goodness' sake, nagkaanak na siya. Nawala na nga
sa kanya, 'di ba?
Dahil doon ay muling bumalik sa realidad ang isipan niya at ibinalik ang atensiyon
sa tanong ni Doc San Gabriel kung saang bahagi ng ospital niya ito sunod na itu-
tour. "Kayo, Doc, kung saan ninyo gusto."
"Kung okay lang sa 'yo na i-tour pa ako, ayos din lang sa akin. Pero kung—"
"Sige po, dito po tayo," yakag kaagad ni Emie sa doktor kahit na hindi pa tapos
magsalita. Nag-iwas siya ng tingin nang ngitian siya nito
Isa-isa niyang itinuro ang pasilidad ng ospital na nadadaanan nila. Ipinakilala rin
niya si Doc San Gabriel sa ilang nurse at doktor na nakasalubong nila. Tahimik ang
paligid nang bumaba sila sa basement kung saan naroon ang morgue.
Ayaw sanang magtagal doon ni Emie ngunit parang nakuha ng morgue ang interes ni Doc
San Gabriel. Nais yatang kilalanin ng doktor ang bawat katawan na naroroon dahil
pumasok pa ito sa loob habang naiwan siya sa labas. Iyon talaga ang pinakaayaw
niyang parte ng ospital. Tahimik na nga kasi sa ospital, dumoble pa ang tahimik sa
morgue.
Naipikit na lang ni Emie ang mga mata nang maalala ang huli niyang pagpasok sa loob
ng morgue. The last time was when...
"Emie," bulong ng tinig sa tainga niya.
"Ay! Nabuhay ang mga patay!" napasigaw na saad niya at mabilis na napalingon.
"Doc!" naiinis na tawag niya kay Doc San Gabriel.
"Bakit?" patay-malisya namang saad ng doktor.
"Bakit n'yo ginawa iyon?" may inis pa ring saad ni Emie at nagsimula nang maglakad
palayo.
"Wala naman." Umagapay ang doktor sa paglalakad niya. "Napansin ko lang kasi na
parang iiyak ka. Puwede mo bang sabihin kung bakit? Baka makatulong ako."
Tumigil siya sa paglalakad. "Doc, ang trabaho n'yo po ay pagalingin ang mga tao,
hindi buhayin ang mga patay."
"Puwede rin akong bumuhay ng patay," mukhang nagbibirong saad nito.
"Mga matagal nang patay? Kahit iyong nakalibing na?" sarkastikong sabi niya.
Biglang natigilan si Emie nang mapagtanto ang mga sinabi. Hindi kasi tamang kay Doc
San Gabriel niya ibunton ang nararamdaman niya sa pagkawala ng kanyang mag-ama.
Kung tutuusin pa nga ay mabait at maalalahanin ang doktor para mapansin na may
dinaramdam siya. Isa pa, wala naman itong alam sa nangyari sa pamilya niya.
Akmang hihingi siya ng paumanhin kay Doc San Gabriel nang ipatong nito ang kamay sa
ulo niya. "Ayos lang, you don't need to answer my question and I'm sorry for saying
that. I know it's a bad joke at mukhang malalim ang pinaghuhugutan ng lungkot mo."
Ngumiti pa ang doktor sa kanya bago pinadulas ang kamay sa pisngi niya. "You can go
back. Alam ko naman na ang pabalik. Maglilibot-libot lang muna ako."
Tinapik nito ang balikat niya, saka nauna nang maglakad. Hindi na siya
nakapagsalita pa. Para kasing biglang kumalma ang kanyang pakiramdam. Noon lang
niya naramdaman iyon. Mula nang mamatay ang mag-ama niya, wala siyang naramdaman
kundi lungkot at pagkamanhid.
Napahawak na lang si Emie sa pisngi na hinaplos ni Doc San Gabriel at napatanong sa
sarili, Dok, mukhang nakakabuhay ka nga, anong klaseng kapangyarihan mayroon ka?
Napahinga na lang siya nang malalim. Pati ang pagiging makulit niya ay lumalabas na
rin. Ano ba kasing ginawa ng doktor na iyon sa kanya?
Umiling na lang siya at bumalik na sa nurse station para ipagpatuloy ang trabaho
niya.

[ 10 Chapter10 ]
-------------------------------

Naitirik na lang ni Emie ang mga mata nang marinig na naman ang asaran ng mga
kasama. Naka-duty sila sa nurse station ng pediatrics ward at mula nang pumasok
siya nang araw na iyon ay hindi na siya tinantanan ng mga kasamahan.
Bakit? Dahil lang sa simpleng dahilan na siya ang nag-tour kay Doc San Gabriel at
sa halos isang linggong lumipas ay siya at siya ang hinahanap ng doktor. Hindi
naman niya alam kung bakit.
Sinulyapan ni Emie ang mga kasama niya. "Tumigil na kayo, hindi na ako natutuwa."
Kasabayan niyang pumasok ang mga iyon sa ospital. Ang iba pa nga ay kaklase at
kaibigan niya noong college. Kaya naman makakapal ang mukha ng mga mokong na
lokohin siya.
"Kunwari ka pa, Emie." Bahagya pang binangga ni Queen ang braso niya. "if I knows
kinikiligs ka na nang bonggas." Tumawa ito.
"Queenie, tigilan mo ako. Pasaway ka din, 'no?" Inirapan niya ang kaibigan. "At
saka manahimik nga kayo. May mga interns, o."
"Naku, fan club n'yo nga 'yan, eh." Pabiro siyang itinulak ni Queen.
Sa pagkakataong iyon ay gumanti na si Emie ng tulak sa kaibigan. "Ano ka ba?"
napapailing na saad niya. "Alam mo naman kung ano ang nangyari sa akin. Wala na
akong balak na ma-in love o ma-link sa kahit na kanino, okay? Besides, mamaya may
jowa na palang tunay si Doc San Gabriel."
"Wow, Doc San Gabriel pa," hirit naman ni Nikka, na Nikko sa tunay na buhay. "May
pormal-pormalan pang epek. Eh, tinulungan ka nga ni Doc na ma-overcome ang new-
found fear mo sa morgue dahil nag-date na nga kayo do'n no'ng first day ni Doc."
"Saan mo naman nalaman 'yan, bakla ka?" tanong ni Emie kay Nikko. "May
pagkatsimisera ka din, 'no?"
"Naman," tila proud pang saad ng gaga. "Bakit mo pa ba siya tinatawag na 'Doc San
Gabriel'? Kami nga, tawag na lang namin sa kanya Doc Cass. Lakas makababae ng
name," napalabing saad ni Nikko.
"Inggit ka naman?" tuya ni Emie sa kaibigan na tinanguan naman nito. Natawa na lang
silang lahat. "Kasi kayo, wala kayong galang. Ako, marunong pa naman ako n'on."
"Loka!" Pabiro siyang sinabunutan ni Queen. "Ewan ko kung naramdaman n'yo iyon
kapag kasama n'yo si Doc Cass, ha. Pero ako kapag katabi ko si Doc, parang ang
gaan-gaan ng feeling ko. Parang wala akong problema. Kumbaga biglang nagliliwanag
ang isipan ko at nakakaisip ako ng paraan para ma-solve ang problema ko."
Ang ilan namang kasama nila ay sumang-ayon din at siyempre patatalo ba si baklang
Nikko? Siyempre hindi.
"Ako din, mga bakla," tila nasa alapaap pang saad ni Nikko. "Kapag kasama ko si
Doc, pakiramdam ko, babae na ako at siya ang prinsipe ko. At ano mang sandali—"
"Nikko, tama na ang pantasya," putol ni Emie sa paglilitanya ng bading. "Need ng
nurse sa room 507. Baka gusto mong silipin." Natawa na lang siya nang lumabi ang
bading pero umalis na rin.
"Gaga ka talaga," tampal ni Queen sa kanya. "Embey ka ba kay bading? Nagseselos ka
ba dahil feel na feel niya si Doc Cass?"
"Loka. Hindi, 'no! Trip ko lang talagang basagin si bakla. Pero alam mo naman iyon,
hindi titigil. Pagbalik n'on may continuation pa iyon."
"I know!" Nagtawanan sila ni Queen. "Pero, hindi nga. Hindi ka ba nakaramdam ng
ganoong peace kapag kasama mo si Doc Cass?"
Natigilan naman si Emie. "Hindi ko alam," mayamaya ay sagot niya. "Kapag kasama ko
kasi si Doc, medyo umiiwas ako ng tingin, eh."
"Shy ka kay Doc? May hidden desire ka, 'no?"
"Hindi, ang laswa mo talagang gaga ka." Pabirong itinampal ni Emie ang clipboard
kay Queen. "I mean, kapag napapatingin kasi ako kay Doc, pakiramdam ko, nababasa
niya kung ano ang iniisip ko, nararamdaman ko, pati iyong mga ibig sabihin sa likod
ng mga sinasabi ko. It's as if, he knows everything that has happened and is
happening in my life."
Sa pagkakataong iyon ay si Queen naman ang natahimik. Nakatingin lang ito sa kanya
na tila ba may sinabi siyang kakaiba. Kahit siya ay natahimik din sa mga nasabi.
Noon lang din kasi niya napag-isipan ang mga nararamdaman tuwing naririyan si Doc
San Gabriel.
"Mare," mayamaya ay sabi ni Queen. "Tatlo lang 'yan. Kung wala kang hidden desire
kay Doc, type mo siya. O both."
Isang masamang tingin ang ibinigay ni Emie kay Queen na dali-daling lumabas ng
nurse station at kumaway. Kahit kailan talaga ang mga kaibigan niya. Ngunit wala
man sa tatlong sinabi ni Queen ang nararamdaman niya para kay Doc San Gabriel,
hindi niya maipagkakailang katulad kina Nikko, Queen, at ng iba pa ang nararamdaman
niyang kapayapaan sa puso tuwing kasama niya si Doc San Gabriel. Na para bang ano
mang oras ay puwede niya itong lapitan at hingahan ng nararamdaman. And that made
her ask herself, was this a good thing or not?

