You are on page 1of 149

Aralin 1

Pinag-ugatan
Mga layunin
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salita sa tulong ng mga
kontekstuwal na pahiwatig
2. Naipakikita ang kaalaman sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela sa
pamamagitan ng
•pagtukoy sa mga layunin ng may-akda sa pagsulat nito;
•pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong
isinulat ito; at
•pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa
kasalukuyang panahon sa lipunang Pilipino
3. Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan sa
panahong isinulat ang nobela at ang mga naging epekto
nito matapos maisulat hanggang sa kasalukuyan
4. Nagagamit sa pagsulat ng akda ang iba't ibang uri ng
pagpapahayag- paglalarawan, paglalahad ng sariling
pananaw, at pagpapatunay
5. Nakapaglalahad ng sariling pananaw at kongklusyon
sa bisa ng binasang teksto sa sarili at sa nakararami
6. Napatutunayang ang Noli Me Tangere ay may
pagkakatulad o naiiba sa ilang telenobelang napanood
na
7. Naitatala at nalalagom ang mahahalagang
impormasyong nasaliksik kaugnay ng nobela
Pamilyar ba kayo sa mga ito?
Balikan ang pag-aaral sa panahon ng mga Kastila
sa nakaraang mga baitang. Ano- ano ang
naaalaala mong kaapihang dinanas ng mga
Pilipino sa kamay ng mga Kastila?
TALASALITAAN
Bigyang-kahulugan ang salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap sa tulong ng mga pahiwatig.
1. Inilantad niya ang matagal na lihim ng kaniyang matalik
na kaibigan.
2. Ang kumutya ng kapwa ay paglabag sa karapatang
pantao.
3. Mahalagang maipamulat sa bawat Pilipino na hindi tayo
dapat paaapi sa mga dayuhang nais sumakop sa bansa.
4. Alisin na ang nakapiring sa ating mga mata at kumilos sa
panahong tayo ay kailangan ng Inang Bayan.
5. Naging inspirasyon ng mga batang sumali sa The Voice
Kids ang kanilang mga pamilya na nais nilang tulungan
upang makaahon sa kahirapan.
6. Si Jose Rizal ay nanalig sa isang mapayapang
paglaban sa mga Kastila.
7. Naging suliranin ni Rizal ang pagpapalimbag ng
kaniyang nobelang Noli Me Tangere matapos
niya itong isulat.
8. Hangarin ni Rizal na magising ang mga Pilipino
upang maibalik ang pagkakakilanlan ng ating
lahi.
9. Naniwala si Rizal na kapag nabasa ng kabataan
ang Noli Me Tangere, makatutulong silang
maiangat pa ang dignidad ng isang tao.
10. Gusto ng sambayanang Pilipino na bawiin ang
• Sa ngayon, ang Pilipinas ay nahaharap pa rin sa
napakaraming suliraning panlipunan. Ngunit marami sa
mga Pilipino ang walang pakialam sa mga nangyayari sa
kasalukuyan.
Paano mo sila gigisingin upang makialam at
tumulong sa paglutas sa mga suliranin ng bansa?
• BASAHIN
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Taong 1886,panahon ng taglamig- isang panahong hindi
magagawang makalimutan ni Dr. Jose Rizal dahil sa dalawang
bagay. Sa panahong ito niya naranasan ang matinding gutom
at ang kakapusan sa pananalapi at sa panahon ding ito niya
naisulat ang kaniyang obrang gumising sa diwang makabayan
ng mga Pilipino, ang “Noli Me Tangere.” Inilarawan sa obrang
ang tunay na kalagayan ng Pilipinas noong panahon iyon.
• Ang paglikha ng “Noli me Tangere” ay sinasabing ideya
ng isang henyo. Naging malaking impluwensya sa
pagsulat ni Rizal ang mga aklat na”The Wandering Jew”
ni Eugene Sue,”Uncle Tom’s Cabin” ni Harriet Beecher
Stowe at ang Bibliya.
• Ang ideya ng pagsulat ng nobela ay ipinanukala ni
Rizal sa mga kapwa niya propagandista sa isang
pagtitipon sa bahay ni Pedro Paterno noong Enero
2,1884. Sa pagsang-ayon ng kaniyang mga kasama,
hinati-hati ni Rizal ang mga kabanatang dapat nang
isulat.
• Subalit hindi naisakatuparan ang balak na ito sapagkat
may mga bagay-bagay na nauukol sa kababaihan ang
nais sulatin ng mga kasama niya. Idagdag pa rito na
pulos pagsusugal at babae ang inaatupag nila. Kaya’t
mag-isang binalikat na lamang ni Rizal ang pagsulat ng
buong nobela.
• Ang pamagat ng nobela ay hango sa Banal na
Kasulatan sa ebanghelyo ni SanJuan(sa sulat ni Rizal
sa kaibigang si Felix Hidalgo ay sinabi niyang hinango
niya sa ebanghelyo ni San Lukas) kung saan
isinalaysay ang tungkol sa unang Pasko ng
Pagkabuhay, na sa pagdalaw ni Santa Maria
Magdalena sa libingan ng Panginoong Hesukristo na
noon ay muling nabuhay, Ito ay nagwika sa
kanya:”Huwag mo Akong salingin: hindi pa Ako
nakapupunta sa Ama, ngunit humayo ka at ibalita sa
Aking mga kapatid na Ako’y aakyat sa Aking Ama; sa
Aking Panginoon at inyong Panginoon. “
• Sinimulang isulat ni Rizal ang nobela sa Madrid noong
1884,at kaniyang natapos ang kalahati nito. Nang
matapos niya ang kaniyang pag-aaral sa Unibersidad
Central de Madrid noong 1885, siya ay nagpunta sa
Paris at dito niya natapos ang kalahati ng pangalawang
hati ng nobela. Nasa Alemanya na siya nang matapos
niya ang huling bahagi ng nobela. Sa pagitan ng Abril ng
Abril at Hulyo ng taong 1886 nang isulat niya ang huling
kabanata sa Wilshemsfield.
Ginawa ni Rizal ang unang rebisyon ng”Noli” noong
taglamig ng Pebrero1886.Noong panahong iyon siya ay
may karamdaman.
Pinuproblema pa niya ang perang pampalimbag ng
nobela. Dumating siya sa puntong muntik na niyang
sunugin ang manuskrito. Nasa gitna ng kawalang pag-asa
si Rizal nang siya ay makatanggap ng telegrama mula sa
isang mayamang kaibigan, si Dr. Maximo Viola, na ito ay
patutungo sa Berlin.
• Ilang araw bago magpasko nang dumating si Viola sa
Berlin. Nakita niya ang kaawa-awang kalagayan ng
kaibigan.Pinahiram ni Viola si Rizal ng halagang 300.00
para sa pagpapalibag ng nobela,bukod pa sa pang-araw-
araw na gastusin o pangangailangan nito. Agarang inayos
ni Rizal ang manuskrito at ginawa ang lahat ng paraan
para makatipid,kasama na rito ang pagtatanggal sa
kabanatang Elias at Salome.
Noong Pebrero 21,1887, handa na ang manuskrito
upang dalhin sa palimbagan. Araw-araw na binibisita ni
rizal ang limbagang Berliner- Buchdruckrei-Action-
Gessels-Chaft upang tiyakin na aayos ang pagkakalimbag
sa nobela at wastuhin ang ano mang kamalian dito.
Pagkalipas ng isang buwan, naimprenta ng limbagan ang
2,000 sipi ng Noli sa halagang 300.00 .
Ang malapit na kaibigan ni Rizal na sina Ferdinand
Blumentritt, Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez-Jaena,
Mariano Ponce at Felix Hidalgo ang mga unang
nakatanggap ng sipi ng nobela.
• Ang gallery proof ng nobela ay ibinigay ni Rizal noong
Marso 29,1887 sa kaibigang si Maximo Viola,ang
tagapagligtas ng “Noli Me Tangere.”Ibinigay rin niya sa
kaibigan ang panulat na kaniyang ginamit at isang
komplimentaryong sipi bilang tanda ng kaniyang
pasasalamat. Sa siping ito isinulat ni Rizal ang
sumusunod: “Sa mahal kong kaibigang Maximo Viola, ang
unang nakabasa at nagpahalaga sa aking sinulat.”
• Ang manuskrito ng Noli Me Tangere ay itinago noong
panahon ng himagsikan sa Pilipinas sa isang pader na
tinapalan ng semento. Taong 1945 sa paglalabanan sa
Maynila ng Amerikano at Hapones ay mahiwagang
nailigtas ang manuskritong ito.
• Ang manuskrito ng Noli Me Tangere ay binili ng
pamahalaan sa Pilipinas sa halagang 25,000 piso. Sa
ngayon, ang manuskrito ay nasa pag-iingat ng
Pambansang Aklatan.
May mga tiyak na hangarin si Rizal kung bakit niya isinulat ang
Noli, at kabilang dito ang sumusunod:
1. lbunyag ang mga kalapastanganang ginagawa ng
mga Kastila,
2. Ipamulat sa mga babasa nitong kailangang bumangon
kumilos, at bawiin ang kalayaan ng mga Pilipino;
3. Gisingin ang natutulog na damdamin o tanggalin ang
takot sa mga puso ng mga Pilipino;
4. Ipamukha sa mga Kastila na kayang bumangon ng
mga Pilipino; at
5. Alisin ang piring sa mga mata ng mga Pilipino upang
makita ang kanser ng lipunan.
• SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA MGA TANONG.
• 1. Ano-anong aklat ang naging inspirasyon ni Rizal sa
pagsulat ng Noli Me Tangere? Paano nagsilbing
inspirasyon ang mga ito sa pagbuo niya ng nobela?
• 2. Bakit ipinagbawal noon na basahin at pag-aralan ang
Noli Me Tangere?
• 3. Bakit hinangad ni Rizal na mabasa ng mga Pilipino
ang kaniyang nobela? Isa- isahin ang kaniyang mga
tiyak na layunin sa pagsulat ng nobela.
• 4. Ano ang naging problema ni Rizal nang matapos
niyang isulat ang Noli?Paano nasolusyunan ito?.
5. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang mga
suliraning panlipunan noon at ngayon sa bansa?
6. Sang-ayon ka ba sa pamamaraang ginamit ni Rizal
upang gisingin ang.mga Pilipino sa pang-aapi ng mga
Kastila?
• 7. Bilang mag-aaral, ano ang magagawa mo upang
maipagtanggol ang iyong bansa?
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN
Ibahagi ang iyong pananaw at kongklusyon tungkol sa bisa
ng binasang teksto (tungkol sa kaligirang pangkasaysayan
ng Noli Me Tangere). Sa pagsagot, isaalang-alang ang mga
sumusunod:
A.Bisa sa isipan: Alin sa inyong binasa ang tumimo sa
inyong isip at nagpalawak na inyong.kaalaman?
B. Bisa sa kaasalan: Anong aral ang natutuhan mo sa
inyong binasa?
C. Bisa sa damdamin: Aling bahagi ng binasa ang
nakapagpaantig sa inyong damdamin?
Bisa sa damdamin: Aling bahagi ng binasa
ang nakapagpaantig sa inyong damdamin?
Wika/Gramatika
Paglalarawan, Paglalahad ng Sariling Pananaw, at Pagpapatunay
Sa paglalarawan, mahalagang makabuo ng malinaw na imahe o larawan sa
isipan ng mga babasa ng teksto. Mga pang-uri at pang-abay ang madalas gamitin sa
paglalarawan.
Ang pananaw ay ang pagtingin, opinyon, o paninindigan sa isang bagay. Ang
bawat tao ay may sariling pananaw sa iba't ibang bagay.
Kaya naman, sa paglalahad ng sariling pananaw, mahalagang magbigay ng mga
argumento at katotohanan o patunay na susuporta sa sariling paninindigan
upang higit na paniwalaan.
A.Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa
paksang "Paano mapakikilos ang sambayanang
Pilipino sa matahimik na pamamaraan upang baguhin
ang kasalukuyang kondisyong panlipunan ng bansa?"
Gumamit ng iba't ibang uri ng pagpapahayag.
Aralin 2
SIMULA
Mga layunin
1.Nagagamit nang wasto ang matatalinghagang salita
2.Nahihinuha ang mga katangian ng mga tauhan sa
nobela at natutukoy ang kahalagahan ng bawat isa sa akda
3.Nakikilala ang mga tauhan batay sa napakinggang
pahayag ng bawat isa
4.Nagagamit ang angkop na mga pang-uri sa pagbibigay-
katangian sa mga tauhan
5.Nakasusulat ng isang makahulugan at masining na monologo ng

