You are on page 1of 132

Banghay Aralin sa Filipino VI

Ikalawang Markahan
Linggo: 1
Araw: 1

I. Layunin:
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento (F6PN-IIa-g-3.1)
II. Paksa:
A. Pagsasagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento
B. Pagdiriwang Ng Wikang Filipino V Pagbasa pp.60 – 63, F6PN-11a-g-3.1
C. Larawan ng magkaibigan, tsart at aktibiti kard
D.Pagiging Isports
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pamukaw-sigla: Tula
Ang Aking Kaibigan

Ako ay may isang kaibigan


Kasama ko kahit saanman
Siya ay mabait at mapagkatiwalaan
Iyan ang kanyang mga katangian.

Araw-araw kami ay magkasama


Sa hirap at ginhawa, sa saya at sa problema
Di kami mag-iiwanan, pangako iyan
Hanggang sa dulo ng walang hanggan.
2. Pagganyak:
 Kayo ba ay may kaibigan?
 Paano ninyo masasabi na siya ay totoong kaibigan?
 Paano mo masasabi na siya ay hindi totoong kaibigan?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad: Pakinggan ang kuwento

Ang Tuso Kong Kaibigan


Isang araw ay Pista ni San Jose sa bayan. Inaanyayahan ako ng isang kalaro na sumali sa
paligsahang marathon. “Sali tayo Ricky, Malaki raw ang premyo,” ang sabi sa akin ni Ontoy.
Nag-isip ako. “Kung sa bagay malaki ang premyo at makakadagdag ito sa panggastos sa
bahay. Pero, kaya ko kayang manalo? Mabilis ba akong tumakbo?”
“Huwag ka nang masyadong mag-isip. Sinuman sa atin ang mananalo, maghahati tayo sa
premyo, ha?” sabi ni Ontoy. Sa kanyang pangungulit, napapayag din ako. Dali-dali kaming
nagpalista sa paligsahan. Pumuwesto kami sa panimulang linya.
“Isa, dalawa, tatlo…takbo! “Sigaw ng tagapamahala.”
Mabilis kaming tumakbo, kaya nanguna kami sa kalaban. Halos magkasabay at
magkasingbilis kami ni Ontoy. Ngunit nang malapit na kami sa hangganan, bigla niya akong
siniko sa may tagiliran. Sa lakas ng pagkakasiko, bigla akong napatumba. Tuloy-tuloy naman si
Ontoy. Siya ang nanalo sa paligsahan.

1
Masama man ang loob ko binati ko pa rin siya at kinamayan. Si Ontoy? Nagkibit-balikat
lamang. Sinolo niya ang premyo. Sa akin ay walang anuman iyon. Sino ba sa amin ang nawalan
ng mabuting kaibigan?
2. Pagtatalakay: Sagutin ang mga tanong sa kuwentong napakinggan.
 Sinu-sino ang magkakaibigan?
 Bakit sumali sila sa paligsahan?
 Ano ang kanilang napagkasunduan bago sila sumali sa paligsahan?
 Paano nanalo sa paligsahan si Ontoy?
 Paano mo mailalarawan si Ricky? Si Ontoy?

3. Pangkatang Gawain:
Panuto: sagutin ang mga tanong sa kuwentong napakinggan.

Pangkat 1 – 4
Si Pagong at si Matsing
Nakatayo si Matsing sa gilid ng ilog at minamasdan si Pagong na lumalangoy salungat sa
agos ng tubig. May naisalba syang puno sa baha. : isang batang puno.

“Matsing, may nakuha akong puno ng saging. Pwede mo ba akong tulungan na hilahin
ito sa patag at itanim? Tutubo ito at mamumunga ng matatamis na saging.”

Hinila ni Pagong ang mabigat na bahagi ng puno – ang may ugat. Si Matsing ay
hinawakan lang ang dalawang dahon sa may dulo ng punong saging.

Tamad na Matsing.

Nang hindi nakatingin si Pagong, tumalon si Matsing sa mga dahon. Si Matsing na


mabilis, si Matsing na niloloko si Pagong – ay hinihila na rin ni Pagong.

Humukay ng butas si Pagong at itinanim ang puno ng saging. “Tutubo ito, Matsing.
Aalagaan nating dalawa. Didiligan natin. Dadamuhan ang paligid nito. Paghahatian natin ang
mga bunga ng saging.”

“ Hatiin ang puno,” sabi ni Matsing. “ Tamang tama.” At umakyat si Matsing hanggang
gitna, sa ilalim ng mga dahon at sa pamamagitang kanyang malakas na mga kamay, binali ang
itaas na bahagi ng puno ng saging at itinakbo ito habang humahalakhak.

Itinanim ni Matsing ang kanyang kalahating puno , ang itaas na kalahati sa basang lupa.
Mamumunga ito ng saging sa kalaunan, sa isip ni Matsing.

Inalagaan ni Pagong nang mabuti ang kalahating puno. Walang dahon.


Si Pagong ay matalino, Si Pagong ay mabagal, alam ni Pagong ang alam ng mga pagong.

Dumaan ang panahon at ang kalahating puno ni Pagong ay nagkaroon ng mga dahon at
nagsimulang mamunga.

Ang kalahating puno ni Matsing na may dahon ay nalanta at namatay. Walang naiwan.

Si Pagong ay matiyagang diniligan at dinamuhan ang palibot ng kanyang saging na ngayon ay


nagkaroon ng malalaki, mahahaba at hinog na bunga.

2
“Matsing, pwede mo ba akong tulungan? Pwede mo bang akyatin ang puno at pitasin
ang bunga? Hindi kasi ako makaakyat ng puno.”

Si Matsing na mabilis, si Matsing na niloloko si Pagong ay umakyat sa puno ng saging,


pumitas ng isang saging, binalatan at kinain ang masarap na prutas. Hinagis niya ang balat at
pinatamaan si Pagong.

Paulit –ulit na pumitas at kumain ng saging si Matsing at hinagis ang mga balat kay
Pagong.

Pinaglalaruan ulit ni Matsing si Pagong.

Ngunit hindi namalayan ni Matsing na umalis si Pagong para kumuha ng mga tinik at
inilagay sa palibot ng puno ng saging.

Si Pagong ay matalino, Si Pagong ay mabagal, alam ni Pagong ang alam ng mga pagong.

Nang matapos kainin ni Matsing ang lahat ng hinog na saging at sya ay busog na busog
na, bumaba na sya sa puno ng saging... “Aray, aray, aray!!!!!”

Bumaon ang mga tinik sa kanyang mga paa habang tumatakbo. Umupo sya at binunot
ang mga tinik sa kanyang mga paa na galit na galit. Tumakbo sya nang mabilis na mabilis at
hinuli si Pagong.

“Bubuhatin kita at dadalhin sa bangin, ihahagis kita sa batuhan para mabasag ang bahay
mo. Dadalhin kita sa ibabaw ng bundok ng apoy at ihahagis kita sa siga!”

“Sige, sige, sabi ni Pagong, ihagis mo ako sa apoy! Sige, ihagis mo ako sa batuhan! Pero,
parang awa mo, huwag na huwag mo akong ihagis sa malakas na agos ng ilog!”

“Aha, at ‘yan pala ang ikinatatakot mo!”, sabi ni Matsing

Dinala ni Matsing si Pagong sa gilid ng ilog at hinagis paitaas. Bumulusok sa ilalim ng


malalim na ilog si Pagong...at lumutang sa tubig.

“Ay, Matsing, hindi mo ba alam na gustong-gusto ng mga pagong ang lumangoy sa


tubig?”

Si Pagong ay matalino, Si Pagong ay mabagal, alam ni Pagong ang alam ng mga pagong.

Pero paano na ang punong saging?

Hindi nagkasundo si Matsing at si Pagong, ang punong saging ay tinubuan ng mga damo.

Wala ng saging.

Tanong:
 Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?
 Ano ang naisalba ni Pagong sa baha?
 Ano ang ginawa nila sa punong saging?
 Ano ang nangyari sa saging na itinanim ni Matsing?
 Ano nangyari sa saging sa itinanim ni Pagong?
 Ano ang ginawa ni Pagong habang nasa itaas ng puno ng saging si Matsing at kumakain
ng saging?

3
 Paano naisahan ni Pagong si Matsing?
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano masasagot ang mga tanong mula sa kuwentong napapakinggan??
2. Pagsasanay:
Panuto: Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro at sagutin ang
sumusunod na mga tanong mga tanong.

Magkaibigan, Magkaiba

Magkaiba ng pag-uugali ang magkaibigang Liza at Flor. Si Liza ay hindi mahilig mamasyal.
Kapag walang eskwela ay tumutulong siya sa pag-aalaga ng kanilang mga manok. Samantala, si
Flor ay walang ginawa
kundi mamasyal atmanood ng sine. Halos hindi siya makapag-aral nang maayos.
May mga pagkakataong niyaya ni Flor sa kanyang mga lakad si Liza. Karaniwan namang
tumatanggi ang kanyang kaibigan. Hindi naman magawang magtampo ni Flor dahil makatwiran
palagi ang idinadahilan ni Liza. Nais ni Liza na magbago ng pag-uugali si Flor na walang nais
gawin kundi magpasarap sa buhay.
SAGUTIN NATIN:
1. Kung mmakikipagkaibigan sa iyo ang dalawa, sino ang pipiliin mo? Bakit?
2. Kaninong ugali ang nagustuhan mo? Bakit?
3. Manatili kayang magkaibigan sina Flor at Liza?
4. Ano ang nais mo sa isang kaibigan? Bakit?
5. Papaano mo kukumbinsihin ang iyong kaibigan upang hindi maging pasanin ng
magulang o pamayanan?
IV. Pagbibigay Halaga:
Panuto: Pakinggan ang kuwento at sagutin ang mga tanong.
Operasyon: Linis-Barangay

Malapit nang magtapos ang mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Sto. Nino.
Nagtakda ang punungguro si G. Gil balane ng proyektong gagawim ng bawat klase sa ikaanim na
baitang. Ang Pangkat
Kamya ay itinalaga niya sa Barangay Itomang at ang Pangkat Rosal ay nasa Barangay Binaunan
naman ipinadala. Naglinis sa mga tabing kalsada ang mga mag-aaral. Inasarol nila ang matataas
na damo at tinaniman ng kamoteng-kahoy. Noong una ay pinanonood lamang sila ng mga
nakatira sa pook. Ngunit, kinalaunan, tumulong din sila dahil nakita nila ang layunin ng mga
kabataang mapaganda at malinis ang kanilang paligid. Maging ang kanilang baradong kanal at
maruming ilog ay nagawang maayos.
Labis na natuwa ang tagamasid pampurok sa ginawa ng mga mag-aaral. Binigyan niya
ang paaralan ng Plake ng Pagpapahalaga. Maraming paaralan sa pook ang tumulad sa kanilang
proyekto.
SAGUTIN NATIN:
1. Ano ang masasabi mo sa Operasyon: Linis –Barangay?
2. Nakalahok ka na ba sa ganitong proyekto?
3. Ano ang iyong nararamdaman kapag nakatutulong ka sa mga ganitong klaseng
proyekto?
4. Sa anong paraan ka pa makatutulong sa iyong mga kabarangay?
5. Ginagawa pa ba ninyo ang bayanihan sa inyong lugar? Ipaliwanag.

A.M.
D.P.
V. Takdang Aralin:
Magsaliksik ng kuwento at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

4
Banghay Aralin sa Filipino VI
Ikalawang Markahan
Linggo:1
Araw: 2

I. Layunin:
Nagagamit nang wasto ang mga pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang
sitwasyon. (F6OL-IIa-e-4)
II. Paksa:
A.Gamit ng Pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon
B.Sanggunian: Hiyas sa Wika 6 pp. 95 – 102, Pagdiriwang ng Wikang Filipino Wika
5 pp. 136 – 141
C. Kagamitan: tsart, larawan ng dalampasigan at aktibiti kard
D.Mapagmasid/mapagmahal
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pamukaw-sigla: Basahin ang tugma

O, kaygandang pagmasdan
Ang mga bata sa dalampasigan
Habang nagkakatuwaan
Kasama ang kanilang magulang.

2. Pagganyak: larawan

Tanong:
 Ano ang nasa larawan?
 Nakapunta na ba kayo sa ganitong lugar?
 Sinu-sino ang kasama ninyo?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Basahin ang kuwento.
Nagpiknik Kami sa Infanta
Marami ang nagbabalita na napakaganda raw ng dagat sa Infanta, Quezon. Malaki at
malinaw raw ang tubig doon kaya’t noong bakasyon ay niyaya ko ang aking mga magulang na
magpiknik sa Infanta. Pumayag naman sila.
Isang Sabado, naghanda na kami sa pagpunta sa Infanta. Nagluto si Nanay ng maraming
pagkain. Mayroong inihaw na isda, ginisang bagoong, ginataang manok, pritong talong at
matamis na kamote. Naghanda rin kami ng malamig na tubig.
Matapos ang paghahanda ng aming dalahin, nagbihis na kami nina Kuya at Ate. Isinuot
ni Kuya ang bago niyang shorts at pulang T-shirt, si Ate ay maong na shorts at berdeng T-shirt.
Isinuot ko naman ang asul kong shorts at putting T-shirt. Inihanda naman ni Tatay ang aming
dyip.

5
Handa na ang lahat. Dala na ni Nanay ang aming mga pagkain na nakalagay sa isang
malaking basket. Dala naman ni Kuya ang aming mga damit na pagpapalitan na nakasilid sa itim
na bag.
Sumakay na kami sa aming sasakyan patungong Infanta. Si Tatay ay maingat sa
pagmamaneho. Habang daan ay pinagbibilinan kaming magkakapatid na huwag lalayo sa kanya
habang naglalangoy sapagkat baka kami malunod.
Ang gaganda ng mga tanawin papuntang Infanta! Pakiwal-kiwal ang daan, luntian ang
mga bundok at iba’t ibang kulay ng mga bulaklak na ligaw, may pula, may ube ngunit mas
marami ang dilaw na bulaklak.
Pagdating namin sa Infanta kumuha kami ng isang maliit na kubo. Ang ganda ng dagat,
ang lalakas ng alon na kulay luntian, napakalamig ng tubig, ngunit habang tumatagal ka pala sa
dagat ay umiinit na rin ito.
Hindi ako lumalayo sa Tatay ko habang lumalangoy, pagkat baka ako malunod. Halos dalawang
oras kaming naglaro at lumangoy sa mabuhanging dagat, kaya’t nang kami ay kumain halos
maubos ang masasarap na pagkaing dala namin. Hindi ko malilimutan ang aking karanasan sa
paglalangoy sapagkat ito ang una kong karanasan sa dagat.

2. Pagtatalakay:
 Saan nagpunta ang mag-anak?
 Anu-ano ang dala nilang pagkain?
 Anu-ano ang kanilang nakikita habang naglalakbay?
 Ano ang bilin ng kanilang Tatay habang nagbibiyahe sila?
 Ilarawan ang sumusunod na mga sitwasyon:
-daan papuntang Infanta
-mga bundok
-mga tanawin
-alon
-tubig

Sitwasyon Salitang Naglalarawan


Daan Pakiwal-kiwal
Mga bundok Luntian
Mga tanawin Gaganda
Alon Lalakas
Tubig Napakalamig

 Ano ang tawag sa salitang naglalarawan? (Pang-uri)


 Ano ang pang-uri?

3. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat
Pangkat 1 - 4
Panuto: Gamitin nang wasto ang mga pang-uri sa paglalarawan ng mga sumusunod na
sitwasyon.

1. 3. 5.

2. 4.

6
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano ginagamit ang mga pang-uri?
(Ginagamit ang mga pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon)
2. Pagsasanay:
Gamitin nang wasto ang mga pang-uri sa paglalarawan ng mga sumusunod
na sitwasyon.

a. b. c. d. e.

IV. Pagbibigay-Halaga:
Panuto: Gamitin nang wasto ang mga pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang
sitwasyon.
1. 4.

2. 5.

3.

A.M.
D.P.
V. Takdang – Aralin:
Panuto: Sumulat ng 5 pangungusap na ginagamitan ng mga pang-uri.

7
Banghay Aralin sa Filipino VI
Ikalawang Markahan
Linggo: 1
Araw: 3

I. Layunin:
Nailalarawan ang tauhan at tagpuan sa binasang kuwento.(F6RC-IIa-4)
II. Paksa:
A. Paglalarawan ng tauhan at tagpuan sa binasang kuwento
B.Sanggunian: Pagdiriwang ng Wikang Filipino V Pagbasa pp. 118 – 120, MISOSA
Filipino 5, Katangian ng mga tauhan sa kuwento, F6RC-IIa-4
C.kagamitan: larawan, reading materials at aktibiti kard
D.Magmasunurin
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pamukaw-sigla: awit/tula
2. Pagganyak: larawan

 Anong nasa larawan?


 May alam ba kayong kuwento tungkol sa kanila?
3. Pag-alis ng Sagabal:
Piliin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap.
 Nakatira sila sa isang pulo. (damit, pagkain, lugar)
 Nakatira rin dito ang maraming matatakaw na buwaya. (masiba,
mataba, malaki)
 Sagana sa isda at mga ligaw na hayop dito. (masarap, marami, sariwa)
 Masayang naglalambitin sa mga sanga ang mga unggoy.
(pagkapit sa kamay, pagkapit sa paa, pagkapit sa buntot)
 May mahalagang mensahe ang hari. (balita, bilin, utos)
4. Pangganyak na tanong:
Paano nakatawid sa kabilang pulo ang unggoy?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Basahin ang kuwento
Ang Unggoy at ang Buwaya
Sa isang pulo ay may nakatirang mag-amang lahi ng mga unggoy. Sa pulong ito,
malinaw, malalim at malinis ang tubig sa ilog na nakapalibot dito. Nakatira rin ang lahi ng
matatakaw na buwaya sa ilog na nakapalibot sa pulo. Masarap at masaya ang buhay ng mga
unggoy dahil marami ang mga punungkahoy na namumunga rito. Gayundin ang mga buwaya
dahil sagana sila sa isda at iba pang hayop na minsan ay naliligaw sa ilog. Subalit dahil sa
pagdami ng mga matsing at buwaya, dumating ang panahon na wala na halos silang makain.
Isang araw, habang masayang naglalambitin sa mga sanga ang mga unggoy, napansin ng
isa na maraming bungang-kahoy sa kabilang pulo. Tuwang-tuwa ang kanyang mga kasamahan.
Gustung-gusto nilang lumangoy papunta sa kabilang pampang. Ngunit dahil maraming
buwayang gutom ang nangakaabang sa kanila, wala silang madaraanan. Gustung-gusto ng mga
buwaya ang masarap nilang atay.

8
Pumunta ang tusong unggoy sa tabi ng ilog at tinawag ang pinuno ng mga buwaya.
“Pinunong Buwaya, may mahalagang mensahe ang hari,” ang kanyang pakli.
Lumabas naman ang pinuno na halos nasa tabi ng unggoy. “Ano ang maipaglilingkod
namin sa mahal na hari?” usisa ng punong buwaya.
“Nais malaman ng hari kung ilan kayong lahat. Magpapasko na kasi at bibigyan kayo ng
regalo. Pumila kayo at bibilangin ko kung ilan kayong lahat,” sagot naman ng unggoy.
Sinabihan ng buwaya ang lahat ng kanyang tauhan na pumila. Nagsimulang magbilang
ang unggoy. “Isa, dalawa, tatlo, apat…tatlumpu’t pito,” sabay talon sa kabilang pampang.
Nakatawid siya sa kabilang pulo nang walang kapagud-pagod.
2. Pagtatalakay:
 Tungkol saan ang kuwentong binasa?
 Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?
 Bakit naubos ang mga pagkain ng mga unggoy at buwaya?
 Paano nakatawid sa kabilang pulo ang unggoy?
 Ilarawan ang mga tauhan at tagpuan sa binasang kuwento.
Tauhan Katangian Tagpuan Katangian
Unggoy tuso pulo -Napapalibutan ng ilog
Buwaya matatakaw -malinaw, malalim at
malinis ang tubig
-sagana sa mga punung-
kahoy na namumunga
ilog -malinaw, malalim at
malinis ang tubig
-sagana sa isda at iba
pang hayop

C. Pangwakas na Gawain:
1. Pagsasanay:
Basahin ang kuwento. Ilarawan ang tauhan at tagpuan sa kuwento.

9
IV. Pagbibigay-Halaga:
Panuto: Basahin ang kuwento. Ilarawan ang tauhan at tagpuan sa kuwento.
Ang Mag-ama
Noong unang panahon, sa isang malayong nayon sa Palawan ay may isang Radya na
namumuhay kasama ang kaisa-isang anak na lalaki , si Raile. Radya ang tawag sa isang pinuno o
lider ng isang tribu.
Isang araw, naisip ng mag-ama na mangaso. Isang mahabang silo ang kanilang dinala at
iniwan sa gubat. Pagkaraan ng tatlong araw ay binalikan nila ang silo. Tuwang-tuwa ang mag-
ama nang makita ang laman ng silo. Isang napakalaking ibon ang nasilo nila. Piyak-piyak kung
tawagin ang ibong ito. Sa hindi inaasahan biglang nangitlog ang ibon. Isang napakalaking itlog
ang nakita nilang nahulog.
Walang paglagyan ng tuwa ang anak ng Radya na si Raile. Dahil sa hindi nila kayang
dalhin ang ibon at itlog, ipinatawag ng Radya sa anak ang ilang tauhan sa tribu. “Sige, katayin
ninyo ang ibon. Iluto ito at bigyan ang lahat sa tribu. Biyakin din ninyo ang itlog at paghati-hatiin
ang laman para makatikim ang lahat,” utos ng Radya.

A.M.
D.P

V. Takdang –Aralin
Magsaliksik ng kuwento. Ilarawan ang tauhan at tagpuan sa kuwento

10
Banghay Aralin sa Filipino VI
Ikalawang Markahan
Linggo: 1
Araw: 4
I.Layunin: Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian ayon sa pangangailangan.(F6SS-IIa-6)
II.Paksa:
A.Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian
B.Sanggunian: Landas sa Pagbasa 6 p 75 – 79
C.Kagamitan: larawan ng mga Imbentor na Pinoy, tsart at aktibiti kard
D.Maging malikhain
III.Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pamukaw-sigla: awit/tula
2. Pagganyak: larawan

Benjamin Almeda Magdaleno Villaruiz Eduardo san Juan

 Sinu-sino ang nasa larawan?


 Anu-ano ang kanilang mga imbensyon?
3. Pag-alis ng sagabal:
Basahin at ibigay ang kahulugan ng mga salita.
a. Karangalan c. Siyensiya
b. Kontribusyon d. teknolohiya
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Basahin ang kuwento: “Imbentor ang Pinoy” Landas sa Pagbasa 6 p. 75-76
2. Pagtatalakay:
 Sinu-sinong imbentor na Pinoy ang nabanggit sa seleksyon?
 Anu-anong imbensyon ang kanilang nagawa?
 Paano mo mailalarawan ang mga Pilipino sa larangan ng siyensiya?
 Pagkilala sa mga aklat sanggunian
Diksyunaryo: Aklat na naglalaman ng kahulugan ng mga salitang nakaayos nang paalpabeto, wastong
baybay,bigkas at pantig ng salita.
Ensayklopedya: aklat o katipunan ng mga aklat na nagbibigay sa lahat ng sangay ng karunungan, kung
saan ang mga lathalain ay inayos nang paalpabeto.
Atlas: Katipunan ng mga mapang nasa ayos ng isang aklat.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano ginagamit ang mga pangkalahatang sanggunian?
(Ginagamit ang mga pangkalahatang sanggunian ayon sa pangangailangan.)
2. Paglalapat:
 Anong aklat sanggunian ang gamitin mo:
- Kung nais mong malaman ang kahulugan ng mga salita
- Kaalaman tungkol sa bansang Japan
- Wastong baybay ng mga salita
- Nais mong Makita ang mapa ng bansang Hongkong
- Mag-aaral ka tungkol sa planetang Venus
IV.Pagbibigay-Halaga:
Panuto: Gamitin ang mga aklat sanggunian ayon sa pangangailangan.
1. Nais mong malaman ang wastong pantig ng salita.
2. Nais mong magkaroon ng kaalaman tungkol sa bansang India.
3. Nais mong malaman ang kahulugan ng salitang “batalan”
4. Nais mong makita ang mapa ng Amerika.

11
5. Nais mong malaman ang wastong bigkas ng mga salita.

V.Takdang-Aralin:
Gamit ang diksyunaryo, atlas at ensayklopedya
1. Kaalaman tungkol sa mga bituin
2. Pinakamalaki at pinakamaliit na bansa sa mundo
3. Kahulugan ng salitang “topograpiya”

12
Banghay Aralin sa Filipino VI
Ikalawang Markahan
Linggo: 2
Araw: 1
I. Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto. [F6PN-IIb-4]
II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Pag- uugnay ng Sariling Karanasan sa Napakinggang Teksto.
B. Sanggunian: Gintong Aklat sa Pagbasa VI, ph. 68
C. Kagamitan: larawan, tsart, aktibiti tsart
D. Balyu: Pagtitiwala sa Panginoon
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw – Sigla: Awit (Awiting Pansimbahan)
2. Balik – Aral
Ayon sa inyong karanasan, ano-ano ang inyong ginawa na nagpapakita
ng pagmamahal at paggalang sa kapwa?
3. Pagganyak
(Magpakita ng larawan ng nagdarasal) Anong masasabi ninyo sa
larawan?
B. Panlinang na Gawain
1.Paglalahad
Pakinggan ang teksto/ kwento.

Halaga ng Panalangin
Tahimik na nakahiga sa mesang pang – operasyon ang batang si Yeye,
anim na taong gulang na nakatira sa bahay-ampunan. Maselan ang gagawing
operasyon sa kanya sapagkat aalisin ang isa niyang bato. Nang dumating si Dr.
Nilo Tan ay marahang bumulong ito kay Yeye, “Patutulugin ka namin, Yeye.”
Nagulat silang lahat nang biglang lumundag si Yeye sa kanyang
higaan at marahang nagsabi, “Kung ako po ay patutulugin ninyo; magda-
dasal po muna ako. Ito po ang ginagawa ko gabi – gabi bago matulog at
pagkagising sa umaga.” Lumuhod si Yeye at mataimtim na nagdarasal.
Tuwing dadalaw si Dr. Tan ay nakangiti ang munti niyang pasyente.
“Malapit na po akong gumaling. Lagi akong nagdarasal. Sabi po ni Sister
Analiza ay wala pong imposibli sa dasal.” Itinuturing ni Dr. Tan na isang
milagro ang pagkaka- galing ni Yeye. Pagkaraan ng kalahating buwan ay
sinundo na siya ni Sister Analiza.
Nang ihatid sa may pintuan ng ospital si Yeye ni Dr. Tan, nagwika ito ng
ganito, “Ang Teddy Bear na ito ay aginaldo ko sa`yo. Alam mo, 20 taong
hindi na ako nagsisimba at nagdarasal mula nang namatay ang kaisa- isa
naming anak na si Effer. Kasinggulang mo siya. Dahil sa iyo nagbalik
muli ang aking tiwala sa Pangi – noong Diyos.” Pagkatapos nito,
niyakap nang mahigpit ni Dr. Tan si Yeye, ang kanyang munting anghel.
2. Pagtatalakay
1. Sino – sino ang mga tauhan sa teksto?
2. Sino si Yeye?
3. Ano ang katangian niya?

13
4. Alin sa mga pangyayari sa kwentong may kahalintulad sa mga pangyayari ng
inyong karanasan? May maalala ka ba ?
5.Ano ang aral na makukuha mo sa kwento?

3. Pangkatang Gawain
Panuto: Para sa pangkat 1, 2, 3, at 4. Ang bawat pangkat ay mag- isip ng isang
pangyayari sa kanilang karanasang may kahalintulad saan-
mang bahagi sa kwento ni Yeye.Isulat ito at ikwento sa harapan.

4. Pagsusuri
. 1. Ano – ano ang inyong ginawa? (nag-isip)
2. Ano ang inyong inisip? (Karanasang may kahalintulad sa napakinggan)
3. Ano ang tawag nito? ( Pag- uugnay)

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto?

2. Paglalapat/ Pagsasanay
Pakinggan ang susunod na teksto at iugnay ang sariling karanasan ninyo
rito.
Si Riza ay laging sumasakay ng Ceres bus papuntang Bacolod City dahil
doon siya nag-aaral ng kolehiyo. Dahil mahaba- haba ang biyahe; hindi
maiwasang makakatulog siya. Nang magising siya; nakasandal na pala siya sa
gwapong katabi nito. He, he, he. Kaya
mo ba iyon?
IV. Pagtataya
Panuto: Pakinggan ang tekstong ito at iugnay ang iyong sariling karanasan dito.
Pumunta ang nanay sa palengke. Sinabihan niya si Lorna, ang
kanyang bunsong anak na magsaing ng pananghalian para pag –uwi niya; ulam
na lang ang lulutuin. Paparating na rin si itay. Agad namang sinunod ni Lorna ang
bilin ni inay. Habang nagbabantay si Lorna ng sinaing; nanonood ito ng
telebisyon. Hanggang nakalimutan ang sinasaing kaya nasunog ito.

ML:
ID:
V. Takdang – Aralin
Magbasa ng isang kwento. Kunin ang isang bahagi nito at iugnay ang iyong
sariling karanasan ditto. Isulat sa papel.

14
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANG MARKAHAN
Linggo: 2
Araw: 2
Pagsasalita
I. Nagagamit nang wasto ang pang – uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon.
(FOL – IIa-e-4)
II. Paksang – Aralin
A. Paksa: Paggamit Nang Wasto ng Pang-uri sa Paglalarawan sa Iba’t Ibang
Sitwasyon.
B. Sanggunian:
C. Kagamitan: larawan, tsart, aktibiti tsart
D. Pagpapahalaga: Pagtutulungan /Pagiging handa sa lahat ng oras
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw – Sigla: Tula
Masdan ang Paligid
Paligid ay anong ganda tunay na kaaya - aya
Paggala ng iyong mata, tiyak na masisiyahan ka
Mga halamang kayganda, mga daho’y sariwa pa
Kasingyumi ng dalagang Filipina ngang talaga.

2. Balik- Aral
Basahin at kilalanin ang pang-uri sa sumusunod:
1.Maganda ang aming paaralan.
2.May maraming mag- aaral ditto.
3.Ang damit na suot niya ay napakaganda.
4.Higit na malakas ang ulan kagabi kaysa ngayon.
5.Mas matangkad si kuya kaysa kay ate.

3.Pagganyak:

Magpakita ng mga larawan tungkol sa iba’t ibang panahon. Hal.


Maulan o mainit at ang epekto nito. Ipalarawan sa kanila.

B. Panlinang na Gawain:
1.Paglalahad
Ipabasa sa isang bata ang sanaysay.
Ang isang pamayanang malapit sa dagat ay nakakaaliw kung minsan lalo na kung
maganda ang panahon dahil sa magagandang tanawin ditto. Subalit naka- katakot din kung
may masamang panahon.
Nang dumating ang napakalakas na bagyo. Sa unang araw ng pag-ulan ay katamtaman
lamang ang lakas nito. Parang dinidiligan lamang ang paligid, ang halamanan. Ikalawang araw
ng pag –ulan ay lumalakas nang bahagya. Tumaas ang tubig sa dagat. Mas malakas na ang alon
kaysa kahapon. Nang ikatlong araw ng pag-ulan; napakalakas na ito. Malakas na malakas ang
hangin. Napakalamig ng pa- nahon. Napakalaking alon. Ang taas-taas! Umapaw ito sa
kabahayan! Ang mga nakatira ay nangatakot. Sila’y nagsipaglikas. Dinala sila sa mas mataas na
lugar, sa evacuation center. Tulong- tulong ang pamahalaan at ang mga tao sa pagsagip sa mga

15
nasalanta. Napakalaking napinsala sa bagyong iyon; ang daan, ang palayan, gulayan, mga
kabahayan at iba pa.
2.Pagtatalakay

1. Anong sitwasyon meron sa sanaysay na ito?


2. Paano inilarawan ang mga pangyayari?
3. Ano-anong mga pang-uri ang ginamit sa paglalarawan sa bawat
sitwasyon?
4. Ano- anong kaantasan?
5. Anong mabuting katangian ang naipakita rito?

Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na pang-uri sa paglalarawan ng isang sitwasyon
nang tama.
Malawak, maganda, malalim , maalat
Pangkat 2
Mas malaki, higit na maganda, magkasintalino, di-hamak na mayaman
Pangkat 3 at 4
Pinakamalaki, napakabait, malamig na malamig, ubod ng laki
Hari ng, nuno ng, reyna ng, magandang- maganda
Pagsusuri
Ano ang inyong ginawa?
Pangwakas na Gawain
Paglalahat:
Paano ginamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawa ng iba’t ibang sitwasyon?

2.Pagsasanay/ Paglalapat
Panuto: Gamitin ang ss. na pang-uri sa paglalarawan ng inyong paligid.
1. Malalim 2. Higit na malalim 3. Di-gaanong malinis, 4. Napakamatulungin

IV. Pagtataya
Panuto: Gamitin nang wasto ang ss. na pang-uri sa paglalarawan ng iba’t
Ibang sitwasyon sa kapaligiran.
1. Malinis 4. napakahusay
2. Mas maganda 5. Masarap na masarap
3. Di – gaanong malamig

ML.
ID.
V. Takdang Aralin
Panuto: Isalaysay ang mga pangyayari noong paskp sa inyong mag- anak.
Gamitin ang mga ss. na pang-uri.
1. Masayang-masaya
2. Napakaliwanag
3. Malamig
4. Napakaingay
5. Higit na marumi

16
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6
IKALAWANG MARKAHAN
Linggo: 2
Araw: 3
I. Nabibigyang kahulugan ang salitang hiram. [F6V-IIb-4.2]
II. Paksang- Aralin
A. Paksa: Pagbibigay Kahulugan ng Salitang Hiram.
B. Sanggunian: Pagdiriwang ng Wikang Fil. 5, Pagbasa
Ph. 156 – 161
C. Kagamitan: larawan, tsart, aktibiti tsart
D. Balyu: Interest sa Pag-aaral
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Pagsasanay:
Computer generator e-mail
Brownout online internet
Lesson interest

1. Pag-alis ng Sagabal
Panuto: Hanapin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Nagka- brownout sa City Hall kaya pinaandar ang generator.
( imbakan ng pagkain, nagdadala ng kuryente, nawalan ng suplay ang kuryente).
2. Mag- load ka muna para makaka- online at makapag- internet ka.
3. Maaari mo nang maipadala ang mensahe sa pamamagitan ng e-mail kung online ka.

3.Pangganyak na Tanong
Ano ang pananaw ng may-akda sa edukasyon sa darating na panahon?

4.Pagganyak
Sino sa inyo ang mahilig maglaro ng computer?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Panuto: Basahin ang teksto at unawain.

Ang Edukasyon sa Darating na Panahon


Lahat na pamilya ay may kanya-kanyang per- sonal computer at generator na
magamit kapag may brownout Inaasahang ang halos. Pagdating ng panahon, hindi na
kailangang pumunta pa ang bata sa paaralan. Bubuksan lamang ang computer at mag-online.
Gagamitin ang e-mail kung may mensaheng ipapa – dala.
Ang mga guro naman ay hindi na papasok sa paaralan. Nasa bahay na lamang sila
kagaya ng kanilang mag – aaral. Sa takdang oras bubuksan ang monitor ng computer, mag –
online, mag – internet at ditto na sila mag-usap. Ang mag – aaral na hindi makakabukas ng
computer, ang ibig sabihin ay absent siya. Kung ganito kadali ang pag – aaral; may liliban pa
kaya sa kanyang lessons? Ang mga mag – aaral ba ay may interest sa kanyang pag – aaral?
2. Pagtatalakay

17
1. Ano ang inaasahan ng may – akda tungkol sa edukasyon sa darating na panahon?
2. Anong gamit ang inaasahang magkaroon ang bawat mag- anak?
3. Bakit kaya nasabi ng may-akda ang ganito?
4. May interest na kaya ang mga bata mag- aral? Bakit ?
5. Ano ang tawag sa mga salitang ito? (computer, internet, e-mail)
3. Pangkatang Gawain
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang hiram na may salungguhit.
1. Isang 91 – storey hotel ang nakatayo sa dating kinatitirikan n gaming paaralan. A.
bantayog na may 91 korona B. gusaling may 91 palapag C. bahay na may 91
silid D. paaralan na may 91 guro
2. Sakay si Paul sa kanyang Lamborghini Countach 21 Valve .
A. Isang motorsiklo C. isang kotse
B. Isang dyip D.isang eroplano
3. Wala na roon ang aking alma mater. A. pangalan ng babae
B.palaman sa tinapay C. pinagtapusang paaralan
D. pinag-aralang paaralan
4. Lahat ng pamilya ay may sariling generator. A. pinagkukunan ng pagkain
B. pinagkukunan ng tubig C. pinagkukunan ng kuryente
D. pinagkukunan ng dugo
5. Nagpapatugtog siya ng musika sa kanyang compact disc.
A. isang telebisyon B. isang uri ng maliit na plaka
Pangkat 2
Panuto: Bigyan- kahulugan ang sumusunod na mga salitang hiram.
1. Magpatala sa paaralan sa pamamagitan ng e- mail.
A. Pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng computer.
B. Pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng tao.
C. Pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng koreo.
D. Pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng tunog
2. Pumunta sa bangko at ideposito ang pambayad sa paaralan sa pamamagi- tan ng
ATM Account. A. pagdeposito ng pera sa bangko na hindi na kailangan ang teller.
B. pagdeposito ng pera sa bangko sa kawani ng bangko.
C. pagdeposito ng pera nang mabilisan
D. paglabas ng pera nang mabilisan.
3. Ipinadala ang kanyang marka sa fax machine.
A. Isang uri ng papel C.isang pagpadala ng mensahe
B. Isang uri ng bolpen D.makinang tumatanggap at nagpapadala
ng mensahe
4. Nakausap ko siya sa cellphone lamang kanina.
A. Teleponong may kawad C. fax machine
B. Teleponong madadala kahit saan D. beeper o pager
5. Sa internet, limang minute lang ay tapos na ang iyong pananaliksik.
A. Ang maibibigay na kaalaman ng computer.
B. Compact disc.
C. VHS
D. Sa television
Pangkat 5
1. Flashlight lamang ang kasama ko sa dilim.
2. Ang gandang tingnan ang kalawakan gamit ang telescope.
18
3. Ang sarap ng kimching dala ni nanay.
4. Natumba ang matanda sa escalator.
( hagdang bumababa-pumapanhik; atsara ng Koreano; gamit na makakakita sa
malayo; ilaw; uri ng pagkain)

4.Pagsusuri
1. Ano ang iyong ginawa?
2. Saan ninyo kinuha ang mga kahulugan ng mga salitang hiram?
3. Bakit mo nabigyan kahulugan ang mga salitang hiram?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano nabigyan kahulugan ang mga salitang hiram?