[ 11 Chapter11 ]
-------------------------------

"NASAAN na si Magandang Emie?" saad kaagad ni Nikko pagpasok pa lang nito sa nurse
station. Tuloy ay nagkasabay-sabay na naman ang pag-angat ng ulo ng ibang nurse at
interns na naroon. Nadugtungan pa iyon ng pang-aasar dahil sa sunod na sinabi ni
Nikko.
"Madame, sa 'yo na ang korona ng diyosa ng mga diyosa." Kunwari ay may ipinatong pa
itong korona sa ulo ni Emie. "Tama na ang pagkakabayani sa trabaho. Lunch break mo
na, 'di ba? At ang prinsipe mo ay naghihintay na sa canteen."
Sabay-sabay namang impit na nagtilian ang mga kasamahan ni Emie sa nurse station.
"Nikko, sabihin mo na nga nang deretso kung ano talaga ang ibig mong sabihin."
Inirapan niya ang kaibigan bago nagpatuloy sa ginagawa. "Hey, akin na 'yan!" aniya
nang hablutin ni Nikko ang kanyang ginagawa.
"Lunch break mo na, hija," nakapamaywang pang saad ng bading. "Alam kong lunod ka
sa pagluluksa mo, hindi naman masama na lunurin mo ang sarili mo sa trabaho. Pero
baka lang gusto mo ring i-try na lunurin ang sarili mo sa pagkain. Try mo lang,
baka maligayahan ka, lalo na kung makakasama mo si Doc Cass," tila kinikilig pang
saad nito at hindi pa nakapagpigil at bahagya siyang hinampas ng papel na hawak.
"Ano?" gulat namang saad ni Emie. "Naku, Nikko, ha. Hindi nakakatuwa ang biro mong
'yan."
"Mukha ba akong nagdyo-joke? Nahu-hurt naman ako, lola." Humawak pa si Nikko sa
dibdib na animo nasaktan.
"Hindi naman kasi nakakatuwa talaga." Umiling si Emie at hinablot ang ginagawa mula
kay Nikko. "At kung totoo man ang sinasabi mo, hindi magandang tingnan sa babaeng
may asawa—"
"Biyuda de diyosa, 'kamo," putol nito sa sinasabi niya pero hindi niya pinansin.
"...na kumain mag-isa kasama ang doktor habang kamakailan lang nangyari ang
aksidente."
"Kamakailan? Friend, halos mag-iisang taon nang wala sila." Itinirik pa ni Nikko
ang mga mata. "Hindi ka makaka-move on kung hahayaan mong ganyan ka lang."
"Ayaw ko naman kasing mag-move on," mabilis na sagot ni Emie.
Saglit silang nagtitigan bago sumuko si Nikko. "Fine. Pero kung lagi mo kasing
inaalala ang masakit na pangyayari—"
"Ano'ng gusto mong gawin ko, kalimutan ko?" walang ganang saad niya na ikinatahimik
ng lahat. Naiyuko na lang tuloy niya ang ulo.
"No one said that."
Mabilis na napaangat ang ulo ni Emie sa biglang pagsingit ng tinig na iyon. Iyong
pamilyar na malamyos at nagpapakalmang tinig. "Doc San Gabriel."
"Doc Cassiel na lang," nakangiti pang saad ng doktor bago tuluyang pumasok sa nurse
station. "Ang tagal mong bumaba kaya sinundo na kita. Tara kain na tayo. Ayaw
nilang sumabay sa akin kaya naghahanap ako ng makakasama. Nikko said that it's your
break time and that's why I'm asking you to come with me."
Isang masamang tingin naman ang ibinigay ni Emie kay Nikko. Paano pa siya
makakatanggi ngayon sa butihing doktor kung sinundo pa siya nito?
"Go na, girl. Pagkakataon mo na 'to," bulong ni Nikko sa kanya.
"Tumigil ka nga. Kasasabi ko lang, 'di ba, na—"
"I know." Muli nitong itinirik ang mga mata. "Pero hahayaan mo bang mapunta sa
matutulis na kuko ng mga haliparot ng ospital na ito ang ating malaanghel na
doktor?"
Napasulyap naman si Emie kay Doc Cassiel na tahimik lang na naghihintay sa isang
tabi at nakapamulsa sa suot na lab gown. Hindi niya alam kung totoo ba ang nakikita
na mukha ngang anghel ang doktor dahil sa tama ng ilaw sa likod nito na lumikha ng
tila halo sa ulunan nito. Idagdag pa ang maamong mga mata na tila nagsusumamo na
pumayag na siyang sumabay rito sa pagkain.
No wonder mukha nga siyang anghel. "Sige na nga. Halika na, Doc." Tumayo na si Emie
at lumapit sa doktor.
"Wala kang baon?" palinga-linga pang saad ng doktor sa likuran niya.
"Wala," simpleng sagot niya. Noon ay palagi siyang nagbabaon dahil isinasabay niya
sa paghahanda ng baon para sa kanyang mag-ama.
"It's a good thing that I brought some." Mula sa likuran ay ipinakita ng doktor ang
dala nitong pagkain. "Kaya tara na."
Hindi na siya nakatanggi pa nang hawakan na ni Cassiel ang kamay niya at yakagin
siya palabas ng nurse station.
Hindi malaman ni Emie kung paano itatago ang mukha dahil pinagtitinginan sila ng
mga tao. Hawak pa rin kasi ni Cassiel ang kamay niya habang pababa sila sa canteen.
Hindi naman niya magawang kumawala sa pagkakahawak nito dahil kahit na
pinagtitinginan sila ng mga tao, hindi niya maramdaman na may mali sa pagkakahawak
ng mga kamay nila. Mas kalmado pa nga ang pakiramdam niya.
Pagdating sa canteen ay naupo kaagad sila sa bakanteng mesa. Akmang tatayo si Emie
para bumili ng pagkain nang pigilan siya ni Cassiel.
"Bibili lang ako, Doc," aniya at tumingin sa magkahawak nilang kamay.
"I told you to join me." Ipinatong nito sa mesa ang bitbit na lunch box.
Napangiti na lang si Emie nang mapansin na ang laki ng baunan nito. "Ang laki ng
baunan mo, Doc. Hindi ka naman siguro ganyan karami kumain?"
"Bakit?" bahagyang nakangiti pang saad ni Cassiel. "Kaya kong ubusin 'to. Masama
ang mag-aksaya ng pagkain. But since kasalo kita, hati na lang tayo."
"Bibili na lang ako."
"Huwag na. Kain na tayo. Nagugutom na rin ako." Hinatak siya ni Cassiel kaya
napaupo uli siya sa tabi nito.
Nginitian siya nito, pagkatapos ay binuksan na ang baunan. Napakunot na lang ang
noo niya nang makita ang laman.
"Doc, sigurado ka bang makakain natin 'to?"
"Bakit naman hindi?"
Napabaling na lang si Emie kay Cassiel at nanlaki ang mga mata nang sumubo na ang
doktor ng pagkaing dala gamit ang tinidor.
"Kain na." Inilagay nito ang kutsara sa kamay niya. "Masarap 'yan. Adobo."
Muling ibinalik ni Emie ang tingin sa pagkain. Sobrang itim kasi niyon. Parang
galit sa toyo ang nagluto. Pikit-mata na lang siyang sumubo ng pagkain dahil
mukhang hinihintay talaga ni Cassiel na sumubo siya.
Bahagya siyang napangiwi. "Medyo maalat." Iyon naman talaga ang totoo. Para sa
kanya na pantay ang panlasa, medyo maalat ang adobong dala ni Cassiel. Pero para
dito ay parang tamang-tama ang lasa niyon. Kitang-kita kasi ang saya sa mga mata
nito habang sumusubo.
"Hindi naman, ah." Muling sumubo si Cassiel ng pagkain.
"Maalat para sa akin. Pero siguro sa 'yo ay tama lang, Doc." Nagkibit-balikat na
lang si Emie at pinagpatuloy na ang pagkain. "Sabihin mo na lang sa nagluto nito na
medyo bawasan ang alat. Baka masobrahan ka naman, Doc, at ikaw pa ang mapasama."
"Okay. Noted." Nginitian siya nito.
"Ikaw ang nagluto?"
Inosente siyang binalingan ni Cassiel bago tumango. "Wala naman akong ibang kasama
to cook for me."
Ibig sabihin, single.
Hoy, Emie. Ano 'yan?
Napailing siya sa mga naisip. "Ang parents mo?" Fishing, Emie? Baka isipin din ng
doktor na 'yan na interesado ka sa kanya. "Sorry I asked, Doc."
"Okay lang." Panay pa rin ang kain ni Cassiel. "Magkasama ang mga magulang ko sa US
ngayon. Ngayon lang ako humiwalay sa kanila. Actually, ayaw nilang umalis ako dahil
kaming tatlo na nga lang daw, maghihiwalay pa kami."
"But you decided to come here?" patuloy na tanong ni Emie at huli na para bawiin
ang katanungang iyon. Para kasi napakadaling kausapin ni Cassiel kaya hindi niya
maiwasang magtanong.
"Yeah." Nagkibit-balikat si Cassiel bago iniurong ang pagkain palapit sa kanya at
inilapag na ang tinidor. "Pumunta ako dito dahil mas marami akong matutulungan dito
kaysa sa US. Marami nang magagaling na doktor doon. Habang dito, nag-aalisan ang
magagaling na doktor. Baka sakaling may maitulong ako pagpunta ko dito."
"Kahit maliit ang suweldo?"
"Maliit ba iyon?" napaisip na saad nito. "Malaki na iyon para sa isang taong
katulad ko. I want a simple life. Kaya hindi ko kailangan ng malaking suweldo."
Mukha namang totoo ang sinasabi ng doktor. Kahit kailan kasi ay hindi ito nakitaan
ni Emie na may cell phone na hawak o kahit anong alahas sa katawan. Ngayon nga ay
nalaman niyang nagbabaon pa ito ng pagkain.
"Sana lahat ng tao, katulad mo."
"Malay mo naman." Ngumiti si Cassiel. "Maraming himala, Emie."
Umiling na lang siya. She stopped believing in miracles when her husband and son
died. Ang inaasahan kasi niyang himala ay hindi dumating noong kailangan niya.
"Bahala ka, Doc."
Bahagya itong tumawa. "Ako naman ang magtatanong. Kanina ka pa nagtatanong."
"Shoot."
"Ikaw, bakit wala kang baon?"
Natawa si Emie. Pero alam niyang may mas malalim pang tanong sa likod niyon. "Iyan
ba talaga ang tanong mo, Doc?"
"Gusto mo bang deretsahin ko?" Inudyukan siya ni Cassiel na kumain pa. "Ubusin mo
na 'yan."
"Bahala ka, Doc. Tingnan natin kung masasagot ko."
"Narinig ko na namatay ang mag-ama mo, are you having a hard time accepting it?"
deretsa ngang tanong nito.
Ganoon nga ba ang nararamdaman ni Emie? Masasabi niyang oo, masasabi niyang hindi.
May pagkakataon kasing naaalala niya ang kanyang mag-ama. May pagkakataon namang
nakakalimutan niya, lalo na kung marami siyang ginagawa.
Kapag marami ka lang ginagawa. Pero kung wala, wala ring tigil ang isipan mo sa
kaiisip sa kanila.
"Who wouldn't?" balik-tanong niya matapos ang ilang segundong pag-iisip.
Bumuntong-hininga si Cassiel. "Bakit? Hindi ba dapat ay maging masaya ka dahil
malaya na sila sa pisikal na sakit? Hindi ba dapat ay umaasa ka na lang na masaya
na sila kung nasaan—"
"Hindi ako nagpunta dito at sumama sa 'yo para pangaralan mo." Tumayo na si Emie.
"Sorry, Doc. Pero kung sasabihin mo na maging masaya ako dahil nag-iisa na lang ako
sa buhay gayong parang bago mangyari ang aksidenteng iyon ay masaya kami, kung
sasabihin ninyong maging masaya na lang ako dahil nasa masayang lugar na sila at
tanggapin ang lahat na parang ganoon na lang iyon kadali, nagkakamali kayo ng
kinausap, Doc. Hindi ko kayang isipin iyon. Hindi ngayon o hindi sa mga susunod na
taon. Ang mabuti pa, Doc, 'wag n'yo na lang akong pakialamanan." Umiling siya.
"Hindi, ang mabuti pa ay kalimutan n'yo na lang ang pag-uusap na 'to para pare-
pareho tayong masaya at tahimik ang buhay."
Pagkatapos niyon ay iniwan na niya si Cassiel na masakit ang dibdib, magulo ang
isipan, at galit na galit. Galit siya sa sarili dahil alam niyang tama ang sinabi
ni Cassiel at naniniwala ang puso niya roon.
Ang problema lang, inuunahan siya ng lungkot na bumabalot sa kanya na ngayon lang
niya napansin. Na ngayon lang niya napagtuunan ng pansin.
Oo, malungkot siya. Pero ngayon lang niya naramdaman ang katotohanang nag-iisa
siya.

[ 12 Chapter12 ]
-------------------------------
"Emie, bakit mo naman sinabi iyon doon sa mag-asawa?" reklamo pa rin ni Nikko kay
Emie habang naglalakad na sila pabalik sa nurse station.
Katatapos lang nilang libutin ang bawat ward sa pediatrics division. At hindi pa
rin matigil si Nikko sa kasesermon kay Emie dahil sa nangyari sa ikatlong private
ward na pinuntahan nila. Nang dalhan kasi nila ng gamot ang pasyente at i-check ang
IV at BP ay hindi napigilan ni Emie na sagutin ang pamilya ng pasyente.
"Ano'ng gusto mong sabihin ko, Nikko?" malakas lang sa bulong na sagot ni Emie. "Na
mabubuhay pa ano mang oras ang anak nila? Alam mo din naman na wala nang kalahating
porsiyento na maaaring mabuhay ang anak nila."
"Pero kailangan bang sabihin mo iyon habang nag-e-emote si mother?" nakatirik pa
rin ang mga matang saad ni Nikko. "Pasalamat ka at wala doon si Doc Laurico, dahil
kung hindi—"
"Hindi naman ako magsasalita kung nandoon si Doc Laurico," tukoy ni Emie sa isa
pang doktor sa pediatrics. "At kilala mo din si Doc Laurico, mas deretsahan sa akin
iyon. Talagang sasabihin n'on na walang pag-asa iyong bata. Na mamatay na iyon ano
mang sandali. Ako, ano ba ang sinabi ko?" balik tanong niya.
Napabuntong-hininga na lang si Nikko bago naupo sa monobloc chair sa loob ng nurse
station. "Naloloka lang siguro talaga ako sa 'yo."
"Ano na naman 'yan, bading?" sabad ni Queen sa usapan. "Nagsimula na naman ba?"
"Sinabi mo pa," walang ganang sagot ni Nikko. "Hindi ko rin naman masisi 'yang si
Madame. After all..."
"I know," sang-ayon naman ni Queen. "Pero sana naman, 'wag nang idamay pa ang
pasyente."
"Excuse me naman sa inyong dalawa, 'no. Nandito naman ako. Katok-katok din 'pag may
time," napailing na lang na singit ni Emie sa usapan ng dalawa.
"Don't worry, friend. Pilit kong iniintindi." Sinapo pa ni Queen ang ulo nito. "I
know it's still fresh pero 'wag nang idamay ang iba sa paniniwala mo na walang
miracle sa mundo."
"Dahil mayroon pang himala." Biglang tumayo at sumigaw si Nikko. "Nasa atin ang
himala! Kung maniniwala ka sa himala, magkakaroon ng himala. Nikko Marco, may
himala sa ospital," pagtatapos nito at yumukod pa.
Napailing na lang sina Queen at Emie. Aaminin ni Emie na mula nang mangyari ang
aksidente, kinalimutan na niya ang paniniwala na may himala. Dahil sa himala na
iyon, umasa siyang mabubuhay ang asawa niya nang magising ito mula sa pagkaka-
comatose ng kulang-kulang beinte kuwatro oras. Ngunit nang magising ang asawa niya,
pumikit din ito kaagad na para bang sadyang dumilat lang para makita siya.
Dahil tuloy doon, hindi maiwasan ni Emie na madala ang paniniwala sa trabaho, lalo
na kung alam niya ang tunay na kalagayan ng pasyente. Ayaw niyang paasahin ang
pamilya na mabubuhay pa ang pasyente. Ayaw niyang maranasan ng pamilya ng pasyente
ang naranasan niya. Hindi maganda sa pakiramdam. Kung sa simula pa lang ay
matatanggap na ng pamilya na hindi mabubuhay ang pasyente, kahit na mawala ito,
kahit papaano ay naihanda na nila ang sarili nila. Hindi na gaanong masakit. Hindi
na sila malulunod pa sa kalungkutan.
Isang buntong-hininga ang umalpas sa mga labi ni Emie. Nagi-guilty rin kasi siya sa
ginawa. Hindi masaya na husgahan kaagad kung ano ang posibleng mangyari sa
pasyente.
"Is that for me?" Ang tinig na iyon ni Nikko ang pumutol sa pagkatulala ni Emie.
"Wow, bading, ha," halos magkakapanabay na saad ng mga kasama nila sa nurse station
dahil may tinaggap na bulaklak si Nikko.
Ganoon na lang ang pagkakakunot ng noo ni Emie dahil sa pagharap ni Nikko ay
nakasimangot ito. "Anyare? Bakit nakasimangot ka?"
"Para sa 'yo 'to, diyosa." Ipinasa ni Nikko sa kanya ang bulaklak. "Ikaw na talaga.
Magdadala na ako ng sandamukal na korona para sa 'yo."
"Isama mo na ang sash," dagdag pa ni Queen.
"Gaga talaga kayong dalawa." Napailing na lang si Emie. "Kanino ba galing 'to?"
"Kanino pa ba." Umirap si Nikko. "Kay Doc Cass. Hindi ko alam kung anong alindog
mayroon ka pero ang lakas mong makahatak kay Doc Cass, ha."
"Tumigil ka nga ng biro, Nikko."
"Mukha ba akong nagbibiro?" Lumapit si Nikko kay Emie. "I-sight mo kaya ang card."
"Binasa mo?" nakakunot-noong saad ni Emie.
"Ay ang gaga, ayaw ipabasa, 'tapos nagtatanong kung kanino galing. Siyempre sinabi
n'ong delivery boy, loka. Kaya basahin mo na 'yang card nang masabunutan na kita
kung sakaling 'I love you' ang nakalagay."
Pero si Nikko naman ang nakatanggap ng sabunot kay Emie dahil sa sinabi. "Tumigil
ka na nga. Kaya nagkakatsismis tungkol sa akin, eh." Napailing siya at binasa na
nga ang nakasulat. Wala naman na siyang ibang nabasa sa card bukod sa 'I'm sorry.
From Cassiel.'
Aba, bakit maghahanap ka? Hoping ka din for something more?
Mabilis na umiling si Emie upang palisin ang tanong sa isipan. Binigyang-kahulugan
naman ni Nikko ang pag-iling niyang iyon.
"Mukhang umasa nga si gaga," natatawang sabi ni Nikko. "'Kaloka ka, girl, ha.
Talagang nahatak na ng alindog mo si Doc Cass."
"Magpahabol ka din kasi kay Doc, baka pansinin ka din," natatawang sabad ni Queen.
"Ginawa ko na iyon. Deadma pa rin."
"Eh, di mag-asawa at mag-anak ka din."
"Ay, ma-try nga din."
Tig-isang hampas mula kay Emie ang natanggap ng dalawa. "Nagsisimula na naman kayo.
Mamaya kakaganyan ninyo, maiba ang dating sa iba. Matsismis pa ako. Sobra-sobra na
nga 'tong ginagawa ni Doc Cass—"
"Wow! Doc Cass na. Wala nang pormal-pormalan. Dati Doc San Gabriel."
Sinabunutan niya ito. "As I was saying, natsismis na nga ako dahl sa ginagawang 'to
ni Doc Cass, dadagdag pa kayo."
"Bakit ka nga ba kasi binibigyan ng ganyan ni Doc?" tanong ni Queen.
Kasi iniiwasan ko siya hanggang maaari. Dahil may mga sinabi akong salita na hindi
naman dapat. Dahil nahihiya ako na aminin sa sarili ko na tama si Doc. At nahihiya
ako na naglabas ako ng ganoong damdamin sa harap ni Doc.
Sinarili lang ni Emie ang lahat ng iyon at isang buntong-hininga na lang ang
isinagot niya sa dalawa na tinanguan naman ng mga ito.
Nasa ganoon silang pananahimik nang may dumating na naman na delivery para kay
Emie. Sa pagkakataong iyon, bulaklak at tsokolate naman. At mula na naman kay
Cassiel iyon. Ang akala nila ay doon natapos ang lahat, pero lalong tumindi dahil
nagsunod-sunod na ang dating ng delivery para sa kanya na pulos 'I'm Sorry' ang
nakalagay.
"Ewan ko na lang kung hindi mo pa mapatawad ang malaanghel nating doktor. Grabe
nang paghingi ng tawad 'yan. Ano ba kasi talagang ginawa niya? Hinarass ka ba? Kung
ayaw mo, ako na lang sana," tumatawang sabi ni Nikko, sabay alis ng nurse station
kasama si Queen upang mag-rounds uli. Habang si Emie ay naiwan na naloloka sa
ginagawa ni Cassiel.
Ano ba ang gusto ng doktor na 'to?