isang piling tauhan ng nobela


6.Nahuhulaan ang magiging wakas ng buhay ng bawat tauhan sa
binasa batay sa napakinggang pahayag ito
• Kabanata 1: Isang Marangyang Handaan
• Kabanata 2: Ang Pagdating ni Crisostomo lbarra
• Kabanata 3: Pag-uusap sa hapag-kainan
• Kabanata 4: Erehe at Pilibustero
• Kabanata 5: Bituin sa Kadiliman

Wastong pakikipagkapwa ang siyang ipamalas saan man


o sinuman ang makakaharap
• Basahin ang sumusunod na kuwento.
• Isang Aral sa Pakikipagkapwa
• Nagkuwento ang isang kaibigan.. sa isang
prestihiyosong otel, isang kilalang samahan ng
kababaihan ang nagdiriwang ng kanilang ikapitong
anibersaryo. Ito rin ang araw ng kanilang pagboto sa
mga bagong opisyal na manunungkulan sa samahan. Si
Margaret ay isa sa mga kandidata sa pagka-presidente.
Malaki ang kaniyang pagtitiwala na siya ang mananalo.
Kilala niyang lahat ang mga kasamahan sa
organisasyon.
• Ang marami rito ay itinuturing niyang mga kaibigan. Higit
sa lahat, ang kaniyang mga katangian bilang isang lider ay
subok na sapagkat mula pa sa kaniyang kabataan, siya ay
sanay na sa pagharap sa mga paghamong kaakibat ng
pagiging lider Laking pagkagulat ni Margaret nang ibalita
kinabukasan na ang bagong presidente ng samahan ay si
Sofia, na bagong kasapi sa organisasyon at minsan pa
lamang niyang nakakausap. Ramdam na ramdam ni
Margaret ang kaniyang pagkabigo. Ngayon lamang niya
naranasan ang pait ng hindi inaasahang hatol ng tadhana.
• Sa sumunod na pagpupulong, nasaksihan ng lahat ang
isang nakaaantig damdaming eksena. Lumapit si
Margaret kay Sofia. Kinamayan at niyakap ito sabay ng
pangakong makikiisa sa lahat ng pagpupunyaging
makabubuti sa samahán. Pinairal pa rin ni Margaret ang
mga katangian ng isang totoong lider-ang wastong
pagtanggap ng pagkatalo at wastong pakikipagkapwa.
• Tunay ngang kaakibat ng wastong pakikipagkapwa ang
kababaang-loob at pakikiisa sa ikabubuti ng kapwa-tao.
Ito ang nasasambit ni Margaret sa kaniyang sarili tuwing
maaalaala niya ang unang araw ng matalik na
pagkakaibigan nila ni Sofia.
• Ano ang wastong
pakikipagkapwa at paano ito
naipakikita?
• Ang wastong pakikipagkapwa ay isang pagpupunyagi na
gawing kalugod-lugod ang pakikipag-ugnayan sa ibang
tao. Ito ay naipamamalas sa pamamagitan ng paggalang
sa karapatan ng bawat tao, pagmamalasakit, at
pagtulong. Hindi matatawaran ang kahalagahan nito. Dito
nag-uugat ang kapayapaan sa pamilya, sa pamayanan, at
sa bansa.
• A. Sa bawat pares ng mga pangungusap, bilugan ang
letra ng pangungusap kung saan ginagamit nang tama
ang nakahilig na matalinghagang salita. Pagkatapos,
gamitin ang matalinghagang salita sa sariling
pangungusap.
1. a. Nakikita sa ayos at bihis ng matrona ang kaniyang
pagmumurang kamatis.
b. Natuwa ang mga mamimili sa pagmumurang-
kamatis sa pamilihan.
2. a. Lihim na natutuwa ang mga dalaga nang
makadaupang-palad ang makisig na binata.
b. Nang makadaupang-palad ni Gng. Cruz ang anak,
naramdaman niyang ito ay may lagnat.
3. a. Nabuhos ang kalooban ng galit na galit na si Pedrito
sa kaniyang kaaway,
b. Nabuhos ang kalooban ng mga guro kay Marybeth,
na bukod sa matalino ay napakabait.
4. a. Tuluyan nang nawalan ng hininga ang matandang
preso pagkaraan ng ilang buwang pagkakasakit.
b. Nagbubuga ng maitim na usok ang nauunang
sasakyan kaya nagtakip ng ilong si Bingbong na
nawalan ng hininga.
5. a. Gustong-gusto niya ang kaniyang kasambahay
sapagkat ito ay hindi makabasag-pinggan.
b. Mayumi at tila hindi makabasag-pinggan ang
dalagang nakilala niya sa simbahan
6. a. Dalhin kaagad sa ospital ang maysakit kung siya ay
magtengang-kawali.
b. Madalas magtengang-kawali ang hepe ng pulisya sa
aming barangay sa mga kasong wala siyang interes.
7. a. Hindi pa raw nakakakain ng utak-biya si Lolo Jess.
b. Utak-biya raw ang pulubing tinutukso-tukso ng mga
salbaheng bata.
BASAHIN
• Mga Pangunahing Tauhan ng Noli Me Tangere
• Crisostomo Ibarra
• Si Juan Crisostomó Ibárra y
Magsálin (o Crisostomo o Ibarra), ay isang binatang nag-
aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan
upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga
kabataan ng San Diego. Siya ay kababata at kasintahan ni
Maria Clara. Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-
aral na maituturing na may maunlad at makabagong
kaisipan.
• Maria Clara
• Si Mariá Clara de los Santos y Alba (o Maria Clara), ay
ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San
Diego na inihimatong anak ng kaniyang ina na si Doña
Pia Alba kay Padre Damaso. Siya ang kumakatawan sa
uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng
edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay
inilarawan bilang maganda, relihiyosa, masunurin,
matapat, at mapagpasakit.
• Si Dámaso Verdolagas (o Padre Damaso), ay isang
kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya
matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San
Diego. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara.
Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos (o Kapitan Tiago), ay isang
mangangalakal na tiga-Binondo na asawa ni Pia Alba at
ama-amahan ni Maria Clara. Siya ay mapagpanggap at
laging masunurin sa nakatataas sa kaniya.
Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay
Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at ang mga
suliranin nito.
• Si Narcisa (o Sisa), ay isang masintahing ina na ang
tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang
pabaya at malupit.
• Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni
Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng kampana sa
simbahan ng San Diego.
• Pilosopo Tasyo
• Si Don Anastasio o Pilosopo Tasyo, ay isang pantas at
maalam na matandang tagapayo ng marurunong na
mamamayan ng San Diego. Kadalasan siyang tinatawag
na baliw dahil hindi maunawaan ng mga mangmang ang
katalinuhan niya.
• Donya Victorina
• Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya
Victorina, ay isang babaing nagpapanggap na mestisang
Kastila kung kayâ abot-abot ang kolorete sa mukha at
maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang
“de” ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng “kalidad”
sa pangalan niya.
Ibang Tauhan