2.Paglalapat/Pagsasanay
Bigyan kahulugan ang mga salitang hiram na may salungguhit sa sanaysay.
Walang ganang pumasok si Eddie sa klase dahil gusto niya lang maglaro ng computer.
Hindi lang si Eddie, may marami pang iba. Kaya ang ginawa ng guro; nanghiram siya ng laptop at
projector para may magamit siya sa school. Lalong napagastos ang guro; kailangan pa niyang
magpa – load ng Wifi para maka- down- load ng mga kagamitan sa pagtuturo. Medyo may gana
nang pumasok ang mga bata lalo na ang isang si Eddie, Sabi pa nya sa guro, “ Mam, pwede pong
magkaroon ako ng computer para hindi na ako mag- i-escape?
Mga Tanong
1. Ano – ano ang salitang hiram?
2. Bigyan kahulugan ang nasa sanaysay.

IV. Pagtataya
Panuto: Bigyan kahulugan ang mga salitang hiram na may salungguhit sa
pangungusap.
1. Bumili ng tissue paper si ate sa Pharmacy. ( malambot na papel, makapal na papel, pad
paper )
2. Naka – braid ang buhok ni bunso. (nakasuklay, nakatali, nakasalabid)
3. Ang baon ni Elsa ay masarap na egg sandwich. (pritong itlog, tinapay na may palamang
ham, tinapay na may palamang itlog)
4. Ang ganda ng rainbow sa langit. (bintana, bituin, bahaghari, pana).
5. Mas gusto ko ang hamburger kasi malaman. (tinapay na may palaman, tinapay na may
hinimay na manok, tinapay na may ham)
ML:
ID:
V. Takdang-aralin:
Sumulat ng sanaysay nang patalata gamit ang mga salitang hiram.

19
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
Ikalawang Markahan
: Linggo: 2
Araw: 4
I. Nasasabi ang paksa sa binasang sanaysay. [F6RC-IIb-10]
Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng may-
akda ng tekstong napakinggan o nabasa. [F4A00-3]
II. Paksang-Aralin:
A. Paksa: Pagsasabi ng Paksa sa Binasang Sanaysay Sanaysay
Pagpapamalas ng Paggalang sa Ideya, Damdamin at Kultura
Ng May-akda ng Tekstong Napakinggan o Nabasa.
B. Sanggunian: Pagdiriwang sa Wikang Filipino Pag. 5, ph. 60- 64
C. Kagamitan: tsart, larawan, plaskard, aktibiti tsart
D. Balyu: Matulungin/ Buo ang loob.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay: Pagbabasa sa plaskard
Nagpapaligsahan utang na loob
Nanigas pinulikat
2. Balik- aral
Ano ang paksa?
Ano o sino ang may – akda?
3. Pagganyak
Tingnan ang larawan.[ Larawan ng lumalangoy]
Ano ang ginagawa nila? Naranasan na ba ninyo ang mapu-
likat?
4. Pag – alis ng Sagabal
Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Nagpaligsahan ang magkakaibigan sa paglalangoy.
(nagtakbuhan, pabilisan, palakihan)
2. Pinulikat si Robert habang lumalangoy. (tumalon, tumawa, nanigas ang binti)
3. Utang na loob ko sa inyo ang pagsagip ninyo sa akin. Maraming salamat! (utang
na pera, may kabutihang nagawa)

5.Pangganyak na Tanong
Paano nagkautang na loob si Robert sa kanyang mga kaibigang sina Christian,
Bong at Jayson?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Basahin ang sanaysay. Unawaing mabuti upang masagot ang mga
tanong pagkatapos.

Pagiging Buo ang Loob

Masayang – masaya ang paglalaro ng bola habang naliligo sa ilog sina Jayson,
Christian, Robert at Bong.
Nang matapos ang paglalaro ng bola, nagpaligsahan na naman silang apat sa
paglalangoy. Nasa gitna na sila ng ilog nang biglang pinulikat si Robert. Nanigas ang kanyang

20
binti at hindi na niya maigalaw pa. Pakiramdam niya hinihila siya ng kanyang mga paa pailalim
sa tubig. Kanyang itinaas ang kanyang mga kamay para mapansin ng mga kasamahan.
“Tulungan natin si Robert!” Pasigaw na sabi ni Christian sa mga kasama.
Hindi naman sila nag- atubiling tulungan si Robert. Madali naman nilang naiahon si Robert sa
tubig.
“Salamat sa inyong tatlo. Utang na loob ko sa inyo ang pagsagip ninyo sa akin. Hindi ko
ito makakalimutan.” Ang sabi ni Robert nang siya’y makapagpa- hinga na.
“Walang anuman iyon!” Sagot ng tatlo. May isang matandang babae ang lumapit sa
kanila. “Hinahangaan ko kayo. Buo ang inyong loob maging sa oras ng panganib, mga bayani rin
kayo!” Pahangang sabi nito.
2. Pagtatalakay
1. Sino-sino ang mga tauhan?
2. Ano-ano ang kanilang ginawa?
3. Paano nagkaroon ng utang na loob si Robert sa kanyang mga kaibigan?
4. Anong mga katangian ang ipinapakita rito?
5. Kung kayo ang may- akda, paano mo tatapusin ang kwento o sanaysay?
6. Kung gusto mo o hindi ang wakas ng kwento, sanaysay o teksto, ano ang nararapat
maging damdamin mo sa may-akda nito? (Paggalang sa kanyang ediya)
7. Ano ang paksa sa binasang sanaysay?

3. Pangkatang Gawain
- Pamantayan
Panuto: Para sa Pangkat I, II, III, at IV
Basahin at unawain ang sanaysay upang masagot ang mga tanong.
Simula na noon sa panahon ng kapaskuhan; nagtutungo sa bahay ng mga magsasaka
ang mga pari at sa unang pagtilaok ng manok nagsasagawa ng misa ang mga ito. Ito ay bilang
pasasalamat ng mga magsasaka sa kasaganaang na- tanggap nila mula sa Panginoon. Patuloy
na isinasagawa ang kaugaliang ito hang- gang naging isang tradisyon na. Ang pagmimisang ito
ng mga pari ay tinatawag na “Misa de Gallo.”
Mga Tanong:
1. Ano ang pinag- usapan o paksa sa sanaysay na ito?
2. Kung ikaw ay hindi naniniwala sa ganitong tradisyon na magkaroon ng “Misa de Gallo”?
Ano ang maging damdamin mo sa ediya ng may- akda sa sanaysay?

4. Pagsusuri
1. Ano ang ginawa ninyo?
2. Sabihin mo ang paksa sa sanaysay na ito.
3. Ano ang maipamalas mo sa mga ediya ng may –akda sa sanaysay na ito?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano mo masasabi ang paksa sa binasang sanaysay?
Ano naman ang maipamalas mo sa ediya , damdamin at kultura ng may- akda sa nabasang
sanaysay?
2.Pagsasanay/ Paglalapat
Basahin, unawain at sabihin ang paksa nito.
Magkambal sina Rose at Marie. Pareho silang matalino. Masipag mag- aral si Rose
ngunit si Marie naman ay mahilig manood ng TV. Minsan, habang si Rose ay gumagawa ng

21
kanilang takdang- aralin, naglalaro lamang si Marie ng pabori- tong laro sa tablet dahil
mangongopya lang siya pagkatapos kay Rose.
Maagang natulog si Marie kahit may eksamen kinabukasan. Subalit si Rose ay
nagpupuyat sa kanyang pag- aaral. Nang ibinigay na ang kanilang kard, si Rose ang nangunguna
sa kanilang klase. Mataas ang mga nakuhang marka ni Rose. Mabababa naman ang natamo ni
Marie. Dahil sa nangyari; nalungkot din naman si Marie.
Mga Tanong
1. Sabihin ang paksa ng sanaysay na ito.
2. Ano ang damdaming naipamalas ng may- akda sa magkambal? May mag- kambal ba na
ganito?
3. Ano ang dapat mong ipamalas sa ideya ng may –akda tungkol dito?

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang sanaysay at unawain. Gawin ang ipapagawa pagkatapos.
Ang mga Pilipino ay may damdaming bayanihan. Sila ay nagtutulungan sa panahon ng
mga kalamidad at kalungkutan. Sa mga lalawigan, nagtutulungan ang magkakapitbahay kung
panahon ng anihan ng palay. Kapag may sunog, tulong- tulong nilang pinapatay ang apoy.
Kapag may namatayan; ang lahat ay tumutulong sa pag-aasikaso ng burol at libing.
1. Sabihin ang paksa ng sanaysay.
2. Anong damdamin ang maipamalas mo sa damdamin ng may- akda na ang mga Pilipino
ay may damdaming bayanihan?

ML:
ID:
V. Takdang – aralin
Magbasa ng isang kwento. Ibigay ang paksa nito at ang masasabi mo sa ideya ng
may- akda tungkol sa akdang ito?

22
BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANG MARKAHAN
Linggo : 2
Araw : 5
I. Nakapagtatala ng datos mula sa binasang teksto. [F6 SS- IIb-10]
II. Paksang - Aralin
A. Paksa: Pagtatala ng Datos Mula sa Binasang Teksto
B. Sanggunian: Gintong Aklat sa Pag. Ph. 15-18
C. Kagamitan: tsart, aktibiti tsart
D. Balyu: Pagmamahal sa kalikasan/Bayan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw Sigla
Awit: Ang Bayan Ko
2. Balik- Aral
Ano ang tinatawag na mga datos sa nabasang teksto?
3. Pag- alis ng Sagabal
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
1. Si Pepe ang taguri ni Dr. Jose Rizal. [ tawag}
2. Malalaking kabibe ay matatagpuan sa pusod ng karagatan. [gitna, ibabaw,
kailaliman]
3. Batis, ilog at latian ay sagana sa isda na siyang pagkain ng tanan. [anyong tubig,
burol, bulkan]
4. Mithiin ng maraming Pilipino ay kalayaan para sa lahat. [nais, ayaw,kalayaan]
5. Wikang Pambansa natin ay siyang nagbubuklod sa ating mga Pilipino.
[nagkaisa, naghiwalay,nagbubunyi]
4. Pagganyak
Tingnan ang mapa na ito. Anong bansa ito? Ano ang masasabi
mo sa mapa ng Pilipinas?
B. Tiyak na Aralin
1. Paglalahad
Pagbasa ng tulang, “Pilipinas ang Bayan Ko”

Sa dakong Silangan nitong daigdig


Pinagpalang pulo ay matatagpuan
Ganda ng tanawin ay hinahangaan
Kaya’t ang taguri’y Perlas ng Silangan

Biyaya ni Bathala’y likas na yaman


Kabibe’t perlas sa pusod ng karagatan
Mina ng ginto sa mga kabundukan
Mayamang lupain sa mga kapatagan.

Luntiang puno sa mga kapaligiran


Hayop, mga ibon dito’y nananahan
Malinaw na batis, ilog at latian
Sagana sa isda, pagkain ng tanan

23
Bagama’t lupa’y sadyang pulo-pulo
Mamamayan dito’y nagkakasundo
Palibhasa’y nagmula sa isang ninuno
Isipan at diwa’y di-magkakalayo.

Iba- ibang lipi, magkaibang wika


Ngunit Filipino ang Wikang Pambansa
Siyang nagbubuklod sa isipa’t diwa
Damdami’y iisa, tinig ay Malaya

Dakilang bayani sa lupang tinubuan


Magiting na lumaban sa mga dayuhan
Sukdulang inihandog ang buhay sa bayan
Makamtan lamang ang mithiing kalayaan.

Bansang Pilipinas, ang mahal kong bayan.


Di- ipagpapalit, alinma’t saanman.
Bansang Pilipinas, lupang sinilangan
Handang ipagtanggol habang nabubuhay.

2. Pagtatalakay
1. Saang bahagi ng daigdig matatagpuan ang pinagpalang pulo?
2. Ano ang taguri ng bansang ito?
3. Bakit Perlas ng Silangan ang taguri nito?
4. Paano mapapanatili ang mga ito? Ano- ano dapat ang gagawin ng tao?
5. Ano ang tawag sa mga naisagot ninyo? [datos, impormasyon]

3. Pangkatang Gawain
Pangkat 1: Basahin ang teksto at unawain. Itala ang mga datos nito sa pamama- gitan ng
pagsagot sa mga ss. na tanong.
Maraming mga bundok sa Pilipinas ang mayaman sag into. Maraming Pilipino ang
nagmimina rito at kumikita sila. Gumagamit sila ng asoge o mercury upang matanggal ang ginto
sa kinatataguang bato. Lason sa tao at lamang- dagat
ang asoge. Gulugod at utak ng tao ang inaatake ng asoge.
1. Anong yaman meron sa mga bundok ng bansa?
2. Sino-sino ang nagmimina rito?
3. Bakit kaya minimina nila ang mga bundok?
4. Bakit gumagamit sila ng asoge?
5. Paano malalason ang tao nito?
Pangkat 2
Panuto: Basahin ang teksto at unawain. Itala ang mga mahalagang datos nito.
Sa bayan ng San Dionesio, marami ang naospital dahil sa pagkain ng tahong
at talaba. Sila’y biglang hinimatay at ang iba’y natuluyang namatay matapos kumain ng
sariwang tahong at talaba. Iisa lamang ang sinasabi ng nakaalam na ito’y epekto ng red tide;
dahil sila’y nagsusuka at nanginginig ang katawan. Ito ay dulot ng maruruming tubig dahil sa
maling pagtapon ng basura sa dalampasigan.
Magtala ng mga 4 na mahalagang detalye mula sa nabasa.

24
Pangkat 3 at 4
Panuto: Itala ang mga datos na inyong nabasa mula rito. Magtala ng 4.
Lubhang malala na ang suliranin tungkol sa paglalaganap ng bawal na gamut. Kahit
anong pagbabawal; makakapuslit pa rin. Nagpalabas nan g kautusan ang mga pinuno ng
barangay na magkaroon ng “curfew.” Hindi na makagala sa lansangan lagpas alas 10:00 ng
gabi.
Ang pamunuan ng barangay ay nakikiusap sa mamamayang iwasan ang pakikipag-
ugnayan sa mga drug pusher. Labanan ang masasamang Gawain. Panahon na para magkaisa
tayo alang- alang sa ating kabataan.
4. Pagsusuri
1. Ano- ano ang ginawa ninyo? [nagbasa, inunawa, nagtala ng mga datos]
2. Ano- ano ang itinala ninyo? [detalye, mga sagot sa tanong na Ano…….]

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano maitatala ang mga datos mula sa nabasang teksto?

2.Pagsasanay/Paglalapat
Basahin at unawain ang teksto. Itala ninyo ang mga datos mula rito.
A. Ako’y umiibig sa sariling wika
Pag-ibig na tapat, wagas at dakila.
Di ko ipagpapalit sa wikang banyaga
Pagkat aking mahal ang Wikang Pambansa.

B. Mga Datos sa Pagluluto ng Pankeyk


Ihanda ang mga ss.; ½ tasang harina; ¼ tasang oatmeal; 1/8 kutsarang baking powder.
Paghalu- haluin sa isang malaking lalagyan ang mga sang- kap na naihanda. Haluin ang
mga ito. Lagyan ng ¼ na tasang gatas; isang itlog at isang kutsaritang langis saka batihin
nang marahan. Haluan ng ½ kutsaritang vanilla at kaunting cinnamon. Ilagay ang kutsa-
kutsarang hinalo sa lutuan. Hintayin hanggang maluto.

IV. Pagtataya
Basahin ang teksto at unawain. Magtala ng 5 datos mula rito.

Ang Pagtatag ng Katipunan


Gabi noong ika-7 ng Hulyo, 1892, itinatag ni Andres Bonifacio ang KKK.
Isinagawa ito sa isang bahay sa Tondo. Katulong niya ang kanyang dalawang kaibigang sina
Teodoro Plata at Ladislao Diwa. Ang Katipunan ay isang lihim na samahan ng mga Pilipinong
Makabayan. Ang KKK ay nangahulugang Kataas-taasan, Kagalang- galangang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan. Pwede ring tawaging Katipunan lamang. Ang layunin nito ay mapag-isa ang
damdaming Pilipino at magkaroon ng Kalayaan sa pamamagitan ng paghihimagsik.
ML:
ID:
V. Takdang – Aralin
Manood ng balita. Pumili ng isang isyu at itala ang mga datos o impormasyon
tungkol nito.

25
Banghay –aralin sa Filipino 6
Ikalawang Markahan
Linggo: 3
Araw:1

I.Layunin:
Nabibigyang kahulugan ang kilos ng mga tauhan sa napakinggang pabula. F6 PN- II C- 19

II. Paksang-araling
A. Paksa: Pagbibigay kahulugan sa mga kilos ng tauhan sa napakinggang pabula.
B. Sanggurian: Landas sa Pagbasa VI pp. 9-11
C. Kagamitan: Plaskard, tsart, larawan
D. D.Balyu: Pagkamasipag/Pagkamatiyaga

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Basahin ang mga salita na nakasulat sa plaskard.
Mabuti Maitim Puti
Sira Malapit Bilog
Sariwa Malinis Mataas
2. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng tigre at alamid. Anong hayop ang nasa larawan? Anong
salita ang mailalarawan mo sa tigre at alamid?
3. Pagganyak sa Tanong
Alamin sa ating kuwento kung anong katangian mayroon ang mga tauhan.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pakinggan ng mabuti ang babasahin kong pabula. “Ang Tigre at Ang Alamid”
Ang Tigre at Ang Alamid

Sa kagubatan, ang Tigre at ang Alamid ay magkasamang naghahanap ng


pagkain.
Ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin sila makakita ng maliliit na hayop na
maaaring nilang kainin.
Hanggang isang kuneho ang kanilang nakita at agad na hinabol. At madali
naman nilang
nasukdol ito, ngunit nagsimulang mag-angilan ang Tigre at Alamid.
“Akin ang kunehong ito! Sa gutom ko ay kulang pa ang kunehong ito.”
Ang sigaw ng Tigre
sabay kalmot sa Alamid.
“Hindi maaari, sa akin ang kunehong ito.” Ang sigaw ng Alamid
pagkatapos ay kinagat
nito sa paa ang Tigre. Hindi pa rin makakilos ang nanginginig sa takot na kuneho.
Nag-away naman
ng husto ang Tigre at ang Alamid. Makalipas ang ilang sandali, dumating ang
isang Leon at inawat
ang away ng dalawa. “Bakit kayo nag-aaway?” ang tanong ng Leon.
“Dahil dapat sa akin ang kuneho dahil ako ang unang nakakita dito.” ang
sigaw ng Tigre.
“Hindi sa akin dapat dahil ako ang unang humabol dito.” ang sigaw ng Alamid.

26
Natawa ang Leon. “Dahil sa pag-aaway ninyo ang pagkaing pinag-
aaagawan ninyo ay wala
na, hayun! Ang sabi ng Leon sabay turo sa kunehong malayo na ang narating at
malano nang mahuli.
Nagsisi ang dalawa at mula noon natutuhan nila ang kanilang leksyon.
2. Pagtatalakay
Sino-sino ang mga tauhan sa ating kuwento?
Anong katangian mayroon sina Tigre at Alamid?
Sa pag-aaway nila dahil nag-aagawan sa kuneho, anong kahulugan ng kanilang
kilos?
Sa pag-awat ni Leon sa away nilang dalawa, anong kahulugan ng kanyang kilos?

3. Pangkatang Gawain
Panuto: Pakinggang mabuti ang babasahing kuwento ng lider at ibigay ang
kahulugan ng kilos
ng mga tauhan.
Unang Pangkat
Ang Lamok at Ang Leon
Isang araw habang natutulog ang Leon ay ginulo siya ng Lamok. “Alis
diyan, huwag mo akong
guluhin.” sabi ng Leon. “Ako, kaya mong utusan?” Hindi tulad mo ang
katatakutan ko.” sagot ng Lamok.
Hampas at kagat ang ginawa ng Leon ngunit walang nangyari sa
pagsisikap ng Leon. Buong
pagyayabang at halakhak ng Lamok dahil bigo ang Leon na hulihin siya. Bigong
umalis ang Leon at ang
Lamok naman ay buong galak na lumilipad na pinagtatawanan ang leon.
Sa sobrang pamamayagpag, hindi napansin ni Lamok na may sapot ang
tinuguhan niya.
Hindi man niya sinadya ay nadikit siya sa sapot at pigil hininga niya lamag
hinintay ang gagamba na kakainin sa kanya pagkat wala na siyang magawa.
Ubos ang pag-asa niya sa kanyang kaligtasan at naisip niya ang pang-aapi
niya sa ubod ng laking Leon.

Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


Ano ang kahulugan ng mga kilos ni Leon?
Ano naman ang kahulugan ng kilos ni Lamok?

Ikalawang Pangkat
Panuto: Pakinggang mabuti ang babasahing kuwento ng lider at ibigay ang
kahulugan ng kilos ng mga tauhan.

Ang Pagong at Ang Kalabaw

Isang araw ay sinabi ng Pagong sa KAlabaw na nais niyang


makipagkaibigan. Nagtawa ang Kalabaw at pakutyang sinabi na, “Hindi tulad mo
ang gusto kong kaibigan, ang gusto ko ay kasinglaki at
Kasinglakas ko. Ang liit mo at sobra pa ang kupad mong kumilos.”
Dahil sa sobrang panlait ng Kalabaw ay sumagot din ng paglait ang
Pagong hanggang sa humantong sa isang hamon. Naghamon ang Kalabaw ng
isang karera at sumang-ayon naman ang Pagong. Laking galak ng Kalabaw dahil
alam niyang panalo siya, subalit matalino ang Pagong, kinausap niya ang apat na

27
kaibigang pagong. Pinapuwesto niya ang mga ito sa ikalawa hanggang sa
ikalimang bundok.
Dumating ang araw ng nasabing karera at unang dumating ang Kalabaw
sa Pagong sa unang bundok ngunit sa ikalawa hanggang sa ikalimang bundok
lagging nagugulat ang Kalabaw dahil naroon na ang Pagong na akala niya ay ang
kanyang kalaban.
Dahilan sa kahihiyan at galit sa pagkatalo ang Pagong ay tinadyakan niya
ng malakas. Matigas ang likod ng Pagong kaya hindi ito nasaktan. Sa halip, ang
Kalabaw ang umatungal dahil sa sakit na dulot ng nibiyak niyang kuko sa
pagtadyak niya sa pagong.

Sino-sino ang mga tauhan sa ating kuwento?


Ano ang kahulugan ng mga kilos ni Kalabaw?
Ano naman ang kahulugan ng kilos ni Pagong?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano mabibigayang kahulugan ang kilos ng mga tauhan batay sa napakinggang
pabula?
(Nabibigyang kahulugan ang kilos ng mga tauhan sa pamamagitan ng pakikinig
nang mabuti, pag-unawa sa mga kaganapan at sa mga ipinakitang kilos ng
tauhan sa isang pabula.)
2. Paglalapat
Makinig nang mabuti sa babasahin kong kuwento at ibigay ang kahulugan ng
kilos ng mga tauhan.

Ang Langgam at Ang Tipaklong


Buong tiyagang naghahakot ng pagkain si Langgam at ito’y tinitipon niya
sa kanyang bahay subalit si Tipaklong ay patalon-talon at pakanta-kanta lamang
ang ginagawa. Pinipintasan si Langgam ni Tipaklong na wala raw kaligayahan si
Langgam.
Ngunit isang araw ay biglang umulan kaya’t tumigil na si Langgam at dali-
daling umuwi ng bahay.
Nalito naman si Tipaklong kaya’t huminto siya sa pagtalon-talon at pakanta-
kanta, sumilong siya sa dahon sapagkat wala siyang bahay.
Hindi niya matiis ang ginaw at gutom kaya’t pinuntahan niya ang kaibigan
niyang si LAnggam upang humingi ng tulong.
Nang Makita ni Langgam ang kalagayan ni Tipaklong ay pinatuloy niya ito
sa kanyang bahay, binigyan ng damit at pagkain. Dahil sa gayong pangyayari ay
hiyang-hiya si Tipaklong pagkat mas malaki raw siya kaysa kay Langgam ngunit
siya pa ang humingi ng tulong.
Tauhan Kahulugan ng Kilos

Langgam

Tipaklong

Sa mga ikinilos ni Langgam, anong uri siyang kaibigan?


Kung kayo ang pagpipiliin, sino ang inyong nagustuhan? Bakit?
IV. Pagtataya
Panuto: Pakinggang mabuti ang pabula at ibigay ang kahulugan ng kilos ng mga tauhan.

28
Ang Tatlong Baka at Ang Leon

May tatlong baka na sina Batik, Puti at Ginto na nginginain sa malagong damuhan na ginulat ng
isang Leon na sumugod
sa kanila. Biglang nagdikit-dikit ang tatlong baka at tulong-tulong na susuwagin sana ang Leon.
Dahil dito, ay inis na umalis na lamang ang Leon at pinag-isipang mabuti kung paano niya
makakain ang tatlong baka.
Naisip ng Leon na hangga’t nagtutulungan sila ay hindi ito magagapi kaya’t pag-aawayin ko sila.
Muling pinuntahan ng Leon ang tatlong baka at maamong kinausap ang Batik na baka na sabay
sabi na wala akong balak na masama sa inyo pagkat ipagtatanggol kayo ng kasama ninyong
Puting baka sapagkat siya raw ang pinakamatapang at malakas sa inyo.
Sa bawat baka ay lagging may panlilinlang na kuwento ang Leon na nagging daan upang mag-
away ang tatlong baka.
Nagsisisi ang tatlong baka sa kanilang pag-aaway ngunit wala na silang magawa. Nawalan sila ng
tiwala sa isa’t isa at naniniwala sila sa maling kuwento ng Leon.

TAUHAN KAHULUGAN NG KILOS

BATIK

PUTI

GINTO

LEON

A.M.
D.P.
V. Takdang-aralin
Magbasa ng iba pang pabula at ibahagi sa klase bukas.

29
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO VI

IKALAWANG MARKAHAN
LINGGO: 3
ARAW: 2
I. Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon. F6 OL- II
a-e- 4
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasypn. F6 PS- II C- 12.13
II. Paksang-aralin
A. Paksa: Paggamit nang wasto ng pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon
B. Sanggurian: Landas sa Wika 6 pp. 132-133
C. Kagamitan: Tsart
D. Balyu: Pagmamahalan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Panuto: Piliin ang pang-uri sa bawat pangungusap.
1. Ang kanilang pamilya ay matulungin sa kapwa.
2. Mahilig siya kumain ng mga prutas na bilog.
3. Maraming sariwang prutas at gulay sa kanilang bukirin.
4. Ang bahay namin ay malapit sa paaralan.
5. Malinis ang tubig na umaagos sa batis.
2. Pagganyak
Ano-anong mga magagandang lugar ang inyong napupuntahan?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Basahin ang usapan ng dalawang bata.
Linda: Anong lugar dito satin ang gusto mong puntahan?
Alex: Gusto kong marating ang hagdan-hagdang taniman ng palay ng mga Igorot.
Linda: Nakarating na ako roon. Alam mo bang masisipag ang mga Igorot? Maghapon sila
sa pagtratrabaho sa
hagdan-hagdang palayan. Maitim na tuloy ang kulay ng balat nila.
Alex: Talaga bang matataas ang palayan doon?
Linda: Aba, oo. Mahirap puntahan iyon. Ngunit kapag naroon ka na, parang malapit na
malapit na sa inyo ang
langit. Sariwang-sariwa rin ang hangin doon. Mabango ang simoy ng palayan.
Malinis din ang tubig sa mga batis at ilog.
Alex: Sana makapunta ako roon ngayong bakasyon.
2. Pagtatalakay
-Sino-sino ang nag-uusap?
-Tungkol saan ang pinag-uusapan nila?
-Anong lugar ang napuntahan na ni Linda?
-Paano inilarawan ni Linda ang mga Igorot? Ang hagdan-hagdang palayan? Ang
hangin doon? Ang batis
at ilog?
- Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan? (Pang-uri)
- Ano ang Pang-uri?
3. Pangkatang Gawain
Unang Pangkat
Panuto: Bumuo ng mga pangungusap na naglalarawan sa pistang dinaluhan mo.

Ikalawang Pangkat
Panuto: Bumuo ng mga pangungusap na naglalarawan sa pagdiwang ng Pasko.
30
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano gagamitin ang pang-uri sa iba’t ibang sitwasyon?
(Gagamitin nang wasto at angkop ang pang-uri sa pangungusap sa paglalarawan ng
iba’t ibang sitwasyon)
2. Pagsasanay
Ilarawan ang iyong ina gamit ang mga pang-uri?
IV. Pagtataya
Panuto: Sumulat ng limang pangungusap gamit ang mga pang-uri sa paglalarawan ng
ating paaralan.

A.M
D.P.
V. Takdang-aralin
Sumulat ng 3 pangungusap na ginagamitan ng pang-uri.

31
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO VI
IKALWANG MARKAHAN
LINGGO: 3
ARAW: 3
I. Layunin
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na salita sa pamamagitan ng
pormal na depinisyon.
F6V- IIC- 1.10
II. Paksang-aralin
A. Paksa: Pagbibigay kahulugan sa pamilyar at di-pamilyar na salita sa pamamagitan ng
pormal na depinisyon.
B. Sanggurian: (F5PT- IVd- f- 1.13)
C. Kagamitan: metacards, tsart, diksyunaryo
D. Balyu: Mapamaraan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Basahin ang mga salita.
DUKHA BALANA SUMIBOL
HATOL ABULOY AMBISYON
KARINLAN PATOK PUKSA
2. Pagganyak
Pag-aralan ang mga titik upang makabuo ng isang salita

RAYLIPAM IDRAYLIMAP

Ano ang nabuong salita?


B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipabasa ang maikling kuwento:
“Ang Palaka at Uwang”

Matahimik at masayang namumuhay sina Palaka, Gagamba, at Susuhong sa lugar na


iyon nang bigalng dumating si Uwang. Hindi lamang matakaw ito sa pagkain ng dahon at
maingay ang ugong, ito rin ay sadyang mapanudyo. Kapag pinagbawalan o pinagpagunitaan,
ito’y nagbabanta pang mamakit o maminsala. Isang araw, tahimik na nginginain si Susuhong sa
tabi ng sapa nang bigla na lamang siyang suwagin ni Uwang. Nahulog siya sa agos at tinangay
siya sa dakong malalim. Minsan naman, gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot.
Ipinagmalaki niya iyon kina Palaka at Susuhong. Subalit, kinabukasan nang naghahanap ng
makakain si Gagamba, hindi niya alam ni winasak na ni Uwang ang kanyang sapot. Gayon na
lamang ang panlulumo habang si Uwang ay patudyong nagtatawa. Si Palaka ay sinuwag ni
Uwang ng mga sungay nito.
Isang araw, nagpasya ang magkaibigan na hamunin ng paligsahan si Uwang. Ang ilalaban
nila ay si Palaka. “Payag ako” sabi ni Uwang. “Kung kayo ay magwagi, lalayasan ko na ang lugar
na ito. Kung ako naman ang magwagi, kayo’y magiging sunud-sunudan sa akin.” Nagpalutang
sila ng isang malapad na dahon sa gitna ng sapa. Mag-uunahan sina Uwang at Palaka sa
pagsakay doon. “Tiyak na ako ang magwawagi,” pagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang
mabilis niyang maikakamapay ang kanyang pakpak. Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa
si Uwang habang si Palaka naman ay mabilis nang lumangoy patungo sa dahon. Mula sa itaas,
sumisid si Uwang, patungo sa dahon na inaanod sa gitna ng sapa. Ngunit, magkasabay sila sa
pag-abot sa dahon. Kasabay ng pagsakay ditto ni Palaka, dumapo naman si Uwang. Sa bigat

32
nilang dalawa, lumubog ang dahon at kapwa nahulog sila sa tubig. Nakaligtas si Palaka dahil sa
tubig siya nakatira, subalit si Uwang ay hindi na nakaahon.
2.Pagtatalakay
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Anong katangian ang masasabi mokay Uwang?
Sino ang nanalo sa kanilang paligsahan?
Kung inyong napapansin, may mga salitang may salungguhit sa ating kuwento.
Ibigay ang mga salitang may salungguhit. (Isulat ng guro sa pisara ang mga
salita)
MATAKAW SAPOT PUMAIMBULOG
UGONG PANLULUMO SUMISID
MAPANUDYO PATUDYONG
Alin sa mga salitang ito ang pamilyar na sa inyo?
Alin naman ang hindi pamilyar sa inyo?
Ano kaya ang kahulugan ng mga salitang ito? (Tingnan ng mga bata ang kahulugan sa
kanilang diksyunaryo)
3.Pangkatang Gawain
UNANG PANGKAT
Panuto: Bigyang kahulugan ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
1. Nilapitan ng binata ang kanyang liyag.
2. Namudmod ng regalo ang isang mayamang babae.
3. Mababakas sa mukha ng ina ang pagmamahal as kanyang anak.
4. Nagdala sila ng sulo sa gubat upang maging maliwanag.
5. Unti-unting sumilay ang liwanag ng araw sa bintana.

IKALAWANG PANGKAT
Panuto: Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita.
1. daloy
2. tsismis
3. dyaryo
4. landas
5. sawi
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano mabibigyan ng kahulugan ang mga pamilyar at di-pamilyar na mga salita?
(Mabibigyan ng kahulugan ang mga pamilyar at di-pamilyar na mga salita sa
pamamagitan ng pormal na depinisyon na makikita sa pangkalahatang sanggunian tulad ng
diksyunaro.)

2. Paglalapat
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.
1. kubyertos 4. sindak
2. haywey 5. sagwil
3. magara
IV. Pagtataya
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita sa pamamagitan ng personal
na depinisyon gamit ang diksyunaryo.
1. gahaman 4. pamayam
2. komersyo 5. salarin
3. sisid
V. Takdang-aralin
Sumulat ng limang pangungusap gamit ang mga pamilyar at di-pamilyar na mga salita.
33
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANG MARKAHAN
LINGGO: 3
ARAW: 4
I. Layunin
Nagagamit ang nakalarawang balangkas upang maipakita ang nakalap na impormasyon
o datos.
II. Paksang-aralin
A. Paggamit ng nakalarawang balangkas upang maipakita ang nakalap na impormasyon
o datos.
B. Sanggunian: http://www.gmanetwork.com/news/boholquake
C. Kagamitan: Tsart
D. Balyu: Pagkamatulungin
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw Sigla: Tula
Munting Pangarap
Ako’y munting bata sa yaman ay salat,
Ngunit mayroon akong isang munting pangarap.
Sa aking paglaki’y ibig kong makatupad
Maabot koi to pag ako’y nagsikap.
Nais kong maging isang tagahatid ng balita
Upang mga mamamayan may sapat na kaalaman
Sa mga pangyayari nitong ating Inang Bayan
Sa maiging pakikinig ito’y kanilang mauunawaan.
2. Pagganyak
Ano-anong mga teknolohiya ang nalalaman ninyo?
Ano ang kahalagahan nito sa buhay ng tao?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Basahin ang impormasyong ito.
Walang Aksayang Teknolohiya

Lagi nating nababsa ang panawagang “Iliigtas ang kapaligiran”. At mapipilitan kang
magmasid sa iyong paligid. Mapapansin noong ibang-iba na ang lugar ninyo. Ang dating malinis
na ilog ay tapunan ngayon ng basura. Nangangamoy ang nabubulok na basura sa mga kanto at
ang mga nasa loob ng bahay. Kapag umuulan, ito ay basurang babalik na dala ng baha. At ano
ang dala nito pagbalik? Epidemya, sakit na nakakahawa at nakamamatay. Sino ang dapat
sisihin? Tayo ring mga naninirahan na siyang pinanggagalingan ng basura. O, huwag na tayong
magturuan. Tanggapin nating hindi makakayang lutasing mag-isa ng pamahalaan ang lahat ng
suliranin ng bayan. Ang dapat isipin ng bawat isa ay kung paano makatutulong upang malutas
ang problema. Alalahanin nating ang kapintasan ng isang lugar ay kapintasan ng buong bayan.
Magagawang lunasan ang suliraning ito. Matatalino ang mga Pilipino, malilinis at
malilikhain. Bakit hindi natin isipin kung paano magagawa ang walang aksayang teknolohiya?
Marurunong ang mga Pilipino. Ang kailangan lamang ay magkaisa at magtulungan. Tama na ang
sumbatan at sisihan. Tayo nang magbagumbuhay!