[ 13 Chapter13 ]
-------------------------------

"DOC!"
Hindi na napigilan pa ni Emie na tawagin si Cassiel sa loob ng opisina nito kahit
na may pasyente pa. Sa sobrang lakas siguro ng boses niya at sa biglang pagsulpot
niya kaya napatayo si Cassiel.
"Bakit? Ano'ng nangyari?" tanong pa ni Cassiel na puno ng pag-aalala ang mga mata.
Nang hindi siya sumagot ay lumapit na ito sa kanya. "Emie? Did something happen to
the patients?"
Hindi na nagawang mag-react ni Emie. Paano niya magagawa iyon gayong halos
gadangkal na lang ang layo ng mukha ni Cassiel sa kanya? Lalo tuloy niyang
napagtuunan ng pansin ang itim na itim na mga mata nito. Kahit yata invisible pores
nito ay nakikita niya. At masasabi niyang napakakinis ng mukha nito.
Kung si Nikko ang nandito ngayon, malamang na-harass na ang doktor na 'to.
"Emie?" untag pa uli ni Cassiel sa kanya.
Noon siya natauhan at napatingin sa pasyente na kausap ni Cassiel bago muling
bumaling sa doktor. "Doc?" balik-tanong niya.
"What is it? Is it an emergency? Bakit tumakbo ka pa dito kung puwede naman akong
i-page?"
"Hindi." Napakurap na saad ni Emie at nag-iwas na ng tingin. "I need to talk to you
personally. Emergency ito, sa akin. But since you're busy—"
"We'll talk later. During lunch time. Ilang pasyente na lang ba iyong nasa labas,
Allie?" baling ni Cassiel sa sekretarya na agad namang sumagot. "Mga lunch nga.
Okay?" Ngumiti ito sa kanya. Iyong ngiti na tila ba bata na nabigyan ng candy kaya
naman nahawa na rin siya.
"Sige, Doc."
Isang ngiti pa uli ang ibinigay ng doktor kay Emie. Hindi na siya nagtagal pa roon
at minabuti nang hintayin ang doktor sa canteen. Minabuti rin niyang ipunin ang mga
tanong para dito.
Bakit ginagawa ni Cassiel ang pagpapadala ng bulaklak? Ano ba ang ibig nitong
sabihin doon? Humihingi ito ng tawad? Hindi ba dapat ay siya pa ang humingi ng
tawad dahil sa ginawa niya? Sinagot-sagot niya ang isang doktor. Puwede siyang
mabigyan ng memo dahil doon.
Natapik na lang ni Emie ang ulo at lalong napatanong sa sarili kung ano ba ang
naisip niya at ginawa iyon. Pero may memo man o wala; may ibig sabihin man ang
gingawa ni Cassiel o gusto lang talagang humingi ng tawad, kailangan na nitong
tigilan ang pagpapadala ng kung ano-ano bago pa tuluyang magkaroon ng tsismis.
Ayaw mo bang magkaroon kayo ng tsimis, Emie?
"Ayoko!"
"Bakit?"
"Dahil may asawa na ako. Dahil naalala ko si Gary sa mga ginagawa niya."
"Ganoon ba?"
"Ha?" napaangat ng tingin si Emie sa biglang pagsagot ng tinig. Nanlaki ang mga
mata niya nang makita si Cassiel.
"May mali na naman ba akong nagawa?" Naupo ang doktor sa kaibayong upuan.
Napailing na lang si Emie. Pakiramdam kasi niya ay hindi doktor ang kausap niya sa
inaakto nito. Para siyang nakikipag-usap sa bata.
Well, sa hitsura naman din kasi ni Cassiel, mukha talaga itong bata.
Batang damulag. Ang laki kasi nitong tao pero kung umasta ay parang bata. Minsan.
Ibig bang sabihin napapansin mo ang pagiging lalaki niya?
Hindi! At hindi kailanman.
"Emie?" untag ni Cassiel sa kanya na nagmo-monologue na sa isipan.
"Doc," simula ni Emie matapos umiling upang palisin ang tinig sa isip. "Bakit mo
ako pinadadalhan ng kung ano-anong bagay? Bulaklak. Chocolates. May teddy bear pa.
At huwag n'yong sabihin na may kasunod pa?"
Saglit na natigilan si Cassiel at pagkatapos ay gumalaw ang mga daliri na tila
binilang ang mga sinabi niya. Tumigil ito sa panlimang daliri at tumitig sa kanya.
"Mayroon pa nga."
Napamaang na lang si Emie at lalo pang nataranta nang lumuhod si Cassiel at
naglabas ng pulang kahita.
"D-Doc, ano'ng ginagawa mo?" nagpa-panic na niyang saad.
"Hihingi ng sorry." Binuksan nito ang kahita na may lamang kuwintas. "Will you
forgive me?"
Hindi malaman ni Emie kung ano ang gagawin, lalo na nang magsimula silang tudyuhin
ng mga tao. Tumayo na lang siya at hinatak na rin patayo si Cassiel at niyakag sa
likuran na bahagi ng ospital kung saan walang gaanong tao. Hinarap niya si Cassiel
pagdating nila doon.
"Doc naman, eh." Napapadyak siya. "Ako dapat ang humingi ng tawad sa inyo and not
the other way around."
"Talaga?" nakakunot-noong tanong ni Cassiel. "Ibig sabihin, ikaw ang dapat na
gumawa lahat ng ginawa ko?"
"Doc naman talaga," frustrated nang sabi niya. "Hindi kayo nakakatawa at lalong
hindi nakakatawa ang ginagawa ninyo. Pinipilit ko ngang matigil ang tsismis sa
ating dalawa, 'tapos kayo, kayo pa ang nagdadagdag."
"Tsismis? Bakit naman? May mali ba sa ginagawa ko?"
Mariin na lang na napapikit si Emie. Hindi dahil sa tanong ng doktor kundi dahil sa
tila kawalang muwang nito sa mga nangyayari at ginagawa. "Doc, matalino naman kayo,
'di ba?"
Tumango si Cassiel.
"Pero bakit parang hindi ninyo alam kung papaano gawin ang ilang mga bagay?"
"Tulad ng?" kumunot pang lalo ang noo nito na para bang siya pa ang may maling
ginagawa o magulong sinasabi.
"Tulad ng ginagawa ninyong pagyayaya sa akin sa pagkain at paghatak sa akin sa kung
saan-saan."
"Bakit mali bang magmalasakit sa unang taong naging malapit sa akin?"
Naging malapit? Kailan at paano? gusto sanang itanong ni Emie dahil ang
pagkakaalala niya ay inaway niya ito noong una silang nagkita. Insubordination nga
iyon at hinihintay niya na makatanggap siya ng memo pero wala siyang natanggap. At
kaya naman pala, pakiramdam pala ni Cassiel ay ito pa ang may kasalanan at para
dito ay tanda pala iyon ng pagiging malapit nila.
"Hindi naman, Doc." Pakiramdam niya ay nagpapaliwanag siya sa isang bata. "Ang ibig
kong sabihin, iba naman ang yayain ninyo at hindi ako palagi. Ganoon dapat."
"Ah," napatango namang saad ni Cassiel na para bang nang-aasar pa.
"At saka ang pagpapadala ninyo ng mga regalo kanina..."
"Mali din iyon?" napakamot na sa ulong saad nito. "Doc Martinez and Doc Lardizabal
said that's how you say you're sorry here in the Philippines."
Halos mahulog hanggang sa sahig ang panga ni Emie sa narinig, saka napaungol na
lang. "Doc..." Hindi na niya malaman ang gagawin. "Nabiktima ka ng kalokohan ng
dalawang doktor na iyon. Dito sa Pilipinas ay tulad din sa bansang pinanggalingan
mo. When you send gifts to a woman, and take note, give her expensive gifts, ang
ibig sabihin niyon ay nanliligaw ka. It means you're courting me. Naiintindihan mo,
Doc? Hindi ba ganoon din sa inyo?"
Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito. "No. Wala kaming ganoon."
"Saang bansa ka ba galing, Doc? O saang lupalop ka ba nanggaling at wala kayong
ganoon?" Hindi na napigilan pang tanong ni Emie. "Paano kayo nanliligaw?"
"We don't," kalmado pang saad ni Cassiel.
Nanlaki ang mga mata niya. Gayunman, hindi na siya nagtanong pa dahil may tumawag
nang nurse kay Cassiel. May emergency raw. Totoo nang emergency iyon kaya sumunod
na rin siya kay Cassiel.
Paano nila ipinapaalam ang nararamdaman sa taong minamahal o nagugustuhan nila?
Iyon ang tanong na naiwan sa isip niya.
Kiss, maybe?
Napasulyap siya sa mga labi ni Cassiel. Mukha namang masarap siyang mahalikan, 'no?
Pinigil ni Emie ang sarili na mag-isip ng kung ano-ano habang nasa emergency sila.
Baka kasi pati siya ay masama sa emergency patient. Siya pa mismo ang mag-a-admit
sa sarili dahil sa mga kagagahang naiisip niya.

[ 14 Chapter14 ]
-------------------------------

Patuloy sa pagtugtog ng violin si Cassiel habang mariing nakapikit ang mga mata.
Iyon ang paraan niya para pakalmahin ang magulong isipan.
Pagkatapos kasing magalit ni Emie sa kanya ay iniwasan na siya nito. Nang humingi
naman siya ng tawad, muntikan na niyang ibuking ang sarili na anghel siya at galing
sa Tierra Celes. The good thing was, may emergency. Kaya hindi na nagawa pa ni Emie
na magtanong.
Ang masama nga lang, siya na ang kinabahan. Hindi niya alam kung binigyan ba niya
ng paraan si Emie na isipin na anghel siya. Hindi naman siya dapat kabahan dahil
buburahin naman ng Keeper ang alaalang iyon ni Emie. Kaya lang, hindi niya
maintindihan kung bakit hindi siya matahimik ngayon.
Naalala pa ni Cassiel ang hitsura ni Emie nang magkaroon uli sila ng pagkakataon na
mag-usap...
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Emie bago iniiwas ang tingin kay Cassiel.
"Everything you did. Ganoon na ganoon din ang ginawa ni Gary. Araw-araw, ganoon
nang ganoon. Ganoon karaming regalo. Ganoon kagagarbong regalo. Pagkatapos, niyaya
na niya akong lumabas-labas. It was fun dahil bago sa akin ang lahat ng iyon."
Saglit pang tumigil si Emie at ngumiti ngunit kita pa rin ni Cassiel ang lungkot sa
mga mata nito. Ngalingali niyang yakapin ang babae pero pinigilan lang niya ang
sarili. Ayaw nga ni Emie na padalhan niya ito ng mga regalo, o mas tamang sabihing
peace offering, yakapin pa kaya? Baka lalo lang itong magalit sa kanya.
Kaya sa halip na yakapin si Emie, nanatili na lang siyang nakatayo. "When you said,
naalala, does it mean hiwalay na kayo?" marahang tanong ni Cassiel.
"Sana nga ganoon lang," may pait sa tinig na saad nito. "Pero hindi, eh. He died
along with our son. Kasama na rin ang paniniwala ko doon sa himala. Sa paniniwala
ko na may karapatan pa akong maging masaya kung ako lang naman ang nailigtas ng
sinasabi nilang himala."
Saglit na natahimik si Cassiel. Parang bigla niyang naintindihan kung ano ngayon
ang nararamdman ni Emie. Ngayon ay alam na niya na isa pala ito sa mga taong hindi
naniniwala sa himala. "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang maalala mo."
Umiling ito. "Ayos lang, Doc. Mas naiinis lang ako doon sa mga taong nakakaalam ng
nangyari pero..."
"Maybe they mean well."
Doon na napangiti nang totoo si Emie at hindi naman maintindihan ni Cassiel kung
bakit parang may nagtutulak sa kanya na yakapin ito. "Baka sabihin mo na
napagtripan ka ng mga doktor na iyon." Umiling ito."Doc Cass, mag-iingat ka sa mga
doktor na iyon. If I were you, I wouldn't listen to them."
"Bakit naman hindi?" Naguguluhang saad niya. "Siguro nga nasaling ang sakit na
nararamdaman mo but in the end, it somehow made you smile and remember the good
things that happened between you and your husband, and it helped me say I'm sorry.
At kung susuwertehin, patatawarin mo ba ako?"
Hindi na sumagot si Emie, sa halip ay tumango na lang bago sila sabay na bumalik sa
loob ng ospital.
Dahil sa pinaghalo-halong emosyon na naramdaman ni Cassiel nitong mga huling araw,
hindi tuloy niya maintindihan ang sarili.
Para saan ba ang nararamdaman niyang sobrang pag-aalala kay Emie? Ang pangambang
hindi na siya kausapin nito dahil sa pagkakamali niyang nagawa, at ang ginhawa sa
kaalamang nakakangiti na uli ito at hindi na masama ang loob sa kanya.
Lahat ng iyon ay nakapagpagulo sa isipan ni Cassiel. Hindi niya iyon maipaliwanag
at hindi rin niya alam kung ano ang tawag.
Nasa kalagitnaan na uli siya ng pagtugtog nang marinig ang pagtunog ng doorbell.
Maaga pa, mga alas-otso lang ng umaga. Masyadong maaga para sa bisita. At kung
bisita ang pag-uusapan, imposibleng magkaroon siya ng bisita. Wala siyang gaanong
kakilala sa village na tinitirhan.
Nakakunot-noong tumungo si Cassiel sa front door bitbit pa rin ang violin. Kasabay
ng muling pagtunog ng doorbell ay ang pagbukas niya sa pinto. Napalitan ng ngiti
ang pagkakakunot-noo niya nang makilala ang 'bisita.' "Ariel. You came."
Isang tango lang ang isinagot ng kapwa niya anghel at sumagot sa mababang tinig.
"Cassiel."
mso-hyphenat3R>

[ 15 Chapter15 ]
-------------------------------

"WHAT'S been bothering you?"