Padre Salvi o Bernardo Salvi– kurang pumalit kay Padre
Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
Alperes – matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa
San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego
habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
• Donya Consolacion – napangasawa ng alperes; dáting
abandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
• Don Tiburcio de Espadaña – isang pilay at bungal na
Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng
magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
• Alfonso Linares – malayong pamangkin ni Don Tiburcio at
pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para
mapangasawa ni Maria Clara.
• Don Filipo – tenyente mayor na mahilig magbasá ng Latin
• Señor Nyor Juan – namahala ng mga gawain sa
pagpapatayô ng paaralan.
• Lucas – kapatid ng táong madilaw na gumawa ng kalong
ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
• Tarsilo at Bruno – magkapatid na ang ama ay napatay sa
palo ng mga Kastila.
• Tiya Isabel – hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa
pagpapalaki kay Maria Clara.
• Donya Pia Alba – masimbahing ina ni Maria Clara na
namatay matapos na kaagad na siya’y maisilang.
• Inday, Sinang, Victoria, at Andeng – mga kaibigan ni
Maria Clara sa San Diego
• Kapitan-Heneral – pinakamakapangyarihan sa Pilipinas;
lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.
• Don Rafael Ibarra – ama ni Crisostomo; nakainggitan
nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya
nataguriang erehe.
• Don Saturnino – lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng
kasawian ng nuno ni Elias.
• Balat – nuno ni Elias na naging isang tulisan
• Don Pedro Eibarramendia – ama ni Don Saturnino; nuno
ni Crisostomo
• Mang Pablo – pinúnò ng mga tulisan na ibig tulungan ni
Elias.
• Kapitan Basilio – ilan sa mga kapitán ng bayan sa San
Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni Sinang
• Tenyente Guevarra – isang matapat na tenyente ng mga
guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa
kasawiang sinapit ng kaniyang ama.
• Kapitana Maria – tanging babaing makabayan na
pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
• Padre Sibyla – paring Dominikano na lihim na
sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
• Albino – dáting seminarista na nakasáma sa piknik sa
lawa.
Kabanata 1: lsang Marangyang Handaan
• Isang salu-salo ang • mainitang pagtatalo sina
inihandog ni Kapitan Tenyente Guevarra at pari
Tiyago dahil sa pagdating damaso tungkol sa
ni Crisostomo Ibarra. bangkay ng isang
maraming panauhin ang marangal na tao. Salamat
dumalo na kinabibilangan na lamang at nasawata ito
ng iba’t ibang uri ng tao. ni Pari Sibyla.
bukod- tanging
nangingibabaw ang tinig ni
Pari Damaso at walng
sawang nilalait ang mga
indiyo. Nagkaroon ng
Kabanata 2:
Ang Pagdating ni Crisostomo Ibarra
• Ang pinaka mahalagang • ipakilala ang sarili kung
panauhin sa pagtitipon walang magpakilala sa kanya.
handog ni kapitan tiyago ay Binati rin niya ang mga
si Ibarra. Buhat siya sa isang kababaihan. Hindi rin niya
marangal na pamilya at nakaligtaang batiin si Pari
matagal na namalagi sa Damaso na aniya ay matalik
Europa upang mag-aral. na kaibigan ng kanyang ama.
nahihiya siyang makitungo Tumanggi ang pari sa tinuran
sa mga panauhin. dahil dito ni Ibarra sapagkat hindi raw
ginamit niya ang kulturang niya naging matalik na
Europeo na kaibigan ito.
Kabanata 3: Pag-uusap sa Hapag-kainan
• Isang masaganang • lalo na nang matapat sa
hapunan ang inihanda ni kanya ang tinolang puro
Kapitan Tiyago para sa upo at at leeg ng
mga panauhiin. Bago manok,samantalang kay
maghapunan ay iba’t ibarra ay mga lamang
ibang ugali ang ipinakita loob. lagi na lamang
ng mga panauhin,lalo na negatibo ang ipinamalas ni
ng mga prayleng Pari Damaso sa mga
naturingan alagad ng sinasabi ni Ibarra sa mga
simbahan. hanggang sa nagtatanong sa kanya
hapag ay dala pa rin ang tungkol sa kanyang
init ng ulo ni Pari Damaso pangingibang bansa.
• Hindi naman nagpakita ng pagkayamot ang binata at
sa halip ay umalis na lamang bagamat pinipigilan siya
ni Kapitan Tiyago sapagkat darating daw si Maria
Clara.
Kabanata 4: EREHE AT FILIBUSTERO
• Umalis si Ibarra sa • Isinalaysay ng tenyente
pagtitipon. Dinundan siya kung paano nabilanggo
ni Tenyente Guevarra at ang ama ni Ibarra.
nagpakilalang naging Ipinagtanggol niya ang
kasama ng kanyang ama. batang pinagsisipa ng
nabanggit ng tenyente na maniningil ng buwis. Sa
ang kanyang ama ay nang hindi sinasadyang
namatay sa bilangguan na pangyayari ay naitulak niya
ikinagulat ng binata ito na naging sanhi ng
sapagkat noon lamang kanyang pagkamatay.
niya nabatid ang tunay na
nangyari sa kanyang ama.
• Nakulong si Don Rafael. • Pinakiusapan ng tenyente
Sa loob ng kulungan ay ang isang tanyag na
maraming kaaway ang abugado ngunit tumanggi
nagsulputan at ang isa na ito dahil natatakot sa mga
rito ay si Pari Damaso. prayle. Dahil marahil sa
pinagbintangan siyang sama ng loob ay
hindi nangungumpisal. nagkasakit ang matanda
at nang malapit nasiyang
mapawalang sala ay saka
pa siya namatay.
Kabanata 5: Bituin sa Kadiliman
• Pagdating ni Ibarra sa • Sa masining na guniguni
tinutuluyang otel,siya ay ng binata,kanyang nakita
naupo sa silya sa tabi ng ang isang napakagandang
bintana at tumingin sa dalaga na may mahabang
kalawakan, Natanaw niya buhok,nakabibighaning
sa kabilang pampang ng mga mata at malaperlas
ilog ang isang bahay na na mga ngipin. Ang
nagliliwanag. may mestisahing Pilipinang ito
pagdiriwang na ay kahawig ni Maria Clara.
nagaganap sa nasabing
bahay.
• kasabay nito ay lumitaw sa
• tumututngga ng alak sa
kaniyang pangitain ang
kopita ng tagumpay sa gitna
isang matandang lalaking
ng halakhakan at maugong
maysakit at nakakulong sa
bilangguan. ito ay walang na palkpakan. Dumilim na
iba kundi ang kaniyang ama ang malaking bahay, tahimik
na sa wari ay tinatawag ang na ang kapaligiran.
Nahimlay si ibarra na balisa
kaniyang pangalan,luhaan
ang mga mata at ang kaisipan at tila pagod na
nagmamakaawa. sa di pagod pagkatapos ng isang
mahabang paglalakbay.
kalayuang lugar,nakita niya
ang kaniyangsarili sa isang
masayang pagtitipon,
Sagutin!