2. Pagtatalakay
Ano ang panawagang lagi nating mababasa?
Ano na ang nangyayari sa paligid natin ngayon?
Sino ang dapat sisihin sa mga nangyayari sa paligid natin?
Ano ang lunas sa problemang ito?

34
Ipakita sa mga bata ang balangkas na ito.
I. Kapaligiran natin noon
1. Malinis na ilog
2. Malinis na paligid
3. Malinis na hangin
II. Kapaligiran natin ngayon
1. Maruming ilog
2. Maraming nagkakalat na basura
3. Mabahong hangin
III. Dala ng maruming kapaligiran
1. Epidemya
2. Sakit na nakakahawa
3. Sakit na nakamamatay
Anong impormasyon ang nabuo batay sa balangkas na ito?

3. Pangkatang Gawain
Unang Pangkat
Panuto: Basahin ang talata at ibigay ang mga impormasyon sa pamamagitan ng pagbuo
ng balangkas.

Tagumpay sa Kabila ng Sagwil


Si Tessie Galasa ang bunso sa siyam na magkakapatid. Dalawa lamang silang magkapatid
na nakapag-aral. Hindi kayang tustusan ng kanilang magulang ang pag-aaral sa kanilang lahat.
Ang kanilang karalitaan ay hindi nagging sagwil para kay Tessie. Nakapag-aral siya sa ilalim ng
isang scholarship grant.
Tatlong taong gulang lamang si Tessie nang sinamang-pald siyang magkasakit at
nalumpo. Habang siya ay lumalaki, sumisidhi ang kanyang hinagpis at pagkaawa sa sarili. Ngunit
natutuhan din niyang labanan ang damdaming ito.
Sa ginanap na Magnolia 10-kilometers marathon on Wheels, nanalo si Tessie ng unang
gantimpala sa karerang pambabae. Nanalo rin siya sa 21 kilometers wheel-a-thon. Noong 1982,
tatlong medalyang ginto at isang medalyang pilak ang kanyang napanalunan sa palarong
languyang pandaigdig para sa mga kapansanan. Ginanap ito sa Hongkong. Dahil sa tibay ng
kaniyang loob, nagtagumpay siya sa kabila ng sagwil sa kaniyang buhay.

I. Kahirapan ng buhay ni Tessie Galasa


1.
2.
3.
II. Tagumpay ng buhay ni Tessie Galasa

Ikalawang Pangkat
Panuto: Basahin ang talata at ibigay ang mga impormasyon sa pamamagitan ng pagbuo
ng balangkas.

Pagbangon
Unang beses ko itong pagbisita sa Bohol. Nakapanghihinayang dahil hindi ko na
masisilayan ang orihinal na hitsura ng mga simbahan. Pero pagdating sa simbahan ng Loon,
ibang ganda ang aking nasaksihan, ganda ng pagkakaisa sa kabila trahedya.
Tuwing Sabado, naglilinis sa paligid ng simbahan ang mga residente ng Nuestra Seňora
de la Luz Parish. Inilipat nila ang mga nagkalat na malalaking bato para mas madaling mapatag
ang lupa. Animnapu’t- pitong barangay ang nagtutulong-tulong ditto simula pa noong
Nobyembre ng nakaraang taon.
35
Natapos noong 1864, ang simbahan ng Loon ang isa sa pinaka-arkitektura ng simbahang
Augustino. Pero ngayon, maliban sa mga bato, naglaho na ang buong simbahan- walang
bubong, pader, o ano pa mang bahagi na maaaring maisalba.

I. Ginagawa ng mga residente ng Nuestra Seňora dela Luz Parish tuwing Sabado
1.
2.
3.
II. Ang simbahan ng Nuestra dela Luz Parish matapos ang trahedya
1.
2.
3.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano maipakita ang nakalap na impormasyon o datos?
(Maipakita ang mga nakalap na mga impormasyon o datos sa pamamagitan ng
paggamit ng nakalarawang balangkas.)
2. Paglalapat
Panuto: Basahin ang talata at ibigay ang mga impormasyon sa pamamagitan ng pagbuo
ng balangkas.
Emilio Aguinaldo
Hindi nabakas sa kabataan ni Emilio Aguinaldo na siya ay magiging pangulo ng Pilipinas.
Ang kanyang ama ay nagging gobernadorcillo ng Kawit, Cavite. Walang pambihira sa kanyang
record sa pag-aaral. Natuto siya ng alpabeto sa bahay. Nagtapos siya ng elementarya sa
Paaralang Bayan ng Kawit. Nagtapos siya sa sekondarya sa San Juan de Letra. Huminto siya ng
pag-aaral sa kolehiyo. Umiwas siya na maglingkod sa sandatahang lakas. Tinulungan siya ng
kanyang ina upang siya ay maging cabesa de barangay. Naging negosyante siya. Namili siya ng
tela at mga yaring produkto. Ipinamalit niya ang mga ito ng prutas, gulay, baboy at manok.

I. Buhay ni Emilio Aguinaldo noong hindi pa siya huminto sa pag-aaral


1.
2.
3.
II. Buhay ni Emilio Emilio Aguinaldo matapos huminto sa pag-aaral
1.
2.
3.

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang talata at ibigay ang mga impormasyon sa pamamagitan ng
paggamit ng nakalarawang balangkas.

Kaligtasan ng mga Nangangailangan


Ang pagtulong sa kapwa ay nagging ugali nan i Jacinta. Bawat pulubing lumapit sa
kaniya’y kaniyang nililimusa. Madalas iniimbintahan niya ang mga batang mahihirap na
makipaglaro sa kaniya.
Si Jacinta ay madasalin. Tuwing araw ng inggo, siya ay nagsisimba. Pagkatapos,
namimigay siya ng mga laruan, damit at pera sa hanay ng mga pulibi. Napamahal si Jacinta sa
kaniyang mga kababayan.
Nakaugalian ng mga tao na dalawin si Jacinta kung araw ng Pasko. Kakatok sila sa
pintuan ng kaniyang tahanan ay sila’y masayang patutuluyin at hahainan ng sari-saring pagkain.
Isang araw ng Pasko, sa kanilang pagtataka, walang sumasagot sa kanilang pagkatok.
Umakyat ang mga tao sa kabahayan at laking gulat nila nang makitang nakahandusay sa sahig at
36
wala nang buhay si Jacinta. Nalungkot at nag-iyakan ang mga tao sa sinapit ng kanilang idolong
si Jacinta.

I. Mabuting jatangian ni Jacinta


1.
2.
3.
II. Ginagawa ni Jacinta tuwing araw ng Linggo
1.
2.

A.M.
D.P.
V. Takdang-aralin
Maghanap ng isang impormasyon at gawan ng balangkas.

37
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANG MARKAHAN
LINGGO: 3
ARAW: 5
I. Layunin
Naipakikita ang pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan ng pagsasakilos ng bahaging
naibigan o pagguhit ng isang poster.
II. Paksang-aralin
A. Pagpapakita ng pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan ng pasasakilos ng bahaging
naibigan o pagguhit ng isang poster.
B. Sanggunian: www.slideshare.net/vaniega/mga-sangkap-ng-pelikula
www.slideshare.net/sikolopil/pelikulang-pelikula7297129
C. Kagamitan: DVD ng player, laptop, telibisyon, youtube-maikling pelikula
D. Balyu: Pag-unawa sa napanood
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Basahin ang mga salita

Pelikula Gusto
Panonood Poster
Internet Kilos
2. Pagganyak
Mahilig ba kayo manood ng pelikula?
Ano-ano ang mga napanood ninyong pelikula?

B. Panlinang Gawain
1. Paglalahad
Ngayon, panoorin natin ang pelikulang ginawa ni Ai-ai delas Alas “ang Tanging Ina”
2. Pagtatalakay
Ano ang ginawa ng nanay sa pelikula upang maipakita ang pagmamahal niya sa kaniyang
mga anak?
Sino sa inyo ang makapunta sa unahan at isakilos ang pagmamahal na ginawa ng ina sa
kanyang mga anak sa pelikula?
Sino naman ang makagawa ng poster na nagpapakita ng pagmamahal ng ina sa kaniyang
mga anak sa pelikula?

3. Pangkatang Gawain
Unang Pangkat
Magpakita ng isang video clip. (Ang guro ay malayang pumili ng isang makabuluhang
video clip.)
Isakilos ng grupo ang nagustuhang bahagi ng video clip.
Ikalawang Pangkat
Gaya ng Unang pangkat na video clip.
gumawa ng isang poster ng inyong nagustuhang bahagi sa video clip.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano maipakita ang pag-unawa sa inyong mga pinanood na pelikula/video clip?
(maipakita ang pag-unawa sa mga pinanood na pelikula/ video clip sa pamamagitan ng
pagsasakilos o pagguhit ng poster sa mga bahaging naibigan/nagustuhan.)

2. Paglalapat

38
Magpakita ng isang video clip. Pipili ang mga bata ng bahaging nagustuhan/ naibigan at
ipakita sa buong klase

IV. Pagtataya
Magpakita ng isang video clip. Gumuhit ng poster ng bahaging inyong
naibigan/nagustuhan.

A.M.
D.P.
V. Takdang-aralin
Humanap sa Youtube ng maikling pelikula at ibahagi sa klase bukas ang bahaging inyong
naibigan/nagustuhan.

39
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANG MARKAHAN
LINGGO: 4
ARAW: 1

I. Layunin:
Natutukoy ang mahalagang pangyayari sa napakinggang sanaysay.(F6PN-IIc-19)
Nakapagbibigay ng sariling solusyon sa isang suliraning naobserbahan.(F6PS-IId-9)

II. Paksa-Aralin:
A. Pagtukoy ng mahalagang pangyayari sa napakinggang sanayasay.
B. Sanggunian:
C. Kagamitan: Tsart, larawan ng kapistahan at aktibiti kard
D. Pagpapahalaga: Relihiyoso/Marunong tumanggap ng panauhin
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw Sigla: Awitin ang “O Kay Liit ng Mundo”

2. Balik-aral:
Panuto: Makinig ng mabuti sabihin kung ano ang kahulugan ng kilos ng
mga
tauhan ayon sa pabulang ating napag-aralan.
1. “Aba, naku! Hindi po. Ako po’y matagal na narito sa king puwesto” ang
sagot ni pagong.
2. “Aha!Nahuli rin kita! Hindi ka na makaligtas sa akin ngayon!sabi ni
Matsing.
3. “Ibig ko ring pumula ang pingi ko” sabi ni Matsing.

3.Pagganyak: Magpakita ng larawan ng Pista ng Bayann.


Itanong: - Ano ang masasabi mo sa larawan?
Sa palagay niyo kailangan bang ipagdiwang ang pista?
B. Panlinang ng Gawain:
1. Paglalahad:
Panuto: Ipabasa sa mga bata ang isang sanaysay.

Pista sa Aming Bayan


Isa sa mga tradisyong Pilipino ang pagdaos ng pista. Ang kaugaliang ito ay impluwensya ng mga
espanyol na nananakop sa ating bansa. Ang pista ay pagdiriwang ng isang bayan sa kaarawan ng patrong
kinikilala roon.
May Kani-kaniyang paraan ng pagdaraos ng pista ang mga bayan sa Pilipinas. Ang sumusunod ay
isang makulay na paglalarawan ng pista sa isang bayan. Sa panahon ngayon na mahirap ang buhay,
dapat bang ipagpatuloy ang tradisyong ito? Panahon ngayon na mahirap ang buhay, dapat bang
ipagpapatuloy ang tradisyon ito?
Masayang-masaya ang lahat. Araw ng pista ngayon sa aming bayan. Maraming tao ang
nagsimba. Masigla at masaya ang kalembang ng kampana sa simbahan. Hindi magkamayaw sa ingay ng
pagbabatian at pagbabalitaan ang mga tagarito, mga balikbayan at mga panauhin mula sa ibang bayan.
Walang tigil ang masipag na banda ng musikero sa paglipat sa mga lansangan habang nagbibigay ng
masiglang tugtugin. Umaambag rin sa sigla at saya ang malakas na bunghalit ng mga tugtugin sa mga
perya at pondahan at maging sa mga tahanan man.
Naku, Higit sa lahat kabi-kabila ang handaan. May naglilitson doon at dine.Malalaking talyasi ng
pagkain ang nakasalang sa kalan sa mga kusina at sa mga bakuran. Mula tanghalian hanggan –anak,g
hapunan ang pagsasalu-saluhan ang mga inihandang pagkain ng mga magkakamag-anak magkaka-ibigan
at ng mga panauhin. Kainang hindi matapus-tapos. Ganyan ang pista. Nakakalungkot tuloy isipin na ang
pista ay tila kainan na lamang at nawawala na ang diwang espiritwal ng okasyon.
40 E, bakit nga ba may pista? Hindi ba’t nagdudulot lang ito ng malaking gastos? Hindi ba’t
malaking pag-aabala ito? Pero sadyang hindi na maiaalis sa kulturang Pilipino ang pagpipista at
pamimista. Ito’y isang kaugaliang minana pa natin sa ating mga ninuno.
Tanong sa pag-unawa:
1. Ano ang tradisyon ang idinaraos palagi ng mga Pilipino?
2.Ano-anu ang mahahalagang pangyayari ayon sa sanaysay? Ibigay lahat.
3. Sa inyong obserbasyon batay sa ganitong kaganap, ano ba ang iyong sariling
solusyon
sa malaking gastos dulot ng pista?
3. Pangkatang Gawain
PANGKAT I-III
Panuto: Basahin ng mabuti at intindihin ang sanaysay. Sagutin ang mga tanong.

Tao, Tagapag-alaga Ka Ba ng Kalikasan?

Ikaw ba ay tagapag-alaga o tagapagwasak ng kalikasan?


Ang kalikasan ay sadyang ipinakaloob sa atin ng panginoon upang makatulong sa ating
pamumuhay sa mundo. Nariyan ang mga puno at halaman na nagbibigay ng mga pagkain ang mga ilog at
dagat na bukal din ng mga isda at lamng tubig na pinakikinabangan natin, ang mga kaparangan at
kabundukan na may mga mina at torso, bukod pa sa mga ibon at hayop na nagbibigay din ng pagkain sa
atin.
Ngunit sa biyayang tinatamsa natin mula sa kalikasan, unti-unti nating nalimutan na may tungkulin
din tayo sa kalikasan.Winalang-bahala natin ang pinagkukunang ito n gating ikinabubuhay. Nalimutan
nating magtanim ng mga bagong puno at halaman na kapalit ng mga kinuha natin. Gumagamit tayo ng
mga paraang nakapipinsala, tulad ng dinamita at pinong lambat sa panghuhuli ng mga isda. Naging dahilan
ito ng pagkamatay ng maliliit na isada. Hinuli natin ang mga ibon at hayop sa kagubatan na dapat sana ay
tinulungan nating dumami ang lahi. Sinunog din natin ang mga kabundukan para taniman ng palay, na ang
maging kapalit ay baha at pagguho ng lupa.
Naging tagapagwasak tayo ng kalikasan sa halip na tagapag-alaga. Ngayon ay nararanasan na natin
ang ganti ng kalikasan. Umiinit na anag panahon dahil sa kawalan ng lilim ng mga puno. Natutuyo narin
ang mga sapa at ilog. Malimit ang pagbaha. Kulang na tayyo sa mga pagkain tulad ng mga prutas at gulay.
Mahina na rin ang aning nakukuha sa ating mga palayan dahil sa matagal na tag-init at kasalatan sa
patubig. Dahil dito, umaangkat na tayo ng bigas.
Nararapat na tayong kumilos ngayon habang may natitira pang yaman sa ating kalikasan. Isipin
natin ang darating pang henerasyon .

Tanong:
-Ano-anu ang mga mahahalagang pangyayari ang nabangkit sa napakinggang
sanaysay?
- Bakit nasabing ang tao daw ang tagapag-alaga ng kalikasan?
- Sa iyong obserbasyon, ano kaya ang maaaring solusyon mo bilang mag-aaral sa
ganitong pangyayari?

C. Pangwakas na Gawain
4. Paglalahat
Tanong: *Paano natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang
sanaysay?
_ Natutukoy ang mahalagang pangyayari sa napakinggang sanaysay sa
pamamagitan ng
pakikinig ng mabuti sa mga pangyayaring inilahad sa sanaysay.
* Paano makapagbibigay ng sariling solusyon sa isang suliraning
naobserbahan?
- Nakapagbibigay ng sariling solusyon sa isang suliraninng
naobserbahan sa pamamagitan ng sariling opinyong batay sa kaalam
o sa napagdaanan.
-

41
5. Paglalapat
Makabagong Teknolohiya

Makabagong Teknolohiya, tatak ng makabagong bansa. Isang katotohanang


nasaksihan natin ang kapaligiran. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya ay tanda ng
kaunlaran. Nakatutulong ito sa pagpapabuti at pagpapabilis ng paggawa. Nakatitipid din ito
sa paggamit ng lakas ng tao.
Ang teknolohiya ay ang kaalaman o paraan sa paggawa ng mga bagay. Sa
kasalukuyan, nakikita
1. Ano ang ang paggamit
mahalagang ng nabangkit
pangyayari makabagong teknolohiya sa pagsasaka sa
sa sanaysay?
pagpapaunlad ng industriya,
2.Paano nagagamit ng mgateknolohiya?
ang bagong daan, tulay, gusali at marami pang iba. Ang
makabagong
3. Ano ang maaaring solusyon mo upang sa
teknolohiya ay nakapagpabilis pagsulong
mapanatili angatkaunlaran
pag-unlad ng kabuhayan
n gating bansa? sa
bansa.

Ang Kahalagahan ng Edukasyon

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang


mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na
natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing
elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na
nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot.
Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal
na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa
buhay at kung paano mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng


isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi
magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap
para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon
ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.
Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-
bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing
mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao.
Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at
ginagalawang kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang


kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang
siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga
bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito
ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang
buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo
sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang
mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.

Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa


pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga
paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat
ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na
ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga
pangarap na na isinilang matupad.

Tanong:

42
1. Ano ang mahalagang layunin ng edukasyon?
2. Ano ang dapat gawin ng mga kabataan?
3. Ano ang tawag sa sandata na kailangan ng mga kabataan?
4.Bakit kaya kailangan na magkaroon ng edukasyon ang mga kabataan?
5. Paano masolusyonan ang problema ng pamahalan tungkol sa edukasyon?

V. Takdang-aralin:
Panuto: sagutin ang tanong sa kwaderno.

Tanong: Ano kaya ang magiging solusyon sa mga batang palaging nakatuon ang
isipan at panahon sa paglalaro ng Computer?

43
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANG MARKAHAN
LINGGO: 4
ARAW: 2
I. Layunin:
Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t-ibang sitwasyon. F6OL-
IIabcde-4)
Nagagamit ang pang-uring pahambing sa pangungusap sa ibat-ibang sitwasyon.

II. Paksa-Aralin:
A. Pagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t-ibang sitwasyon.
Pagagamit ang pang-uring pahambing sa pangungusap sa ibat-ibang sitwasyon.
B. Sanggunian: landas sa Wika 6 pahina 137-141
C. Kagamitan: manila paper, larawan
D. Pagpapahalaga: Pahalagahan ang ating paligid
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pamukaw Sigla:”Tula”

Pagmasdan ang Paligid

Paligid ay anong ganda, tunayt na kaaya-aya


Paggala ng iyong mata, tiyak na masisiyahan ka
Mga halamang anong ganda, mga dahong sariwa pa.
Kasing yumi ng dalagang Filipina ngang talaga

Kasinlinaw ng salamin, yaong tubig sa batis,


Tahimik na umaagos, tila Kristal ang kawangis
Dahil ditto ay mag-isip, kababayanan ko’y makinig
Ang ating kapaligiran, mahalin natin nang labis.

2. Balik-aral
Tanong:. -Batay sa tulang binasa, anu-ano ang mga pang-uring nabanggit?

Ano ang dapat natin gawin sa ating kapaligiran?


3. Pagganyak:
(Pagpakita ng larawan ng mga taong namatay dahil sa bagyo?)
Tanong:Sa iyong palagay, bakit maraming namamatay kung dumating na bagyo?
B. Panlinang na Gawain:
1.Paglalahad
Panuto: Basahin ang talata.

Isang Kalamidad

Dumating ang napakalakas na Bagyong Claudia na naging dahilan ng pagkasira ng mga


bahay at malawak na pinsala sa mga ari-arian ng mga taga-Porac, Pampanga. Pansamantalang lumikas ang
mga taga-roon sa mga evacuation centers, na inorganisa ng local Disaster Coordinating Council.

Nagsusumiksikan ang maraming palimya sa mga evacuation centers. Kakaunti ang pagkain at tubig.
Madumi ang kapaligiran at maraming bata at matanda ang nagkasakit. Sila ay di-gaanong nabigyan ng sapat
na pansin dahil sa maraming kakulangan lalo na ang gamut at inuming tubig.

Ang mga reporters na nakasaksi sa kanilang kalagayan ay patuloy na nag-uulat sa radio, telebisyon at mga
pahayagn. Marami ang naantig sa kahirapan dinanas ng mga taga-Porac. Dumagsa ang mga nagbibigay-tulong
galling sa iba’t-ibang sector at samahan, katulong ng iba pang pinuno ng byan at sangay mg gobyerno,
44
ipinatupad ang programa sa pagpautang ng puhunan na siyang pinakamalaking tulong para sa panibagong
kabuhayan ng mga taga-Porac.
2. Tanong sa Pag-unawa/Pagtatalakay

a. Ayon sa balitang binasa, anu-ano ang mga pang-uri na ginagamit upang


mailarawan ang mga pangyayari?
Sagot:
napakalakas na hangin di-gaanong nabigyan
malawak na pinsala kakaunting pagkain
higit na nangangailangan pinakamalaki

b. Anong antas ng pang-uri ang mga ito?


3. Pangkatang Gawain:
Pangkat 1
Panuto: Isulat ang tamang pang-uring pahambing sa patlang.Piliin ang sagot sa
panaklong.
1. (Maganda, Mas maganda) ang aming paaralan.
2. Ang Bagyong Yolanda ang (mas malakas, pinakamalakas) na bagyo anmg
dumating sa
Pilipinas.
3. (Makulay,Higit na kulay) ang mga bulaklak na tanim ng nanay.
4. (Maliwanag,Mas maliwanag) ang nabilin kong ilaw.
5. Sa taniman ni Mang Mario(mas marami,pinakamarami ) ang tanim niyang
kamatis sa lahat.
Pangkat 2
Panuto: Gamitin ang mga pang-uring pahambing sa pangungusap.
1. Mas masungit
2.Maingay
3. Pinakamasaya
4. Di-gaano kalaki
5. Masarap
Pangkat 3
Panuto: Gamitin ng wasto ang mga pang-uri sa pangungusap.
(lamig) 1. _________________ang simoy ng hangin ngayon kaysa kahapon.
(sarap) 2. Ito ang __________________na pagkaing natikman ko sa buong
mundo.
(mahinhin)3. _____________________si Chealse kaysa kay Eunice.
(baho) 4. Ang basura sa paligid ay ________________________.
(lawak) 5. Sa lugar na aking Lolo Tonio makikita ang ____________na taniman ng
mais.
C.Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ano ang pang-uri?
Paano ginagamit ang pang-uring pahambing?
2. Paglalapat:
Panuto: Gamitin ang sumusunod na pang-uring pahambing sa
pangungusap gamit ang iba’t ibang sitwasyon.
1. (Maingay, Mas maingay, Pinakamaingay) ang tambol kaysa marakas.
2. (Malinis, Mas malinis, Pinakamalinis) ang aming paaralan.
3. May nakitang (maliit, mas maliit, pinakamaliit) na kuting si Elna.

45
4. (Nanganagilanga, Higit na nangangailang, pinaka nangangailangn) ang mga
biktima ng sunog kaysa mga batang malalakbay-aral.
5. (Maginaw, Mas maginaw, Pinakamaginaw) na lugar ang Baguio sa lugar dito sa
Pilipinas.
IV. Pagbibigay-Halaga:
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pang-uring pahambing.
1. mas masungit
2. pinakamagulo
3. malambot
4. higit na mabango
5. mahirap
V. Takdang-aralin:
Isalaysay ang mga ginawa mo noong bakasyon gamit ang mga pang-
uring pamhambing na natutunan mo.

BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI


IKALAWANG MARKAHAN
LINGGO: 5
ARAW: 1
I.Layunin:
Nasasagot ang mga tanong sa napakinggang pabula
II.Paksa:
A.Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Pabula
B.Bagong Filipino sa Salita at Gawa , Pagbasa 6, ph. 80-82
C.Tsart, plaskard, aktibiti kard at larawan ng aso’t pusa
D. /Ang Pagtulong sa kaibigan sa oras ng kagipitan ay tanda ng tunay na magkaibigan/
III. Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain:
1. Pamukaw Sigla:
Tanong: Sino sa inyo ang may matalik na kaibigan?
Paano mo masabi na ang iyong kaibigan ay isang matalik mong kaibigan?
2.Balik – aral:
Tanong: Ano-ano ang mga bagay na dapat tandaan sa pakikinig ng kuwento, tula,
O sanaysay?

46
Ano ang tawag sa isang katutubong gawang Pilipino na pawang mga
hayop ang mga tauhan?
3.Pangganyak:
Ano-anong hayop ang inyong alaga sa bahay?
Ipakita sa mga bata ang larawan ng aso’t pusa. Sabihin sa mga bata na
ang pakikinggan nilang kuwento ay tungkol sa aso’t pusa.
B.Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Basahin at iparinig sa mga bata ang pabulang, “Tunay na Magkaibigan”.
2.Tanong sa Pag-unawa:
1.Sino-sino ang dalawang alagang hayop nina Ogie at Dennise?
2.Bakit nagkasakit si Margo?
3.Paano natulungan ni Bimbo si Margo?
4.Tama ba ang ginawang pagtulong ni Bimbo kay Margo? Bakit?
5.Nangyari na ba ito sa inyo at ng iyong kaibigan? Ano ang iyong ginawa?
3.Pangkatang Gawain:
Pangkat 1
Panuto: Basahin ng lider ang maikling pabula sa mga kasapi at
pagtutlungtulungang ang sumusunod na katanungan.

“Ang Mainggiting Kabayo”


Naiinggit si Kabayo kay Tagpi. Walang ginagawa si Tagpi kundi igalaw ang
kanyang Buntot sa pagsalubong sa kanilang amo. Kinakarga ng amo si Tagpi at
sinusubuan sa pagkain.
Kahit kailan ay hindi ginawa iyon ng kanyang amo sa kanya. Samantala si
Kabayo ang naghahakot ng tubig at panggatong mula sa bukid.
Isang gabi, nakita ni Kabayo na kumakain ang kanyang amo. Sumugod siya rito.
Dinilaan niya ito sa mukha, inilagay ang kanyang dalawang paa sa hita ng amo at
iginalaw ang kanyang buntot.
Nagulat ang amo. Sumigaw siya at dumating ang mga katulong. Hinagupit siya ng
latigo at dinala sa kulungan.
“Ito ang napala ko. Hindi ako nasisiyahan sa kalagayan ko.”
Tanong:
1.Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2.Sino sa kuwento ang mainggitin?
3.Ano ang kinaiinggit ni Kabayo kay Tagpi?
4.Ano ang ginawa ni Kabayo minsan?

Pangkat 2
Panuto: Basahin ng lider ang maikling pabula sa mga kasapi at
pagtutlungtulungang sagutin ang sumusunod na katanungan.

“Ang Mainggiting Kabayo”


Naiinggit si Kabayo kay Tagpi. Walang ginagawa si Tagpi kundi igalaw ang
kanyang buntot sa pagsalubong sa kanilang amo. Kinakarga ng amo si Tagpi at
sinusubuan sa pagkain.
Kahit kalian ay hindi ginawa iyon ng kanyang amo sa kanya. Samantala si
Kabayo ang naghahakot ng tubig at panggatong mula sa bukid.
Isang gabi, nakita ni Kabayo na kumakain ang kanyang amo. Sumugod siya rito.
Dinilaan niya ito sa mukha, inilagay ang kanyang dalawang paa sa hita ng amo at
iginalaw ang kanyang buntot.
Nagulat ang amo. Sumigaw siya at dumating ang mga katulong. Hinagupit siya ng
latigo at dinala sa kulungan.
“Ito ang napala ko. Hindi ako nasisiyahan sa kalagayan ko.”
Tanong:

1.Ano ang reaksiyon ng amo sa ginawa ni Kabayo?

47
2. Ano ang ginawa ng mga katulong kay kabayo?
3.Nalaman ba ni Tagpi na kinaiinggitan siya ni Kabayo?
4.Ano ang naramdaman ni Kabayo matapos ang insidente?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano mo masasagot ang mga katanungan mula sa napakinggang pabula?
Ano ang pabula?
2.Paglalapat:
Basahin sa mga bata ang maikling pabula at ipasagot ang mga katanungan na
Sumusunod.

“Ang Usa at ang Kanyang Sungay”


Hinangaan ni Usa ang kanyang sarili habang umiinom sa batis. “Anong ganda ng aking
Mga sungay! Ang kisig ko dahil sa aking mga sungay!” Napansin din ni usa ang kanyang mga paa.
“Ang pangit ng aknig mga binti! Maliit at payat pa!”
Napapitlag si usa. Nakaramdam siya ng kaluskos. Nakarinig siya ng mahinang klik.
Naamoy niya ang presensiya ng ibang hayop. Lumundag siya ng mabilis patungo sa gubat.
Halos lumipad siya sa bilis ng takbo ng kanyang mga paa. Ups! Nasabit ang kanyang sanga-
Sangang sungay sa mababang sanga ng puno. Binatak niya ang kanyang ulo. Nagpatuloy siya sa
Pagtakbo.
Humihingal si Usa. Ligtas na siya sa gubat. Hindi na siya matutunton ng mangangaso.
Napuna niya ang isang batis. Lumapit siya upang uminom. Nakita muli niya ang kanyang su-
Ngay at paa.
Hm! Muntik na ako ipahamak ng maganda kong sungay.At ang mga pangit kong binti
Ang nagligtas sa akin sa panganib.

1.Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


2.Ano ang hinangaan ng usa sa kanyang sarili?
3.Ano ang hindi gusto ng Usa sa kanyang sarili?
4.Anong katangian ang ipinakita ng Usa nang maramdaman niya na may
mangangaso?
5.Alin na ngayon ang hinahangaan ng usa sa kanyang sarili?
6.Bakit sinabi ng usa na ipinahamak siya ng kanyang magandang sungay?
7.Saan nagsimula at nagtapos ang kuwento?
8.Ano ang gianagawa ng Usa sa simula ng kuwento?
9.Ano ang ginagawa ng usa sa katapusan ng kuwento?
10.Alin ang kapanapanabik na bahagi ng kuwento?
IV.Pagbibigay-Halaga:
Panuto: Pakinggan ang babasahing pabula at sagutin ang sumusunod na katanungan.
Isulat ang
Tamang sagot sa sagutang papel.
“Ang Hula Kay Haring Leon”
Isang araw, nanaginip ang hari na kagubatan na si Haring Leon. Napanaginipan niya na
nalagas ang lahat ng kanyang mga ngipin at pagkatapos ay naubos daw ang balahibo niya sa
katawan.
Nangatal aang buong katawan ng Leon ng nang ito ay magising. Nagpatawag siya kaagad
ng mahusay na manghuhula. Ibig niyang malaman kung ano ang kahulugan ng panaginip niyang
iyon.
Isang pantas ang kara-karakang dumating- ang isang manghuhulang kambing.
Hindi mapakali si Haring Leon. Ibig niyang mabatid agad ang ibig sabihin ng kanyang
panaginip. Hindi siya magkandatuto sa katatanong sa manghuhula.
Nang tingnan siya ng manghuhulang kambing, nabakas niya sa mukha nito ang labis na
kalungkutan.
“Bakit ganyan ang ayos ng mukha mo?” tanong ni Haring Leon sa manghuhulang
Kambing.

48
“Dahil sa nabanaagan ko sa iyong panaginip. May masama pong mangyayari sa
inyo.Magkakasakit daw po kayo nang malubha dahil sa pagpapabaya ninyo sa inyong kalusugan
at maaaring ito ay ikamatay n’yo,” sagot ng Kambing na manghuhula.
“Ano?” pagulat na tanong ni Leon. “Hindi ka kaya nagkakamali?”
“Hindi po,” malinaw na sagot ng manghuhula.
Ang Leon ay nagalit. Bigla niyang hinablot ang kambing at piñata ito.
Muling nagpatawag ng manghuhula ang Leon. Tulad ng hua ng Kambing, sinabi rin ng
Usa na mamamatay ang Leon dahi mapababayaan nito ang kanyang kalusugan.
Nagalit muli ang Leon. Pinatay rin niya ang Usa.
Nang muling magpatawag ng manghuhula ang Leon. Wala nang ibig umamin na sila ay
manghuhula dahil nabalitaan nila ang ginagaawa ni Haring Leon sa mga manghuhula.
Gayon na lamang ang kalungkutang nadama ni Haring Leon. Lagi niyang naiisip ang
kanyang panaginip. Hindi na siya nakakakain at nakakatulog. Ayaw na rin niyang maglaro o
lumabas sa kanyang tulugan. Napabayaan ni Haring Leon ang kanyang sarili hanggang siya ay
magkasakit at mamaatay.
Ang nangyari tuloy ay nagkatotoo ang sinabi ng mga manghuhulang Kambing at Usa.
Sabi nga ng manggagamot sa kagubatan: “Pinanghina si Haring Leon ng kanyang kaiisip
sa masama niyang panaginip. Napabayaan niya tuloy ang kanyang kalusugan kaya siya namatay.
Nagkatotoo tuloy ang hula ng mga manghuhulang kanyang ipinatawag.
Tanong:
1.Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2.Ano ang napanaginipan ng Leon?
3.Ano ang kahulugan ng panaginip ng hari?
4.Ano ang nagging wakas ng kuwento?
5.Sa inyong palagay, ano kaya ang tunay na naging dahilan ng kamatayan ng hari?
V. Takdang – Aralin:
Maghanap ng isang pabulang babasahin at sagutin ang sumusunod na katanungan.
Isulat ang sagot sa takdang-araling kuwaderno.
A.M.
D.P.
“Tunay na Magkaibigan”
(Pabula)
Ayon sa kasabihan, mahirap daw makatagpo ng isang tunay na kaibigan. Sa pabulang
inyong babasahin, mapapatunayan ninyong maaaring maging tapat na magkaibigan ang
dalawang nilalang na magkasalungat ang mga katangian.
Ang pabula ay isang katutubong gawang Pilipino na pawang mga hayop ang mga tauhan.
Karaniwan nang ito ay amay aral na inihatid sa mga mambabasa.
Sabay na dumating sinaMargo at Bimbo sa tahanan nina Aling Nora. Kuting pa lamang si
Margo at isang malusog na tuta naman si Bimbo. Buhat sa malaking pamilya si Margo. Anim
silang lahat nang iluwal ng kanilang ina kayat ipinamigay sila ng kapitbahay nina Aling Nora. Si
Bimbo naman ay regalo sa kanila ng kaibigan nilang si Mang Danny.
“O, ayan, Ogie, alagaan mo sa Bimbo, ha. Ikaw naman, Dennise, ang mag-alaga kay
Margo,” Wika ni Aling Nora sa kaynang dalawang anak.
“Opo, Inay,” sabay na sagot ng dalawa na tuwang-tuwa dahil sa matagal na nilang
pinangarap na magkaroon ng alagang hayop.
Buong tiyagang pinalaki ng magkapatid ang dalawang hayop sa isang kakaibang paraan.
Batid ng lahat na magkaaway na mortal ang aso at pusa, kaya nga’t nagging kasabihan na ang
“para kayong aso’t pusa” kapag laging nag-aaway ang magkapatid o magkaibigan.
“Subukin kaya nating lagi silang pagtabihin sa pagkain at pagtulog. Tingnan natin kung
ano ang mangyayari sa kanila,” mungkahi ni Ogie.
“Oo, nga, para hindi sila mag-aaway,” sang-ayon naman ni Dennise.
At ganoon nga ang ginawa ng dalawa. Pinalaki nila sina Margo at Bimbo na lagging
magkasalo sa pagkain at magkatabi sa pagtulog. Itinali ni Dennise si Margo sa bahy-bahayan ni
Bimbo upang manatili siya roon. Isa lamang ang kanilang kainan. Di naman naglaon at malaki
na ang dalawang alagang hayop nina Ogie at Dennise. Malaya silang nakapaglalaro sa bakuran
pagkat hindi na nakatali.