Iyon kaagad ang ibinungad ni Ariel kay Cassiel pagpasok pa lang nila sa loob ng
bahay. Panay ang libot ng tingin ni Ariel sa paligid pero nasa mga mata pa rin ang
talas at pag-iingat. Halatang hindi pa rin ito sanay sa mundo ng mga tao.
Parang ikaw. Napangiti na lang si Cassiel. Ganoong-ganoon din siguro ang hitsura
niya noong una siyang dumating sa mundo ng mga tao. Napatingin tuloy siya sa
kalendaryo. Nasa ikatlong buwan na pala mula nang dumating siya roon. Hindi na niya
napansin ang mga araw dahil habang tumatagal ang paglalagi niya sa mundo ng mga
tao, natutuwa na siya sa mga bagay na natututunan niya. At mukhang ganoon din ang
mangyayari kay Ariel.
"Cassiel," untag uli ni Ariel. "You didn't answer my question."
"Matalas pa rin ang pakiramdam mo, Ariel. Kahit na ba nasa lupa na tayo,"
nakangiting saad ni Cassiel. "Bago mo ako kumustahin, ikaw ang tatanungin ko,
kumusta ang pagdating mo dito sa lupa? Ano ang masasabi mo?"
Inilibot uli ni Ariel ang paningin bago natuon sa mukha niya. "Madilim. Malayo sa
liwanag ng Tierra Celes. At saka, maingay. Kung ano-ano ang naririnig ko."
Napangiti siya. "Matututunan mo ding huwag masyadong pagtuunan ng pansin ang mga
ingay na 'yan at masasanay ka din sa dilim na mayroon ang mundo. Sa ngayon,
mabuting dito ka muna sa bahay at pag-aralan ang mga bagay-bagay," yakag niya sa
kapwa anghel at inanyayahang maupo sa sala. "Kailan ka nga pala dumating?"
"Kaninang madaling-araw. Sumabay ako sa lipad ng mga ibon bago bumaba sa bandang
dulo ng subdibisyon kung saan kakaunti pa lang ang nakatira."
"Nahirapan ka bang hanapin ang bahay? Sandali, dito ka na nga ba titira?"
"Dito na nga." Tumango si Ariel. "Hindi naman ako nahirapan. Kaya lang, hindi ko
alam kung nandito ka o wala. Nagpunta ako sa parke at doon muna nanatili."
"Natutulog siguro ako noon," napaisip na saad ni Cassiel. "Oo nga pala, ibig
sabihin niyan ay hindi ka pa natulog."
"Natulog?" Kumunot ang noo ni Ariel. "Kailanman ay hindi tayo natulog sa Tierra
Celes, Cassiel."
"Sa Tierra Celes iyon. Nasa mundo na tayo ng mga tao, Ariel. Hindi puwedeng hindi
tayo matulog dahil kailangan ng katawang-tao natin iyon. Kailangan mo ding kumain."
"Kumain?" Lalong lumalim ang pagkakakunot-noo nito.
Tumango na lang si Cassiel. "Kaya ang mabuti pa ay kumain ka na. Pagkatapos ay saka
ka matulog."
Akmang tatayo na siya nang pigilan ni Ariel. "Bago ako kumain, gusto ko munang
malaman kung ano ang bumabagabag sa 'yo?."
Napahinga siya nang malalim. Ang akala pa naman niya ay makakatakas na siya. Ngunit
si Ariel nga pala ang kaharap niya. Mula pa noong nasa Tierra Celes sila, sadya
nang walang maitatago kay Ariel.
"Alam kong tumutugtog ka lang ng violin tuwing may iniisip ka."
Noon na naikuwento ni Cassiel ang tungkol kay Emie. Kung paanong nagugulo ang isip
at damdamin niya tuwing nakikita ang babae. At kung papaano niya nalaman na isa rin
pala ito sa hindi naniniwala sa himala.
"Kaya siguro ganoon na lang ang attachment mo sa kanya," konklusyon ni Ariel. "You
need to get a grip, Cassiel. O baka naman sa bandang huli ay piliin mo din ang
manatili dito sa mundo at maging tao."
Napamaang siya. Tulad ng mga tao, may free will din na ibinigay sa kanilang mga
anghel. May karapatan silang gawin ang gusto nilang gawin. At ang tinutukoy ni
Ariel ay ang karapatan nilang pumili kung nais ba nilang manatili sa mundo ng mga
tao o bumalik sa Tierra Celes.
Kung pipiliin ni Cassiel ang maging tao, hindi naman siya ang magiging una. Marami
nang anghel ang nanatili sa lupa at marami rin ang pinili na bumalik sa Tierra
Celes at abutin ang pangarap nilang maging arkanghel—at iyon ang gusto niyang
gawin. Gusto niyang maging arkanghel. Ngunit bakit parang nagdadalawang-isip na
siya ngayon?
"Cassiel..." Tumayo na si Ariel. "Bago ka bumaba dito sa mundo, ang sabi mo sa
akin, gagawin mo ang lahat, natin ang lahat, para maging arkanghel. Huwag mong
sabihing nakalimutan mo na iyon?"
Hinding-hindi iyon makakalimutan ni Cassiel. Si Ariel, si Jeremiel, at siya, silang
tatlo, ang magkakasabay na ipinanganak bilang mga anghel sa Tierra Celes. At habang
lumalaki sila, ipinangako nila sa sarili na magiging arkanghel sila balang-araw
dahil gusto nilang protektahan, hindi lang ang Tierra Celes kundi ang mundo ng mga
tao na matagal na nilang pinoprotektahan.
"Hindi," mariing sagot niya. "Hindi ko iyon nakakalimutan."
Tumango naman si Ariel. Natigilan sila nang tumunog ang telepono. Bibihira ang
tumatawag sa landline, bukod sa trabaho, ang mag-asawang Teng lang ang tumatawag.
"Cassiel, ikaw kumusta?" bungad kaagad ni Mrs. Teng pagsagot niya sa tawag. "May
dating pala diyan bago tira bahay. Ako limot tawag sa 'yo noong nakaraang buwan.
Dating siya kanina umaga, ikaw ba kita na siya?"
"Ano ho bang pangalan?" napapangiting tanong niya.
"Siya daw Alyel," sagot ng matanda.
Mahinang tawa ang umalpas sa mga labi ni Cassiel. "Nandito na po si Ariel, Mama.
Iyon ho bang may-katangkaran din, medyo mahaba ang alon-alon na buhok, bilugan ang
mga mata, malaki ang ilong at makapal ang mga labi?"
Natawa si Mrs. Teng. "Ikaw, Cass, runong ka na biro. Hindi naman bilog mata, malaki
ilong, at kapal labi ni Alyel. Tama lang kapal labi niya."
"Kayo din naman ho. Pero sige na nga po," tatawa-tawang saad niya. "Nandito na po
siya. Huwag na po kayong mag-alala, ako na po ang bahala sa kanya."
"Ako payag siya tira diyan para ikaw kasama, ha," saad pa uli ni Mrs. Teng hanggang
sa tuluyan nang magpaalam.
Sandali pang nagkuwentuhan sina Cassiel at Ariel bago tumungo sa hapag para kumain.
Doon magsisimula ang buhay nila bilang housemate.
o hinara]3R��� 

[ 16 Chapter16 ]
-------------------------------

PARANG lumilipad ang isip ni Emie habang naglalakad sa hallway at isa-isang


pinupuntahan ang kuwarto ng mga pasyenteng kailangang dalhan ng gamot.
Noong isang araw lang sila uli nagkausap ni Cassiel mula nang iwasan niya noong
nakaraang linggo. Hindi kasi niya mapigilang matuwa sa mga sinabi nito. Hindi niya
alam kung sinadya nitong sabihin o gawin ang kawalan nito ng kaalaman tungkol sa
panliligaw. It was impossible.
Sa guwapo niyang iyon, imposibleng hindi niya alam kung paano manligaw.
Gusto pa sana niyang usisain si Cassiel tungkol doon pero pinigilan niya ang sarili
dahil hindi iyon tama. Bukod pa roon ay hindi naman niya nakikitang
nagsisinungaling ito. Hindi niya makita sa mga mata ni Cassiel na may alam talaga
ito. Mukha kasi talagang clueless ito sa mga ginawa. Kaya naman ang cute nitong
tingnan. Tulad ni Gary noon.
Napangiti si Emie. Gary looked so innocent before. Siguro si Gary iyong matatawag
na macho na inosente. Parang si Johnny Bravo. But not to the extent of being
stupid. Napaka-simple-minded lang kasi ng asawa niya.
Muli na lang napangiti si Emie. Isa pa yata iyon sa dahilan kung bakit siya umiiwas
kay Cassiel. Pagkatapos kasi nilang mag-usap nito, tuwing naaalala niya si Gary ay
hindi na pagluha ang ginagawa niya kundi pagngiti. Parang unti-unti na niyang
natatanggap sa sarili na wala na ang kanyang asawa physically at nananatiling buhay
na lamang sa kanyang puso.
Ngayon niya lubusang napagtanto ang ibig sabihin nina Queen at Nikko tungkol sa
gaan ng pakiramdam na sabihin kay Cassiel ang kahit na ano. And when she did,
parang tama ang lahat. Naging mas magaan ang lahat. Parang biglang lumiwanag ang
buhay niya.
May isa na nga lang problema si Emie. Iyon ay ang hindi pagtigil ng eratikong
pagtibok ng puso niya tuwing dadaan sa isipan ang hitsura ni Cassiel. Patawarin
sana siya ni Gary pero hindi niya maiwasang maramdaman iyon.
At lalo pang nagwala ang tibok ng puso niya nang marinig ang pagtawag ng huling
tinig na nais niyang marinig nang araw na iyon,
"Emie, wait," tawag pa uli ni Cassiel bago siya hinawakan sa braso. "Queen, take
over," utos ni Cassiel kay Queen na dagli namang tumalima pero palihim na
kinindatan si Emie.
"D-Doc?"
Huminga nang malalim si Cassiel. "Finally, I got to see you. Kailangang-kailangan
kita ngayon."
Pinigilan lang ni Emie na malaglag ang mga panga sa sinabi ng binata dahil ang
gagang isip niya ay tumatalon na kaagad kung saan-saan. At kung pipigilan niya...
No, ayokong papigil, sigaw ng lokang isip niya.