• 1. Paano nagkita-kita ang mahahalagang tauhan sa


nobela? llarawan ito sa sariling pangungusap.
• 2. Bakit tila malaki ang galit ni Padre Damaso kay Ibarra?

Ano kaya ang sanhi ng galit niyang ito?


• 3. Ano kaya ang nagbunsod kay lbarra na pagbigyan ang

kahilingan ng ama na mag-aral siya sa Europa?


4. Sa Kabanata 3, aling eksena ang masasabing
nagpapahiwatig sa papel nagagampanan ni lbarra para
sa kalayaan at kaunlaran ng bansa pagdating ng
panahon? Isalaysay ito sa sariling pangungusap.

5. Batay sa salaysay ni Tenyente Guevarra, paano


napagbintangang erehe at pilibustero ang ama ni lbarra
na si Don Rafael?
6. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni lbarra, ano ang iyong
magiging reaksiyon sa katotohanang ibinunyag ni
Tenyente Guevarra tungkol sa iyong ama?

7. Ano-anong uri ng tao sa lipunan ang sinisimbolo ni


Donya Victorina at ni Dr. de Espadaña? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

8. Ano sa palagay mo ang maaaring ibunga ng klase ng


pakikitungo ni Padre Damaso kay lbarra? Bakit mo ito
nasabi?
9.Gaano kabagabag si Ibarra sa sinapit ng kaniyang ama?
Ano sa palagay mo ang iniisip niyang gawin tungkol dito?

10. Kaugnay ng pakikipagkapwa, paano mo ilalarawan ang


inasal ng bawat isa sa mahahalagang tauhan ng nobela?
Pagpapahalagang Pangkatauhan

• Maliban sa kalayaan, maiuugnay rin ba ang wastong


pakikipagkapwa sa kaunlaran?
• Batay sa binasa mong mga kabanata ng nobela,
mahihinuha mo ba ang ilang katangian ng bawat tauhan
dito?
• Anong bahagi ng pananalita ang mga katangiang
tinukoy?
• Ang mga ito ay mga pang- • Mahalagang gumamit ng
uri, at ginagamit lamang angkop na mga pang-uri
ang mga ito sa sa pagbibigay-katangian
paglalarawan ng tao, sa mga tao o tauhan. Mas
hayop, o bagay na nakikilala ang mga ito sa
kumikilos na parang tao sa tulong ng mga pang-uri.
mga kuwento.
• Pagsasanay
• Ilarawan ang bawat isa sa sumusunod na mga tauhan ng
nobela at llahad kung bakit mahalaga ang papel na
kaniyang ginagampanan sa akda.
• Ibarra
• Kapitan Tiyago
• Padre Damaso
• Tenyente Guevarra
ARALIN 3 -SALAMIN
Kabanata 6-13
LAYUNIN SA PAGKATUTO:
1. Nabibigyang-kahulugan at nagagamit sa makahulugang diskurso ang matatalinghagang
salita
2. Nakapaghihinuha mula sa mga pangyayari sa binasang mga kabanata ng nobela
3. Nabibigyang-kahulugan ang mahahalagang pahayag at kaisipan mula sa binasa
4. Napaghahambing ang kalagayang panlipunan at pampolitika ng bansa sa binasa at sa
tunay na buhay sa kasalukuyan
5. Nakatutukoy at nakagagamit nang wasto ng mga pandiwari
ATING TUKLASIN!
 

