You are on page 1of 5

MGA BENEPISYO NG MGA MANGGAGAWA

Republic Act no. 6727 (Wage Rationalization Act)


- Nagsasaad ng mga mandato para sa pagsasaayos ng
pinakamababang pasahod o minimum wage na naaangkop sa ibat
ibang pang-industriyang sector na kinabibilangan ng sumusunod:
hindi pang agrikultura, plantasyong pang-agrikultura at di-
pamplantasyon, cottage/sining sa pagyari sa kamay, at
pagtitingi/serbisyo, depende sa bilang ng mga manggagawa o
puhunan o taunang kita sa ilang mga sector.

Holiday Pay – Artikulo 94 (Dagdag na bayad tuwing pista


opisyal)
- tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa na katumbas ng isang
araw na sahod kahit hindi pumasok sa araw ng pista opisyal.

Premium Pay – Artikulo 91-93 (Dagdag na bayad tuwing araw


ng pahinga o special day)
- karagdagang bayad sa mga manggagawa sa loob ng walong oras
na trabaho sa araw ng pahinga at special days.

Overtime Pay – Artikulo 87 (Dagdag na bayad para sa trabaho


ng lampas saw along oras)
- karagdagang bayad sa pagtatrabaho na lampas saw along oras
sa isang araw.

Night Shift Differential – Artikulo 86 (Dagdag na bayad sa


pagtatrabaho sa gabi)
- karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa gabi na hindi bababa sa
sampung porsiyento ng kaniyang regular na sahod sa bawat oras
na ipinagtrabaho sa pagitan ng ikasampu ng gabi at ikaanim ng
umaga.
Artikulo 96 (Service Charges)
- lahat ng manggagawa sa isang establisimyento o kahalintulad nito
na kumukolekta ng service charges ay may karapatan sa isang
pantay o tamang bahagi sa walumpu’t limang porsiyento o
bahagdan na kabuuang koleksyon.

SIL – Artikulo 95 (Service Incentive Leave)


- ang bawat manggagawa na nakapaglingkod nang hindi
kukulangin sa isang taon ay dapat magkaroon ng karapatan sa
taunang service incentive leave (SIL) na limang araw na may
bayad.

RA 1161, as amended by RA 8282 (Maternity Leave)


- ang bawat nagdadalang-taong manggagawa na nagtatrabaho sa
pribadong sector, kasal man o hindi, ay makatatanggap ng
maternity leave na animnapung araw (60) para sa normal na
panganganak o pagkakunan; o pitumpu’t walong araw para sa
panganganak sa pamamagitan ng caesarian section, kasama ang
mga benipisyong katumbas ng isang daang porsyento ng humigit
kumulang na arawang sahod ng manggagawa na nakapaloob sa
batas.

MGA BATAS NA NANGANGALAGA SA SEKTOR NG


PAGLILINGKOD
Paternity Leave (RA 8187)
- maaaring magamit ng empleyadong lalaki sa unang apat na araw
mula ng manganak ang legal na asawa na kaniyang kapinsan; para
sa layuning ito, ang “pakikipagpisan” ay tumutukoy sa obligasyon
ng asawang babae at asawang lalaki na magsama sa iisang
bubong.
RA 8972 (Parental leave para sa solong magulang)
- ipinagkakaloob sa sinumang solong magulang o sa indibidwal na
napag-iwanan ng responsibilidad ng pagiging magulang.

Leave for Victims of Violence Against Women and their


Children – RA 9262
- ang mga babaeng empleyado na biktima ng pang-aabusong
pisikal, seksuwal, sikolohikal, o anumang uri ng paghihirap,
kamasama na rin dito ang hindi pagbibigay ng sustento,
pagbabanta, pananakit, harassment, pananakot, at hindi
pagbibigay ng kalayaang makisalamuha o makalabas ng tahanan
mula sa kaniyang asawa, dating asawa o kasintahan ang may
karapatang gumamit ng leave na ito.