[ 17 Chapter17 ]
-------------------------------

Hindi mapigilan ni Emie ang matawa tuwing mapapadako ang tingin niya kay Cassiel.
Ngiting-ngiti kasi ang doktor na para bang noon lang nakakita at nakahawak ng baby.
Ipinanganak na ang opisyal na unang pasyente ni Cassiel sa ospital. Lahat kasi ng
pasyente nito ay mula sa pinalitan nitong doktor. Sa sobrang tuwa ni Cassiel, para
itong ama ng bata. Lalo pa itong nataranta nang umiyak ang baby. Kaya naman saglit
daw nitong iniwan ang baby at hinanap si Emie. Mabuti na lang at nasa malapit lang
siya nang mga panahon na iyon. Kailangan lang palang palitan ng diaper ang baby na
nagawa na ng assigned nurse na naroroon. Since nagawa na ng nurse, nagpaturo pa uli
si Cassiel kung paano papalitan ng diaper ang baby. Tuloy, nagkaroon sila ng
instant tutoring.
"She's so beautiful," saad pa nito at hindi na napigilan na halikan ang baby sa
noo.
Hindi malaman ni Emie kung ano ang ibig sabihin ng init na dumaloy sa puso niya.
The scene was so surreal. Ayaw man niyang isipin but she can see her husband and
son.
Kung dati ay naiiyak siya sa lungkot, ngayon, pakiramdam niya ay nakalaya na siya
sa kung ano mang kinakukulungan ng puso niya. At napapaluha siya ngayon dahil sa
sayang bumalot sa puso niya.
"Emie? Okay ka lang?" untag ni Cassiel, dahilan para magising siya sa pagmumuni-
muni.
Tumango siya bago iniiwas ang tingin sa doktor at bumaling sa sanggol. Hindi niya
magawang salubungin ang tingin ng binata, ayaw kasi niyang makita nito ang maluha-
luha niyang mga mata.
Iyon nga lang ba? O ang kasiyahan mo habang tinitingnan mo sila?
Kasiyahan? Hindi naman sa ganoon.
Kung hindi, bakit mo iniiwas ang tingin mo?
Dahil sa katanungang iyon kaya ibinalik ni Emie ang tingin kay Cassiel. Pinigilan
lang niya ang mapasinghap nang ang nakangiting mga mata at mga labi nito ang
sumalubong sa kanya.
"Okay ka lang?" ulit ni Cassiel sa tanong nito.
"Oo," nakangiting sagot niya. Sa pagkakataong iyon ay medyo nakabawi na ang puso
niya.
"Akala ko, iiyak ka na naman," may pagbibiro sa tinig ng binata na ikinairap na
lang niya. "Pero ayos lang naman na maiyak ka. Hindi kita pipigilan. Kahit kasi
ako, hindi ko rin mapipigilan ang mapaluha. Magkaiba man tayo ng dahilan sa
pagluha, alam kong kahit kaunti ay may saya kang nararamdaman."
Si Emie naman ang nagkaroon ng pagkakataong biruin ito. "Ikaw, naiiyak?"
"Hindi ba puwede?" sagot ni Cassiel habang hinehele ang sanggol. "Ang batang 'to,
she nearly died habang ipinapanganak siya. Naubusan na ng tubig ang nanay niya,
suhi pa siya, nakakain na rin siya ng dumi. Ang akala ng lahat ay mamamatay siya
dahil mahina na rin ang tibok ng puso niya hanggang sa mawala iyon."
Nakita ni Emie ang tila pagkinang ng luha sa mga mata ni Cassiel habang
pinagmamasdan nito ang sanggol. Mayamaya ay inilapag na ng binata sa higaan ang
sanggol, saka bumaling sa kanya.
"Hindi ko alam kung nakarinig ka na ng ganitong istorya pero natutuwa pa rin ako
tuwing naaalala ko ang nangyari," nakangiting saad nito. "Pinapasok ni Doktora ang
kapatid niyang lalaki, I think he was six or seven years old, then he sang to his
mother's tummy. He sang..." Ngumiti pa uli si Cassiel bago kumanta. "'You are my
sunshine, my only sunshine. You make me happy when skies are grey. You'll never
know dear, how much I love you. So, please don't take my sunshine away'."
Saglit silang natahimik. Mukhang inaalala pa ni Cassiel ang nangyari at si Emie
naman ay nagugulat sa ganda ng tinig ng binata. Kung hindi lang mawawala sa
pagkukuwento si Cassiel, sasabihan niyang puwede na itong maging singer.
Sabay silang napatingin sa sanggol nang bumuntong-hininga ito. Nagkatinginan pa
sila at sabay na napangiti.
"She really knew the song." Bahagyang natawa si Cassiel bago lumapit naman sa ibang
sanggol na naroroon. "Ang sabi ng mommy ni baby, lagi daw iyong kinakanta ng
panganay niya sa tiyan niya. Kaya noong mga panahong nag-aagaw-buhay ang baby,
kinanta rin iyon ng mommy. Himalang muling tumibok ang puso ng baby. Muntik na nga
akong mapasigaw ng 'it's a miracle', naunahan lang ako ng tatay."
"Excited ka rin kasi," biro ni Emie na sinagot lang naman ni Cassiel ng ngiti.
"Naniniwala kasi akong mabubuhay ang sanggol. Naniniwala ako sa himala ng pag-
ibig," paliwanag nito. "Nakarating kay baby ang pagmamahal ng kuya niya. She heard
him calling her kaya pinilit niyang mabuhay."
Bakit ako? Hindi nila ako narinig? gusto sanang itanong ni Emie pero pinigilan niya
ang sarili.
Parang nabasa naman ni Cassiel ang nasa isip niya. "Ngunit hindi lahat ganoon, 'di
ba? Pero kahit may ilang bagay na hindi puwedeng mangyari, hindi ibig sabihin niyon
ay wala nang himala. Miracles can come in different forms. Emie, hindi man nabuhay
ang mag-ama mo sa trahedya, hindi ibig sabihin niyon, hindi na nila narinig ang
pagmamahal mo. They heard you, sa ibang paraan nga lang nila ipapakita na narinig
nila iyon."
Hindi malaman ni Emie kung ano ang isasagot sa doktor kaya naman napayuko na lang
siya. His words were more than enough to make her feel that everything was all
right. Na hindi na niya dapat pang ikalungkot ang nangyaring trahedya dahil may iba
pang dahilan kung bakit nangyari iyon.
Narinig niya ang paggalaw muli ni Cassiel kaya nag-angat siya ng tingin. Natigilan
lang siya nang may kung ano siyang naaninag sa likod nito nang yumuko ito sa isa sa
mga sanggol. Muli pa niyang ikinurap ang mga mata pero naroroon pa rin iyon.
Parang may kapa sa likod si Cassiel... hindi, pakpak. Mas mukhang pakpak iyon.
Mukha iyong tela, isang transparent na tela, na humahapay sa likod nito.
Akmang lalapitan ni Emie ang pakpak para hawakan pero nawala uli iyon nang kumurap
siya. Noon naman napalingon si Cassiel sa kanya.
"Bakit?"
"M-may... S-sa likod mo." Itinuro pa niya ang likod nito. "May nakita akong
nakadikit sa likod mo."
Mabilis na napaayos ng tayo si Cassiel at natatarantang lumingon sa likod. "Ano
iyon?"
"Hindi ko alam pero parang..."
"Multo?" tanong pa uli nito.
Noon sumingit ang isa pang nurse na naka-duty. "Uy, huwag naman kayong ganyan, Doc,
Emie." Lumingon ang nurse sa paligid. "Ako na lang ang maiiwan dito mamaya. Huwag
kayong manakot."
Alanganin namang napangiti si Cassiel at napakamot sa ulo. "Pasensya ka na. Ito
kasing si Emie." Bumaling ito sa kanya na mukhang natataranta ang hitsura. "Huwag
ka daw manakot, Emie. Nakakasama daw sa kalusugan niya iyon."
Napailing na lang si Emie. Mukhang natakot din kasi si Cassiel, ayon na rin sa
pamumutla nito at sa pagkataranta. "Baka masama 'kamo sa kalusugan mo."
Kimi namang napangiti si Cassiel. "Medyo."
Nauwi na lang sa biruan ang katanungang iyon ni Emie, ngunit hindi niya iyon
binale-wala. Panay pa rin kasi ang tingin niya sa likod ni Cassiel at pilit na
iniisip na guniguni lang iyon.
Ngunit ang isip na rin niya mismo ang ayaw tumanggap na guniguni lang iyon. Kaya
kung hindi guniguni, ano pala iyon?
kung h2R 

[ 18 Chapter18 ]
-------------------------------

TATLONG araw nang pilit na inaalis ni Emie sa isipan ang nakita niya sa likod ni
Cassiel pero hindi pa rin niya magawa. Sa tuwina kasing makikita niya ang binata,
hindi niya maiwasang tingnan muna ang likod nito sa pagbabaka-salaking makita uli
ang nakita niya.
Gustong matiyak ni Emie na may nakita nga siya. Gusto niyang malaman kung pakpak
nga ba talaga iyon at ano nga ba si Cassiel? Ibon? Anghel? Kung anghel naman,
anghel ng ano? Kamatayan? Arkanghel? Seraphim? Kung hindi naman anghel, alien na
may pakpak?
Mariin na lang na ipinikit ni Emie ang mga mata. Ang dami-dami niyang trabaho na
gagawin, kung ano-ano ang iniisip niya.
Ngunit ano ang gagawin niya kung tuwing maalala niya si Cassiel—na mukhang
napapadalas na—ay ang nakita niya sa likod nito ang naaalala niya?
Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa kanya na napansin ng dalawa niyang
kaibigan.
"'Di ko ma-dig, 'te," saad ni Nikko kay Queen. "Ang lalim ng pinag-iigibang balon
nitong si Ateng—este, ng reyna ng kagandahan."
"Ngayon mo lang napansin?" Sumulyap si Queen kay Emie at tumigil sa ginagawa. "Ano
ka ba, ilang araw nang ganyan 'yan. Simula pa noong niyaya siya ni Doc Cass sa
nursery."
"Ay, najujuli-aru na atashi sa mga chixmax ng bonggels," tila kiti-kiting saad ni
Nikko at dumukwang pa palapit kay Queen. "I-chika mo 'yan. Now na," udyok pa ng
bading. Ilang araw kasi itong nag-duty sa ibang ward kaya ngayon ay daig pa si
Manay Lolit Solis kung makapang-intriga.
"Kasi, ganito iyon, mare," simula ni Queen at ikinuwento na nga ang nangyari.
Parang apoy naman iyong kumalat noon sa floor station nila. Kaya nga nagtataka rin
si Emie na hindi iyon nakarating sa matalas na tainga ng bading niyang kaibigan.
Tatango-tango naman si Nikko nang matapos i-chika ni Queen ang nangyari. "Ang ganda
mo talaga, bakla ka." May kasama pang sabunot. "Ano na ang nangyaring kasunod?"
"Wala."
"Wala?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Nikko. "Ganoon, pagkatapos ng moment
scene, nganga na ang peg?"
Tumango naman si Queen bago sinagot si Nikko. "Alam mo namang busy din si Doc Cass.
Mostly din naman ng mga dinala sa ospital nitong huling linggo ay mga bata. Kaya
parang trumpo iyon. Pero huwag ka, 'day, palagi pa ring dumadaan iyon dito."
"Ay, talaga," para na namang bituin ang mga mata ni Nikko.
Naitirik na lang ni Emie ang mga mata. Totoo naman kasi talaga ang sinabi ni Queen,
hindi lang talaga niya maisip na lagyan iyon ng kulay. Sa nurse station siya naka-
duty kaya naroon man siya o wala ay talagang dadaan doon si Cassiel. Isa pa,
friends lang kami.
Showbiz! tili ng isang tinig sa isipan niya. Kahit ang sarili ay hindi naniniwala
sa iniisip niya.
Aaminin ni Emie, minsan hindi niya magawang hindi isipin na walang kulay ang
pagdaan ni Cassiel sa nurse station. Pinipigilan lang talaga niya ang sarili. Kasi
mali. Kasi hindi pa puwede. Natapos na ang love life niya kay Gary at sa anak niya
at magdadalawang taon pa lang nang mamatay ang mag-ama niya kaya hindi puwede. Kaya
hindi tama.
"'Tapos alam mo ba, may napapansin ako diyan kay mahal na reyna," dugtong pa ni
Queen.
Napabaling si Emie sa kaibigan. "Ano iyon?"
"Akala mo siguro walang nakakapansin pero nakita ko kung paano mo tingnan ang likod
ni Doc Cass na para bang may hinahanap ka. Ano ba iyon?"
May nakapansin pala, naisip ni Emie habang napayuko at ipinagpatuloy ang ginagawa
para maiiwas ang tingin kay Queen. Sa bandang huli ay napilitan din siyang sabihin
sa mga kaibigan ang gumugulo sa isipan.
"Nakakita na ba kayo ng anghel? Ano ba'ng hitsura nila?"
Tumaas ang mga kilay ng mga kaibigan niya bago nagkatinginan at ibinalik ang tingn
sa kanya.
"Bakit mo naitanong?" saad ni Nikko.
"Wala lang." Nag-iwas uli ng tingin si Emie. Pakiramdam kasi niya ay nababasa ng
mga ito ang nasa isip niya.
"Wala lang pala, ha," sabi ni Queen. "Ang alam kong hitsura ng anghel, matangkad."
"Guwapo," dugtong naman ni Nikko.
"Macho."
"At saka may hawak silang achuchuchu."
"Ano?" Napakunot-noo siya.
"Clipboard at stethoscope."
Lalong kumunot ang noo ni Emie. Nasagot din naman ang ibig sabihin ni Nikko nang
sumulpot sa glass panel nila si Cassiel.
"Good evening, Ladies," bati nito na may malapad na ngiti sa mga labi. Mukhang
naging magada na naman ang araw nito.
"Evening, Doc," magkapanabay pang saad nina Queen at Nikko.
Si Emie naman ay hindi napigilan ang sariling tingnan uli ang likod ni Cassiel. And
again, she found nothing.
Then drop it, Emie. Stop looking for something that is not there.
Napabuntong-hininga na lang siya. Siguro nga ay namalikmata lang siya. Kailangan na
rin niyang tigilan iyon dahil nabibigyan na sila ng issue ni Cassiel.
"Emie, mukhang problemado ka na naman," bati sa kanya ni Cassiel.
"Okay lang ako, Doc."
"Ay, wit trula 'yan, Doc," sabad naman ni Nikko na pinanlakihan lang niya ng mga
mata. "Mare, kasi dapat 'Hakuna Matata' lang palagi."
"Gaga," asik ni Emie.
"Ano iyon?"
Sabay-sabay silang napatingin kay Cassiel. Hindi nito alam ang palabas na Lion King
kung saan unang nakilala ang kanta? Imposible iyon.
"Hindi n'yo alam iyong kantang iyon, Doc?" sabi ni Queen at kinanta pa ang kanta
kasabay si Nikko. "Hakuna matata, it means no worries..." Tumawa pa ang dalawa.
Gayunman ay makikita pa rin ang kaguluhan sa mga mata ni Cassiel.
"Hindi talaga?" tanong ni Emie. "Eh, anong palabas ang alam mo?"
"Nope." Ngumiti lang si Cassiel.
"Kanta 'yan sa palabas na Lion King."
Nagkibit-balikat lang si Cassiel. "Wala. Wala akong alam kasi anghel ako."
"Ah, kaya naman pala," kunwa ay nawalan ng ganang saad ni Nikko. "Obvious naman na
anghel si Doc. Pagbigyan n'yo na. Pagod lang 'yang si Doc. Isang kisspirin mula sa
akin, magiging okay na uli 'yan."
Nagkatawanan na lang sina Cassiel, Nikko, at Queen pero hindi si Emie. Dahil sa
sinabi ni Cassiel parang napukaw na naman ang katanungan sa isip niya na dapat na
talaga niyang pakawalan.

[ 19 Chapter19 ]
-------------------------------

Mahabang katahimikan ang nagdaan sa pagitan nina Cassiel at Emie. Para din kasing
kontento na sila sa ganoon habang nakaupo sa bench na nasa rooftop. Tuwing
magkakatinginan sila ay pareho silang napapangiti.
Hindi na nakatiis si Emie kaya bahagya na niyang siniko si Cassiel. "Para naman
tayong tanga nito. Magtitinginan, 'tapos magtatawanan."
"Ikaw, eh."
"Ako pa?" Itinuro niya ang sarili. "Ikaw kaya diyan ang hindi nagsasalita."
"Simulan mo." Bumaling ito sa kanya bago iginalaw ang pakpak para harangan ang
paparating na hangin. "Alam kong marami kang tanong. At alam kong mahirap magtago
ng mga katanungan, lalo na kung gustong-gusto mo nang malaman ang mga kasagutan.
Kaya, fire away."
Sinulyapan lang ni Emie si Cassiel at napangiti, saka nag-iwas ng tingin. Hindi na
niya pinigilan ang sariling hawakan ang pakpak ng binata na marahang yumakap sa
braso niya.
"Hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo pala talaga kayo?" Muli siyang tumingin kay
Cassiel. Muntikan nang lumipad sa kalangitan ang isipan niya nang bumungad ang
napakaamong mukha nito. "Anghel ka nga talaga."
"Oo nga," natatawang saad nito bago inabot ang kamay niya at inilgay iyon sa dibdib
nito. "Totoo ako. Isa ako sa mga anghel na bumaba mula sa mundo namin."
"Ibig sabihin, marami kayo?"
Isang ngiti lang ang isinagot ni Cassiel.
Napangiti na rin si Emie dahil parang kinumpirma na rin ng ngiting iyon ang tanong
niya. After all, medyo kulang sa common sense ang kanyang tanong.
Naiwala mo yata kasi ang utak mo dahil ang guwapo niya. At kaya pala siya guwapo,
mabait, at sandamukal na gentleman ay dahil anghel siya.
Napailing siya. "Bakit ka nga pala nandito sa mundo namin? Ipinatapon ka ba? O may
hinahabol kang kailangang ibalik sa mundo ninyo? O may binabantayan ka?"
"Saan mo naman nakuha 'yan?"
"I read about it. Watched it and heard it," aniyang nagkibit-balikat.
"Puwes, mali sila." Hinaplos ni Cassiel ang buhok niya. "Una, hindi ako pinatapon.
Wala rin akong hinahabol o binabantayan."
"Eh, bakit nandito ka?"
Bumuntong-hininga ito at napatingin sa langit. "May misyon ako kaya ako nandito."
"Ano iyon?"
Napangiti ang binata at bahagyang pinisil ang ilong niya. "Ang. Kulit. Mo. Din.
Pala."
"Oo. Matagal. Na." Panggagaya ni Emie sa pagsasalita ni Cassiel. "At saka, huwag.
Mong. Iwasan. Ang. Tanong. Ko," dugtong pa niya.
Sa pagkakataong iyon ay nanahimik si Cassiel at naging seryoso ang tingin. Parang
alam na ni Emie ang dahilan kung bakit ayaw sabihin ng binata ang lahat. Ayaw man
niyang kabahan pero ganoon ang nangyayari. After all, isang celestial being ang
minahal niya.
Ang talino mo talaga, Emie. Katatapon mo pa lang sa batong ipinupukpok mo sa sarili
mo, ngayon pumulot ka na naman, anang tinig sa isipan niya na hindi naman niya
napigilang sagutin.
Ano'ng gagawin ko kung ang magandang bato na 'to ang naging dahilan para bitiwan ko
ang batong ipinapanakit ko sa sarili ko noon?
Nang mga sumunod na sandali ay nahulog silang dalawa sa katahimikan. Katahimikang
sana ay mabigyan ng kasagutan.
ttom:0in;mar3RPU