Salamin
Marami ang naniniwala na ang buhay ay isang
paglalakbay. Sa patuloy na paglalakbay, nandiyan ang mga
karanasang magbibigay ng iba't ibang kulay sa buhay. Ang
karanasan ng bawat nilikha ay nagsisilbing tulay sa isa
pang karanasang maaaring makapagbigay ng saya o
kalungkutan. Ang mga karanasang ito na humuhubog sa
buhay ng bawat nilikha ang matutunghayan sa salamin ng
buhay.
• Kung pawang katotohanan lamang ang makikita sa
salamin ng buhay, nararapat lamang na tanggapin na
halinhinang saya at lungkot, galak at hapis, tagumpay at
kabiguan, kasaganaan at kakulangan ang mga sangkap
ng buhay.
Subalit nais ng tão, tulad ng madrasta ni Snow White
sa isang kuwentong pambata ni Hans Christian
Andersen, na pawang kagandahan lamang ang
matutunghayan sa salamin ng buhay. Ito ay hindi
mangyayari, sapagkat darating at darating ang panahon
na malalasap ang pait ng buhay.
• Ayon naman kay Og Mandino, hindi man
pangmatagalan, maaari namang mapatingkad ang ganda
ng buhay. Aniya: May mga mata ako upang makakita,
pag-iisip upang makapag-isip, at ngayon ay alam ko na
ang isang dakilang katotohanan: Ang mga suliranin,
dalamhati, at pagkabigo ay nakabalatkayong dakilang
oportunidad upang magsikap na mapabago ang
kapalaran. (Og Mandino, "The Greatest Salesman In the
World," isinalin ni Antonietta D. Tapang
May paninindigan din naman ukol dito si Marion Straud,
isang espiritwal na manunulat:
Marami ang nagsasabi na ang nakaraan ay dapat nang
iwaglit sa isipan at ituon na lamang ang pansin sa
kasalukuyan. May katotohanan ito, ngunit hindi sa lahat ng
pagkakataon. Ang nakaraan ay lagusan ng kasalukuyan, at
sa tulong ng positibong pag-iisip at pananalig sa Diyos,
ang mga alaala ay makapaglilinang ng tibay ng loob at
kapanatagan. (Our Daily Bread, August 3, 2015, isinalin ni
Antonietta D. Tapang)
• Marami ang nagsasabi na ang nakaraan ay dapat nang
iwaglit sa isipan at ituon na lamang ang pansin sa
kasalukuyan. May katotohanan ito, ngunit hindi sa lahat
ng pagkakataon. Ang nakaraan ay lagusan ng
kasalukuyan, at sa tulong ng positibong pag-iisip at
pananalig sa Diyos, ang mga alaala ay makapaglilinang
ng tibay ng loob at kapanatagan. (Our Daily Bread,
August 3, 2015, isinalin ni Antonietta D. Tapang)
1.Ang "salamin ng buhay" ay may malalim na kahulugan.
Ano sa palagay mo ang tinutukoy o kahulugan nito?
2 .Makikita raw sa salamin ng buhay ang isang nagawa na
pinagsisisihan. Ikaw, ano kaya ang makikita mo sa salamin
ng iyong buhay?
• A.Pag-aralan ang mga diyalogo/sitwasyon sa ibaba. Piliin
sa kahon ang matalinghagang salitang angkop gamitin sa
bawat sitwasyon.
Tinitingala ng lahat
Naumid ang dila
• Paglapitin ang mga puso
Naglulubid ng kasinungalingan
Bukas ang palad at bulsa
Namulat ang mga mata
 