RA 9710 (Special Leave para sa Kababaihan)


- kahit sinong babaeng manggagawa, anoman ang edad at
estadong sibil, ay may karapatan sa special leave benefit na may
tagal na dalawang buwan kung ang empleyadong babae ay
mayroon gynecological disorder (tumutukoy sa sakit sa ari ng
kababaihan) na sinertipikahan ng isang competent physician.

PD 851 (Thirteenth-month pay)


- lahat ng employado ay kinakailangang magbayad sa lahat ng
kanilang rank-and-file employee ng thirteenth-month pay, anumang
estado ng kanilang pagkakaempleyo at ano man ang paraan ng
kanilang pagpapasahod. Kinakailangan lamang na sila ay
nakapaglingkod nang hindi bababa sa isang buwan sa isang taon
upang sila ay makatanggap ng proportionate thirteenth-month pay.
Ang thirteenth-month pay ay ibinibigay sa mga empleyado nang
hindi lalagpas ng ika-24 ng Disyembre bawat taon.
Separation Pay – Artikulo 297-298 (Bayad sa paghiwalay sa
trabaho)
- kahit sino mang manggagawa ay may karapatan sa separation
pay kung siya ay nahiwalay sa trabaho sa mga dahilan na
nakasaad sa Artikulo 297 at 298 ng Labor Code of the Philippines.

Retirement Pay – Artikulo 3015 (Bayad sa Pagreretiro)


- ang sinumang manggagawa ay maaaring iretiro sa sandalling
umabot siya sa edad na animnapung taon hanggang animnapu’t
limang taong gulang at nakapaglilingkod na ng hindi kukulangin sa
limang taon.

PD 626 (Benepisyo sa Employees Compensation Program)


- isang programa ng pamahalaan na dinisenyo upang magbigay ng
isang compensation package sa mga manggagawa o dependants
ng mga manggagawang nagtatrabaho sa pampubliko at
pampribadong sector sakaling may kaganapang pagkakasakit na
may kaugnayan sa trabaho, pinsala, kapansanan, o kamatayan.

RA 7875, as amended by RA 9241 (Benepisyo sa PhilHealth)


- ang National Health Insurance Program (NHIP), dating kilala
bilang Medicare, ay isang health insurance program para sa mga
kasapi ng Social Security System (SSS) at sa kanilang dependents
kung saan ang walang sakit ay tumutulong sa pananalapi sa may
sakit, na maaaring mangangailangan ng pinansiyal sa tulong kapag
sila ay na-ospital.

RA 1161, as amended by RA 8282 (Benepisyo sa Social


Security System)
- nagbibigay ng isang pakete ng mga benepisyo sa pagkakataon ng
kamatayan, kapansanan, pagkakasakit, pagiging ina, at katandaan
ng empleyado. Ang SSS ay nagbibigay bilang kapalit sa nawalang
kita dahil sa mga nabanggit na contingencies.

RA no. 9679 (Benepisyo sa Pag-IBIG)


- ang Home Development Mutual Fund, nakilala bilang Pag-IBIG
(Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya sa
Gobyerno) Fund ay isang mutual na sistema ng pag-iimpok at
pagtitipid para sa mga nakaempleyo sa pribado at pamahalaan at
sa iba pang grupo na kumikita, na suportado sa pamamagitan ng
parehas na ipinag-uutos ng mga kontribusyon ng kani-kanilang
mga may-pagawa na ang pangunahing investment ay pabahay.

Karapatan ng Manggagawa ayon sa International Labor


Organization
1. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon
na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at
tagapangasiwa.
2. Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo
bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
3. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang
mapang-ali[ing trabaho at trabahong pangkulungan.
4. Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataasn.
5. Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskriminasyon sa trabaho:
panatay na sweldo sa pare-parehong trabaho.
6. Ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib
at ligtas sa mga manggagawa. Pati na rin ang kapaligiran at oras
ng pagtatrabaho.
7. Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa
makataong pamumuhay.

You might also like