[ 20 Chapter20 ]
-------------------------------

"SO, JEREMIEL..." Umupo si Cassiel sa tapat ng kinauupuan ni Ariel. Katabi naman


nito sa upuan si Jeremiel, ang isa pang anghel na bumaba rin sa mundo ng mga tao.
"Welcome sa mundo." Nginitian niya si Jeremiel na panay ang libot ng tingin sa
paligid.
"Cassiel, mukhang namamangha pa rin siya," malakas lang sa bulong na saad ni Ariel.
"Ganyan din ang hitsura mo noon," sagot niya. "Ang ipinagkaiba n'yo lang, siya
tahimik. Ikaw mainit ang ulo."
Napailing naman si Ariel. "Kung ikaw ang nasa kalagayan ko noon, na hindi malaman
ang nangyayari sa sarili, baka maintindihan mo kung bakit ako galit noon."
Bahagya siyang natawa. "Si Jeremiel nga, nabasa sa ulan. Mukha tuloy basang-sisiw.
Jeremiel, ayos ka na ba? Wala bang masakit sa 'yo? O kakaibang pakiramdam?"
"Nanginginig ako," nangangatal na saad ni Jeremiel. "Hindi ko alam kung bakit."
"Giniginaw ka kasi malamig," marahang paliwanag ni Cassiel. "Ariel, patayin mo na
iyong aircon. we don't need it. Tutal naman ay malamig na."
Tumalima naman si Ariel.
Ibinalik niya ang tingin kay Jeremiel. "Congratulations on your arrival at good
luck sa trabaho mo."
"Salamat," nakangiting sagot ni Jeremiel.
"And what will you be?" tanong naman ni Ariel nang makabalik na ito.
"A music teacher. And you?" balik-tanong ni Jeremiel.
"Mamumundok." Bahagyang napangiti si Ariel na ikinatawa naman ni Cassiel. "Tumatawa
ka diyan."
"Bumabanat ka na rin kasi." Pigil pa rin niya ang pagtawa.
"I have to," depensa kaagad ni Ariel. "Kung hindi ko gagawin' yon, mahahalata ako.
We have to blend in. Kaya ikaw, act like a normal person should dahil kung
hindi..." Umiling na lang ito.
"Huwag mong takutin si Jeremiel," saway ni Cassiel.
"Sinasabi ko lang," ani Ariel na nagkibit-balikat at naupo na sa kinauupuan nito
kanina. "Mabalik tayo sa 'yo, Cassiel, bago pa man dumating si Jeremiel ay may
pinag-uusapan na tayo. At ikaw, Jeremiel... makinig kang mabuti at huwag kang
tutulad dito kay Cassiel."
"Ariel," saway uli niya sa kapwa anghel.
"You were saying that you kissed a woman," patuloy ni Ariel.
Mabilis na napabaling si Jeremiel kay Cassiel.
Napangiti naman siya. "Yes, I kissed her," pag-amin niya. "Because I love her."
Katahimikan ang naisagot nina Ariel at Jeremiel doon. Kaya nagpatuloy siya.
"Pinilit kong pigilan. I wished for the Keeper to erase her memories pero habang
ginagawa ko iyon, dumating si Emie para hawakan ang pakpak ko at sabihin na mahal
niya ako."
"So, it's real?" tanong ni Jeremiel. "When your lady love sees your wings it means
that you both love each other."
"Yes," simpleng saad ni Cassiel. "Hindi rin kasi kayang burahin ng Keeper ang
memorya ni Emie kaya naisip kong tama nga ang nararamdaman ko at totoo ang
nararamdaman niya para sa akin."
Isa iyon sa mga hindi puwedeng gawin ng mga Keeper—ang burahin ang memorya ng mga
lady love ng mga anghel. Ang mga lady love naman ang tanging may kakayahang
makakita sa tunay na anyo ng mga anghel.
"Isn't it wonderful?" tanong ni Jeremiel. "At least you know that she loves you and
you love her back. Isn't love a wonderful feeling?"
Napangiti na lang si Cassiel habang si Ariel naman ay napailing pero makikita ang
ngiti sa mga labi. Totoo naman kasi ang sinabi ni Jeremiel. Walang makakatalo sa
pakiramdam ng pag-ibig dahil kahit silang mga anghel na walang ibang alam na
pakiramdam o pisikal na damdamin ng mga tao ay nakakaramdam ng pag-ibig. Iyon nga
lang ay limitado ang pag-ibig ng mga anghel sa pag-ibig ng isang kapatid, magulang,
at anak.
Ngunit ang nararamdaman ni Cassiel kay Emie ay bago sa kanya. Iyon ang unang beses
na nakaramdam siya ng higit pa sa dapat niyang maramdaman para sa isang kapwa.
Pinilit niyang iwasan iyon dahil mali, dahil dapat ay pantay-pantay lang ang
pagmamahal na ibibigay niya sa bawat tao. Marahil iyon ang kasabihan ng mga tao na,
'tao lang ako, nagkakamali rin.'
"Ano na ang balak mong gawin?" basag ni Ariel sa katahimikang naghari sa kanila.
"Honestly, hindi ko alam." Napayuko na lang siya.
"Bakit hindi mo alam?"
"Hindi ko naman kasi pinlano na maramdaman ito. Alam mo naman ang plano ko, 'di
ba?" Sumulyap siya kay Ariel.
"Kaya nga tinatanong kita," balik-tanong nito. "Masusunod mo pa ba 'yang plano mo?
Dahil kung oo, nasabi mo na ba sa babae na aalis ka din balang-araw? Na aalis ka
din kapag natapos mo na ang gagawin mo dito?"
Umiling na lang si Cassiel at napapikit. "Hindi ko kaya kasi alam ko na masasaktan
na naman siya. Katatapos ko lang ayusin ang buhay niya, sisirain ko din pala."
Muli silang natahimik.
Mayamaya ay tumayo na si Ariel. "Cassiel, mas maganda siguro kung sasabihin mo na
sa kanya bago pa mas lumalim 'yan. Bago ka pa makasakit ng iba." Lumakad na ito
papalapit sa duffel bag.
"Saan ka pupunta?" nagulat na saad niya.
"Sa trabaho ko. Parang nasabi ko na sa 'yo 'to noong isang araw pa."
Tumango na lang siya. "Ingat ka at magawa mo sana ang trabaho mo nang ligtas."
"Salamat." At tuluyan nang nagpaalam sa kanila si Ariel.
Naiwan namang nagkatinginan sina Cassiel at Jeremiel.
Binasag lang ni Jeremiel ang katahimikan sa simple ngunit mahirap sagutin na
tanong: "Ano ang pakiramdam nang sinasabi mong 'pag-ibig'?"
Ngumiti siya at tinapik sa balikat si Jeremiel."Masaya. Masarap sa pakiramdam. Pero
hindi sa lahat ng pagkakataon."�3RK|� 

[ 21 Chapter21 ]
-------------------------------

"SO, BAKIT mo ako ipinatawag?" Iyon kaagad ang ibinungad ni Emie kay Cassiel nang
ipatawag siya ng binata. Hindi rin niya maiwasan na tanawin ang nakatiklop na
pakpak nito sa likod. Kumbaga, hindi pa rin siya maka-get over na isang anghel ang
nobyo niya.
Teka, Emie, 'wag kang assuming. Hindi naman niya sinabi na girlfriend ka na niya.
Pero hinalikan niya ako. Ano pa ba ang ibig sabihin niyon?
A person can kiss anyone, as long as he or she likes doing it.
Okay. Isa iyong panggising sa pangarap niya. Marahan tuloy siyang lumapit sa mesa
ni Cassiel at naupo sa patient's chair na naroon.
"What's wrong?" tanong nito ng mag-angat ng mukha. "Kanina ang sungit ng dating mo,
'tapos ngayon, bigla kang nanahimik. Ano ang iniisip mo?"
"Hindi mo ba nababasa?" birong-totoo ni Emie. She was hoping that he could read her
mind para hindi na siya mahirapan pang tanungin kung ano nga ba silang dalawa.
Ngumiti naman si Cassiel. "That's beyond my powers, Emie. I may have powers pero
hindi ko siya puwedeng gamitin nang basta-basta. Hindi rin kasama sa kapangyarihan
ko ang magbasa ng isipan ng mga tao. Oo, noong nasa Tierra Celes ako, sa isipan
kami nag-uusap na mga anghel. Pero tao kami ngayon kaya sabihin mo na sa akin kung
ano ang iniisip mo."
Mariin naman siyang napalunok. Wala na sana siyang balak sabihin pa kay Cassiel
pero dahil ibinigay na nito ang buong atensiyon sa kanya, hindi na niya pinigilan
ang sarili. "Ano... tayong dalawa? I mean...a-ano'ng mayroon tayo?"
Kitang-kita niya kung paanong napamaang si Cassiel bago iyon nauwi sa pagngiti.
"This..." Ibinuka nito ang pakpak. "...is the sign that you love me."
"Me seeing your wings?" Itinuro ni Emie ang sarili. "So, buko mo na pala ako. Kaya
mo ako hinalikan."
"Yes," nakangiting sagot ng binata. "And this also means that I, Cassiel, am in
love with you. And the Keeper can't undo that. Hindi na nila kaya pang burahin ang
memorya mo tungkol sa akin o kahit ang damdamin natin para sa isa't isa.
Naiintindihan mo ba?"
Hindi naman siya nakasagot at tumango na lang.
"Ako naman ang magtatanong sa 'yo." Umupo si Cassiel sa katapat na upuan niya.
Hindi naman mapakali si Emie. Abot-abot langit ang kaba niya. Pinipigilan lang
talaga niya na maghisterya tuwing kinakabahan siya nang sobra-sobra sa mga ganoong
sitwasyon.
"Kung... K-kung malalaman mong hindi permanente ang pamamalagi ko dito," nauutal na
sabi ni Cassiel at sa bawat salitang binibitiwan ay napapahigpit ang hawak sa
kanya. "...at ano mang oras ay maaari akong mawala, will you... will you be all
right? Okay lang ba sa 'yong ituloy natin ito? Na magpatuloy tayo kahit na
masasaktan ka lang sa bandang huli?" magkakasunod na tanong nito.
"Ikaw? Ano ba ang gusto mo?" balik-tanong niya pero kung magiging totoo siya sa
sarili, siyempre, hindi siya magiging okay dahil ngayon pa lang siya nakakawala sa
kalungkutan sa pagkawala ng kanyang mag-ama, pagkatapos ay aalis din pala ang
pumalit sa mga ito. Pero hindi naman niya iyon mapipigilan. Anghel si Cassiel. At
alam ni Emie sa sarili na hindi para sa mundo ng mga tao ang binata. Wala siyang
karapatang angkinin ito at panatilihin sa mundo ng mga tao.
"Ikaw ang tinatanong ko, Emie." lalo pang humigpit ang pagkakahawak ni Cassiel sa
kamay niya bago iyon dinala sa mga labi nito. "Ito ang unang beses na naramdaman ko
itong sinasabi n'yong pag-ibig. Ito rin ang unang beses na naramdaman ko na gusto
kong maging makasarili at gawin ang nais ko. Pero hindi puwede..." Sa pagkakataong
iyon ay hinaplos na ng binata ang pisngi niya. "Ayokong saktan ka. As much as I
want to be with you, hindi—"
"Then be with me," hindi na napigilang saad pa ni Emie. "Kahit saglit lang.
Masasaktan ako pero kasama talaga iyon kapag nagmamahal ka. Cass, puwede naman
tayong maging makasarili kahit ngayon lang, 'di ba? Kapag aalis ka na, huwag mo na
lang isipin na masasaktan mo ako. Ang isipin mo, naging masaya ako na kasama ka. Na
naging masaya tayo dahil mahal natin ag isa't isa."
"Emie... I'm sorry." Kinabig siya nito.
Hindi na napigilan ni Emie na mapaluha. Lalo pa siyang napaluha nang maramdaman ang
pagbalot ng pakpak ni Cassiel sa kanila, na para bang sinasabi niyon ang
katotohanang hindi permanenteng mananatili ang binata sa mundo ng mga tao. Na ang
lahat ng iyon ay may katapusan... at magwawakas ano mang sandali.
t-->3R|A