• 1. Dino: Si Mayor! Lapitan • 2.Lorna: Pagkaraan ng
natin at magpasalamat maraming taon, nagkita
tayo sa pabahay at perang silang muli. Kanina pa sila
galing sa sarili niyang nagtititigan. Walang
bulsa. nagsasalita. Paano kaya
• Baste: Tara. sila nagkakaunawaan?
Lea: Ang mga mata nila
ang nag-uusap
3. Hukom: Nanumpa kang 4.Gng. Cortez: Nakapunta
magsasabi ng katotohanan. ka na ba sa kaniyang
Huwag kang gumawa ng malapalasyong mansiyon?
istoryang hindi naman totoo. Hekta-hektarya ang
Saksi: Hindi po. kaniyang lupain. Maraming
paupahang bahay.
Gng. Lee: Talaga?
5.G. David: Kumusta na ang 6.Mang Johnny: Nakita mo
mamanugangin ko? na ngayon ang tunay niyang
Maganda kung bigyan ugali. Matagal kana niyang
natin ng pagkakataong niloloko, ngunit ngayon mo
malimit na magkita ang lamang siya nakilala.
dalawa upang higit na Grace: Oo nga po.
mapalapit sa isa't isa.
G. Garcia: Tama ka,
Kompadre.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
• Bakit hinahangaan ang isang taong bukas ang palad at
bulsa?
• Paano masasabing naglulubid ng kasinungalingan ang
isang tao
• 3.Kailan magmumulat ng mga mata ang isang taong
inaabuso?
• Ano ang kalagayan sa lipunan ng isang taong tinitingala
ng lahat?
• Ano kaya ang nararamdaman ng isang taong naumid
ang dila?
• Bilang isang nagmamalasakit na kaibigan, ano ang
gagawin mo upang muling paglapitin ang mga puso ng
magkasintahang nagtatampuhan?
• BASAHIN
• Kabanata 6: Si Kapitan Tiago
Si Kapitan Tiago, na masasabi sanang magandang lalaki
kung hindi lamang sa kaniyang pananabako at
pagnganganga, ay tinitingala ng lahat sa maraming
kadahilanan. Isa siya sa pinakamayayamang
mangangalakal sa Binondo. Marami siyang lupain sa
Pampanga, Laguna, Sto. Cristo, Anloage, at Kalye Rosario.
Malaki ang kaniyang kinikita sa pakikipagkalakalan ng
opiyo sa isang Intsik. Siya ang namamahala sa
pagpapakain ng mga preso sa bilibid at sa mga
manggagawa sa malalaking establisimyento. Deboto si
Kapitan Tiago ng mahal na Birhen sa Antipolo at ng ilang
santo at santa na nakahilera sa kapilya ng kaniyang bahay.
• Naniniwala siya na ang lahat ng hinihiling sa panalangin
ay makakamit sa pamamagitan ng pagbabayad sa mga
upahang mandarasal ng rosaryo at nobena. Malakas si
Kapitan Tiago sa mga prayle sapagkat bukas ang
kaniyang palad at bulsa sa pagbibigay ng abuloy sa
simbahan at sa pagpapamisa.
• Naniniwala siya na ang lahat ng hinihiling sa panalangin
ay makakamit sa pamamagitan ng pagbabayad sa mga
upahang mandarasal ng rosaryo at nobena. Malakas si
Kapitan Tiago sa mga prayle sapagkat bukas ang
kaniyang palad at bulsa sa pagbibigay ng abuloy sa
simbahan at sa pagpapamisa.
• Sa kaniyang pamomolitika, kapuna-puna ang kaniyang
pakikiayon sa pamahalaan kapag may inaakusahang
katutubo. "Kailangang gawin ko ito," madalas nauusal ni
Kapitan Tiago sa sarili, "upang mapangalagaan ko ang
aking sarili, pamilya, at kalakal."
Hindi man nakatapos sa pag-aaral si Kapitan Tiago,
naging maayos ang kaniyang pamumuhay sa tulong ng
isang Dominikong pari hanggang sa makapag-asawa siya
ng isang magandang babaeng nagngangalang Pia Alba.
Anim na taon silang hindi nagkaanak, kaya sa payo ni
Padre Damaso, nagsayaw si Donya Pia sa Obando.
• Hindi naglaon at siya ay nagluwal ng magandang
sanggol na babae, na sa kasamaang-palad ay kaniyang
ikinamatay. Pinangalanang Maria Clara ang magandang
sanggol at ang ninong sa binyag ay si Padre Damaso
• Habang lumalaki si Maria Clara, kapuna-puna ang
kaniyang pagiging mestisahin. Maputi at makinis ang
kaniyang kutis. Maganda ang hugis ng mga labi at
tangos ng ilong. Walang nakuha si Maria Clara sa ama
kundi ang maliliit na tenga.
Mahal na mahal ni Padre Damaso si Maria Clara.
Kaniyang sinubaybayan ang paglaki ng bata hanggang ito
ay nagdalaga. Ipinasok siya sa kumbento ng Sta. Catalina
upang mapangalagaan nang husto ang aspektong
espiritwal ng kaniyang buhay.
Sa pagpasok ni Maria Clara sa beateryo ng Sta. Catalina
ay siya namang pag-alis ng kababatang si Crisostomo
lbarra patungong Europa. Nagkaisa naman si Kapitan Tiago
at si Don Rafael na lalong paglapitin ang mga puso ng
dalawang nag-iibigan, na magkalayo man ay kanilang
ikinatuwa sapagkat tunay nga na sila ay nagmamahalan.
Kabanata 7: Pag-uulayaw sa Asotea
Kinakabahan at hindi mapalagay si Maria Clara sapagkat
alam niyang darating si lbarra. Nauunawaan naman ni Tiya
Isabel ang nararamdaman dalaga. Pagdating ni lbarra
iminungkahing mag-usap sa asotea ang magkasintahan.
Tunay nga ba na sa dalawang nag-iibigan ang pag-uusap
ng mga mata ay higit na makahulugan kaysa mga salita?
Matapos magtitigan si lbarra at si Maria Cara, parang
naumid ang mga dila at kapwa hindi makapagsalita. Dahil
sa hinanakit sa hindi pagsulat ni ibarra, unang nagsalita si
Maria. "Naalaala mo ba ako sa Europa? Napakalayo ng
nilakbay mo.
• Maraming magagandang lugar doon at magagandang
dalaga." "Hindi kita malilimutan, Maria. lyan ang pangako
ko sa iyo at sa bangkay ng nanay ko. Natitiyak kong
maligaya siya sa kabilang buhay sapagkat alam niyd
mayroon akong kababatang mamahalin habang buhay.
Inuulit ko, Maria, saan man ako magpunta ay kasama ka
sa aking alaala." "Totoo?"
• "Kung tutuusin, Maria, higit na may init ang iyong mga
ngiti kaysa araw ng Italya; higit na may kulay ang iyong
mga mata kaysa bukirin ng Andalucia. Sa aking
pagpunta sa itim na kagubatan, o sa pamamangka ko
sa ilog ng Rhino, nangangarap ako na ikaw ay kasa-
kasama ko" "Naaalaala kita lagi saan man ako
magpunta, Crisostomo. Kahit sabihin pang kura na
kasalanan ang isip-isipin ka."
Binalikan ng magsing-irog ang kanilang mga karanasan
mula pagkabata, tulad ng siklot at sungka kung saan
madalas matalo si Ibarra. Naalaala rin nila ang paglalaro
sa ilog at ang paglalaba ng nanay ni lbarra. Minsan,
gumawa si Ibarra ng isang koronang bulaklak. Inilagay ito
sa ulo ni Maria na kaniyang tinawag na Chloe.
• Napangisi si Maria nang pigain ng nanay ni lbarra ang
korona sa gugong pinangkukuskos sa mga ulo. Umiyak si
Ibarra at nasabi sa nanay na wala siyang pagpapahalaga
sa mga alamat. Sa kanilang paglalakad, hindi sila nag-
imikan. Mangiyak-ngiyak si Maria. "Naisip ko na baka
sumakit ang ulo mo sa init ng araw, kaya ipinagpigtal kita
ng dahon ng sambong na inilagay ko sa iyong sombrero.
Napangiti ka at hinawakan ko ang kamay mo at nagkabati
tayo.”
Inilabas ni ibarra ang tuyong dahon ng sambong na
kaniyang itinago nang pitong taon. Binasa naman ni Maria
Clara ang sulat ni ibarra bago siya umalis patungong
Europa. Nilalaman ng sulat, ayon kay Maria, ang mga
“kasinungalingan” ni Ibarra. Dito rin ipinalam ni ibarra sa
kasintahan ang desisyon ng ama na paaralin siya sa
Europa.
Layon daw ng ama na siya ay magkamit ng
karunungang kaniyang magagamit sa paglilingkod sa
bansang tinubuan. Atubili nga raw siya sa pagsang-ayon
ngunit niyakap siya ng amang may luha sa mata at
namutawi sa labi ang salitang totoong nagpaantig sa
kaniyang puso: na siya ay ihahanda sa isang kinabukasang
magbibigay-ningning sa bayang kinamulatan, isang
bansang dapat pag-ukulan ng pansin at kalinga.
“ Ihinto mo ang pagbasa, Maria”
“Ha? Bakit?”
“Naalala ko,dapat akong umuwi ngayon din. Todos los