49
“Hoy, Margo, pumasok ka nga rito sa loob at tila uulan. Baka mabasa ka riyan. Kaaway
mo ang tubig, dib a?” pakahol na wika ni Bimbo isang hapong nagdidilim ang papawirin.
“Sandali lang at may inaabangan pa akong daga rito. Baka makapasok sa loob ng bahay
at manira na naman.” Panguyaw na sagot naman ni Margo.
“Biglang lumabas ang daga sa lunggang pinasukan nito at hinabol ni Margo saanman ito
magpunta. Napalayo si Margo sa kahahabol sa daga nang dagling bumuhos ang ulan. Nahuli ni
Margo ang daga subalit nabasa siyang lubos ng ulan. Lulugo-lugo siyang umuwi at kinagabihan
ay nilalagnat ito. Magdamag na humahalinghing si Margo dahil sa sakit ng buong katawan.
Ginaw na ginaw siya. Sa awa ni Bimbo, dinilaan niya ang balahibo ni Margo hanggang sa
matuyo. Pagkatapos ay tinabihan niya ito sa pagtulog.
Kinaumagahan, mabuti na ang pakiramdam ni Margo. Wala na ang kanyang
lagnat.Nakabuti sa kanya ang ginawang pag-aalaga ni Bimbo.
“Maraming salamat, Bimbo. Kundi sa iyo, baka kung napaano na ako,” wika ni Margo.
“Naku, wala iyon! Sino pa ba ang maaaring magdamayan sa oras ng pangangailangan,
kundi ang tunay na magkaibigang tulad nating dalawa,” wika ni Bimbo.

BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI


Ikalawang Markahan
Linggo: 5
Araw: 2
I.Layunin:
Naisalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang mga pangungusap (F6PS-IIe-6.1)
II.Paksang Aralin:
A.Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang Teksto Gamit ang mga Pangungusap.
B.Sanggunian: Hiyas sa Pagbasa 6, p. 84-90;
Landas sa Pagbasa 6, p. 167-175
C.Kagamitan: tsart, larawan ng bata na sumasali sa laro o isport
D.Pagpapahalaga: / PAGIGING ISPORT /
III.Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain:
1. Pamukaw Sigla: Awit
2. Balik-aral

50
Bago kayo pumasok sa paaralan, anu-ano ang mga ginagawa ninyo?
3. Pagganyak
Sumasali ba kayo sa iba’t ibang laro o isport?
B.Panlinang na Gawain
1.Paglalahad:
Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro.
Ang Tuso Kong Kaibigan

Isang araw, Pista ni San Jose sa bayan. Inaanyayahan ako ng isang kalaro na sumali sa paligsahang
marathon. “Sali tayo Ricky,” ang sabi sa akin ni Ontoy. “Malaki raw ang premyo.”
Nag-isip ako. Kung sabagay Malaki ang premyo at makadagdag ito sa panggastos sa bahay. Pero, kaya ko
kayang manalo? Mabilis ba akong tumakbo?
“Huwag ka nang masyado mag-isip. Sinuman sa atin ang Manalo, maghahati tayo sa premyo, ha?” sabi ni
Ontoy.Sa kanyang pangungulit, napapayag din ako. Dali-dali kaming nagpalista sa paligsahan. Pumuwesto kami sa
panimulang linya.“Isa, dalawa, tatlo. . . takbo!” sigaw ng tagapamahala.
Mabilis kaming tumakbo, kaya nanguna kami sa kalaban. Halos magkasabay at magkasingbilis kami ni
Ontoy. Ngunit nang malapit na kami sa hangganan, bigla niya akong siniko sa tagiliran. Sa lakas ng pagkakasiko,
bigla akong napa-aruy at napatumba. Tuloy-tuloy naman si Ontoy. Siya ang nanalo.
Masama man ang loob ko, binate ko pa rin siya at kinamayan ang kaibigan ko. Si Ontoy? Nagkibit-balikat
lamang. Sinolo niya ang premyo. Sa akin ay walang anuman iyon. Sino ba sa amin ang nawalan ng mabuting
kaibigan?
2.Pagtatalakay:
-Saan at kailan nangyari ang kuwento?
-Sino ang dalawang magkaibigan?
-Ano ang unang mahalagang pangyayari sa kuwento?
-Ano ang iniisip ni Ricky sa paanyaya ni Ontoy?
Habang si Ricky ay nag-aalangang sumali sa paligsahan, ano ang binanggit ni Ontoy?
-Nabago ba ng isip ni Ricky?
-Sa umpisa sinu-sino ang nangunguna sa paligsahan?
-Ano ang sumusunod na pangyayaring hindi inaasahan ni Ricky?
-Sino ang nanalo?
-Pagkatapos ng paligsahan, ano ang ginawa ni Ricky?
-Ano naman ang ginawa ni Ontoy?
-Paano nagwakas ang kuwento?
-Anong ugali ang ipinakikita ni Ricky sa binasa nating kuwento?
-Sino sa inyo ang makasalaysay muli ng kuwentong napakinggan?
3.Pangkatang Gawain:
Panuto: Basahin ng Pangkat I ang seleksyon at isalaysay muli ng Pangkat II.Pagkatapos ang
Pangkat II naman ang magbabasa ng kuwento at isalaysay ng Pangkat I.

Tinuruan nang buong tiyaga ni Aling Sol ang kanyang mga anak ng
Pangkat I at II
mga gawaing bahay.
Sabi niya, “Magtulungan sana kayong magkakapatid sa mga
gawaing bahay. Maghati-hati sana kayo sa mga gawain dito. Kapag
nagwawalis ang isa, ang isa ay magpahid ng floorwax at ang isa naman ay
magbunot. Kapag ganito ang inyong gagawin, tiyak na madali ninyong
matatapos ang anumang gawain.”
“Areglado po, Inay. Maghahati-hati kami sa mga gawain. Walang
lamangan.,” sabay-sabay na sagot ng mga anak.
Umalis si Aling Sol at iniwan niyang nagtatrabaho ang mga anak.
Nang bumalik siya, tinanong ang mga anak kung anu-ano ang kani-
kanilang ginawa.
“Ano ang ginawa mo, Ana?” tanong niya.
“Naghugas po ako ng pinggan,” sagot ni Ana.
Ikaw naman, Celso?”
Pangkat III tanong ulit ni Aling Sol.
“Pinunasan ko po ang pinggang hinugasan ng Ate,” sagot ni Celso.
“ikaw naman,
Panuto: Babasahin ng liderTony?”
ang kuwento. Pakinggang mabuti at isalaysay muli sa harap ng klase.
Pangkat III“Itinapon ko po ang durog na tasa at platong nabasag ni Ate at
Kuya,” sagot ni Tony.
Panuto: Babasahin ng lider ang kuwento.Makinig nang mabuti at isalaysay muli sa harap ng klase.

51
Pagiging Buo ang Loob
Masayang-masaya ang paglalaro ng bola habang naliligo sa ilog
sina Jayson, Christian, Robert at Bong.
Nang matapos sa paglalaro ay nagpapaligsahan sa paglangoy ang
apat. Nasa gitna na sila ng ilog nang biglang nanigas ang mga binti ni
Robert. Hindi niya maigalaw ang mga ito. Ang pakiramdam niya ay hinihila
siya ng kanyang mga paa nang pailali sa tubig. Kanyang itinaas ang
kanyang mga kamay para mapansin ng mga kasama.
“Tulungan natin si Robert,” pasigaw na sabi ni Christian sa mga
kasama. Madali naming naiahon sa tubig si Robert ng mga kaibigan.
“Salamat sa inyong tatlo. Utang ko sa inyo ang aking buhay. Hindi
koi to makakalimutan,” ang sabi ni Robert nang siya ay makapagpahinga
na.
“Walang anuman iyon,” sagot ni Jayson.
Isang matandang babae ang lumapit sa magkakaibigan.
“Hinahangaan ko kayo. Buo ang inyong loob maging sa oras ng
C.Pangwakas na panganib.”
Gawain:
1.Paglalahat
Paano natin maisalaysay muli ang kuwento/usapang napakinggan?
(Naisalaysay muli ang kuwento/usapang napakinggan sa pamamagitan ng pakikinig nang mabuti
at pagkuha ng mga mahahalagang detalye. Maaring isulat ito upang hindi malimutan.)
2.Paglalapat
Panuto: Makinig nang mabuti sa kuwento at isalaysay muli sa harap ng klase.

Pumunta sa palengke si Aling Lina. Binilinan niya si Carla na


alagaan nang mabuti ang kanyang bunsong kapatid. “Huwag mong
hayaang lumabas ng bahay ang iyong kapatid. Dito lang kayo maglaro sa
loob ng bahay. Nang nakaalis na si Aling Lina ay nanood ng TV si Carla,
nalibang siya sa panonood at di namalayan na lumabas ang kanyang
kapatid. Tumakbo si beybi nang matulin palibot sa bakuran nang biglang
umiyak dahil nadapa ito. Nadatnan ni Aling Lina na umiiyak at may sugat sa
tuhod ang bunsong anak. Napagalitan si Carla.

IV.Pagtataya:
Panuto: Makinig nang mabuti at pagkatapos isalaysay muli ang kuwento gamit ang mga
pangungusap..

Isang pampasaherong eroplano ang bumagsak sa bundok Sumagayo sa Claveria,


Misamis Oriental, Cebu Pacific Air Flight Nuber 387 noong ika-2 ng Pebrero, 1998.
Ang naturang eroplano ay nagmula sa Maynila patungong Cagayan de Oro ang may
lulang 104 pasahero, kasama na ang limang crew nito nang bumagsak ito sa nasabing
bundok. Ang bundok ay may taas na 7, 375 talampakan. Maraming volunteer at rescue ang
umakyat sa bundok upang hanapin ang bumagsak na eroplano.
Samantalang matiyagang naghihintay sa ibaba ng bundok ang mga kaanak ng mga
pasaherong lulan ng eroplano. Hinihinalang wala ni isa mang nakaligtas sa trahedya
A.M.
D. P.

V.Takdang Aralin:
Mag-isip ng isang kuwento at ikuwento ito sa klase.

52
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
Ikalawang Markahan
Linggo: 5
Araw: 3
I. Layunin:
Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t-ibang sitwasyon.(F6oL-IIabcde-4)
A. Sanggunian: Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino 4. Pp. 156-157
B. Kagamitan: Larawan ni Lapu-lapu, plaskard, tsart
C. Balyu: Pagmamahal sa Bayan
II. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pamukaw- Sigla: Awit – Tono “ Magtanim ay di Biro”
Ako ay may kakilala
Isang taong hinahangaan
Ang pangalan niya ay Pakman
Bantug sa sanlibutan
Matikas siya at matapang
Sa Boxing di mapantayan
Dangal siya ng Pilipinas
Manny Pacquiao ang pangalan.

2. Balik-Aral:
Ano ang pang-uri?
Magbigay ng halimbawa ng pangn-uri.
3. Pagganyak:
Sino-sino an gating mga bayani?
Ano- ano ang ginawa nila para sa bayan?
4. Pag-alis ng Sagabal:
Piliin ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A sa kahulugan sa hanay B.

A B
1. Kalayaan a. karapatan ng sinuman na
2. Karangalan mabuhay at gumawa ng
3. Pagtanggol naaayon sa kangyang niloloob.
4. paninindigan b. Mataas na pagkilala
c. Katatagan ng loob at may
pananlita
d. Panbabantay sa anumang
pananakit

5 . Pangganyak na Tanong:
Sino ang kauna-unahang Pilipino na nagtanggol sa ating kalayaan laban sa
ating mga
kastila?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipabasa ang talata

Isa sa dapat nating ipagmalaki bilang mga Pilipino ay si Lapu-lapu. Siya


ang kauna-unahang Pilipino na magtanggol ng ating kalayaan laban sa mga kastila.
Siya ay matapang, matalino, masipag, mapagmahal at may paninindigan. Kaya
nga’t ipinangalan sa kanya ang isang bayan sa Cebu, kung saan dati siyang pinuno.

2. Pagtatalakay

53
Sino ang kauna-unahang Pilipino na magtanggol ng ating kalayaan laban
sa mga kastila?
Ano ang ginawa ni Lapu-lapu?
Bakit ipinangalan sa kanya ang isang bayan sa Cebu?
Paano ipinakita ni Lapu-lapu ang pagmamahal sa bayan?
Ano-ano ang mga pang-uri o salitang naglalarawan sa talata?
Ilarawan si lapu-lapu gamit ang mga salitang ito.

3. Pangkatang Gawain:
Pangkat I at II
Panuto : Gamitin ang sumusunod na pang-uri sa paglalarawan sa iba’t-ibang
sitwasyon.
.

Masigasig matapat matulungin maalalahanin masipag

Pangkat III at IV
Panuto : Basahin at bilugan ang mga pang-uring ginamit sa paglalarawan.

Isa sa mga taong may pinakamalaking hangarin na malutas ang problema


Sa droga ay ang pangulo ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Siya ang
pinakamatapang na tao na kilala ko. Hindi siya natatakot at may paninindigan. Siya
ay matalino, matulungin at mapagmahal. Ang mga Pilipino ay dapat na magdasal sa
ating panginoon na gabayan niya at bigyan ng kalakasan ang ating pangulo upang
masugpo anng lahat ng krimen sa ating bansa.

C. Pangwakas na Gawain :
1. Paglalahat :
Paano nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan paglalarawan ng iba’t-ibang
sitwasyon?
2. Paglalapat:
Gamitin ang sumusunod na pang-uri sa paglalarawan ng paglalarawan ng iba’t-ibang
sitwasyon.

Mapagmahal masayahin maawain matapang


III. Pagbibigay – Halaga:
Panuto : Gamitin ang mga pang-uri sa paglalarawan ng iba’t-ibang sitwasyon.

malinis maaliwalas masikip kaakunti marami

ML
ID

IV. Takdang Aralin :


Mag-isip ng iba pang pang-uri at ilarawan ang inyong pamayanan.

54
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
Ikalawang Markahan
Linggo : 5
Araw: 4
I. Layunin:
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng
sitwasyong pinaggamitan ng salita.(F6V-IIeh-1.8)

II. Paksang Aralin


A. Paksa : Pagbibigay ng Kahulugan ng Salitang Pamilyar at Di Kilalang Salita sa
Pamamagitan ng Sitwasyong Pinaggamitan ng salita.
B. Sanggunian: Grade VI Filipino Learning and Teaching Resources (F6V-IIeh-1.8),Hiyas Sa
Pagbasa 6 ph. 151-155, Diwang Makabansa IV Wika ph. 2-6
C. Kagamitan: aklat, aktibiti kard, liham, plaskard, tsart
D. Pagpapahalaga : Pangangalaga sa Kalikasan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw -Sigla
Awit na natutunan
2. Balik-Aral
Magbigay ng mga salitang hiram
3. Pangganyak
- Alam mo ba kung paano manalangin ng taos sa puso?
- Ano-ano ang inyong hinihiling at pinagsasalamat?
4. Pag-alis ng Sagabal
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
A. ampunan -
B. marahan -
C. munti -
D. milagro -

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Basahin ang kuwento.

Halaga ng Panalangin
Tahimik na nakahiga na sa mesang pang-operasyon si Yeye, anim na taong
gulang na nakatira sa bahay-ampunan. Maselan ang gagawing operasyon sapagkat
aalisin ang isa niyang bato. Nang dumating si Dr. Nilo Tan ay marahang bumulong it
okay Yeye.
“Patutulugin ka namin, Yeye.”
Nagulat silang lahat nang biglang lumundag si Yeyue sa kanyang higaan at
marahang nagsabi, “Kung ako po ay patutulugin ninyo ay magdarasal poi muna ako.
Ito ay ginagawa ko sa gabi-gabi bago matulog at pag ako ay magigising sa madaling –
araw.” Lumuhod si Yeye at mataimtim na nagdasal.
Tuwing dadalaw si Dr. Tan ay nakangiti ang munti niyang pasyente.
“Malapit nap o akong gumaling. Lagi po akong nagdarasal. Sabi po ni Sister
Analiza ay wala raw pong imposiblem sa dasal.” Itinuturing ni Dr. Tan na isang
milagro ang pagkakagaling ni Yeye. Pagkaraan ng kalahating buwan ay sinundo siya
ni Sister Analiza.
Nang ihatid sa may pintuan ng ospital si Yeye ni Dr. Tan ay masayang nagwika
ito ng ganito, “Ang Teddy Bear na ito ay aginaldo ko sa iyo. Alam mo, 20 taon na
akopng hindi nagsisimba at hindi nagdarasal mula nang mamatay ang kaisa-isang
anak naming si Effer. Kasinggulang mo siya. Dahil sa iyo nagbalik muli ang aking
pagtitiwala sa Diyos.”
Pagkasabi nito ay niyakap nang mahigpit ni Dr. Tan si Yeye, ang kanyang
munting anghel.

55
2. Pagtatalakay
1. Tungkol saan ang kuwento?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Bakit maselan ang gagawing operasyon kay Yeye.
4. Ano ang masasabi mo tungkol kay Yeye?
5. Ayon sa kuwentong nabasa natin anong salitang pamilyar ang kahulugan ng
maselan na operasyon?
A. Delikado B. kailangan C. milagro
6. Alin ang mga salitang di-pamilyar?

3. Pangkatang Gawain
Pangkat I

Basahin ang talata.Isulat ang mga salitang pamilyar at di kilalang salita at ibigay
ang kahulugan nito..
Ang usok ng sigarilyo ay nagdudulot ng karamdaman sa kapwa naniningarilyo at
sa nakalalanghap lamang ng usok nito. Bakit kaya hindi lamang ang naninigarilyo ang
naaapektuhan ng usok ng sigarilyo?

Pangkat II
Panuto: Ayon sa binasang kuwento itala ang mga pamilyar na mga salita at di
kilalang salita at ibigay ang kahulugan nito..

Pamilyar Di- Kilala


1. 1.
2. 2.
3. 3.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
- Paano mabigyan kahulugan ang salitang pamilyar at di-pamilyar?
(sa pamamagitan ng sitwasyong pinaggamitan ng salita)
1. Paglalapat
Panuto: Basahin ang ulat na ito
Isang mag-aaral sa Baitang V ng Mababang Paaralan ng San Simon ang
naparangalan sa isang munting palatuntunan noong ika-12 ng Hunyo dahil sa ginawa
niyang kabayanihan. Siya ay si Gomer Roxas. Naglalakad siya sa kalye sa bayan ng
San Simon, alas 7:00 ng umaga, ika- ng Hunyo, nang Makita nito si Rico Carlos, 6 na
taong gulang patawid sa kalsada ng mahagip ng isang mabilis na dyip. Dahil sa
mabilis at maagap na pagsasaklolo ni Gomer ay nailigtas ang bata sa tiyak na
disgrasya.

Mga Tanong:
1. Sino ang naparangalan sa isang palatuntunan ng Mababang Paaralan ng San
Simon?
2. Ano ang kanyang ginawa at siya’y naparangalan?
3. Nakaranas na ba kayo ng ganitong mga pangyayari?
4. Ano-ano ang inyong mga ginawa?
5. Ano-ano ang mga pamilyar at di kilalang mga salita ang nabasa sa kuwento?
IV. Pagbibigay Halaga
Panuto: Ibigay ang titik ng kahulugan ng salitang pamilyar at di kilalang salitang may
salungguhit.
1. Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga tao sa plasa.
A.magkarinigan at magkaunawaan B.magkamay at magsayaw
C.makapagsalita at makabati
2. Nagpapagaraan sa ganda at kulay ang mga arko at banderitas sa kalye.
A.Nagpaparaan B.Nagpapagalingan C.Nagpaparayaan
3.Bumunghalit ng tawa si Neneng nang marinig ang masayang balita.

56
A.bumulong B.umusal C.humalakhak
4.Makukulay na banderitas ang nasa kalye kung araw ng pista.
A.bandila ng bansa B.ginupit-gupit na papel pangganyak C.mga parol
5.Tumilamsik ang dugo sa mata ni Longhino.
A.napahagis ng bahagya B.uumilanlang C. Nabuhos
A.M.
D.P.
V. Takdang Aralin:

Magsulat ng maikling talata tungkol sa inyong karanasan na hindi malilimutan.

57
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
Ikalawang Markahan
Linggo: 5
Araw : 5

I. Layunin
a.Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng pamatnubay na

tanong. (F6RC-IIe-5.2)

b.Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng iba sa pagbasa ng panitikan.

(F4-Aoaj-j-5)

II. Paksang Aralin


A. Paksa :Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari Kuwento sa Pamamagitan ng
Pamatnubay na tanong. (F6RC-IIe-5.2)
: Pagbabahagi ng Karanasan sa Pagbasa Upang Makahikayat ng Iba sa Pagbasa
ng Panitikan (F4-Aoaj-j-5)
B. Sanggunian
SIM- Self instructional Materials
SIM-Self instructional Materials
Filipino Curriculum Guide
C. Mga Kagamitan
SIM, Panulat , Kwaderno
D.Pagiging matapat
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Isulat sa isang malinis na papel ang iyong ginagawa bago pumasok sa paaralan, ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
1.
2.
3.
4.
5.

2. Balik-aral
Ano ang pang-abay?
3. Pagganyak
Basahin ang tula

SAMPAGUITA

Bulaklak na kay puti

Talulot na mumunti

Kaysarap amuyin

Kaysarap haplusin

Di kayang pantayan

Taglay na kagandahan

Sagutan ang mga tanong sa kuwarderno

1. Anong kulay ang sampaguita?


2. Anong uri ng mga talulot mayroon ito?

58
3. Paano mo malalanghap ang taglay nitong katangian?
4. Bakit di ito kayang mapantayan?
5. Ano-anong mga kulisap ang dumadapo sa mga bulaklak?

4. Pag-alis ng Sagabal
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
1. masusukat -
2. Paghihip -
3. matatangay -
4. mungkahi -
5. malaglag -

5. Pangganyak na Tanong
Paano nagtutulungan ang tipaklong at paru-paro?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ilahad ang kwento sa mag-aaral. Ipabasa ang kwentong “Ang Tipaklong at Paru-paro”
Ang Tipaklong at ang Paruparo
Ang katapatan ng isang kaibigan ay masusukat sa panahon ng pangangailangan.
Kaylakas ng ulan! Kaylakas din ng hangin! May bagyo nang umagang iyon.Nagsasayawan ang mga puno
maging ang mga halaman at bulaklak. “Ginaw na ginaw na ako,” ang sabi ni Tipaklong kay Paruparo.
“Nakalabas pa kasi ako sa aking pinagtataguang kahoy”. “Tiyak na giginawin ka rin kahit nakatago ka na
sa kahoy. Wala namang tumatakip sa katawan mo, a. Bakit sisisihin mo ang paglabas mo sa iyong
pinagtataguan?” ang tanong ng kanyang kaibigang Paruparo. “Hindi nga ako mababasa kung ako ay
nakakubli,” ang malumanay na sagot ni Tipaklong. “Hindi mo naman makikita ang ganda ng paligid kung
hindi ka lumabas sa pinagtaguan mo. Ang lamig ng hangin ay hindi mo madarama. Hindi mo maaamoy
ang halimuyak ng mga nababasang bulaklak. Ang dulas ng mga dahon at halaman ay hindi mo
mahahawakan,” ang sagot ni Paruparo. “Oo nga, ano?” ang sagot ni Tipaklong na may pagsang-ayon.
“Higit kang mapalad kaysa sa akin kaibigang Tipaklong,” ang sabi ni Paruparo. “Bakit mo naman nasabi
iyan?” ang tanong ni Tipaklong. “Ang katawan mo ay mahaba.Matibay pa.Bakit giniginaw ka
pa?Samantalang ako, ang nipis-nipis ng aking katawan. Kapag nagpatuloy ang paghihip ng malakas na
hangin at pagbagsak ng malalaking tipak ng ulan, ang pakpak ko ay matatangay,” ang sabi ni Paruparo.
“Makukulay ang mga pakpak mo ngunit may kanipisan. Hindi ba’t takot ang ulan sa nakasisilaw mong
kulay? Huwag kang mag-alala. Ang mga pakpak mo ay hindi liliparin ng hangin,” ang sabi ni Tipaklong.
“Saka, e ano kung liparin ang mga pakpak mo? Ang mahalaga’y buhay ka.” “Kung wala na akong ganda,
aanhin ko pa ang buhay? Paano na ako makalalapit kay Bulaklak kung wala na akong mga pakpak?” ang
malungkot na tanong ni Paruparo. “Kung sabagay, tama ang sinasabi mo, kaibigang Paruparo. Ako man
ay natatakot na kapag hindi tumigil ang bagyo, dahil sa sobrang ginaw mababali ang aking mga paa na
kahit anong pagpigil ay ayaw huminto sa panginginig,” ang sabi ni Tipaklong. “Upang makaiwas tayo sa
bagyong ito, ano kaya ang mabuti nating gawin para maligtas ang ating buhay?” ang tanong ni Paruparo.
“Alam ko na, may paraan akong naisip”, ang sabi ni Tipaklong. “Paano?” ang tanong ni Paruparo.“Sa
ilalim ka ng mga bulaklak magtago,” ang mungkahi ni Tipaklong. “At ikaw naman, paano ka?” ang
tanong niParuparo. “Habang nakakapit ako at nagtatago sa sanga ng puno ay babantayan ko ang

59
bulaklak na pagtataguan mo para hindi malaglag,” ang sagot ni Tipaklong. At sabay na kumapit sa
bulaklak ang magkaibigang si Paruparo at si Tipaklong.

2. Pagtatalakay

Talakayin ang mga naganap sa kwento sa pamamagitan ng mga sumusunod na katanungan:

1. Kailan mo masasabing may bagyong darating?


2. Ano ang maaaring nangyari kung nagkubli na lamang si Tipaklong?
3. Kung makapal ang katawan ng paruparo, ano kaya ang maaaring mangyari?
4. Bakit nakatulong sa paruparo ang makulay nitong pakpak?
5. Ano ang sinabi ni Tipaklong upang lumakas ang loob ni Paruparo?
6. Ano ang ikinatatakot ng dalawa kaugnay ng sama ng panahon?
7. Patunayang pinahahalagahan ni Paruparo ang ganda ng kalikasan.
8. Paano pinatunayan ng magkaibigan ang pagmamahal nila sa isa’t isa?

C. Pangkatang Gawain
Pangkat I
Hatiin sa apat ang klase. Bigyan ng manila paper na nakasulat ang mga sumusunod:

Balikan mo ang mga pangyayari sa kuwento. Subukin mong pagsunudsunurin ang mga ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-6 sa patlang. Sipiin at sagutin ito sa iyong sagutang papel.

______ Patuloy na pag-ihip ng malakas na hangin.


______ Sabay na lumapit sa bulaklak ang magkaibigang paruparo at tipaklong.
______ May bagyo nang umagang iyon.Malakas ang ulan at hangin. Ang mga puno, maging
ang mga halaman at bulaklak ay nagsasayawan.
______ Nagtago sa ilalim bulaklak ang paruparo at binantayan siya ni Tipaklong.
______ Lumabas si Tipaklong sa pinagtataguang kahoy.
______ Nadarama ang lamig ng hangin, naaamoy ang halimuyak ng mga nababasang
bulaklak. Nahawakan ang dulas ng mga dahon at halaman.

Pangkat II
Panuto: Makinig sa kuwento.

Pistang Bayan

Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na nagugustuhan ng mga Pilipino. Bago pa dumating
ang kapistahan ay abala na ang mga tao sa paglilinis ng kani-kanilang mga tahanan, naglalagay
ng dekorasyon sa mga lansangan at naghahanda ng mga pagkain.

60
Sa madaling-araw naririnig ang ingay ng baboy, kambing, itik, manok, bibe, baka at iba pang
hayop na pinapatay.
Sa araw ng kapistahan, makikita ang mga matatanda at bata na masayang nagsisimba,
nanonood ng parada at sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyang umiikot. Masaya rin silang
lumilibot sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan upang pagsaluhan ang inihandang pagkain.
Sa gabi, sumasama sila sa prusisyon at nanonood ng mga palabas.
Pagkatapos ng pista, masaya silang naglilinis ng tahanan, nagliligpit ng pinagkainan at
nagkukuwenta ng pinagkagastusan subali’t makikita mo sa kanilang mga mukha ang labis na
kaligayahan.
Panuto: Ayon sa isinasaad ng mga pangyayari sa kuwentong binasa, ayusin ang mga ito ayon sa
wastong pagkakasunud-sunod. Isulat ang bilang sa bawat patlang.

______ sumasama sa prusisyon


______ naglilinis ng tahanan
______ masayang nagsisimba
______ naglalagay ng dekorasyon
______ nagkukuwenta ng pinagkagastusan
______ nagpapatay ng hayop
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano napagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa kuwento?

Napagsusunud-sunod ang mga pangyaayri sa kuwento sa pamamagitan ng mga pamatnubay na


tanong.
Ano ang kahalagahan ng pagbahagi ng karanasan sa pagbasa?

Ang kahalagahan ng pagbahagi ng karanasan sa pagbasa ay upang makahikayat ng iba sa pagbasa


ng panitikan.
2.Paglalapat
Ibahagi ang sariling karanasan sa pagbasa ng kuwento.

IV. Pagtataya
Panuto: Makinig sa kuwento. Sagutin ang kasunod na mga tanong.

‘Bordi’ Geocadin
Kidney, Bago na

Tagumpay ang isinasagawang operasyon ng mga dalubhasang


doktor sa National Kidney Institute kay Bryan “Bordi” Geocadin, ang 12-
anyos na batang nagkaroon ng di-pangkaraniwang sakit sa bato.
Ayon kay NKI Executive Director Filoteo Alano, ang
matagumpay na operasyon kay Bordi ay bunga na rin ng ipinamalas na
determinasyon ng bata na malagpasan ang kanyang karamdaman.
“Humanga kami sa kanyang ipinakitang lakas ng loob sa halos
limang oras na operasyon upang palitan ang kanyang bato na may
misteryosong depekto ,” sabi pa ni Alano.
Sinabi naman ni Dr. Enrique Una, kabilang sa walo kataong
dalubhasang doktor na umopera kay Bordi, bagaman hindi
magkatugma ang ipinalit na bato sa katawan ng bata, tiniyak nila na
ang batong nanggaling sa ama nitong si Brydon ay “aayon” sa sistema

61
ng katawan ni Bordi.
“Malaki ang aming paniniwala na pagkatapos ng dalawang
linggong obserbasyon, ang bagong bato sa katawan ni Bordi ay
sasang-ayon sa kanyang katawan,” wika ni Dr. Una.
Sa ngayon, ang bata ay nasa recovery room na ng ospital at
umaasa sa kanyang tuluyang paggaling.
Umaasa rin si Bordi na paggaling niya ay makalaro ang kanyang
paboritong child actor na si Vandolph, ang anak ng pamosong
komedyanteng si Dolphy at aktres na si Alma Moreno.
“Sana, dumalaw rito si Vandolph para kami ay makapaglaro at
makapagkuwentuhan at pagkatapos ay magkasalo kaming kakain ng
alimango, sugpo at bagoong,” pabulong na hiling ni Bordi sa kanyang
tiyahing si Honey Geocadin Vidal.
Samantala, taos-pusong pinasalamatan ni Bordi at ng buong
pamilya Geocadin ang mga taong nagmamalasakit sa bata para
malagpasan nito ang krisis na naganap sa kanyang buhay.

1.Ano ang unang pangyayari?


2.Ano ang pangalawang pangyayari ng kuwento?
3.Ano ang wakas ng kuwento ?

A.M.
D.P.

V. Takdang Aralin
Panuto: Isulat nang wastong pagkakasunod-sunod ang mga ginawa bago pumasok sa
paaraalan.

62
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANG MARKAHAN
LINGGO : 5
ARAW: 6

I . Layunin:
Natutukoy ang tema/layunin ng napanood na pelikula. F6VC-IIe-13
II. Paksa:
A.Reporter’s Notebook-“Byahe De Peligro”
Pagtukoy ng tema/ layuning ng Napanood na Pelikula. F6VC-IIe-13
B. Sanggunian: F6VC-IIe-13 Panonood
C. Mga Kagamitan:Tebisyon, VCD,USB o CD (maaari ring gamitinang projector and
laptop), larawan ng magsasaka, Tsart, plaskard at aktibiti kard.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:

1. Pagsasanay:
Pagtapat-tapatin:
A B
1. Reporter’s Notebook a. Kara David
2. I-Witness b. Korina Sanchez
3. Rated K c. Jay Taruc
4. Wish Ko Lang d. Mike Enriquez
5. Imbestigador e. Vicky Moran

2.Pagganyak:
Sa ginawa ninyong pagsasanay, alin ang paborito mong panoorin?
Bakit mo ito naging paborito?
May natututunan ka ba sa mga pinapanood mo?
Isulat ang sagot sa graphic organizer.

B. Panlinang na Gawain:
1.Paglalahad:
Ipaskil sa pisara ang pamagat ng panonoorin.
Bago simulan ang panonood ay alalahanin ang mga pamantayan
bago, habang at pagkatapos manood.(Tumawag ng mga (3)
tatlong mag-aaral).Pangkatin ang mga mag-aaral sa (4) apat.
Bigyan ng Manila paper ang bawat grupo para isulat ang mga
mahahalagang impormasyon na kanilang mapupulot sa
panonoorin.(Siguraduhin na ang lahat ng mag-aaral ay may
hawak na kwaderno para sa madaliang pagsasagot).
Simulan na ang panonood.
Matapos manood, bigyan ng (10) minuto ang mga mag-aaral
upang tapusin ang gawain.

2.Pagtatalakay:

Talakayin o iulat ng lider ng bawat grupo ang kanilang output sa


nais nilang pamamaraan.

C. Pagpapayamang Gawain:
A. Re-enactment
I-akto ng bawat grupo ang ilang linya o parte ng napanood
nanatandaan nila.

D. Paglalahat:
Bakit mahalagang malaman ang tema/layunin ng napanood na
pelikula?

63
E. Paglalapat:
Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na makapanood ng maikling pelikula.
Ipatukoy ang tema o layunin ng napanood na pelikula.

IV. Pagtataya:
Ang pag-uulat at partisipasyon ng bawat miyembro ang siyang bibigyan ng
karampatang puntos. Mula sa napanood na pelikula. (Gamitan ng Rubrics)

V. Takdang-aralin:
Ugaliing manood ng pelikula/dokumentaryong palabas sa telebisyon at isulat ang
tema/layunin ng napanood.

64
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANG MARKAHAN
LINGGO : 6
ARAW: 1
I. Layunin: Nabibigyang kahulugan ang sawikaing mapakinggan. (F6PN-IIa-g-3.1)
II. Paksa:
A.Pagbibigay-kahulugan ng Sawikaing napakinggan.
B.Sanggunian: Ugnayan 5 p. 40, Alab Filipino Batayang Aklat p. 22-24 & p. 84-85
C. Kagamitan: tsart, plaskard, Act. Cards
D.Pagmamahal sa Bayan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Basahin ang sumusunod na salita
sawikain taglay kahulugan
pinagsama salita
2. Balik-aral
Ano ang ibig sabihin ng salitang magkasingkahulugan? Magbigay ng halimbawa.
3. Pagganyak
May alam ka bang sawikain? Ano ito?
4. Pag-alis ng sagabal

Bukas-loob salinlahi Anong salita ang maiuugnay natin sa


5. Pagganyak na tanong: Bakit hindi napansin ng mga Espanyol angmga salitang nasa
pang-eespiya, bilog? sa mga
panggamot
rebolusyunaryo at pglikom ng pundo ni Tia Patron.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Ipakita ang larawan babaing nakasakay sa kalesa. Ilarawan ito.
2. Pagtatalakay:
a. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
b. Sino si Tia Patron?
c. Ano ang naging impluwensiya ni Tia Patron sa pagsali sa rebolusyon?
d. Bakit hindi napansin ng mga Espanyol ang pag-eespiya, panggamot sa mga
rebolusyonaryo at paglikom ni Tia Patron?
e. Anu-ano ang mga sawikaing nabanggit sa kwento?
3. Pangkatang Gawain
Pangkat I
Ibigay ang kahulugan ng sawikaing napakinggan. Itambal ang kahulugan ng salita sa Hanay A sa Hanay B:
A B
1. kapitbisig A. kasalan
2. hampaslupa B. nagtulungan
3. taingang-kawali C. maramdamin
4. balat-sibuyas D. mayaman
5. mahabang-dulang E. mahirap
F. nagbingi-bingihan
Pangkat II
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sawikain.
1. Maraming makakating-dila ang namimintas nang walang basehan.
2. Isang kahig, isang tuka ang karamihang pamilya ngayon.
3. Mahirap ang buhay ngayon. Kailangang mahigpit ng sinturon.
4. Di-maliparang uwak ang lupain ni Don Claudio.
5. Lakad-pagong kung lumakad si lolo.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat.
Ano ang sawikain?
Paano mo nabibigyang kahulugan ito?
2. Paglalapat
Ipasa ang kahon na may istrip. Paghinto ng awit, kukuha ang bata ng isang istrip. Basahin
niya at bigyang kahulugan.

