You are on page 1of 18

Aralin 4

Sektor ng Paglilingkod
Ano ba ang Paglilingkod?

 Ang PAGLILINGKOD ay ang pagbibigay ng ng


paglilingkod sa halip na bumuo ng produkto.
Sektor ng Paglilingkod
 Sinasabing ang kaunlarang  Ito rin ang sektor na
pang-ekonomiya ay umaalalay sa buong yugto
nasasalamin sa paglawak at ng produksyon,
pag-unlad ng kakayahan ng
mga kasapisa lipunan na
distribusyon, kalakalan, at
lumikha ng iba’t ibang kalakal pagkonsumo ng mga
at paglilingkod na tumutugon produkto sa loob at labas
sa pangangailangan ng tao. Ito ng bansa.
ang sektor nanagbibigay-
paglilingkod sa transportasyon,
komunikasyon, media,
pangangalakal, papanalapi
paglilingkod sa pamahalaan, at
turismo.
Sub-sektor ng Paglilingkod
 Pananalapi  Panlipunan
 Insurance  Personal
 Komersiyo
 Real estate
 Kalakalang pakyawan at
pagtitingi
 Transportasyon
 Pag-iimbak
 Komunikasyon
 Paglilinkod na
pampamayanan
Pormal na industriyang bumubuo sa sektor ng
paglilingkod ay ang sumusunod:

 Transportation, Komunikasyon, at mga Imbakan


 Kalakalan
 Pananalapi
 Paupahang Bahay at Real Estate
 Paglilingkod ng Pampribado
 Paglilingkod ng Pampubliko
Ang mga Manggagawang Pilipino
sa Sektor ng Paglilngkod
 Taglay ng mga manggagawa ang mataas na na antas na
katangian ng isang mahusay na tagapaglingkod. Sila ay
masipag, malikhain, matiyaga, at nakakatulong nang
malaki upang umangat sa larangan ng paglilingkod.
 Ag pagmamalasakit ng mga manggagawang Pilipino sa
kanilang pamilya ang nagtutulak sa kanila na pumunta sa
ibang bansa upang doon magtrabaho. Sa katunayan, ayon
sa pinakahuling datos ng NSCB mahigit 2.04 milyong
OFWs o tinatayang 2% ng kabubuang populasyon ng
Pilipinas ang umalis ng bansa noong taong 2010 para
magtrabaho.
Mga Ahensiyang Tumutulong sa Sektor ng
Paglilingkod
 Department of Labor & Employment (DOLE)- nagsusulong
ng malalaking pagkakataon para sa pagtatrabaho, humuhubog
sa kakayahan ng mga manggagawa, nangangalaga sa
kapakanan ng mga manggagawa, at nagpapanatili sa kaayusan
at kapayapaan sa industriya ng paggawa ng bansa.
 Overseas Worker Welfare Administration (OWWA)- ahensiya
ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga OFW.
 Philipine Overseas Employment Administration (POEA)-
itinatag sa bisa ng Executive Order 797 noong 1982 na may
layuning isulong at paunlarin ang mga programa ukol sa
paghahanapguhay ng ibayong-dagat at pangalagaan ang
kapakanan ng mga OFW.
 Technical Education and Skills Development Authority
(TESDA)- itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong
1994. isinulong ng batas na ito na hikayatin ang buong
partisipasyon ng industriya, paggawa, mga lokal na
pamahalaan, at mga institusyong teknikal at bokasyonal
upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga
manggagawa sa bansa.
 Professional Regulation Commission(PRC)- nangangasiwa
at sumusubaybay sa gawain ng mga manggagawang
propesyonal upang tiyak ang kahusayan sa paghahatid ng
mga serbisyong propesyunal sa bansa.
 Commission on Higher Education(CHED)- nangangsiwa
sa gawain ng mga pamantasan at kolehiyo sa bansa upang
maitaas ang kalidad ng edukasyon sa mataas na antas.
Mga Batas na Nangangalaga sa
mga Karapatan ng Manggagawa
 Arikulo XIII Katarungang panlipunan at mga
karapatang pantao paggawa- Sek. 3. dapat
magkaloob ang estado ng lubos na proteksyon sa
paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat,
organisado at di organisado, at dapat itaguyod
ang puspusang employment at pantay na mga
pagkakataon sa trabaho/empeyo para sa lahat.
Handbook na mula sa Bureauof
Working Conditions ng DOLE
 Republic Act No. 6727 (Wage Rationalization Act)-
nagsasaad ng mga mandato para sa pagsasaayos ng
pinakamababang pasahod o minimum wage sa naaangkop sa
ba’t ibang pang- industriyang sektor.
 Dagdag na Bayad tuwing Pista Opisyal(Holiday Pay –
Artikulo 94)- tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa na
katumbas ng isang araw sa sahod kahit hindi pumasok sa
araw ng pista opisyal.
 Dagdag na Bayad tuwing Araw ng Pahinga o Special Day
(Premium Pay – Artikulo 91-93)- karagdagang bayad sa
manggagawa sa loob ng walong oras na trabaho sa araw ng
pahinga at special days.
 Dagdag na Bayad para sa Trabaho ng Lampas sa Walong
Oras (Overtime Pay – Artikulo 87) – karagdagang bayad
sa pagtatrabaho ng lampas sa walong oras sa isang araw.
 Dagdag na Bayad sa Pagtatrabaho sa Gabi(Night Shift
Differential – Artikulo 86) – karagdagang bayad sa
pagtatrabaho sa gabi na hindi bababa sa 10% ng kaniyang
regular na sahod sa bawat oras na ipinagtrabaho sa
pagitan ng ikasampu ng gabi at ikaanim ng umaga.
 Service Changes (Artikulo 96) – ang bawat manggagawa
sa isang establisimyento o kahalintulad nito na
kumokolekta ng service changes ay may karapatan sa
isang pantay o tamang bahagi sa 85% sa kabuuang
koleksyon.
 Service Incentive Leave(SIL – Artikulo 95) – ang
bawat manggagawa na nakapaglilingkod nang hindi
bumababa sa 1 taon ay dapat magkaroon ng
karapatan sa taunang SIL sa 5 araw na may bayad.
 Maternity Leave (RA 1161, as amended by RA
8282)- ang bawat nagdadalang-taong manggagawa
na nagtatrabaho sa pribadong sektor, kasal man o
hindi, ay makakatanggap ng maternity leave na 60
na araw para sa normal sa panganganak; 78 na araw
para sa panganganak sa pamamagitan ng caesarian
section, kasama ang mga benipisyong katumbas ng
100% ng humigit kumulang sa arawang sahod ng
manggagawa na makapaloob sa batas.
 Paternity Leave (RA 8187) – maaaring magamit ng empleyadong
lalaki sa unang 4 na araw mula ng manganak ang legal na asawa na
kaniyang kapisan.
 Parental Leave para sa Solong Magulang (RA 8972) –
ipinagkakaloob sa sinumang solong magulang o sa indibidwal na
napagiwanan ng responsibilidad ng pagiging magulang.
 Leave para sa mga Biktima ng Pang-Aabuso Laban sa Kababaihan
at kaniyang mga Anak ( Leave for Victims of Violence Against
Women and their Children – Ra 9262)- ang mga babaeng
empleyado na biktima ng pang-aabusong pisikal, seksuwal,
sikolohikal, o anumang uri ng paghihirap, kasama na rin dito ang
hindi pagbibigay ng sustento, pagbabanta, pananakit, harassment,
pananakot, at hindi pagbibigay ng kalayaang makisalamuha o
makalabas ng tahanan mula sa kaniyang asawa, dating asawa o
kasintahan ang may karapatang gumamit ng leave na ito.
 Special Leave para sa Kababaihan(RA 9710)- kahit sinong
babae manggagawa anoman ang edad at estadong sibil, ay
may karapatan sa special leave benefit kung ang
empleyadong babae ay mayroong gynecological disorder sa
sinertipikahan ng isang competent physician.
 Thirteenth Month Pay(PD 851)- lahat ng empleyo ay
kinakailangang magbayad sa lahat ng kanilang rank-and-
file employees ng 13th month pay anumang estado ng
kanilang pagkakaempleyo at anoman ang paraan ng
kanilang pagpapasahod.
 Bayad sa Paghihiwalay sa Trabaho(Separation Pay -
Artikulo 297-298)- kahit sino mang manggagwa ay may
karapatan sa separation pay kung siya ay nahiwalay sa
trabaho sa mga dahilan na nakasaad sa Artikulo 297 at 298
ng Labor Code of the Philippines.
 Bayad sa Pagreretiro (Retirement Pay – Artikulo 3015)- ang
sinumang manggagawa na maaaring iretiro sa sandaling umabot
siya sa edad na 60 yrs – 65 yrs old at nakapaglilingkod na ng
hindi kukulangin sa limang taon.
 Benepisyo sa Employees’ Compensation Program (PD 626)-
isang programa ng pamahalaan na dinisenyo upang magbigay ng
isang compensation package sa mga manggagawa o dependents
ng mga manggagawang nagtatrabaho sa pampumbiko at
pribadong sektor sakaling may kaganapang pagkakasakit na may
kaugnayan sa trabaho, pinsala, kapansanan, o kamatayan.
 Benepisyo sa PhilHealth(RA 7875, as amended by RA 9241)-
ang National Health Insurance Program (NHIP), ay isang health
insurance program para sa mga kasapi ng SSS at sa kanilang
dependents kung saan ang walang sakit ay tumutulong sa
pananalapi sa may sakit, na maaaring mangangailangan ng
pinansyal na tulong kapag sila ay na-ospital.
 Benepisyo sa Social Security System(SSS)(RA 1161, as
amended by RA 8282)- nagbibigay ng isang pakete ng
mga benepisyo sa pagkakataon ng kamatayan,
kapansanan, pagkakasakit, pagiging ina, at katandaan ng
empleyado.
 Benepisyo sa Pag-IBIG(RA 9679)- ang Home
Development Mutual Fund, na kilala bilang Pag-IBIG
Fund ay isang mutual na sistema nang pag-iimpok at
pagtitipid para sa mga nakaempleyo sa pribado at
pamahalaan at sa iba pang grupo na kumita, na suportado
sa pamamagitan ng parehas na ipinag-uutos na mga
kontribusyon ng kani-kanilang mga may-pagawa na ang
pangunahing investment ay pabahay.
Pinakamahalagang Karapatan ng mga Manggagawa
ayon sa International Labor Organization

 1. Ang mga manggagawa ay may karapatan sumali sa mha


unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at
tagapangasiwa.
 2. Ang mga manggagawa ay may karapatang
makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
 3. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo
na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan.
Bawal ang trabaho bunga ng pamimilit o ‘duress’.
 4. Bawal ang mabigat na anyo ng trabahong pangkabataan.
 5. Bawal ang lahat na mga anyo ng diskiminasyon sa
trabaho; pantay na sweldo para sa parehong trabaho.
 6. Ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat
walang panganib at ligtas sa mga manggagawa.
Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat
walang panganib at ligtas.
 7. Ang sweldo ng manggagawa ay sapat at
karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.

You might also like