Santos na bukas.”
“Tama ka. Hindi kita pipigilan. Sandali lang at ipagpipigtal
kita ng bulaklak para sa magulang mo.”
• Nang makaalis si Ibarra,inutusan ni Kapitan Tiago si
Maria,na luhaan ang mga mata,na ipagtulos ng kandila
ang binata kay San Roque at kay San Rafael para sa
ligtas na paglalakbay.
Kabanata 8: Mga Alaala
Sakay ng kalesa, nagpaikot-ikot si Ibarra sa
Kamaynilaan. Maraming napansin ang binata na dati nang
naroroon: Mga mamamayang sakay sa karuwahe, mga
may kayang nakasakay sa kalesaa at mga magsasakang
nagpapahila sa kareta.
• Dinig na dinig pa rin niya ang ingay sa tindahan sa
restawran at sa mga bahay-paupahan. Naroroon pa rn
ang bako-bakong kalsadang maalikabok kung tag-araw
at maputik naman kung tag-ulan.
Ang kapaligiran ay nagpapapaalalaa kay Ibarra sa
isang nakapangingilabot na karanasan noong siya ay bata
pa. Isang bilanggong pingtambak sa kalsada ang
pinaghahagupit at pinagmumura hanggang sa nanginsay
na napahandusay. Hindi na siya nagmulat ng mga mata.
Nagbulungan ang mga kasamang bilanggo na
sumasaklolo sana.
“ Nawalan na naman tayo ng isang kasama.”
“Ngayon… .siya. Bukas, tayo naman.”
Nagpatuloy sa paglalakabay si ibarra hanggang sa Escolta
na kinatatayuan na ng tila bagong gusali. Sa Arroceros naman
ay nakatayo ang pagawaan ng tabako.
Biglang napansin ni Ibarra ang isang karuwaheng papalapit
na ang sakay ay walang iba kundi ang nakakunot noong si
Padre Damaso. Nakarating din sila sa Malate at Ermita na
kinatatayuan ng nakakaakit na dampang yari sa nipa na
napaliligiran ng mga puno ng buyo. Sa kabukiran, naroon pa rin
ang mga bakang nguyaan nang nguyaan at mga kabayong
masiglang nagdadambahan. Sa Jardin Botanico naman, nakita
ni Ibarra ang magaganda at makukulay na bulaklak na
nagpapaalaala sa kaniya ng mga bulaklak sa Europa.
Nagpatuloy sila sa paglalakbay hanggang sa makarating
sa Bagumbayan, na kilala bilang lugar ng kamatayan. Dito
biglang umalingawngaw sa pandinig ni lbarra ang naiwang
salita ng isang kaibigang matandang pari bago barilin sa
salang insureksiyon.
• Ang sabi ng pari, "Crisostomo, mag-aral kang mabuti at
paunlarin mo ang iyong sarili. Kung may pagkakataon
kang mangibang-bansa ay higit na makabubuti. Ang
karunungan ang siyang tanglaw sa dilim ng
kamangmangan. Sa iyong pagbabalik, gabayan mo ang
iyong mga kababayan. Kailangan nilang sumulong.
Kailangan nilang umunlad."
Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Tungkol sa Bayan
Papunta si Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tiago nang
makita si Tiya Isabel at si Maria Clara na nagsabing kukunin
na niya ang natirang gamit sa beateryo. Lalong nagngitngit
ang pari at naibulong sa sarili na makikita rin balang-araw
kung sino ang mas makapangyarihan.
Nabalisa si Kapitan Tiago sapagkat siya ang binibigyang-
sala ni Padre Damaso sa lakad ng buhay ni Maria Clara.
Samantala, kinausap ni Padre Sibyla ang may sakit na
matandang pari sa kumbento.
"Naparito ako, Reberendo, upang pabulaanan ang
sinasabi nilang kasinungalingan. Hindi totoong masamang
tao si barra. Isa siyang mabuti at may paninindigang
binata."
"Bakit mo nasabi iyan?"
"Ikinuwento ni Padre Sibyla na muntik nang matuloy ang
pag-aaway nina Padre Damaso at lbarra, at ang napipintong
pagpapakasal ng binata kay Maria Clara."
"Aral sa kumbento ng mga madre si Maria Clara at
inaasahan kong kahit mayaman si lbarra ay makikiayon siya
sa mga kinagisnang paniniwala ni Maria Clara upang
maiwasan ang kalungkutan at paghihirap sa buhay
“Tama ka, buong katawan at kaluluwa natin siyang
maaangkin kung magiging masunurin siya sa
mapapangasawa at bibiyenanin. Sa isang banda, mas
makabubuti naman na ideklarang kaaway natin siya. Higit
kong magugustuhan ang atake kaysa papuri ng mga
kaibigang naglulubid ng kasinungalingan."
• "lyan po ba ang paniniwala ninyo? Tandaan mo. Malakas at
makapangyarihan lang tayo habang pinaniniwalaan ng
bayan. Kapag kinalaban na tayo, sasabihin ng gobyerno na
nagiging sagabal tayo sa kalayaan ng bansa. Pero hindi
mangyayari iyan."
• “ Paano po kung magkainteres ang gobyerno? Maaaring
mangyari na may isang Pilipinong mangahas na
imbestigahan ang mga biyayang napupunta sa atin." Kapag
may nagkamaling isa man, kalunos-lunos ang kaniyang
magiging kapalaran." Nagpatuloy sa pagsasalita ang
matandang paring may sakit. may sakit. "Naniniwala akong
marami na ang nakapupuna sa ating kahinaan, ngunit ang
katotohanan ay matatakpan ng pakunwaring papuri. Sa
katunayan, tayo ay kinukutya at hindi malayong darating ang
panahong lalagpak tayo tulad paglagpak natin sa Europa, at
kapag tayo ay tuluyan nang naghirap, hind na natin
mapaniniwala ang lahat."
"Subalit marami pa tayong lupain at bahay-paupahan."
"Lahat ay mawawala tulad ng pagkawala ng mga ari-arian
natin sa Europa. Hindi mo ba napapansin? Nakikita na ng
mga Indio ang ating kasakiman sa pagpapatong ng buwis...
Hindi pa huli ang lahat. Darating din tayo sa oras ng
pagharap sa Panginoon. Kaaawaan niya tayo sa ating
kahinaan. Nagigising na ang bayan."
Naghiwalay ang dalawang pari na dala sa kalooban ang
agam-agam sa unti-unting pagkamulat ng bayan.
Kabanata 10: Ang Bayan ng San Diego
Ang bayan ng San Diego ay sagana sa mga produktong
naeeksport tulad ng kape, asukal, bigas, at prutas, na
naipagbibili minsan nang maaga upang mapagbigyan ang
masamang hilig ng tao.
Mula sa taluktok ng kampanaryo, na naaakyat ng maraming
bata, nakikita ang maraming bagay sa San Diego: ang mga
palayan at lawa, mga hardin na matataniman ng makukulay na
bulaklak, ang mahabang ilog, at ang uugoy- ugoy na tulay na
nag-uugnay sa kabilang ibayo. Makikita rin ang isang gubat na
pinadilim ng matataas na puno at naglalakihang bato na
pinaniniwalaan ng marami na nababalot ng kahiwagaan.
• Isang alamat ang maiuugnay sa gubat na ito. Ayon sa mga
tao, noong panahong ilang dampa pa lang ang nakatirik sa
San Diego, isang mayamang matandang Kastila ang
dumating at namili ng maraming lupain. Isang araw, bigla
na lamang nawala ang Kastila, at hindi naglaon, dinala ng
hangin ang umaalingasaw na amoy na hindi malaman
kung saan nagsimula. Sa paghahanap ng mga pastol,
nakita nila ang naaagnas na bangkay ng matandang
Kastila na nakabitin sa isang punongkahoy.
• Matapos mailibing ang bangkay sa paanan ng
punongkahoy kung saan siya ibinitin, kumalat na ang
kuwentong may nakikitang liwanag at nauulinigang daing
sa lugar ng pinaglibingan. Mula noon, iniwasan na ang
pagdaan sa lugar na iyon. Pagkaraan ng ilang buwan,
dumating ang isang mestisong Kastilang nagngangalang
Don Saturnino na nagpakilalang anak ng namatay.
Nanirahan siya sa lupaing nabili ng ama. Mainitin ang ulo
ng Kastila, ngunit napakasipag sa trabaho hanggang sa
napaunlad nang husto ang kaniyang kabuhayan.
Pinakasalan niya ang isang Manilenya at naging anak nila si
Don Rafael na ama ni Crisostomo lbarra.
• Sa pagsisikap ni Don Rafael Ibarra, umunlad ang
agrikultura at marami na ang nanirahan sa dating
talahiban. Tinayuan ito ng isang kapilya kung saan
naitalaga ang isang katutubong pari.
Tuloy-tuloy ang pag-unlad ng bayan hanggang sa maging
nayon. Nang "mamatay ang katutubong pari, humalili ang