65
anak –dalita di-mahulugang karayom
maamong tupa matalim ang dila
` makati ang kamay

IV. Pagtataya:
Panuto: Pakinggang mabuti ang mga pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng sawikain.
1. Mahusay maglubid ng buhangin ang binatang iyan. Baka maniwala ka sa mga kwento niya. A.
matapat C. Masaya C. sinungaling
2. Masakit sa bulsa ang mga bilihin kasabay sa pagtaas ng presyo ng langis.
A. mataas ang presyo B. mababa ang presyo C. maganda ang presyo
3. Butas ang bulsa ng pamilyang Cruz dahil sa isang dosenang anak.
A. may pera B. mayaman C. walang pera
4. Alagad ng sining si Antonio Luna.
A. pintor B. karpintero C. barber
5. Pantay na ang paa ng kanyang lola nang dumating sa ospital.
A. tuwid ang paa B. pantay na C. buhya na buhay
V. Takdang-Aralin:
Sumulat ng 5 sawikain at bigyang kahulugan.

66
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANG MARKAHAN
LINGGO : 6
ARAW: 2
I. Layunin: Naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu o
Usapan (F6PS-IIfi-1)
II. Paksa:
A. Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa Isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan.
B. Sanggunian: Hiyas sa Wika VI p. 206-211
C. Kagamitan: tsart, plaskard, Act. Cards
D.Tamang pagpahayag ng reaksyon
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasanay:
Basahin ang sumusunod na salita
Reaksyon impormasyon balita
Dinala pagsunod patakaran
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga hakbang na dapat sundin sa pagsasagawa ng tamang paraan ng pakikinig?
3. Pagganyak:
Tahimik at maunlad ba ang inyung lugar?
Ano ang ginagawa ng mga namumuno sa inyong lugar upang makamit ito?
Ano ang maitutulong ninyo bilang mabuting mamamayan?
B.Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Mabuti ba ang makinig sa balita? Bakit? Ano ang ginagawa ninyo kapag nakaririnig kayo
ng mga impormasyon nab ago at naiiba? May mga reaksyon ba kayo sa naririnig?
Iparining ang balita.
Balita
Sa Bayang ng Ilog hedkwarter dinala ng mga tanod ng 10 ng gabi ang tatlong kabataang
nahuling lasing dahil sa bawal na inumin sa plasa ng nasabing bayan. Ang kabataang ikinulong na
sina Ramon Lopez, 15; Lito Reyes, 16; at Nestor Robles, 16 ay napag-alamang madalas na
gumagawa ng gulo na ito’y ikinatatakot ng mga nakatira malapit sa plasa.
Ayon sa pinuno ng mga pulis na si Antonio Cruz, makatutulong sa mga kabataang ito ang
isang araw na pagkakakulong upang maunawaan ang masamang gawain na hindi dapat sa
kanilang edad at mabigyan din halaga sa pagsunod sa mga batas at patakaran upang maging
maayos, maunlad at mapayapa ang ating pamayanan.
2. Pagtatalakay
Saan naganap ang pangyayari? Sinu-sino ang mga batang tinutukoy?
Bakit sila nakulong? Ano ang reaksyon ninyo tunkol ditto?
Ano ang mga pamantayan sa pagbibigay ng tamang reaksyon?
3. Pangkatang Gawain:
Panuto: Pakinggang Mabuti ang balita at ipahayag ang sariling reaksyon.
Balita
Pinili ng matangdang babae ang halagang P40,000.00 sa “Pera o Bayong”. Ipinagpalit sa
bayong na may TV set at kagamitan sa kusina.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano ka makapahayag ng sariling reaskyon sa mga balita o impormasyong
napakinggan?
2. Paglalapat:
Pakinggang mabuti ang balita at ipahayag ang sariling reaksyon sa narinig.
Isang super Bagyo ang malapit na sa Pilipinas. Tumatakbo ito sa bilis na 200 km. papuntang
Mindanao.
Pinag-iingat ang lahat. Maghanda ng mga kailanganin para sa darating na bagyo. Malakas ang
alon para sa manlalakbay.
Maghanda ng mga kandila o ilawan.
IV. Pagbibigay-Halaga:
Panuto: Pakinggan ang balita at magpahayag ng reaksyon tungkol dito.

67
Ang lahat ng mamamayan ng barangay San Jose ay inaanyayahan ng isang pagpapalabas
ng sine sa plasa ng nasabing lugar sa Sabado, 9:00 ng umaga. Ang sine ay tungkol sa wastong
pangangalaga ng ating likas na yaman.
V.Takdang-Aralin:
Makinig o manood ng balita mula sa radio o telebisyon. Itala ito sa inyong kwaderno at
magbigay nga inyong reaksyon mula sa naisulat na balita.
A.M.
D.P.

68
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANGMARKAHAN
LINGGO : 6
ARAW: 3
I. Layunin: Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
(F6L-Iifg-j-5)
II. Paksa:
A.Paggamit nang wasto sa pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
B. Sanggunian: Ugnayan 5 p. 145-146, Sinag ng Lahi 5 p. 133-134
C. Kagamitan: tsart, plaskard, Act. Cards, istrips
D.Pagiging matulungin sa likas na yaman
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasanay:
Basahing mabuti ang sumusunod na salita
Mabubuhay nakatira umakyat
Kumakain nagsimba nanghihiram
2. Balik-aral:
Anuang pandiwa?
3. Pagganyak:
Sino sa inyo ang nakagawa ng kilos. Huhulaan ng isang bata ang kilos.
B. Panlinlang na Gawain:
1. Paglalahad:
Sino sa inyo ang maging si Bb. De Villa? Gng. De Leon?
Kalagayan: Isang umaga, napadaan si Bb. De Villa sa silid ni Gng. De Leon.
Bb. De Villa: “Naku, ang kintab-kintab ng sahig mo!”
“Baka ang silid mo ang manalo sa paligsahan.”
Gng.De Leon: “Kasi tinulungan ako ng mga eskwela ko sa paglilinis kahapon.” “Hanggang
ngayon, tinutulungan pa nila ako. Mahusay silang maglinis. Kung patuloy nila akong tutulungan,
tiyak na may laban kami sa paligsahan.”
Bb. De Villa: “Tinutulungan din ako ng mga eskwela ko sa araw-araw.” “Palibhasa’y maliliit,
kaya hindi sila kasinghusay ng mga eskwela mo kung maglinis.” “Ano ba ang ginagamit ninyong
pampakintab ng sahig?”
Gng. De Leon: “Mahal ang floor wax ngayon,” “Kaya tinunaw na kandila lang ang ginagamit
naming. Pero alaga naman sa kabubunot kaya ganyan kakintab.”
Bb. De Villa: “Ganon ba?” “Gagayahin na lang naming kayo para kami makatipid.”
2. Pagtatalakay:
a. Sinu-sino ang mga nag-uusap?
b. Ano ang pinag-uusapan nila?
c. Anong katangian ang ipinakita ng mag-aaral ni Gng. De Leon?
d. Anu-ano ang mga pandiwang nabanggit sa usapan?
3. Pangkatang Gawain:
Pangkat 1
Panuto: Gamitin ang sumusunod na pandiwa sa usapan.
a. nagpiknik
b. nagdala
c. tinanong
d. dadalhin
e. nagplano
Pangkat II
Panuto: Sumulat ng usapan na ginagamit ang pandiwa.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano mo ginamit ang pandiwa?
69
2. Paglalapat:
Magpaligsahan sa pagsulat ng usapan sa pinasa na ginagamit ang pandiwa.
IV. Pagtataya:
Panuto: Punan ng angkop na pandiwa ang patlang sa talataan. Gamitin ang salitang ugat
sa panaklong.
Bago pa man (dating) 1. ____________ ang mga Espanyol sa bansa, an gating mga
ninuno ay may sariling wikang (gamit) 2. __________ (sabi) 3. _____________ na ang tagalong
ang may pinakamayamang katangian sa pagkat nagtataglay ito ng mga katangian ng ibang wika
sa daigdig. Kabilang na ang Latin ng Kastila. (Lagay) 4. ______________ na ito ang dahilan kung
bakit (pili) 5. _____________ batayan ng Wikang Pambansang Tagalog.

V.Takdang-Aralin:
Sumulat ng usapan na ginagamit ang mga pandiwa.

70
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANG MARKAHAN
LINGGO : 6
ARAW: 4
I. Layunin: Nabibigyang kahulugan ang matalinghagang salita.(F6V-IIf-4.4)
II. Paksa:
A. Pagbibigya Kahulugan sa Matalinghagang Salita..
B.Sanggunian: Sining ng Lahi p. 79, Ugnayan 5 p. 188 & 278, Landas sa Pagbasa 6 p. 122-125
C. Kagamitan: tsart, plaskard, Act. Cards, istrips ng kartolina
D.Pagiging mapagpahalaga sa pamilya
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasanay:
Basahing mabuti ang sumusunod na mga salita.
Maitim na budhi butiking-loob
Madurog ang puso ginintuang puso
Walang utang na loob
2. Balik-aral:
Ano ang tambalang salita?
3. Pagganyak:
Ipakita ang larawan ng Ibong Adarna. Ilarawan ang ibong ito.
4. Pag-alis ng sagabal. Anong salitaang maiuugnay natin sa mga salita sa bilog?

Madurog Ginintuang- Maitim ang


ang puso puso budhi

5. Pagganyak na tanong:
Bakit naghinala ang hari na hindi tunay na ibong adarna ang iniuwi nina Don
Pedro at Don Diego?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
ang kuwentong pinamagatang “Ang Ibong Adarna”
2. Pagtatalakay:
a. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
b. Sino ang unang prinsipeng naghanap ng Ibong Adarna? Ikalawa? Ikatlo?
c. Ano ang nangyari sa 2 prinsipe?
d. Ano ang ginawa nina Don Pedro at Don Dieog kay Don Juan?
e. Bakit naghinala ang hari?
f. Dapat bang tularan si Don Juan?
g. Anu-ano ang mga matalinghagang salitang nabanggit sa kwento?
3. Pangkatang Gawain:
Ibigay ang kahulugan ng mga matalinghagang salita.
1. butihihng loob
2. madurog ang puso
3. maitim ang budhi
4. ginintuang puso
5. walag utang na loob
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ano ang matalinghagang salita?
Paano mo nabibigyang kahulugan ang matalinghagang salita?
2. Paglalapat:
Ipasa ang kahong may istrips habang umaawit. Paghinto ng awit, kukuha ng istrip ang
isang bata, basahin ang pangungusap at ibigasy ang kahulugan.

71
1.Malikot ang kamay ng batang iyan.
2. Matalim ang dila ng matandang babae.
3. Mainit ang ulo ng taong lasinggo.
4. Nagasgas ang bulsa ng Don.
5. Di maliparang uwak ang lupain ni Don Juan.
IV. Pagtataya:
Basahing mabuti ang mga pangungusap at ibigay ang kahulugan ng mga salitang matalinghaga.
1. Anak-pawis ang kanyang mga magulang.
2. Hulog ng langit ang pagdating ng tagapamahala ng paaralan.
3. Hindi pinalad si Rodel na mapabilang sa may kayang pamilya.
4. Nag-uumapaw ang ligaya sa puso niya.
5. Naumid ang dila nila sa narinig.
V.Takdang-Aralin:
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod:
1.ningas kugon
2.nagmumurang kamyas
3.nagtaingang kawali
4.nagbuhat ng sariling bangko
5.di-maliparang uwak

72
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANG MARKAHAN
LINGGO : 6
ARAW: 5
I. Layunin: Nasasagot ang mga tanong sa binasang anekdota.
II. Paksang –Aralin:
A. Paksa: Pagsagot sa Mga Tanong sa BInasang Anekdota CG, k-12
B. Sanggunian: LSP 6,Ph.167-173,225-228,Gintong Aklat sa Wika 6,Ph.219-222
C.Kagamitan:Aklat,tsart,act.cards,plaskard
D.Pagiging Matulungin
III.Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain:
1.Pamukaw-sigla: (Awit )
“Kay Liit ng Mundo “
2.Balik-aral:
Sino sa inyo ang nakakilala kay Tambelina?Saan kaya galling si
Tambelina?
3.Pag-alis ng sagabal:
a.Malambot at mabango ang talulot ng bulaklak?
b.Ang ulam naming ay inihanda ni inay sa isang bandehado.
c.Pinutol ni Marco ang tangkay ng mga bulaklak.
4.Pangganyak na Tanong:
Paano namuhay si Tambelina sa kanyang mundo?
B.Panlinang na Gawain:
1.Paglalahad:
Pagbasa ng kuwento.”Si Tambelina”
2.Pagtatalakay:
a.Saan nanggaling si Tambelina?
b.Bakit Tambelina ang tawag sa pangunahing tauhan sa kuwento?
c.Paano naktulong kay Tambelina ang kanyang kabaitan?
d.Anong aral ang napupulot sa kuwento?
3.Pangkatang Gawain:
1-II
Panuto:Basahing mabuti ang anekdota at sagutin ang mga tanong.
ANG BATANG SI PULE
Mahirap ang mga magulang ni Apolinario Mabini,kaya’t hindi nila kayang papag-
aralin sa Maynila ang anak nila.Matalino pa naman si Pule ang palayaw nila kay
Apolinario Mabini.
Ngunit sadyang nais ni Pule na matuto.Pumasok siyang utusan sa isang mayaman
sa Maynila.Naglingkod din siya bilang isang klerk upang makapagpatuloy sa pag-aaral.
Dahil sa mga gawaing bahay malimit siyang mahuli sa klase.Maaga siyang gumigising
sapakat nagluluto pa siya ng almusal,naghahain at nagliligpit ng pinagkainan ng kanyang
pinaglilingkuran.
Walang pambili si Pule ng aklat kaya’t nakikibasa na lang siya.Kinokopya niya sa
aklat ang mahahalagang bagay na dapat pag-aralan ng masinsinan.
Gayon pa man,palaging mataas ang marka ni Pule.Kaya’t hinahangaan siya ng mga guro
at kaklase.
Mga Tanong:
a.Anong uri ng pamumuhay meron si Apolinario Mabini?
b.Ano ang naging palayaw ni Apolinario Mabini?
c.Paano nalampasan ni Pule ang kahirapan sa buhay?
d.Ano ang naging bunga ng kanyang pagpupursige?
C.Pangwakas na Gawain:
1.Paglalahat:

73
Ano ang anekdota?(Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tinatalakay
sa kakaiba o kakatuwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kakilala,sikat o tanyag
na tao.Ito ay may dalawang uri kataka-taka at hango sa totoong buhay.)
2.Paglalapat:
Panuto:Basahing mabuti ang buhay ng unang Pilipino at sagutin ang mga tanong.

“ANG UNANG PILIPINO”


kauna-unahang dumating sa ating bansa ay ang mga Ita o Negrito.Noong unang
panahon ang Pilipinas ay bahagi ng Asya.Ang mga Ita ay tumatawid sa tulay na lupa at
ditto sila naninirahan sa atin.Sila ay maitim,pandak pango at mababa ang ilong.Makapal
ang labi at kulot ang buhok.Sila ay nakatira sa kuweba.Gumagamit sila ng pana sa
panghuhuli ng mga hayop na pagkain.
Ang mga taga-Indonesia naman ay sumunod na dumating sa ating
bansa,sumakay sila sa Bangka.Matatangos ang kanilang ilong,malalapad ang
noo,manipis ang labi at malalalim ang mata.Matataas sila kaysa mga Ita.
Ang mga Malay ay nakarating sa bansa na nakasakay sa bangca na kung tawagin
ay Balangay.Nagtatag sila ng pamayanan na tinawag nilang Barangay.Marunong silang
magbasa at sumulat.Pango ang kanilang ilong,maitim at tuwid ang buhok,maitim ang
mata at kayumanggi ang balat.
Mga Tanong:
a.Anong uri ng tao ang unang dumating sa ating bansa?
b.Ilarawan ang mga taga-Indonesia.
c.Anong uri ng tao ang ikatlong dumating sa ating bansa?

d.Ano ang tawag sa pamayanan na itinatag ng mga Malay?


IV.Pagtataya:
Panuto:Basahing mabuti ang anekdota at sagutin ang mga tanong:
ANEKDOTA SA BUHAY NI RIZAL
Isang umaga ,kaming mag-anak ay nag-aagahan.Si Pepe noon ay may gulang na
dalawang taon pa lamang.Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng
ABAKADA.
Datapuwa’t ang tugon ni inay hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang
matupad ang gayong hangarin.Si Pepe’y nagpumilit kaya’t sandal munang ipinakilala sa
kanya ang bawat titik at manaka-naka’y nangangailan siyang magtanong.Pagkatapos ng
dalawang oras,ang lahat ng titk ng abakada ay natutuhan niyang basahin.Kaming
magkakapatid pati an gaming mga magulang ay labis na namangha sa gayong
katalinuhan ni Pepe.
Mga TAnong:
1. ilang taon si Pep eng gusto niyang matutong bumasa?
2. tungkol sa ano ang anekdota ni Jose Rizal?
3. anong babasahin ang itinuro sa kanya ng kanyang ina?
4. Ilang oras niyang natutuhan ang pagbasa ng abakada?
5. anong ugali mayroon si Pepe?

V.Takdang-Aralin:
Maghanap ng tatlong kawili-wiling anekdota at isulat kung ano ang inyong sanggunian.

74
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANG MARKAHAN
LINGGO : 6
ARAW: 6
I.Layunin: Nagagamit ang iba’t ibang bahai ng pahayagan sa pagkuha ng kailangang
impormasyon
II. Paksa:
A.Paggamit ng iba’t ibang bahagi ng pahayagan sa pagkuha ng impormasyon
B.Sanggunian:Ugnayan 5 p. 72
C.Tsart, plaskard at aktibiti kard
D.Pagiging maingat sa pagbabalita
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasanay:
Basahin ang sumusunod na salita
Editoryal headline pamapamayanan
Panlipunan panlibangan patalastas
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga bahagi ng pahayagan?
3. Pagganyak:
Magpakita ng pahayagan. Ano ang gamit nito?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Basahin natin ang mga bahagi ng pahayagan.
a. headline o ulo ng balita – ito ay nasusulat sa malalaking titik upang
kunin ang atensyon ng mga mambabasa sa pinakamainit, pinakamalaking balita
o isyu sa araw o panahong iyon.
b. editorial o pangulong tudling – ito ang bahagi na maglalahad ng
opinion o pananaw ng editor tungkol sa kasalukuyang isyu sa bansa.
c. balitang pandaigdig / pambansa – naglalaman ang bahaging ito ng mga
balita mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
d. balitang pampamayanan – naglalaman ito ng mga balita tungkol sa
mga pangyayari o mga proyekto sa iab’t ibang dako ng bansa.
e. pitak pantahanan – nagtataglay ito ng mga resipe at iba pang mga
tulong sa pag-aayos ng tahanan o paglutas ng mga suliraning pantahanan.
f. balitang panlipunan – nababasa rito ang tungkol sa mahahalagang
salusalo na kinabibilangan ng tanyag na mga mamamayan lalo na iyong mga
nabibilang sa mataas na lipunan.
g. panlibangan – ditto nakikita ang talatakdaan ng mga palabas sa
telebisyon, sinehan, mga teatro, at pitak-artista.
h. patalastas sa pagkamatay o obitwaryo – nabasa rito ang anunsyo ng
pagkamatay ng isang tao na ibig ipagbigbigay-alam sa mga kamag-anak o mga
kaibigan.
i. anunsyo klasipikado o classified ads – ito ay isang anyo ng anunsyo.
j. palakasan – naglalaman ang bahaging ito ng mga balitang may
kinalaman sa larangan ng palakasan sa loob o labas ng bansa.
2. Pagtatalakay:
a. Ano ang mababasa sa Editoryal?
b. Sa Obitwaryo? Klasipikadong Anunsyo? Palakasan?
3. Pangkatang Gawain:
I – II
Panuto: Kumuha ng isang pahayagang Filipino. Itala ang pamagat ng balita sa
sumusunod na bahagi ng pahayagan.
1. Ulo ng Balita

75
2. Balitang Pandaigdig
3. Editoryal
4. Balitang Pang-Isports
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ano ang gamit ng iba’t ibang bahagi ng pahayagan?
2. Paglalapat:
L vs. B
Magpaligsahan sa paggamit ng iba’t ibang bahagi ng pahayagan.
IV. Pagbibigay-Halaga:
Panuto: Suriin ang balita saang bahagi ito ng pahayagan.
1. Anak ni Samboy Lim Naka-Gold sa Karate
Nagsubi ng gold medal siJaime Christine Berberabe Lim, anak ng PBA Legend na si
Samboy Lim na si Lelen Berberabe-Lim, sa 12-13 year old Girls Kumite sa 18th Koi Karate
World Cup na ginanap noong July 16-26, 2009 sa Stadium Perpaduan sa Sarawak,
Malaysia.

2. Fishball Vendors Bawal


Upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral, nagpakalat na simula kahapon
kasabay ng pagbubkas ng klase ang metropolitan manila development authority ng mga
tauhan sa palibot ng iba’t ibang eskwelahan sa kalakhang maynila laban sa mga side
walk vendors na nagtitinda ng mga “streeetfoods”

3. May parentahang sasakyan tuwing may lipat-bahay. Maaring makipagkita kay


Ginoong Ernesto de Guzman.
4. Namatay si Brig. General Ador Dalisay. Nais ipaalam sa mga kamag-anak, kabarkada,
kapamilya, kapuso, at mga kapatid na ang libing niya ay sa susunod na Sabado, Agosto
12, 2017 sa ganap na alas 12 ng tanghali.
5. Mga palabas sa sinehan ay “Finally Found Someone”, “Kita kita”, “Battleship Island”,
p“AWOL”, “REAL”, at “Midnight Runners”.
V.Takdang-Aralin:
Maghanap ng iba’t ibang pahayagan at kilalanin ang mga bahagi nito.
A.M.
D.P.

76
Banghay Aralin sa Filipino 6
Ikalawang Markahan
Linggo: 7
Araw: 1

I. Layunin: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang usapan.(F6 PN-IIa-g-3.1)


II Paksang Aralin:
A. Paksa: Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Usapan
B. Sanggunian: F6 PN- IIa-g-3.1, Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 218-219
C. Kagamitan: tsart, activity card, larawan ng masasaka, kalabaw, patubig, imbakan
ng palay
D. Balyu: Pagkakaisa at Pagtutulungan
III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain:
1. Pamukaw Sigla: Awit (Leron Leron Sinta)
2. Pag- alis ng Sagabal
Pagdugtungin ng linya ang salita hanay A sa kahulugan nito sa hanay B.
1. produksiyon A. produktong ating kinakain mula sa palay
2. magsasaka B. taong nagsasaka ng lupa upang taniman
3. bigas C. mga produkto mula sa pagsasaka ng lupa
tulad ng palay,mais,kamote at iba pa.
3. Pagganyak
Anu- ano ang nakikita ninyo sa larawan?( Magpakita ng larawan ng magsasaka,
kalabaw, patubig at imbakan
4. Pangganyak na Tanong
Ano kaya ang mangyayari sa Pilipinas kung magkulang o kumonti ang
produksiyon ng bigas?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
1. Pagabasa ng Usapan “ Silang Tumutulong sa Produksiyon ng Bigas)
Silang Tumutulong sa Produksiyon ng Bigas

MAGSASAKA: Ako’y magsasaka. Ang tungkulin ko’y pakainin ang lahat ng mga Pilipino,
mayaman man o mahirap. Tuwing buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto ay binubungkal ko
ang lupang taniman. Sinusuyod at inaararo ko ang bukid. Tinitiyak kong laging matubig
ang bukid upang lumaki ang aking pananim. Inaayos ko ang mga dike upang hindi
umagos ang tubig sa aking pananim.Tuwing buwan ng Nobyembre, Disyembre
hanggang Enero ay inaani ko na ang mga palay. Dinadala ko ang mga ito sa kiskisan
upang maging bigas. Bawat sako ay naglalaman ng tililimampung kilong bigas. Kung
wala ang magsasakang tulad ko, ano an gating kakainin?

KALABAW: Kalabaw ang tawag sa akin. Ayon sa nakararami, ako ang pinakamatulunging
hayop na tumutulong sa pagpapaunlad ng mga produkto sa ating bayan. Ginagamit ako
ng magsasaka sa pagbubungkal ng lupang taniman sa tulong ng araro’t linang. Ginagamit
ng magsasaka ang hila hila kong kariton na may mga lamang produkto para ipagbili sa
pamilihang- bayan. Ginagamit na tambuli ang aking mga sungay. Ang balat ko’y
ginagamit sa paggawa ng sinturon, sapatos,tsinelas,at iba pang kagamitan.May hayop pa
bang makahihigit sa aking ginagawa?

BUKID: Ako’y si bukid. Kung minsan ako’y tinatawag na lupang sakahan. Sa tulong ng
ulan at araw, nabubuhay at Napalalago ko ang mga palay. Nakatutulong din ang mga
pampataba ng lupa upang ako’y maging malusog nang lalong dumami ang produksiyon
ng bigas sa Pilipinas.Huwag kayong pumayag na gawin akong Subdivision. Hindi ba’t
higit na magandang tingnan ang berde at kung minsan ay kulay gintong taniman.
77
PATUBIG: Patubig ang itawag mo sa akin.Higit akong kailangan sa produksiyon ng palay
lalo’t dumarating ang Tagtuyot tuwing tag-araw. Tumutulong ako na magkaloob ng
maraming tubig sa taniman ng palay lalo’t Walang dumarating na ulan.Ako ang sagot sa
El Niño.Pababayaan ba ninyo akong mawala.

IMBAKAN: Tawagin nalang ninyo akong Imbakan. Ako ang imbakan o taguan ng palay.
Ano ang silbi ng mga inaning Palay ng magsasaka kung hindi itatago sa imbakan? Ang
pag –iimbak ng pagkain ay kasinghalaga ng produksiyon ng pagkain ,hindi ba?
2. Tanong sa Pang unawa
1. Sino-sinu / Ano-anu ang tumutulong sa produksiyon ng bigas?
2. Ano-anu ang gawain ng isang magsasaka?
3. Paano nakatutulong ang kalabaw sa magsasaka?
4. Anong tulong ang nagagawa ng ulan at araw sa bukid?
5. Bakit hindi dapat pabayaang mawala ang patubig?
6. Ano ang layunin ng imbakan ng palay?
7. Sa mga nakatutulong sa produksiyon ng bigas, sino o alin sa mga ito ang sa iyong
palagay ay higit na nakatutulong? Bakit?
3. Pangakatang Gawain:
Pangkat I
Panuto: Makinig nang mabuti sa babasahing usapan ng inyong lider at sagutin
ang kasunod na tanong. Isulat ang sagot sa manila paper.
Linda: Hindi ka nakarating sa kaarawan ko kahapon. Nalimutan mo ba ang imbitasyo ko?
Nora: Naku! Mahabang paliwanag iyan. Paalis na ako upang pumunta sa inyo nang
dumating ang mga pinsan kong galing sa probinsiya. Hindi na ako nakaalis dahil
kailangan ko silang asikasuhin. Ngayon lamang kami nagkita-kita. Pasensiya ka na.
Nalimutan ko ring tawagan ka upang ipaalam ang nangyari.
Linda:Sige, naiintindihan ko naman ang paliwanag mo. Teka,ano ba ang sinasabi mong
pupuntahan nating pagdiriwang sa probinsiya ninyo? Turumba ba iyon?
Nora:A, oo, ginganap ito sa amin sa Pakil, Laguna. Ito ay idinaraos sa loob ng pitong araw
na pagnonobena bilang Pag- alala sa pitong dalamhati ng Mahal na Birhen – ang
imahen ng Birhen ng Turumba. Pagkatapos ay may ginaganap na prusisyon. Dito, naiiba
ang ginagawa ng mag tao sa prusisyon. Lahat ay sumasayaw, umaawit, pumapalakpak,
nagtatapikan,at sumisigaw sa tuwa habang inaawit ang “ Awit sa Turumba”. Ang mga
may kapansanan at maysakit ang sumasama sa Turumba. Naniniwala silang gagaling sa
pagsampa sa prusisyon.
Linda: Isama mo naman ako sa inyong probinsiya. Gusto kong makita ang Turumba.
Tanong:
1. Anong pagdiriwang ang imbitasyon ni Linda?
2. Bakit hindi nakapunta si Nora?
3. Paano idinaraos ang Turumbo?
Pangkat II
Panuto: Pumili ng isang miyembro na magbabasa ng usapan sa activity card.
Pagkatapos sagutin ng inyong grupo ang mga tanong.
Tina: Kukuha ako ng medisina. Manggagamot ako ng mahihirap.
Celso: Mag- aaral ako ng pagkapiloto.
Frida: Inhenyera naman ang kukunin ko. Patitibayin ko ang mga tulay at gusali sa ating
lugar.
Bert: Ipagpapatuloy ko ang sinimulang gawin ng tatay ko. Mag- aaral ako ng
makabagong paraan ng pagsasaka sa UP
Los Baños. Sa gayon, makatutulong ako upang hindi tayo magkaroon ng kakulangan sa
bigas.Hindi na tayo kailangang umangkat sa ibang bansa. Tayo na ang kanilang bibilhin
ng bigas at mais.
Tina: Sige, magsikap tayong lahat na maabot ang mga pangarap natin.
Celso: Dapat ngayon pa lamang ay mag- aaral na tayong mabuti.
78
Tanong:
1. Ano-anu ang mga pangarap na nais gawin ng magkakaibigan?
2. Ano ang gagawin ng bawat isa para makamit nla ang kanilang mga pangarap?
Pangkat III
Panuto: Pumili ng dalawang miyembro na magbabasa ng usapan sa larawan.
Pagkatapos sagutin ang kasunod na tanong.

Tanong:
1. Tungkol saan ang pinag –uusapan ng magkamag –aaral?
2. Ano ang problema nilang dalawa?
3. Ano ang hindi nila natandaan sa sinabi ng guro?
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano ninyo nasasagot ang mga tanong tunkol sa usapan?
(Masasagot ang mga tanong tungkol sa usapan sa pamamagitan ng
pakikinig ng mabuti, pag-unawa at pagsusuri nito.)
2. Paglalapat
Pakinggang mabuti ang usapan nina Joel at Macky, at sagutin ang kasunod na
mga katanungan.
Macky: Tao po! Joel, Joel!
Joel: Oy! Macky. Ikaw pala! Ano, napasyal ka?
Macky: Pinapuntahan ka ni Bb. Diaz dahil tatlong araw ka nang liban. Ano ba
ang nangyari sayo?
Joel: Nagka- sore eyes kasi ako. Mapula-pula pa nga ang isang mata ko. Palagay
ko sa Lunes makakapasok na ako. May assignment ba tayo?
Macky: Mayroon. Pag- aralan daw natin kung paano gumawa ng balangkas.
Joel: Nasa aklatan daw iyon. Saang dahon ba?
Macky: Naku! Nakalimutan ko na pero madali mong mahanap iyon sa Talaan ng
Nilalaman ng aklat.
Joel: Oo nga, ano. Kasi nasa Talaan ng Nilalaman ang listahan ng mga paksa at
kwento ayon sa pagkakaayos at pagkakasunod-sunod sa aklat. Sa Talahulugan
mo naman matatagpuan ang kahulugan ng mahihirap na salita o katawagang
hindi mo maunawaan at ito ay nakasulat nang ayon sa titik ng alpabeto.Alam mo
ba Macky na ilan lamang ito sa mahahalagang bahagi ng mga aklat?
Macky: Siyempre naman, Joel. Ilan pa sa mga ito ay ang Dahong pamagat,
Paunang Salita, Indeks,at katawan na Aklat kung saan napapaloob ang mga
kwento, aralin at impormasyong ibig nating makuha.
Joel: Magaling mga bata!
Macky: Teka, teka, kay Bb. Diaz na ang linyang iyan at sabay nagtawanan ang
dalawa.

79
Tanong:
1. Ano ang dahilan ng pagpunta ni Macky kina Joel?
2. Bakit tatlong araw lumiban c Joel sa klase?
3. Tungkol saan ang kanilang takdang aralin?
IV.Pagbibigay-Halaga:
Panuto: Makinig ng mabuti sa usapang babasahin ng inyong guro, pagkatapos
sagutin ang kasunod na katanungan.
Ang Dakilang Iskultor
Marissa: Nakita mo na ba ang bantayog ni Andres Bonifacio sa Lungsod ng
Caloocan?
Aurora: Hindi pa.
Marissa: Alam mo ba kung sino ang gumawa ng bantayog na iyan?
Aurora: Hindi. Sino nga ba?
Marissa: Siya si Guillermo Tolentino, ang kilalang “Prinsipe ng mga manlililok na
Pilipino”.
Aurora: Bakit siya tinawag na “ Prinsipe ng mga Manlililok na Pilipino?
Marissa: Ganito iyon. Bata pa man siya, mahusay na siyang lumilok. Pinangarap
niyang makapag- aral sa Amerika at natupad naman and kanyang
pangarap. Dahil sa kaniyang kasipagan at kahusayan sa sining, inirekomenda siya
ng Pangulong Wilson sa isang milyonaryong Amerikano, si Bernard Baruch na
siyang tumustos sa kaniyang pag- aaral sa Beaux Arts Institute. Pagkatapos
niyangMakapag –aral sa Estados Unidos, bumalik siya sa Pilipinas at nagtayo siya
ng studio. Dito, niya pinasimulan ang kaniyang mga malikhaing gawa sa sining na
nagbigay sa kaniya ng katawagang “ Prinsipe ng mga Manlililok na Pilipino”.
Aurora: Napakahusay palang lumilok ni Gullermo Tolentino.
Marissa; Bukod sa monumento ni Bonifacio sa Caloocan at sa LIwasang
Bonifacio, bungang isip din ni Tolentino ang Oblation sa Pamantasan ng
Pilipinas. Naisagawa rin niya ang gusto nina Quezon, Laurel, Roxas at Magsaysay.
Tanong:
1. Sino ang pinag- uusapan ng magkaklase ?
2. Ano ang tawag kay Guillermo Tolentino?
3. Saan makikita ang bantayog ni Andres Bonifacio?
4. Sa anong pamantasan nagging bungang isip ni Tolentino ang Oblation?
5. Bakit tinawag na “Prinsipe ng mga Manlililok na Pilipino” si Tolentino?
V. Takdang Aralin:
Maghanap ng resipi sa pagluluto ng puto.Isulat sa papel ang mga panuto na
dapat sundin sa pagluluto nito.

80
Banghay Aralin sa Filipino 6
Ikalawang Markahan
Linggo: 7
Araw: 2
I.Layunin: Nakapagbibigay ng panuto na may higit sa limang hakbang. (F6 PS IIg-8.7)
Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag- usapsa ibat – ibang sitwasyon. (F6 OL-III-j-5)
II. Paksang Aralin:
A. Pagbibigay ng Panuto Na May Higit sa Limang Hakbang
Paggamit nang Wasto ng Pandiwa
B. Sanggunian: Yaman ng Lahi 4 p.103-104
C. Kagamitan: Larawan ng walis tingting, tsart, activity card
D. Balyu: Pagiging masunurin/ Pagiging Maingat
III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain:
(Awit) Magtanim ay Di Biro
1. Pamukaw Sigla:
2. Pag alis ng Sagabal:
Piliin at isulat ang lipon ng mga salita sa pangungusap na magbibigay kahulugan sa
salitang may salungguhit.
1. Palaging gamit sa paglilinis ng bakuran ni Lola ang walis tingting.
2. Madaling nasunod ni Leah ang panuto sa paggawa ng kanyang proyekto dahil malinaw ang
mga hakbang sa paggawa na ibinigay ng kanyang guro.
3. Pumunta sa niyugan ang magkaibigan. Namangha sila sa malawak na taniman ng niyog.
3. Pagganyak:
Ipakita ang totoong walis tingting. Paano kaya ginawa ito?
4. Pagganyak na Tanong
Paano ginawa ang walis tingting?Ibigay ang panuto sa paggawa ng walis tingting?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Basahin ang kuwento sa paggawa ng walis tingting.
Paggawa ng Walis Tingting
Naglalakad si Joy kasama ang kaibigang si Ivy sa malawak na niyugan na pag-aari ng
kanyang lola. Namataan nilang maraming walis tingting ang nakasalansan sa isang bahagi ng
niyugan. Nang makita niya ang pinsan niyang si Manny, lumapit sila rito at nagtanong.
“Kuya Manny, saan po ba ninyo dinadala ang napakaraming walis tingting na iyan? Usisa ni Joy.
“ Ipinagbili ang mga iyan sa Maynila. Dinadala sa palengke upang maibenta. Alam ninyo, isa ito
sa mahahalagang gamit sa paglilinis ng bahay. Kung kaya’t halos lahat ng pamamahay ay
mayroon nito.Wala kaming kahirap-hirap sa pagbebenta nito,” dagdag na wika ni Manny.
“ Madali po ba ang paggawa ng walis tingting?” sabad ni Ivy na tahimik na nakikinig habang
nag-uusap ang magpinsan.
“ Oo naman. Napakadali. Ituturo ko sa inyo kung paano ginagawa ang walis tingting. Makinig
kayong mabuti.”
Narito ang paraan sa paggawa ng walis tingting:
1. Pumili ng mga dahon ng niyog na magulang na o matigas na.
2. Ihiwalay ang bawat piraso ng dahon sa tangkay sa pamamagitan ng paggamit ng matalim na
itak sa
Pagputol sa buko ng tingting.
3. Kayasin ang naiwang dahon sa tingting sa pamamagitan ng maliit na kutsilyo.
4. Ipunin ang mga tingting. Putulin ng pantay- pantay ang mga dulo nito. Maari na itong
gamitin sa pagwawalis.
5. Talian ang mga tingting. Putulin ng pantay- pantayang mga dulo nito. Maari na itong gamitin
sa Pagwawalis.
“ Ay! Napakadali naman pala. Halika Ivy, subukin natin at nang magkaroon tayo ng pera,” ang
wika ni Joy.
Napangiti si Manny sa tinuran ni Joy.
2.Pagtatalakay
Tanong sa Pang- unawa
Saan pumunta ang magkakaibigan?