[ 22 Chapter22 ]
-------------------------------

Tawa lang ang sagot na natanggap ni Emie nang muli siyang humingi ng tawad kay
Cassiel. Nahampas tuloy niya ang binata sa balikat. Hindi talaga niya maiwasang
hindi humingi ng tawad dahil sa sitwasyon nilang dalawa ngayon.
Para silang gumagawa ng kasalanan at nagtatago. Hindi sila umaakto na magnobyo sa
harap ng mga katrabaho nila. Kaya naman walang nakakaalam na may relasyon na silang
dalawa. Pagkatapos ngayon ay nagkita sila sa isang mall na malayong puntahan ng mga
katrabaho nila. Doon sila nagliwaliw para sa una nilang 'date.' Ngunit sa bandang
huli ay hindi pa rin mapakali si Emie na marahil ay napansin ni Cassiel. Nagyaya na
lang tuloy ang binata na sa bahay na nito sila magtungo. Pumayag naman siya. Sa
palagay niya ay mas magiging at ease ang isipan niya roon. Pero ngayong malapit na
sila sa bahay ni Cassiel, saka naman siya nakaramdam ng hiya.
What do you think you're doing? "Cassiel—"
"I know what you're going to say." Bumuntong-hininga si Cassiel. Nagbigay muna ito
ng direksiyon sa driver ng taxi kung nasaan ang bahay nito sa village, bago
bumaling sa kanya. "At tulad ng mga nauna kong sinabi, ayos lang. Naiintindihan ko
kung bakit kailangan nating magtago. Kung bakit natin kailangang ilihim."
"Talaga?" hamon ni Emie sa sinasabi nitong naiintindihan nito ang sentimiyento
niya. "Sige nga, kung naiintindihan mo, ano ang dahilan ko?"
Sinulyapan naman siya ni Cassiel bago pumara sa driver at bumaba sa harap ng bahay.
Pasulyap-sulyap lang ang ginagawa nito sa kanya. Ngumingiti pa na tila ba tinutuya
siya.
"Cassiel," hindi na makapaghintay na saad ni Emie. Noon naman humarap sa kanya ang
binata. Hindi ito nakangiti pero ang pakpak naman nito ang nagsasabi ng
nararamdaman nito.
At uulitin niya, hindi pa rin siya makapaniwala na anghel si Cassiel dahil hayun at
nakikita niya na muling pumapaypay ang pakpak nito na tila ba natutuwa.
"What?" malambing na balik-tanong ng binata.
Ang namumuo namang inis ni Emie ay nabura dahil sa ginawang iyon ni Cassiel. "Bakit
ka umiiwas sa tanong ko? Panay pa ang pa-cute mo? Nahahawa ka na ba sa mga doktor
na lagi mong kasama?" tukoy niya sa iba pang pilyong doktor sa ospiatal.
Ngumiti ito. "Hindi ako umiiwas, I was just thinking of the best way to say it."
"And that is?" Napasinghap si Emie nang ilapit ni Cassiel ang mga labi nito sa
tainga niya.
"Gusto mo kasi akong solohin," bulong nito na ikinalaki ng mga mata niya. Isang
hampas sa balikat na lang tuloy ang naiganti niya.
"Nahawa ka na nga sa kanila. Tigilan mo na nga ang pagsama sa kanila," saway niya.
"Bakit?" inosente namang saad nito. "May mali ba sa sinabi ko?"
Si Emie naman tuloy ang natawa. "Wala." Mabuti na lang... dugtong pa ng isip niya.
Hindi na sumagot si Cassiel, sa halip ay hinawakan ang kamay niya at niyakag na
papasok sa bahay. Tumigil lang sila nang makapasok na sa loob ng bahay at marinig
ang pagtugtog ng piano.
"May tao?" Bumaling siya kay Cassiel.
"Si Jeremiel 'yon. Isa sa mga housemate ko." Lumuwang ang pagkakangiti ni Cassiel.
"Akala mo parents ko?"
"Hindi." Siniko ito ni Emie pero ang totoo ay ganoon na nga ang una niyang naisip.
"Ang inaalala ko lang, alam ba niya na..." Inginuso niya ang mga pakpak ni Cassiel.
"Nope. Tara, ipapakilala kita sa kanya."
Natagpuan nila si Jeremiel na engrossed na engrossed sa pagtugtog ng piano na tila
ba napakalalim ng iniisip. Kung hindi pa ito tinawag ni Cassiel, hindi pa ito
haharap.
"Nandiyan na pala kayo. Ang akala ko, magtatagal pa kayo." Tumayo ito. "Hi, I'm
Jeremiel. Kahit Jery na lang ang itawag mo kung nahahabaan ka." Inilahad nito ang
kamay.
Mabilis naman iyong inabot ni Emie. "Emie, katrabaho ni Cassiel."
"Hindi ba nobya ka din niya?"
Napatingin siya kay Cassiel na napakamot na lang sa ulo. "Nasabi ko na sa kanila,
eh."
"Kanila?" hindi makapaniwalang saad niya.
"Kay Ariel din," si Jery ang sumagot. "Huwag kang mag-alala, wala siya dito. At
mabuti wala siya dito dahil malamang para kang nasa interrogation room kapag
nakausap mo iyon. I know. Dahil naranasan ko."
Sabay na lang silang natawa nang napakamot sa ulo si Jeremiel. Cute ito kahit na
may-katangkaran. Mas mataas nga lang si Cassiel. Medyo singkit din ang mga mata ni
Jeremiel, hindi nga lang kasinsingkit ng kay Cassiel. Matangos ang ilong, pero mas
makitid ang pagkakatangos ng ilong ni Cassiel. Makapal at medyo naka-pout ang mga
labi ni Jeremiel habang kay Cassiel...
Nilingon ni Emie si Cassiel. Paano ba niya makakalimutan ang manipis at matamis na
mga labi ng nobyo?
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Cassiel. "May dumi ba?"
Napailing na lang siya at nagpasalamat na inosente pa sa bata ang nobyo. "Wala."
"Naku, doon na nga kayong dalawa," taboy ni Jery sa kanila. "Gumagawa pa ako ng
lesson plan para sa susunod na buwan."
Natawa na lang sina Emie at Cassiel at iniwan na si Jeremiel na tumugtog ng baby
grand piano. Sunod siyang dinala ni Cassiel sa likod-bahay. Dumeretso na sila sa
gazebo na naroon.
"Teacher pala siya," pagbubukas kaagad ni Emie ng usapan. "Hindi halata."
"Bakit? Hindi ba bagay sa kanya?"
"No, I mean, mas mukha kasi siyang model kaysa sa isang teacher," depensa naman
niya at sabay bawi. "Parang ikaw. You're not suited to be a doctor. Mas mukha ka
ngang modelo."
Tumaas ang kilay ni Cassiel na ikinatawa niya.
"Marunong ka na niyan, ha?"
"Ang alin?"
"'Yan." Itinuro niya ang kilay ni Cassiel. "Natututo ka na."
"Nah, just saw Nikko do it."
"Naku!" napatiling saad ni Emie. "Parang awa mo na, huwag si Nikko ang gawin mong
ihemplo. Papayag na akong sumama ka kina Doc Marcelo, huwag lang kay Nikko."
"Bakit?" tila naguluhan namang saad ni Cassiel.
"Basta huwag."
Nagkibit-balikat lang ito.
Saglit na nagdaan ang katahimikan sa kanila at nakikinig lang sa pagtugtog ni
Jeremiel ng piano. Tila ba parang may nagdaan na kapayapaan sa pagitan nila kahit
na ba alam nila pareho na ano mang sandali ay maaari nang umalis si Cassiel. Tila
naman sabay nila iyong naalala dahil bigla silang nagkatinginan.
"May sasabihin ka?" tanong ni Cassiel. "Mauna ka na."
"Natapos mo na ba ang misyon mo?" deretsang tanong ni Emie.
"Hindi ko din alam." Nag-iwas ito ng tingin bago tumayo at inilahad ang kamay sa
kanya na tinaggap naman niya. "Sayaw tayo."
"Ngayon na?" nagulat niyang saad.
Ngumiti lang si Cassiel at hindi na rin nakatanggi si Emie dahil ito na mismo ang
humatak sa kanya patayo at palabas ng gazebo. Bago pa man siya makahuma ay
naipulupot na ng binata ang braso nito sa baywang niya.
Napakapit na lang siya sa batok ni Cassiel nang unti-unti silang umangat sa lupa.
"Cassiel, baka may makakita sa 'yo."
Umiling ito. "Papalubog na ang araw. Nasa bahay na nila ang mga tao at nanonood ng
telebisyon. Si Jeremiel naman ay malalaman natin kung nakikita tayo dahil wala na
ang pagtugtog niya. And he won't see us dahil nandito na tayo sa itaas. Kaya huwag
kang mag-alala." Hinalikan siya nito sa noo.
Her heart began to race with what he did. Hindi dahil sa paglipad nila o sa pag-
aalala na baka may makakita sa kanila, kundi dahil sa pagdampi ng mga labi ni
Cassiel sa kanyang noo. Hindi pa doon natapos iyon dahil sunod nitong sinakop ang
mga labi niya.
Tuwing hahalikan siya ni Cassiel, pakiramdam ni Emie ay nawawala ang pagiging
anghel ng binata. Para itong ordinaryong tao lang. Dahil sa halik na iyon ay hindi
lang ang distansiya ng mga labi nila ang tinawid nito kundi pati na rin ang
distansiya ng kung ano sila.
"Do I really have to go?" anas ni Cassiel nang tapusin ang halik. "You know, I can
choose to stay."
"And forget about me?" dugtong ni Emie. Nasabi na kasi ni Cassiel na puwedeng
mamili ang mga anghel kung nais pa nitong bumalik sa Tierra Celes. Pero oras na
piliin nitong manatili sa mundo ng mga tao, makakalimutan nito ang lahat ng tungkol
sa pagiging anghel, kasama ang pagbaba sa mundo ng mga tao upang gawin ang misyon.
"Gusto mo bang makalimutan ako?"
"Ayoko."
"Then don't stay."
"Gusto mo talaga akong umalis."
"Ayoko," mabilis pa sa alas-kuwatrong saad ni Emie. "Ayoko. Pero pakiramdam ko kasi
ay mali ang lahat ng ito."
Nag-angat ng tingin si Cassiel. "Mali ba ang magmahal? Mali na pala ang salitang
'pag-ibig' ngayon."
Napabuntong-hininga siya bago sumandal sa dibdib ng binata. "Alam mong gusto ko
ring manatili ka dito. Pero paano kung manatili ka nga dito sa mundo, pero hindi mo
naman ako makita uli? Cass, ang isiping maaari kang magmahal ng iba ang mas
masakit. Alam kong nandito ka pero hindi ko alam kung nasaan ka at wala akong
magawa doon. Mas masakit pa iyon sa pag-iwan ni Gary sa akin." Saglit siyang
natigilan. "Madaya ka," mayamaya ay patuloy niya na napaluha na. "Makakalimutan mo
ang lahat pero ako hindi. Gusto ko lang maging makasarili, Cassiel. Gusto ko pareho
tayong nasasaktan habang magkalayo. Umasa kang hindi kita papalitan dahil alam ko
na nasa Tierra Celes ka lang at nagmamasid sa akin."
Napahugot ng malalim na hininga si Cassiel at mahigpit siyang niyakap. Noon naman
naramdaman niya ang pagbaba nila muli sa lupa.
"I'm sorry," bulong nito. "I shouldn't have made you fall in love with me."
"Hindi ikaw ang pumili nito kaya wala kang kasalanan."
Hinalikan siya ni Cassiel sa ulo. "Kung pipiliin ko man ang manatili dito sa mundo
at sakaling makita mo ako, kahit gaano na ako katanda o may iba man akong asawa o
nobya, isigaw mo lang ang salitang 'himala' o kaya ay 'miracle.' Baka-sakaling
maalala kita." Natawa pa ito ngunit mapapansin ang kislap ng luha sa mga mata.
Pareho silang natahimik, pagkatapos ay sabay pang napasinghot kaya naman
nagkatawanan na sila sa bandang huli.
"Emie, hindi ako nagbibiro sa sinabi ko," seryosong saad ni Cassiel. "Kung hindi
man kita makilala, kailangan mong isigaw iyon. Kasi makikilala kong ikaw iyon.
Makikilala ng puso ko na ikaw lang ang nag-iisang babae na nababaliw sa akin at
isisigaw iyon."
Natatawang napaluha siya at yumakap na lang sa binata. "Nahahawa ka na nga kina Doc
Marcelo."
"Ayos lang sa aking mahawa sa kalokohan nila if it makes you happy, I wouldn't
hesitate to do it."
And again, Emie tasted the heavenly kiss of an angel.
margin-bottl6R�"�)

[ 23 Chapter23 ]
-------------------------------

NAKISAMA na rin sa pagtawa nina Queen at Emie si Cassiel nang bumanat si Nikko na
sosyal daw sila dahil kasama nila ang celebrity doctor. Kaya naman daw
pinagtitinginan sila ng iba nilang kasamang nurse nang may inggit.
Natatawa si Cassiel sa birong iyon ni Nikko dahil siya ang tinutukoy nitong
celebrity doctor at ang sinasabi naman nitong naiinggit ay talaga namang iniinggit
nito.
"Nikko, tama na," pigil na niya kay Nikko. "Baka tuluyan nga 'yang mainggit sa 'yo
at magkagalitan pa kayo."
"Naku, si Doc talaga. You are so mabait talaga. Kaya nai-in love ako sa 'yo lalo,
eh." Bigla namang napatili si Nikko nang mapaubo si Emie at humarap pa talaga kay
Nikko. "Ay, ano ba 'yan, friend. Iisipin ko na talaga na may hidden desire ka kay
Doc. Nakakahalata na ako."
Nagkatinginan naman sina Cassiel at Emie bago sabay na napayuko at nagkatawanan.
Ang akala nila ay hindi sila mapapansin pero ang tabil na bibig at matalas na mga
mata ni Nikko ang kalaban nila.
"Ay, parang meron nga," sabad ni Nikko. "Huwag na kayong mag-deny, hindi naman
kakalat."
"True," singit ni Queen. "Obvious naman sa tinginan pa lang."
"Hindi kaya." Nag-iwas ng tingin si Emie.
"Tigilan mo nga— ay!" Tumili si Nikko dahil napalakas ang hampas nito kay Emie kaya
naman nawalan ng balanse ang babae.
Pero mabilis na nasalo at naalalayan ni Cassiel si Emie. At ganoon din kabilis ang
mga mata at komento ni Nikko.
"Iyan, iyan ang wala lang."
"Nikko," saway na ni Emie sa kaibigan, saka umayos ng upo. Ngunit sa pagkakataong
iyon ay hindi na siya lumayo pa sa babae.
"Okay, fine. Kunwari wala na kaming nakita at nakikita." Umirap si Nikko na
ikinatawa na lang niya.
Ngunit sa likod ng pagtawa na iyon, natatakot na si Cassiel. Kagabi kasi ay
kinausap na siya ng Keeper na tapos na ang misyon niya sa mundo at kailangan na
niyang bumalik sa Tierra Celes. Hindi niya alam kung kailan iyon pero natatakot
siyang hindi siya magkaroon ng pagkakataon na makausap si Emie.
Kaya naman pasalamat siya sa mga kaibigan ni Emie, kahit kasi hindi niya kausapin
ang mga ito, nagkakaroon siya ng pagkakataon na mapadikit sa dalaga ano mang oras
niya gustuhin. Tulad na lang ngayon.
Hinawakan niya ang kamay ni Emie. Halata namang nagulat ito. Nginitian lang niya
ang dalaga na ginantihan naman nito ng panlalaki ng mga mata. Pero sa halip na
bitiwan ang kamay, lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Emie.
Iniiwas na lang niya ang tingin dito at bumaling kina Nikko at Queen.
"Sino ang gustong sumabay sa akin pag-uwi?"
"Ay, hindi keri, Doc. May three hours pa ako after ng out mo," ani Nikko.
"Kapapasok ko lang, Doc. Pero si Emie pauwi na," sagot ni Queen.
Pinanlakihan ni Emie ng mga mata ang kaibigan. "Hindi ba uwian mo na rin, Queen?"
"Naka-double shift ako ngayon, 'te," kunwa ay malungkot na saad ni Queen pero
halata ang pagkapilya sa mga mata.
"At saka bakit ba parang ayaw mong makasabay si Doc Cass?" singit naman ni Nikko.
"Sabayan mo na. Mukha namang willing si Doc mag-wait nang one hour para sa 'yo,
eh."
"Bakit alam mo ang schedule namin?" tanong ni Emie.
"Ah, eh, stalker mode, 'te. Para sa lalaking iniibig," katwiran pa ni Nikko.
"Sabayan mo na si Doc, ha. Papasok na kami ni Queen." Hinatak na ni Nikko si Queen
at iniwan na nga sina Cassiel at Emie.
Alam ni Cassiel na talagang sinadya iyon ni Nikko. At mukha ngang malakas ang
pakiramdam nito.
Noon naman siya hinarap ni Emie. "Cassiel," tawag nito sa kanya na tila ba bata
siyang may ginawang kasalanan. "Pinlano mo ba 'to?"
"Hindi. Pangako, hindi." Itinaas niya ang dalawang kamay. "But I really want to go
home with you. Niyaya ko na rin sila para hindi halata. But it looks like Nikko has
an idea about my plan."
"Paanong hindi ka mahahalata, buong araw kang nakadikit sa akin. Bakit ba?"
"Ayaw mo ba?"
"Gusto."
"Eh, di walang argumento." Hinaplos niya ang buhok ni Emie at tumayo na. "I'll be
waiting for you, at the lounge" paalam na niya sa dalaga. Sasamahan uli niya ang
dalaga sa mga susunod na araw hanggang sa araw na makaalis siya sa mundo ng mga
tao.
Ngunit totoo nga yata ang kasabihan na, 'you can't stop the inevitable.'
The next thing Cassiel knew, habang nakasakay sila ni Emie sa taxi pauwi ay biglang
nagkaingay ang busina ng mga sasakyan at lumiwanag ang buong paligid. Kasunod niyon
ay kausap na niya ang keeper at tinatanong na siya...
"Panahon na para pumili, Cassiel. Ang mundo ng mga tao o ang Tierra Celes?"
He really had to choose and he chose to...
henate:noa3R��� 