Pransiskanong si Padre Damaso. Sa kabila ng pag-unlad ng
lugar, hindi pa rin nagbabago ang libingan ng matandang
Kastila. Ilang pilyong bata ang naninirador ng mga
nakadapong ibon sa puno. Nagtakbuhan sila sa malaking
takot nang maramdamang mayroon ding nambabato sa
kanila mula sa malaking sanga ng nasabing puno.
Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan
May mga taong itinuturing na makapangyarihan sa San
Diego. Hindi si Don Rafael na tahimik na tao at hindi
namomolitika, hindi si Kapitan Tiago na pinagtatawanan ng
marami sa kaniyang hindi na makatuwirang pabor na
ibinibigay sa simbahan. Hindi rin naman ang alkalde na
hawak sa leeg ng kapitan heneral.
Ang itinuturing na makapangyarihan ay si Padre Salvi at
ang alperes ngunit ang dalawa ay may lihim na hidwaan. Si
Padre Salvi, na humalili kay Padre Camaso bilang kura
paroko ay walang hilig sa pamamalo na hilig naman ni
Padre Damaso; bagkus, para sa kaniya, ang bawat
kasalanan ay may katapat na multa.
Sa bawat misang dinadaluhan ng alperes, pinasasara
niya ang pinto upang hindi makaalis ang una, at nang
maparinggan niya ito sa sermon. Ang alperes naman,
bagamat makapangyarihan, itinuturing niyang kamalasan
ang pagkakaroon ng asawang tulad ni Donya Consolacion,
na laging makapal ang kolorete sa mukha.
• Hindi lingid sa kaalaman ng mga mamamayan ang
paglalasing ng aiperes ang madalas na pag-aaway,
hiyawan at bugbugan, na nakapagpapatawa naman kay
Padre Salvi. "Patay na langaw" naman ang tawag ng
alperes kay Padre Salvi. Sa ganitong kalagayan,
nagbabatian naman ang dalawa.
Kabanata 12: Araw ng mga Patay
Maraming bansa sa mundo na ang mga tao ay lubhang
gumagalang at nagpapahalaga sa mga namatay na mahal
sa buhay, Sa bayan ng San Diego, makikita ang libingan
sa gitna ng palayan. Hindi ito kongkreto, kaya maalikabok
kung tag-araw at bumabaha naman kung tag-ulan
Paminsan-minsan, ang mga kambing at baboy na
gumagala sa libingan ay nanunungkab ng mga nitso.
Makikita sa libingan ang isang malaking krus na kahoy sa
ibabaw ng isang nitso. Sa di kalayuan, makikita ang
dalawang lalaking pawisang-pawisan sa paghukay sa isang
libingan.
"Sa iba na lang tayo magpunta," sabi ng isa. "Sariwang-
sariwa pa ang isang ito. Pare-pareho lang iyan." "Hindi ko
na kaya ito. Dumudugo-dugo pa ang mga buto." "Marami
kang reklamo. Napakaselan mo. Kung ang huhukayin mo ay
katulad ng hinukay kong bangkay, na dalawampung araw pa
lamang nalilibing ay lalo kang aangal. Natanggal pa nga ang
mga pako sa kabaong kaya muntik nang lumabas ang
kalahati ng bangkay. Umaalingasaw na nga ito pero pinasan
ko upang makayang dalhin.
Kinalabutan ang kausap. "Pero bakit mo hinukay?
" Inutusan ako ng matabang paring Kastila na hukayin ang
bangkay at ito ay ilibing sa sementeryo ng mga Intsik. Pero
hindi ko ito nagawa sapagkat masyadong mabigat ang
bangkay."
"Ayoko na!" sabi ng naghuhukay na patalong lumabas sa
hukay. Dumami na ang mga tao. Isang pandak na
matandang lalaki ang pumasok sa sementeryo. Palinga-
linga. Parang may hinahanap.
“Hoy! May nakita ka bang bungo na kasimputi ng laman ng
niyog at Kumpleto ang ngipin?" tanong niya sa sepulturero.
"Bungo ng asawa ko ang hinahanap ko."
Ininguso ng sepulturero ang lupang nakaumbok. "Kung
wala roon, hindi ko na alam."
"Magsabi ka ng totoo. Heto, bibigyan pa kita ng pera."
Hindi rin nakita ang bungong hinahanap hanggang sa
lumabas ang dalawa sa sementeryo
Kabanata 13: Unang Babala ng Sigwa
Dumating si lbarra at isang utusan sa sementeryo.
Malalim ang kaniyang inisip at hindi pansin ang mga taong
nakatingin sa kaniya. Dumiretso sila sa libingang hinahanap,
ngunit ito ay hindi na nila nakita.
Nagtanong sila sa tagahukay kung nasaan ang libingan
na may malaking krus at maraming halamang nakapaligid
dito. Ayon sa tagahukay, ipinag-utos ng matabang pari ang
pagsunog sa krus at paglilipat sa bangkay sa sementeryo
ng mga Intsik.
“ Napakabigat ng bangkay,” sabi ng tagahukay, “kaya
nagpasya akong ipaanod na lang ito sa rumaragasang
ilog.”
Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra.
Niyuogyog ang tagahukay sa matinding galit.
“At nakuha mong gawin iyon?” paninisi nito.
“Huwag po kayong magalit sa akin,Ginoo. Mas mabuti pa na
itapon ko ang bangkay sa ilog kaysa ilibing siya sa mga
libingan ng mga hindi binyagan.”
Dali-daling tumalikod si ibarra at patuloy na naglakad
patungo sa kanilang dating tirahan hanggang sa matanaw ito.
Nandoon pa rin ang mga cactus na nakapaligid sa bahay,ang
mga puno ng ilang-ilang at mga kalapating nagliliparan sa
hardin.
Papalapit na si uibarra sa kanilang tirahan nang matanaw
niya ang isang payat na paring kastila naglalakad. Ito ay si
padre Salvi. Biglang naalaala ng binata ang
ka;apastanangang ginawa sa bangkay ng kaniyang ama.
Sinugod niya ang pari at diniinan ito sa balikat.
“Ano ang ginawa mo sa ama ko?’nanginginig sa galit na
tanong ng binata.
Takot na takot ang pari na napaluhod sa lakas ng
pagkakadiin sa kaniyang balikat at sa pagkapahiya sa
maraming tao.
“Anong kalaspatanganan ang ginawa mo?” paulit-ulit na
tanong ni Ibarra.
“Hindi ako. Maniwala ka. Wala akong ginawang masama sa
ama mo,’ pagmamakaawa ng pari.
‘Hindi ikaw?”
“Si Padre Damaso na hinalinhan ko. Siya ang nagpahukay sa
bangkay ng ama mo upang ilipat sa sementeryo ng mga intsik.”
Kaagad lumisan si Ibarra. Tinulungan namang tumindig ng
utusan si Padre Salvi.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong batay sa binasang
mga kabanata ng nobela.
1.Ano ang maaring mahinuha sa biglang pagdadalangtao ni
Donya Pia pagkatapos payuhan ni Padre Damaso na
magsayaw sa Obando?
2. Paano pinatunayan ni Ibarra at ni Maria Clara ang tunay na
pagmamahalan sa kabila ng maraming taong pagkakalayo?
3. Ano ang kahalagahan at kabuluhan ng sinabi ng pari sa
Bagumbayan sa sumusunod pang mga araw sa buhay ni
ibarra? Liban sa pari, sino pa ang nakapagbigay ng inspirasyon
sa kaniya sa pagbuo ng mahahalagng desisyon sa kaniyang
buhay? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4.Sang-ayon ka ba na ang edukasyon at pag-unald ng
kaalaman ay kailangan upang makamit ang tunay na
kalayaan ng bansa? Pangatwiranan ang iyong sagot.
5. Sa pag-uusap ng dalawang pari sa kumbento,ano ang
ikinabahal ng matandang paring may sakit? Ano sa palagay
mo ang magiging wakas ng buhay ng mga prayle,na sila
mismo ay umaamin sa sariling pagmamalabis,pang-aabuso
sa kapangyarihan at kasakiman? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
6.Anong alamat ang nanantiling buhay sa kaisipan ng mga
taga San Diego? Isalaysay mo ito sa sariling pananalita.
7. Ano ang mahalagang kaalamang ibinunyag ng dalawang
tagahukay sa kanilang pag-usap?
8.Bakit nasabing “babala ng sigwa” ang pangyayari sa
sementeryo at ang pagtatagpo nina Ibarra at Padre Salvi?
• Pagpapahalagang Pangkatuhan
Sagutin !
1.Paano makatulong ang mga karanasan sa pagbuo ng mga
desisyon sa buhay?
2. Paano magagamir ang karunungan sa pakikibaka sa mga
sigwa ng buhay,tulad ng karalitaan at iba pang suliranin sa
lipunan?
3.Bakit kailangan ang matibay na pananalig sa Maykapal sa
panahon ng pagdurusa at pagkabalisa?

You might also like