81
Ano ang kanilang nakita sa isang bahagi ng niyugan?
Paano ginagawa ang walis tingting? Ibigay ang mga panuto sa paggawa nito.
Bakit nasabi ni Joy na napakadali lng pala ang paggawa ng walis tingting?
Ano- anong mga salitang kilos o pandiwa ang ginamit sa bawat hakbang/ panuto sa
pagawa ng walis tingting?Isulat sa pisara ang mga pandiwang ginamit.
3. Pangkatang Gawain:
Pangkat I
Panuto: Basahin ang usapan ni Kap Vicencio Dimaano at ng isang bata. Pagkatapos, ibigay o
isulat ang panutong ibinigay ng bata sa kanya at salungguhitan ang mga pandiwang ginamit sa
panuto.

Pangkat II
Panuto: Isulat sa pangungusap ang mga sumusunod na panuto sa pagluluto ng kanin gamit ang mga
pandiwa na nasa loob ng kahon. Isulat ito ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.

Lagyan Pakuluin Ihanda Hugasan Hintayin Isaing

Pangkat III
Panuto: Tingnan ang larawan sa paggawa ng calamansi juice . Ibigay ang mga panuto batay sa larawan.
Salungguhitan ang mga pandiwang ginamit.

82
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ano- anu ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng panuto?
Mga dapat tandaan sa pagbibigay ng panuto.
1. Ang mga salitang dapat gamitin ay simple at medaling maunawaan.
2. Nakaayos ng may pagkakasunod- sunod ang mga panutong ibibigay.
3. Maikli at walang paligoy-ligoy ang mga salita o pananalita.
4. Sa pagbibigay ng panuto, higit na kailangan ang may sapat na kaalaman.
Kailan nagagamit nang wasto ang pandiwa?
Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag-usap at sa pagbibigay ang panuto.
2. Paglalapat:
Ibigay ang mga panuto sa pagprito ng isda.

IV. Pagtataya:
Panuto: Basahin ang sitwasyon at ibigay ang mga panuto sa paggawa ng isang
makabuluhang proyekto.
Abala ang lahat sa paaralan ni Nenita. Magdaraos ng eksibit ang paaralan hinggil sa pagbabalik
gamit o pagreresaykel ng mga bagay na itatapon na. Ibigay ang mga panuto sa paggawa ng
Proyekto - Lagayan ng Lapis mula sa garapon gamit ang mga pandiwa sa loob ng kahon.

Pahiran Idikit Gumupit

Kumuha Isukat Ihanda

V. Takdang Aralin

Isulat ang mga panuto sa paggawa ng eroplanong papel. Salungguhitan ang mga pandiwang ginamit.

83
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6
IKALAWANG MARKAHAN
LINGGO:7
ARAW:3

I. Layunin: Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-kilalang salita sa pamamagitan ng


kayarian. F6V-Iig-1.17
II. Paksang
Aralin:
A. Paksa: Pagbibigay Kahulugan sa pamilyar at Di-kilalang Salita sa Pamamagitan
ng Kayarian
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 6 Wika at pagbasa pha. 178
C. kagamitan: Tsart, aklat, projector, loptop
Pagpapahalaga: Kumain nang wastong nutrisyon
III.
Pamamaraan
:
A. Panimulang Gawain:
1. Pamukaw Sigla: Tula
Pilipinas Ang Bayan ko
Pilipinas ang ngalan
Nitong bayang sinilangan
Kinalakhan at nagbibigay
Ng biyayang inaasam
Kasama ko sa layunin
Kadalangin sa maykapal
Kabalikat sa pangarap
Ng tungkulin at tagumpay

Ang bayan koa ay sagana


Sa lahat ng likas-yaman
Ilog, dagat, bukid, bundok
Ang kaloob sa aming lahat;
Nag-uusbong ang paggawa
Sa'ming maruruming kamay
Kaya't maraming nilalang
Sa amin ay nagpupugay.

Tanong: Anong bansa ang tinutukoy sa tula?


Anong biyaya kaya ang tinutukoy sa unang saknong?
Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapuwa?
2. Balik-aral:
Panuto: Basahin ang pares na salita. Ipadyak ang mga paa kung mag-
kasing kahulugan at pumalakpak kung magkasalungat.
a. malimit-madalas d. masuwerte-malas
b. maalinsangan-malamig e. mabighani-nahalina
c. dalisay-malinis
3. Pagganyak:
Kumakain ba kayo ng gulay o prutas?
Anong sustansiya ang makukuha ninyo sa gulay at prutas?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Pagbasa ng isang talata.

84
Five- A- Day Habit
Ayon sa Food Guide Pyramid, inirerekomenda ang tatlo hanggang
limang hain ng gulay at dalawa hanggang apat na hain ng prutas
kasama ang iba't -ibang klase ng importanteng sangkap na tinatawag na
phytochemicals kaya dapat din tayong magtanim ng mga bungangkahoy
upang mapakinabangan natin nang mabuti at maging malusog ang ating
katawan sa araw-araw.

2. Pagtatalakay:
( Five-A-Day
1. Ano ang paksa ng talata? Habit)
2. Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit? ( Pangngalan)
3. Paano nabuo ang mga salitang ito?
4. Ibigay ang kayarian ng mga pangngalang ginamit.
( Kayarian ng pangngalan- payak, maylapi, inuulit, at tambalan)
5. Paano natin mapangalagaan ang ating sarili upang makaiwas tayo sa
anumang sakit?
( kumain nang wastong nutrisyon. Kumain ng gulay at prutas araw-
araw.)

3. Pangkatang Gawain:
PANGKAT I
Panuto: Pagtambalin sa hanay B ang kahulugan ng mga pamilyar at di-
kilalang salita sa hanay A.

Hanay A Hanay B

1. sanggang-dikit tayo, Kuya A. simple


2. ang pangarap niya ay pangarap ko rin B. magkasundo sa lahat ng bagay
3. dalawang taon ang aming pagitan C. sinasabi
4. mula kmi sa payak na pamilya D. agwat
5. salitang lagi kong sinasambit E. isang ambisyon na nais makamit

PANGKAT II
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit ng
pamilyar at di- kilalang salita sa pamamagitan ng kayarian.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

1. Bukas-loob ang pagtulong ni Cris sa mga pulubi.


2. Hindi napansin ng mga sundalong Español ang balatkayo ni Tia Patron.
3. Sinubok ni Jose ang kanyang mga kapatid kung ito'y salbahe at malupit
pa rin.
4. Dahil sa kadakilaan ni Arnold, yumukod ang kanyang mga kapatid.
5. Si Carl ay hinirang bilang tagapag-ipon at taga imbak ng pagkain.
PANGKAT III
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-
kilalang salita sa pamamagitan ng kayarian. Piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon.
1. Isang salitang -ugat na kapag umiihip ito na kung dumampi sa atin ay

85
nagbibigay ng ginhawa sa pakiramdam.
2. Ito ay salitang -ugat na nangangahulugan ng isang lugar na malayo pa
sa kabihasnan at simple ang pamumuhay.
3. Ito ay maylaping salita na ibig sabihin malawak ang pagtitipon
kahapon.
4. Ito ay salitang -ugat na ibig sabihin ay pagdumi ng kapaligiran.
5. Isang tambalang salita na ang kahulugan ay susunod na henersyon.
salinlahi hangin pinagdarausan
baryo polusyon pinagkainan

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano naibibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-kilalang
salita?
2. Paglalapat:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng pamilyar at di- kilalang salita sa
pamamagitan ng kayarian.
1. Isang inuulit na salita na ang kahulugan ay tangan-tangan ko na ang
pagkain. ( hawak-hawak)
2. Isang salitang maylapi na ibig sabihin maging na diplomatiko ang
aming mayor. (matalino)
3. Ito ay salitang-ugat na ibig sabihin ay larawang-guhit ng anuman na
ginagamit na modelo. (disenyo)
IV. Pagbibigay Halaga:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng pamilyar at di- kilalang salita sa
pamamagitan ng kayarian.

1. Ito ay tambalang salita na nangangahulugang matalik na magkaibigan.


a. kapit-tuko
b. magkaibigang-pagkit
c. anak-pawis
d. hampaslupa
2. Ito ay maylaping salita na ngangahulugang malapit nang maging binata
o magbinatilyo na ang isang lalaki.
a. nagsibulan
b. kasibulan
c. sisibol
d. sumibol
3. Ito ay tambalang salita na ang ibig sabihin ay ayaw pakinggan at sundin
ang sinasabi at inuutos sa kanya. Nagbibingi-bingihan ang taong ganito.
a. ningas-kugon
b. kapit-tuko
c. balat- sibuyas
d. nagtataingang-kawali
4. Ito ay salitang maylaping nangangahulugang relasyon o ugnayan.
a. kaaway
b. samahan
c. kaibigan
d. kapatid
5. Ito ay salitang-ugat na ang ibig sabihin ay pagod o hapo.
a. hingal
b. sakit

86
c. kaba
d. pagal
V. Takdang-aralin:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-kilalang salita sa
pamamagitan ng kayarian.
1. bantay-salakay
2. inaalay
3. ingat-yaman
4. huwaran
5. anak-araw

87
Banghay Aralin sa Filipino 6
IKALAWANG MARKAHAN
LINGGO:7
ARAW:4
I. Layunin: Nakagagamit ng iba't ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon.
F6SS-Iig-5
II. Paksang Aralin:
A. Paksa: Paggamit ng Iba't Ibang Bahagi ng Aklat sa Pagkalap ng Impormasyon

B. Sanggunian: Pluma 5 Wika at Pagbasa pha. 132-133, Hiyas sa Pagbasa IV pha. 200-202

C. Kagamitan: projector, aklat, tsart


D. Pagpapahalaga: PAGKAMAINGAT
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw Sigla: Tula

Aklat ay mahalaga
Dulot nito'y hiwaga
Dunog mo'y lalawak
Kapag aklat ay hawak.

Napaloob dito'y kwento


Karunungan di matanto
Aklat taglay at hiyas
Kapag ito'y binasa.

2. Balik -aral:
May ilang bahagi ang aklat?

3. Pagganyak:
Sino sa inyo ang mahilig magbasa ng aklat?
Ano ang maidudulot ng pagbasa ng aklat sa mga taong palabasa?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Halos araw-araw ay nagbabasa tayo ng mga aklat. Upang maging mabisa

ang ating pagbabasa, kailangang malaman natin ang mga bahagi nito.

PABALAT- ang takip ng aklat kung saan mababasa ang pamagat ng aklat, may-akda,

at manlilimbag.
PAHINA NG PAMAGAT- pahinang kasunod ng pabalat na nagtataglay ng parehong

impormasyong nakatala sa pamagat.


KARAPATANG SIPI- nilalaman nito ang taon ng pagkakalimbag, ang naglilimbag at

ang lugar kung saan nilimbag ang aklat.


DEDIKASYON- pahinang kakikitaan ng mga pangngalan ng nais pasalamatan ng may-

akda at handugan ng kanyang aklat.


PAUNANG SALITA- nagtataglay ng nais iparating ng may-akda sa mambabasa

kaugnay ng aklat.
TALAAN NG NILALAMAN- listahan ng mga paksa at ng pahina kung saan matatagpuan

ang mga ito.

88
TEKSTO O KATAWAN NG AKLAT- ang kabuuan ng lahat ng paksang taglay ng aklat.

TALA- talaan ng mga kapaki-pakinabang na paksang makatutulong sa mambabasa.

BIBLIYOGRAPI- paalpabetong talaan ng mga aklat at iba pang sangguniang ginamit

sa pagbuo ng aklat.
GLOSARI- talaan ng mahihirap na salitang may kasamang katuturan o paliwanag.

INDEKS- paalpabetong listahan ng paksang tinalakay sa akda at kung saang

pahina ito makikita.

Ilang bahagi mayroon ang aklat? Bakit kailangan natin ang aklat?

2. Pagtatalakay:
Ano ang mababasa sa pabalat?
Ano ang mababasa sa karapatang sipi?
Kanino inilalaan ng may akda ang paunang salita?

Anu-ano ang nilalaman ng talaan ng nilalaman?


Ano ang bumubuo sa katawan ng aklat?
Ano ang nilalaman ng talahulugan o glosri?
Paano maayos ang talaan ng mga salita sa glosari?

Paano naayos ang mga paksa sa talatuntunan o indeks?

3. Pangkatang Gawain:
PANGKAT I
Panuto: Tingnan ang bahagi ng aklat sa Landas sa Pagbasa 6 at gamitin
ang impormasyon ukol sa mga ito upang masagot mo ang mga
tanong sa bawat bilang.
1. Ilang lahat ang yunit?
2. Ano ang pamagat ng mga yunit?
3. Ilan ang mga aralin sa bawat yunit?
4. Saang pahina nagsisimula ang yunit I?
5. Anong mga detalye ang inilalahad sa Talaan ng Nilalaman?
PANGKAT II
Panuto: Sagutin sa sagutang papel ang tinutukoy na bahagi ng aklat.
1. Ang may kulay na bahagi ng aklat na nagtataglay ng pamagat ng mga may akda.

2.Kinapapalooban ng pangngalan ng bawat yunit at aralin.

3.Kinapapalooban ng pangalan ng may-akda, pamagat, at ang naglimbag.

4. Kinapapalooban ng sinasabi ng may-akda tungkol sa aklat.

5. Kinasusulatan ng pangalan ng nagmamay-ari ng karapatan sa bawat siping ipinalimbag.


PANGKAT III

Panuto: Tingnan ang bahagi ng aklat sa Landas sa Pagbasa 6 at gamitin


ang impormasyon ukol sa mga ito upang masagot mo ang mga
tanong sa bawat bilang.
1. Anong tatalakayin sa Yunit III?
2. Tungkol saan ang Aralin 2 Yunit II?
3. Sino ang naglathala ng aklat na ito?
4. Kailan ito inilathala?
5. Nasa anong pahina mababasa ang Epiko ni Biag ni Lam-ang?

89
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-anong mga impormasyon ang makukuha sa iba't ibang bahagi ng aklat?

Paano tayo makapagkalap ng impormasyon tungkol sa aklat?

2. Paglalapat:
Panuto: Gamitin ang Landas sa Pagbasa 6 sa pagbigay ng impormasyon sa mga
sumusunod na tanong.
1. Hanapin ang sumusunod sa Talaan ng Nilalaman. Ilagay ang bilang ng yunit at pahina
kung saan makikita ang sumusunod na mga seleksiyon.
a.
b.
c.
d.

IV. Pagbibigay-Halaga:
Panuto: Gamitin ang iba't ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon. Gamitin
ang Landas sa Pagbasa 6 sa pagsagot nito.
1. Saang pahina makikita ang Glosari?
2. Ilan ang araling bumubuo sa bawat yunit?
3. Ano ang petsa ng Karapatang Sipi?
4. Saan pahina nagsisimula ang unang aralin?
5. Ilang yunit mayroon ang buong aklat?
ML-
ID-

V. Takdang-Aralin:
Panuto: Humanap ng iba pang aklat at gamitin ito sa pagkalap ng
impormasyon.
1. Sa anong pahina ng inyong aklat nagsisimula ang Talaan ng Nilalaman?
2. Sino ang tagapaglimbag?
3. Sinu-sino ang mga may-akda?
4. Saang pahina makikita ang Glosari?
5. Ano ang buong pamagat ng iyong aklat?

90
Banghay Aralin sa Filipino IV
Ikalawang Markahan
Linggo: 7
Araw :5
I. Layunin: Nakasusulat ng sulating pormal.
Nababago ang dating kaalaman base sa bagong ideyang nakapaloob sa teksto.
II. Paksang-Aralin:
A. Paksa: Pagsulat ng Sulating Pormal
Pagbago ng dating kaalaman base sa bagong ideyang nakapaloob sa teksto
B. Sanggunian: F6WC-11g-2.10
F6A-Oa-j-6
Gintong Pamana 6 pha. 194-224,211-212,121,153
C. Kagamitan: metacards, larawan ng iba’t-ibang tahanan
D. Balyu: Maging malinis sa pagsulat
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay:
Ipabasa ang mga salitang nasa metacards.
dayuhan kapuluan impluwensiya
lindol pagkakabuklod
2. Balik-aral:
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang talata?
3. Pagganyak:
Ipakita ang larawan ng iba’t-ibang klaseng tahanan tulad ng bahay kubo, bunggalo, bahay na
nasa itaas ng puno, malaking bahay o mansion.
Itanong: Tingnan ang mga sumusunod na larawan. Ano ang iyong masasabi tungkol sa mga
bahay na ito?
4. Pagganyak na tanong:
Ano ang sagisag ng pagkakabuklod ng pamilyang Pilipino?B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Basahin ang Talatang “Ang Tahanang Pilipino”
ANG TAHANANG PILIPINO
Habang dumaraan ang mga siglo, naiiba-iba ang larawan ng tahanang Pilipino. Marahil,
ito’y bunga ng iba’t ibang impluwensya ng dayuhan o dili kaya’y dahil sa mga likas na
pangyayaring nagaganap tulad ng lindol. Madalas na nagtatalu-talo ang mga arkitekto dahil
hinahanap nila ang kayarian ng tahanang maituturing na katutubong Pilipino. Matagal ding
itinuturing ang bahay-kubo bilang isa sa ating mga pambansang sagisag ngunit isa lamang ito sa
mga kayarian ng tahanan sa buong kapuluan.
May torogan ang mga Tausug, bahay-tiyakad ang mga Badjao, kulub ang mga Kalinga at
maraming palapag naman ang tahanan ng mga Tagalog. Gayunpaman, kahit anong anyo ng
tahanang Pilipino, mananatili itong sagisag ng pagkakabuklod ng pamilyang Pilipino.

2. Pagtatalakay:
1. Ano ang ginawa sa unang salita ng talata?
2. Paano iniayon ang mga pangungusap sa talata?
3. Ano ang iyong napapansin sa mga tahanang Pilipino noon? May pagkakaiba ba sa
ngayon?
4. Ano kaya ang dahilan ng pag-iiba-iba ng mga tahanan?
5. Ano ang bagong kaalaman/ideyang nakapaloob sa teksto tungkol sa Tahanang
Pilipino?
Isulat ang iyong sagot sa anyong patalata: Ano-ano ang mga mekaniks sa pagsulat ng
talata/ sulating pormal?

91
3. Pangkatang Gawain:
Pangkat I at III
Basahin ang tekstong “Kompyuter: Teknolohiya sa Bagong Panahon”
KOMPYUTER: TEKNOLOHIYA SA BAGONG PANAHON
Sabado noon. Nanood ng eksibit ang magkakapatid na Vina at Dino kasama ang kanilang Ate
Marie.
Agad silang sinalubong ng isang magandang babae nang sila ay pumasok sa hall. Hinawakan nito
ang kamay ng dalawang bata at inilibot sila sa mga kompyuter na naroon. Hangang-hanga sina Vina at
Dino sa nakita nilang eksibit.
Iba’t ibang kompyuter ang nakita nila. May ginagamit na kompyuter sa pagsulat ng nobela at
mayroong nakalilikha ng mga ilustrasyon para sa komiks. Natuwa ang dalawa sa kompyuter na
nakakokonekta sa ibang bansa. Dito ay nakakausap at nakikita pa ang mga taong nasa kabilang linya!
May kompyuter na sinliit lamang ng calculator kaya madali itong dalhin. Mayroon ding sinlaki ng 30
pulgadang telebisyon ang monitor. May robot ding pinaandar ang kompyuter.
Paalis na sila nang iabot ng magandang babaing kasama nila ang larawan nina Vina, Dino at Ate
Marie. Nakunan pala sila ng kompyuter na nasa pinto!

Batay sa tekstong nabasa,


Ano ang inyong dating kaalaman na nababago base sa ideyang nakapaloob sa teksto?
Isulat ang inyong sariling opinyon sa anyong patalata o ito’y isulat bilang sulating pormal.
Pangkat II at IV
Basahin ang tekstong “Epekto ng El Niño, Laganap sa Mundo”.

EPEKTO NG EL NIÑO, LAGANAP SA MUNDO


Nanganganib ang buong mundo sa magiging epekto ng El Niño sa kapaligiran at sa buhay ng
sangkatauhan.
Ayon sa meteorologist, mga dalubhasa sa panahon at atmospera, lumalaganap na ngayon ang El
Niño sa iba’t ibang dako ng daigdig. Nadarama na ang epekto nito sa America at Europe, gayundin sa
Timog-silangang Asia at Australia.
Ang El Niño ay isang kakaibang pagbabago ng panahon. Lumalabas ito tuwing ikaapat hanggang
ikapitong taon. Maaaring maging dahilan ito ng mahaba at matinding tag-init sa ilang rehiyon at
pagbagyo at pagbaha naman sa ibang dako.
Sinabi rin ng mga meteorologist na lalong magiging malubha ang epekto ng El Niño habang
lumilipas ang panahon. Nahihinuha naman ng mga siyentipiko na pagsapit ng taong 2010, maaaring
tumaas ang temperature ng daigdig nang mula isang digri hanggang 3.5 digri sentigrado.
Ang napipintong pagtaas ng temperatura ay dulot hindi lamang ng El Niño kundi pati na ang
pagkasira ng ozone layer. Ang kalagayang ito ay magdudulot ng malaking pinsala sa maraming lugar sa
daigdig. Isa sa mga kinatatakutan ay ang pagkatunaw ng mga kimpal ng yelo at ang paglubog ng mga
pamayanan sa mga lugar na mababa sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang naaapektuhan ng El Niño kaya kasalukuyang
pinaghahandaan ito ng pamahalaan.
Sa pandaigdigang epekto ng El Niño, hindi nagpapabaya ang mga bansa sa paghahatid at
pagpapalitan ng mga bansa sa paghahatid at pagpapalitan ng mga impormasyong makatutulong upang
makagawa ng mga paraan kung papaano ito paghahandaan. Dapat na positibo ang pagtanggap sa
gagawing paghahanda sa El Niño.
92
Ano ang inyong dating kaalaman na mababago base sa ideyang nakapaloob sa teksto?
Isulat ang inyong sariling opinyon sa anyong patalata. Ito’y isulat bilang sulating pormal.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano isinulat ang sulating pormal?
Paano natin nalaman na mayroong nabago sa dating kaalaman na ating natutuhan?
2. Paglalapat:
Basahinang tekstong “Ang Pulo ng Boracay”
ANG PULO NG BORACAY
Isa sa pinakamagandang pulo sa Pilipinas ang Pulo ng Boracay. Matatagpuan ang
kabigha-bighaning kagandahan ng pook na ito sa napakalayong lalawigan ng Aklan. Katulad
ng kilalang dalampasigan ng La Union, pangunahing pang-akit sa mga turista ang malinis at
pinung-pinong buhangin nito. Kaya lamang, higit na pino ang sa Boracay kaysa sa buhangin sa
baybayin ng La Union. simputi na rin halos ng repinadong asukal ang buhangin. Higit na
malayo ang Boracay sa Maynila kaysa sa ibang magagandang tanawin ng bansa ngunit
masasabi namang sulit ang pagdayo ninuman doon. Maliit lamang ang Pulo ng Boracay
datapwat
Batay bantog nabasa,
sa tekstong at kilala ito sa buong daigdig dahil sa angking likas na kagandahan.
Ano ang inyong dating kaalaman na nababago base sa ideyang nakapaloob sa teksto?
Isulat ang inyong sariling opinyon sa anyong patalata o ito’y isulat bilang sulating pormal.
IV. Pagtataya:

Basahin ang tekstong “Bayanihan”. Pagkatapos aalamin kung ano ang dating kaalaman na
nabago base sa ideyang nakaploob sa teksto? Isulat ang iyong sagot sa anyong patalata sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang sulating pormal.

BAYANIHAN
Isang magandang kaugalian nating mga Pilipinon ang bayanihan. Ito ang
pagtutulungan ng magkakapitbahay, magkababarangay, magkakabayan o magkakaibigan.
Karaniwang ginagawa ang bayanihan tuwing nagdaraos tayo ng pistang-bayan,
kasalan o iba pang pagdiriwang at handaan. Ginaganap din ito kung may isang pamilyang
naglilipat o nagpapagawa ng bahay. Kapag may namatayan sa isang lugar, karaniwan nang
tanawin ang pagtulong ng mga kaanak, kapitbahay at kaibigan.
Pagtutulungan na hindi naghihintay ng kabayaran ang tunay na diwa ng bayanihan.
Sa kasalukuyan, makikita ang diwa ng bayanihan kapag may nagaganap na di
inaasahang pangyayari o trahedya. Ang mga kalamidad na dulot ng lindol, baha, bagyo at
maging ng pagsabog ng bulkan ay nagsisilbing daan upang magtulung-tulong at
magkabuklod ang mga Pilipino.
Tunay na hanggang sa ngayon, buhay na buhay pa ang kapuri-puring diwa nga
bayanihansa ating mga Pilipino!

V. Takdang-Aralin:
Magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa katangian ng mga Pilipino noon . Anong
pagbabago ang nangyari sa ngayon?

93
Banghay Aralin sa Filipino 6
Ikalawang Markahan
Linggo: 8
Araw: 2
I-Layunin: Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t ibang
sitwasyon. (F-60L-Iit-j-5)
II-Paksang Aralin:
A.Paksa: Paggamit nang wasto/aspekto ng pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
B.Sanggunian: Pagdiriwang sa Wikang Filipino 5, Wika ph. 124-126, Hiyas sa Wika 5 ph. 82-87
C.Kagamitan: tsast, aktibiti kards, plaskards, larawan
D.Balyu: Pagkamalikhain
III-Pamamaran:
A. Panimulang Gawain:
1. Pamukaw- Sigla:
Nanay
Naglalaba, nagluluto, naglilinis araw-araw
Siya an gating nanay, sa tahanan ay ilaw
Katuwang na tatay sa paghahanap- buhay
Pagmamahal sa atin ay walang kapantay.

Umaga hanggang gabi, mga anak ang iniintindi


Mga gusto at kiliti natin ay huling-huli
Sa lahat ng oras, araw man o gabi.
Kaya dapat natin siyang ipagmalaki.
2. Pagsasanay :
iskultor bantayog nagbigay
manaliksik sining bumalik
tumustos bumalik naisasagawa

3. Balik-Aral :
Ano ang tawag ninyo sa mga salitang kilos ?
Anu-ano ang mga kaanyuan nito ?
Magbigay ng halimbawa ng pandiwa na nasa aspektong naganap, nagaganap at
gaganapin.
4. Pagganyak:
Anu-ano ang pangarap ninyo sa buhay?
Paano ninyo matutupad ang mga ito?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Pagbasa ng dayalogo:
Ang Dakilang Iskultor
Marissa: Nakita mo ba ang bantayog ni Andres Bonifacio sa Lungsud ng Caloocan?
Aurora : Hindi pa.
Marissa : Alam mo ba kung sino ang gumawa ng bantayog na iyan ? Siya ay si Guillermo
Tolentino, ang kilalang “Prinsipe ng Manlililok” na Pilipino.
Aurora: Bakit siya tinawag na “Prinsipe ng Manlililok”?
Marissa:Ganito iyon. Bata pa man siya, mahusay na siyang lumilok. Pinangarap niya
makapag-aral sa Amerikaat natupad naman ang kanyang pangarap.
Dahil sa kanyang ksipagan at kahusayan sa sining, inirekomenda siya ng Panulong
Wilson sa isang milyonaryong Amerikano, si Bernard Baruch na siyang tumustos sa
kanyang pag-aaral sa Beaux Arts Institute. Pagkatapos niyang makapag-aral sa Estados
Unidos, bumalik siya sa Pilipinas at nagtayo ng studio. Dito niya pinasimulan ang
kanyang katawagang “ Prinsipe ng mga Manlililok na Pilipino”.
Aurora: Napakahusay palang lumilok ni Guillermo Tolentino.
Marissa : Bukod sa monumento ni Bonifacio sa Caloocan at sa Liwaang Bonifacio,
bungang isipdin ni Tolentino ang ‘’ Oblition’’ sa Pamantasan ng Pilipinas. Naisagawa rin
ng busto sina Quezon, Jose P. Laurel, Roxas at Magsaysay.
2. Pagtatalakay:

94
1. Ano ang makikita sa Lungsod ng Caloocan?
2. Sino ang gumawa ng bantayog ni Andres Bonifcio?
3. Paano nakapag-aral sa Estados Unidos si Guillermo Tolentino?
4. Anu-ano pa ang ibang likhang sining ni Guillermo Tolention ?
5. Bakit siya tinawag na ‘’ Prinsipe ng Manlililok na Pilipino’’ ?
6. Anu-ano ang mga pandiwang nakita sa dayalogo?
7. Paano nabuo ang mga ito?
(Isulat ang mga sagot sa pisara.)
8. Anu-ano ang kaanyuan ng mga pandiwa ?
-Ang kaanyauan ng mga pandiwa ay naganap na, ginaganap pa, gaganapin at
kagaganap pa lamang.
3. Pangkatang Gawain:
Pangkat I:
Panuto: Buuin ang salaysay o kwento. Isulat sa patlang ang angkop na aspeto ng
pandiwa na dapat gamitin.

Paksa sa aming usapan ang isang ulat na aming ______ tungkol sa lindol.________
namin na ayon sa siyentipikong pagtataya ay may pagkakataong _________ ng sanlibo o higit
pang ulit araw-araw. Ang karamihan ditto ay hindi gaanong _________. Ilan lamang ditto
ang_________.

Alam ba ninyo kung bakit lumilindol? Patuloy palang________ at ________ ang lupa.
May malakas na puwersang _________ sa malaking bato. Kapag nalinsad ang bato sa bigat ng
lupa ay ____ng lindol. May lindol din na ________ ng pumutok na bulkan. Ang biglang pagsabog
ng bulkan ay _____sa lupa. Nakatatakot ang malakas na lindol______ ito sa loob lang ng ilang
saglit.

A. yumayanig E.namiminsala I.nilikha


B. nagmomolde F.nalaman J.nagkakahugis
C. nagtulak G.nagkaroon K.nakapamiminsala
D. nabasa H.lumilindol L.nararamdaman

Pangkat II :
Panuto : Basahin ang salaysay ni Annia tungkol sa karanasan niya noong nagbakasyon
siya at ang kanyang mga pinsan sa bukid. Itama ang kaanyuan ng mga nakasalungguhit na
pandiwa.

Wala nang pasok nang napapayag ako ng aking mga pinsan na nagbakasyon sa kanila sa
bukid. Kadating palang naming sa kanila, naisip kong umuuwi kaagad dahil maninibago ako sa
paligid. Makikita ko ang malawak na palayan at ang mga punong kahoy. Ang kapitbahay nila ay
halos hindi pa nakikita dahil sa ito ay malayung- malayo.
Kinabukasan ,pumupunta kami sa ilog at nagpasya naliligo. Habang maliligo kami, biglang maisip
na kaysarap pala ng buhay sa bukid. Sariwa ang lahat, walang polisyon at higit sa lahat ay
nandoon ang aking mga pinsan na magmamahal sa akin. Marami akong masasayang na
pagkakataon dahil sa noon lamang ako nagpunta sa bukid.

4.Pag-uulat ng bawat pangkat.


5.Pagsusri:
Anu-ano ang kaanyuan ng pandiwa?
Kailan natin ginagamit ang kaanyuang naganap, kagaganap, nagaganap at gaganapin?
C.Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano natin ginagamit ang kaanyuan ng pandiwa?
Magagamit natin ang kaanyuan ng pandiwa sa pagsasalaysay ng sariling karanasan at
kung kalian ginagawa ang kilos. Ang mga aspekto ng pandiwa ay naganap na, ginaganap
pa, gaganapin pa at kagaganap pa lamang.
2. Pagsasanay:

95
Panuto: Punan ng wastong pandiwa ang patlang sa talataan. Isaalang-alang ang
kaanyuan ng mga pandiwa ayon sa pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng bawat
panungusap.

Bago pa man (dating)______ ang mga Espanol sa bansa an gating mga ninuno ay may
sariling wikang (gamit)______.(Sabi)______ na ang Tagalog ang may pinakamayamang
katangian sapagkat nagtataglay ito ng mga katangian ng wika sa daigdig. Kabilang na ang
Latin at Kastila. (Lagay)______ na ito ang dahilan kung bakit (pili)____ Wikang Pambansa
Tagalog. (Sikap)____ ng pamahalaan na (ganap)_______ ang pambansang wika.
(Gamit)_____ ito sa iba’t ibang sangay.Patuloy iton (turo)_______ sa paaralan upang
lalong itong mapagyaman.

IV. Pagtataya:
Panuto:Gamitin ang tamang anyo ng pandiwa sa bawat patlang upang mabuo ang
salaysay.

Sa aming lalawigan, may pagkakataon na ang mga magsasaka ay nagtitipon-


tipon. Sa panahon ng anihan o taniman sama-samang (gawa)_____ sa bukid ang mga
tao.
Hunyo noon, abala si Ama sa kanyang pananim.(Hingi)______ ng tulong si Ama
sa mga kasamahang mambubukid para (tulong)______ siya sa pagtatanim. (Sama)____
ako sa bukid upang saksihan ang (tanim)____ng palay. (Nood)_____ ako sa kanilang
masayang galaw, na parang hindi (pagod)_____sa (yuko)_______ at matinding sikat ng
araw.(Tapos)_____ lamang nila nang dumating ang pananghalian nila.

A.M
D.P

V.Takdang Aralin:
Isulat ang inyong karanasan tungkol sa mga nagdaang bagyo gamit ang kaanyuan ng pandiwa.

96
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANG MARKAHAN
LINGGO : 8
ARAW: 4

I. Layunin: Nabibigyang kahulugan at nakagagawa ng graph para sa mga impormasyong


nakalap . (FGSS- IIh-9)

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagbibigyang Kahulugan sa Impormasyong Nasa Ibat-ibang Grap,Tsart at
Mapa.
B. Sanggunian: Pagdiriwang ng Filipino V,Manual ng Guro pah.96-99
Hiyas sa Pagbasa 5
C. Kagamitan: Pie Grap,bar grap,tsart,aklat
D. Balyu: Pagiging Masikap/Matapat
III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
1. Pamukaw Sigla
Awit “Magagawa Natin ang Lahat ng Bagay Dito sa Mundo”
2. Balik-Aral:
Anu-anong impormasyon ang nakukuha natin sa tulong ng pahayagan?
3. Pagganyak:
May nakilala ba kayong taong ang kanyang hanapbuhay ay isang traysikol drayber
o taong matapat sa tungkulin?
4. Pag-alis ng Sagabal:
Itambal ang salitang kahulugan ng nasa Hanay A sa Hanay B.
A B

1. Posisyon A. Karangalan
2. Serbisyo B. Tungkulin
3. Dignidad C. Kawani
4. Opisina D. Tanggapan
5. Empleyado E. Paglilingkod
6. Nakalap F. Nakuha
B. Panlinang na Gawain:
Paglalahad:
Pagbasa ng Kuwento: “ Sa Harap ng Katiwalian”
Sa Harap ng Katiwalian,Huwag Masangkot sa Katiwalian,Karangalan at Katapatan ay
Pangalagaan.

A, siya pala ang pumalit kay Mr.Arenas,”wika ng isang empleyado sabay turo kaya ang
lahat sa umpukang siya ay napalingon sa dumating “Pihong tataba rin ang bulsa
niya.”kantyaw ng isa pa Tiyak siya.Nariyan na ang pagkakataon bakit pa
palampasin?Dagdag ng isa naman,O huwag na kayong magsalita.Baka tayo marinig e
masipa pa tayo.Boss yata natin niyan usal ng unang nakapuna sa kanyng pagdating.
Si Mr.Cuevas ay bagong talaga sa isang tanggapan ng isang pamahalaan.Ang
kanilang tanggapan ang namamahalag sa mga pangangailangan ng buong ahensya—
mga kagamitang pantanggapan mula sa papel at lapis hanggang sa pagbili ng mga
airconditioner at iba pang mamahaling kagamitan sa isang tanggapan.At siya ang
humahawak ng pondong ginamit sa pamimili ng mga bagay-bagay.