[ 24 Chapter24 ]
-------------------------------

Maliwanag. Pulos puti at tanging tunog lang ng aparato ang maririnig. Sa paghugot
niya ng hininga ay nasamyo rin niya ang amoy ng gamot sa hangin. Nasaan ba kasi
siya? Akmang babangon siya nang may pumigil sa kanya.
"Doc San Gabriel, huwag po muna kayong babangon. Tatawag po muna ako ng doktor,"
saad ng tinig bago niya nakita ang mukha ng isang babae na agad na umalis.
Sunod na nakita niya ang mukha ng isang lalaki at tiningnan ang vital signs niya
habang nagtatanong. "Kumusta naman ang pakiramdam mo, Cassiel? Masakit ba ang ulo
mo? Katawan? Nahihilo ka ba?"
"Cassiel?" tanong niya sa doktor. "Nasaan ako?"
"Nasa ospital ka," sagot uli ng doktor na may name tag na 'Luciano.' "May
nararamdaman ka bang masakit?"
Umiling siya. "B-bakit nandito ako? S-sino kayo?" nauutal pa niyang saad.
Nakaramdam siya ng pagkauhaw. Pakiramdam niya ay napakalayo ng nilakbay niya.
Nagkatinginan naman ang mga taong nasa harap niya bago nagsalita uli ang doktor.
"Hindi mo ba kami maalala?" tanong pa uli ng doktor na sinagot niya ng pag-iling.
"Ang pangalan mo?"
Umiling uli siya.
Tumango lang ang doktor at may isinulat sa hawak na clipboard. "You are Doctor
Cassiel San Gabriel. Ilang buwan ka nang nagtatrabaho dito sa San Jose Medical
Center. Naaksidente ka habang sakay ka ng taxi at kasama mo si Mrs. Emie Rose
Dixon, isa sa mga nurse ng ospital ding ito."
"Emie Rose Dixon?" ulit niya sa pangalang binanggit ng doktor. Hindi niya alam kung
bakit ngunit parang tinamaan ng pag-aalala ang dibdib niya. "Nasaan siya?"
Inilahad ng doktor ang kamay sa kamang nasa tabi niya.
Noon bumungad sa kanya ang hitsura ng sinasabi ng doktor na Emie Rose Dixon.
Kitang-kita niya ang babae sa kabilang kama mula sa liwanag na nagmumula sa
bintana. Maganda ito. Para itong prinsesa na natutulog at naghihintay ng isang
halik mula sa isang prinsipe.
Mabilis niyang pinalis ang nasa isip at pinagtuunan ang kalagayan ng babae. Wala
namang komplikadong aparato na nakakabit dito bukod sa oxygen, dextrose, at vital
signs monitors. Mukhang walang malubhang pinsala ang babae.
"Kumusta siya?" Bumaling siya sa doktor.
"Hindi ko pa masabi, Cassiel. Pero umaasa akong wala naman siyang malubhang
pinsala. Sa side mo ang may mas malakas na pinsala kaya himala na wala kang kahit
anong injury."
Natigilan siya sa sinabi ng doktor at para bang may ilaw na bahagyang sumilip sa
isipan niya. Pero bago pa tuluyang mabuksan iyon ay nawala rin.
"May masakit ba?" tanong kaagad ng doktor nang mapapikit siya.
"Wala naman." Umiling siya. Alam niyang wala dahil wala siyang maramdaman na kahit
anong sakit. Pero wala talaga siyang maalala.
"Ano ba ang hindi mo maalala?" tanong uli ng doktor. "Pangalan? Saan nakatira?
Wala?"
"Wala talaga akong maalala," sagot niya matapos umiling sa lahat ng tanong ng
doktor.
"Sige. I-schedule kita for CT scan and MRI na rin para makasigurao tayo. Umasa
tayong nai-stress lang ang utak mo kaya wala kang maalala. Paano, Doc Cassiel,
mauna na ako. Dadalhin ka na lang sa lab for CT scan and MRI mamaya siguro then
I'll get back to you."
Nagpaalam na sa kanya ang doktor bago lumipat kay Emie na hindi rin niya maiwasang
hindi pakatitigan. Hind rin niya maiwasang mag-alala sa kalagayan ng babae. After
all, silang dalawa ang magkasama.
Pero bakit sila magkasama?
"Doc, magpagaling kayo," biglang saad ng nurse na lalaki na halatang bading.
"Nakakaloka naman kasi, Doc, mabibiyuda ako nang hindi oras sa 'yo."
Napangiti siya sa sinabi ng nurse. Mukhang malapit sila sa isa't isa. "Tell me,
sino ba talaga ako?"
"Wala talaga kayong maalala, Doc?" tanong uli ng nurse. "Kung ganoon, pagkakataon
ko na ito." Tila kinilig pang saad nito. "Ako nga po pala si Nikko Marco Ramirez,
ako po ang nobya ninyo. At iyong nurse po kaninang babae ang kaibigan ko. Si Queen
Anastacio at iyan naman pong nasa kabilang kama ang karibal ko sa inyo. Si Emie
Rose Dixon."
"Emie Rose Dixon," ulit niya sa pangalan ng babae bago ito binalingan. Bakit parang
hindi na talaga bago sa kanya ang pangalang iyon?
Hindi na talaga bago dahil ilang buwan mo na silang nakakatrabaho. Kahit ang
pangalan na 'Cassiel' ay hindi rin bago sa kanya. Iyon nga yata talaga ang pangalan
niya.
"Yes, Doc, siya si Emie. Madalas na kayo ang magkasamang mag-rounds kasi pareho
kayo ng shift at siya madalas ang inaakay ninyo. Para kayong may special bond with
each other. Hindi na rin ako nagtataka, Doc, kasi siya ang una mong naka-close."
"Ano talaga ang pangalan ko?"
"Ang sabi n'yo, Doc, at sabi ng ID ninyo, Cassiel San Gabriel," may pagmamalaki
pang saad ng nurse.
Akmang magtatanong pa siya nang bumukas ang pinto at tawagin na ang nurse.
Nagpaalam na ito sa kanya at nagsabi na lang na babalikan siya para sa CT scan at
MRI. Paglabas nito ay muli niyang binalingan si Emie.
There was something that urged him to stand up and take a closer look. Hindi sana
siya tatayo pero hindi talaga niya mapigilan ang sarili. So he sat up and dragged
his IV drip so he can come closer to Emie. Mabuti na lang at inalis na ang
pagkakakabit ng ilang aparato sa kanya kaya malaya na siyang makapaglakad.
Pagdating sa harap ni Emie ay parang nais niyang haplusin ang mukha nito, yakapin
ito, at alamin kung ano ang masakit dito. Ngunit pinigilan niya ang sarili at
pinagmasdan na lang ang dalaga.
a trabahoD3R��� 

[ 25 Chapter25 ]
-------------------------------

"AYOS naman ang lagay mo, Doc," saad ni Dr. Luciano. "Wala namang nakita si CT scan
mo o sa MRI. Mukhang nabigla lang 'yang utak mo. Siguro ilang araw na pahinga,
puwede ka nang i-discharge. Two weeks, para sigurado. Fit to work ka na uli. Ayon
din sa mga test, mukhang bukod sa personal info mo, wala ka nang ibang nakalimutan.
Naalala mo naman siguro ang mga ways around hospitals, ano?"
Saglit na hinalukay ni Cassiel ang isipan bago tumango na lang. "Sa tingin ko nga
rin."
"Si Emie nga pala ay nagising na habang nasa lab ka. Nakatulog lang uli siya," saad
ng doktor. "Mukha ring okay siya dahil naalala naman niya ang lahat. She even
looked for you."
"And?" hindi napigilang tanong niya dahil na rin sa ngiting ipinapakita ng doktor.
"And she looked relieved and happy knowing that you're here and okay." Ngumiti at
umiling pang muli ang doktor. "Mukhang nagkakamabutihan kayo ni Emie, ah. Mabuti
'yan. Mukhang ikaw lang ang hinihintay niya para maka-move on siya sa lungkot ng
pagkawala ng asawa at anak niya."
Saglit na binalingan ni Cassiel ang doktor bago bumaling kay Emie na natutulog sa
kabilang kama. "May asawa't anak na siya?" Bakit nanghihinayang ka? Hindi naman
niya masagot ang tanong at kahit anong isip niya, wala talaga siyang clue kung
bakit.
"Tulad ng sinabi ko, mag-move on, Doc." Tinapik siya nito sa balikat. "Wala na ang
asawa niya. Mahigit dalawang taon na ang nakalilipas. At ngayon lang uli namin siya
nakitang maayos at nag-alala nang ganoon sa isang tao. And that is you. So don't go
disappearing from her life now, Cassiel." Tinapik uli nito ang balikat niya at
umalis na.
Muling tumayo si Cassiel at nilapitan ang natutulog na si Emie. Sa pagkakataong
iyon ay hindi na niya pinigilan ang sariling hawakan ang kamay nito.
Parang gumaan ang pakiramdam niya nang sabihin ni Doc Luciano na ayos lang si Emie.
At muli ay hindi niya alam kung bakit. Marami siyang katanungan. At pakiramdam niya
ay si Emie lang ang makakasagot niyon.
Naalala na ni Cassiel ang pangalan niya, kung saan siya nakatira, kung sino ang
pamilya niya, at kung nasaan ang mga iyon. Kung saan siya nag-aral mula elementarya
hanggang kolehiyo. He even knew who he was and what he was doing in the country.
Parang palabas iyon na unti-unting ipinapalabas sa isipan niya. Ngunit bukod pa
roon ay wala na. Hindi ba dapat ay sapat na iyon, pero bakit pakiramdam niya ay
parang may kulang?
"Wake up," anas niya habang hawak pa rin ang kamay ni Emie. "Nararamdaman kong ikaw
lang ang makakasagot sa akin at nagpapasalamat akong ayos ka lang dahil alam ko,
nararamdaman kong nasa 'yo ang isa sa piraso ng pagkatao ko na nawawala."
Ilang minuto pang naghintay si Cassiel pero hindi talaga gumising si Emie. Mukhang
bumabawi talaga ito sa nangyari sa kanila. After all, medyo malubha ang lagay ng
sinakyan nila nang makita niya ang litrato at pasalamat siyang ligtas sila pareho.
"It's a good thing you're all right," saad uli niya at sa pagkakataong iyon ay
hinaplos na niya ang pisngi nito. "Isang malaking himala ang nangyari."
Mabilis na natigilan si Cassiel dahil parang may pintong biglang bumukas sa isipan
niya. Malabo ang nasa loob ng pintong iyon. Pulos ilaw, anino, at mga mahihinay na
tinig lang ang naririnig.
Hindi na niya napansin na napahigpit na pala ang pagkakahawak niya sa kamay ni
Emie. Napaayos siya ng tayo nang maramdaman ang pagdantay ng kamay sa kamay niya.
"Emie..."
"Cassiel," she said breathlessly bago tuluyang napaluha. "You stayed!" Tuluyan nang
bumangon ang babae at yumakap sa kanya.
"I stayed?" naguluhang tanong niya.
Bumitiw naman sa pagkakayakap si Emie at tumango. "You stayed. N-niligtas mo tayo
sa aksidente kaya hindi tayo gaanong napuruhan. And I thought na... na babalik ka
na sa Tierra Celes at iiwan mo na ako kasi... kasi—"
"Sshh," pigil niya sa sasabihin nito, saka niyakap ito nang mahigpit. "It's all
right, calm down." Hinaplos niya ang likod nito. At ewan niya uli kung bakit ganoon
na lang ang tila pagtugma ng boses ni Emie sa tinig na naririnig niya mula sa
kanyang alaala. Parang siya ang kailangang kumalma.
"You really stayed. You chose me." Iyon ang paulit-ulit na binabanggit ni Emie
habang nakayakap sa kanya.
Hindi maintindihan ni Cassiel kung bakit. It was as if Emie had gone crazy.
Napakurap na lang siya nang kumawala sa yakap niya ang babae at sapuhin ang kanyang
mukha.
"This isn't a miracle. This is the choice you made. Pero para sa akin, himala pa
rin na ako ang pinili mo. An angel who fell in love with a human. It is really a
miracle."
Kasabay ng bawat katagang binanggit ni Emie ay siya namang tuluyang pagbukas ng
pinto mula sa alaala ni Cassiel. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at sa
pagbuhos ng mga alala, hindi na rin niya napigilan ang mapaluha.
"Emie..." Iyon na lang ang nasambit niya bago ikinulong sa isang mahigpit na yakap
ang dalaga. Sinakop niya ang mga labi nito na tila ba iyon ang oasis niya sa ilang
araw na hindi pagkaalala rito. At ang tanging magiging oasis niya sa buhay na
pinili niya na manatili sa mundo ng mga tao.
Wakas

Available on www.preciousshop.com.ph
Available on e-book
format: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/2803/Angel-s-Creed-
Trilogy-1--Angel-s-Tale

You might also like