You are on page 1of 2

1. Malaki ang papel na ginagampanan ng industriya ng ekonomiya ng ating bansa.

Alin sa mga sumusunod ang


nagpapakita ng gampanin nito?
a. pagkakaroon ng iba’t-ibang paglilingkod batay lamang sa pansariling interest ng manggagawa
b. pag-aangkat ng ating bansa sa mga produkto sa ibang bansa kay sa gumawa ng sariling produksyon
c. pagkakaroon ng maraming manggagawa para magkaroon ng malaking kita ang mga may-ari ng negosyo
d. paggamit ng makabagong teknolohiya at makina para mapadali at mapataas ang produksyon at serbisyo
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng sektor ng agrikultura at sektor ng industriya?
a. Ang agrikultura ay ang pinanggagalingan ng pangkabuhayan ng mga mahihirap na mamaman.
b. Nasa agrikultura nagmumula ang lakas ng mga tao para makagawa sa mga gawaing pang-industriya.
c. Nasa agrikultura nagsisimula ang mga hilaw na ipoproseso o imamanupaktura para makabuo ng tapos na
produkto.
d. Walang kaugnayan ang dalawang sektor sapagkat mag-iba ang kahalagahan at ang ginagampanan nito sa
bawat sektor ng lipunan.
3. Ang Filipino First Policy ay itinaguyod sa panahon ni dating Pangulong Carlos P. Garcia na naglalayon na
____________ para sa ikauunlad ng ekonomiya ng bansa.
a. tangkilikin ang produktong dayuhan c. tangkilikin ang mga produktong mamahalin
b. tangkilikin ang produktong sariling atin d. tangkilikin ang mga imported na mga produkto
4. Ang turismo ay isa sa mga sektor ng paglilingkod na katutulong sa ekonomiya ng ating bansa
sapagkat___________.
a. maliit na pera lamang ang naiaambag ng turismo sa ating bayan
b. nagkakaroon ng pangkabuhayan ang mahihirap na mamamayan
c. marami ang dayuhan ang magbakasyon para masaksihan ang magagandang tanawin
d. kumikita ang bansa sa pamamagitan ng mga buwis at nakikilala ang mga magagandang tanawin
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng patakaran ng pamahalaan na Salary
Standardization Law?
a. nagkakaroon ng malalaking sweldo ang mga taong kilala ng ma-ari ng kompanya
b. binibigyan ng pamahalaan ng subsidiya ang mga manggagawa para makatulong sa pamilya
c. nagkakaroon ng pantay na kabayaran para sa pantay na paggawa at batay sa pagkakaiba ng gawain
d. nabibigyan ng prebelihiyo ang mga manggagawa kung ito ay aalis sa kompanya kahit ilang buwan lamang
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng isang impormal na sektor?
a. maunlad na pamumuhay ng mamamayan
b. naninirahan sa subdibisyon at apartments
c. mga taong mahihirap na naninirahan sa lansangan
d. mga lugar na may digmaan at kaguluhan na nakaapekto sa pangkabuhayan
7. Bakit nagkakaroon ng impormal na sektor ng ekonomiya ng ating bansa?
a. may sapat na edukasyon ang bawat mamamayan
b. dahil maraming tulong ang natatanggap sa pamahalaan
c. dahil naging maunlad ang pamumuhay ng mamamayan
d. walang sapat na kapital para makasabay sa malalaking negosyante
8. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya at makinarya ay nakatutulong upang ___________ ang mga
gawain at nakapagpapataas ng produksyon n gating industriya.
a. mapabagal b.mapadali c. mapaunlad d. maubos
9. Ang pagkakaroon ng Oil Deregulation Law ay nakatutulong dahil ito ay_________________.
a. makapagbigay ng malaking kita ng mga negosyante at makapagbigay ng malaking buhis
b. walang magandang maidudulot sa ekonomiya ng ating bansa kahit magkano man ang presyo nito
c. makaiwas ang pamahalaan para makapagbigay ng subsidiya sa mga negosyante kung magtaas ang presyo
d. makapaglaan ng malaking pundo sa mga programang gustong gawin ng pamahalaan para sa mamamayan
10. Ang paglilingkod sa mass media ay nakatutulong sapagkat ito ay __________ ng ating bayan.
a. naghahatid ng balita b. nagpapakita ng kahirapan c. nagtataguyod sa mga kapatan d. wala sa lahat

II. Tukuyin Natin. Piliin sa kahon ang wastong salita upang mabuo ang wastong pangungusap. Isulat ang sagot
sa patlang na nakalaan sa bawat pangungusap.

Herera Law hilaw kaginhawaan walang permiso


kahirapan walang rehistro iniluwas na mga produkto gampanin
serbisyo ng pamahalaan insurance at investment business processing outsourcing pagkakaisa
11. Ang agrikultura ang pinanggalingan sa mga hilaw na material na iproproseso o imanupaktura ng
industriya para makabuo ng isang tapos na produkto.
13. Tumutukoy ang impormal na sektor ng ekonomiya sa mga pamumuhunan na walang rehistro sa
pamahalaan at walang lisenya sa mga negosyo.
14. Ang kawalan ng hanap-buhay ay nagdudulot ng sobrang ___________ sa mga mamamayan kaya marami sa
kanila ang pumasok sa mga iba’t-ibang gawain.
15. Nakapagpapasok ng dolyar sa bansa dahil sa mga ______________ tulad ng mga semiconductor at
electronic product, niyog at iba pang produkto papunta sa iba’t-ibang bansa.
16. Ang pagbili ng mga produkto o serbisyo sa mga online store ay maaaring sanhi ng mataas na lebel ng
_____________ na mabibili kahit nasa loob lang ng bahay.
17. Ang ________________ ay paglilingkod na inilaan ng kawani ng gobyerno para mapagsilbihan ang
bawat mamamayan.
18. Ang banking ay isa sa mga paglilingkod sa pamamagitan ng _______________ para sa mga mamamayan.
19. Marami ang nabibilang sa impormal na sektor dahil sa _____________ ang kanilang mga negosyo upang
umiwas sa mga gastusin.
20. Malaki ang kahalagahan na bumuo ng mga patakaran sa ______________ dahil sa pagtaas ng paglilingkod
na ibinibigay ng mga kompanya tulad ng call center.

III. Venn Diagram. Gamit ang diyagram, ihambing ang kaugnayan at kahalagahan ng sektor agrikultura at
industriya tungo kaunlaran ng pangkabuhayan.
21-30. (10 puntos)

AGRIKULTURA INDUSTRIYA
Kaunlaran
ng
Pangkabuhayan

II. Pagpapalalim ng Kaalaman


Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Bawat bilang ay may tiglilimang puntos.
31. Ano ang iyong gawin para makatutulong sa sektor ng industriya para sa maunlad na pamumuhay?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
32. Bilang isang mag-aaral, paano nakatutulong ang kooperatiba upang maisakatuparan ang tungkulin ng
paglilingkod?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

You might also like