Di pa nagtatagal,naramdaman ni Mr.Cuevas ang kakaibang tingin at minsan


Pag-irap ng kanyang mga kasamahan.Upang kanynag malaman ang dahilan,pinulong
niya ang mga ito.

“Ang posisyon iyan ang pinakamaraming hinahawakang pera.At tulad ng mga

97
dating nasa puwestong iyan,iniisip naming tumatanggap din kayo ng suhol mula sa
supplier”.
“Ang nakakainis,napatunayan na ngang tumatanggap ng suhol,nabigyan pa ng
Higit na mataas na posisyon sa ibang opisina ng pamahalaan.”
« Alam nyo bang ang iba naman,bagaman wala na sa serbisyo,may kani kani
Kaniyang bahay at mayroon pang kotse?Mayaman na sila.”
Namula ang mukha ni Mr.Cuevas.Hindi niya maintindihan kung siyay magalit
o matuwa sa kanyang narinig.Wala siyang kamalay-malay sa mga katiwaliang
pinagsasabing kanyang mga kaharap.Mabuti naman at ngayon maliwanag na ang
dahilan ng katiwalang-katiwala ng mga kawani sa sino mang nasa puwesto.Sa kabilang
banda,naisip niya na hindi naman makatwiran siyay husgahan gayong wala naman
silang maituturong ano mang kaso ng katiwalian na siyay sangkot.

“ Ngayon nauunawaan ko na ang dahilan ng inyong malamig na pakikitungo


sa akin.Subalit bigyan ninyo ako ng pagkakataong ipakilala ko sa inyo ang tunay kong
pagkatao.

Dumating ang panahon ng pag- order ng mga supply.Isa –isang nagsulputan


ang mga supplier.

Minsan,isang lalaki ang nag abot sa kanya ng quotation o presyo ng ibat-


Ibang kalakal na pantanggapan.Nang buksan ni Mr.Cuevas ang sobre,lumuwa ang
Ilang tig-iisang libong piso. »Para saan ito ?”kunwaring tanong niya gayong di man
Sabihin,alam niyang siyay sinusuhulan.

Sir, sa amin nap o kayo umorder, nakangiting wika ng lalaki.”Gaya po noon


Iyan poy pasasalamat sa inyong pagtitiwala.

Habang nagsasalita ang lalaki,iba ang iniisip ni Mr.Cuevas.Malaking pera


Ito at tiyak na masisiyahan ang aking may bahay kung iaabot ko ito sa knya.Malaking
tulong ito sa aming kabuhayan.”

Nagulantang si Mr.Cuevas nang marinig ang paulit-ulit na SIR…sir…sir… ng


kaharap.Gayunman,matagal niyang tinitigan ang kausap at saka
nagwika.”Ipagpaumanhin po ninyo pero hindi ko matatanggap ang perang iyan.
Higit na mahalaga sa akin ang dignidad,ang aking pagkatao at ang pangalang
ibinigay sa akin ng aking mga magulang.Hindi ko sisirain ang mga ito dahil lamang sa
salapi.”

2. Tanong sa Pag-unawa:
1. Sino ang bagong napiling tagapamahala?

2. Bakit may kakaibang tingin at minsan pag –irap ang kasamahan ni Mr.Cuevas sa
kanya?
3. Ano ang dahilan kung bakit hangang-hanga ang mga kasamahan ni Mr.Cuevas sa
kanya?

3. Pangkatang Gawain:
Isalin nang pasulat ang mga impormasyong ipinahihiwatig ng grap.
Tulad ng mga tanggapan,ang mag –anak ay may pondo ring panustos sa ibat-ibang
pangangailangan.
Pag-aralan ang bar grap sa ibaba.Sagutin ang mga tanong.
Buwanang Bayad sa Kuryente ng Pamilya Cuevas sa Taong 2016

98
PANGKAT I
1. Ano ang pamagat ng grap?
2. Tungkol sa anong dalawang bagay na nag –iiba-iba ang mga impormasyon sag
rap?
3. Sa anong buwang ang may pinakamaliit na ibinayad ang pamilyang
Cuevas?Ano sa palagay mo,ang dahilan kung bakit sa buwang ito pinakamaliit
ang bayad?
4. Sa anu – anong mga buwan ang may pinakamalaking ibinayad sa
kuryente?Ano kaya ang maaaring dahilan ng pagtaas nito?
PANGKAT II
1. Ano ang kapuna-puna sa ibinayad mula Agosto hanggang Disyembre?
2. Magkano ang ibinayad ng Enero?
3. Kung pagsama-samahin ang ibinayad sa unang anim na buwan ng
taon,magkano lahat ang total na gastos sa kuryente?
4. Ano ang maipapayo mo sa pamilya Cuevas upang mabawasan o mapababa
ang buwanang bayad sa kuryente sa loob ng isang taon?
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano mabigyang kahulugan ang mga impormasyong nakalap?
( Sa pamamagitan ng mga detalyeng ipinahayag sag rap sa tulong ng
pagkakaugnay ng mga datos na nakasaad dito.)
2. Paglalapat:
A. Panuto: Basahin ang sumusunod na kalagayan.Bigyang kahulugan ang grap na
nasa ilalim nito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na kasunod
nito.Pliin ang titik ng tamang sagot.

Kalagayan: May malaking poltri sina Mang Tomas at Aling Perla sa kanilang
bakuran. Linggu-linggo,nakakukuha sila rito ng maraming itlog.Inirarasyon ni
Aling Perla sa kanyang mga suki ang nakukuha nilang itlog.Ibig malaman ni
Aling Perla kung gaano karaming itlog ang naipagbibili nila sa isang buwan
kaya gumagawa siya ng grap.Narito ang grap na ginawa niya noong isang
buwan. Produksiyon ng Itlog sa Poltri ni Aling Perla
1. Anong linggo ang may pinakamataas na produksiyon ng itlog ?
a. Una B.Ikalawa C.Ikaapat
2. Ano namang linggo ang may pinakamaliit na produksiyon?
a. Una B.Ikalawa C.Ikatlo
3. Ano ang pinakamalapit na kabuuang produksiyon ng poltri sa loob ng
isang buwan?
a. 2560 B.1000 C.4000
4. Ilang itlog ang nakukuha sa Poltri ni Aling Perla sa Unang Linggo at
Ikalawang Linggo?
a. 1550 B. 1450 C. 1350 D.1550
5. Paano inaalagaan ni Aling Perla ang kanyang mga alagang manok?
IV. Pagtataya:

Panuto: Pag- aralan ang tsart ng bilang ng mga mag-aaral sa bawat baiting sa Mababang
Paaraalan ng Mabini.Sagutin ang mga tanong sa ilalim ng tsart.
1. Aling baiting ang may pinakamaraming mag –aaral?
2. Batay sa tsart,tumataas ba ang bilang ng mag aaral habang tumataas ng baiting?
3. Ilan ang bilang ng mag-aaral sa unang baiting?
4. Anong baiting ang may kaunting bilang ng mag –aaral?
5. Ilan lahat ang bilang ng mag-aaral mula sa una hanggang anim na baiting?
A.M
D.P

V. Takdang Aralin:

Gumawa ng grap ng gastos ng inyong pamilya sa loob ng isang buwan.

99
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
Linggo 8
Araw: 5
I. Nakakasulat ng liham pangangalakal. (F6WC-II h-23)
II. Paksang Aralin:
A. Paksa: Pagsulat ng liham pangangalakal.
B. Sanggunian: HSW,ph.148-153,LSW6,ph.200-203
C. Kagamitan: Tsart ng Liham pangangalakal,plaskard,aktibiti kard
D. Balyu: Kalinisan at kaayusan
III. Pamamaraan:
A Panimulang Gawain:
1. Pamukaw Sigla: Tula
Ang Aking Kaibigan
Ako ay may isang kaibigan,
kasama ko kahit saan man.
Siya ay mabait at mapagkatiwalaan,
iyan ang kanyang mga katangian.

Araw-araw kami ay magkasama,


sa hirap at ginhawa,sa saya at problema.
Di kami mag-iiwanan, pangako iyan,
hanggang sa dulo ng walang hanggan.

2. Pagsasanay:
Pagbasa ng mga salita sa plaskard.

Paghingi payo pagbati


Paanyaya pangangamusta pasasalamat
Pakikiramay pagtanggap kaibigan

3. Balik-Aral:
Anu-ano ang bahagi ng liham pangangalakal?

4. Pagganyak
May mga kaibigan ba kayo sa malalayong lugar? Paano ninyo sila
kinakamusta?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad

Pagbasa ng Liham Pangangalakal

100
2. Pagtatalakay:

3. Pangkatang Gawain:
Pangkat I at II

101
Narito pa ang isang liham-pangangalakal. Pansinin ninyo at sabihin kung
tama ang pagkakasulat. Kung hindi ay iwasto ang mali.

Pangkat III at IV

Sumulat ng kaparehong liham tungkol sa pag-oorder ng pagkain sa isang restawran.

4. Pag-uulat ng bawat pangkat

5 Pagsusuri
Anong uri ng liham ang isinulat ninyo?
Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng liham-pangkaibigan?
Anu-ano ang mga bantas na inyong ginamit?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:
Paano naisusulat ang liham pangangalakal?

2.Paglalapat:
Sumulat ng isang liham Pangangalakal.

IV. Pagbibigay-Halaga:
Panuto: Isulat nang wasto ang liham-pangangalakal na ito sa isang malinis na papel.
Ang ilalagda any ang iyong pangalan. Ipalagay na kayo ang pangulo ng klase.

Paaralang Sentral ng San Andres


San andres,Catanduanes
Ika-20 ng Agosto, 2017

Ang Tagapamahala ng Limbagan


Ginoo
Asia Events Digest Inc.
Quiapo Manila

Kasama po nito ang isang moneyorder sa halagang limang daang piso (Php
500.00) bilang kabayaran para sa isang taong subskripsyon ng Asia Events Digest. Mangyayari
po lamang simulan ang pagpadala sa buwan ng Agosto.

matapat na sumasainyo

____________________
A.M
D.P

V. Takdang-Aralin”

Sumulat ng isang liham-pasasalamat sa inyong mga magulang.

102
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANG MARKAHAN
Linggo: 9
Araw: 1
1.Layunin
Nabibigyang kahulugan ang pananalita ng tauhan sa napakinggan usapan. (F6PN-IIi-19)

II.Paksang Aralin
A.Paksa : Pagbibigay ng Kahulugan ang Pananalita ng Tauhan sa Napakinggan Usapan
B.Sanggunian : F6PN-IIi-d-19; Alab p. Pinagyamang Pluma p. 179-181
C.Kagamitan : Larawan ng kambing at usa, tsart
D.Pagpapahalaga : Pagtangggap ng Katotohanan

III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Pagsasanay
Pagbasa ng mga salita
Nagpapaala
Pagkadismaya
Nagtataka
Nagseselos
Pursigido
natuto

2.Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan ng usa at kambing
Ilarawan ang dalawang hayop.

3.Pag-alis ng Sagabal
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
kasibulan-
malaon -
malago -
payapa-
bumahid-

4.Pangganyak na Tanong
Paano natanggap ni Maki ang katotohanan na siya ay isang kambing?

B.Panlinang na Gawain
1.Paglalahad
Pagbasa ng ulat/kuwento-
“Anino”
Magkaibigan sina Maki at Waldo.Halos lahat ng oras sila ay magkasama. Madalas silang
mapagkamalang magkapatid. Ngayo’y kapwa na sila nasa kasibulan subalit walang nagbago sa
kanilang samahan. Hanggang dumating ang panahong may napansin si Maki. “Waldo, bakit
habang humahaba ang sungay mo ay ngakakaroon ito ng sanga?”
Habang tumatagal ay unti-unting nagkakaroon ng inggit sa puso ni Maki. “Lagi nalang si Waldo
ang pinapansin ng lahat lalo na ng mga kadalagahan. Kailangang gumawa ako ng sarili kong
paraan upang kao’y kanila ring mapansin.”
Hindi naman nagkulang sa pangaral ang mga magulang ni Maki. “Anak, tayong mga kambing ay
maikli lamang ang sungay. May balbas tayo at di gaanong tumatangkad. Iba ang anyo natin sa
mga usa. Masaya kami sa ating anyo.”
“Hahanap ako ng maaaring makatulong sa akin. Pagbalik ko’y makikita ninyo, sanga-
sanga na rin ang sungay ko.”
Nagpakalayo-layo ito hanggang siya’y nakatulog sa pagod at gutom.
Magtatanghali na ng siya’y gumising. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.

103
“Malago na ang sungay ko!” “Malago na ang sungay ko!” Ang paulit-ulit niyang sigaw.
Ngunit habang tumatagal ay lumalayo ang kanyang sungay. Bumahid ang lungkot sa kanyang
mukha nang mabatid niyang anino lang pala iyon ng punong kanyang sinandalan. Umuwi siyang
malungkot subalit puspos ng pagpapakababa. Ako’y isang kambing dapat kong tanggapin ang
katotohanan.

2.Pagtatalakay
Sino si Waki? Sino si Waldo? Ilarawan ang kani-kanilang katangian.
Bakit napagkamalang magkapatid sina Waldo at Maki?
Anong mahalang aral ang iyong natutuhan mula sa kwento?

3.Pangkatang Gawain
Pangkat I
Panuto: Bigyang kahulugan ang pananalita ng tauhan sa napakinggan usapan. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. “Lagi nalang si Waldo ang pinapansin ng lahat lalo na ng mga kadalagahan.
A. Si Maki ay naiinggit kay Waldo.
B. Si Maki ay nagpapansin sa mga kababaihan.
C. Si Maki ay magpapagandang lalaki.
2. “Anak, tayong mga kambing ay maikli lamang ang sungay. May balbas tayo at di
gaanong tumatangkad. Iba ang anyo natin sa mga usa. Masaya kami sa ating anyo.”
A. Nagagalit ang magulang sa mapaghangad na anak.
B. Masaya ang mga magulang sa katatanong ng anak.
C. Nagpaalaala ng katotohanan ang magulang sa kanilang anak.
3. “Hahanap ako ng maaaring makatulong sa akin. Pagbalik ko’y makikita ninyo, sanga-
sanga na rin ang sungay ko.”
A. Masigasig si Maki sa nais.
B. Mayabang si Maki sa kanyang itsura.
C. Mapaghanap ng sanga si Maki para magkasungay.
4. “Malago na ang sungay ko!” “Malago na ang sungay ko!”
A. Nakita niyang may tumutubong sungay sa kanyang ulo.
B. Nakapa niyang may tumutubong sungay sa kanyang ulo.
C. Dininig ng diwata ang kanyang panalangin na magkaroon ng sanga-sangang sungay.
5. Ako’y isang kambing dapat kong tanggapin ang katotohanan.
A. Nababaliw na si Maki sa katotohanan.
B. Natuto si Maki na tanggapin ang katotohanan.
C. Ang katotohanan ay nakasakit sa damdamin ni Maki.
Pangkat II
Panuto: Pagtapatin ang kahulugan ng kilos na isinasaad sa Hanay A sa kahulugan nito sa
Hanay B.
A B
_______1. Hindi tumigil si Maki hangga’t hindi nahahanap A. pagkadismaya
ang kasagutan sa kanyang tanong.
_______2. Natanggap din ni Maki ang katangian niya. B. nagtaka
_______3. Nakita ni maki na nagsanga-sanga na C. nagseselos
ang sungay ni Waldo
_______4. Nalaman ni Maki na anino lamang pala D. pursigido
ang sungay na inakala niyang kanya.
_______5. Iba ang naramdaman ni Maki nang Makita niyang E. natuto
maraming kadalagahan ang lumapit kay Waldo

A. Pangwakas na Gawain:
1.Paglalahat:
o Paano nabibigyan kahulugan ang pananalita ng mga tauhan sa
napakinggang kwento?
(Nabibigyan kahulugan ang pananalita ng mga tauhan sa pamamagitan ng pag-intindi ng
kilos nito.)

104
2.Paglalapat:
Panuto: Bigyang kahulugan ang pananalita ng tauhan sa napakinggan usapan. Bilugan
ang titik ng tamang sagot. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.
1.” Akala ko po’y hindi ko na kayo makakasamang muli”
2. “Dapat matuto ka nang tumayo sa sarili mong mga paa.”
3. “Aba, tanghali na’y tulog pa si Felipe.”
4. “Ayaw ko na pong maulit ang nangyari sa akin.”
5. “Kung hindi lang kami binigyan ng tak-dang aralin hindi talaga ako
pupunta dito sa laybrari.”

Nagsisi nagagalit nanghihinayang nayayamot nangangaral

IV.Pagbibigay-Halaga:
Panuto: Bigyang kahulugan ang pananalita ng tauhan sa napakinggan usapan. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.

1. “Baka abutan ka ni Tatay na tulog pa.”

2. “Anak, hindi ka ba nagsasawa sa apat na sulok n ating bahay?”

3. “Napakabagal bumasa ng humiram sa akin.”

4. “Bitiwan mu ako, parang awa mu na!”

5. “Tama si Nanay, mahalaga ang tungkulin naming mga aklat.”

Pagsang-ayon pagkainis pagmamakaawa pagkabahala pagtataka

AM:
DP:

V.Takdang Aralin:

Panuto: Makinig sa usapan o kwento at bigyan kahulugan ang pananalita ng mga ito.

105
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
IKALAWANG MARKAHAN
Linggo: 9
Araw: 2
I. Layunin:
Naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan.
(F6PS-IIfi-1)
Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon. (F4A-Oa-j-2)

II. Paksang Aralin:


A.Paksa : : Pagpapahayag ng Sariling Opinion o Reaksyon sa Isang Napakinggang Balita,
Isyu o Usapan
: Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon.
B.Sanggunian : Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa p. 197-199
C.Kagamitan : aktibiti kard, larawan
D.Pagpapahalaga : Pananampalataya

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1.Pamukaw Sigla:
Isang Awit (Awit na natutunan na)
2.Balik-aral:
Bigyan kahulugan ang pananalita ng bawat tauhan
a.Matalino ka, anak. Nakatitiyak akong magiging maganda ang iyong kinabukasan kung
makakatapos ka ng pag-aaral.
b.“Nais ko rin pong maglingkod sa Diyos, subalit kung inyo pong pahihintulutan, gagawin
ko po iyon sa ibang paraaan”
c.Mag-aaral pa rin ako sa kabila ng kakapusan sa pera, magiging mataas pa rin ang
markang makukuha ko.
d.“Masaya ako dahil umuwi ka, Anak”
e.“Salamat sa Diyos. Hindi niya binigo ang aking panalangin.

3. Pagganyak
Pagpapakita ng isang larawang nag-aabot kama.. Ano ang masasabi mo sa larawan? Ano
ba ang nais ipabatid nito?

4.Pag-alis ng Sagabal
Bigyan kahulugan ang mga salitang ito.
Determinasyon
linangin
asignatura
pagsubok
alalayan

106
5. Pangganyak na Tanong
Nagkaroon ka na ba ng alitan sa iyong mga magulang o kaibigan? Ano ang iyong ginagawa upang
malutas ito?
B. Panlinang na Gawain:
1.Paglalahad:
Iparinig sa mga bata ang isang usapan.
Kayang-kaya, Kasi Kasama Siya
Ang tulong Ko’y saapat sa lahat ng pangangailan mo….. 2 Cor.12:9 Nagkakaproblema ka
na ba sa iyong pag-aaral o relasyon mo sa iyong pamilya at mga kaibigan? Naiisip mo bang hindi
mon a kayang harapin ang mga problemang ito? Huwag kang mag-alala hindi ka nag-iisa.
Ikaw ay nabigyan ng tungkuling mapabuti ang iyong sarili sa pamamagitan ng determinasyon at
pagsususmikap. Binigyan ka ng Diyos ng karunungan kailangang linangin at pagyamanin.
Dapat mong gawin ang iyong bahagi. Palawakin ang iyong kaalaman. Magbasa ka ng
magbasa ng mga aklat nan a magpapaunlad sa iyong kaisipan at kakailanganin mo rin ang iyong
asignatura. Mula rito ay mapagtitibay sa iyong kaisipan ang mga kailangan mong matutunan.
Ipanalangin at itaas mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawang pagsususmikap upang ang
mga ito ay Kanyang mabasbasan.
Nagkaalitan at nagkagalit na ba kayo ng iyong magulang at mga kapatid? Napapansin mo
bang iniiwasan ka ng iyong mga kaibigan at madalas kayong magkatampuhan? Bago sisihin ang
iba sa iyong problema, siguro ay dapat mo munbang tanungin: Ano ba ang aking nagawa? O
Nasa akin ba ang problema?
May mga pagsubok na daraanan sa iyong pagsusumikap na mapabuti ang iyong sarili at
ang iyong mga mahal sa buhay. Mahirap man, huwag na huwag susuko dahil tiyak na aalalayan
ka ng Diyos. Umasa lamang sa kanya at tumawag. Kapag kasama Siyang lagi, tiyak na ang lahat
ay makakaya.

2.Pagtatalakay:
Pagsagot sa mga tanong.
1. Anong paksa ang tinalakay sa binasa?
2. Bakit sinabi ng may akda na “Huwag kang mag-alala hindi ka nag-iisa. “
3. Paano mo raw makakamit ang iyong mga pangarap sa buhay?
4. Anu-ano ang dapat gawin upang mapaunlad ang sarili? Bakit?
5. Bakit kayang nasabing: “Kayang-kaya, Kasi Kasama Siya”

3.Pangkatang Gawain:
Itanong ang mga pamantayan sa pangkatang gawain
Pangkat l
Panuto: Ipapahayag ang sariling opinion o reaksyon gamit ang wika sa sumusunod.
Ikaw ay nabigyan ng tungkuling mapabuti ang iyong sarili sa pamamagitan ng
determinasyon at pagsususmikap. Binigyan ka ng Diyos ng karunungan kailangang
linangin at pagyamanin.

Pangkat ll
Panuto: Ipapahayag ang sariling opinion o reaksyon gamit ang wika sa
sumusunod.
Dapat mong gawin ang iyong bahagi. Palawakin ang iyong kaalaman. Magbasa ka ng
magbasa ng mga aklat nan a magpapaunlad sa iyong kaisipan at kakailanganin mo rin
ang iyong asignatura. Mula rito ay mapagtitibay sa iyong kaisipan ang mga kailangan
mong matutunan.

Pangkat lll
Panuto: Ipapahayag ang sariling opinion o reaksyon gamit ang wika sa
sumusunod.
May mga pagsubok na daraanan sa iyong pagsusumikap na mapabuti ang iyong
sarili at ang iyong mga mahal sa buhay. Mahirap man, huwag na huwag susuko dahil
tiyak na aalalayan ka ng Diyos. Umasa lamang sa kanya at tumawag. Kapag kasama
Siyang lagi, tiyak na ang lahat ay makakaya.

107
C.Pangwakas na Gawain
1.Paglalahat
Paano naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu o
usapan (Naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu o
usapan sa pamamagitan ng pag-intindi o pag-unawa sa mga sitwasyon)

2.Paglalapat:
Ipahayag ang sariling opinion o reaksyon gamit ang wika sa sumusunod:

1.Sa kasalukuyan ang ating bansa ay nahaharap sa isang malaking hamon tungo sa
pagkakaisa’t kaunlaran.
2.Nararapat lamang na itaguyod ang wikang filipino sapagkat ito ang magbibigkis at
magpapatatag sa diwa’t damdamin ng pamilya, ng pamayanan at ng buong bansa.

IV. Pagbibigay Halaga


Panuto: Ipahayag ang sariling opinion o reaksyon gamit ang sariling wika sa sumusunod:
1. Si Gat Jose Rizal noon ay nag wika, ang hindi raw magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy
sa mabahong isda.
2. Ang mga gawain ng kabataan ay isang daan sa pagpapaunlad ng bayan.
3. Tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng iisang wika

A.M.
D.P.

V. Takdang Aralin

Panuto: Makinig sa balita sa radio o telebisyon at Ipahayag ang sariling opinion o reaksyon tungkol dito.

108
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
IKLAWANG MARKAHAN
Linggo : 9
Araw: 3
I.Layunin:
Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t – ibang sitwasyon. F6Ol-Iif-j-5
Nakasususlat ng panuto. F6WC-Iii-2.11
II.Paksang Aralin:
A.Paksa : Paggamit nang Wasto ng Pandiwa sa Pakikipag-usap sa Iba’t – ibang Sitwasyon
: Pagsuslat ng panuto.
B.Sanggunian: Pinagyamang Plumas a Wika at Pagbasa p. 162-163, at p 171-172
Alab sa Wikang Filipino 6, Pluma 6, p 256
C.Kagamitan: larawan, tsart, komik-istrip
D.Pagpapahalag: Pagkamatapat/Pagpanig sa tama
III.Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain:
1.Pamukaw -Sigla
“Kung ikaw ay Masaya”
2.Balik-Aral:
Magbigay ng mga salitang kilos mula sa inawit.
3.Pangganyak:
Kung ikaw ay naipit sa dalawang taong mahal mo na may di pag-uunawaan, ano ang
gagawin mo? Kanino ka papanig?
4.Pag-alis ng Sagabal:
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
nagkukubli -
harpa
balaan
kitlan ng buhay
pagkabalisa
B.Panlinang na Gawain:
1.Paglalahad:
Basahin ang kuwento.
Si David at si Jonathan
“David, ‘san ka?“ pabulong na tawag ni Jonathan habang hinahanap ang matalik na
kaibigan sa yungib kung saan ito nagkukubli.
Palihim na kinkatagpo ni Jonathan si David upang siya ay balaan. “Kaibigan, mag-iwas at
magtago ka sa mga kawal na papaslang sa iyo. Iniutos ng amang hari na ikaw ay hanapin at kitlan
ng buhay.”
Patawarin mo ang aking ama, David. Wala na siya sa tamang pag-iisip mula nang
talikuran siya ng Panginoon.
Ipinalangin ng mga Israelita na bigyan sila ng mamumuno sa kanilang tribu. At si Haring Saul ang
naging unang hari nito na ama ni Jonathan. Ngunit nang sumuway ito sa mga kautusan ng
Panginoon ay hindi na nagsalita pa sa kanya ang Panginoon.
Lagi siyang ginagambala ng masamag panaginip. Ito ang dahilan ng kanyang
pananamlay, pag-aalala at pagkabalisa sa tuwina.
Bukod sa musika ng kanyang harpa at pag-awit, mahusay ring mandirigma si David dahil dito ay
ginawa siyang pinuno ng mandirigma ng hari.
Nakuha ni David ang paghanga at paggalang ng kaharian at dahil ditto unti-unting
umusbong ang inggit at galit ni Haring Saul sa kanya.
Sa maraming banta at utos na pagpapatay ng hari kay David ay nakaligtas siya dahil sa tulong ng
Diyos.
2.Pagtatalakay:
1.Ilarawan si Haring Saul. Bakit siya nagging matamlay at balisa?
2.Ilarawan si David bilang isang mandirigma?
3.Bakit nais patayin ng hari si David?
4.Paano natututlungan ni Jonathan si David sa planong pagpapatay sa kanya ng hari?

109
5.Kung ikaw si Jonathan, at naipit sa dalawang taong mahal mon a may di pag-uunawaan, ano
ang gagawin mo? Kanino ka papanig?
6.Anu-ano ang mga salitang may salungguhit?
3.Pangkatang Gawain:
Pangkat I
Panuto: Salungguhitan ang wastong pandiwa sa loob ng panaklong upang mabuo ang
usapan.
1. (Nagdarasal, magdarasal) si David sa tuwina.
2. (Pinagtago, Ipinagtago) ni Jonathan si David laban sa kanyang mga kaaway.
3. (Sumunod, Sumusunod) ang butihing David sa kanyang kaibigan.
4. (Nakaligtas, Nakaliligtas) ang pinagpalang David.
5. (Tinulungan, Tinutulungan) ng Panginoon si David.
Pangkat II
Panuto: Sumulat ng panuto sa pasaing gamit ang sumusunod na pandiwa.
1. hugasan
2. lagyan
3. isaing
4. hintayin
5. kainin
Pangkat IIl
Panuto: Punan nang wastong pandiwa ang patlang upang mabuo ang pangungusap.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
1. ____________ ng hari si David.
2. ____________ ng harpa si David.
3. ____________ ng alalahanin ang musika ni David.
4. ____________ ng Diyos si David bilang susunod na hari.
5. ____________ ng magkaibigan ang mabubuti nilang katangian.

Nakawawala pinili Tumugtog Nakita pinatawag

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ano ang pandiwa? Paano ito magagamit nang wasto?
(Ang pandiwa ay mga salitang kilos. Magagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag-
usap o pangungusap.)
Paano makasusulat ng panuto? (Kailangang maikli at malinaw ang panuto upang madali
itong maintindihan.
2.Paglalapat:
Panuto: Sumulat ng panuto sa pagprito ng isda gamit ang mga sumusunod na pandiwa.
1. hugasan at hiwain
2. lagyan
3. painitin at lagyan
4. ilagay at hintayin
5. tingnan
lV. Pagbibigay Halaga:
Panuto: Sumulat ng panuto sa pagprito ng itlog na sunny side -up gamit ang mga
sumusunod na pandiwa.
1. Hugasan at painitin
2. lagyan
3. basagin at ilagay
4. kumuha
5. tingnan at ihain
V. Takdang Aralin:
Panuto: Sumulat ng panuto sa paggawa ng chicken sandwich gamit ang mga sumusunod na pandiwa.
1. Lutuin at himayin 4.ilagay
2. Lagyan 5.balutin
3. Tikman

110
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI

IKALAWANG MARKAHAN
Linggo : 9
Araw: 4
I.Layunin
Nabibigyang kahulugan ang tambalang salita. F6V-Iii-4.3
II.Paksang Aralin
A. Paksa : Pagbibigay Kahulugan sa Tambalang Salita. F6V-Iii-4.3
B. Sanggunian : Pinagyamang Plumas a Wika at Pagbasa p.212 Alab 6 p. 20-23
C. Kagamitan : tsart, larawan ng usa, at mga hayop sa gubat
D. Balyu : Pagsunod ng mga tuntunin ng sa silid-aklatan

III.Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain:
1.Pamukaw Sigla:
Isang awit na natutunan na.
2.Pagsasanay:
Pagbasa ng mga tambalang salita.
3.Balik-Aral:
Paano natin naibibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar na mga
salita?
4.Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan ng isang batang naglalaro.
5.Pag-alis ng Sagabal:
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod sa salita.
Punong barangay
Napatunayan
Pagluwas
Kakulitan
Pamunuan
5.Pangganyak na Tanong:
Ano kaya ang nagyari sa pangunahing tauhan sa kwento?

B.Panlinang na Gawain:
1.Pamantayan sa pagbasa ng tahimik
Pagbasa ng kuwento
Si Usaw-Ang Batang Usa
Nanawagan ng punong barangay na sa lahat na sisimulan na ang pagpapatayo ng tulay
sa kanilang barangay upang mapabilis ang pagluwas ng mga bungangkahoy at iba pang produkto
patungo sa bayan. Kaya iwasan ang pagpunta sa lugar na pinagtatrabahuhan dahil maaari kang
mabagsakan ng mga batong nakatambak doon. Maiiwasan ang aksidente kung mag-iingat tayo.
Natuwa si Mang Berto sa narinig. Napatunayan niyang hindi ningas-kugon sa gawain si Kapitan
Leon. Bukas-palad pa ito sa kanyang nasasakupan. Hindi rin usad-pagong ang pamunuan nito.
Agad pinaaalahanan ni Mang Berto ang mga anak. Alam niyang may kakulitan ang mga ito lalo
na si Usaw.
“Mga anak, tandaan ninyo ang panawagang ito ni Kapitan. Iwasan ninyong maglaro roon. Huwag
sana kayong taingang-kawali sa mga ipinagbilin ko!”
Kinabukasan, sinimulan na ang pagpapatayo ng tulay. Mula sa bahay ay dinig na dinig ni Usaw
ang pukpukan ng mga trabahador. Abot-tanaw lamang iyon sa kanilang lugar.
Hinintay ni Usaw na makalingat ang ama. Sa umpisa ay para siyang nagluluksong-tinik
pagkatapos ay mabilis na tumakbo papunta sa tulay na ginagawa.
Maya-maya, isang malakas na sigaw ang narinig ni Mang Berto. Boses iyon ni Usaw! Nasaan ba
ang batang iyon?

2.Tanong sa Pag-unawa:
1.Tungkol saan ang panawagan ni Kapitan Leon?

111
2.Ano ang ginawa ni Mang Berto nang marinig ang panawagan?
3.Kung, ikaw si Usaw, ano ang gagawin mon ang marinig ang pukpukan ng ginagawang
tulay?
4.Bakit mahalaga ang panawagan o babalang tulad ng ibinigay ni Kapitan Leon?
5.Ano ang iyong ginagawa kapag nakababasa o nakaririnig ka ng babala?
6.Anu-ano ang mga salitang may salungguhit?

2.Pangkatang Gawain
Pangkat I
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na tambalang salita.
1. Iwasan nating maging ningas-kugon sa mga gawain.
2. Tuwing dapit-hapon ay nakikinig ang mag-anak sa balita.
3. Hindi taingang-kawali ang kapitan sa pangangailangan ng kanyang nasasakupan.
4. Hindi na used-pagong ang mga sasakyan sa EDSA mula nang ipatupad ang kautusang
NO LEFT TURN.
5. Parang luksong-tinik ang ginawang pagtakbo ni Usaw.

Laro malapit nang gumabi tamad nagbingi-bingihan mabagal

Pangkat II
Panuto: Itapat ang Hanay B sa Hanay A
Hanay A Hanay B
1. Mababaw ang luha ng batang gumanap A. nanay
na bida sa kwento.
2. Mapagmahal ang mga ilaw ng tahanan B. bata pa
3. Kahit may gatas pa sa labi si Teresa, C. sinungaling
siya ay inaasahan nang magturo sa aralin ng nakababatang kapatid.
4. Malawak ang isip ng mga kasapi sa progara- D. madaling umiyak
mang pantahanan ng kanilang lugar.
5. Walang katotohanan ang sinasabi ng mga E. madaling umunawa
naglulubid ng buhangin

Pangkat lll
Panuto: Bumuo ng bagong salita. Pagtapatin ang magkaugnay na salita sa hanay A at
hanay B upang makabuo ng bagong tambalang salita upang mabigyan mo ng kahulugan
ang mga salita sa bawat bilang.

A B
Urong tainga bukang hapon kutsero sulong
kuwentong dapit liwayway kawali

_______ 1. Di-totoo, haka-haka, tsismis, sabi-sabi


_______ 2. Nag-atubili, nagdadalawang -isip
____ 3. Nagbingi-bingihan
__________ 4. Paglubog ng araw, hapon na, malapit nang dumilim
______ 5. Pagsikat ng araw, mag-uumaga na.
C.Pangwakas na Gawain:
1.Paglalahat:
o Ano ang tambalang salita?
o Paano ito nabibigyan ng kahulugan?

112
o (Ang tambalang salita ay dalawang salitang pinagsama upang makabuo ng
bagong kahulugan. Binibigyan ito ng kahulugan sa paggamit nito sa
pangungusap at sa malalim nap ag-unawa.

2.Paglalapat:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng tambalang salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng panklong.
1. Nakapinid man ang tainga ng pinuno, ipinabot pa rin ng mga manggagawa ang kanilang
panukala.
(salita ng salita, gustong mag bitiw sa tungkulin, ayaw makinig)
2. Nagdilang-anghel sa kanyang sinabi ang palabasang bata.
(nagkatotoo ang sinabi, tumupad sa ipinangako, nagsisi sa sinabi)
3. Maganda ang naging guhit ng kanyang palad dahil sa kanyang pagsisikap.
(kasaysayam, kapalaran, kabuhayan)
4. Kumakalam man ang sikmura, hindi naisip ni Juan na gumawa ng masama.
(busog, kinakabagan, gutom)
5. Walang batang buto’t balat sa kanilang kumonidad dahil sa masaganang pananim sa
paligid. (iyakin, tamad, payat)

IV.Pagbibigay-Halaga:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng tambalang salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng panklong.
1. Ningas-kugon sa mga gawain ang taong tamad.
(iyakin, batugan, payat)
2. Mababaw ang luha ng ate sa pagganap sa kanyang papel sa teyatro.
(iyakin, kinakabagan, masayahin)
3. Naglulubid ng buhangin ang taong nanloob sa kabilang barangay.
(nagsasabi ng totoo, nagsisinungaling, nagbibiro)
4. Taingang-kawali ang kapitan sa hinaing ng mga pamayanan.
(nagbingi-bingihan, nag-uunawaan, nalalaman)
5. Urong-sulong si Ama sa pagluwas sa lungsod.
(buo ang isip, nasisisyahan, nagdadalawang-isip)

A.M.
D.P.

V.Takdang –Aralin:
Magbigay ng sampung tambalang salita at ibigay ang kahulugan nito.

