You are on page 1of 3

St.

Joseph School of Lawang Bato


Banghay Aralin
Filipino IV

I. Layunin: Sa pagtatapos ng klase sa ika-apat na baitang ang mga mag-aaral ay inaasahan


na;
a. naisasalang-alang at nagagamit ng wasto ang Pagsulat ng Talambuhay
b. napapahalagahan ang Pagsulat ng Talambuhay
c. nakakagunita ng kanilang mga karanasang upang maka buo ng isang
talambuhay

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pagsulat ng Talambuhay
B. Sanggunian: Dayag Alma M. PINAGYAMANG PLUMA, Napapanahong kaalaman sa
Wika at Pagbas K-12. 2023.
C. Kagamitan: chalk, power point

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
-Panalangin
(Panalangin ng klase)

-Pagbati sa klase
(Isang magandang Umaga sa inyo klase)
-Pang araw-araw na gawain
(Pag pulot ng kalat at pag sasaayos ng mga upuan)

-Pagtatala ng liban at hindi lumiban sa klase


(Mag tanong kung sino ang tagasulat ng kanilang attendance at ipasulat sa gilid ng
Pisara)

B. Balik Aral
1. Sinong nakakaalala ng na ating tinalakay nung nakaraang aralin?
2. Sino ang maaring makapagbigay ng kahuluggan ng ____?
3. Tukuyin ninyo kung ito bay pang-abay o pang-uri.

3.1. Niyakap ko siya nang mahigpit.


3.2. Maganda ang asawa ni Mang Tonyo kahit may edad.
3.3. Pupunta ako bukas sa parke.
3.4. Si lola ay mapagmahal sa amin
3.5. Walong basong tubig ang iniinom ko araw-araw.

-Pagganyak
Spelling with a twist
Gamit ang mga bagay na hawak ninyo o kaya mga bagay na suot ninyo ay ibaybay ninyo
ang sasabihin ko ito ay mga salita na ating tatalakayin ngayong araw.
1. Talambuhay
2. pansarii
3. Talata

C. Pagtalakay
-Ano ang Talambuhay?

-Ang paggamit ng wastong gramatika at retorika ay nakakatulong sa pagiging masining


ng isang akda.

-Dalawang Uri ng Talambuhay

-Nararapat Tandaan sa Pagsulat ng Talambuhay:

-Paano magsulat ng Talambuhay?

-Mga Paraan ng Pagsulat ng Talambuhay


Payak na Paraan na Pagsulat

-Kontrobersyal na Paraan ng Pagsulat


Ito ay gaya ng isang ordinaryong pagpapakilala sa paraang pasalita.
1. Unang talata
2. Ikalawang talata
3. Ikatlong talata

-Maikling Pagsasanay
Sagutan ang mga sumusunod na tanong patungkol sa ating tinalakay ngayong araw.
1. Ito ang akdang naglalahad ng kasaysayan o mahalagang tala sa buhay ng isang tao.
2. Ano ang Dalawang Uri ng Talambuhay?
3. Dito sinusulat ang pangalan, araw ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, tirahan,
magulang, kapatid.
4. Dito nilalagay ang mga katangian, mga hilig, paborito, libangan, mga bagay na
natuklasan
5. Napapaloob dito ang mga pananaw sa mga bagay-bagay, pangarap, ambisyon,
inaasahan sa darating na panahon, mga gawain upang makamit ang tagumpay

D. Paglalahat
Gumawa ng isang talambuhay patungkol sa iyong sarili bilang ikaw noon at bilang ikaw
ngayon. Gamitin ang natutunan ngayong araw upang makagawa ng isang magandang
talambuhay at pag katapos ay babasahin ito sa harap isa-isa.

E. Paglalapat
Simulan Natin!
Gawin ang aktibidad sa libro ng Pinagyamang Pluma sa Pahina 130

IV . Pagtataya
Pagyabungin Natin!
Sagutan ang mga sumusunod sa libro ng Pinagyamang Pluma sa pahina 131-132

V. Takdang Aralin
Basahin ang kwneto ng “Ang Muling Pagbangon ni Nanay” sa pahina 132-134, at
sagutan ang mga sunusunod na tanong patungkol sa binasang kwento.

You might also like