You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

IKATLONG MARKAHAN
I.

Nagagamit ang mga pang-uring may ibat ibang kayarian ng maaliwalas


at magandang kapaligiran.

II.

A. DESKRIPSYON NG KONTENT:
Paggamit ng mga pang-uring may ibat ibang kayarian.
B. PAGPAPAHALAGA:
Pagpapanatiling malinis at maganda ng kapaligiran.
C. KAGAMITAN: RBEC 2002
Wika: Gintong Pamana, pp. 116-121

III.

PANIMULANG GAWAIN:

1. Balik-aral
Gumawa ng mga pangungusap tungkol sa mga larawan na
ginagamitan ng mga pang-uri.

2. Pagpapalawak ng bokabularyo
Linangin ang mga sumusunod na salita. Gamitin sa pangungusap.
a.
b.
c.
d.

MATULAIN
DALISAY
MAHALUMIGMIG
NAKATUTULIG

A. MAGPAKITA NG MGALARAWAN TULAD NG:


a.
b.
c.
d.
e.

Dalampasigan
Malalagong halaman
Talon
Dalisay na tubig
Lampas-tuhod na tubig

B. IPALARAWAN ANG BAWAT LARAWAN.


C. PAGLALAHAD:
Basahin ang isang paglalarawan:

Ang Pulo ng Camiguin


Ang Camiguin ay isang maliit sa pulong lalawigan. Isa ito sa
pinakamagandang pulo ng ating bansa. Maraming magagandang tanawin sa
lalawigang ito. Naririto ang matulaing Talon ng Katiwasan. Nakakatulig ang maingay
na pagbasak ng tubig mula sa bundok ng talon ito. Ang malakristal at lampas-tuhod
na bukal ng Tangub ay kahanghanga dahil sa dalisay na tubig nito. Napaliligiran pa
ang pook na ito na malalagong halaman at mababangong bulaklak. Kaakit-akit ang
dalampasigan nitong may pinung-pino at putting-putting buhangin.
Pangunahing industriya sa lalawigan ang pangingisda at pagsasaka. Sariwa
ang mga pagkaing-dapat sa Camiguin at iba-ibang masasarap na prutas na inaani
rito.
Tahimik at payapa ang pamumuhay ng mga tao sa Camiguin, Kay sarap
manirahan sa pook na ito pagkat mahalumigmig ang simoy ng hangin sa buong
taon.
Maituturing na isang katangi-tanging biyayang kaloob ng Maykapal ang Pulo
sa Camiguin.
PAGTATALAKAY:
1. Anu-ano ang mga natatanging tanawin sa Camiguin? Ilarawan ang mga ito.
2. Anu-ano ang pangunahing industriya ng lalawigan?
3. Paano mo mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa Camiguin?
D. PAGLINANG NA KASANAYAN:
1. Sa talatang binasa anu-anong salita ang naglalarawan sa pagkaing dagat at
pamumuhay ng mga tao?
2. Ano ang kayarian ng mga salitang ito?
3. Ipagamit sa makabuluhang pangungusap ang mga sumusunod na salita.
Ilarawan ang isang maaliwalas na kapaligiran sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga larawan.
HAL:

dalisay, payapa, kaaya-aya, kaysarap, makapigil-hininga

E. PAGLALAHAT:
Anu-ano ang ibat ibang kayarian ng pang-uri?
F. PAGPAPAYAMANG GAWAING:
PANGKATANG GAWAIN:
PANGKAT A: Bigyan ng mga larawan ng isang kapaligiran. Ipatala ang mga
pang-uri o angkop sa
paglalarawan sa ibat ibang kayarian.
PANGKAT B: Ipagamit sa pangungusap ang pang-uring naitala ng unang
pangkat sa ibat ibang kayarian ng pang-uri sa paggamit ng larawan.
PANGKAT C: Gumawa ng maikling talata sa larawang ipinagamit sa unang
pangkat.
IV.

EBALWASYON:

Basahin ang talata. Punan ang angkop ng pang-uri sa wastong kayarian nito
sa pangungusap pagkatapos.
Ang Lungsod ng Zamboanga
Isa sa mga pangunahing atraksiyon n gating bansa ang Lungsod ng
Zamboanga. Maraming (kaakit-akit) na pook sa lungsod na ito ang (natatangi) ang
Pasonanca Park na (punung-puno) ng mga pino, halamang namumulaklak, mga

(luntiang) pako at maririkit na orkid. Dinarayo rin ng marami ang mga katutubong
bahay na matatagpuan sa malalabay na sanga ng mga punongkahoy.
Magiging (kasiya-siyang) karanasan ninuman ang pamamasyal sa kapaligiran
ng hinahangaang Lungsod ng Zamboanga.
V.

TAKDANG ARALIN:

Pumili ng isang magandang pook o tanawin sa Pilipinas na inyo nang


napuntahan. Sumulat ng isang kaakit-akit na paglalarawan tungkol dito na
binubuo ng dalawang talata. Gamitin ang ibat ibang kayarian ng pang-uri sa
paglalarawan.

You might also like