113
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI

IKALAWANG MARKAHAN
Linggo : 9
Araw: 5
l. Layunin:
Nagagamit nang wasto ang silid-aklatan sa gawaing pampanaliksik. F6SSIIi-13

ll. Paksang Aralin:


A.Paksa : Paggamit nang Wasto ang Silid-aklatan sa Gawaing Pampanaliksik
B.Sanggunian : Alab sa Wikang Filipino 6, p184-185 Pluma 6 p 298-299
C.Kagamitan : tsart ng Kard Katalog
D.Balyu : Pagiging Maparaan
III.Pamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1.Pagsasanay:
Pagbasa ng mga sumusunod na salita.

Kard ng May-Akda Kard Katalog


Kard ng Pamagat Call Card
Kard ng Paksa Pinalimbag
2.Balik-aral:
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.
Dugong-bughaw
Bahay-kubo
Takip-silim
Bukang-liwayway
Luksong -tinik
Silid-aklatan
3.Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan. Ano ang nakikita mo sa larawan? Paano mo ito gagamitin nang
wasto sa pagsasaliksik?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Dula-dulaan
Jose: Mayroon tayong takdang aralin sa Pilipino. Gusto kong pumunta sa laybrari ngunit
hindi ako marunong magsalik doon.

Christian: Madali lang iyon. Maraming anekdota, talambuhay o kwentong mababasa sa ,


makikita sa eksaktong aklat na babasahin sa tatlong uri ng kard katalog

Jose: Ano ba ang Kard Katalog?

Christian: Ang Kard Katalog ay isang sistemang nakakatulong upang mapadali ang
paghahanap ng mga libro sa silid-aklatan. Ito ay koleksiyon ng tatlong uri ng kard. Ang

114
mga kard na ito ay nakaayos ng paalpabeto. Ang bawat kard ay may call number na
nagtuturo kung saan sa silid-aklatan ito matatagpuan.

Jose: Ganoon ba? Anu-ano naman ang uri ng kard katalog?


Christian: Ang tatlong uri ng kard katalog ay:
1. Kard ng May-akda na kung saan ang pangalan ng may akda ay nakasulat sa itaas ng
kard. Unang nakasulat ang apelyido nito at nakaayos ng paalpabeto. Tulad nito.
Tsarisma, Rafael G.
Alab ng Wikang Filipino 6
Innovative Educational Materials, Inc.

2. Kard ng Pamagat naman ay ginagamit kung alam mo ang titulo o pamagat ng aklat.
Ito ay nakasulat sa itaas ng kard. Tulad nito.

Alab ng Wikang Filipino 6


Tsarisma, Rafael G.
Innovative Educational Materials, Inc.

3. Kard ng Paksa ay ginagamit kung hindi mo tiyak ang sanggunian hahanapin. Ang paksa
ang unang nakasulat sa itaas na bahagi ng kard.
Wika at Panitik
Tsarisma, Rafael G.
Alab ng Wikang Filipino 6
Innovative Educational Materials, Inc.

Jose: Alam ko na ngayon kung paano gagamitin ang silid-aklatan sa aking pananaliksik. Halika na,
na tayo roo.
2.Pagtatalakay:
1. Sinu-sino ang nag-uusap?
2. Tungkol sa ano ang kanilang pinag-uusapan?
3. Ilan ang uri ng kard katalog?
4. Ano ang pagkakaiba ng bawat isa? Pagkakatulad?
5. Paano ito makatutulong sa iyong pananaliksik?
6. Anong merong katangian ka kung naghahanap ka ng solusyon sa iyong suliranin?
3.Pangkatang Gawain:
Pangkat 1
Panuto: Suriin ang kard Katalog sa ibaba. Isulat sa patlang ang tamang sagot
batay sa mga impormasyong nakalagay sa kard katalog.
899.1
Sa5h Hiyas ng Lahi: panitikang pambata,
Ikalimang baitang
Santos, Frederico Doval H.
Hiyas ng Lahi: panitikang pambata,
Ikalimang baitang-Paranaque
Era Phils., Inc., c 1979

1.Ang kard katalog ay kard ng ______________________.


2.Ang aklat ay inilimbag ng ________________________.
3.Ang aklat ay tungkol sa _________________________.
4.Ang aklat ay isinulat ni _________________________.
5.Ang aklat ay inilimbag noong ____________________.
6.Ang aklat ay ukol sa mga batang nag-aaral sa ________________ baitang.

115
Pangkat ll
Panuto: Suriin ang kard Katalog sa ibaba. Isulat kung ito ay kard ng May-akda,
Kard ng Pamagat o Kard ng Paksa

920.9
Sa5b
1. Mga Batang Naging Dakila
Aurea Jimenez Santiago
Quezon City: J.C. Enterprises,c
1968

2. E PICTURE BOOK
M96H
Murray, Linda
How to draw: Prehistoric
Animals / by Linda Murray
--(): Watermill Press, c 1994

920.9
3. Sa5b
ANEKDOTA
Santiago, Aurea Jimenez
Mga Batang Naging Dakila
Ni Aurea Jimenez Santiago
Quezon City: J.C. Enterprises,c
1968

C.Pangwakas na Gawain:
1.Paglalahat:
Paano magagamit nang wasto ang silid-aklatan sa pananaliksik? Anu-ano ang
mga dapat gawin?
1.Pumili lamang ng isang uri ng kard sa kard katalog.
2.Tiyaking mababasa agad ang mga nakatalang impormasyon sa kard.
3.Isulat sa papel ang nilalaman ng napiling kard.
4.Itala sa papel ang call number o bilang ng aklat sagawing itaas ng kaliwang
bahagi ng kard.
5.Isauli sa cabinet ang katalog nang buong ingat.
6.Ibigay sa librarian ang call number ng aklat na hihiramin.
2.Paglalapat:
Panuto: Isulat kung anong kard katalog ang iyong gagamitin sa pagsaliksik ng mga
sumusunod. Isulat kung ito ay kard ng May-akda, Kard ng Pamagat o Kard ng Paksa

1. Gusto mong basahin ang kauna-unahang nobela ng paborito mong manunulat. Pumunta
ka sa silid aklatan upang ito ay hiramin ngunit hindi mo alam kung mayroon nito roon at
kung saan mo kukunin.
2. Kailangan mong magsaliksik tungkol sa paksang iyong iuulat sa klase. Gusto mong
malaman kung anu-anong sangguninaan sa silid-aklatan ang maaaring mapakunan ng
impormasyon o datos na kailangan mo.
3. Nais mong malaman kung anong aklat na isinulat ng tanyag na manunulat na si Severino
Reyes ang nasa inyong silid aklatan.

116
IV.Pagtataya:
Panuto: Isulat kung anong kard katalog ang iyong gagamitin sa pagsaliksik ng mga sumusunod.
Isulat kung ito ay kard ng May-akda, Kard ng Pamagat o Kard ng Paksa

1. Naatasan ka ng inyong guro upang hanapin sa card catalog kung sino ang may akda ng aklat na
may pamagat na “Mga Katutubong Sayaw ng Pilipinas”
2. Gusto mong malaman kung anu-anong aklat tungkol sa enerhiya ang mayroon sa silid -aklatan.
3. Gusto mong magbasa ng mga isinulat ni Jose Rizal.
4. Nais mong malaman kung sino ang sumulat ng paborito mong aklat na binabasa.
5. Mayroon kayong takdang aralin tungkol sa enerhiya, ngunit hindi moa lam kung anong
sanggunian mo.

A.M.
D.P.

V.Takdang-Aralin:
Panuto: Pumunta sa silid-aklatan at magsaliksik ng takdang -aralin sa Agham. Gumamit ng kard
katalog. Isulat ang nilalaman ng napiling uri ng kard katalog sa isang kapirasong papel at ipakita sa guro.

117
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
Ikalawang Markahan
Linggo 10
Araw 1
I. Layunin
Nailarawn ang tauhan batay sa damdamin nito. F6PS-IIj-12.1
II. Paksang –Aralin
A. Paksa: Paglarawn ng Tauhan Batay sa Damdamin
B. Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 6 d 214-216
C. Mga Kagamitan
Kuwento, larawan, tsart
D. Balyu: Mapagpatawad/Mapagkumbaba

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw Sigla: Awit (Tayo nang sumakay sa kabayo)

2. Pag-alis ng Sagabal
Nagtataingang -kawali
Palalong
Nag-uurong-sulong
Pangungutya
Pagkahapo

3. Balik- Aral:
Panuto: Bigyang kahulugan ang pananalita ng tauhan sa napakinggan
usapan.

1. “Baka abutan ka ni Tatay na tulog pa.”


2. “Anak, hindi ka ba nagsasawa sa apat na sulok n ating bahay?”
3. “Napakabagal bumasa ng humiram sa akin.”
4. “Bitiwan mu ako, parang awa mu na!”
5. “Tama si Nanay, mahalaga ang tungkulin naming mga aklat.”

4. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan ng kabayo at baka.
Alin sa dalawang hayop ang higit na nakakatulong sa kanilang amo?
Bakit?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ilahad ang pamagat ng kwento. Ipaalala ang mga pamantayan
sa pakikinig. Iparinig ang kwento sa klase.
Naglahong Himutok
“Tsk, tsk, tsk! Hiya! Bilisan mo ang takbo! Kailangang
marami tayo ng pasahero. Ang utos na narinig ni Karyong
Kabayo sa kanyang among Kutsero habang tinatahak nila ang
kalsada kasabay ng pagbubukang liwayway.
Araw-araw niyang hila ang kalesa. Mula umaga
hanggang dapit-hapon ay nasa kalye siya at naghahanap buhay.
Mabait at maalaga sa kanya ang kanyang amo. Bago sila
lumakad ay sinisiguro ng amo na siya ay busog at lagging siya

118
ay nasa kondisyon dahil sa kanya nakasalalay ang ikabubuhay
ng pamilya.
Pagdating sa hapon, kahit pagod, natutuwa siya dahil
nakakatulong siya sa kanyang amo. Sa pagmumuni-muni niya,
biglang sumagi sa kanyang isip ang pang-iinggit ni Bertong
Baka.
“Bakit ba may takip ang mga mata mo? Baka mabangga
ka sa kanto. Hindi mo ako gayahin. Wala akong ginagawa kundi
manginain. Wala ring latigong lumalatay sa aking katawan.”
, “Ako ba’y isinilang upang magdusa at magpakahirap
habang ang iba ay magpasarap?” May luhang namuo sa
kanyang mga mata.
“Huling araw na ito ng aking pamamasada. Bukas na
bukas din ay lalayas na ako.”
“Saan ka ba galling?” Naulinigan niyang tanong ng amo
sa amo ni baka. “Malapit na ang pasukan at malaking halaga
ang kailangan para sa matrikula ng mga anak ko.
Napagpasiyahan kong ipagbili ang kaisa-isa kong baka. Sa
darating na Linggo’y nakatakdang katayin ang baka ko.”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Karyo dahil sa
narinig. Lahat ng binalak niya’y naglahong parang bula.

2. Pagtatalakay
1. Paano inalagaan si Karyong Kabayo ng kanyang amo?
2. Masasabi mo bang nagustuhan din ni Karyo ang kanyang
ginagawa araw-araw?
3. Sa paanong paraan nagbago ang paningin ni Karyo sa kanyang
trabaho at sa kanyang sarili?
4. Anong plano ang nais niyang isagawa nang maisip niya ang
puna ni Bertong Baka?
5. Bakit biglang naglaho ang himutok ni Karyo bago niya isagawa
ang kanyang plano?

3. Pangkatang Gawain
Pangkat I

Panuto: Ilarawan ang tauhan batay sa damdaming ipinahiwatig


nito. Punan ang kulang letra upang mabuo ito.

1. Sinisiguro ng amo ni Karyong Kabayo na siya ay busog at lagging


siya ay nasa kondisyon bago pumasada. Ang amo ni Karyong
Kabayo ay m__ al __ __ a.
2. Tinutukso, pinagyayabanga, at pinariringgan ni Bertong Baka si
Karyong Kabayo. Si Bertong Baka ay p __ l __ ___ o.
3. Naapektuhan si Karyong Kabayo sa panlalait ng baka sa kanya, kaya
nagplano siyang lumayas. Si Karyong Kabayo ay mar__ __ d __ __
__ n.
4. Mula umaga hanggang dapit-hapon ay nasa kalye siya at
naghahanap buhay. Si Karyong Kabayo ay ma __ __ p __ __.
5. Nalungkot at naawa sa sariling nagtatanong si Kardong Kabayo,
“Ako ba’y isinilang upang magdusa at magpakahirap habang ang iba
ay magpasarap?” Si Karyong Kabayo sa oras na ito ay m_ b _ _ a
ang tingin sa sarili.

Pangkat II

119
Panuto: Ilarawan ang tauhan batay sa damdaming ipinahiwatig nito.
Hanapin ang sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

1. “Huling araw na ito ng aking pamamasada. Bukas na bukas din ay


lalayas na ako.”
2. “Malapit na ang pasukan at malaking halaga ang kailangan para sa
matrikula ng mga anak ko.”
3. Napagpasiyahan kong ipagbili ang kaisa-isa kong baka. Sa darating
na Linggo’y nakatakdang katayin ang baka ko.”
4. “Bakit ba may takip ang mga mata mo? Baka mabangga ka sa
kanto. Hindi mo ako gayahin.
5. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Karyo dahil sa narinig.
Lahat ng binalak niya’y naglahong parang bula.

Nawala ang tampo nagdaramdam nanunudyo buo ang loob nag-aalala

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano nailarawan ang tauhan sa kwento? Nailarawan ang tauhan sa kwento
batay sa damdamin nito.

2. Paglalapat

Panuto: Ilarawan ang tauhan batay sa damdaming isinasaad nito. Itapat ang
Hanay A sa Hanay B.
Hanay A Hanay B

_______1. Hindi tumigil si Maki hangga’t hindi nahahanap A.


pagkadismaya
ang kasagutan sa kanyang tanong.
_______2. Natanggap din ni Maki ang katangian niya. B. nagtaka
_______3. Nakita ni maki na nagsanga-sanga na C. nagseselos
ang sungay ni Waldo
_______4. Nalaman ni Maki na anino lamang pala D. pursigido
ang sungay na inakala niyang kanya.
_______5. Iba ang naramdaman ni Maki nang Makita niyang E. natuto
maraming kadalagahan ang lumapit kay Waldo
IV. Pagtataya

Panuto: Ilarawan ang tauhan batay sa damdaming isinasaad nito. Itapat ang Hanay
A sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
______1.” Akala ko po’y hindi ko na kayo makakasamang muli” A. Nagsisi
______2. “Dapat matuto ka nang tumayo sa sarili mong mga paa.” B. nagagalit
______3. “Aba, tanghali na’y tulog pa si Felipe.” C.nanghihinayang
______4. “Ayaw ko na pong maulit ang nangyari sa akin.” D. nayayamot
______5. “Kung hindi lang kami binigyan ng tak-dang aralin E. nangangaral
hindi talaga ako.

A.M

D.P

V. Takdang – Aralin
Pumili ng isang maikling kwento. Bumuo ng limang literal na tanong mula sa
iyong napiling kwento.

120
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
Ikalawang Markahan
Linggo 10
Araw 2

ILayunin:
Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t – ibang sitwasyon.
F6Ol-Iif-j-5
Nakasususlat ng panuto. F6WC-Iii-2.11
II.Paksang Aralin
A.Paksa : Paggamit nang Wasto ng Pandiwa sa Pakikipag-usap sa Iba’t –
ibang Sitwasyon
: Pagsuslat ng panuto.
B.Sanggunian : Pinagyamang Plumas a Wika at Pagbasa p. 142-143, at p 157
Alab sa Wikang Filipino 6 p 181-182
C.Kagamitan : larawan, tsart, komik-istrip
D.Pagpapahalaga: Pagkamatapat/Pagpanig sa tama

III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Pamukaw -Sigla (Awit na natutunan na)
2.Pagsasanay
Gampanan punuin sinasariwa ipinagtanggol
ipinagbilin
3.Balik-Aral
Magbigay ng mga salitang kilos mula sa inawit.
4.Pangganyak
Pagpapakita ng larawan ng mga bayani. Sino-sino ang mga bayaning
ito? Ano ang nagawa nila sa bayan?
5.Pag-alis ng Sagabal
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
Nakahanay
Ulila
Mapariwara
Nakahanay
Tangan
B.Panlinang na Gawain
1.Paglalahad
Basahin ang kuwento.
Dakilang Pagkakataon
Handang-handa na ang mga Hapones. Mahigpit nilang tangan ang
baril na may makintab na bayonita sa dulo. Nakahanay sila sa isang hukay ng
kayumangging lupa na nanatiling basa.
Nakabibingi ang katahimikan. Maramdaman ang kalungkutan sa mga
huni ng ibong nakadapo sa sanga.
Sinisikap ni Jose Abad Santos na punuin ang kanyang alaala sa huling
sandal. Sinasariwa niya ang dahilan kung bakit nandoon siya sa isang piitan
ng mga makasalanan.
Pumasok sa kanyang gunita ang ang pagsiklab ng digmaan. Ipinagbilin
sa kanya ni Manuel L. Quezon ang kapanganakan ng bayan. Kailangan niyang
gampanan ang kanyang tungkulin. Ipagtatanggol niya ang bansa. Hindi siya
papayag na kalayaan ay mapariwara.
Ang mga sandal ay matuling lumipas. Naramdaman ni Jose ang
papalapit na mga yabag ng kanyang anak na lalaki na si Pepito. Nakangiti siya
nang iangat niya ang kanyang ulo subalit mapanglaw na sulyap lamang ang
itinugon ng anak.
“Harapin na natin ang lahat. Tibayan natin ang ating kalooban,” sabi ni
Jose.

121
2.Pagtatalakay
1. Sino si Jose Abad Santos?
2. Ano ang nangyari sa kanya?
3. Bakit nasabi ni Jose Abad Santos ito sa kanyang anak? “Harapin na
natin ang lahat. Tibayan natin ang ating kalooban,”
4. Paano mo ipinapakita ang iyong pagmamahal sa bayan?
3.Pangkatang Gawain
Pangkat I
Panuto: Salungguhitan ang pandiwa sa pangungusap at gamitin itong muli sa
usapan.
6. Nakahanay sila sa isang hukay ng kayumangging lupa na nanatiling basa.
7. Maramdaman ang kalungkutan sa mga huni ng ibong nakadapo sa sanga.
8. Sinisikap ni Jose Abad Santos na punuin ang kanyang alaala sa huling sandal.
9. Sinasariwa niya ang dahilan kung bakit nandoon siya sa isang piitan ng
mga makasalanan.
10. Pumasok sa kanyang gunita ang ang pagsiklab ng digmaan.
Pangkat II
Panuto: Gamitin ang sumusunod na pandiwa sa usapan.
Ipinagbilin
Gampanan
Papaya
Ipinagtanggol
Mamamatay
Pangkat IIl
Panuto: Gamitin ang sumusunod na pandiwa sa usapan.
Nag-iisip
Kagigising
Sinunod
Nangaral
Tumawa
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang pandiwa? Paano ito magagamit nang wasto?
(Ang pandiwa ay mga salitang kilos. Magagamit nang wasto ang pandiwa
sa pakikipag- usap o pangungusap.)
2. Paglalapat
Panuto: Tapusin ang usapan gamit ang wastong pandiwang.
Nag-uusap ang mga mag-aaral ng kanilang takdang aralin tungkol sa
nagawa ng mga bayani sa ating bansa.
Gabby: Si Dr. Jose Rizal ay ________ ng Noli Metangeri.
Adriel: Si Jose Llanes Escoda naman ay _______ sa mga sundalong maysakit.
Marie: _______ naman ng Katipunan si Andres Bonifacio.
Larry: ________ sa mga kaaway naman si Hen. Emilio Aguinaldo para sa ating
bansa.
Lian: Sila ang mga bayaning _________ sa ating mga ninuno.
lV. Pagbibigay Halaga
Panuto: Tapusin ang usapan gamit ang wastong pandiwang.
Ang magkapatid ay matutulog na at sila’y magdadasal.
Liza : Ama naming Panginoon, __________ Ninyo po kami sa aming
pagkakasala.
Ana: Kami po ay ________ sa lahat ng biyayang Iyong _________.
Liza: ______ Ninyo po kami sa aming gawain araw-araw.
Ana: Nawa’y Ikaw po ay nasa aming tabi sa aming _________
Liza at Ana: Amen.
V. Takdang Aralin:
Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na pandiwa sa usapan.
1.Maglalaro 4.nagbabasa
2.Nagluto 5.nagtulungan
3.Naglinis

122
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
Ikalawang Markahan
Linggo 10
Araw 3
I. Layunin:
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di pamilyar na salita sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa ibang asignatura. F6V-IIj-1.16

II. Paksang- aralin

A. Pagbibigay ng Kahulugan ng Pamilyar at Di-pamilyar na Salita sa


Pamamagitan ng Pag-uugnay sa Ibang Asignatura.
B. Sanggunian: Pluma 6 d 44, 55 Alab 6, d 7-8
C. Kagamitan: tarpapel, tsart, larawan
D. Balyu: Magtanim ng maraming puno

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw- sigla: Awit ( Magtanim ay di-biro)
2. Pagsasanay:
Basahin ang mga sumusunod na mga salita.

konsentrasyon nakapagpalubha nagdudulot

pagkawasak Taga-sipsip
3. Balik:
Pagtapating ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar na
salita.

1. Banta sa buhay ng mga batang pagong ang mga naninilang hayop na


gustong kumain sa kanila.
2. Dahil maliwanag ang buwan, naaninag niya ang mga bagay sa
kanyang paligid.
3. Ayaw siyang tantanan ng mga pusa.
4. Simulan na ng maaga ang paglalakbay upang makarating sa
patutunguhan.
5. May mga taong may malasakit sa sa kalikasan.

Paroroonan tigilan tagakain ng ibang hayop paroroonan nakikita


4. Pagganyak na Tanong
Pagpapakita ng larawan tigang na lupa at baha. Ano ang masasabi niyo
sa larawang ito
5. Pag – alis ng sagabal
Atmospera nitrogen oxygen siyentipiko Carbon
dioxide
6. Pangganyak:
Bakit nagkakaroon tayo ng baha? Bakit wala na ng puno ang ating
kagutan?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
(Pakinggan ang babasahing talata ng guro)

123
Mahalaga ang atmospera sa pagkakaroon at pagpapatuloy ng daloy ng
buhay sa daigdig. Ito ay binubuo ng iba’t-ibang uri ng gas na kailangan natin
at iba pang may buhay. Ang 78 porsyento nito ay nitrogen na kailangan ng
pagtubo ng mga halaman. Ang oxygen na bumubuo ng 21% nito ay gas na
hinihinga natin. Ang carbon dioxide, ang gas na kailangan ng mga halaman
sa paggawa ng mga pagkain, ay nagpapanatili ng sapat na init sa daigdig
kung kaya nagging posible ang pagkakaroon ng buhay nito.
Di tulad ng nitrogen at oxygen, ang carbon dioxide ay maaaring
magpabago-bago ang dami ng konsentrasyon sa atmospera. Ayon sa pag-
aaral ng siyentipiko, pataas na pataas ang konsentrasyon nito bunga ng mga
gawaing industriyal ng mga tao na nagpapalubha sa malawakang pagkakalbo
ng mga kagubatan.
Kung hindi mapigilan ang malakas na pagbubuga ng carbon dioxide sa
atmospera maging tataas ang temperatura sa mundo. Nagdudulot ng
maraming suliraning pangkapaligiran. Ang mga kagubatan, ang taga-sipsip
ng carbon dioxide.
2. Pagtatalakay
Pagsagot sa pangganyak na tanong.

A. Bakit nagkakaroon tayo ng baha? Bakit wala na ng puno ang ating


kagutan?
B. Ano ang atmospera? Gaano ito kahalaga sa mga nilalang may
buhay?
C. Ano ang carbon dioxide? Sino ang nangangailangan nito?
D. Ano ang kailangan ng mga halaman upang tumubo ito?
E. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa pangangalaga
sa ating kapaligiran?
F. Sa anong asignatura mababasa ang mga salitang may
salungguhit?

3.Pangkatang Gawain:
Pangkat I
Panuto: Bigyan kahulugan ang nakapahilis na salita. Itapat ang Hanay B sa
Hanay A.
Hanay A Hanay B

1. Mahalaga ang atmospera sa pagkakaroon at A. bahagdan


pagpapatuloy ng daloy ng buhay sa daigdig.
2. Ang 78 porsiyento nito ay nitrogen na kailangan B. malinis na
hangin
ng pagtubo ng mga halaman.
3. Ang oxygen na bumubuo ng 21% nito ay gas na C. Hanging
bumabalot
hinihinga natin. Sa
daigdig
4. Ang carbon dioxide ay maaaring magpabago-bago D.
mananaliksik sa
ang dami ng konsentrasyon sa atmospera. agham
5. Ayon sa pag-aaral ng siyentipiko, pataas na pataas E. maruming
hangin
ang konsentrasyon nito bunga ng mga gawaing industriyal

Pangkat II
Panuto: Bigyan kahulugan ang nakapahilis na salita. Hanapin ang sagot sa
loob ng panakalong.

124
1. Mapusyaw ang liwanag ng buwan, hindi tulad ng sa araw.
2. Masayang nagbunyi ang mga manlalaro dahil sila ay nanalo.
3. Nagbabago ang ating kakayahan at karanasan sa bawat yugto ng ating
buhay.
4. Ang sargassum na nakabalot sa lumulutang na kahoy ang kanyang
naging pagkain at taguan.
5. Banta sa buhay ng mga batang pagong ang mga maninilang hayop na
gustong kumain sa kanila.

Nagdiwang kabanata maputla tagakain ng ibang hayop seaweeds


P
angkat III
Bigyan kahulugan ang nakapahilis na salita. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Kalahi, kapatid, o kapanalig ang turing sa kanila ng mga katutubo.


2. Ang tawag sa taong nangangaral ng salita ng Diyos sa iba’t-ibang lugar.
3. Nagkasakit ang mga katutubo dahil sa makapangyarihang nuno, tikbalang,
aswang o manananggal.
4. Nagkaroon ng malawakang pagkalat ng sakit sa mga tao sa bayang ito.
5. Sakit na dala ng kagat ng lamok sa kabundukan.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano nakapagbibigay ng kahulugan sa pamilyar at di-pamilyar na salita?
(Nakapagbibigay ng kahulugan sa pamilyar at di-pamilyar na salita sa
pamamagitan ng pag-uugnay nito sa iba’t-ibang asignatura.
2. Paglalapat:
Panuto: Bigyan kahulugan ang mga salitang may salungguhit.

1. Ag calculator ginagamit ng marami particular ng negosyante at


inhinyero.
2. Nakuha ang kaisipan ng pagkalkula sa pamamagitan ng abacus.
3. Ilang siglo ang iginugol ng mga imbentor upang mabuo ang
calculating machine.
4. Ang unang simpleng digital calculating machine ay naimbento ni
Blaise Pascal ng siya ay labingsiyam na taong gulang.
5. Malaki ang tulong nito sa pagkukwenta lalo na kung may kalakihan
ang halaga.

V.Pagbibigay-Halaga:

Panuto: Bigyan kahulugan ang mga salitang may salungguhit.

1. Malaking isyu ngayon ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa


lumulubhang polusyon sa lupa, tubig, at hangin.
2. Malulutas ang suliraning ito kung makikipagtulungan ang bawat tao.
3. May mga batas na dapat sundin at may mga kautusang ipinatutupad
ang ating pamahalaan.
4. Magiging malinis ang paligid kung gagawin ng bawat isa ang kanilang
tungkulin.
5. Tayo ang dapat mangalaga na likas na kayamanan at ang pag-unlad
ng bayan ay sa atin nakasalalay.

V.Takdang Aralin
Magbasa ng aklat sa ibang asignatura at bigyan kahulugan ang di-pamilyar na salita.
125
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
Ikalawang Markahan
Linggo 10
Araw 4
I. Layunin: Naipakita ang pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan ng
pagsasadula ng naibigang bahagi. F6VC-IIcj-12
II. Paksang – Aralin
A. Paksa: Pagakita ng Pag-unawa sa Pinanood sa Pamamagitan ng
Pagsasadula ng Naibigang Bahagi.
B. Sanggunian:
F6VC-IIcj-12, Alamat ng Pinya
(https://www.youtube.com/watch?v=MUb3yfuR_ow)
Langgam at Tipaklong (https://youtu.be/MXZzxBPCVE4?t=7
Kwentong Pampamilya. (https://youtu.be/cOWSPAsQZAc?t=234)
C. Kagamitan: telebisyon, mga kwento sa internet
D. Balyu: Pagkamasunurin
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw Sigla:
Awit na natutunan na.
2. Balik – Aral
Sa nabasa nating mga kwento, ano ang pinakagusto ninyo? Isalaysay ito
sa klase
3. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng pinya.
Alam niyo ba ang kwento ng pinya? Bakit kaya naging pinya ang
tawag natin dito?
B. Paglinang na Gawain
1. Paglalahad:
2. Pamantayan sa panonood.
Palabasin sa telebisyon ang Alamat ng Pinya.
https://www.youtube.com/watch?v=MUb3yfuR_ow

3. Tanong sa Pag-unawa
1. Tungkol saan ang binasang seleksyon?
2. Ano-ano ang hinahanap ng nanay ni Pina?
3. Ano ang sagot ni Pina?
4. Bakit nawala si Pina?
5. Paano tumubo ang halaman na nakita ng nanay ni Pina?

4. Pangkatang Gawain
Pagbibigay ng pamantayan sa pangkatang gawain.

Pangkat I
Aling bahagi ng pinanood ang inyong nagustuhan? Isadula ito.

Pangkat II

Aling bahagi ng pinanood ang inyong nagustuhan? Isadula ito.

Pangkat III & IV

Aling bahagi ng pinanood ang inyong nagustuhan? Isadula ito.

126
C. angwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano maunawaan ang pinanood. Maunawaan ang pinanood sa
pamamagitan ng pagsasadula nito.
2. Paglalapat:
Panuto: Panoorin ang kwento at isadula ito.
Kwentong Pampamilya. (https://youtu.be/cOWSPAsQZAc?t=234)

IV. Pagtataya

Panoorin ang kwento at isadula ito.


Langgam at Tipaklong (https://youtu.be/MXZzxBPCVE4?t=7

A.M

D.P

V. Takdang Aralin:

Panood ng isang kwento at isadula ito sa klase.

127
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO VI
Ikalawang Markahan
Linggo 10
Araw 5
I. Layunin:
Naipakita ang hilig sa pagbasa. F4A0a-j-7

II. Paksang Aralin


A. Pagpakita ng Hilig sa Pagbasa.
B. Sanggunian: Landas sa Pagbasa 6 ph.24-25 Pluma 6 204 Alab 6 p105-106
C. Kagamitan: tsart, aktibiti kard, LM, metacards, larawan
D. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa ating Kultura

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw Sigla: “Awit”
2. Pagsasanay

3. Balik – Aral
Papanoorin ang mga bata ng kwento at isadula ito.
Ang Prinsipeng Hindi Naliligo (https://youtu.be/i3CrxkK1cr4?t=65)

4. Pagganyak:
Kailan ang Pista sa ating bayan? Paano ipinagdiwang ito?

5. Pag-alis ng Sagabal
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.
Kalembang magkamayaw bunghalit umaambag perya

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Basahin nang tahimik ang teksto.

Pista sa Aming Bayan


Masayang-masaya ang lahat. Araw ng pista ngayon sa aming bayan.
Maraming tao ang nagsimba. Masigla at masaya ang kalembang ng kampana
sa simbahan. Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan
ang mga tagarito, mga balikbayan, at mga panauhin mula sa ibang bayan.
Walang tigil ang masipag na banda ng musiko sa paglibot sa mga
lansangan habang nagbibigay ng masiglang tugtugin. Umaambag rin sa sigla
at saya ang malakas na bunghalit ng mga tugtugin sa mga perya at
pondahan at maging sa mga tahanan man.

Nagpapagaraan sa ganda ang mga arko sa mga panulukan ng mga kalye.


May mga arkong kawayan na may makukulay na ginupit-gupit na papel. Ang
mga banderitas na may iba’t ibang kulay ay nakagayak sa mga hayag na
lansangan at maging sa maliliit na kalye man.

Naku, higit sa lahat kabi-kabila ang handaan. May mga naglilitson doon at
dine. Malalaking talyasi ng pagkain ang nakasalang sa kalan sa mga kusina at
sa mga bakuran. Mula tanghalian hanggang hapunan ay pagsasalu-saluhan
ang mga inihandang pagkain ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan, at
mga panauhin. Kainang hindi matapus-tapos. Ganyan ang pista.

128
Nakalulungkot tuloy isipin na ang pista ay tila kainan na lamang at nawawala
na ang diwang ispiritwal ng okasyon.

E, bakit nga ba may pista? Hindi ba’t nagdudulot lamang ito ng malaking
gastos? Hindi ba’t malaking pag-aabala ito? Pero sadyang hindi na maiaalis
sa kulturang Pilipino ang pagpipista at pamimista. Ito’y isang kaugaliang
minanapa natin sa ating mga ninuno.

Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang


ipinagkakaloob Niya sa mga tao. Ito ay araw ng pagdakila. pagpuri at
pagpaparangal sa Panginoon. Kadalasan, ang pistang-bayan ay itinatapat sa
kaarawan ng patron ng bayan, gaya ng pista ng Meycauayan na
ipinagdiriwang sa kaarawan ng patron nito na si San Francisco de Asis, pista
ng Santa Clara sa kaarawan ng Mahal na Birhen de Salambao, pista ng
Obando sa kaarawan ni San Pascual de Baylon, pista ng Malolos sa kaarawan
ng Birhen Immaculada Concepcion, at iba pa.
Ilahad ang mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik. Ipabasa nang tahimik
ang kwento.

2. Pagtatalakay
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang pista?
2. Bakit may pista?
3. Ilarawan ang pagdiriwang ng pista batay sa tekstong binasa.
4. Sang-ayon ka ba na ipagpatuloy ang tradisyon ng pagdaraos ng pista?
Ipaliwanag.
5. Bakit sinasabing ang pista ay isang pamanang kalinangan n gating mga
ninuno?
6. Batay sa binasang teksto, anong isyu ang nakapaloob dito?
7. Sa isyung nakapaloob sa teksto, ano sa tingin mo ang paniniwala ng
may-akda nito tungkol sa isyung ito?

3. Pangkatang Gawain:
Pangkat I
Panuto: Pumili ng talata sa kwentong binasa at basahin ito.

Pangkat II
Panuto: Pumili ng talata sa kwentong binasa at basahin ito.

Pangkat II
Panuto: Pumili ng talata sa kwentong binasa at basahin ito.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano mo maipakita ang hilig mo sa pagbabasa? (Naipakita ang hilig sa
pagbabasa sa pamamagitan ng pagkawili dito.)

2. Paglalapat
Basahin ng maikling talata.

Ang isang kaibigan ay maaasahan sa oras ng kagipitan. Gaano man


katagal na ‘di sila magkita, maramdaman mong nandiyan pala sa iyong tabi.
Siya ay isang iglap mong mahihingan ng tulong kung kinakailangan. Minsan
sinasabi na ang isang kaibigan ay mas matimbang pa kaysa isang tunay na

129
kapatid. Marahil ay may katotohanan ito sa dahilang ang tunay kaibigan ay
maaari mong piliin subalit ang kapatid ay hindi. Ang mas mainam, maaari mo
rin naming maging matalik na kaibigan ang iyong kapatid. Anong saya ng
isang magulang kung magiging matalik na magkaibigan ang magkapatid na
maaasahan sa oras ng panganagilangan.

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang tula.
Minsan kami’y nagbakasyon sa aking lola’t lolo.
Agad naming napansin gulayan sa gilid ng bahay kubo.
Alaga iyon ng aking tiyang kapatid ni nanay.
Araw-araw niyang dinidilig sari-saring tanim na gulay.

Ang bayaw ni nanay ay maroon naming manukan.


Naroon si tatyaw ang tandang maliksi’t makisig.
Masipag naming mangitlog ang inahing si Bisleg,
Kaya’t sagana ang mga pinsan ko sa mga pagkaing pampabilog.

Anupa’t masipag talaga ang aming kamag-anak,


Harapan ng bahay nila’y may mga halamang namumulaklak;
Iba’t-ibang prutas maaaring pitasin,
Alaga nilang baboy ay malulusog mandin.

Sabi ni tatay bawal daw doon ang tamad,


Sa taong pabigat at pasanin ka ihahalintulad;
Gutom at sakit tiyak na dadaranasin mo’
Pagkat di lalapit ang biyaya sa hapag mo.

Paggising sa umaga’y kanya-kanyang trabaho na,


Si Kuya’y katulong sa pagdidilig ni tiya
Nagpapatuka naman ng manok si bunso’
Inilalagay rin niya sa basket ang mga itlog ni Bisleg.

Kaya naman ako’y hindi na nagtaka,


Sa buhay nilang masaya’t sagana;
Kasipagan nila’y talagang walang kapantay,
Lakas ay ginagamit sa pagpapaunlad ng buhay.

A.M
D.P

V. Takdang Aralin

Panuto: Magbasa ng kwento o tula.

130
131
132

You might also like