You are on page 1of 2

November 4, 2013 (Monday) FILIPINO Time I.

Layunin Nakasusulat ng liham pangangamusta at pagbati Pagpapahalaga: Pagiging Maaalalahanin

d. Maninibago na si Itay pagbalik dahil________. e. Sinusulatan natin ang mga mahal natin sa buhay na nasa malayong lugar na_________. 3. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ipahayag ang paglalahat. C. Paglalapat Isulat ayon sa tamang balangkas ang liham na ito 1. Arroceros St. Ermita, Manila Setyembre 30, 2012 2. Mahal kong Liza 3. Kamusta ka na at ang iyong pamilya. Tama pala ang hinuha ko na ikaw ang magwawagi sa patimpalak sa pag-awit. Masaya ako para sa iyo. Sa wakas, nagkaroon na ng katuparan ang pangarap mong umawit sa ibabaw ng entablado at nagwagi ka pa. Subalit nalulungkot naman akong malaman na nagkasakit ka raw pagkatapos ng paligsahan dahil naulanan ka. Magpagaling ka ha. Kapag magaling ka na, saka mo sagutin ang sulat ko. 4. Ang iyong matalik na kaibigan 5. Karla IV. Pagtataya (Pangkatang markahan) Gumawa ng liham na nangangamusta batay sa sitwasyong ito Nadestino ang iyong ama sa Batanes. Malayo iyon at matatagalan bago siya bumalik. Mananabik siya sa inyo na kanyang pamilya. Gumawa ng liham pangangamusta para sa kanya Ito ang adres na iniwan niya Plasmetal Industries #25 Mangga St., Phase III Victoria, Batanes V. Takdang Aralin Gumawa ng liham pangangamusta sa mahal mo sa buhay na malayo sa iyo.

II. Paksang Aralin Liham Pangangamusta at Pagbati Sanggunian: BEC-PELC Pagsulat 4 p. 52, Hiyas sa Wika 4 p. 133-134, Hiyas sa Pagbasa 4 p. 227-228 Kagamitan: Halimbawa ng isang liham na nangangamusta at pagbati III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain: 1. Balik-aral Bigyang hinuha ang sitwasyon Bumili si Mama ng tuta. Nang makita ng alagang pusa ng kanyang kuya ay nagingay ang pusa at nagpaikot-ikot. Gayundin naman, nagpipilit pumiglas at kumawala ang tuta sa kanyang mga kamay. Palakas nang palakas ang kahol nito, hanggang sa mabitawan ito ni Mommy. Ano kaya ang mangyayari sa pusat aso? 2. Pagganyak a. Patayuin ang mga mag-aaral. b. Sabihin sa isat isa. Kumusta ka na? Magandang araw sa iyo! Masaya ka ba? c. Tanungin sila kung ano ang nararamdaman nila habang kinukumusta ng kamag-aral nila? B. Paglalahad 1. Basahin ang sulat ng tatay ni Joni sa kanya (Batayang Aklat) 2. Pagtalakay Sagutan nang tama ang patlang a. Nagtatrabaho si Itay sa _______. b. Ilan sa mga patunay na nagbabago sa agham ay_______. c. Kailangang mag-abroad si itay upang_______.

November 5, 2013 (Tuesday) FILIPINO Time I. Layunin Nakabibigkas ng tula sa tamang paraan Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng damdaming makabayan

II. Paksang Aralin Mga Pahayag para sa Karangalan ng Sarili at Kapwa Pilipino, Pagbigkas ng Tula Sanggunian: BEC-PELC Handbook Pakikinig 4, HIyas sa Wika 4 p. 98, Hiyas sa Pagbasa p. 9 Kagamitan: tula, larawan III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain: 1. Balik-aral: Paano naiiba ang liham pangangamusta sa iba pang uri ng liham? Paano gumawa ng liham pangangamusta? 2. Pagganyak Anyayahan ang ilang mag-aaral na tumayo. Ipakilala ang bawat isa. Sabihin kung ano ang mga kaya mong gawin. Ibahagi sa paraang pasalaysay ang mga karangalang iyo nang natamo sa murang gulang B. Paglalahad 1. Basahin ang tula: Pagka-Pilipino ating ikarangal At ipagmalaki kahit saang lugar Ang minanang laya, wikat kalinangan Di dapat ikahiya ngayon at kailanman. Kung talas ng isip ang pag-uusapan Nangunguna ang Pinoy sa alinmang larangan Sa lakas ng loob, angking kakayahan Magaling ang Pinoy di masasapawan Dakilang paglilingkod ang maiaalay Kung lahat ng pamana ay mapagyayaman Pillipino sa puso, wika at isipan Pilipino akong may puri at dangal

2. Pagtalakay: a. Anu-ano ang mga dapat nating ikarangal bilang mga Pilipino? b. Saan-saan magaling ang mga Pinoy c. Ano daw ang ating maiaalay sa bayan? d. Ikaw, paano mo maipapakita ang pagkarangal bilang Pilipino? 3. Magpakita ng mga larawan sa mag-aaral. Gumawa ng mga pangungusap upang bigyang halaga ang mga bagay na mula sa Pilipinas. C. Paglalahat Paano mo ikararangal ang iyong sarili at ang iyong kapwa? D. Paglalapat Basahin at isaulo ang aikling tula. Bigkasin ito nang may buong karangalan at tiwala sa sarili. Akoy Batang Uliran Masunurin ako pagkat sinusunod Ang lahat ng sa akin ay ipinag-uutos Maunawain ako pagkat inihahandog Ang lahat ng tulong sa dukhat busabos IV. Pagtataya Markahan ang pagbigkas ng mga mag-aaral gamit ang rubrics na ito. Lagyan ng tsek ang hanay kung nakasunod ang mga mag-aaral Malinaw ang pagbigkas ng mga salita May damdamin ang pagbigkas Sabay-sabay ang pangkat sa pagbigkas Nakasusunod sa pamantayan sa pagbigkas May malikhaing paraan ng pagbigkas

You might also like